Love Ride (LOVE TRILOGY #1)

By DrinoWang

2.2K 418 181

Freedom to love. 'Yan ang gusto ni Celine Angeline Roxas dahil halos araw-araw na lang yata siyang kinukulit... More

✭ LOVE RIDE ✭
✮ LOVE RIDE 01 ✮
✮ LOVE RIDE 02 ✮
✮ LOVE RIDE 03 ✮
✮ LOVE RIDE 04 ✮
✮ LOVE RIDE 05 ✮
✮ LOVE RIDE 06 ✮
✮ LOVE RIDE 07 ✮
✮ LOVE RIDE 08 ✮
✮ LOVE RIDE 09 ✮
✮ LOVE RIDE 10 ✮
✮ LOVE RIDE 11 ✮
✮ LOVE RIDE 12 ✮
✮ LOVE RIDE 14 ✮
✮ LOVE RIDE 15 ✮
✮ LOVE RIDE 16 ✮
✮ LOVE RIDE 17 ✮
✮ LOVE RIDE 18 ✮
✮ LOVE RIDE 19 ✮
✮ LOVE RIDE 20 ✮
✮ LOVE RIDE 21 ✮
✮ LOVE RIDE 22 ✮
✮ LOVE RIDE 23 ✮
✮ LOVE RIDE 24 ✮
✮ LOVE RIDE 25 ✮
✮ LOVE RIDE 26 ✮
✮ LOVE RIDE 27 ✮
✮ LOVE RIDE 28 ✮
✮ LOVE RIDE 29 ✮
✮ LOVE RIDE 30 ✮
✮ LOVE RIDE 31 ✮
✮ LOVE RIDE 32 ✮
✮ LOVE RIDE 33 ✮
✮ LOVE RIDE 34 ✮
✮ LOVE RIDE 35 ✮
✮ LOVE RIDE 36 ✮
✮ LOVE RIDE 37 ✮
✮ LOVE RIDE 38✮
✮ LOVE RIDE 39 ✮
✮ LOVE RIDE 40 ✮
✮ LOVE RIDE ENDING ✮
✮ AUTHOR'S NOTE ✮

✮ LOVE RIDE 13 ✮

33 9 1
By DrinoWang


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Sinalubong kami ng mga tinginan ng mga bisita, saktong ihip ng hangin, nakaiindayog na musika, at ingay ng pakikipag-usap ng mga bisita sa kani-kanilang mga silya.

Simple lang ang venue at decorations plus the lightings. Nasa isang clubhouse kami around San Fernando. Dahil open space, sapat naman 'yong hangin para makahinga at hindi naman talaga ka-polluted kasi located 'yong venue sa isang subdivision.

"Huwag kang mag-alala. Nandito ako," bulong niya habang patuloy kaming lumalapit. Mas hinigpitan ko naman ang hawak ko sa kaniyang braso.

Most people were unfamiliar to me. 'Yong mama lang niya pati kapatid niya at ilang mga kapit-bahay ang familiar sa 'kin. 'Yong papa niya, hindi raw makakarating, pero nagpadala naman ito sa kanila ng pera para dagdag sa budget.

Naupo kami sa isang lamesa na malapit sa stage. Noong mga oras na 'yon, pasimula na ang programa at parang kami na lang talaga hinihintay. Bigla akong nahiya.

"Makmak, siya na?" Napalingon ako sa likod namin. Saglit na nagtama mga mata namin noong lalaking 'yon.

Magkatabi kami kasi nitong mokong na 'to. Tumayo naman siya't nakipagkamay sa lalaki.

"Gago, tol. Huwag ka nga. Nakakahiya sa tao. Loko-loko talaga kayo," rinig kong sabi niya sa likod ko. Wala naman sa 'kin 'yon. Sanay na. Sa school pa lang, marami na akong natatanggap na ganito, nakakayanan ko, rito pa kaya sa lalaking 'tong bigla-bigla na lang sumulpot.

Inayos ko ang pagkakaupo ko at pilit kong inilipat ang atensyon ko. Kauupo lang noong kapatid niya sa harap. Napatingin naman ito sa akin saka ako nginitian at biglang nag-thumbs up.

