Love Ride (LOVE TRILOGY #1)

بواسطة DrinoWang

2.3K 418 181

Kung wala kang jowa ngayon, para kang alien or abnormal sa iba. Kaya ang gusto ni Celine Angeline Roxas? Free... المزيد

✭ LOVE RIDE ✭
✮ LOVE RIDE 01 ✮
✮ LOVE RIDE 02 ✮
✮ LOVE RIDE 03 ✮
✮ LOVE RIDE 05 ✮
✮ LOVE RIDE 06 ✮
✮ LOVE RIDE 07 ✮
✮ LOVE RIDE 08 ✮
✮ LOVE RIDE 09 ✮
✮ LOVE RIDE 10 ✮
✮ LOVE RIDE 11 ✮
✮ LOVE RIDE 12 ✮
✮ LOVE RIDE 13 ✮
✮ LOVE RIDE 14 ✮
✮ LOVE RIDE 15 ✮
✮ LOVE RIDE 16 ✮
✮ LOVE RIDE 17 ✮
✮ LOVE RIDE 18 ✮
✮ LOVE RIDE 19 ✮
✮ LOVE RIDE 20 ✮
✮ LOVE RIDE 21 ✮
✮ LOVE RIDE 22 ✮
✮ LOVE RIDE 23 ✮
✮ LOVE RIDE 24 ✮
✮ LOVE RIDE 25 ✮
✮ LOVE RIDE 26 ✮
✮ LOVE RIDE 27 ✮
✮ LOVE RIDE 28 ✮
✮ LOVE RIDE 29 ✮
✮ LOVE RIDE 30 ✮
✮ LOVE RIDE 31 ✮
✮ LOVE RIDE 32 ✮
✮ LOVE RIDE 33 ✮
✮ LOVE RIDE 34 ✮
✮ LOVE RIDE 35 ✮
✮ LOVE RIDE 36 ✮
✮ LOVE RIDE 37 ✮
✮ LOVE RIDE 38✮
✮ LOVE RIDE 39 ✮
✮ LOVE RIDE 40 ✮
✮ LOVE RIDE ENDING ✮
✮ AUTHOR'S NOTE ✮

✮ LOVE RIDE 04 ✮

61 10 6
بواسطة DrinoWang

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

When it comes to academics, everything seems so easy for me. Na kahit hindi ako naging interesado sa klase dahil tinamad akong makinig, alam kong hindi naman ako mahuhuli sa lesson, I can just borrow notes or just self-study.

Well, not totally easy. Ang hindi nila alam, despite perfect scores and high grades, I still don't feel happy about my achievements kahit alam ko sa sarili ko na, yes, pinaghirapan ko 'yon, I need to celebrate that. Just hell no! There's always this feeling of dissatisfaction— a shadow which always hang out with me.

Hanggang sa namalayan ko na lang na pauwi na kami. Hindi ko na hinintay pa si Kate. Alam ko naman na kasabay niya boyfriend niya kaya mabilis akong tumayo nang i-dismiss na kami ng prof namin.

Minabuti kong dumaan sa daan na hindi pinili ng karamihan sa mga kaklase ko. Ayokong makisabay sa kanila.

Nang nakababa na ako galing ng second floor, saglit akong tumigil para kunin 'yong earphones ko. Nang nakuha na, isinukbit ko na ito sa magkabilang tenga at ipinagpatuloy na ang paglakad.

Sumalubong naman sa akin ang malamig na simoy na hangin habang naglalakad ako.

As usual, dumaan ulit ako sa CEA. Medyo nagtaka pa nga ako kung bakit hindi sumabay 'yong gago na si Mark. Mabuti na lang!

Mabuti na lang din ang last period sa sched namin ngayong araw, konti lang mga kasabay naming nagsisiuwian!

Nang sumagi sa isip ko na baka makasabay ko na naman si kuyang naka-white, binilisan ko ang paglalakad, pero napatigil ako nang may umakbay sa akin. Malapit na sana akong makalabas sa university gate!

