Love Ride (LOVE TRILOGY #1)

By DrinoWang

2.1K 418 181

Freedom to love. 'Yan ang gusto ni Celine Angeline Roxas dahil halos araw-araw na lang yata siyang kinukulit... More

✭ LOVE RIDE ✭
✮ LOVE RIDE 01 ✮
✮ LOVE RIDE 02 ✮
✮ LOVE RIDE 03 ✮
✮ LOVE RIDE 04 ✮
✮ LOVE RIDE 05 ✮
✮ LOVE RIDE 06 ✮
✮ LOVE RIDE 07 ✮
✮ LOVE RIDE 08 ✮
✮ LOVE RIDE 09 ✮
✮ LOVE RIDE 10 ✮
✮ LOVE RIDE 11 ✮
✮ LOVE RIDE 12 ✮
✮ LOVE RIDE 13 ✮
✮ LOVE RIDE 14 ✮
✮ LOVE RIDE 15 ✮
✮ LOVE RIDE 16 ✮
✮ LOVE RIDE 17 ✮
✮ LOVE RIDE 18 ✮
✮ LOVE RIDE 19 ✮
✮ LOVE RIDE 20 ✮
✮ LOVE RIDE 21 ✮
✮ LOVE RIDE 22 ✮
✮ LOVE RIDE 23 ✮
✮ LOVE RIDE 24 ✮
✮ LOVE RIDE 26 ✮
✮ LOVE RIDE 27 ✮
✮ LOVE RIDE 28 ✮
✮ LOVE RIDE 29 ✮
✮ LOVE RIDE 30 ✮
✮ LOVE RIDE 31 ✮
✮ LOVE RIDE 32 ✮
✮ LOVE RIDE 33 ✮
✮ LOVE RIDE 34 ✮
✮ LOVE RIDE 35 ✮
✮ LOVE RIDE 36 ✮
✮ LOVE RIDE 37 ✮
✮ LOVE RIDE 38✮
✮ LOVE RIDE 39 ✮
✮ LOVE RIDE 40 ✮
✮ LOVE RIDE ENDING ✮
✮ AUTHOR'S NOTE ✮

✮ LOVE RIDE 25 ✮

33 9 6
By DrinoWang


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

After we rode banana boat, nagpa-picture na muna kami nang buo para naman kahit papaano ay may documentation at ma-post 'yong magkumare.

Pero bago pa makabalik lahat sa pampang, saglit muna akong nagpaiwan para mag-picture. Ang ganda kasi! Saglit akong nag-my day, buti naman, may signal naman.

Nakita ko pa ngang napasulyap sa akin si mokong na sumabay na kina Bryle. Hinayaan ko na lang siya.

Bumalik naman na agad ako.

Kahit na basa halos kami, isa-isa na kaming nag-line sa pampang.

Bale, napag-usapan na two rows. Mga lalaki sa baba. Nasa magkabilang dulo 'yong magkumpare, gan'on din naman sa magkumare. Si Bryle, katabi ni papa, ako, si mama. Si Mark naman, dahil maliit si Macy, kinailangan sumampa nito sa batok ni mokong para kahit papaano, magpantay-pantay kaming mga babae.

Noong okay na, saka na kami nag-pose. Medyo napaatras pa nga ako noong tumama 'yong likod ng braso ni mokong sa 'kin noong tinaas niya kamay niya, hawak-hawak kamay ni Macy. Narinig ko rin naman na nag-sorry.

Noong maghapon, nagpahinga muna para daw mamaya may lakas kaming mag-party. Yes, parang mini party 'to kung sa'n magka-camping din kami. Nakita ko na nga na may nakahandang beers sina papa na nilagay nila sa kusina.

Eh dahil sa mahaba naman 'yong tulog ko, hindi naman akong makatulog kahit sinubukan ko. Kaya bumangon na lang ako at kinuha 'yong phone kong naka-charge at naupo sa sofa.

I checked my social media notifications, specifically facebook and instagram. As expected I was bombarded by notifications. 'Yong iba nag-react lang ng heart emoticon sa stories ko, 'yong iba nag-reply kasama sina Kate at Dexter!

Si Kate, nagtatanong lang naman kung nag-e-enjoy raw ako, kaya sabi ko, okay naman. Sinabihan niya rin akong mag-ingat. She also gave me an update na may naisip na raw siyang institution para sa project namin. Right, may project pa pala kami.

