One Day He Wrote My Name (PUB...

By LexInTheCity

402K 9.2K 3.2K

Mek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan... More

Copyright Page
Prologue 🎯
1. The Pen 🖊
2. The Resto 🍝
3. The Resumé 📃
4. The Boss 🚘
5. The Maze 🎡
6. The Hoodie ❤️
7. The Chatter 🎠
8. The Skyway 🛵
9. The Workstation 🏙
10. The Coffee ☕️
11. The SMS 📮
12. The Sleepyhead ⏰
13. The Treats 🍡
14. The Sequel (Part 1) 🎂
15. The Laptop 💻
16. The Condo (Part 1) 🌆
16. The Condo (Part 2) 🌃
17. The Confessions (Part 1) 🍱
17. The Confessions (Part 2) 💋
18. The Letters 📝
▪️A Guide to Readers 💛
19. The Specter (Part 1) 🛍
19. The Specter (Part 2) 👻
20. The Move (Part 2) 💄
21. The Secret 🙊
22. The Dinner 🍩
23. The Bar 🥂
24. The Book 📖
25. The Kiss (Part 1) 🍷
25. The Kiss (Part 2)📱
26. The Bench (Part 1) 🎟
26. The Bench (Part 2) 🎲
27. The Gift 🎁
28. The Show 📺
Acknowledgment ☺️
◾Prequel: ODHWMS ❣️
◾Book 2: The Name In Your Book 🎉🎉🎉
▪️Special Chapter: ODHWMN Quotes 🧁
◾Dare to Believe! 〽️〽️〽️
◾Take the plunge 🐳
▪️HAPPY 400K READS 💜💛🧡💚
▪️Book Changes 💛
29. The Rendezvous🌂 (Preview)

20. The Move (Part 1) 🚚

6.6K 180 53
By LexInTheCity

Sabi nila gumagawa raw talaga ng paraan ang universe para makilala natin ang ating perfect match. Sa libro ni Alma Young, tinawag niya itong soul magnets. Sa tulong daw nito ay para bang may puwersang tulad ng sa isang magnet ang bawat souls natin. Parang ang south pole na laging hinahanap ang kanyang north pole o ang north pole na walang ginawa kundi hintayin ang kanyang south pole. Minsan nga lang 'di na natin nararamdaman ang mga puwersang ito lalo na kung may mga bagay tayong sa tingin natin ay mas kailangan nating pagtuunan ng pansin. Kaya naman hindi sa lahat ng pagkakataon ay napapansin natin sila kahit ilang beses nang nagkrus ang landas ng bawat isa. Kasi siguro walang alam ang universe sa perfect timing, which matters to us as well.

Parang sa love at first sight, hindi ka naman nakasisiguro na noong sandaling 'yon mo nga lang siya unang nakita. P'wedeng noong nasa college ka pa while you're so in love with your ex-boyfriend, nagkasalubong na kayo sa isang coffee shop. O nang minsang madapa ka sa harap ng college lobby at natapon lahat ng mga gamit mo, siya ang nag-iisang taong tumulong sa 'yo. Pero hindi mo na nagawang tingnan ang mukha nito dahil sa sobrang hiya. O p'wede ring nagkasabay na pala kayo sa isang school fieldtrip, at naging photo bomber pa siya sa isang retrato mo. Nakatalikod nga lang siya. At nang humarap siya, sa iba ka naman nakatingin. At 'di na rin nahagip ng kamera ang mukha nito.

Pagkatapos naming mag-almusal ng boss ko ay inihatid na rin niya ako sa bahay. Hindi ko na siya niyaya pang dumaan sa loob, tutal hindi rin naman ako sigurado sa sasabihin ko kina mama.

"'Nak, kagabi ka pa naming hinihintay. Pero nag-text ka nga na may OT ka kaya 'di ka na namin pinilit. May surprise kasi kami sa'yo."

"Sorry ma. May tinapos pa nga po kasi kaming project. And then late na rin kaming nakatulog. 'Buti may condo ang officemate ko." I never lied to her. Technically, officemate ko rin naman talaga si Sir Aki.