"Alam mo, gago ka talaga Mark—"

Napatigil ako at nagulat nang nalaman ko kung sino ang umakbay sa akin.

"Mark? Ako 'to, sis."

"Kasi naman," sabi ko saka agad sinundan ng, "woy, akala ko bang kasabay mo si Khalil?"

"Ba't ganyan naman tono mo, sis? As if naman ayaw mo akong kasabay?" sabi n'ya't mas hinigpitan ang pagkaakbay.

"Gaga, hindi naman sa gan'on. Nagtaka lang kasi."

"Sus. At ba't naman akala mo ako si Mark, sis? Baka na iba 'yan, ha, hindi ka nagsasabi," tukso pa niya.

Tumigil ako saglit, tinanggal ang pagkakaakbay, nakita ko 'yong buhok niyang hanggang balikat. "Gaga, nasanay na kasi ako sa gagong 'yon. 'Yon lang. Huwag mo nang dagdagan."

"Weh? Eh 'di okay. Sabi mo, eh," sabi niya nang may mapanuksong tingin.

"Sumabay ako kasi si Khalil, may pupuntahan pa raw. Dapat nga magmi-meet kami sa COE kanina tapos biglang tumawag at 'yun! Buti na lang mabagal kang maglakad kaya naabutan pa kita."

"Baka naman nambabae?" biro ko, but deep inside, worried, kahit hindi ko pinakita sa kaniya.

"Subukan lang talaga ng lalaking 'yun. Malilintikan siya sa akin! Pero sis, parang malabo mangyari 'yun, mahal na mahal ako n'un, eh."

"Eh 'di kayo na habambuhay. Kadiri kayo."

Inikutan ko siya ng mga mata at naglakad na ako. Sumunod naman ang gaga.

"Ikaw talaga, sis! Okay, ayan ang sabi mo, eh! Kami na talaga. Magtatagal kami! Btw, sis, g na tayo this Friday, ha? Nasabihan ko na si Khalil."

"Kailangan ba talaga kasama ako sa inyo?"

"Sis, ba't naman hindi? Ayaw mo ba kaming kasama? You know naman na special 'yun sa 'kin."

"Baka maistorbo ko kayo? Hindi mukhang obvious? At sa totoo lang, masakit kayo sa mata. Ikaw lang din 'yong may boyfriend na gusto nang gan'on. Sira ka ba?"

"Ikaw talaga, sis, wala talagang preno 'yang bibig mo, ano? Para samahan lang naman."

"Mas mabuti na 'yon kesa naman i-sugarcoat ko mga sinasabi ko. And fine! Oo na."

Natawa naman siya.

"Kaya bestfriend kita, sis, eh. Tanda mo pa ba, sis, nang dahil sa 'yo, naging kami ni Khalil?" Kumapit pa talaga siya sa braso ko at agad na napabitiw rin nang inilagay niya kanang palad niya sa bibig niya. Kinilig ang gaga.

Ipinaalala pa talaga ang kalandian. Kung hindi ko lang talaga naging kaibigan 'to, hindi ko naman gagawin 'yon. Paano ba naman kasi that time, inutusan ba naman ako.

Sabi niya, ako raw umamin para sa feelings niya. Dagdag pa nga niya na magiging effective raw 'yon dahil intimidating 'yong presence ko.

Eh 'di wala akong nagawa. Ang sabi ko n'on sa lalaki niya, "Woy, gusto ka ng bestfriend ko. Ito number, text mo."

At himala naman na naging sila nga.

Tinanggal ko na lang sa isip ko 'yon at mas binilisan ko na lamang ang paglalakad sa pagbabakasakaling makasabay namin si kuyang naka-white. Ramdam ko naman na sumunod si Kate sa akin.

Wait nga lang, bakit kuyang naka-white naman naging nickname ng lalaking 'yon? Araw-araw ba sa tuwing pumapasok siya, naka-white siya? Ni hindi ko nga alam kung ano course niya!