I have to face that reality after this and that sucks, but I still have to do it.

"You look beautiful. Enjoy your trip! Let's meet one day. I'll just update you, if that's okay."

Napangiti naman ako sa message. Noong time na 'yon, saglit kong naalala 'yong araw na nag-confess siya sa akin. Mabait namang tao si Dexter, malinis manamit, mabango, disente, interesting how he accurately observe people and that day, his confession really didn't make me uncomfortable.

Naisip ko rin na hayaan ko nga siya gaya ng sabi niya to express his feelings for me. Maybe that's the opportunity to know him more because I also find him interesting. I want to know him more as a friend and maybe one day, through our friendly interactions, he will realize that we're not really meant for each other.

After naman noong araw na 'yon, hindi pa naman siya nagpaparamdam sa 'kin. I don't know his plans, but I think, kailangan kong mag-ready. Alam ko rin naman limitations ko at alam ko rin naman na mabuting tao si Dexter. I don't think he would do something to disappoint me and ruin his reputation. I don't want to hurt his feelings din naman, so I guess, I'll just face it na lang. Besides, hindi pa naman nangyayari so why do I need to overthink what might happen?

I replied, "thank you. sure. but, let's see. may project kasi kami, eh. inform mo na lang ako agad kung kailan then i'll just update u na lang n'on. okay? ingat!"

Mayamaya, nakita ko namang papunta sa kinaroroonan ko si mokong. Ewan ko sa'n siya nagpunta, bumaba kasi siya kanina.

Wala pa rin siyang damit. Nakita ko na naman si Mucy. Iniiwas ko agad tingin ko.

Umupo siya sa sofa, sa harap ko mismo. Biglang tumunog 'yong phone ko.

"Got it. No problem, as long as I'll have the chance to meet you and know you. :)"

Napangiti ako sa nabasa ko. Ni-like ko na lang 'yong message ni Dex at sinarado na phone ko. Noong mag-angat ako ng tingin, nakita kong nakataas kilay noong mokong sa 'kin . . . na parang may ginawa akong mali.

"May sasabihin ka? Ba't ka ganyan makatingin? Ako lang dapat gumagawa n'yan sa 'yo dahil lagi kang nang-aasar."

"B-boyfriend mo 'yun?" nauutal n'yang tanong.

Napaayos ako ng upo. "H-ha? Sino?"

Ngumuso siya. Inginuso 'yong phone na hawak ko.

"Ah . . . sira. Si Dexter 'yon. He's a friend." Tumawa ako. "Y-yes, friend. Bakit?"

"'Yan ba yung lalaki . . . na nakita ko nung isang araw? Yung kinausap mo nung araw na 'yun?" tanong niya, seryoso nakatingin sa mga mata ko.

Napapano 'to.

"Yup. Ba't mo natanong?"

Nakita kong tumayo siya papunta sa akin. Tinabihan ako sa sofa. Isinandal ba naman 'yong mga braso sa sofa na parang nakaakbay sa akin. Buti 'di ako nakasandal, pero medyo napalayo ako.

Ang lapit-lapit kasi niya.

Hindi man lang sumagot ang sira, pero narinig kong bumuntonghininga siya. Ano naman ngayon kung magkasama kami ni Dexter?

"Sabihin mo nga. May pinuntahan ka ba noong araw na 'yon?" tanong ko bigla kasi ang tahimik.

"Ha?" suplado niyang sagot. Naka-crossed arms. Hindi maayos ang upo. Ano'ng ginawa ko na naman sa isang 'to. Ewan ko, pero the thought na parang galit siya sa akin or may problema siya sa 'kin ay 'di ko nagustuhan.

"Noong tinakbuhan kita."

Tumawa ako.

"Nung kinabukasan matapos mo 'kong binlock?" he said sarcastically.

"Ikaw kaya, nakakainis ka!"

"Nag-sorry ako n'un, narinig mo ba n'un?" tanong niya. Sa tono niya, para siyang batang nagtatampo. Sa 'di sinasadya, napatingin ako chest niya. May pawis kasi. Ang cute. Mas lalo ring nag-form si Mucy. Agad akong tumingin sa kaniya. Buti hindi niya ako napansin. Mayamaya tumingin ulit sa 'kin. "Hinabol pa kita, 'a. Bakit kailangan mo akong takbuhan n'un? Akala ko nga makakapag-sorry ako nang maayos n'un kaya maaga ako gumising."

