Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 25: Halimaw

261 21 1
By AyhenPey

Chapter 25



Pasado alas singko napagdesisyunan ko nang pumasok sa trabaho. Siguro mamayang gabi pa uuwi si Krissy. Sayang hindi ko siya nakausap ngayon. Pagkarating ko doon, nasa lobby pa lang ako nang bigla akong harangin ni Isaiah.


"Hi missy"


"Isaiah" tapos tumingin siya sa orasan. "-may 15 minutes ka pa bago mag umpisa. Pwede ba kitang makausap?"


"Sige. May choice pa ba ako?" sabay tawa kaya nagtungo kami sa lounge kung saan maraming mga empleyado na nakatambay nagkakape, naglalaptop at kung ano ano pa.


"Kamusta ka na?" tanong niya


"Ayos naman ako"


"Yung tungkol kay Miguel pagpasensyahan mo na. Hindi namin alam marunong ka palang mag martial arts. Pero okay naman si Miguel in fact tawa pa siya ng tawa kagabi pagkaalis niyo. Sinalonpas na lang namin ang likod niya bago umuwi."


"Ahhh..." masama pa rin ang loob ko kay Miguel eh


"Nga pala natanggap mo na yung phone?"


"Phone?" tanong ko


"Yung iPhone 5"


"Oo may nagpadala nga sa akin. Hindi ko kilala kung sino. Hindi naman ako maalam gumamit noon." ngumiti siya sabay kamot sa ulo.


"Bumili kasi ako ng S6 edge wala naman akong mapagbigyan. Masasayang lang."



Teka, ano daw? Anong ibig sabihin iya doon? Siya nagbigay sa akin noon?


"Sa'yo galing iyon?!" nabulalas ko. Tumungo siya bago tumango. Napatakip ako ng bibig. Alam kong mahal iyon.


"Hindi ko matatanggap iyon Isaiah! Isasauli ko sa'yo iyon bukas na bukas din."


"Sayang nga lang. Wala namang gagamit sa amin noon. Eh ikaw wala kang phone kaya sa'yo na lang."


"Pero—-"


"No buts Fyglia" kinindatan niya lang ako bago tumayo at iwan ako. Grabe. Grabe ka Isaiah. Sabi ko pa naman sa sarili ko mag-iipon ako ng pera pambili ng sarili kong phone. Pero di ako papayag na ganito lang. Dapat mabigyan ko din siya ng kung ano man. Compensation ba.


Nagtungo na ako sa floor namin para magpalit ng damit at makapaglinis na. Bukas na ako swesweldo. Yehey! Kinapa ko sa bulsa ko yung wallet ko na may ATM magagamit na rin kita bukas.



Pagkatapos ko sa shift ko. Nagpalit na agad ako ng damit at balak ko ng magtaxi pauwi. Baka mahuli na naman ako ni Isaiah sa madilim na sulok. Mahirap na baka this time mahuli na niya talaga ako. Sinuwerte lang ako dati. Bigla kong naalala narinig ko yung isa kong kasamahan na meron na daw laman ang card namin.


Kaya nagtungo ako sa malapit na ATM at masayang pinindot ang password ko. Tumingin tingin muna ako sa paligid. Maliwanag naman kaso wala masyadong tao. Mali, wala talagang tao. Ano bang oras na? Mag aalas dose na ng gabi eh. Tinignan ko uli ang screen at tama nga sila may laman na! Wooh! Una kong pera sa mundong ito.



Pagkakuha ko sa pera ko pinasok ko kaagad ito sa wallet ko at ang card ko. Excited na akong umuwi! Pagkatalikod ko,



"Holdap to." bigla niya akong tinutukan ng kutsilyo sa leeg.


"-ibigay mo sa akin laman ng bag mo."


Tinignan ko ang mapangahas na lamang lupang ito. Mata lang ang kita sa kanya dahil nakabalot ang kalahati ng mukha niya ng itim na tela? At nakabonet siya.


"Wala ka sa aking makukuha." inis kong sabi. Sabay tulak sa kamay niyang may hawak na kutsilyo. Pero binalik niya ito.