Laking panghihinayang ko nang hindi siya natunton ng mga mata ko. Ano'ng oras kaya umuuwi ang isang 'yon?

Kaya ang nangyari, tahimik ang naging byahe pauwi, kahit na panay daldal sa akin ni Kate. Patango-tango na lang, para kunwari nakikinig talaga.

Agad din namang kaming nagpaalam sa isa't isa nang makarating na. Nagyakapan pa nga at sinabi na mag-chat na lang or text 'pag nagkaproblema.

Same barangay lang naman inuuwian naming dalawa, ibang purok nga lang. Dahil nagmamadali siyang umuwi, sinabihan ko na mauna na kasi may pupuntahan pa ako.

Tiningnan ko muna ang oras sa phone ko at kinalkula kung hanggang anong oras ako. Maaga pa naman noong mga oras na 'yon.

Nag-text na lang ako kay mama at ipinaalam sa kaniya. Mahirap na, ayokong mag-alala at baka mabungangaan na naman ako.

Maingat akong naglakad sa gilid. Kinuha ko na rin 'yong earphones ko saka p-in-lay 'yong isang playlist sa phone. Marami kasi 'yon, depende sa mood.

Habang naglalakad, 'di naiwasang pagmasdan 'yong mga tao. Ang active nila. They were so busy sa bagay na isa sa mga bumubuhay sa kanila. I can't blame them tho, 'di naman kasi puwedeng wala kang gawin, lalo na ngayon.

Sinalubong din ako ng pagabing hangin na 'di naman gan'on ka-polluted. Masarap pa rin naman sa pakiramdam. Sakto sa pakikinig ng music.

Napaangat ang tingin ko. Kahit na malayo, kitang-kita ko na 'yong kumpulan ng tao. As expected naman na gan'on, kahit na konti pa nga 'yon.

Woy, nag-uunahan na.

Minadali ko na paglalakad ko, baka wala na akong maabutan, pero alam ko namang malabo 'yon.

Nagtungo ang kanang kamay ko sa tenga ko para tanggalin 'yong earphones ko, bago dahan-dahang tumawid.

Diretso lang tingin ko. Nakatutok sa mga streetfood. Kapag gutom ako, least priority ko ang maging conscious sa sarili ko. Bahala ba silang tumingin, wala naman akong makukuha sa kanila.

Mabuti naman marami-rami pa akong nakita.

Actually, this place has been one of my favorite places after the stressful day. Like ang sarap kaya ng streetfoods. Swak! Stress reliever gan'on.

Marami-rami rin akong nakitang group of students sa high school campuses sa lugar namin. 'Yong iba naman, mga nagtatrabaho na siguro. Abala ang lahat. Pare-parehong gutom.

Kahit na maraming tao sa harap, malapit sa nagpi-prito, dire-diretso pa rin ako. Ramdam kong napatingin 'yong iba, lalo na 'yong isang babae sa gilid ko na akala yata nilalapitan ko 'yong jowa niya.

Buti na lang tumabi si kuyang high school na 2nd year based sa patch niya. O baka wala lang talagang nagawa, kasi ramdam niyang sumiksiksik ako.

May dynamite, dugo, isaw, vegetable nuggets, chicken nuggets, hotdog, fishball, kikiam, at pugo akong nakita.

After kong makatusok, tumabi ako sa gilid at nilantakan na mga 'yon.

Napaangat ang tingin ko nang napansin 'yong mag-jowa kanina. Kadiri. Ba't sa harap ko nagsubuan.

Ewan ko ba ba't nakakainis. Eh, wala naman silang ginagawa sa akin.

Napansin naman n'ong babae na tinitingnan ko sila kaya inilapit niya katawan niya sa lalaki at kumapit pa talaga sa braso nang pabigla. Gusto kong masuka.

Iniwas ko na lang ang tingin ko at muling kumain. Nang muli akong mag-angat ng tingin, lumobo 'yong cheeks ko at nanlaki ang mata n'ong makita ko siya sa malayo.

