Love Ride (LOVE TRILOGY #1)

By DrinoWang

2.3K 418 181

Kung wala kang jowa ngayon, para kang alien or abnormal sa iba. Kaya ang gusto ni Celine Angeline Roxas? Free... More

✭ LOVE RIDE ✭
✮ LOVE RIDE 01 ✮
✮ LOVE RIDE 02 ✮
✮ LOVE RIDE 03 ✮
✮ LOVE RIDE 04 ✮
✮ LOVE RIDE 06 ✮
✮ LOVE RIDE 07 ✮
✮ LOVE RIDE 08 ✮
✮ LOVE RIDE 09 ✮
✮ LOVE RIDE 10 ✮
✮ LOVE RIDE 11 ✮
✮ LOVE RIDE 12 ✮
✮ LOVE RIDE 13 ✮
✮ LOVE RIDE 14 ✮
✮ LOVE RIDE 15 ✮
✮ LOVE RIDE 16 ✮
✮ LOVE RIDE 17 ✮
✮ LOVE RIDE 18 ✮
✮ LOVE RIDE 19 ✮
✮ LOVE RIDE 20 ✮
✮ LOVE RIDE 21 ✮
✮ LOVE RIDE 22 ✮
✮ LOVE RIDE 23 ✮
✮ LOVE RIDE 24 ✮
✮ LOVE RIDE 25 ✮
✮ LOVE RIDE 26 ✮
✮ LOVE RIDE 27 ✮
✮ LOVE RIDE 28 ✮
✮ LOVE RIDE 29 ✮
✮ LOVE RIDE 30 ✮
✮ LOVE RIDE 31 ✮
✮ LOVE RIDE 32 ✮
✮ LOVE RIDE 33 ✮
✮ LOVE RIDE 34 ✮
✮ LOVE RIDE 35 ✮
✮ LOVE RIDE 36 ✮
✮ LOVE RIDE 37 ✮
✮ LOVE RIDE 38✮
✮ LOVE RIDE 39 ✮
✮ LOVE RIDE 40 ✮
✮ LOVE RIDE ENDING ✮
✮ AUTHOR'S NOTE ✮

✮ LOVE RIDE 05 ✮

55 10 4
By DrinoWang


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Kinabukasan, agad akong nagising, baka kasi mga gan'ong oras pumapasok 'yong si kuyang naka-white.

Wala rin namang mang-iinis sa 'kin kaya good mood ako. Bigla tuloy akong napangiti, pero biglang bumagsak labi ko nang naalala nangyari kagabi.

Grabe, woy. Muntik na akong mamatay. Tho, kahit maliit ang chance, puwede naman ding humantong doon. Who knows.

Paglabas ko, nandoon na si mama na nagluluto na. Napaikot naman siya nang napansin ako at napangisi.

"Buti naman maaga kang nagising ngayon, sweetie."

Inirapan ko na lang siya at agad na naupo sa hapag-kainan.

Simula nang nadestino si papa sa ibang lugar, ganito na ang lagay sa bahay. Actually, my papa used to be the one who cooks for me the most when I was in high school. Salitan sila.

Noon, nahirapan akong mag-adjust dahil naaalala ko si papa 'pag pinaghahanda ako ni Mama. That time, I'm happy na nasanay na ako at dahil doon, mas na-appreciate ko si Mama.

"Saan ka galing kahapon, 'nak?" mayamaya'y tanong, hindi nakatingin, habang inilalapag ang sinangag na kanin and the usual breakfast we have: scrambled egg and hotdog.

Ang bilis talaga niyang mag-change ng character. From sweetie na nang-aasar to 'nak na concern.

"Wala, Ma. Kumain lang sa labas," sabi ko nang hindi nakatingin, nagsasandok na ng kanin. Nilagyan naman niya ng ulam 'yong plate ko.

"Kasama si?" Napatigil ako sa pagsubo.

"Ano'ng kasama si, Ma? Ako lang," inosente kong tanong.

"Nakita ka raw ni Bryle kagabi sa labas ng gate natin nang may kasama, sweetie."

"Huwag mong paniwalaan 'yong anak mo na 'yon, Ma." Hindi ko na nagawang iangat ulit 'yong kutsara papunta sa bunganga ko.

"Wushu, sweetie."

Pabigla kong tinusok 'yong hotdog. "Ma, ayokong mainis umagang-umaga."

