Sa Taong 1890

By xxienc

86K 3.5K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 50

604 25 11
By xxienc

|Kabanata 50|

Tahimik akong nagpapaypay sa sarili kahit maginaw na ang ihip ng hangin dahil malapit ng dumilim. Pero nababagot na ako sa loob ng karwaheng ito. Hindi pa kasi kami umaalis dahil wala pa si kuya Lucio at hinihintay pa siya.

Tahimik lang si kuya Marco sa harap ko. Halatang hindi rin masaya na sasama dahil magkakrus lang ang mga braso at nakapikit na tila ba natutulog na siya ng mahimbing. Naiwan kami rito dahil umakyat muna si kuya Lucas.

Pero saan naman kaya kami paroroon? Hindi kaya nakipagkasundo si Ama kay Don Carlos na doon kami maghahapunan sa kanila para mapag-usapan ang tungkol sa amin ni Joaquin? Yieee. Baka nga roon. Kasi hindi ba sabi ni Ama ay hapunan daw. Naks, Ama ha, pamisteryoso ka pa ng plano. Ginutom mo pa ako ng ilang araw.

Pechay! Bigla tuloy kumulo ang tiyan ko dahil sa pag-iisip ng pagkain. Nasaan na ba kasi sila at hindi pa umaalis?

Inayos ko na lang ang makulimlim na berde kong palda. Berde kasi ang gusto ni Ina na suotin ko kaya sumang-ayon ako. Handog pala iyon noong kaarawan namin ni Kristina noong ika-dalawapu.

Ang gara at mamahalin nga tignan eh. Hindi ko naman alam kung kanino ito galing kasi si Isay naman ang nag-aayos ng mga gamit.

“Paumanhin, Ama, at ako’y natagalan sa aking lakad.”

Kaagad akong napalingon nang marinig ang boses ni kuya Lucio. Sumilip ako sa bintana at nakitang nakatayo siya sa may pinto ng karwahe na sinasakyan nina Ina. May sinabi naman si Ama na hindi ko marinig pero tumango si Kuya dahil doon saka naglakad papalapit sa karwahe na sinasakyan ko.

“Kuya, saan ka galing?” bungad kong tanong sa kaniya.

Medyo nagulat naman siya dahil sa bigla kong pagsalita kaya natawa ako ng kaunti saka binuksan ang pinto.

“Galing ako sa sentro ng bayan,” nakangiting tugon niya saka sumakay. “Kumain ka na ba?”

“Hindi iyan kumain, Kuya. Ang tigas ng ulo,” laglag ni kuya Marco, na nakapikit pa rin, na hindi ko akalaing magsasalita.

Dahil sa sinabi niya ay napaseryoso si kuya Lucio ng tingin sa akin. “Martina. Bakit hindi ka kumain?”

Napiling na lang ako saka nagkibit-balikat, “Hindi naman ako nagugutom.”

Nagkasalubong lalo ang kaniyang mga kilay. “Ilang beses ko bang uulitin na nararapat ka nang kumain? Haya‘t ikaw ay pumapayat na o. Binibigyan mo naman kami ng labis na pag-aalala niyan, Martina.”

Nawala naman ang mga ngiti ko sala sumimangot. Gusto ko na nga na sumagot pero naunahan ako ni kuya Lucas.

“Sige na, Kuya, nagdala na ako ng pagkain at kahit papaano ay makakakain siya sa ating pagbiyahe.”

Hindi nagsalita si kuya Lucio saka tipid na umiling. Nginitian naman ako ni kuya Lucas saka tinanguan. Sumakay na silang dalawa na si kuya Lucio ay tahimik na tumabi sa akin.

Napasimangot tuloy ako habang nakatingin sa kaniya. Marahil ay galit si Kuya sa akin. Naiintindihan ko rin naman ang punto niya. Pero hindi ko rin hahayaan si Ama na ipasunod sa akin ang nais niya. Kung magmamatigas talaga siya, ay naku, lalo na ako.

Isinara na ni kuya Lucas ang pinto ng karwahe at umupo sa tabi ni kuya Marco. Maya-maya pa ay umusad na ang sinasakyan namin.

“Ito, Martina, paborito mo ito. Kainin mo nang hindi ka magutom papunta sa paroroonan natin.”

Inabot ni kuya Lucas ang dala niyang maliit na bayong sa akin kaya tinanggap ko nalang kahit hindi ko gustong tanggapin iyon.