"Oo, narinig ko 'yon, pero kahit na! Nakakainis ka pa rin n'ong araw na 'yon! Saka ba't hindi mo sagutin 'yong tanong ko? 'Yong una? Ba't parang iniiwasan?"

Umiiwas siya ng tingin. "Wala. Hayaan mo na 'yun."

"Ano'ng wala. Bigla kang nawala. Hinanap kita."

"N-niyaya ako ng mga barkada."

"Noong time talaga na 'yon? Okay na lang."

"Nakakainis," bigla sabi niya. Gumalaw siya sa puwesto.

"Nakakainis? Sino? Ikaw?"

Naiinis na naman ako sa isang 'to.

"Ikaw."

"Ano'ng ako? Ako pa talaga? Ikaw nag-send ng picture."

"Sorry na nga, eh!"

"Oh, ba't parang pilit 'yan? Ba't parang nagagalit ka? Ba't parang nang-aaway ka?"

Humarap siya sa 'kin.
"Sorry na kasi, 'a. Hindi na mauulit 'yun. Hindi na talaga."

"Fine. Oo na."

Biglang tumahimik. Napasandal naman ako sa sofa, na akala ko, wala na 'yong braso niya, kaya nadaganan ko.

"Ay sorry."

"Sinasadya yata, 'a. Nananakit talaga."

Naiinis ko siyang hinarap. Umayos naman siya ng upo, paharap sa 'kin na natatawa. Itinaas ko kamao ko pero bigla niya 'yong napigilan gamit ang kaliwang kamay niya. Hinila niya kamay ko papalapit sa kanya kaya napunta kamay namin sa dibdib niya. Dahil lumapit 'yong mukha ko, dahan-dahan niyang inilapit 'yong mukha niya. Nakatingin sa mga mata ko, habang ako naman, masamang tinititigan siya at pilit binabawi 'yong kamay ko.

"Gusto mo ng buko juice?" tanong niya nang nakangiti.

"H-ha? Bitiwan mo 'ko, 'yong pawis mo woy, kadiri! Isa, Mark!"

"Para lumamig yung ulo mo."

Ngumiti siya. Ang lapit-lapit pa rin namin. Ramdam ko 'yong hininga niya. Hindi naman mabaho.

Napaiwas ako noong mas inilapit pa niya mukha niya. Tumawa siya saka niya ako binitiwan.

"Seryoso. Gusto mo?" Inayos niya upo niya.

"Marunong ka bang umakyat?"

"Ako pa? Ang lakas ko kaya!" He flexed his muscles.

Napatulala ako sa ginawa niya. I wasn't expecting that. Hindi ko rin alam ba't gan'on naramdaman ko. Noong na-realize niya rin ginawa niya, awkward niyang binaba 'yon at bahagyang natawa.

Ang cute kaya napangiti na lang ako at napahawak sa tuhod ko para pigilan sarili ko.

Iba na naman kasi.

Matapos noon, bumaba na kami. Agad naman siyang umakyat na parang unggoy. Ang bilis kasi niya. Mukhang sanay na sanay na. Noon ngang nasa dulo na ang sira, ngumiti siya sa akin na mukhang proud na proud pa talaga sa nagawa niya.

Ang guwapo, pero pinanlakihan ko siya ng mata at itinaas kamay ko.

"Woy, baka mahulog ka naman! Ingat ka sa taas!"

Walang pag-aalinlangan naman niyang inilaglag 'yong mga bunga. Dahil buhangin naman kasi.

"Kukuha na ako ng pitsel," pagpresinta ko, habang nakatingala sa kaniya. From my position, kita ko talaga pag-form ni Mucy at 'yong mga butil ng pawis sa katawan niya.

"Ako na lang," sabi naman niya.

"Okay."

Pumasok naman na kami after masangkapan at after niyang malinis 'yong kalat niya. Inalukan naman niya mga kasama namin ng buko juice.

Agad na naghanda ang lahat para sa gaganaping mini party. 'Yong mga boys, dinala na 'yong tents at itinayo 'yon sa pampang. Nandoon na rin 'yong mga gagamiting kahoy. Ako, tumulong sa pagdala noong mga kakainin namin, kasama sina mama.

Inasikaso naman ng kapatid ko 'yong ihawan. Nag-start nang mag-ihaw ng barbecues. Malapit na kasing magtakip-silim n'on. Lumalamig na rin 'yong hangin. Rinig ko naman 'yong paghampas ng mga alon.