"Hindi ka ba anak natatakot sa taas ng mga kondong 'yan? Pano 'pag lumindol? Ah siguro sanay ka na rin sa office n'yo 'no? Minsan talaga 'di ko maintidihan ang mga mayayamang 'yan. Kung bakit gustong-gusto nilang tumira sa matataas na gusali. Mas yayaman ba sila 'pag mas mataas ang tinitirhan nila? At mas magiging mahirap ba ang mga dukha 'pag mas mababa ang tinitirhan nila?"

"Ma, hindi naman iyon tungkol sa taas ng tinitirhan n'yo. Walang gano'n. Iyon ay para sa convenience. Kasi lahat nando'n na. Malapit ka sa workplace mo. Pati na rin sa source ng primary needs natin like shops and supermarkets. It's just that not everyone can afford that way of living."

"Ala basta ako, hindi ko pinangarap tumira sa mga gano'ng lugar. At paniguradong hindi namin matatagalan ng papa mo ang gano'ng lifestyle. Siguro, hindi uso sa kanila ang ideya ng kapitbahay." Bigla akong nasaktan sa sinabi ni mama. Wala na akong nasabi at hinintay na lang ulit siyang magsalita. "At 'yun nga, dahil napapag-usapan na rin natin, nakahanap na kami ng papa mo ng bago nating malilipatan," dugtong niya na 'di maikukubli ang excitement sa tono.

"Wait, ma. Lilipat tayo ng bahay?"

"Oo anak. Alam namin ni papa mong nahihirapan ka na sa sitwasyon natin. Tinulangan kami ni Mark, yung kaibigan n'yo ni Ara, na humanap nga ng mas murang apartment sa bayan."

"Tapos nakakita na kayo? 'Di ba mas mahal 'pag sa bayan? 'Tsaka ba't nasali si Mark?"

"E kasi anak, sina Mark ang may-ari ng nakita naming apartment. At mas mura lang ang bigay nila sa atin. Sabi pa niya p'wede rin daw iyong maging rent-to-own kung gugustuhin natin. At s'yempre mas malapit din siya sa office n'yo," pilit ni mama habang ang kislap sa mga mata n'ya ay 'di matawaran.

"Pero ma, nakakahiya kay Mark," giit ko.

"Siya naman ang nag-offer, Mek."

"Pero, ma."

"Anak, lilipat na tayo ngayon. Tutulungan pa nga n'ya tayong maglipat ng gamit. Parating na rin siguro siya. Dadalhin daw niya 'yung truck nila."

"What? Wait, ma. As in ngayon na po? Ma, nakakahiya. Sobra-sobra na 'yun. Teka, kausapin ko siya," gulat kong reaksyon sabay hanap sa phone ko. Pero bago ko pa ma-dial ang number niya ay naagaw na ang atensyon ko ng malakas na ugong ng rumaragasang truck.

"Siya na siguro 'yan," sigaw ni mama.

At sa pagbaba niya ng truck ay biglang ipinaalaala sa akin ng universe kung gaano kakisig ang aking kaibigan.

"O ba't natulala ka?" bati niya.

"Ikaw kasi. Alam mo nakakainis ka. Sana sinabihan mo muna ako. Uso na naman ang phone ngayon, isang dial lang e."

"Sorry, Mek. Gusto ko nga sana. Pero gusto kasi nina Tita na surprise sa'yo," nahihiya niyang sabi.

"Oo anak. H'wag ka na ngang magalit kay Mark. Ang dapat mong gawin ngayon ay ipaghanda mo muna ng merienda ang tao."

"Naku, hindi na po," tanggi naman niya.

"Alam ba 'to ni Ara?" pag-uusisa ko habang naglalakad papasok sa bahay na iiwan na pala namin.

"Hindi ko rin nasabi sa kanya. Hindi na rin kami masyadong nagkakausap lately. Nagseselos daw kasi si Christian," tugon nito. Ang laking guwapo kasi niya kay Christian. Bahagya akong natawa. I know, Christian. Kahit nga sa'kin, nagseselos 'yon. Sa kanya pa nga nagsimula 'yung tsismis na tomboy ako e.