Like, seriously, bakit siya? Puwede naman 'yong lalaking 'yon. At saka, ano'ng ginagawa niya rito? Nakakainis naman.

Agad kong itinago katawan ko sa poste sa likuran ng tusukan at bahagyang sumilip. Papunta talaga siya rito!

Sabi ko sa isip ko, "Please, pasok ka sa 7/11. Please."

Wala na akong nagawa dahil mukhang kakain din siya rito.

Woy, wait nga lang, Celine. Why do I need to hide? Like, for what? Hindi ka naman ganito!

Nakita ko siyang kumuha agad ng baso at tumusok agad. Buti na lang, tutok din mga mata niya sa streetfoods. Mukhang gutom din at mukhang mapapauwi pa ako nito.

Imposible. Si Mark lang 'to. Kaya ko 'to. Saka nabitin ako. Ang konti pa lang kaya n'on.

Ang ginawa ko, nilagay ko muna sa tenga ko 'yong earphones kahit wala namang nagpi-play, bago nagpunta sa harap.

Ang kailangan ko lang naman ay magpanggap na wala siya. Oo gan'on, ang goal dito ay mabusog ako. Hindi mainis.

Nagsimula akong lagyan ulit 'yong plastic cup.

Kahit na tutok 'yong mga mata ko sa mga streetfood, ramdam kong napansin niya na ako.

Mayamaya bigla akong napatigil sa pagtusok nang may tumusok din doon sa hotdog!

"Woy, akin 'tong hotdog," naiinis at may diin kong sabi.

Napatigil ako nang nakarinig ako ng tawa— si kuyang nagtitinda — na hindi ko pinansin. Hindi man lang kami sitahin, eh 'no? Nakakainis din 'to.

Hindi na ako nakapagpigil, habang mata'y tutok pa rin. Ayaw pa rin n'yang tanggalin. Ayoko namang tingnan siya dahil panigurado, mas lalo lang niya akong aasarin.

Inilayo ko na lang kamay ko sabay sabing, "Fine! Oo na. Eh 'di sa 'yo na 'yong hotdog."

Tutusok na sana ulit ako nang naramdaman ko ang bahagyang pagbigat ng plastic cup ko, kaya napaangat na ako ng tingin.

Doon ko nakita na may hotdog nang nakalagay sa baso ko.

Nakangisi naman ang gago nang tingnan ko siya. Para saan 'yon?!

I tried to convinced myself na matatapos din naman 'to as long as mabusog ako.

"Oh 'yung mukha. Sungit talaga. Smile ka, uy," narinig kong sabi niya mayamaya.

Sira ba 'to? May ka-smile smile ba sa ginawa niya?!

Hindi na lang ako tumingin, pero deep inside, nainis na ako . . . na medyo lang siguro. Natuwa kasi ako sa thought na, kahit paano, someone appreciates my smile.

Nang natapos na ako, magbabayad na sana ako nang pigilan niya ako at hawakan sa braso. Napatingin ako r'on at dahan-dahan naman siyang napabitiw.

"L-libre ko na."

"Ako na. Hindi naman ako nagpapalibre sa 'yo," matigas kong sabi. Ramdam ko namang napatingin sa amin 'yong mga tao, lalo na si kuyang nagtitinda, kaya naman binigyan ko 'to ng pilit na ngiti.

Sa huli, wala rin akong nagawa. Masyado kasing mapilit, saka para matapos na. Uupakan ko talaga 'to 'pag naging utang na loob ko 'yon sa kaniya.

Agad na akong umalis sa tusukan pagkatapos. Hindi na ako nagpaalam sa isang 'yon kasi para saan.

Mas binilisan ko paglalakad nang 'di kami magkasabay pauwi.

Sa pagmamadali ko, hindi ko namalayan na may paparating na tricycle sa gawi ko. Mabilis. Nakita ko pa 'yong driver na nanlaki ang mata kaya naipikit ko na lang ang mga mata ko.