Ngumuso ako sa kaniya, “Nag-abala ka pa, Kuya. Wala naman kasi akong ganang kumain ngayon.”

Binuksan ko ang bayong at doon nakita ko ang dalawang dahon ng saging na may laman na biko. May laman din sa loob na kawayan na lalagyan ng tubig.

“Martina, kailangan mo nang kumain. Ilang araw ka ng hindi kumakain. Batid mong nakakasama iyan sa kalusugan. Huwag mo ng lalo pang pahirapan ang iyong sarili,” sunod-sunod ma pahayag ni kuya Lucas.

“Wala talaga akong ganang kumain, Kuya. Magtutubig na lang ako,” tahimik kong saad.

“Pinag-aalala mo si Ina, Martina. Kahit si Ina na lamang ang isipin mo kapag nagpagutom ka. Hindi nasisiyahan si Ina na ika’y makitang ganiyan. Paano mo rin papatunayan kay Ama at ipaglalaban ang nararamdaman mo para kay Joaquin kung magpapakahina ka ng ganiyan?”

Ngayon, si kuya Lucas na naman ang nagsesermon sa akin. Ang dalawa ay walang imik lang sa tabi namin. Marahil ay galit na sa akin dahil sa tigas ng ulo ko. Hindi ko rin naman sila masisisi sa nararamdaman nila dahil ganoon na lang kahalaga para sa kanila ang kapatid nilang babae.

“Hindi ako mahina, Kuya. Papantayan ko kung gaano kataas ang kaya ni Ama na pahirapan ako. Hindi ko na hahayaan pa na masunod pa ang gusto niya.”

“Martina, maraming paraan ang magagawa mo, natin, upang patunayan ang nais mo kay Ama. Tutulungan ka namin kahit anong mangyari kaya naman pakiusap ay tulungan mo muna ang iyong sarili na alagaan ang iyong kalusugan.”

Napayuko ako at huminga ng malalim. Dahil sa mga tingin at mga salita nila ay tila pa pinagsisisihan ko pang ginawa ko ito. Gusto ko lang naman malaman ni Ama na kahit anong gawin niya ay hindi ako magpapatinag at hindi ako magpapaapekto.

“Siya, roon sa pupuntahan natin kapag naibigan ko ang kanilang pagkain ay kakain ako,” pagsuko ko.

Ngunit, sa totoo lang ay wala talaga akong ganang kumain. Kailangan ko munang linawin at ayusin ang mga bagay-bagay kay Ama. Doon ay magkakaroon na ako ng kapanatagan at hindi na ako mahihirapan pa sa misyon ko.

“Kahit hindi mo maibigan ay kailangan mong kumain, Martina.”

Tumahimik na lang ako matapos na magsalita ni kuya Lucio. Hindi tuloy ako nasanay na hindi mabait ang boses niya sa akin. Bumuntong-hininga na lang ako at itinuon ang tingin sa labas ng bintana.

Napansin kong malapit na kami sa may mansiyon nila Joaquin kaya agad na napataas ang gilid ng sulok ng labi ko. Tama nga talaga ang hinala ko. Pupunta kami rito para ayusin ang mga bagay-bagay. Gusto ko na rin siyang makita.

Kinalma ko na lang ang sarili ko at hinintay na makapasok kami sa tarangkahan. Panigurado akong naghihintay na ang buong Varteliego sa amin sa loob. Sa wakas ay unti-unti nang umaayon ang lahat sa aking plano. Kalma, Chestinell, kalma.

Unti-unting nagsalubong ang mga kilay ko at kumunot ang noo ko nang nilagpasan ng sinasakyan naming karwahe ang tahanan ng mga Varteliego.

Huh? Saan pala kami paroroon?

Doon ko napansin, na taliwas sa iniisip ko, ay tahimik ang kanilang mansiyon kahit pa nakasindi ang maraming mga lampara. Wala ring mga karwahe ng mga bisita o mga kalapit na kaibigan para paalamin sa pag-uusapan ng dalawang pamilya.

Kung hindi rito ay saan kami pupunta?

Mabilis kong nilingon ang tatlo nang may kunot sa noo. “Mga Kuya, saan tayo pupunta? Hindi ba tayo kina Joaquin maghahapunan?”