"Biro lang, 'tol! Basta ba 'wag mong kalimutang pakilala sa 'min 'pag meron na, ha!"

"Loko-loko ka talaga! Balik na sa mesa, start na n'yan 'to, tol!"

Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagtabi sa 'kin. Nakakatawa nga dahil sobrang ingat niya na hindi ako matamaan. Ni hindi nga rin siya mapakali kung enough na ba 'yong distance ng mga upuan namin. Ayos siya nang ayos.

"Huwag mo na lang pansinin 'yun."

"Okay, MakMak." Ngiti ko sa kaniya at nag-ayos ulit ng upo saka nag-crossed arms.

Napakamot siya ng ulo. "Si Mama. 'Yun lagi tawag niya."

"Ayos naman. Usual na rin siyang nickname ng name mo. Totoy na totoy nga pakinggan, pero 'yong mismong may pangalan, ewan ko na lang." Hindi ako nakaharap sa kaniya noong sabihin ko 'yon, pero halata na affected siya sa sinabi ko. Natawa siya at hinarap ako.

"Ano'ng ewan mo na lang?" This time, I faced him. Nangungusap ang mga mata niya, diretso sa mga mata ko.

Sinabayan ko rin naman ang tingin nito. Dati, may konting feeling na nakakailang, pero noong mga sandaling iyon, parang matagal na kaming magkakilala.

Hindi pa rin mawala ang ngiti niya. 'Yong mga mata niya, kumikislap talaga, hinihintay sasabihin ko.

"Gago. Nakakabuwisit. Ano pa ba?" sabi ko nang hindi pinuputol ang tingin. Bigla siyang natawa, napayuko't napailing-iling. Napatawa rin ako sa naging reaksyon niya at lumayo nang konti.

"At hindi ka iiwan," mahinang bulong niya, pero hindi ko ganoong narinig.

"Ha?"

"Wala. Wala." Bigla siyang pumangalumbaba gamit ang kaliwang kamay nito sa lamesa paharap sa akin. "Ganito ka talaga lagi mag-suot?" pag-iiba niya ng usapan.

Sa sinabi niya, bigla akong naging conscious sa sarili ko at bahagyangg napahawi nang sabay sa buhok ko, kapwa isinukbit sa tenga.

Hindi ako 'to! Ba't naman ako mahihiya?!

Sa paraan ng pagtitig niya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Para niya akong discovery na patuloy na sinusuri gan'on.

Ang lakas din ng loob niyang gawin 'yon. Ang daming tao. Hindi ba siya nahihiya? Saglit kong pinagmasdan ang mga tao, lalo na 'yong mga katabi namin sa lamesa. Buti na lang at wala silang pakielam.

"Bakit? Hindi ka ba nagagandahan?" Ang confident naman ng pagkakasabi ko.

"Sa suot, oo. Sa nag-suot, hindi." Hindi niya inalis 'yong tingin niya na sinabayan nang pag-ngisi, nang-aasar talaga.

Lumapit ang kamay ko papunta sa ilong niya't piningot ito. Napapikit naman ang mokong. "Ayan. Ito sa 'yo. Deserve mo 'yan." Napagmasdan ko ang lumukot niyang balat sa mukha. Ang cute. What I did just served him right for lying.

"Totoo naman sina—"

Tangkang pipingutin ko ulit siya sa ilong nang mapigilan niya ito gamit ang kanang kamay niya.

Doon na naman.

Gaya ng dati.

Parang hindi na normal na maramdaman ang paghinto ng musika, paghinto ng mga tao't ingay nila kapag kasama ko siya. Kaming dalawa na lang ulit.

Everything just stopped.

Parang iba rin 'yong warmth na naramdaman ko noong hawakan niya ako.

'Yong mga mata naman namin, nakipag-compete sa higpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko.

Naririnig kaya niya? Hindi naman siguro.

Pero ako . . . ramdam na ramdam ko. Rinig na rinig ko 'yong dibdib ko.

