Sa Taong 1890

By xxienc

85K 3.5K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 47

591 20 17
By xxienc

|Kabanata 47|

Abril 2, 1887

Te amo, aking Ginoo.

— Martina


Tuluyan na akong nakatapak sa ikalawang palapag at lumapit kina Ina na nasa may paanan ng hagdan. Nakangiti sila sa akin lalo na ang tatlong magkakapatid.

“Maligayang kaarawan, Martina.”

Naunang bumati uli si kuya Lucio at lumapit nang bahagya sa akin. Nginitian ko siya ng napakalapad.

“Maraming salamat, Kuya.”

“Maligayang kaarawan, Martina. Mas lalo kang gumanda,” nakangiting wika naman ni kuya Lucas.

“Ay, tama ka, Kuya. Alam ko naman na maganda ako kahit kailan ngunit mas gumanda lang ngayon,” sabay kong biro  saka tumawa na ikinatawa rin nina Kuya. “Pero, maraming salamat din, Kuya.” Tumango naman siya at ngumiti.

“Alam mo, Martina, kay bagal mo naman na bumaba. Nagugutom na kaya ang mga bisita,” umiiling na reklamo ni kuya Marco.

“Maraming salamat din ha, Kuya,” sarkastiko kong tugon.

“Oo, walang anuman,” nakangiti pa niyang usal saka umirap. Naku, ito talagang si kuya Marco napagti-tripan na talaga ako.

“Pamangkin!”

Agad akong napalingon nang marinig ang nanggigigil na boses ni Tiya. Lumapit siya sa akin mula sa pagkakatabi niya kay Tiyo Costavio na nasa may likuran ni Ina. Ngumiti si Tiyo kaya mabilis ko rin siyang tinugunan.

“Napakaganda mo talaga kahit kailan,” wika pa ni Tiya saka ako mabilis na niyakap. Napayakap naman ako sa kaniya habang natatawa sa kaniyang inasal.

“Salamat po, Tiya. Kayo rin naman ay laging napakaganda kaya nga po ay labis na nahulog ang loob ni Tiyo sa inyo eh,” tukso ko pa sa kaniya na ikinatawa niya saka bumitaw sa yakap.

“Hay ikaw ha,” tumatawang saway niya. “Ang mabuti pa ay simulan na lang natin ang iyong pagdiriwang,” pag-iiba niya saka tumango kay Ama.

Tipid naman siyang nginitian ni Ama saka ito naglakad papunta sa may hagdan at tumabi sa piyano. Hinawakan naman ako ni Ina sa braso at mahinang hinila nang sumunod siya kay Ama. Nakangiti naman akong lumingon kina kuya na nakasunod din sa amin pati sina Tiya.

Tumingin si Ama sa mga bisita nang may ngiti sa labi. “Malugod ko kayong opisyal na inanyayahan sa pagdiriwang na ito sa aming tahanan,” pagsisimula ni Ama. “Sapagkat ngayon ay ang ika-dalawapung kaarawan ng aming nag-iisang anak na babae, si Kristina.”

Lumingon pa siya sa akin kaya nginitian ko siya ng malapad. Yiee, Ama, tila ba’y ipinagmamalaki mo akong ipinapakilala sa kanila.

“Nawa’y mabusog kayo at masiyahan sa inihandang salu-salo at mga pagtatanghal.”

Nagdugtong naman ang mga kilay ko sa narinig. Ano? May pagtatanghal? Ang akala ko ay kainan lang? Aba, Ama napaka-sosyalin mo talaga. 

Nagpalakpakan naman ang mga tao at maya-maya pa ay isa-isa na silang naglakad papalapit sa amin. Sa akin. Pechay na.

Naunang lumapit ang magiging in-laws ni kuya Lucas kaya naman todo ang ngiti ni kuya nang lingunin ko lalo pa’t kasama ng mag-asawa ang kanilang dalawang anak. Nakita ko pa kung paano ngumiti ng malapad si kuya nang magkatinginan sila ni ate Guada. Namula naman ang pinsgi ni ate dahil sa nangyari.

Eeii, itong mag kasintahan na ito kahit kailan talaga.

“Magandang gabi, amigo, Donya Floren,” pagbati ni Gobyernadorcillo Timoteo.