Nilingon nila ako kaya mas lalo ko silang kinunutan ng noo. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit hindi kami pupunta kina Joaquin?

“Hindi ko alam, Martina. Wala akong maalalang may piging,” sagot ni kuya Lucas. “Marahil ay may nag-imbita sa ating pamilya na isa sa mga negosyante ng bayan na ito.”

“Sandali lamang. Hindi ba’t...ngayon ang kaaarawan ni Primitivo? Mukhang tutungo ang ating karwahe roon dahil ito ng daan papunta sa kanila. Marahil ay inimbitahan tayo ng pamilya ng Teniente de Policia.”

Napanguso ako. Hindi na nakapagtataka pa sapagkat pareho naman na nasa gobyerno ang dalawang Don kaya nag-iimbitahan lang sila sa isa’t-isa. Bumuga na lang ako ng hangin at sumandal sa likuran ng upuan. Hayy, akala ko ito na ang kasagutan. Tila ay matatagalan pa yata bago magkausap ang mga Del Veriel at Varteliego.

Nanatili na lang akong tahimik habang nag-uusap ang tatlo. At saka bakit ba lagi na lang may mga kaarawan ang mga tao sa kapanahunang ito? Ang dadalas.

Nalungkot tuloy ako nang maalala ko ang sinabi ni Joaquin noong kaarawan ko na ibinalibag daw ni Kristina ang byulin ni Primitivo. Wala pa naman akong pang-regalo para kahit papaano ay makahingi ako ng tawad kay Primitivo para kay Kristina.

Hindi nagtagal ay tumigil ang sinasakyan namin mansiyon nina Primitivo. Kagaya ng dating mga kaarawan na dinaluhan namin ay kahit sa labas pa lamang ay rinig na rinig na ang mga tawanan at kasiyahan mula sa loob.

Ang daming mga karwahe na nakaparada sa may gilid ng harap ng kanilang mansiyon. May maraming mga lampara ring nakasindi na nakasabit sa mga poste sa daan.

Bumaba na sina Ina sa karwahe nila at lumapit sa amin. Bumaba na rin ang tatlo kaya sumunod na lang ako. Iniwan ko na ang pagkain na hawak ko at tahimik na tumabi sa kanila. Nginitian ako ni Ina kaya ginantihan ko rin siya.

Sumagi naman ang tingin ko kay Ama na nakatingin din pala sa akin. Blanko ang kaniyang tingin kaya hindi ko mabatid kung ano ang iniisip niya. Pinutol naman niya kaagad ang kaniyang malamig na tingin, bago pa man ako makapagsalita, at tumingin sa mansiyon saka nagsalita.

“Pumasok na tayo sa loob.”

Sumunod na lang ako kina Ina na naglakad papunta sa loob. Nadatnan namin doon ang grupo-grupo ng mga panauhin na abala sa pakikipag-usap sa bawat isa at may iilang umiinom na ng alak.

Kaagad kong nilibot ang aking paningin upang hanapin si Joaquin. Sana ay makausap ko siya ngayong gabi. Gusto ko na siyang makita at masabihan sa lahat ng mga nangyari sa akin.

Mabilis na umangat ang sulok ng mga labi ko nang makita ang taong hinahanap ko na nakatayo sa may bintana kasama ang kaniyang mga kapatid at si Carolino. Kaagad akong tumalikod kina Ina at naglakad paalis.

“Kristina. Rito ka lamang.”

Tumigil ang mga paa ko upang humakbang papalayo nang marinig ko ang malamig at mautoridad na boses ni Ama. Dahan-dahan ko siyang nilingon at natagpuang nakatutok sa akin ang kaniyang matatalim na tingin.

“Huwag na huwag kang aalis mula sa aming tabi.”

Bawat bigkas niya ng mga salita ay may katumbas na bigat at pagbabanta. Gustuhin ko mang umalis at lapitan si Joaquin ay wala na akong nagawa kung hindi ang bumuga ng hangin bago siya lingunin uli ng may kalungkutan sa mga mata.

Hindi ito ng tamang sandali na lapitan siya. Maghihintay na lamang ako ng tamang tiyempo. Iyong hindi na nakatingin sa akin si Ama.

Hinila na ako ni kuya Lucio ng mahina nang maglakad na uli sina Ama. Sabay kaming naglakad kaya nilingon ko siya saka nginitian.

