Love Ride (LOVE TRILOGY #1)

By DrinoWang

2.1K 418 181

Freedom to love. 'Yan ang gusto ni Celine Angeline Roxas dahil halos araw-araw na lang yata siyang kinukulit... More

✭ LOVE RIDE ✭
✮ LOVE RIDE 01 ✮
✮ LOVE RIDE 02 ✮
✮ LOVE RIDE 03 ✮
✮ LOVE RIDE 04 ✮
✮ LOVE RIDE 05 ✮
✮ LOVE RIDE 06 ✮
✮ LOVE RIDE 07 ✮
✮ LOVE RIDE 08 ✮
✮ LOVE RIDE 09 ✮
✮ LOVE RIDE 10 ✮
✮ LOVE RIDE 11 ✮
✮ LOVE RIDE 12 ✮
✮ LOVE RIDE 13 ✮
✮ LOVE RIDE 14 ✮
✮ LOVE RIDE 15 ✮
✮ LOVE RIDE 16 ✮
✮ LOVE RIDE 17 ✮
✮ LOVE RIDE 18 ✮
✮ LOVE RIDE 19 ✮
✮ LOVE RIDE 20 ✮
✮ LOVE RIDE 21 ✮
✮ LOVE RIDE 23 ✮
✮ LOVE RIDE 24 ✮
✮ LOVE RIDE 25 ✮
✮ LOVE RIDE 26 ✮
✮ LOVE RIDE 27 ✮
✮ LOVE RIDE 28 ✮
✮ LOVE RIDE 29 ✮
✮ LOVE RIDE 30 ✮
✮ LOVE RIDE 31 ✮
✮ LOVE RIDE 32 ✮
✮ LOVE RIDE 33 ✮
✮ LOVE RIDE 34 ✮
✮ LOVE RIDE 35 ✮
✮ LOVE RIDE 36 ✮
✮ LOVE RIDE 37 ✮
✮ LOVE RIDE 38✮
✮ LOVE RIDE 39 ✮
✮ LOVE RIDE 40 ✮
✮ LOVE RIDE ENDING ✮
✮ AUTHOR'S NOTE ✮

✮ LOVE RIDE 22 ✮

31 9 1
By DrinoWang


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Sa biglang pagtigil lang ng sasakyan namin ako unti-unting nagising. Saglit na napatulala bago naramdaman kung ano 'tong hinihigaan ko. Nanlaki mga mata ko!

Paano ba naman, nagawa kong unan 'yong kaliwang braso niya! Hindi naman 'to ganito kanina! 'Yong ulo kasi ni mokong, nakaharap sa kabila.

Dahan-dahan akong bumangon at nag-ayos ng upo.

Inayos niya pagkakahiga ko kanina?

He was still peacefully sleeping. Ang nakikita ko lang, ang likod ng ulo niya, ang itim niyang buhok na parang kinakausap ako sa kinang. I breathed hard. Buti na lang, hindi siya gising, kung hindi, panigurado na magsisimula na naman 'tong sarili ko.

Nakita kong kasasakay lang ni papa. Napatingin pa nga sa mga tao sa loob, na noong mga oras na 'yon, natutulog pa halos. Sa tabi ko, nakita kong biglang nag-ayos ng puwesto si Macy hawak ang unan nito.

I waved my hand at papa and then smiled. I've missed him. Dati, every week namin itong nakakasama tuwing family bonding namin. Simula noong nadestino siya sa ibang lugar, madalang na lang siyang makauwi.

Napansin kong umitim siya. 'Yong ilalim din ng mga mata niya, mas naging visible. Nakita kong sumandal na ito at umandar na ulit ang SUV. I just hope na kahit nagtatrabaho ito, huwag nitong kalimutan alagaan ang sarili niya.

Noong mga oras na 'yon, hindi na nakasandal 'yong ulo ko, 'yong likod na lang.

Kaya . . .

When I felt a sudden movement from Mark, I suddenly closed my eyes, pretending to be asleep.

"Nakatulog ka ba nang maayos?" rinig kong tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Nakasarado pa rin mga mata ko, pero pinapakiramdaman siya . . . na kahit nga nakasarado mga mata ko, ramdam kong hindi niya inaalis ang tingin sa 'kin.