Ito na 'yon. Mamatay na 'ko.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may humila sa akin kaya naglapat katawan namin. I felt someone's hard chest. Ramdam kong mabilis ang tibok ng puso nito sa tenga ko at kamay. Ramdam ko rin ang dalawang kamay niya sa likod ko noong mga oras na 'yon.

I was about to die!

"Salamat naman," humihingal na sabi niya. Ramdam ko sa kamay ko pa'no magtaas-baba dibdib niya.

Tumingala ako. Nagtama ang tingin namin. Nakita ko ang mga mata niyang nag-aalala, 'yong kilay niyang makapal, 'yong labi niyang mapula.

That time, natulala ako at parang tumigil 'yong oras.

Mas maliwanag pa mukha niya kesa sa buwan.

Napatingin din ako sa adam's apple nitong nakisabay sa paghinga niya.

Hindi ko alam sasabihin ko. Sumisigaw 'yong dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari o ano.

"Next time, mag-ingat ka, 'a" dagdag pa niya habang nakayakap pa rin at nakatingin pa rin sa mga mata ko.

"A-ah, oo," sagot ko sa mahinang boses at dahan-dahang gumalaw. Agad din naman niya akong binitiwan. Agad ko rin namang tiningnan 'yong earphones ko. Buti naman hindi nasira.

Nagpatuloy ako sa paglalakad na 'di gaya ng dati. Ramdam kong nakasunod siya, nasa likuran ko.

Nang malapit na sa pedestrian lane, bigla akong pinantayan sabay sabing, "Hahawakan kita, okay? Ayokong mapahamak ka."

Napatigil ako, kahit 'di dapat. Napatingin ako nang nagtama ang mainit niyang kamay sa palapulsuhan ko, mayamaya, sa kaniya. Bakit ang seryoso niya?

Akala ko rin sa kamay niya ako hahawakan.

"Tara," sabi niya at hinila ako nang dahan-dahan. Napabalik ako sa reyalidad.

Hindi ko man lang nagawang tumanggi. Hindi ko rin naramdaman na ayoko 'yong ginawa niya.

Hindi ko alam why.

Nang nakatawid na kami, agad din naman niya akong binitiwan.

Akala ko nga . . . maghihiwalay na kami nang bigla siyang nagsalita, "Sabay na tayo. Baka mapano ka na naman. Magkapit-bahay lang naman din tayo."

"K-kaya ko na," nauutal kong sagot. Wala na akong nagawa nang hawakan niyang muli palapulsuhan ko saka tumawag ng racal.

Tahimik ang naging byahe, kahit na ramdam kong mayamaya ay tinitingnan niya ako. Nasa harapan ko siya noong mga oras na 'yon. Mabuti rin naman ay hindi niya ako kinulit.

Pagkababa namin ay nag-abot ako ng bente sa kaniya na agad naman din niyang tinanggihan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ngumisi na naman ang loko.

"See you tomorrow. Huwag mong kalimutang mag-ingat lagi," sabi niya sabay gulo sa buhok ko. At ngumiti pa talaga.

"Mark," pagtawag ko na nagpatigil naman sa kaniya at hinarap ako. Nakita kong napataas ang kilay niya, naghintay.

"Thank you kanina," mahina kong sabi saka siya nginitian nang sakto lang.

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin bago siya tumalikod, habang ako, naiwan at pinagmasdan 'yong papalayo niyang pigura sa 'kin bago nakangiting pumasok sa amin.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang


واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

24.3K 818 53
Primrose Foster is the future secret CEO of a famous entertainment company. However, she needs to fulfill her father's condition in order for her to...
1.7K 236 46
Vasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressur...
128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
1.4K 129 38
"I taught him how to love.. not how to hurt me" Sullivan Boiz Series #3 The youngest of Sullivan's, Galileo Sullivan, who treat every woman as a game...