Nasabi nina papa na sulitin na raw namin 'tong gabing 'to. Bukas kasi, maaga kaming aalis. Kaya malamang, gigising muna 'yong iba para maligo sa dagat nang maaga, since baka 'di na nila masulit mamaya. Malamang, gabi na rin.

Mabilis na lumipas 'yong oras. Nagsimula na rin 'yong mini party namin. Dahil sa malamig na n'on, pinaliyaban na 'yong bonfire. Kumain na muna kami nang salusalo. Nakapaikot pa nga kami sa bonfire kaya ramdam ko 'yong init na sakto lang naman, pero maya't maya kong napapansin na tumitingin na naman 'tong mokong na 'to sa akin.

May kanin na naman ba ako? 'Pag pamo ginagawa niya 'yon tas nahuli ko, iiwas ba naman agad ng tingin at magpapanggap na kumakain? Parang sira.

Pagkatapos kumain at makapagpahinga, nagsimula nang magsayawan. Pinangunahan nina tita at mama. Para silang mga bata. Natawa pa nga ako noong nag-twerk ba naman silang dalawa? Kaya napansin ko na biglang tinakpan ni Mark mga mata ni Macy.

Napangiti na lang ako at napatingin sa mga magkumpare na may sariling mundo at may hawak-hawak na plastic cup na may lamang beer. Rinig kong pinagkukuwentuhan nila 'yong about sa trabaho nila.

Mayamaya pa, lumapit sina mama kina papa at nagsimula ba naman sumayaw sa lap nila? Na parang mga walang batang kasama? Nag-react naman 'yong magkumpare at lumakas 'yong sigawan.

"Harap ka d'un. Huwag kang titingin," habilin ni mokong sa kapatid niya.

Hindi naman din nagtagal 'yon. Mukhang napagod yata mga loka-loka sa kagagahan nila at umupo sa tabi ng mga asawa nila. Napailing na lang ako. Si Bryle, ayon, nasa harap, ano pa ba, magkausap na naman yata sila ni Eunice.

Napagpasyahan kong tumayo para kumuha ng plastic cup at nagpunta sa kung nasaan 'yong ice box. Kukuha na sana ako ng beer para buksan 'to noong inagaw 'to sa 'kin ni mokong na biglang sumulpot sa likod ko.

"Umiinom ka?"

"Oo, medyo. Akin na nga 'yan." Sinubukan kong agawin 'yon. Eh pinapunta kasi niya sa likod niya kaya 'di naiwasang magdikit mga katawan namin. Ang init pa naman niya. Wala pa ring pang-itaas na damit.

"Huwag mo damihan." Sabay abot niya.

"Ako magsasabi kung gaano kadami. Huwag mo akong diktahan."

I winked at him. Saka lumayo sa kaniya.

Nakita ko namang natigilan siya. Hindi ko alam kung sa pagkaprangka ko ba o 'yong sa pagkindat ko. Ba't naman kasi 'yon 'yong ginawa ko?! Celine, umayos ka!

Naglagay na 'ko sa plastic cup ng ilang ice cubes at beer at walang ano-ano'y tinungga 'to. Kalahati lang naman 'yon. Hindi pa naman din kasi ako gaanong sanay uminom. Ilang beses pa lang naman kasi kaming uminom ni Kate.

Wala namang pumilit sa amin. Kapwa namin gusto 'yon. Maybe out of curiosity, kaso, noong first time ko, official ng isa 'yon sa mga hindi ko makakalimutang nangyari at naramdaman ko sa buhay ko at ayoko nang matandaan pa. Natatawa pa rin nga ako 'pag naaalala ko.

Nakita ko namang bumalik sa puwesto si mokong at parang nakatingin sa akin pati d'on sa plastic cup. Nilagyan ko ulit 'yong plastic cup at tinungga ito.

Gumuhit sa lalamunan ko 'yong pait. Ang tapang. Kulang na lang mabilaukan ako. Napapadighay na rin ako. Nagsimula na ring uminit 'yong katawan ko at parang nahihilo na.

Noong naubos ko 'yong isang bote, tumayo ulit ako para kumuha. Pero hindi na ako bumalik sa puwesto ko at nilagpasan na lang sila. Nakita ko pa nga na napatingala si mokong, pero hindi naman nagsalita.

Hindi naman na rin ako pinansin ni papa. Abala sa pagkukuwentuhan. Narinig kong pinag-uusapan nila 'yong buhay nila noong mga bata sila.