“Huwag na muna ngayon, Martina. Unahin mo muna ang kumain. Makakapaghintay si Joaquin na magkausap kayo,” mahinang aniya.

Mas lumapad pa ang mga ngiti ko dahil sa narinig. Sobrang bait talaga niya sa akin. Kahit galit siya dahil hindi ako kumakain ay kalma pa rin siya at laging nariyan para tulungan ako imbes na iwasan ako at hindi pansinin.

Tumango ako bilang tugon. Napatingin naman ako sa harap nang tumigil sila sa paglalakad. Doon ko nakitang nakalapit na pala kami kina Primitivo at sa kaniyang pamilya.

“Magandang gabi, Don Miguel,” nakangiting bati ni Ama.

Nagdugtong kaagad ang mga kilay ko. Ang bilis nga naman talagang magbago. Kanina ay nakasimangot pa iyan at ngayon may pangiti-ngiti pa.

“Magandang gabi rin, Don Agaton, amigo! Natutuwa akong kayo ay nakarating.”

“Magandang gabi po, Don Agaton. Maraming salamat po at inyong pinaunlakan ang aming imbitasyon,” wika naman ni Primitivo na nakatayo sa tabi ng kaniyang ama.

“Aba’y hindi namin papalampasin ang pagdiriwang ng kaarawan ng iyong panganay, Don Miguel,” tugon ni Ama saka pa tinapik ang braso ni Primitivo.

“Maraming salamat po, Don Agaton. Nawa’y masiyahan kayo sa inihandang salu-salo.”

Tumango si Ama at sumunod naman na bumati si Ina.

“Maligayang kaarawan sa iyo, hijo!”

“Maraming salamat po, Donya Florentina. At salamat din po sa pagdalo.”

Ngumiti at tumango lang si Ina at sunod-sunod nang nagsibati sina Kuya. Matapos niyon ay naramdaman ko na lang ang tingin ni Primitivo sa akin. Bahagya siya nakangiti kaya ginantihan ko na lang.

“Maligayang kaarawan, Ginoo,” bati ko.

Tumango siya, “Maraming salamat, Binibini. Natutuwa akong makita ka ngayong gabi.”

Nginitian ko na lang din siya at tumingin uli kay Joaquin na nasa tapat. Nakatingin na siya sa akin ngayon at may ngiti sa kaniyang labi. Agad ko siyang sinuklian ng ngiti at pasimpleng kumaway sa kaniya.

“Siya at tayo ay magsisimula na,” nakangiting wika ni Don Miguel na ikinabaling ko sa kaniya.

Iginiya naman kami ng Donya Amelia sa mga upuan na nakalagay sa may harap ng kinatatayuan ni Don Miguel. Mag-isa na lamang siyang nakatayo sa harap nang nagpunta sa gilid ang kaniyang buong pamilya.

“Maaari ko bang makuha ang atensiyon ninyong lahat?” pagsisimula niya.

Tumahimik naman ng unti-unti ang mga tao at napatingin sa kaniya.

“Inaanyayahan ko kayong maupo at pumarito muna’t makinig sa aking iilang mga salita,” dagdag niya pa. “Ipagpaumanhin ninyo at mauuna muna ito bago ang kainan.”

Nagtawanan naman ang mga panauhin lalo na ang mga kalalakihan. Isa-isa na ring nagsilapit ang mga tao at nagsi-upo sa mga upuan sa tabi.

Nilingon ko naman si Ama na nanatiling nakatayo sa may likuran ni Ina habang nakatingin kay Don Miguel at lumingon sa mga panauhin nang nakangiti.

“Hayan at sa aking palagay ang maayos na ang lahat,” nakangiting wika ni Don Miguel. “Unang-una sa lahat ay nais ko sanang magpasalamat sa lahat ng mga panauhin na narito ngayon at tinanggap ang paanyaya na aming ibinigay. Maraming salamat sa inyo.”

“Ngayon ay nais ko naman na batiin ang aking panganay.” Lumingon naman siya kay Primitivo na nakatayo sa tapat ng kaniyang Ama sa bandang kaliwa.

“Maligayang kaarawan sa iyo, Primitivo. Labis kitang ipinagmamalaki. Iyong nahigitan ang mga pangarap ko para sa iyo at masayang-masaya ako para sa iyo.”

Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga panauhin kaya pati na rin ako ay nakigaya na rin. Masaya rin ako para kay Primitivo sapagkat tunay nga na marami na siyang nakamit sa buhay.