I felt someone just tapped my right upper-back and it sent shivers down my spine.

I needed to be strong.

Noong umulit, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

Hinarap ko siya at binuksan ko nang dahan-dahan 'yong right eye ko.

"May mata ka, right? Natutulog ako. You just disturbed my peace."

Bumungad sa akin ang ngiti niya pati 'yong mga mata niyang medyo mamula-mula.

Natawa siya.

"Talaga, miss? Hindi ka naman nakasandal."

Yeah, right.

Nang narinig ko 'yon sa kaniya, napamulat ako! Doon ko lang mas napagmasdan 'yong itsura niya. 'Tong talaga ngiti na 'to! Ewan ko kung maiinis ako!

"Makakatulog ka naman, sira ka ba?" I reasoned out.

"Okay . . . " natatawa niyang sagot.

Nakapangalumbaba pa rin siya, nakatingin sa 'kin.

Nagsimula siyang gumalaw, akmang matutulog pa rin siya noong sabi ko, "Sumandal ka na lang d'on sa likod. Ba't dito pa . . . "

"Wala kang magiging unan. Ganito rin ako lagi. Mas nakakatulog ako 'pag ganun yung puwesto," kalmado niyang sabi.

Kaya naman pala.

"Hindi na ako matutulog."

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Matulog ka kung gusto mo. Huwag mo na akong kausapin."

"Okay. Makikita na naman kita sa panaginip ko," sabi niya nang nakatingin sa mga mata ko.

Dahil sa gulat, nailagay ko bigla 'yong dalawang palad ko sa magkabigla niyang pisngi na parang pinaglalapit ko 'yong dalawang palad ko. Dahan-dahan ko ring iniyugyog. "Alam mo, nakakainis ka lagi. Wala yatang araw na hindi ako naiinis sa 'yo, Mark. Ewan ba't nakakainis ka. Para kang ipinanganak para lang inisin ako," I said sarcastically.

Dahil lumapit din 'yong katawan ko, mas lumapit din kami sa isa't isa, mas lumapit 'yong mga mukha namin. Nagulat naman siya sa inasta ko, napalunok pa.

It stopped for a moment. Silence embraced us. Our eyes were still into each other. My heart was dribbling.

When I realized what I just did, I tried to remove my hands off his face, but he suddenly held them both and gently tapped it, not just once, like feeling it.

"Ganito pala pakiramdam nang mahawakan mo ako."

Doon ako nakaramdam na parang kinuryente sistema ko. Nakaramdam din ako ng init sa katawan ko. Ang banayad ng haplos niya. Ang lambot ng kamay niya.

Sinubukan kong tanggalin 'yong pagkakahawak niya, pero ayaw niya 'yong bitiwan.

"Ano ba . . . "

"Saglit lang."

"You know . . . you can't just do this. Kung sa iba 'to, kanina ka pa nasampal. You would just freak them out," sabi ko, trying to tone down my voice.

"Alam ko,'a. Kaya lang . . . gusto ko. Gustong-gusto kong maasar ka lalo sa 'kin. Binalik ko lang din kung ano sinimulan mo. Kilala rin kita. Kung ayaw mo, baka kanina mo pa ako sinampal."

"Alam mo naman pala. Right now, gusto mo maranasan? Sasampalin talaga kita, mukhang gusto mo rin naman!"

Agad din naman niyang binitiwan mga kamay ko, napailing-iling. Natahimik naman na ang buhay ko noong sumandal na siya sa likod.

That moment, there was this part of me na umasang lalapit ulit siya.

It sounds crazy.

Why am I even feeling this way whenever he's near? Why suddenly my heart would feel like it wanted to jump out of my body?

I own this heart.

Hindi kaniya 'to.

Pero hoping . . .

Mayamaya rin nakarating na kami sa pinuntahan namin. Sa loob pa lang, nakuha agad ng dagat ang mga mata ko. Huminto 'yong SUV sa isang mapunong lugar. Sa kaliwa namin, nandoon 'yong mga kubo which serve as cottages.

Parang hindi naman 'to private property. Open in public siguro. I'm not familiar with the place. Hindi naman din gaanong matao.