Medyo maayos pa naman 'yong lakad ko noong naupo ako sa buhanginan. Lumayo ako sa kanila. Medyo madilim naman 'tong puwesto ko, pero may konting liwanag pa naman galing sa mga cottage. Wala rin namang taong malapit. Mas malapit din ako sa pampang. Naririnig ko nga 'yong kuwentuhan ng mga tao sa magkaiba't ibang direksiyon na sumabay sa paghampas ng mga alon.

Binuka ko 'yong mga paa ko para mas maramdaman ko lalo 'yong buhanginan. Humihinga habang pinagmasdan ko 'yong dagat. Ang therapeutic talaga ng hatid sa pakiramdam. Watching the sea never fails to bring me comfort.

Dahil sa shadow na napansin kong parang yumakap sa 'kin at tunog ng pagbagsak nang dahan-dahan, nalaman kong may umupo sa tabi ko.

"You disturbed my peace again," sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya't tumungga ulit. Napansin ko namang tumungga rin siya.

"Nag-aalala ako sa 'yo. Ayokong mangyari ulit 'yun. Kung puwede nga lang . . . gusto ko, lagi akong nasa tabi mo. Para mabantayan ka lagi," sabi niya kaya napaharap ako sa kaniya.

Nagtama 'yong mga mata namin.

"Pa'no si Macy?"

"'Yun pinabantay ko sa kapatid mo. Pumayag naman."

Tumingin ulit ako sa dagat. Bumuntonghininga at uminom ulit.

"Tama na 'yan. Baka magsuka ka n'yan, eh."

"Ba't pinipigilan mo 'ko? Sabi ko kanina, 'wag mo 'ko diktahan. Kaya ko sarili ko."

Tumungga ulit. May mga nakatakas nga sa bibig ko.

"Pa'no kung paggising mo masakit ulo mo? May nadala ka bang gamot?"

Noong mga oras na 'yon, ramdam ko na 'yong tama ng beer. 'Yong tibok naman ng puso ko, ang bilis-bilis. Mas nag-init 'yong katawan ko. Lalo na . . . alam kong nasa tabi ko siya.

At sino ba 'to?

Si Mark lang naman na lagi akong kinukuha sa mga ginagawa niya.

Hinarap ko siya, inilapit ko 'yong mukha ko, kahit nakita kong tumutungga siya. Noong napansin niya ako, dahan-dahan niyang ibinababa 'yon sa buhanginan at hinarap 'yong mukha sa 'kin. Naguguluhan ang gago.

Hindi kami pareho, dahil alam ko, hindi ako naguguluhan.

Sigurado ako na siya 'yong dahilan ba't nagkakaganito ako. Na kahit nga may tama ako ng alak, mas malakas pa rin tama ko kay Mark.

Nakakainis 'tong dibdib na 'to. Naririndi ako, pero masaya, nakaka-excite.

Hinawakan ko nang dahan-dahan 'yong pisngi niya. Medyo nagulat siya sa ginawa ko, napalunok pa, pero hindi naman niya ito tinanggal. Hinawakan pa nga niya, hinaplos-haplos, dinama ako. Napapapikit. Parang sasabog na talaga dibdib ko. Ang init na nga ng sikmura ko, ang init pa ng kamay niya, ang init pa ng mukha ko dahil sa mga matang 'yon ni Mark. Nakatingin sa mga mata ko, nagtatanong. Kinakausap ako, habang nakatukod 'yong kanang kamay niya sa buhanginan.

Iba na 'yong atake ng alak sa 'kin.

Mas iba naman atake ng presensiya niya. Sinisilaban buong pagkatao ko.

"B-ba't mo ginagawa sa akin to?"

"A-alin?"

"Ba't mo ginagawa sa akin 'to?" pag-uulit ko't pinadaan sa bawat sulok ng mukha niya 'yong kamay ko. Magmula sa kaliwang pisngi niya, sa noo niya, sa ilong niya, papunta sa labi niya. Napapapikit pa nga siya 'pag gumagalaw kamay ko.