At saka mabuting tao si Primitivo kaya hiling ko ang tagumpay at kaginhawaan ng kaniyang buhay. At sana naman ay mahanap na niya ang taong magmamahal sa kaniya ng lubusan.

“Maraming salamat, Ama,” tugon naman ni Primitivo mula sa kaniyang kinatatayuan.

Malaki naman ang ngiti na isinukli ni Don Miguel sa kaniyang anak. Pati na rin si Donya Amelia na nakaupo sa tabi ni Primitivo ay nakangiting nakatingala sa kaniya. Hinawakan din nito ang mga kamay ng anak at hinaplos iyon.

Niyakap ni Primitivo pagilid ang kaniyang Ina saka niya tinapik sa braso ang kaniyang kapatid. Nakatutuwa naman silang pagmasdan. Ang lapit nila sa isa’t-isa na pamilya.

Bigla naman na napatingin si Primitivo sa gawi ko at malapad na ngumiti. Nagdugtong man ang mga kilay ko ay sinuklian ko na lang din siya saka tinaasan ng dalawang hintuturo.

Tipid siyang tumango at nanatiling nakangiti. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang na nawala iyon at seryoso na siyang nakatingin sa akin.

Umiwas na lang ako ng tingin saka huminga ng malalim. Nginitian ko na lang si Ina na napatingin sa akin. Bumulong pa siya kung ayos lamang ba ako kaya tinanguan ko siya habang nakangiti pa rin. Tipid naman ang tango na sinukli niya bago napatingin kay Ama.

“Isa ring dahilan sa pagtitipon ng gabing ito ay isang napakalaking anunsiyo na nais naming inyong malaman.”

Lahat ng mga mata ay napatingin kay Don Miguel. Natahimik nga sina kuya Marco at Lucas na kanina pa nagbubulungan. Kunot-noo akong napatingin at patuloy na nakinig kay Don Miguel.

“Tama iyan. Kaya hindi na namin ito papatagalin pa,” biglang segunda ni Ama nang nakangiti ng bahagya sa mga tao at naglakad papalapit kay Don Miguel.

“Sa gabing ito, opisyal naming inaanunsiyo ang kasunduang pagpapakasal sa pagitan ng aking anak na si Primitivo..”

“At sa aking unica hija...na si Kristina.”

Kalma at nakangiting salitan na nagsasalita ang dalawang Don habang sinasambit ang mga katagang iyon. Mistulang nabingi ako at isang matinis na tunog ang umalingaw-ngaw sa aking tenga.

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero sa sandaling iyon ay nahulog ang puso ko at tila ba’y nakidlatan ang aking buong sistema. Nanginginig din ang mga kamay at tuhod ko.

Ano raw?! Si...P–primitivo ang ipinagkasundo sa a–akin?!

Naging marahan ang paghinga ko dahil parang nawawalan na ng hangin sa aking paligid. Narinig ko ang palakpakan ng mga panauhin matapos na uminom ng sabay sina Ama at Don Miguel ng alak. Pero mas lalong nangibabaw ang pagkabog ng puso ko na hindi ko alam. Parang sasabog na yata ito, hindi ko maintindihan.

Nakangiti ang dalawang Don pati na rin si Primitivo na lumapit sa kanilang dalawa. Niyakap at tinapik pa ang kaniyang likod ng dalawa pagkatapos ay ngumiti sa mga panauhin.

Pechay!

Nilingon ko si Ina at nakitang nakaawang ang kaniyang mga labi habang nakatingin kay Ama. Magkarugtong din ang kaniyang mga kilay at hinihintay sa lumingon sa kaniya si Ama na tila’y nais pagpaliwanagin.

Kung ganoon, hindi alam ni Ina ang tungkol dito?

Saka ko naman binalingan sina Kuya na ganoon din ang naging reaksyon. Hindi maipinta ang kanilang mga mukha sa gulat at pagtataka.

Ibig sabihin, walang nakakaalam nito pwera na lamang kay Ama?

“Alam ninyo, matagal na namin itong napag-usapan ngunit ngayon lang namin nasabi. Gayon pa man ang mahalaga ay batid na ng lahat kaya matuto ng lumugar ang ibang mga tao riyan,” lahad ni Don Miguel na tila pa may pinapasaringan.