"Aba sumasagot ka!" bigla niya ako hinigit sa lugar na pinupuntahan ko kapag nagpapalit ako ng anyo. Sumunod ako sa kanya.


"Akin na pera mo!" ngayon dinikit na nga talaga sa leeg ko ang kutsilyo at naramdaman ko na ang metal na ito sa balat ko.


"Wala nga akong pera!" sigaw ko. Hinigpitan niya rin ang paghawak sa braso ko na sa palagay ko babakat ang daliri niya sa sobrang higpit nito.


"AYAW MO HA!!!" ramdam ko ang hapdi ng hiniwa niya ang balat ko sa leeg. Binato ko ang bag ko sa malayo bago ko itulak sa pader ang masamang lamang lupang ito. Kinuha ko ang pulso niya at sa kanya ko naman tinapat ang kutsilyo.


"Nanlalaban ka pa ha?" sabi ko. Hindi naman niya makikita ang mukha ko ngayon dahil madilim dito. Hindi ko rin siya nakikita.


"PUTANG-INA MO!" bigla niya akong sinipa sa tiyan. Sa sobrang sakit napaupo. Nasikmuraan ako. Pakiramdam ko susuka ako ng dugo sa sobrang sakit. Napadaing ako nung hinigit niya ang buhok ko para itingala at harapin siya.



"Babae ka lang."


"AHHHH!!" sigaw ko dahil hinigit niya ang buhok ko para ako makatayo.


"PAPATAYIN KITA!!!!" sigaw niya. Sa sobrang takot ko inipon ko ang buong lakas ko at tinulak siya muli sa pader. Rinig ko ang dagundong ng pader na masisira sa sobrang lakas ng tulak ko sa kanya. Parang ilang kotse ang bumunggo doon. Mabilis kong kinuha ang bag ko sa lupa at tumakbo.




"HALIMAW KANG BABAE KA! HINDI KA TAO!!! TANG-INA MO!!" rinig kong sigaw niya bago ako makalayo. Mabilis akong nakakuha ng taxi nung nasa highway na ako.


- - -



Panay ang pindot ko sa doorbell ng unit namin. Krissy! Krissy! Bilisan mo! Natigil ako nung nagbukas na ito.


"WHAT THE HELL FYGLIA?! WALA KA BANG SUSI?!" gulo gulo ang buhok niya. Nakaduster na rin siya.


"Sorry Krissy." nanginginig ako sa pagpasok sa unit namin.


"What happened?" tinulungan niya akong umupo sa sofa. Pero hindi ko magawang magkwento ngayon. Ang alam ko lang muntik na akong mapatay at muntik na rin akong makapatay kanina.


"Uminom ka muna." inabutan niya ako ng baso ng tubig. Mga ilang minuto pa bago ko nakayanan magkwento sa kanya. Kinuwento ko ang buong pangyayari kanina tapos inabot ko na din sa kanya ang buong wallet ko.


"What the fuck?" tinaas niya ang wallet ko. "-Fyglia, ako ang natatakot sa mga ginagawa mo ha. Paano kung hindi mo na naman na control ang sarili mo panigurado patay na iyon."


"Hindi ako nakainom ng nectar ngayong araw na ito. Nanghihina pa ako noon."


"What the fuck?! Dahil lang dito Fyglia? Dahil sa pera na ito? Sana binigay mo na lang!"


"Para sa'yo yang pera na yan. Hindi pa ako nakakabawi sa'yo. Kaya natural hindi ko ibibigay yan!"


"Sana binigay mo na lang Fyglia. Pang-ilang beses mo na itong ginawa. Noong una sa party sa bahay nila Isaiah. Paano kung hindi si Caloy ang nanggalit sa'yo? Edi patay na iyon? Mabuti na lang talaga, nandoon ako! Tapos ngayon mabuti sabi mo hindi ka nakainom ng nectar. Iyon talaga panigurado mamatay ngayon."



"Meron pa akong isa pang hindi nakwekwento sayo. Kaya hindi ako umuwi kagabi."