Nakangiti naman sa amin ang kaniyang may-bahay. Pati si Ina ay nginitian din si Donya Mariela.

“Magandang gabi rin, aking amigo. At maligayang kaarawan sa iyo, hija,” baling niya naman sa akin.

“Maligayang kaarawan, hija. Mas lalo ka pang gumanda ngayong gabi. Nawa’y masaya ka ngayong araw na ito,” nakangiting bati naman ni Donya Mariela.

“Maraming salamat po, Don Timoteo at Donya Mariela. Salamat din po at dumating kayo. Isang karangalan po.”

Todo ngisi pa ako habang nagpapasalamat sa kanila. Pero ang totoo halos lumuwa na ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Marahil ay dahil kaharap ko ang bigating pamilya sa bayan na ito.

“Napakabait at napakamagalang talaga ng inyong unica hija, amigo.”

“Maraming salamat.

Nakangiting tumango si Ama at matapos ay inimbita na sila ni Ama sa kainan. Giniya naman ni Tiya ang mag-asawa papunta sa mesa na uupuan nila. Kakain na raw yata para mamaya ay magchi-chikahan na.

Lumapit naman si ate Guada sa akin at kaagad akong niyakap. Natawa naman ako at niyakap siya pabalik.

“Maligayang kaarawan, Martina,” bati niya habang nakayakap sa akin. “Hiling ko ay sana maging masaya ka at matupad na ang iyong mga kahilingan.”

Bumitaw ako sa yakap ng nakangiti sa kaniya. “Maraming salamat, Ate.”

Hinawakan naman niya ang braso ko at pinisil ng kaunti at lumapad ang kaniyang mga ngiti. 

“Sige na, Ate, lumakad ka na at may naghihintay pa sa iyo,” usal ko saka sinulyapan si kuya Lucas na nakatingin pala kay ate Guada.

Hay naku, Kuya, inlababo ka talaga eh.

Natawa naman si Ate pati na rin sina Ina at kuya kaya itinulak ko na lang siya ng mahina papunta kay kuya Lucas. Tumawa pa. Asus, kinikilig naman siya.

“Magandang gabi po, Don Agaton at Donya Floren.”

Napalingon naman ako nang nagsalita si Carolino. Andito na naman ang kakambal ni kuya Marco sa kaguluhan.

“Maligayang kaarawan, Martina,” nakangiting bati niya sa akin.

Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Minsan ko lang makitang totoo at sinsero ang ngiti na ibinigay niya. Puro kasi mga kabardagulan ang mga ngiti niya na laging nagbabalak ng hindi maganda.

“Maraming salamat, Carol. Mag-enjoy ka sa party ha?” tugon ko habang sinambit ang minsang naging tawag ko sa kaniya.

Natawa naman si kuya Marco na nasa may tabi ko kaya napailing na lang si Carolino saka natawa ng kaunti. Hindi rin naman niya itinanong kung ano ang sinabi ko at tumango na lang. At ayun nga, nagsama na sila ni kuya Marco papunta sa kainan.

Umalis na ang pamilya ng Gobyernadorcillo at may mga sumunod naman na hindi ako pamilyar. Panay na lamang ang pag ngiti ko at pasasalamat sa kanila. Kinakausap naman sila nina Ama’t Ina kaya minsan ay tumatahimik na lamang ako.

May iilan pa nga na nagbigay ng mga regalo. Nahiya naman ako dahil hindi naman sila dapat na nag-abala pa. Nagpasalamat na lang ako saka ko iniabot kay Isay na nasa may likod ko. Kami na lang apat ni Ama’t Ina saka kuya Lucio ang naiwan na binabati at kinakausap ang mga bisita dahil may kaniya-kaniya nang pinaggagagawa ang dalawa.

“Isang magandang gabi, amigo!”

Sabay kaming napatingin sa bumati at iyon ay si Don Miguel. Bagong dating lang yata kasama ang kaniyang pamilya. Hindi ko alam, ngunit marahil din ay kanina pa sila rito. Nakakapit sa kaniyang braso ang kaniyang may-bahay at nasa likuran nila ang kanilang mga anak.

Nagtama ang aming mga mata ni Primitivo nang tumingin ako sa kanilang banda ng kaniyang kapatid. Tumitig siya sa akin at ilang segundo ay isang ngiti ang kaniyang binigay.

Hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngayon habang nakatingin sa akin. Medyo bumabagabag pa rin sa akin ang nangyari noon. Nakokonsesya ako kasi napakabait niyang tao tapos nasaktan ko siya.

“Magandang gabi, amigo. Maayos lamang ba ang inyong biyahe? Inaasahan namin ang inyong pagdating.”

Tumatawa pa si Ama habang kausap ang Don. Nakangiti naman ang dalawang Donya at nagkumustahan sa tabi. Si Guillermo naman ay tahimik lang sa tabi ng kapatid kagaya ibang mga kabataan na kakatuntung pa lang sa pagbibinata.

“Maligayang kaarawan, hija!” baling naman sa akin ng Don.

“Maligayang kaarawan, Kristina,” ang Donya.

Napangiti naman ako sa magkasunod nilang pagbati. “Maraming salamat po, Don at Donya. Maraming salamat po sa inyong pagdating. Sana ay matuwa kayo sa inihandang salu-salo.”

Nakangiti lang ang mag-asawa habang nakatingin sa akin. Nilingon ko naman si Ama at nakitang bahagya siyang nakangiti sa akin. Malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya at bumaling uli sa mag-asawa.

“Sigurado iyon, hija. Sigurado iyon.”

Napatango ako dahil sa tugon ng Don. Kaagad na akong tumabi at lumapit kay Kuya nang mag-usap na silang matatanda. Napatingin naman ako sa buong palapag upang hagilapin ang taong hinahanap ko.

Nasaan na kaya siya? Darating kaya siya?

“Kumusta, Primitivo?” biglang tanong ni Kuya sa kay Primitivo kaya bumalik ang tingin ko sa grupo namin.

Nakatingin sa akin si Primitivo at biglang tumingin kay Kuya saka ngumiti. “Maayos lamang ako, kuya Lucio.”

“Maligayang kaarawan, Binibining Martina.”

Nakangiti siya nang bumaling sa akin. Puno ng saya at sigla ang mga mata niya at tila ba’y hindi iniinda ang pagtanggi ko sa nararamdaman niya. Matingkad nga ang kaniyang mga ngiti.

“Maraming salamat, Ginoong Primitivo. Natutuwa akong makita ka. Kayo, kayo ng iyong pamilya,” mabilis kong itinama ang sinabi ko at baka maging dahilan na naman iyon ng maling interpretasyon.

“Walang anuman iyon. Nais ka naming makita sa isa sa pinaka-importanteng araw ng iyong buhay. Nabatid kong ika’y masaya ngayon.”

Ngumiti ako sa kaniya. “Masaya akong makita ang mga taong malapit sa aming pamilya na narito. At masaya rin akong paglingkuran ang mga tao na nangangailangan,” tukoy ko sa nangyari kanina na mabuti na lang ay tagumpay.

Nanatili siyang nakangiti habang nakatitig sa akin. Hindi na siya muling nagsalita pa. Hindi rin na rin naman alam kung ano pa ang sasabihin ko kaya nakatingin na lang din ako sa kaniya. Tumagal iyon ng ilang segundo at hindi ko mawari kung bakit siya ganoon na lang makatingin sa akin. Tila ba’y may pagkamuhi ngunit mayroong tuwa sa kaniyang tingin. O namamalik-mata lamang ako.

“Lucio? Maaari mo ba silang igiya sa lamesa?”

Naging dahilan nang pagtawag ni Ama kay kuya ng pagbawi ng kaniyang tingin mula sa akin. Napabuga ako ng hangin at tumingin kay Kuya na may kausap na taga-silbi. Nakangiti naman siyang bumaling kina Ama saka tumango.

, Ama. Walang problema,” tugon niya saka bumaling sa mga Letreval. “Hali po kayo..”

Ngumiti naman ako nang muling tumingin sa akin ang mag-asawa bago ako lagpasan. Hindi naman nahuli sa aking paningin si Primitivo na ngayon ay nakangiti na sa akin at bahagyang yumukod habang palayo kasama ang pamilya. Ngumiti na lang ako sa kaniya bago nag-iwas ng tingin at bumuntong-hininga.