Ang pagsasalita ng EMCEE ang nagpabalik sa amin sa reyalidad at sa dibdib kong parang speaker na naka-todo 'yong sound.

"Sorry."

Dahan-dahan niyang ibinababa ang kamay ko sa lamesa, nang nakahawak pa rin siya, bago niya ito pinakawalan.

Naging mabilis ang takbo ng oras at ng selebrasyon. Masayang natapos na may kaniya-kaniyang dala 'yong mga tao; giveaways, souveniers, baloons, pati na handa.

Unti-unting umaliwalas 'yong space. Saglit akong naiwan sa lamesa. Nagpaalam si mokong na tutulong muna siyang maglipit. Buti na lang, hindi ako nainip. Nilapitan ako ng kapatid niya at ng mama niya.

"Hello po, tita!" Tumayo ako para sumalubong sa kaniya't magmano.
Bumaba naman ang kamay ko sa tuluktok ng ulo ni Macy at bahagyang ginulo ito, "Happy birthday!"

"Thank you po," magalang na sagot naman nito. Halata sa mukha nito na naging masaya siya sa birthday nito.

"Hija, na-enjoy mo naman ba ang 7th birthday ng anak ko? Nasaan pala ang mama mo? Akala ko ba'y pupunta din sila? Pati yung kapatid mo? Sino nga kasi 'yun?"

"Bryle po, tita. Panigurado nagbulakbol po 'yon kasama po ng mga barkada niya. Si Mama naman po, hindi na po nakapunta." Tumingin ako sa mahabang lamesa sa likod kung nasaan ang mga inililigpit na stainless steel buffet server. Nagsalita't iwinigayway ang kanang palad sa harap. "Ano ka ba, tita, aside po sa foods na part ng catering service, hindi na po dapat tinatanong 'yan. Nabusog po ako sa luto n'yo!" compliment ko sa kaniya. Nag-add kasi siya ng food para dagdag sa food menu at less gastos. Narinig ko lang kanina sa mga nag-uusap.

"Nako! Natuwa naman ako sa narinig ko. Nga pala . . . kung wala kang kasama, sino n'yang magiging kasabay mo? May susundo ba sa 'yo?"

"Hindi ko pa po alam, Tita."

"Ako na rin po, Ma."

Tumabi siya sa gilid ko kaya naman napa-react 'yong katawan ko at bahagyang lumayo sa kaniya. Masyado kasing malapit. Napatingin sa 'kin si tita, bago nagsalita, at tumingin kay Mark.

"Oh, ikaw pala, Mak. Siguraduhin mo lang na safe na makakauwi 'yang anak ng kumare ko."

"Oo naman, Ma."

"At ikaw naman, Celine, pakibati na lang ako sa mama mo, ha. Sabihin mo, ayos lang kamo, lalo na trabaho 'yun. May mga next occasion pa naman, hija." Napatango ako. "Mauuna na kami sa inyo."

Nakipagbeso na muna sa 'kin si tita bago sila umalis.

"Sandali lang. Dito ka lang, 'a. Huwag kang aalis. Tutulong muna ako sa kanila, okay?" Para akong bata na pinalalahanan niya.

Sinabi niya 'yon habang inaasikaso 'yong mga monobloc sa lamesa na malapit sa amin. Kaya ang lagay, nakatingala siya sa 'kin. Kita ko 'yong namumuong pawis sa temple niya. Naging mas visible naman 'yong mga ugat sa kamay nito. Naging mas visible rin muscles niya.

I admit: medyo na-conscious ako noong time na 'yon kasi 'no baka 'di malinis 'yong ilong ko.

Napatango na lang ako sa kaniya at pinanood kung paano niya pinagpatong-patong muna 'yong mga bangko.

"Bayaran mo kaya ako," biglang sabi niya.

"H-ha?"

Saglit siyang tumigil. Nasa magkabilang tagiliran 'yong mga kamay niya. May puting bimpo sa kaliwang balikat niya.

"Madalang lang akong makita ng ibang babae. Ikaw naman, libre na nga, inabuso mo pa."