"Oo nga pala. Nasaan ka kagabi?!" kinuwento ko yung paano ako nakapunta kila Louie, yung basketball, nung nasa pool na ako, tinulak ako ni Miguel at anong ginawa ko kay Miguel.



"Oh my god!" bigla niya akong binatukan. Tinungo ko na lang ang ulo ko. At hinayaan siyang talakan ako.


"Sinabi sayo ni Miguel na bakit nag green ang mata mo?! Bullshit Fyglia! Hindi ko na alam gagawin ko sa'yo! Konting konti na lang mahuhuli ka na! Paano kung malaman nila ang tunay mong anyo ha? Sa palagay mo ba sasantuhin ka ng mga taong iyan? Hindi! Dahil sa mundong ito. Hindi tayo nararapat dito. Huwag ka ng uminom ng nectar."



Bigla akong napatingala


"Krissy!"


"Hindi na ako umiinom noon. Nakaya ko naman. Kaya ikaw, sanayin mo ang sarili mo na magkatawang tao. Kung ayaw mong madispalinghado ang binabalak mo."



"Sa mga susunod na araw pala baka hindi mo na ako makita."


"Bakit?" ngumiti siya sa akin na malungkot. Posible pala iyon?


"Makakabalik na ako sa Faylinn." bigla siyang tumayo at nagtungo sa kwarto niya. Babalik na siya? Maiiwan na ako dito? Saan na ako nito? Hindi naman sa ayaw kong bumalik siya sa Faylinn pero hindi ba kami pwedeng magsabay? Nasanay na rin ako na kasama ko sya.



Bigla siyang bumalik at inabutan ako ng mga envelope. At iilang susi!


"These are gonna be yours..."

"Krissy" hindi ko alam pero naluluha ako.


"Kinausap ako ni Inang Reyna kanina." gusto kong tanungin anong sinabi sa kanya pero alam ko naman na tungkol sa mission iyon. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid ang luhang kumawala sa mata ko.



"Akala ko lang pala na inabondana tayo dito. Mali lang pala yung una kong nagawang mission." bigla siyang umiyak. "-napamahal na ako sa lugar na ito. Kung tatanungin ako kung saan ako masaya Fyglia. Mas masaya ako dito. Gusto ko maging tao na lang. Sana Fyglia pinanganak na lang ako sa mundong ito. Mas gusto ko dito."



"Hindi ba gusto mo sa Faylinn? Kaya mo nga ginawa ang mission mo kasi gusto mong makabalik sa Faylinn di ba?" ngumiti lang siya habang pinupunasan ang luha niya. Hindi ko siya maintindihan.



"Matulog na tayo. Pasado ala una na oh. Magpapaalam na rin ako sa mga co-models ko bukas at sasabihin ko rin na hindi ko na irerenew contract ko. Yang mga hawak mo sayo na lahat yan.



"And please Fyglia, kontrolin mo ang sarili mo lalo na sa pag-inom ng nectar."



"Krissy—-" tawag ko sa kanya pero tumayo na siya at hindi na niya ako nilingon hanggang sa pumasok siya sa kwarto niya.



Kinabukasan, mag aalas dose na nang ako ay magising. Tumakbo ako sa kusina baka hindi pa nakakain si Krissy. Pero pagkarating ko doon may pagkain na nakahain na nakabalot sa plastik. Nagtungo ako sa kwarto niya at wala na siya.


Hindi pa siya aalis Fyglia. Nandito pa siya. Sabi nga niya kagabi magpapaalam siya ngayon sa mga katrabaho niya.


Bigla kong nakita ang phone sa lamesa na hindi ko pa rin nagagamit. Binuksan ko ang kahon nito at binasa ang manual. Pero kahit nabuksan ko na ito at naiintidihan ko na kung paano ito gamitin. Wala akong maramdamang kasiyahan ngayon.


Paano na lang kung mamaya aalis na si Krissy?