Napatawa na lang siya saka kumain na rin.

Sasapakin ko talaga 'yong kapatid kong gago na 'yon.

Woy, wait nga lang. Ba't ganito ako mag-react? Nagsabay lang naman kami, 'yon lang. Kaya ba't ganito ako mag-react? Gaga ka ba, Celine?

"Nga pala, Ma," sabi ko, itinigil muna ang pagsubo. "Niyayaya ako ni Kate this friday. Ewan ko kung saan, she didn't tell me."

"No need, anak. Nasabihan n'ya na ako. Just don't forget to text me if something happens."

Napairap na lang ako. Kahit kailan talaga, 'yong bestfriend ko na 'yon, gagawin lahat para makuha gusto n'ya. 'Di man lang talaga siya nagsabi sa 'kin.

Nagbeso kami ni mama bago ako umalis na ng bahay. Magsi-6 AM pa lang n'on. Kapag ganoong oras, mabilis lang naman ang byahe.

Mabuti naman may nakasabay rin ako sa service namin na maaga rin ang pasok noong umagang 'yon.

Tahimik akong naglakad papunta ng terminal habang nakikinig ng music. That time, inalala ko nangyari kahapon, maingat na luminga. Mahirap na.

Nadatnan kong may mahaba ng pila, tho hindi naman mabagal ang usad. Agad naman kasing napupuno, 'di tulad 'pag 9:00 A.M. - 12:00 P.M. na pahirapan talaga and that time, pa-vertical 'yong ayos ng jeep.

Binilisan ko ang paglakad nang makaabot ako sa isa! Kahit na 'di sure na maaabutan ako, hindi ako umalis ng pila.

"Kuya, puwede pa po ba ako?" tanong ko kay kuyang caller, malapit na ako sa gilid niya, sa harap ko may sumasakay pa lang.

Kunwaring nagbilang, "Oo, pasok na."

Ang nangyari, sakto lang akong nakaupo. Mas malapit at kalinya ng driver. Isa rin 'to sa kinaiinisan ko, eh. Napabuga ako ng hangin.

Sa kasagsagan ng byahe, dahil usual namang malikot ang mata ko— observing the people— napatingin ako sa katabi ng driver at 'yon! Nanlaki mata ko at mayamaya'y kinabahan saka napalunok.

Nandoon si kuyang naka-white!

As expected, naka-white pa rin, tapos may suot na headphone na black. Hindi ako puwedeng magkamali.

Siya 'yon.

Sabi na nga ba.

Buti siya lang mag-isa.

Hindi ako mapakali sa puwesto ko or baka 'yong puwet ko lang dahil sakto lang nakaupo.

Pasimple akong tumingin, kaso, nakapikit siya, nakatagilid 'yong ulo, nakaharap ang mukha sa side rear view mirror. Natutulog? Wala sa sarili kong pinagmasdan siya through the side rear view mirror.

Ang linis talaga niyang tingnan. Kahit na may kakapalan ang buhok, ang linis pa rin. Hindi nagugulo. Pero ba't muna 'di ka nagsusuot ng ID, ha?

"Bayad nga."

"Ate, paabot naman ng bayad."

Napalingon ako sa kumalabit sa akin. Nakita kong naiinis ang tingin sa akin noong babae. Napansin kong nakalaglag 'yong isang earphone niya.

Kinagat ko dila ko, nagpigil, saka iniabot ang bayad.

"Bayad daw po!" malakas kong sigaw kahit na si kuyang student na pinakamalapit sa driver ay nakalahad na 'yong kamay sa akin. 'Yong mga mata ko naman, kay kuyang white nakatingin.

Unti-unti naman niyang binuksan mga mata niya. Nag-ayos ng upo at tinanggal ang headphone, ibinababa sa leeg, at tumingin sa side rear view mirror.

Hindi ko alam ba't agad akong nag-iwas ng tingin.

That was new to me!

Pasimple akong nayuko at inayos kunwari ang upo. Muli akong tumingin at nakita kong nakaharap pa rin siya kaya umiwas ulit ako ng tingin, tumingin na lang sa harap ko.

Like, woy, sa 'kin ba siya nakatingin o sa katabi ko, so basically, assuming lang talaga ako?

Narinig kong lumakas tibok ng puso ko.

