Love Ride (LOVE TRILOGY #1)

By DrinoWang

2.2K 418 181

Freedom to love. 'Yan ang gusto ni Celine Angeline Roxas dahil halos araw-araw na lang yata siyang kinukulit... More

✭ LOVE RIDE ✭
✮ LOVE RIDE 01 ✮
✮ LOVE RIDE 02 ✮
✮ LOVE RIDE 03 ✮
✮ LOVE RIDE 04 ✮
✮ LOVE RIDE 05 ✮
✮ LOVE RIDE 06 ✮
✮ LOVE RIDE 07 ✮
✮ LOVE RIDE 08 ✮
✮ LOVE RIDE 09 ✮
✮ LOVE RIDE 10 ✮
✮ LOVE RIDE 11 ✮
✮ LOVE RIDE 12 ✮
✮ LOVE RIDE 13 ✮
✮ LOVE RIDE 14 ✮
✮ LOVE RIDE 15 ✮
✮ LOVE RIDE 16 ✮
✮ LOVE RIDE 17 ✮
✮ LOVE RIDE 18 ✮
✮ LOVE RIDE 19 ✮
✮ LOVE RIDE 20 ✮
✮ LOVE RIDE 21 ✮
✮ LOVE RIDE 22 ✮
✮ LOVE RIDE 23 ✮
✮ LOVE RIDE 24 ✮
✮ LOVE RIDE 25 ✮
✮ LOVE RIDE 26 ✮
✮ LOVE RIDE 27 ✮
✮ LOVE RIDE 28 ✮
✮ LOVE RIDE 29 ✮
✮ LOVE RIDE 30 ✮
✮ LOVE RIDE 31 ✮
✮ LOVE RIDE 32 ✮
✮ LOVE RIDE 33 ✮
✮ LOVE RIDE 34 ✮
✮ LOVE RIDE 35 ✮
✮ LOVE RIDE 36 ✮
✮ LOVE RIDE 37 ✮
✮ LOVE RIDE 39 ✮
✮ LOVE RIDE 40 ✮
✮ LOVE RIDE ENDING ✮
✮ AUTHOR'S NOTE ✮

✮ LOVE RIDE 38✮

25 9 4
By DrinoWang


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Seeing Mark's angry reactions on my facebook story is the least I expected to end my day.

Patulog na nga lang ako, masisira pa gabi ko. Since connected ang instagram ko at facebook, I saw it. Ano namang problema nito? Ano'ng nakaka-angry sa family picture namin?

Okay pa sana kung isa lang 'yon, iisipin ko pa na baka napindot lang niya, pero tatlong angry reactions?! Iba na 'yon, sinadya niya 'to, oo!

Para saan 'yon? Ano'ng kinagalit niya? Gago ba siya?

I want to block him again! Nakakainis na nga siya, ganito pa gagawin niya.

Buti na lang, kahit papaano, nakatulog pa rin naman ako.

One day.

One day na lang bago ako pumunta kina Dex.

Natanong niya sa akin kung makakapunta ako n'ong madaling araw na 'yon, sabi ko naman, oo. Wala naman dapat ikahiya kako. He actually felt apologetic that time.

Kakain lang naman kami ng dinner kasama parents niya, 'yon lang. 'Di naman siguro aabot sa point na ipipilit ng parents niya si Dex sa 'kin.

Lunch of December 27 ko sinabi kay mama para makapagpaalam ako. Kaso, no choice. Narinig pa n'ong dalawa. 'Di naman ako makahanap ng tiyempo, eh laging ndakadikit 'tong si papa kay mama. Ayoko naman idaan sa chat.

"'Yan ba yung may kotse, sweetie?"

"Honey, may kinikita na anak natin? 'Nak, bakit hindi mo naman sinabi sa 'kin? Katampo naman."

"Oo, Ma. Si Dex. Pa, kaibigan ko 'yang si Dex. Sira ka."

"Wushu. Ayaw pa aminin," nang-aasar na sabi ni mama tapos tumingin kay papa. Napangiti si papa at tumingin ulit sa direksyon ko.

"Ma, pupunta na ako sa kuwarto."

"'Yan na nga siguro, Ma, Pa," singit naman ng isa pang gago. Sinamaan ko ng tingin 'tong kapatid ko na sumisimsim ng kape.

"Babalik na ako sa kuwarto ko."

"Teka lang naman, 'nak, baka mamaya ano pa gawin n'yan sa 'yo, ha. Ingat ka."

"Pa, 'di naman po gan'on 'yong tao. Mabait po si Dex. Nakasama ko na po 'to, alam ni Mama."