Ilang mga bisita pa ang lumapit sa amin bago dumating ang pamilya ni Clara. Paano ko nalaman? Kasi naman naalala ko sila iyong kasama niya noong kaarawan niya at nakasama pala namin ni Ina ang mama niya sa Teraza. Si Donya Herminia. Tsaka kitang-kita ko rin ang pagmumukha niya habang katabi ang Ina sa paglalakad.

Teka nga lang. Bakit ba iyan andito? Bakit imbitado ’yan? Kapal ng mukha na magpakita sa akin dito. Hindi naman dapat pumunta ’yan dito. Nakakainis.

“Magandang gabi, Don Agaton,” nakangiting bati ng Ama niya.  “Magandang gabi rin, Donya Florentina.”

“Magandang gabi, Don Juan. Mabuti’t kayo ay nakarating.”

“Siyempre. Sino ba ang tatanggi sa imbitasyon ng Teniente Mayor?” tumawa pa ito kaya nakitawa na rin si Ama. Bumaling naman siya sa akin at binati ako, “Maligayang kaarawan, hija.”

Nginitian ko na lamang ang Don kahit pa gusto ko nang lamukusin ang mukha ni Clara. “Maraming salamat po sa inyo.”

“Nakakatuwa naman, Don Agaton. Lumaking may angking kakisigan ang iyong mga anak. Lalo na ang iyong unica hija, napakaganda.”

Tumawa naman si Ama, “Maraming salamat, Don Juan. Napakaganda rin ng iyong anak, manang-mana sa magulang.”

Ang kaninang nakaismid na mukha ni Donya Herminia nang purihin ako ng kaniyang asawa ay napalitan na ng ngisi dahil sa sinabi ni Ama. Nakita ko naman kung paano lumapad ang ngiti ni Clara dahil sa papuri na narinig.

Che, eh mukha ka namang palengke. Mudmod kita riyan eh.

“Ehe, maraming salamat po, Don Agaton. Nakakahiya naman po ang inyong papuri.”

Napaangat ang kaliwang sulok ng labi ko at taas kilay na tinignan siya mula ulo hanggang paa nang marinig ang pagliit ng kaniyang boses sa pagtugon niya kay Ama.

Pechay! Nakakahiya? May hiya ka pala? Kung tadyakan kita eh, makikita mo talaga. Naku, nanggigigil na talaga ako sa ’yo.

“Maligyang kaarawan, Kristina.”

Napataas naman ang kilay ko’t lumobo ang ilong ko nang bumati siya sa akin. At nakangiti pa. Halatang plastik naman. Nilingon ko sina Ina at Ama na nakangiting nakatingin sa kaniya. Kung alam niyo lang po ang ginawa sa akin ng bruhang iyan baka ay ipinadampot niyo na iyan sa mga gwardiya sa labas.

Bumuntong-hininga na lang ako at pasimple na umirap, “Thanks. Enjoy the party.”

Umasim naman ang mukha niya sa narinig kaya ngumisi ako. Oh, ano? Hindi mo naintindihan?

“Naroon ang lamesa, Don Juan. Pumili lamang kayo ng mauupuan.”

Si Ama na ang nagsalita, nang hindi na tumugon pa si Clara at natuyo ang kasiglahan sa aming pagitan, saka inilahad ang mga mesa sa aming kanan na nakahanay. Naroon na ang mga bisita at ang iba naman ay nag-uusap pa rin sa aming kaliwa at ang iba ay nasa azotea yata.

Nakangiti namang umalis ang Don kasama ang mag-ina. Bago pa sila makalayo ay inirapan ko na si Clara na nakatitig sa akin. Umiwas na ako ng tingin at hinanap uli si Joaquin ngunit wala akong nakitang ni anino niya.

Huminga na lang ako ng malalim at nilingon sina Ina na kinausap ang ilang lumapit sa kanila.

“Senyorita.”

Kaagad akong napalingon nang marinig ang bulong ni Isay. Nakatayo siya sa may baba ng hagdan na nasa may likuran ko. Yumuko naman siya at inilapit ang mukha sa may tenga ko.

“Naiakyat ko na ang mga inihandog sa iyo.”

Nginitian ko siya, “Maraming salamat. Nakita mo pala si Joaquin?” bulong ko sa huling banda.

Ngumuso naman siya at umiling. “Hindi, Senyorita. Marahil ay hindi pa sila dumating.”

“Marahil nga,” ngiwi ko. “Ang tagal naman niyang dumating. Gusto ko na siyang makita.”