Dahan-dahan akong huminga sa ilong. Mayamaya, tiningnan kunwari ang phone. Pasimpleng nag-browse sa playlist, inayos ang earphones at pasimpleng tumingin ulit.

Hindi na siya nakatingin.

Hanggang sa 'di na siya gumalaw, bumalik na sa dati niyang pwesto. Hanggang sa natanaw ko na malapit na kami sa univ, kaya agad akong nag-ayos ng mga gamit, nagbabakasakaling makausap siya o makilala man lang.

Tumingin ulit ako sa harap at nakita siyang handa na sa pagbaba, hindi na nakadikit 'yong likod sa driver's seat.

Ano ba, Celine? Lalapitan ko ba siya or ano?

Kulang na lang itulak ko 'yong nasa harap ko. Ang tagal nag-stay na nakayuko. Medyo inilayo ko pa mukha ko. Ang bagal naman kasi kanina n'ong iba!

Agad ko siyang hinanap pagbaba ko. Kaso wala akong nakitang kuyang naka-white. Ang bilis naman niya?!

Binilisan ko paglakad, hanggang sa nakita ko siya na nandoon na agad, mabilis na lumiko papunta sa university entrance, 'yong way na malapit sa pedestrian lane. Bago kasi ang pedestrian lane, may isa pang way kaya dito agad ako tumingin. I expected na dito siya dumaan banda sa mga establishments. Parang shortcut kasi 'to papunta sa other gate. I assumed na baka may kitain pa siya, like mga barkada niya gan'on, knowing na lalaki siya. Nakakainis!

I didn't hesitate to run.

Hingal na hingal akong nakarating sa harap ng university entrance na hindi ko siya nakita.

Papasok na sana ako nang biglang humarang 'yong police baton sa harap ko.

Napaangat ako ng tingin, pinilit huwag malukot ang mukha.

"ID mo? Pasaway," sabi ni kuyang guard na nakataas ang kilay at napailing-iling talaga.

Nagmadali akong halughugin ang bag ko.

Pabigla kong inilabas 'yong buwisit na ID ko saka ko saglit na tiningnan si kuyang guard nang nakangiti, bago isinuot ang ID.

Ganoon pa rin ang tingin nito kaya naman pabigla kong pinalipad ang buhok ko gamit ang dalawang kamay ko. Nag-chin up, bago tumakbo ulit.

Hindi ko siya nakita noong araw na 'yon. I really had no idea kung saang college siya. I didn't want to judge him naman based on how he looked.

That's why I found myself, staring at the window, wondering where he could be in this university.

"Sis, tinitingnan ka ni Sir," rinig kong sabi ni Kate mayamaya na nagpa-straight sa akin ng upo, agad na tumingin sa harap.

To my surprise, busy pa rin si Sir. Nagdi-discuss. Napalingon ako sa paligid ko, nagdadaldalan halos.

"Gaga."

Napatawa naman siya. Inilapit 'yong katawan niya. "G na g na tayo bukas. Text na lang kita o chat, ah, sis," pag-iiba niya ng usapan na parang walang nangyari.

Sa course na 'to, kahit na David 'yong surname niya, magkatabi naman kami. Hindi naman kasi ka-strict 'yong prof namin. Buti na lang talaga, kasawa na rin naman na 'yong alphabetical seating arrangement.

Napatango na lang ako at muling napatingin sa bintana.

Wala namang espesyal na nangyari noong araw na 'yon. Nainis nga lang sa last course noong nagpa-assignment 'yong prof namin.

Hindi pa man kami dini-dismiss, r-in-eady ko na gamit ko. Agad na tumayo nang narinig ang, "Good day, Sir!" sa iba't ibang tono.

Agad akong lumabas sa CBS Grounds. Saglit kong tiningnan 'yong oras sa phone ko at nalaman ko na Sir dismissed us 5 minutes earlier.

I hurriedly walked, not minding the people around me.

Hindi naman din sumabay ang magaling kong bestfriend, na okay lang din naman sa akin. She informed me sa vacant namin na magcha-chat na lang siya. Sinabihan din ako na mag-ready raw ako for the next day. Irap lang ang sinagot ko sa kaniya noon.

Napalinga ako sa paligid noong nasa CEA na ako. Nararamdam ko 'yong bahagyang pag-ihip ng hangin. Nagsisilabasan na rin ang mangilang soon-to-be architectures and engineers.

I was expecting too see him there. Why did I feel na sa CEA siya?