"Basta 'pag meron na, 'nak, magsabi ka sa 'min, ha. Gusto lang muna namin makilala ng mama mo kung mabuting tao ba 'yan bago namin ipagkatiwala prinsesa namin. Mahal ka namin, 'nak, tandaan mo 'yan."

"Alam ko naman po 'yon, Pa. Mahal ko rin po kayo nina Mama," sabi ko saka napangiti na lang ako sa narinig ko kay papa. Madalang ko lang marinig sa kaniya 'tong mga 'to since 'di ko rin naman siya gan'ong nakakausap. 'Pag umaalis naman kami, 'di naman umaabot sa ganitong topic 'yong pinag-uusapan namin.

"Sila lang, ate?" rinig kong hirit ni Bryle at nakabusangot pa talaga. Nakalukot talaga labi niya. Parang tanga naman 'tong kapatid ko, pero ang cute. Medyo inggit din ako kasi ang kinis at pula ng labi niya.

"Oo sila lang." Tumayo na ako at iniwan sila.

"Sakit naman, ate."

Humarap ako, nasa halfway na 'ko ng pinto ng kuwarto ko at lamesa namin. "Joke lang, sira. Kahit 'di obvious, mahal din kita. Mahal ko kayo," sabi ko at tiningnan sina mama at papa sa mata, nakita ko ngiti nila.

"Akala ko hindi, eh. Ate, 'yun palang assigment ko, baka makalimutan mo!" habol pa ng kapatid ko bago ako nakapasok sa kuwarto ko.

I checked my phone. May message si Kate sa 'kin about sa project namin sa Good Governance and Social Responsibillty. Originally, may conflict sana schedule. Eh 'yong day na sana pupunta kami sa orphanage, bukas na rin kasabay n'ong kay Dex.

I informed Kate about this situation at ang sabi niya, siya na bahala. Kasama naman daw niya si Khalil, pero siyempre, n'ong una 'di ako pumayag. By partner 'yon, eh. Besides, 'di ako sanay na walang gan'ong ma-contribute sa mga project dahil usually, top contributor ako. Eh kaso, alam ko naman 'tong gagang 'to, mapilit. Mas lalo pa ngang pinilit nang nagsabi na bibigyan daw ako ng bag, 'di pa niya sinabi na gusto lang niya makasama si Khalil, parang sira na ginamit pa talagang excuse 'yong bukas.

Kahit na gusto ko naman 'yong bag, syempre libre 'yon, as a leader pa rin naman, nakaka-worry 'yong fact na magsasama sila na baka wala sila magawa nang maayos gan'on, na maghaharutan na lang sila kaya winarningan ko siya and I reminded her na grade namin nakasalalay dito.

On the other side of this situation, inisip ko rin naman si Dex. Naging mabuti siyang kaibigan sa 'kin at may napag-usapan naman na kami. Alam na namin kung hanggang saan lang kami. Naiisip ko lang din na what if 'di ako pumayag, ano sasabihin ng parents niya sa kaniya? 'Di naman din ako madamot sa time ko lalo na alam ko naman na 'yong ipupunta ko lang d'on ay dahil nga sa magkaibigan kami ni Dex.

I know I shouldn't think this way, pero wala naman sigurong masama kung pupunta ako sa kanila. Chance na rin 'to para makilala parents niya. Curious din ako kung anong klaseng buhay ba meron sila, eh, napaka-private na tao ni Dex.

Gaya ng dati, ang sabi sa 'kin ni Dex, susunduin na lang daw niya ako sa 'min para naman 'di na ako magpasahe. Iniisip ko nga kung ano isusuot ko. Kahit ano na lang siguro.

By evening ko pa lang nag-start asikasuhin kung ano isusuot ko. Wala naman sinabi si Dex kung ano inaasahan ng parents niya. Pero feeling ko kasi, 'yong parents ni Dex ay 'yong type of parents na strict, especially 'yong mama niya na judger. Okay, judger din naman ako sa part na 'to. Bahala na lang nga.

Patulog na sana ako para i-end ang 27th of December ko, nand'on na ako sa point na papatayin ko na wifi, nang biglang mag-vibrate phone ko. Lumukot lang mukha ko nang nakita name niya. Sino pa ba. At the same time, 'di ko rin naiwasan na 'di kabahan.

Sasagutin ko ba? Ano bang kailangan nito?