Natawa naman si Isay sa inusal ko habang napahagikhik naman ako. Bakit ba kasi ang tagal niya?

“Kumalma lang kayo, Senyorita. Baka kasi ay mayroon pang dinaanan,” wika pa ni Isay.

“Dinaanan? Sino naman ang dadaanan niy—,”

Natigil ako sa pagsasalita nang may tumikhim sa aking likuran. Awtomatikong napaangat ang labi ko sa isang malapad na ngiti. Kasabay rin niyon ang pagkalabog ng puso ko at tila ba’y tumalon ito. Nakita ko naman si Isay na nakangiti na ng malapad habang nanlalaki ang mga mata.

Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon ko sa taong nakatayo sa likuran ko. Doon ko nasilayan si Agustin na nakangiting nakatingin sa akin. Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko nang makita siya.

“Agustin!”

Masigla ang pagbati ko sa kaniya habang pinipigilan ang sarili kong yakapin siya. Ngunit, bawa yumakap sa kaniya lalo pa at maraming tao ang narito. Baka kung ano pa ang sabihin. Pero na-miss ko siya.

Nakangiti pa rin siyang nakatingin sa akin bago siya magsalita. “Binibining Martina. Maligayang kaarawan sa iyo,” nakangiting aniya.

“Maraming salamat! Mabuti naman at nakarating ka. Paumanhin nga pala at hindi kita nasulatan ng imbitasyon. Naging abala kasi ako buong araw.”

Mabilis siyang umiling, “Ayos lamang.”

Natawa naman siya saka napanguso at kumamot sa batok. Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa niya. Maya-maya pa ay may dinukot siya sa kaniyang tunikang suot na isang kahon.

“Mayroon pala akong regalo para sa iyo. Sana ay iyong magustuhan,” tila ba’y nahihiyang aniya saka inabot sa akin ang hawak.

Napatitig naman ako sa makintab na kahon habang tinatanggap ko iyon nang nakangiti ng malapad. “Hindi mo naman kailangan na bigyan pa ako ng regalo, Agustin. Sapat na ang pagdating mo,” tinignan ko siya saka binuksan ang kahon.

Doon nasilayan ko ang isang pulseras na gawa sa lilang dyamante at kabibe. Kumikislap pa iyon nag mataamaan ng sinag ng mga ilaw. Napakaganda nito at tila ba’y gawa ng isang propesyonal. Napatitig ako dahil sa ganda at gara nito.

“Tamang-tama. Magkatugma pala sila ng iyong damit na suot,” masigla ang ngiti niya habang nakatigin sa akin.

“Grabe, ang ganda nito, Agustin. Nakakahiya naman at marahil ay napakamahal pa nito.”

Kinuha ko naman mula sa kahon ang pulseras sabay ipit ng kahon sa may dibdib ko at pinag-aralan ang pagkagawa nito.

“Hindi naman iyan mahal. Ang gumawa niyan ang siyang nagmamahal sa iyo.”

Mabilis akong napatingin sa kaniya nang marinig ang katagang iyon. Sa hindi mawari na dahilan naramdaman ko na lamang ang puso kong tila dinuduyan at ang tiyan ko’y mistulang kinikiliti.

Napalingon naman ako kay Isay nang marinig ko siyang humagikhik. Sobrang lapad ng kaniyang ngiti na halos mapunit na nga ang kaniyang labi. Nanatili sa era ang kamay kong may hawak sa pulseras at dahan-dahan na bumaling uli kay Agustin.

Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko o sasabihin. Bakit pa kasi humirit eh? Ayan at nawalan na ako ng salitang sasabihin.

Dahil na rin sa sinabi niya ay tila tinutusok nang puso ko. Kahit pa nakatawa siyang sumambit niyon ay nabakas ko ang kalungkutan sa kaniyang boses.

“Talaga po, Senyorito? Kayo po ang gumawa niyan para kay Senyorita? Napakaganda po, sobra!”

Narinig ko naman si Isay na masiglang nagwika. Nanatili lang akong nakatitig sa mga mata ni Agustin. Isa sa mga hindi inaasahan kong mangyari ay ang pagkabog ng puso ko. Kasabay rin niyon ang panunusok ng mga luha ko sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung bakit ako naluluha. Hindi ko maintindihan. Ang tanging iniisip ko lamang ay hindi ako karapat-dapat na tumanggap ng bagay na pinaghirapan ng isang taong sinaktan ko lang.