"Hinahanap mo ba ako?"

Kinakabahan akong napalingon sa likuran ko. Una kong napansin 'yong sa ilalim ng ilong niya.

Ang linis na.

Agad din namang nagbago ang timpla ng mukha ko nang nakita ko mukha niya na nagpalakad sa akin nang mabagal habang nakakuyom kamao ko.

Ramdam ko namang sumunod ang mokong.

"Oh, 'di ako sinagot. Hinihintay mo talaga siguro ako, 'a?"

Mas lalong napakuyom ang kamao ko, bumuntonghininga, pilit na pinakalma ang sarili, bago siya hinarap.

I acted like I wasn't affected at all. Like, hindi naman dapat talaga.

Si Mark lang 'to.

"Ang kapal mo talaga, eh 'no."

Natalo ako nang bumungad sa akin 'yong nakakabuwisit n'yang itsura na nagawa pa talagang ngisian ako.

Okay.

"Ang sakit naman n'on." Nagkunwari pa talaga na nasaktan ang gago nang humawak sa dibdib niya.

"Ewan ko sa 'yo. Lagi mo akong iniinis."

"Ewan ko sa 'yo. Lagi mo akong iniinis," panggagaya pa niya na mas lalong nagpausok ng ilong ko.

Habang masama siyang tinititigan, iniangat ko ang nakakuyom kong kamao, at pinapunta sa harap niya.

"Nakikita mo 'to? Dadapo 'to sa mukha mo 'pag 'di ka pa tumigil," banta ko, emphasizing the word "'to" at pinanlakihan siya ng mata sabay medyo lapit ng kamao ko sa mukha niya.

At ang gago, ano pa ba, lalo lang siyang natawa, ni hindi man lang natakot. Ramdam kong napapatingin na sa amin 'yong mga student na lalong nagpainis sa akin.

Nagpatuloy na lang ako sa paglakad, mabilis na kinuha 'yong earphones sa bag ko.

Hindi ko alam ba't 'di ako nag-play ng song.

Sumunod naman ang mokong, and that time, lakas-loob akong pinantayan. Napansin ko sa peripheral vision ko na napapangiti siya, pero sa daan siya nakatingin.

I acted like I was swaying my head, feeling the music, ignoring his presence.

Kahit na sa loob, nabibuwisit na talaga ako kay Mark!

Palinga-linga rin ako sa paligid, hinahanap si kuyang naka-white. I was expecting to see him, trying to at least divert my attention.

Noong nakalabas na, hindi ko na talaga nakita pa.

"Celine," pagtawag niya kaya medyo napatigil sana ako.

Himala.

I don't know why I acted like I didn't hear him. Nagpatuloy sa paglakad.

"Celine Celine," pagtawag ulit niya.

"Puwede ba Mark—"

"Naririnig mo naman pala ako, 'a." Nahuli na.

"Akin na bag mo. Ako na magdala. Baka pagod ka na? Para 'di ka na din mabigatan," dagdag pa niya saka nagkamot pa sa ulo.

Napatigil ako, medyo nagulat. Napatingin ako sa kaniya, seryoso ang tingin sa akin.

That time, I didn't know what I was feeling, like that was new. Eh kasi naman, biglaan and I didn't expect to hear that from him.

"Uy, akin na."

Doon lang ako napabalik. I was lost for a moment!

Nag-iwas ako ng tingin. It was kinda awkward.

"Sira, ako na," matigas kong sabi, agad nakabalik sa dati, at pinagpatuloy ang paglakad.

Naramdaman ko ang pagbigat ng likod ko. Nakita kong nakapatong 'yong dalawang kamay niya paglinga ko. Pinapabigat n'ya, habang ako naman, napakagat sa labi ko nang bahagya.

"Ako na magdala, please?"

Ilang mga segundong nagdaan, pabigla kong tinanggal 'yong bag ko't inihagis sa kaniya na agad naman niyang sinapo at natatawa pa talaga. Ginusto niya 'yan kaya panindigan!

"Fine. Oo na! Dalhin mo 'yan hanggang sa makauwi tayo!"

"Teka, teka." Ngumisi siya. Dahan-dahang isinabit 'yong bag ko sa kanang balikat niya, hindi inaalis ang tingin sa 'kin. "Bakit parang inaasahan mo na magsasabay tayo hanggang makauwi tayo?"