May mga tent din akong nakita malapit sa pampang. May mga bata namang gumagawa ng sand castles kasama 'yong kung sino mang nautusang magbantay. Judging from their faces kasi, mukhang hindi 'yon ang mga magulang. Nagpi-picture taking naman na 'yong iba sa dagat mismo.

Noong huminto na talaga 'yong SUV, bumaba na kaagad ako. The gentle breeze greeted me.

From here, I could hear their voices, their laugh competing with the sound of the waves. I could also hear the chirping of the birds.

Tinuro ni tito sa 'min ni Bryle 'yong isang simpleng bahay kung saan siguro kami mag-i-stay. Nasa bandang likuran namin ito. Sa gilid nito, may dalawang coconut tree.

Naglalad ako nang konti at napatigil noong nakita ko si Mark na may inaayos sa loob ng SUV. Napaangat naman ang tingin nito.

Our eyes met.

Tumingin na lang ako sa dagat nang mabilis nang ngumiti sa 'kin ang gago!

'Yong dalawang magkumare, ayon, hindi na kami in-inform, nagpunta na agad sa dagat for picture taking! Sumunod na rin 'yong dalawang magkumpare.

Sinabihan kaming mga bata ni tito to start unloading our things at dalhin na raw doon sa tutuluyan namin. May madadatnan na raw kami doon. Right, kaming mga bata mag-a-unload.

Naglakad na ako papalapit doon at tumigil din. Sinuot ko muna saglit 'yong shades ko at pinagmasdan 'yong lumang bahay tapos napunta rin sa coconut tree na mas mataas ng konti sa lumang bahay. May mga bunga kasi! I want one!

Pero . . . bigla ba namang humarang 'yong nakakabuwisit na nilalang . . . nang nakangiti pa talaga.

Ang lapit-lapit namin. Doon ko lang napansin na nakasuot din 'to ng shades. Kita ko 'yong pantay-pantay na ngipin nito.

Naiinis kong itinaas 'yong shades para maisuot ito sa ulo ko at sinamaan ng tingin 'tong nasa harapan ko.

"Umalis ka nga. Pumangit bigla 'yong view at ba't wala kang dala?"

"Hindi ko masisisi sarili ko kung gusto kong pagmasdan— aray!"

Naiinis ko siyang kinurot saka tinulak pakaliwa. I started to run. I heard him chuckled.

"Yung maleta mo!" sigaw ni mokong.

"Pakidala, please!"

Noong sabihin ko 'yon, saka ko naman nakita sa kaliwa ko si Bryle na malapit na sa akin dala-dala 'yong ibang mga gamit. Nakangisi ang gago.

"Pakidala, please!"

He reenacted what I had said . . . pinaarte! Tumawa ang gago. Hindi ko naman 'yon sinabi nang maarte!

"Pareho kayong gago 'no. Parehong kayong nakakainis."

Agad na akong nagsimulang tumakbo ulit. Bahala silang dalawa, kaya naman na nila 'yan. Narinig ko pa ngang inulit ng kapatid ko pangma-mock niya sa 'kin at tumawa ulit.

May second floor 'yong bahay. Kahit na luma na ito, mukhang matibay pa rin. Color white ang pintura. Ang linis tingnan, ang payapa.

Sa gilid ng bahay, may hagdanan papunta sa balkonahe. Feel ko malaki 'yong space kahit hindi pa ako nakaakyat.

"Magandang araw, anak," bati sa akin noong matandang babae na sinalubong ako.

"Good morning po. Kasama po ako ni tito Emil."

"Eh asan ba yung anak ko na 'yun?"

Noong na-realize ko, kinuha ko agad kamay nito, "Mano po, 'la. Nag-usap po muna sila nina mama at papa. Kasama rin po nila si tita Lorna. Nandoon po sa dagat, ayon po!"

Lola ni mokong?

"Ganoon ba, anak. Halika, pasok ka na. Itong nasa baba, nandito yung kusina at yung kainan. Sa itaas naman kayo matutulog mamaya." Turo niya.

"Ganoon ho ba, 'la," sabi ko nang nakangiti. "Ang ganda-ganda po rito! Oo nga po pala! Puntahan ko muna po 'yong sa taas, kanina ko pa po kasi gustong makita. Parating na rin po 'yong kapatid ko." Tinuro ko si Bryle na ang bagal maglakad.

