Folie A Deux

By iamA103

25.5K 888 166

"Folie A Deux" french for "a madness shared by two" Author's note: MAY or MAY NOT contain SPG scenes. Depende... More

One:
Two
Three
Author's note
Four
Five
Seven.1
Seven.2
Author's Note
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve

Six

1.8K 89 8
By iamA103

"And I'm just like cellophane 'cause she sees right through me
I know she's glitter and gold
And that's just the price I pay when I don't even know her name
She's slipping away"
- Lost in Stereo by All Time Low

Vic's POV

"Hoy Dora!"

Tawag ko sa kanya... Yeah. Sya yung "nagligtas" sakin. At ayan, patuloy lang sya sa paglalakad.

"Bakit mo yun ginawa??? Tinawag mo pa akong girlfriend! Yuck ah" Tanong ko habang sinasabayan padin ang paglalakad nya.

"HAHA Feeler ka naman masyado. As if namang gusto ko noh ahaha"

What?! Ang yabang. Lahat kaya gusto maging girlfriend ko! Ahahahaha lakas.

"As if namang gusto ko din!" Nasabay padin ako sa paglalakad nya. Di naman na sya sumagot ulit.

"Bakit mo yun sinabi? Bakit mo pinaalis yung babae? Bakit mo yun ginawa?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Huh? Diba dapat ako magtanong nyan?" Sabay hinto naman nya ng paglalakad at humarap sakin.

"Ikaw, Bakit mo yun ginawa???" Tanong nya sakin.

Yung mata nya. Seryoso. And she's staring right into my eyes. Those eyes... Nakakatakot. Although hindi sya galit. Nakakatakot lang kasi... Ugh. Di ko din alam.

"Huh?" Yan lang nasabi ko.

"Whatever. Like I said you owe me big time.... NATE" sabi nya at nagpatuloy ulit maglakad.

So akala nya Nate talaga pangalan ko -_-

"Hindi nate pangalan ko." Sunod ko na naman. Ang bilis naman maglakad ng babaeng to. Bakit ba nagmamadali to.

"Weh. Yun kaya tawag sayo nung babae. Tanggi pa haha"

"Hindi nga, random name na naisi... Wait. So kanina ka pa nakikinig samin?"

"Oh libre mo ko nito..." Sabay turo nya sa ice cream and ignoring my question.

But wait, What?! Anong libre libre?!

"At bakit ko yun gagawin?!" Aba. Ano sya sinuswerte???

"Kuya isa po nito... Opo yung pinakamalaki po... Yes yan pong pinakamahal..." Sabi nya sa tindero.

"You owe me big time diba? Kaya ilibre mo ko ng ice cream." Sabi nya sakin habang nakatingin padin sa flavors ng ice cream.

"And why is that?"

"I know you know what I mean..." Lingon nya sakin sabay smirk.

Ugh. I hate this girl.

Kasi lahat ng sinasabi nya wala akong pangontra. Kasi lahat ng sinasabi nya di ko matanggi. Kasi lahat ng sinasabi nya, totoo.

I really really hate this girl.

-----

Nagsimula na ulit ang island hoping namin at dito kami sa isang balsa sa gitna ng dagat dinala. By batch dito. More or less 20 lang kami dito. Mag i-snorkeling daw kami dahil ang mga coral reefs daw ang main attraction dito.

Nagbihis na sila sa may maliit na CR nitong balsa pero ito ko nagpipicture lang ng kung ano ano.

Picture ng view, dagat, mga tao at minsan mga isda kapag lumalapit sila sa balsa. Super clear ng tubig kaya kahit di ka sumisid, makikita mo sila. Super ganda pala talaga dito.

Mula sa peripheral vision ko, may naaninag akong lumabas ng CR kaya napalingon ako.

Si Dora... Naka two piece then shades. Shit. Ang sexy... No... Ang hot nya.

"Oh batman, hindi ka magswiswimming?" Tanong nya ng makalapit sya sakin. Di pa kasi ako nagpapalit ng pangligo since wala naman talaga akong balak.

"Pa-paki mo?!"