"Naiinis ako sa 'yo," bungad niya sa 'kin habang magkasalubong ang kilay at naka-crossed arms kaya agad na nag-init ulo ko sa narinig ko, kasi gago ba siya, ba't ako nakakainis sa 'min? Sa lagay pa ba na 'yan? Sa dami nang ginawa niya sa akin?

"Mark, sira ka ba? Ikaw ang mas nakakainis dito. Alam mo ba 'yon? Ano'ng tinatawag-tawag mo? Matutulog na 'ko— ay wooow, bwisit na 'to! Lakas ng loob na patayan ako?! Wow lang talaga, ha? Patawag-tawag tapos papatayan ako?!"

Naiinis na naman ako. Sana lang talaga 'di kumatok si mama at 'di nila narinig 'yong boses ko. Noong mga oras na 'yon, hinahabol ng mga heartbeats ko pangalan ni Mark kasi naiinis sila sa kaniya. Tatawag-tawag tapos gan'on lang sasabihin?

I hate to admit it, but I did expect Mark to apologize to me or kahit man lang kausapin ako nang maayos 'di 'yong ganito ibubungad niya sa 'kin. Ano pa bang aasahan ko, magsasalita pa ba 'yan.

Kahit mabagal, nakain pa rin naman ng antok ko 'yong inis ko kay Mark.

28th of December greeted me.

Ang napag-usapan namin ni Dex by 11 AM niya ako susunduin sa 'min kaya ang ginawa ko muna, nag-send ako ng voice message kay Kate, telling her na ayus-ayusin niya 'yong pag-asikaso sa project namin. CGSR is one of our major courses kaya 'di puwedeng nganga 'yong content n'on or memaipasa lang. I also told them na mag-ingat sila at nagpasalamat na rin.

Kasi talaga, kahit nga nasa vacation na kami, 'di pa rin talaga maalis sa pakiramdam ko na parang ang bilis ng oras. Nand'on pa rin 'yong academic pressure, like telling me, "bitch, enjoy your rest day, but do remember that i'm still here."

Ni hindi pa kasi ako nakapag-review for our final exam, but I know, kaya ko naman 'to despite the academic pressure na mostly galing sa 'kin. Aasikasuhin ko na lang 'tong preparation before New Year para kahit paano, may nasisimulan ako.

Sinabayan ko si mama sa almusal. I greeted her good morning, snaked my hand into her neck, and kissed her on top of her head. Kami pa lang dalawa, tulog pa 'yong dalawang batugan. Confirmed na may pinagmahan nga 'tong si Bryle.

Wala naman kami gan'ong napag-usapan after kumain. Nagtanong lang si mama kung okay lang ba studies ko, kung 'di ba ako nahihirapan lately, sabi ko okay naman, wala siyang dapat ipag-aalala.

Thankful naman ako na concern siya sa 'kin, 'di ko lang talaga maalis sa sarili ko na manibago lalo na it's new. the good thing: it has improved din naman in terms of comfortability kasi nga mas naging open na rin naman ako sa kaniya.

'Yon nga lang, nilayasan ko n'ong tinanong ako kung same person lang daw ba si Dex at 'yong in-open ko sa kaniya. Sumagot naman ako ng hindi, pero layas agad n'ong humingi pa ng full details, eh naiinis na nga ako d'on sa isang 'yon, tapos iku-kuwento ko pa? Tumawa na nga lang si mama n'on.

Naiinis talaga ako kay Mark matagal na at 'di ko talaga alam bakit simula nang tumuntong kami ng high school, parati na lang akong inaasar ni Mark. 'Di naman siya ganito dati. 'Di ko alam kung ano nakain niya o kung out of 100, gaano kataas 'yong satisfaction na nakukuha niya 'pag inaasar niya ako?

Nakakasama ko kasi siya dati 'pag naglalaro kami. Mas madalas n'ong elementary kami, pero 'di naman niya ako inaasar n'on. May bakanteng lugar kasi dito sa 'min n'on na naging palaruan ng mga halos bata sa 'min, kaso nga lang, wala na 'yon ngayon, nabili na.

Hanggang ngayon na tumuntong ng college, naging habit na yata nitong gago na 'to na asarin ako. Lalo na ngayon, mas nakakainis siya ngayon kasi pinaglalaruan niya feelings ko.

Ang sabi niya n'ong mga bata kami, nag-promise siya sa akin na poprotektahan niya ako, pero ba't 'di niya ako napo-protektahan mula sa kaniya ngayon?

Siya dahilan ba't nagkakaganito ako.

He's like the villain, but also my hero. He's like the villain attacking my feelings, but also the hero who keeps saving me, who keeps making me feel safe and sound.

