Clíodhna Samaniego (Inamorata...

By AUTHOR_JUAN

3.1K 259 149

Clíodhna once lived with the man she thought she'd spend the rest of her life with. Hindi naglaon, naging col... More

Clíodhna Samaniego
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Illustration
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26

Kabanata 22

85 10 10
By AUTHOR_JUAN

Kabanata 22

Hindi pa man humahalik ang liwanag ng bukang-liwayway ay bumangon na ako at naligo. Lunes ngayon at pinahadong traffic na naman sa SLEX. I only wear my black Burberry oversized hoodie at nagsuot lang ako ng dolphin shorts. I am comfortable wearing them, but I bet my father would show me his forbidding expression if he saw me now.

Napailing na lang ako sa naisip. Isinukbit ko sa kaliwang braso ang duffel bag at tahimik na isinarado ang pinto ng kuwarto. The lights were all still off, indicating that everyone was still asleep. Ang liwanag lang mula sa dulo ng hallway ang ginawa kong gabay para makapaglakad ako at hindi nangangapa sa dilim. Sinabihan ako kagabi ni mommy na ipahahatid niya ako ngunit ayaw kong makaabala kaya ako na lang ang magda-drive para sa sarili.

I inserted my earpods in my ear and selected relaxing music as I strided my feet on the grand staircase, but I halted from stepping when I saw my father sitting on the white single sofa. Medyo basa pa ang buhok at nakadekuwatro siya. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay base sa itsura na.

Nagmulat siya ng mata nang makababa na ako at papalapit na sa kanya.

"Good morning, Dad," I awkwardly said. "Maaga po kayong nagising?"

"Morning..." He replied in his rough voice. Tumayo siya at walang imik na kinuha ang duffel bag mula sa akin. Napanganga na lang ako sa pagtataka. "I will drive for you. Let's go..."

Nagtataka man ay sumunod ako sa kanya. Hindi maiwasang magdiwang ng puso ko dahil nagiging caring na ulit siya. Marahil ay may kinalaman ito sa pakikipagrelasyon ko kay Matteo. Boto sila sa kanya kaya maayos na ang pakikitungo niya sa akin.

Gusto kong i-angkla ang kamay ko sa braso niya gaya ng nakagawian ko noong dalaginding pa lang ako ngunit pinigilan ko ang sarili. Baka kasi ayaw ni Daddy at isipin niyang feeling close na ako.

Isinantabi ko ang pagsi-self-pity dahil walang pupuntahan iyon. Nagpapasalamat na lang ako na kasama ko siya ngayon. Wala kaming imikan kahit noong nasa biyahe na kami.

We even drive-in to a 24-hour fast food chain for our breakfast.
 
"Iyon pa rin ba ang breakfast mo?" His face is still serious but I could tell he is not frowning now.

"Opo, dad."

Sinabi nga niya sa intercom ang nakagawiang agahan ko kasama ang order niya. Tahimik ulit siya noong kinuha na niya ang pagkain sa dine-out counter.

"Thank you, Dad." I smiled when he handed me the fruit and maple oatmeal.
 
He smiled a bit saying, "Careful it's still hot."
 
"Paano ka po?" tanong ko dahil nag-drive na siya ulit. Hindi niya ako nilingon, nag-focus lang siya sa daan.

"Let me sip the coffee," mahina niyang sabi. Nahihiya pa ang daddy kong mag-utos. Dati ay sobrang komportable kami sa isa't-isa. I'm her princess and he was my King.

I blew the coffee first. Medyo inangat ang puwetan ko at iniumang sa kanya ang mainit na kape. Sumimsim siya ng marami at ngumiti. "Thank you, h-honey," he said awkwardly.

I bite my inner lips, trying to hide my smile from him. Tumingin ako sa labas. Ganoon lang kami hanggang sa makarating kami sa Makati. Tahimik, hindi nag-uusap ngunit walang malamig na ere sa pagitan namin.

Akma ko nang bubuksan ang pinto ng kotse ko nang magsalita siya.

"Are you happy with Matteo?"

Lumingon ako sa kanya. I smiled. "Very, dad."

I noticed him swallow a large lump in his throat. "Sinagot mo ba siya dahil mahal mo siya o —" He paused for a moment, then sighed. "O sinagot mo dahil gusto namin siya para sa 'yo?"

Nagulat ako dahil sa tanong niya. Pinaglaruan ko ang strap ng duffel bag. "Sinagot ko po siya dahil mahal ko po, Dad. Huwag po kayong mag-alala. Natuto na po ako. Hindi na po ako magdadala ng kahihiyan sa pamilya." I opened the door and stepped out of the car.

Gusto kong intindihin ang mga masasakit na salita niya sa akin. Anak niya ako, alam kong para sa ikabubuti ko ang lahat ng lalabas sa bibig niya, masakit man o hindi.

"Honey..." I heard him called me. Kaytagal kong inasam na tawagin niya ulit ako na ganoon. "Always take care, okay?"

Hindi ko siya nilingon. I simply wave my hand at him. Pagod kong ibinagsak ang dala kong bag sa kuwarto nang makapasok ako. It's still six o'clock in the morning, and the sun isn't shining. Mukhang uulan pa yata dahil madilim ang kalangitan. Natulog pa ako ngunit nagising ako sa sunud-sunod na ring ng aking mobile phone.