What. Did I just stutter?! Nagulat lang kasi ako. Ang bilis nyang nakalapit sakin. Nakita ko naman syang nagsmirk. Nafefeel kong may kakaibang balak to eh.

"Tara na! Swimming tayo!"

"Ayoko! Hindi ako interesado!"

"Di ka marunong lumangoy noh?!"

"Huh?! Ma-maruno... NO PERSONAL QUESTIONS!"

"Kung marunong ka, sasama ka. Tara na kasi!!"

Naghihilahan kaming dalawa.

"Isa! Pag nabasa tong DSLR ko, babayaran mo to!"

Napatigil naman sya sa paghila sakin.

"Ayun lang pala eh... Kuya!!" Tawag nya sa staff dito. "Pwede po pakihawak tong shades ko pati dslr nya..." Sabay hablot sakin ng camera ko at abot kay Kuya ng shades at dslr. Ang bilis ng kamay nya ah!

"Hoy..." Babawiin ko sana yung camera ko pero bigla nya kong hinawakan sa kamay.

"Oh ayan tara na!" Hinila nya ako at biglang tumalon sa tubig. Nadala naman ako kaya napatalon nadin ako.

Shit. Nasa tubig na ako.

HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY.

Hindi ko dinidilat ang mata ko dahil hindi din ako marunong dumilat sa ilalim ng tubig.

Shit. Shit. Shit. Mamamatay na ba ako dito?!

Kung sansan ko ginagalaw ang mga kamay ko hanggang sa may mahawakan ako at bigla ko yun niyakap.

May humawak naman sa bewang ko at naramdaman kong itinaas ako.

Naramdaman kong di na nakalubog ang ulo ko sa tubig kaya medyo nakakahinga na ako pero di ko padin madilat mata ko dahil basa.

Eh ayoko naman bumitaw kung san ako nakakapit, baka mabitawan ko ng tuluyan. And I feel safe here na.

"Di ka naman pala marunong lumangoy eh..." Bulong sakin ng isang tao na kaboses ni Dora.

Di ako nagsalita. Wala kong paki sa kanya. Sya may kasalanan nito. Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kinakapitan ko.

"Dumilat ka na..."

"Huy dilat na..."

Bumitaw naman ang mga kamay na may hawak sa bewang ko, at bigla naman akong nakaramdam ng kaba.

"Relax..." She whispered calmly. So calm na parang sinasabi nyang walang dapat ikatakot. Ewan ko... Pero kahit papano, naassure naman akong safe ako.

Naramdaman kong may dalawang kamay na humawak sa pisnge ko at pinunasan ang mata ko gamit ang daliri nya.

"Open your eyes na..."

Dahan dahan ko namang binuksan ang mata ko.

Atsaka ko nakita na nakayakap pala ako sa kanya. My arms are wrapped in her neck while she held again to my waist.

Ang lapit ng mga mukha namin. One inch apart. We are both staring into each other's eye.

"Hey... Stop shaking... Don't worry. Hawak na kita. I won't let go..." She said and smiled.

Such a soothing smile.

Di ko namalayan na nanginginig pala ako sa takot but when she said that. With so much sincerity and calmness, napatigil nito ang panginginig ko. Nabawasan nya ang takot ko.

Hindi ko padin magawang magsalita pero alam kong kalmado na ako.

"I'm sorry..." She said. Bakit lahat ng sinsabi nya... Lahat punong puno ng sincerity?

My eyes went down to her lips. And I'm trying my hardest to stop myself from kissing her.

I sound so weak right now. I am weak right now. And that's the last thing I want her to know. And she'll know... If I kiss her.

So I won't.

-----

Pauwi na kami sa hotel. At hindi na kami nag usap ni Dora. Di kami nagpansinan. Di nagkibuan.

Ewan ko. Yun trip namin eh. Kasama na din siguro ang pagod.

Nagbabaan na kami sa Van dahil nandito na kami sa hotel. Papalapit palang kami sa reception area para kunin ang susi namin ay nagsalita na yung staff.

"Ahh Buti po magkasama kayo. Ito nga po pala yung complementary tour namin na pinangako namin sa inyo. Trip for 2 po yan sa firefly viewing."

"Talagaaa??? May fireply dito??" Masiglang tanong ni Dora. Haha ang saya nya ah.