Nagulat na lang ako nung nagring ang phone na hawak ko. Pagkabasa ko sa screen kung sino ang tumatawag. Sinagot ko agad ito. Pero hindi pa ako nakakahello



"Fuckers naman Isaiah, where are you?!" sigaw niya


"Hindi si Isaiah ito." sagot ko


"Tol, Babae! Who the hell are you?!" inis niyang sagot. May narinig ako sa kabilang linya na siya na ang kakausap.


"-kung isa ka sa mga babae niya pakisabi pumunta na siya dito sa office." boses niya ito ah. Hindi ko na nagawang magsalita.


"Ano nasabi mo na ba?" pagkatapos ng mahabang katahimikan.


"Ano na pipe ka na?!" bigla niya akong sinigawan. Narinig ko sa likuran niya si Louie 'chill, pare. Ako na nga kakausap'


"Hello?" si Louie na ito.


"Louie, lumayo ka dyan kay Caloy."


"Oh? Fyg—"


"Shhh!!" bigla kong sinabi


"Oo na. Teka paano?"


"Nakalayo ka na ba?"


"Ito na"


"Si Isaiah kasi pinadalhan ako ng phone nung isang gabi sabi niya sa akin may bago daw siyang phone kaya binigay na siya sa akin ito. "


"So that's it. Okay, change ko na lang name mo dito. Sorry sa istorbo. Kaya naman pala hindi ikaw nagsasalita kanina. Hahaha. Bye na nga."



Pagkatapos kong kumain at maglinis bigla kong nakita sa isang lamesita sa kwarto ni Krissy ang calling card niya. Mabilis kong dinial ang number niya at sinagot naman niya ito.




"Who's this?"

"Krissy"


"Fyglia! Oo nga pala may phone ka na. What's up?"

"Akala ko bumalik ka na sa Faylinn"


"Hindi naman ako basta basta makakabalik doon nang bigla bigla na lang. Don't worry magpapadespedida ako sa susunod na araw. Kaya wag ka ng masad ha?" bigla akong natawa. Gumaan ang pakiramdam ko kahit paano.


"Nasaan ka?" tanong ko



"Nandito sa agency. By the way nirerecommend kita sa manager ko na papalit sa akin pagkaalis ko."


"ANO?!"


"In fact pinapakita ko ang pictures mo. Pati nung pumose ka dati kasama si Miguel nung Halloween Special nung kung anong magazine iyon."


"Krissy!!!"


"Better leave your work now. Dito ka na lang, Fyglia. Ayaw kong umalis dito na ang standard of living mo ay mababa. Be thankful na lang. Bye na muna."



Napaupo ako. Ibig sabihin pagkaalis ni Krissy magmomodel na ako? Pwede ko rin namang hindi gawin iyon di ba? Hay!! Nagulat na naman ako nung nagring ang phone ko. Ngayon si Caloy na ang caller.


Sasagutin ko ba?


Ayaw ko. Kaya inend ko ang call. Nagtungo ako sa CR para maligo na. Balak kong pumasok mamaya ng maaga. Nagbabad ako sa bath tub at naglaro laro ng bula. Dapat maging masaya ka Fyglia kay Krissy. Makakasama na niya ulit ang pamilya niya.


Ngayon nalulungkot si Krissy sa pag-alis niya pero panigurado pag nakasama na niya pamilya niya sasaya na ulit siya. Tama, dapat maging masaya na lang ako.



Nung kumukulubot na ang balat ko doon ko palang naisipang magbanlaw. Pagkalabas ko sa CR laking gulat ko sa phone ko ring ng ring.


Sino ba ito?


Calling Caloy...


Namatay ang call. At biglang nag pop sa screen ang 19 missed calls. Ganoon ba ako katagal sa CR? Bakit ba tawag ng tawag ito?


Nung nagring ulit ang phone hindi ko namalayan nasagot ko pala ito.


Pagkatapat ko sa tenga ko ng phone,


"Sinagot mo din Fyglia"


"Paanong???"


"Nandito ako sa labas ng unit niyo." What the? Bigla kong inend ang call at tumakbo sa kwarto para magbihis.





Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
242K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...