Kahit hindi ako nakaharap sa kanila ay ganoon na lamang ang pagkainis at pagkatulis ng mga tingin ko sa patingin sa itaas. Hindi ko alam na ganoon lamang pala ako kayang kornerin ni Ama.

Nahagip naman ng mga mata ko ang paggalaw ng isang tao sa may likuran nina Kuya. Si Joaquin. Napatingin ako sa kaniya at ganoon na lang ay nagtama ang aming mga paningin.

Nabakas ko sa kaniyang mga mata ang gulat, pagkalito, at tingin ng tila ba’y pinagtaksilan. Nanginginig akong umiling sa kaniya pero nanatili ang kaniyang ganoong mga tingin ng ilang sandali saka mabilis na tumayo at naglakad paalis.

“J–joaquin...,” usal ko.

“Maaari bang papuntahin dito si Binibining Kristina? At nang siya’y masilayan ng mga panauhin.”

Narinig ko pa ang imbita ni Don Miguel sa akin kasabay ng palakpak ng mga tao at ngiti sa akin. Sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi ko na itinuon doon ang aking atensiyon. Kahit pa man nawawalan na ako ng hangin na malanghap at mga tuhod kong nanginginig ay tumayo na ako para sundan si Joaquin.

Nang makatayo ako at sa ibang direksyon nagtungo sa halip na sa harapan ay narinig ko ang mga bulongan ng mga bisita at ang pagtawag sa akin ng iilang mga tao.

Kahit pakiramdam kong anumang sandali ay matitisod, matatapilok, at matutumba ako dahil sa mas lalong pag-nginig ng aking mga tuhod ay pinilit kong bilisan ang pag lakad-takbo upang maabutan si Joaquin.

Mabibilis at mabibigat ang kaniyang mga hakbang. Ramdam ko pa ang mga tingin ng mga tao at mas lalong lumakas na kanilang pag-uusap.

“Kristina!”

Namukod-tangi ang sigaw ni Ama sa buong bahay. Malamig at mautoridad iyon. Nang marinig ko nga iyon ay ganoon na lang ang pagkalabog ng aking puso.

Ngunit, hindi iyon nakapigil sa aking habulin si Joaquin. Kumakabog nga ang puso kong nakaalis mula sa masalimuot at nakapanghihinang lugar na iyon.

Nakalabas na kami ng mansiyon ngunit nagmamadali pa rin si Joaquin. Hinahabol ko siya pati na rin ang hininga ko na hindi ko na rin maintindihan kung bakit tila hindi na normal.

“Joaquin! Sa–sandali...lamang! J–joaquin!”

Hawak-hawak ko pa ang aking palda habang patuloy na sumusunod sa kaniya. Agad kong hinila ang kaniyang braso nang maabutan ko siya.

“Joaquin, sandali!”

Sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim nang huminto siya. Pinaharap ko siya sa akin at doon nakita kung gaano kakunot ang kaniyang noo.

“Anong ibig sabihin nito, Binibini?” bulalas niya.

Huminga uli ako ng malalim ng isang beses saka sumagot. “Hindi ko alam ang tungkol dito, Joaquin. Wala akong alam.”

“Ngunit bakit? Batid na naman nila ang tungkol sa atin ngunit bakit ito nangyayari?”

“Hindi ko alam. Sinabi ko na sa iyo at hanggang ngayon ay hindi pa rin sang-ayon si Ama sa atin. Kahit pa man anong pilit kong paliwanag at pakiusap sa kaniya ay hindi niya pa rin nagawang tanggapin ang tungkol sa atin,” kulang-kulang sa hangin na paliwanag ko.

“Ang ipinagtataka ko lamang ay ang sinabi ng Don Agaton na matagal na nila itong plano. Kung ganoon ay sa simula pa lamang nakatakda na talaga kayo? Hindi ko na mawari ang aking nararamdaman. Sinabi ko na kina Ina ang tungkol sa atin at umasa akong magkakausap ang ating mga pamilya ngunit nangyari ito.”

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Hindi niya ito ipinaalam sa akin, kahit man lang sa sulat. Ipaglalaban nga niya talaga ako. Pero...nangyari ito. Hinding-hindi ko ito lubos na inasahan.