Di ko naman mapigilang mapangiti dahil mukha syang bata ngayon haha

"Ahhh eh opo. Kain na po muna kayo para mahatid na kayo sa venue. Mga 30 mins din po ang byahe. Aalis po dito ng 7:30pm"

5pm palang. Pwede pang umidlip tas saka na ako kakain.

-----

Nagising ako ng 6:30 at nakita kong wala na akong kasama sa kwarto. Lumabas ako para kumain. Sa hotel canteen nalang siguro ako kakain.

Pagdating ng 7:30 ay pumunta na ako sa reception area at nakita ko namang andito na si Dora. Umupo ako sa katapat nyang upuan since ito lang nman ang available.

Maya maya ay pinasakay na kami sa kotse. Hindi Can yung ginamit since dalawa lang naman kami.

Nasa magkabilang dulo kami ng upuan. Bale may space between us. Di kami nag uusap. Di padin kami nag uusap.

And oddly... This time, ako naman nag start ng conversation.

"Ngayon ka lang ba makakakita ng firefly?" Tanong ko sa kanya. Pero nakatingin lang ako sa labas sa bintana ng kotse.

"No personal questions."

Tsk. Ang taray nito ngayon ah.

"Yes, photographer ako. Part time nga lang."

Naramdaman ko namang lumingon sya sakin. At sa peripheral vision ko... Did I just saw her smile? Di ko sure kasi medyo madilim din dito.

"Graduate ng psychologist. Pero di ako psychologist"

"Di ako marunong lumangoy. Kaya natakot ako kanina..."

"Madaya! Alam ko na yun eh."

"Haha so? Your turn na."

"Hmmm... Yes, first time ko makakakita ng firefly"

"Haha kawawa ka naman."

"Tsss. Ang yabang."

Silence...

"Let's play a game... I can ask you and you can ask me. Kung sino maunang magtanong, dapat sagutin nung isa bago sya makabawi ng tanong." Propose ko. I just want to know something.

"No limits sa tanong?"

"Meron. Still no personal questions. Bawal magtanong ng details like cp number, address at kung ano ano pa na magiging way para magkahanapan tayo sa Manila. So that includes the name" sagot ko.

"Okay, I'll start. Bakit ang pangit mo?" Tanong ko. Haha di ko mapigilang mang-asar muna.

"Kasi sinungaling ka HAHA"

-_- bakit parang nagbabackfire sakin to?

"bakit di ka marunong lumangoy?" Tanong nya.

"Kasi di ako tinuruan. Walang magtuturo... Hmmm... Bakit ang tagal mong tumitig sakin sa banyo kaninang umaga?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

Ahaha di sya makasagot :))

"Huh? Eh. Na-nagulat lang kasi ako..."

"Wehhh. I'm not convinced."

"So? Ako na magtatanong..."

"At bakit? Di mo pa nga sinasagot tanong ko."

"Nagulat nga kasi ako!"

"Kung nagulat ka, dapat sinara mo agad yung pinto... Eh tiniti..."

"Nagulat ako kasi ang sexy mo pala..."

"HAHAHAHA MAY PAGNANASA KA SAKIN" natawa naman ako sa pagiging honest nya.

"Shut up. Wala akong pag nanasa sayo -_-" sabay irap.

"HAHAHAA" di ko padin mapigilan tumawa.

"Shut up na kasi! Ako na magtatanong... Did you find me sexy? Nakita kita... Tinitigan mo ako paglabas ko sa CR dun sa balsa" sabay smirk nya sakin.

"No." Seryoso kong sagot. No naman talaga cause I don't find her sexy, I find her hot that time.

"I am not convinced." Tsss. Gaya gaya.

"Fine. I don't find you sexy. You were hot that time..."

Di naman sya nakasalita ahahaha. Tatanong tanong tas di naman pala kakayanin yung sagot.

"You're blushing..."

"Tsk. Shut up." Sabay lingon nya sa bintana ng kotse.

Nanahimik na kami. Pero turn ko n mag tanong. Kaya tinanong ko sa kanya ang talagang gusto kong itanong.

"Bakit mo yun ginawa?" Panimula ko.