"Kadiri. Makapal ang mukha. Sira ka talaga. Ayusin mo nga, woy. Kinikilabutan ako sa 'yo."

Napailing-iling lang siya habang napapangiti at agad din namang bumalik sa ginagawa.

Aaminin ko, iba kasi, eh.

Naiinis ako sa sarili ko!

Habang tumutulong siya, naglakad muna ako palabas ng clubhouse. Sa labas, may small court. Wala namang naglalaro noong mga oras na 'yon.

Humalik sa balat ko ang pang-gabing hangin. Mapuno kasi rito. Pinagmasdan ko kung paano bahagyang naghampasan 'yong mga sanga ng mga puno na parang sumasayaw. Iba rin talaga 'yong effect 'pag ganitong oras ng gabi at kahit papaano naman, noong araw na 'yon, na-enjoy ko naman.

"Ang kulit. Sabi 'wag aalis."

Dahan-dahan akong humarap. Napatigil ako sa nakangiting lalaki sa harap ko. Alam mo 'yong disappointed 'yong tone, pero 'yong itsura hindi? Nakangiti talaga siya. Akala ko galit.

Hawak-hawak niya sa magkabilang-kamay 'yong helmet namin. Iniwan niya mga 'yon kanina sa organizers ng event. Mahirap na, marami pa namang magnanakaw.

"Wala kang sinabi na huwag aalis sa puwesto," katwiran ko, ngumiti rin. Dahan-dahan siyang lumapit.

Nang makalapit siya, tumaas ang kanang kamay nito. Inginuso naman niya ang bibig niya sa helmet na 'yon. 'Yong kaniya.

Hindi ko napigilang hindi mapatingin sa nguso niyang 'yon. Ang pula pa naman ng mga labi niya.

"H-ha?" naguguluhan kong tanong.

Ngumuso ulit siya. Parang tanga. Hindi man lang ako sinagot.

"Ano nga? Isa, ba't 'di pa sabihin?"

Tumawa siya.

"P-pakilagay sa ulo ko," nahihiyang sabi niya. Medyo na-stuck ako for a moment bago nakasagot.

Bakit naman kasi dapat ako pa, ano ba!

"Asan. Dali na. Para makauwi na."

Bahagya siyang napaatras noong bigla akong lumapit.

Pinigilan ko sarili kong matawa. "Umayos ka naman, woy." Lumapit ulit ako. Yumuko naman siya pagkatapos. Sinadya kong biglain nang sakto lang ang pagsuot. Medyo nag-bounce back pa nga ulo niya.

"Ayan! Okay na. Akin na 'yong ak—"

Instead of giving it to me, naramdaman ko na lang na inilapit niya 'yong ulo niya sa akin. Napatulala ako. Nakatingin siya sa mga mata ko. 'Yong puso ko, nagsimula na naman. Sobrang lapit-lapit namin sa isa't isa.

"Para kay Mama. Siyempre, para din sa 'yo. Uuwi tayo nang safe," sabi niya habang isinusuot sa akin 'yong helmet nang hindi pinuputol ang tingin sa 'kin. "Tara, uwi na tayo," dagdag nito nang matapos.

Pinapunta ko naman 'yong hintuturo ko sa helmet niya. I gently tapped it.

"P-para saan 'yun?" natatawang tanong niya.

"Sira ka talaga."

Tumawa ulit siya at umalis na papunta sa motor. Naiwan akong napailing-iling at humabol na rin sa kaniya.

That time, as he started the engine and told me to hold on, I started to question my thoughts . . . my feelings.

Do I still need this ride, just let things happen in their own ways, or do I have to create some gap to protect myself?

For now, there's one clear thing.

I feel safe when I'm with him.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Continue Reading

You'll Also Like

96.3K 2.2K 49
Book two of The Casanova's Match Former: Mr. Loverboy meets miss Deadma
377K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
28.9K 1K 56
• C O M P L E T E D • Sebastian Series #2 2nd Generation Si Amethyst Chandelle D. Gomez ay ang tipong babaeng hindi nag aaral ng mabuti, adik sa...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...