Dahan-dahan kong inalis kamay ko. Huminga. "Ba't ang bait mo sa 'kin? Ba't pakiramdam ko . . . mababaliw na ako sa lahat ng ginagawa mo? Na kahit naiinis ako sa 'yo, hinahanap-hanap ko 'yon. Para ring automatically . . . hinahanap ka ng mga mata ko. Sa tuwing kasama kita, pakiramdam ko, safe ako. Ilang beses mo na akong pinrotektahan, lagi kang nand'yan sa tabi ko. Lahat ng 'yon naramdaman ko rito! Nararamdaman kita. Nararamdaman kita, Mark. Bigla ka na lang pumasok dito. Ngayon nga, ang lakas-lakas, eh. Parang tanga naman 'to." Turo ko sa dibdib ko. Nakita kong mas lumalim paghinga niya at minsan, bumababa tingin nito sa mga labi ko.

Tumingin ulit siya sa mga mata ko. Mas inilapit ko pa mukha ko. Nararamdaman ko na 'yong init ng hininga niya sa mukha ko. Malapit na kaming magkahalikan. "Tumingin ka lang sa mga mata ko, Mark. Binabalaan kita na huwag kang iiwas. Kahit gusto mo, 'di puwede. Tumingin ka lang sa 'kin. Magsabi ka nang totoo ngayon. G-gusto mo ba ako?"

Noong mga oras na 'yon, mas lumakas 'yong tibok ng puso ko na parang anomang oras sasabog 'yong nararamdaman ko.

There was this deafening silence before he could finally answer.

"G-ginawa ko 'yun kasi nangako ako sa 'yo . . . kasi magkabigan tayo."

That was the time when I suddenly felt my tears went down like a water fall. His words vibrated in my ear like a knife and it brought so much pain to me to the point I could hardly breathe. Napabitaw ako sa kaniya. My hands were shaking. I could feel my heart crumbled, broken into a million pieces. My vision was blurry but it's annoying na ang linaw niya pa rin sa mga mata ko, sa lahat. Napayuko ako at hinayaang tumulo 'yong mga luha.

It was heartwrenching.

"R-right. Friends. Magkaibigan. Oo nga, 'no! F-friends. Magkaibigan nga pala tayo. Friends. Magkaibigan. Alam ko naman 'yong meaning n'on. Alam ko, 'di ba? O siguro tanga lang talaga ako!" Nakaharap sa dagat, para akong baliw na tumatawa saka naiiyak noong sabihin ko 'yong mga salitang 'yon.

Tumahimik.

Wala siyang ginawa, habang ako, naiiyak pa rin. Napapahawak sa dibdib. Pinunasan ko mga luha. Huminga nang malalim.

"Gusto kita," sabi ko nang madiin. Naramdaman kong sumabay ang pagtulo ng luha ko sa left eye. Nakaharap ulit ako sa kaniya. Napalingon sa 'kin. Hindi ko pinutol 'yong tingin namin. "Mark, gusto kita. Gustong-gusto kita. Baka nga naiisip mo na nababaliw ako, oo, nababaliw ako dahil sa 'yo! Baka nga naiisip mo . . . na lasing lang ako, sa alak lang 'to, pero hindi, eh! This is my heart. Ako 'to si Celine. Ito 'yong nararamdaman ko. Mark . . . sigurado ako na gusto kita."

Saglit na tumigil. Pilit na sinasabi sa sarili ko na baka may pag-asa pa, kahit na tuloy-tuloy sa pagkawala ang mga luha at nararamdaman ng balat ang malamig na hangin.

"Mark Dayrit na pinakanakakainis na tao sa buhay ko . . . gustong-gusto kita! Gustong-gusto kita! Gustong-gusto kita!"

Nagising lang ako sa katangahan na 'to n'ong kusang humina 'yong pagsigaw ko, habang nakatingin sa kaniya, napailing-iling. Nalaman ko ring tanga ako n'ong biglang lumakas ihip ng hangin at para akong sinampal. Kulang pa nga 'yon.

Wala akong nakuhang sagot. Ano pa ba, tahimik na naman.

Ganito pala kasakit 'yon, ba't hindi ako na-inform, eh 'di sana napaghandaan ko naman.

My heart felt like it was squeezed like a cloth, crumpled like a paper. This pain was new to me.

Mas bumuhos 'yong mga luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko, kulang na lang hindi ako makahinga.

Tumawa ako at tumayo. Nag-aalala rin siyang tumayo. Hinarap ko 'tong nakakainis na 'to while trying so hard to gasp for air.

"Umamin sa 'kin si Dexter," sabi ko, diniinan 'yong name ni Dex. "Oo, siya. Tama 'yong iniisip mo. Noong isang araw pa. Maybe 'yon 'yong reason . . . kaya naglakas-loob akong umamin."