But, now, the villain has started to dominate, sucking all the power of the hero. 

I don't know for now who will be declared as the winner.

Ayan ka na naman, Celine.

By 9, naligo na agad ako. Naplantsa ko naman 'yong dress na susuotin ko. Pagkatapos kong makapag-ayos at makatanggap ng message kay Dex, will be there in fifteen minutes, lumabas na ako. Sinabihan pa nga ako ni Bryle ng, "Wow, ate, may ka-date ka na pala."

Ginatungan naman ng isa, "Sabi ko pakilala mo sa 'kin 'yan, 'nak, eh. Kokotongin lang namin ng kapatid mo tapos okay na."

Napailing-iling na lang ako sa dalawa na kasalukuyang nag-aalmusal. Mag-ama talaga 'tong dalawa na 'to.

"Sira kayo. Pa, una na po ako. Ma, lalayas na ako!" sigaw ko dahil naglalaba si mama. Tumawa lang naman 'yong dalawa at itinuloy pagkain.

Hinintay ko si Dex sa labas namin. Sa paghihintay ko, napansin ko sa peripheral vision ko na may lumabas sa bahay nina Mark at sino pa ba.

Napansin kong pinagmamasdan niya ko kasi natigil siya sa puwesto niya kahit sa gilid ako nakatingin, inaabangan kotse ni Dex, kaya nag-assume rin ako na baka nga sa 'kin nakatingin at 'di nga ako nagkamali.

Sa 'kin nga.

Tiningnan ko, nagtama mga mata namin, at agad siyang nag-iwas ng tingin at itinuloy 'yong ginagawa.

Iisipin ko sana na lumabas siya para sa 'kin, kasi ang kapal ko, pero nakita ko 'yong hawak niya na trash plastic bag. Dahan-dahan niyang isinalin mga 'yon. Akala ko pa nga, titingin ulit siya sa 'kin, pero tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa kanila.

Mayamaya, nasa point ako na pinagmamasdan ko 'yong daan nang naramdaman ko na parang may nagmamasid sa 'kin at ayon, napunta tingin ko sa bintana nina Mark.

Oo nag-assume ako, at ayon nga, 'di ako nagkamali, parang sira siyang sumisilip-silip. At the same time cute, I'd like to emphasize that. Oo na, I admit, nahaharutan na rin ako sa sarili ko.

Nang umangat ulit ulo niya, our eyes met, pero mabilis din siyang nawala.

Ano'ng sa tingin niyang ginagawa niya n'yan?

Napangisi ako nang may naisip akong kalokohan. Dahil naman naiinis ako sa kaniya at matagal siyang 'di muna sumilip, tumawid ako papunta sa harap ng bintana nila para pag-trip-an 'tong gagong 'to.

Nang nasa harap na ako ng bintana nila, humarap ako d'on para hintayin siya. Tingnan lang na 'tin. Mayamaya pa, nang umangat ang ulo niya at nagtama mga mata namin, ngumisi ako. Mabilis namang nawala ang ulo niya at narinig ko pa nga mula sa kinatatayuan ko 'yong mga gamit na bumagsak na parang plastic.

Bagay 'yan sa 'yo. Para talaga akong demonyong nakangisi habang nakatingin sa bintana nila na may nakasabit na blue na kurtina.

Mula sa hand bag ko, kinuha ko 'yong phone ko at humarap na sa daan. I checked the time. 2 minutes na lang bago dumating si Dex.

Mayamaya rin dumating na si Dex. Tumingin ako sa driver's seat at gamit ang hintuturo ko, iniikot ko ito nang pa-counter clockwise. Signaling him na iikot na lang niya. Nakuha naman niya 'yon kaya maingat niya minaneuver kotse niya.

Nang nakaikot na, nasa point na ako na bubuksan ko na 'yong pinto, pero unexpectedly, nakaramdam ako ng init mula sa palapulsuhan ko. Naglaro naman sa tenga ko 'yong paghingal.

"Ako dito," humihingal na sabi ni Mark, napatingin ako sa kaniya bago sa kamay niya, at napatingin ulit sa mga mata niya.

That time, I don't know what to feel anymore. My heart started to state his name while feeling the warmth of his hand. My mind questioned my sanity, reminding me that I should be annoyed to this annoying creature, mustering all the courage to drop his hand aggresively, defying my feelings.

But I just couldn't.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 432 22
Let's witness the story of Lynne Blythe Layugan, a girl who wait for he's man. Let's witness if the man of he's life is on the way.
378K 19.8K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...