“Ang akala ko nga ay pupunta kami sa inyo upang mag-uusap ang ating pamilya,” lahad ko at mas lalong lumapad ang ngiti. “Ngunit huwag kang mabahala. Nakatitiyak akong mas malapit si Don Carlos at si Ama kaysa kina Don Miguel kaya maayos rin ito at mapuputol ang kasunduang ito.”

“Binibining Kristina.”

Napalingon kaming dalawa nang marinig ang boses ni Primitivo mula sa aking likuran. Magkarugtong ang mga kilay nito habang nakatingin sa aming dalawa ni Joaquin.

“Halika na sa loob. Hinahanap ka nila at pinuntahan na kita upang samahan pabalik,” aniya nang makalapit sa amin.

Tipid na tango ang ibinigay ko sa kaniya. “Mauuna ka na lang. Susunod na ako. Nag-uusap pa kami ni Joaquin.”

Nilingon ko uli si Joaquin para magsalita ngunit nakita kong naningkit ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Primitivo. Bumalik uli ang tingin ko kay Primitivo at ganoon din ang ginawa niya. Nanatili ang tinginang iyon ng ilang segundo. Tila ba nagpapalamangan at nagpapatalasan ang dalawa.

“Hindi, Binibini. Sasama ka sa akin,” wika ni Primitivo nang hindi pinuputol ang tingin kay Joaquin.

“Narinig mo naman siguro siya, hindi ba? Nag-uusap pa kami,” may diin na sabi naman ni Joaquin.

“Huwag kang makialam dito, Joaquin. Sa pagitan lamang ito ng aming pamilya.”

“Huwag mo ring pakialaman ang kaniyang desisyon. Hindi siya sasama sa iyo.”

“Pwede ba ay tumahimik ka na lamang? At anong kailangan mo kay Binibining Kristina?”

“Ano ba iyon sa iyo? Sa pagitan ito naming magkasintahan. O marahil ay hindi mo alam na kami ay magkasintahan?”

Tinaasan niya ng kilay si Primitivo na bahagyang nanlaki ang mga mata at pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. Bumuga na lang ako ng hangin saka sila tinignan bawat isa.

“Tama na ha. Sige na, Primitivo, mauuna ka na. Mag-uusap pa kami ni Joaquin.”

“Magkasintahan kayong dalawa? Kailan pa?” taka niyang tanong pero mabilis din siyang umiling pagkatapos. “Ngunit, hindi na iyon mahalaga sapagkat ipinagkasundo na kami sa isa’t isa.”

“Tignan natin. Walang magaganap na kasalan, Primitivo. Wala. Ako ang iniibig ni Martin at hindi ikaw.”

“Hindi ka sigurado riyan. Matututo rin siyang mahalin ako pagkatapos naming maisang-dibdib”

Pechay naman oh!

“Ano ba?! Tumigil na nga kayong dalawa!”

Bumuntong-hininga ako saka sinamaan silang dalawa ng tingin. Hindi ko alam kung nakikita iyon dahil madilim at mga lampara lamang ang nakasindi ngunit wala na ako pakialam. Ang iingay at nakakairita.

“Halika na, Binibining Martina. Ipinagkausndo na tayong dalawa kaya marapat na tapusin na ninyo ang inyong ugnayan.”

“Mag-uusap pa kami ng kasintahan ko! Naiintindihan mo ba ako, Primitivo?” pigil ni Joaquin.

Napahilot na lamang ako ng sintido at pilit na humihinga nga malalim. Hindi ko alam at hindi ko akalaing may ugaling mga ganito ang dalawang ito. Parang mga bata.

“Hindi na kayo nahiya pa?”

Napatigil naman ang dalawa at napatingin kaming tatlo nang may nagsalita sa aking likuran na kakalabas lang mula sa mansiyon. Si Agustin. Nakasuksok sa bulsa ng kaniyang pantalon ang kaniyang mga kamay habang naglalakad papalapit sa amin.

Hay, salamat naman at mayroong dumating.

“Nag-aaway at nagsasagutan pa kayo sa harap ng Binibini?” dugtong niya.

“Nagtatalo kayo riyan ngunit hindi niyo man lang tinignan ang kalagayan ng Binibini? Maginaw rito o, at hinayaan niyo pang mahanginan siya?” sabay iling pa.

Natutuwa akong sa wakas ay may pumagitan na sa dalawa dahil hindi na talaga kaya ng baga ko at parang wala na talagang hangin na pumapasok doon. Dagdag pa ang puso kong kanina pa hindi ko maikalma.