I admit, having that courage to confess somehow felt freedom. I was able to release these caged feelings and it somehow comforted me that time, but I knew it wasn't enough to ease the pain.

Dumilim ang paningin niya, pero nakakainis na wala man lang siya sinabi.

"S-sigurado ka na? Kasi actually . . . pinayagan ko si Dex na gawin 'yong gusto niyang gawin. Sinabihan niya ako . . . na hayaan ko raw siyang i-express nararamdaman niya sa 'kin without expecting or forcing me to respond. He actually begged for it. Deserve rin naman niya. Mabuti siyang tao . . . at sure ako na sure siya sa 'kin."

Ang tanga ko naman para gamitin pa 'to. Wow. At nakakainis talaga na akala ko, may effect 'yon na may sasabihin siya.

Wala pa rin naman akong nakuhang sagot. Sumabay sa katahimikan 'yong another batch of tears.

It actually felt like they had celebrated my stupidity.

"A-ahhhh . . . as they say . . . s-silence means yes! Yeah, right. Fine. Oo na. Whatever. Kuha ko na. Mabuti na ring malinaw. Ayoko rin namang pahabain pa 'to," sabi ko. "A-ano'ng ginagawa ko? Hahahaha okay lang 'yan." Baliw na tumawa't lumuha habang humakbang palayo sa kaniya nang hindi pinuputol ang tingin.

As if questioning my whole existence.

Crazy.

Love makes people crazy.

Love is crazy.

This shit is crazy.

For one last time, I tried chasing this feeling, hoping it would end up well. Raising my gaze, even though it was difficult to look directly at his eyes, I mustered the courage to speak up, shouting my feelings of desperation.

"Matalino akong tao, alam ko rin 'yong worth ko, alam ko na dapat hindi ako desperado, pero putangin*, Mark, dahil sa 'yo, dahil sa 'yo naging ganito ako!"

I tried catching my breath. I tried holding my foot on the ground so I could not fall. All, just for him. Difficult but I had to.

"Alam mo, Mark, hate na hate ko 'yong mga taong desperate pagdating sa love, pero bakit ngayon, katulad na nila ako? Nakakatawa 'no! Bakit ang tanga-tanga ko para ipagpilitan 'yong sarili ko sa taong hindi naman ako gusto?! Bakit parang binubugaw ko 'yong sarili ko as if wala akong respeto sa sarili ko? Sabi na, eh, sabi na! Noong una pa lang, sana pinigilan ko na. Sana binura ko na lang 'yong nararamdaman ko. Hindi 'yong ganito, Mark. Hindi 'yong nasasaktan na nga ako at alam kong wala ka man lang talagang balak magsalita, bakit . . .  bakit hindi ko pa ring magawang itigil 'tong katangahan kong 'to?! Bakit nasa harap mo pa rin ako, naghihintay na sana man lang may sabihin o gawin ka!? Tangin* naman, Celine! Ang tanga-tanga mo! Sinunod ko naman sinasabi ng puso't isip ko, pero bakit 'yong gusto kong pagmamahal na malaya, sasaktan lang pala ako??"

Now I understand people who are desperate for love. I have become the person I once hated. The funny thing is, I can't even hate myself. Being desperate is such a stupid thing to do, but it requires a courageous heart to take such a risk just to follow your heart.

Akmang lalapitan niya ako nang napailing-iling ako habang ang walang-buhay kong mga mata ay nakatingin sa mga mata niya.

"Magkaibigan lang tayo, Mark."

And there I said it.

Hindi ko na siya hinintay magsalita. Umikot na agad ako, tumakbo nang tumutulo pa rin ang mga luha ko.

Ang alam ko lang noon, kahit masakit . . . gusto kong lumayo sa kanya.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Continue Reading

You'll Also Like

15.9K 2.7K 59
Eleazar Girls Series #1: Book 1 of 3 [COMPLETED] 4 girls and 4 boys have been friends for half a decade which starts with a golden rule everyone sho...
14.4K 613 26
I already break a hundred of hearts. Caused trouble to everyone around. I never wanna be committed, I always want to be free. But then I met you, the...
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
11.7K 5.5K 27
Isang pagkakamali ang desisyong nagawa ni Marina noong araw na iyon. Dahil sa labis na kuryosidad, ito ang nagdala sa kanya sa taong ilang dekada na...