Nakuha naman nito ang gusto kong iparating kaya nakangiting bumalik na ito sa puwesto.

Sumalubong sa akin ang hangin nang nakaakyat ako. Ang lawak nga n'ong space. Kahit nakasarado 'yong pinto, sa labas pa lang, malalaman mo nang malaki 'yong loob. Meron ding lamesa at mga upuan na gawa sa kahoy sa pinakagitna.

Lumapit muna ako sa balkonahe. Nilagay 'yong kamay sa bakod na gawa sa kahoy rin. Sa harap, kitang-kita mo 'yong dagat. Nasa harap talaga. Ang ganda!

Excited kong kinuha 'yong phone ko para mag-selfie. Nakatalikod ako sa bahay.

Itinaas ko 'yong cellphone, tipong floor 'yong makikita para mapakita 'yong outfit ko. Saglit kong ibinaba 'yong phone noong nakita kong walang timer. I set the timer into 3 seconds.

Noong itinaas ko ulit, doon nagbago itsura ko. Nakita kong naka-squat ba naman si Mark sa likuran ko! Nakatingin sa camera!

"Ano sa tingin mong ginagawa mo? Umalis ka nga d'yan!" sabi ko sa kaniya, sa phone nakatingin nang hindi ito binababa. Nakita kong nakangiti siya.

"Isa lang. Damot." Napakamot siya sa ulo nito.

"Titigilan mo 'ko after nito. Mag-ready ka na."

Saglit kong ibinaba 'yong phone ko. "Wait," sabi ko saka ko inayos 'yong buhok ko, "ayan, ready na ulit, dali, pose na!"

3 2 1 . . . pose!

"Isa pa!" sabi niya. Hindi na ako nakaangal pa. Nakangiti kasi. Ang confident na makukuha niya ako sa mga pagan'on niya. Wala 'yong worry sa mukha. Ewan ko na lang sa sarili ko.

3 2 1 . . . pose!

Bubuka na sana bibig ko, pero naunahan ako, "Last na talaga, uy!"

3 2 1 . . . pose!

Wow, talaga! For some reason, sa tuwing natatapos ang isang shot, napapakurap-kurap ako.

"Last na talaga!"

Noong malapit nang mag-1, nakita kong gumalaw siya na parang mabilis niyang pinalitan 'yong pose niya.

And I was right! He really changed his pose. Ginaya ba naman ako! Na naka-pout! Kaya parehas kaming naka-pout! Nakita ko naman sa camera na dahan-dahan siyang tumayo.

Bigla akong napaatras dahil doon sa picture namin na naging dahilan para unti-unti akong mawalan ng balanse. Para kasi kaming . . . nag-kiss na rin? Indirect kiss! Woy!

Naipikit ko na lang 'yong mga mata ko.

Naramdaman ko na lang 'yong kamay niya na sinapo ako sa pagkakabagsak sana. Humihingal siyang nakatingin sa akin.

Ang lapit-lapit ng mga mukha namin.

"Sabi ko mag-ingat ka lagi. Lagi mo akong pinag-aalala."

Noong mga oras na 'yon, dumausdos pababa ang pawis galing sa sentido niya. Kahit na natakpan ng ulo niya ang araw, parang noong mga oras din na 'yon, kumikislap siya sa mga mata ko.

"I-ikaw kasi . . . "

Hindi pa rin niya ako binitiwan. Ang lakas naman niya . . .

"Wala akong ginagawa sa 'yo, 'a."

"R-right . . . w-wala kang ginagawa sa 'kin."

At doon naulit na naman.

'Yong pagtigil ng oras at pagsisimulang sumigaw ng dibdib ko habang nakalutang ako't sapo-sapo pa rin ni Mark.

Magkatitigan sa ilalim ng araw.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Continue Reading

You'll Also Like

372K 19.5K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
121K 1.7K 99
English & Tagalog Qoutes Here :) About : Love Bestfriends etc. Pwede ring pangGM XD ***** Votes & Comments :)
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
66.5K 5.1K 55
Shawn Rimas, a typical top student who is also the Class President of Class IV-A in Jadeite University, is living tranquilly and leisurely at the sam...