“Martina, ayos ka lamang ba?” nag-aalalang baling sa akin ni Agustin. Ngumiti naman ako sa kaniya saka dahan-dahan na tumango.

“Saglit nga lamang. At bakit ka nakikialam kay Binibining Kristina? Labas ka sa usapan at kaganapang ito, Agustino,” taas kilay na wika ni Primitivo.

“E ano naman ngayon? Mali bang mag-alala sa kaniya? Kaibigan ko siya, Primitivo. Huwag na huwag mo akong tatanungan ng karapatan. Bakit ano ka ba niya?”

Nagpameywang naman si Primitivo. “Bingi ka ba? Kakaanunsiyo lang ni Ama at Don Agaton na nakatakda kaming ikasal ni Binibining Kristina. Hindi ka ba nakikinig?”

“Iyan ba ang pinagmamalaki mo, Primitivo?” ismid ni Joaquin. “Bakit? Sang-ayon ba si Martina sa kasalang iyon? Mas mayroon akong karapatan dahil ako ang kaniyang kasintahan.”

Palipat-lipat na lang ng tingin ang taging nagawa ko dahil hindi ko na talaga kayang magsalita pa. Mas lalo pa nga na lumala ang pagrahan ng paghinga ko. Bagama’t hindi na rin gaanong malakas ang kabog ng dibdib ko ay hindi pa rin normal ang tibok nito.

“Ano ba? Tila kayo’y mga paslit at mga musmos na nag-aaway. Hindi na nga kayo nahiya pa sa Binibini. Maaari bang tumahimik na kayong dalawa?”

Mabuti na lang talaga at narito si Agustin at baka kung wala ay kanina ko pa nasuntok ang dalawang ito. Umiling na lang ako tinuon na lang ang pansin ko sa pilit na pagbuka ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit tila umiikot na ang paningin ko at nais na ng mga mata kong pumikit.

“Alam ninyo? Kung nais ninyong magsuntukan at ipaglaban ang inyong mga karapatan, na hala’t sige, roon kayo sa malayo. Magbubugan kayo hangga’t nais ninyo. Hindi ko batid na ganiyan pala ang inyong mga ugali. Abogado pa naman kayong dalawa, hindi ba?” umiiling na pahayag ni Agustin na kahit pa umiikot na ang paningin ko ay napangiti ako.

“Martina, nais mo bag pumasok na muna? Nag-aalala na si Donya Florentina sa iy—bakit ka nanlalamig, Martina? Bakit tila nawawalan ka ng lakas. Umayos ka ng tayo’t aalalayan kita,” natatarantang sabi ni Agustin saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

“Sa–salamat, Agustin,” usal ko sa pagitan ng malalalim at tipid na paghinga.

“Anong nangyayari sa kaniya?” usisa ni Primitivo.

“Martina, ayos ka lang?” Pati si Joaquin ay natataranta na rin.

“Halika na sa loob, Martina. At nang mainitan ka ng kaunti at makainom ng tubig...Martina!”

Kasabay ng sigaw ni Agustin ang siyang pagkawala ng balanse ko at natumba na sa lupa. Mabuti na lamang at nasalo ako ni Agustin at inilagay niya kaagad ang kaniyang braso sa may likod ng balikat ko.

Umiikot na ang paningin ko kaya naman silang nakikita ko sa ibabaw ay umiikot na at dumidilim na rin.

“Martina, huwag kang pumikit! Gumising ka, manatili kang gising! Martina!”

“Agustino, anong nangyayari sa kaniya? Ikaw kasi! Hinayaan mong sundan ka niya rito. Pinigilan mo pa akong dalhin siya sa loob.”

“Huwag mo akong sisihin. Kung hindi ka lang pumagitna riyan ay hindi mangyayari ito.”

“Martina. Martina, gising!”

Naging malumanay at hindi na klaro ang pagdinig ko sa kanilang mga boses. Lalo na kay Agustin na nakahawak sa akin at niyuyugyog pa ako para gisingin.

“Martina, pakiusap. Huwag kang pumikit!”

Ang sigaw niyang nanghihina sa pandinig ko at nagiging marahan ang mga salitang iyon bago tuluyang pumikit ang mga mata ko at nandilim na ang aking buong paningin.














Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
45.6K 5.1K 81
Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or...
132K 9.1K 102
Si Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan n...
84.5K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...