I got what he was pointing out. It made sense.

"Eh sa isa lang tayo ng inuuwian! Malay ko ba na baka may puntahan ka pa. Sira ka rin ba? Hawak mo bag ko. Natural baka sa 'kin ka sumabay! 'Yon lang."

Tumawa na lang ang mokong. Hindi ko na hinintay na nagsalita pa siya nang tumakbo na ako papunta ng terminal.

Kahit na tinawag niya pangalan ko, hindi ako lumingon.

Nang nakasakay na ako ng jeep, napansin kong malapit na itong mapuno, kaya tinawag ko 'yong caller, kahit medyo humihingal ako.

"Kuya, may isa na po rito, ha?" Turo ko sa tabi ko. Tumango naman ito.

Nang ilang mga segundo na rin nagdaan, umangat ang puwet ko, sinilip siya, at ayon, ang gago, napakabagal maglakad.

"Mark! Woy! Dalian mo naman!" sigaw ko, nang nagtama tingin namin, napangiti siya at agad na tumakbo. Nag-ayos naman ako ng upo at napansing nakatingin sa akin 'yong ibang pasahero na mukhang nagulat.

Ngiti na lang ang naibigay ko.

Buong byahe, tahimik. Himala naman na hindi ako kinulit ni Mark. Tahimik din. Nagkaroon lang ng small interaction between us sa t'wing may nagbabayad at iniaabot niya 'yon. Dahil doon, napasandal ako lalo, lumalayo, kahit hindi naman natatamaan ng balat niya 'yong alinmang part ng katawan ko.

Kahit na amoy na amoy ko si Mark, kahit na ramdam ko 'yong init ng singaw ng katawan niya, at 'yong tingin niya na pilit na hinihuli 'yong akin, hindi pa rin ako makatingin sa kaniya't nag-phone na lang. Ewan, parang iniiwasan, na hindi ko alam para saan ba't ko ginawa 'yon.

Ganoon din hanggang sa makasakay kami ng racal. Tahimik pa rin. Noong dati, nasa harapan ko siya. Noong mga oras na 'yon, nagtabi na kami. Pero hindi naman sobrang close, parang ang layo pa rin namin.

Nagsisinungaling ako 'pag sinabi kong hindi ako nanibago. Ang tahimik kasi. Ang tahimik ni Mark.

Ramdam ko 'yong awkwardness habang hinahagod ng mga kamay kong nakapatong ang tuhod ko. Minsan din nag-aayos ng upo.

Umingay lang noong bumaba na.

"Ako na magbayad," panimula niya.

"Huwag na, hati na lang kaya tayo para quits," suhestiyon ko habang sinuksok ko ang bente pesos sa kamay niya.

"Sabing ako na. Huwag na makulit, 'a."

"Naiinis na 'ko, ano ba naman, para kang sira, kunin mo na kasi 'to."

"Ayaw. Ako magbabayad, 'a."

"Mark, tayo magbabayad. Sira ka ba?"

Natigil na lang kami nang na-realize ko si kuyang naghihintay.

Ang ginawa ko, kinuha ko 'yong fifty pesos niya dahilan para saglit na magdikit 'yong kamay namin saka ko dahan-dahang pinahawak sa kaniya 'yong bente ko gamit ang dalawa kong kamay at sinarado pa talaga 'yong kamay niya.

Pagkatapos n'on ay agad kong iniabot kay kuyang driver 'yong fifty niya.

"Keep the change po."

Napatingin ako sa kanya, hinihintay kung ano magiging reaksyon niya sa ginawa ko.

Napansin ko namang naestatwa siya sa kinatatayuan. Maging ako, nagulat sa mga ginawa ko.

"S-siguro, bye na? Bye!" mabilis kong paalam pagkatapos kunin sa kaniya 'yong bag ko, napatakbo, habang siya, nahinto pa rin.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Continue Reading

You'll Also Like

24.3K 818 53
Primrose Foster is the future secret CEO of a famous entertainment company. However, she needs to fulfill her father's condition in order for her to...
5.9M 171K 110
"I'll break you, Spring. I'll fucking break you. Mark my words." *** Spring Cruz is your typical A plus student. There's nothing special about her. S...
127K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
168K 3.7K 64
hello. this book is dedicated to my bestfriend, true to life to. -------------------------------------------------- paano nga ba kung gusto , ma...