"Ang alin? Yung muntik ka na malunod? Sorry na nga eh"

"Hindi. Bakit mo sinabing girlfriend kita para mapaalis yung babae?"

"Ahh. Cause I knew."

"Knew what?"

"Cause I knew you don't want that."

"What makes you say that?"

"Ooopss. Dalawang tanong na yan. Isa isa lang hahaha."

"Fine. Your question." I looked at her.

And she looked at me. Seriously. I felt my heart beat going faster. Na para bang nakaramdam na ko na yung susunod nyang itatanong, may something.

"Bakit mo yun ginawa?"

"Huh?"

"Bakit mo yun ginawa kung ayaw mo naman?"

"Di naman sa ayaw... Ayaw ko lang ng PDA..."

"No... Di naman yun yung tinatanong ko."

"Eh ano?"

"Bakit mo yun ginagawa? Why are you flirting with someone when in fact you don't want to flirt at all?"

Di ako makasagot. Kasi di ko sya magets. What is she saying?

"You're doing something you don't want. Stop that." Dugtong nya.

Gusto kong itanggi. Gusto kong sabihin di nya ako kilala. Wala syang alam.

Pero di ko magawa. Kasi once again, may nagsasabi saking tama sya. Gusto ko nga ba to?

"Ewan ko..." Sagot ko nalang.

"Di yan valid answer. And walang sagot na 'Ewan ko'. Alam mo naman yung sagot eh. Ayaw mo lang sabihin. Ayaw mong lang tanggapin."

Bigla naman tumigil ang kotse at nagsalit si Kuya Driver.

"Ah eh Ma'am andito na po tayo."

Di na ako sumagot at lumabas na ako ng kotse.

Di na kami nag usap ni Dora. Sumakay kami sa bangka dahil nasa gitna ng dagat ang mga fireflies.

I would have enjoyed this kind of view pero nabother talaga ako sa tanong nya.

Alam ko yung sagot pero di ko lang tanggap? Ano yun? Eh di ko nga kasi alam!

At bakit nya yun nalaman? Bakit nya nalaman na gusto kong kumawala kay Ana? Bakit nya nalaman na di ko gusto ginagawa ko?

And most of all... Why can she see right through me?!

Ugh. This is frustrating.

"Please don't see just a girl caught up in dreams and fantasies
Please see me reaching out for someone I can't see"

Lumingon ako sa kasama ko sa bangka.

"Take my hand let's see where we wake up tomorrow
Best laid plans sometimes are just a one night stand
I'd be damned Cupid's demanding back his arrow
So let's get drunk on our tears and"

She's singing. Nawala lahat ng iniisip ko. Although I can't see her fully, naaninag ko naman ang mukha nya dahil sa liwanag na binibigay ng fireflies.

Kagaya ko, nakaupo lang sya. Nakatingin sa mga fireflies. Saka ko tinignan ang buong paligid. Ang ganda. Nagpaganda pa dito ang pagkanta nya.

"God, tell us the reason youth is wasted on the young
It's hunting season and the lambs are on the run
Searching for meaning
But are we all lost stars, trying to light up the dark?"

I silently listened to her voice as she goes on with the song.

Hanggang sa paguwi namin sa hotel nagplaplay padin sa utak ko yung kanta. LSS na ako.

Hanggang sa pagtulog ko, yung pagkanta nya yung iniisip ko.

And because of that song. I forgot what bothered me earlier.

Peaceful akong natulog.

Wala lahat. Walang frustrations. Walang bad dreams. Walang iniisip.

And only to find out the next morning...

Wala nadin sya.

-----

AN:

THE END NA PO HAHAHAHAHA JK

Dahil walang nag uupdate sa mga KARA fanfic na binabasa ko... Ako nalang mag uupdate hahahaha.

Thanks po sa mga nagbabasa and sa mga votes.

Di ko namalayan, medyo mahaba pala tong nagawa ko. Oh well sana ma enjoy nyo.

-iamA103

Continue Reading

You'll Also Like

114K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
186K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
775 50 11
This is the story about the Farmers daughter and a Millionaire daughter, nor they met when they was a children saving each other in the danger and Fa...
1.8K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"