Nang makapasok na sina mama sa loob ng bahay ay muli kong kinausap si Mark.

"Thank you ha. The best ka talaga. Nakakahiya na nga lang sa'yo. Pero totoo, Mark, ibabalik ko na lang 'yung laptop. Sobra-sobra na 'to e," nakayuko kong sabi.

"Ano ka ba? Para 'yun lang. Maliit na bagay. Ang gusto ko ituloy mo ang pagsusulat mo." Nito ko lang na-realize na mayaman din nga pala ang lalaking 'to. Oo may ilang restaurant at bars sila sa bayan at may mga apartment din silang pinapaupahan. Siguro dahil ang simple lang naman niyang tao kaya 'di na 'yon masyadong sumasagi sa isip ko.

Pagkatapos nilang mag-usap nina papa, tinulungan na rin niya itong maghakot ng ilang kasangkapan paakyat sa truck niyang dala. Sinubukan ko pa siyang pigilan pero nagpupumilit talaga siya. At sa pagbubuhat nito, lalo tuloy na-emphasize ang tikas ng katawan niya at kung gaano kaganda ang makinis at moreno niyang kutis lalo na 'pag nasisikatan ito ng araw. Pero ang pinakagusto ko sa kanya ay ang people skill niya. Kahit kasi sina papa at mama ay madali nitong nakasundo.

Nang mapuno na ang truck ay nagyaya na siyang bumiyahe. Doon na ako sa unahan pinaupo nina mama habang sila ni papa ay doon sa likod ng truck.

Muli kaming nag-usap ni Mark. Naka-muscle shirt lang siya kaya naman bahagya akong napapalingon sa nagpapapansin niyang biceps habang nagmamaneho.

"Bakit ang bait-bait mo, Mark?"

Napaismid ito. "Bakit mo sinasabi 'yan? Mek, kaibigan kita kaya wala sa'kin 'tong mga ginagawa ko for you."

"'Yun nga e. Parang nawiwirduhan lang ako. Technically, kakikilala lang natin. Yet I feel so comfortable with you. Para bang ang tagal na nating magkakilala."

"Well on my part, Mek, matagal na talaga kitang kilala."

"What? Pa'no?"

"We've met once. I'm not really expecting that you'd remember me. You're very in love that moment. Damang-dama ko 'yon sa tula mo. I think that's 2 years ago. And I think that's your first time to read a poem in front of a lot of people. Sa bar pa namin. Hindi kita malilimutan. You nearly cried while you're delivering that verse. Pero sobrang galing mo no'n... pramis. Kahit sinong lalaki itatanong kung bakit hindi mo sa kanya dinedicate ang tulang 'yon. Napaka-swerte ni Ken."

"I'm sorry, Mark. Hindi kita maalala. Pero grabe, bakit ngayon mo lang 'yan sinabi? Well, nakakahiya."

"Bakit ka mahihiya? You did well. Pramis."

"So nang magkita tayo sa testing room ng Zhyx Media, namukhaan mo agad ako no'n?"

"Hindi agad. After mo pang umalis, saka ko palang na-realize na ikaw 'yung babaeng 'yun. Honestly, after you delivered that poem, matagal kitang hinanap. But then I never got the chance to see you again until you sold me your pen," natatawa niyang sabi.

Bahagyang namula ang mukha ko. Nakakahiya kasi binayaran pa niya sa'kin ang bolpen na 'yon. "But why is that—that you're looking for me?"

"Because I like you... and your poem. Your impassioned words have haunted me for years now. It's as if I already found my other half, and I just let her go. If you know what I mean."

Continue Reading

You'll Also Like

266K 17.1K 35
He lost his voice in an accident and I am determined to bring it back. - Dr. Nicomaine Capili
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
231K 5.3K 58
Dragomir Series #1 She was talented. He was an overachiever. She lied to him. He forgave her. She hurt him. He hurt her. They knew each other best...
33.2K 1.2K 49
' ! | C O M P L E T E D | ! ' Ang oras at ang panahon ang madalas na humahadlang sa mga bagay na nais mong mangyari. Ang mga panahong hindi mo na mai...