"Yes?" I said it groggily. Nakapikit pa at hindi inabala ang sarili na tingnan kung sino ang tumatawag.

"Honey, did your dad send you back to your unit?"
 
It was my mom's sweet and gentle voice. 
 
"Opo," mahina kong sagot.

I heard her sighed on the other line, but she giggled after. "Good thing he sent you."

"Bakit po?"

"Honey, me and your dad were supposed to go for a morning run. Nakalimutan niya yata at baka nag-alalang pupuslit ka kaya gumising ng maaga para hintayin ka at ihatid sa Manila."

Narinig ko rin ang hagikgik din ni Nanay Maring. "Tingnan mo, magkakasundo na ulit ang mag-ama mo sa mga susunod na araw."

"Sana nga, Nanay. Sana nga... Honey are you still there?"

"Yes po," I responded, my eyes still closed.

"Inihatid mo ba sa sakayan ang daddy mo?"

Naumid ang dila ko. Napapikit ako ng mariin. Nakita kong bumaba siya sa parking lot kanina noong sinilip ko siya at nakayukong naglakad palabas. Hindi alam ni Daddy ang pasikut-sikot dito sa Makati. Matagal na panahon siyang hindi nakapunta ng Manila. Gusto kong sabunutan ang aking sarili.

I'm really selfish, and I wanted to slap my face.

I heard my mom sighed again. "Don't worry, honey. Bumalik ka na lang sa pagtulog at tatawagan ko ang Daddy mo." She turned off the call after saying "I love you" and "take care".
 
Biglang umasim ang kalooban ko sa aking narinig. I dialed my phone immediately and called for my father. Sinagot niya iyon makaraan ng isang ring lamang.

"Daddy," my lips quivered. I almost choked from the tears that is forming in my eyes.

"Mmm?" Mahina niyang sagot sa kabilang linya. Rinig ko ang mga busina ng sasakyan sa kalsada.

Nag-init ang sulok ng dalawang mata ko. "N-nakasakay ka na po ba ng bus?" Halos pumiyok pa ako.

"Kasasakay ko lang. Ang hirap pala hanapin ang sakayan. Mabuti na lang at nagtanong-tanong ako. Ang laki na pala ng ipinagbago ng Maynila, lalo na riyan sa Makati."

"I-im sorry, Dad..." My tears crept down my face as I felt my heart ache from not paying attention to him a while ago.

Kinurot ko ang braso hanggang sa bumaon doon ang kuko ko. Gustong-gusto kong saktan ang sarili dahil napaka-selfish ko.

Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. "Silly girl. Are you crying?"

Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "H-hindi po."

"Big girls don't cry, okay? Ayos lang ang daddy. Nakasakay na ako. Don't worry about me. Mag-ingat ka lagi riyan... Honey..."

Mas lalong nag-unahan ang luha ko sa pagtulo. "Opo. Sorry po ulit, dad."

"Alright. Bumalik ka na sa pagtulog at mamaya pa naman ang pasok mo."

"Ingat po..."

Pinakawalan ko ang pinipigil kong hikbi nang siya na ang magpatay ng tawag. I buried my face in my white pillow and cried buckets there. It's just a small thing, but I can't stop myself from crying. I am really a disappointment, and I will change myself now. Mas alalahanin ko na ang mga tao sa paligid ko at hindi ko na basta-basta iisipin ang sarili ko.

Nakatulugan ko ang pag-iyak kaya mugto ang mga mata ko pagkagising. Naligo ako at nagbihis. I put on my usual make-up and added a contour to the bottom of my under-eye bags to hide the puffiness of my eyes. Hinayaan kong nakalugay ang tuyo ko nang buhok. Bahagya ko lang kinulot ang dulo. Nag-spray din ako ng pabango.

I stared at the mirror and smiled at my own reflection. I am only wearing a beige pintuck flare trouser pantsuit buttoned up to just above the V of my cleavage and a pair of beige block-heels, and I'm settled. Professional pa rin naman ang dating ko, hindi nang-aakit.

Bigla akong kinabahan dahil unang araw ito na may relasyon kami ng boss ko. I have no idea how to deal with it. Wala rin kaming napag-usapan tungkol doon.

But I'm very sure that he will not mix business with pleasure.


A/N:
Sa next pa pala ang SPG 😂
Hindi na to on-hold, mga loves. Hanggang kabanata 20 ang natira noon bago ako nag-decide na magtrabaho abroad. So it means, mature na po ako. Eme. 😅
Nasa tamang edad na ako para gumawa ng bed scenes pero inozente pa rin ako. 😂 😂 😂

Ngayon ko na rin gagawin ang kabanata 23. On-hold iyong kina Abel at Alyanna kasi hindi ko kinakaya ang ganap doon. Naaawa ako kay Alyanna.

Pati iyong kay Jen at Jacques, hindi ko maisipan ng magandang scenes pero tapos na po siya sa utak ko. Magulo, di ba? Mabuti na lang hindi sila nagrarambol-rambol sa utak ko kasi hindi ako masipag gumawa ng outline. Bumabase lang ako sa memory ko. Haha! Kaya kapag may plot po na naguluhan kayo, don't hesitate to tell it to me, aayusin ko po.

Ciao!

Magsusulat pa po ako pero hindi ko alam kung anong oras ko maipopost. :)

Always,
J U A N

Continue Reading

You'll Also Like

223K 7.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
204K 12K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
12.2M 536K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

110K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]