“Oo, ako ang gumawa niyan,” tila pa’y nahihiyang tugon niya sabay kamot sa may kanang tenga. “Sana ay iyong nagustuhan, Binibining Martina.” Malapad ang kaniyang ngiti nang siya’y tumingin sa akin.

Mabilis akong napakurap at tumango, “Sobra. Nagustuhan ko ng sobra, Agustin. Maraming maraming salamat.”

Yumuko ako at pinagmasdan ang napakagandang gawa niya. Gawa iyon sa lilang dyamante na pinagdugtong-dugtong habang nakadikit sa hindi ko mawari na bagay. Kung sa tanso, pilak ba o nikel. At sa gitnang parte ng pulseras ay isang cowrie shell. May dalawang tali rin itong nakasabit na pandisenyo at ang dulo ay may kumikinang ding dymante.

Kahit pa simple lang ang cowrie shell ay pinarangya ito ng mga katabing kumikinang na disenyo. Nagmistula nga itong heirloom kung iisipin kong mula sa mayamang angkan si Agustin.

Natigilan naman ako at napatingin sa kaniya. “Sandali. Itong kabibe ay...iyong ibinigay ko sa iyo dati?”

Mas lumapad pa ang ngiti niya saka tumango. “Iyan nga. Itinago ko ang mga iyon at iyan nga ay ibinabalik ko sa iyo ang isa.”

Natawa naman ako sa sinabi niya saka napailing, “Maraming salamat sa regalo mo, Agustin. Hindi ko talaga inaasahan ’to.”

Malapad ang ngiti na kaniyang ibinigay sa akin at ganoon din naman ang akin sa kaniya. Kaagad kong isinuot ang ibinigay niya sa kaliwa kong pulsuhan at inabot kay Isay ang kahon. Buong ipinagmamalaki ko pang ipinakita sa kaniya na suot ko na iyon. Hindi kailanman naglaho ang kaniyang mga ngiti. Sobrang saya ko ring makita siyang nakangiti.

“O, hijo, narito ka na pala.”

Naibaba ko naman ang braso ko at sabay kaming napalingon nang magsalita si Ama. Nakatingin na silang dalawa ni Ina sa amin.

“Opo, Don Agaton. Magandang gabi po sa inyo.”

“Magandang gabi rin, hijo. Kumusta?” si Ina.

“Ayos lamang po ako, Donya Floren. Maraming salamat sa pagtatanong.”

“Mag-isa ka lamang ba? Hindi mo kasama ang iyong mga magulang?” sunod-sunod naman na usisa ni Ama saka tumingin sa likod ni Agustin.

“Ah, opo. Nasa Maynila pa sina Ama’t Ina,” tugon niya.

Hmm. Marahil ay kilala ni Ama ang mga magulang ni Agustin. Sabi rin naman ni Agustin dati na may negosyo o negosyante ang magulang niya.

“Nais ko man na makausap ang iyong Ama ay marahil sa ibang pagkakataon na lamang. Ikumusta mo na lamang kami sa kanila, hijo,” kwento pa ni Ama.

Tumango naman si Agustin saka sumulyap sa akin ng mabilis. “Sige po, Don Agaton. Makakaasa kayo.”

“S’ya, Isay, paupuin mo na ang Senyorito,” utos naman ni Ama kay Isay kay mabilis siyang tumango saka iginiya na si Agustin.

Nagngitian kaming dalawa bago siya naglakad palayo. Natatawa naman akong kumaway sa kaniya. Lumingon na uli ako sa may pinto saka huminga ng malalim. Pupunta kaya siya? Nasaan na siya?

Hindi pa man natapos ang paghiling ko ay nagliwanag na ang mukha ko nang sa wakas ay nasilayan ko na ang bagong papasok na mag-asawa. Sina Don Carlos at Donya Victorina. Dahil narito na ang dalawa ibig sabihin ay narito na rin siya.

Nilingon ko naman si Ina na nakangiti habang nakatingin sa paparating na kaibigan. Nagtanguan din ang dalawang Don kahit malayo pa sa isa’t-isa.

Bumaling na lang uli ako sa mga bagong dating at napangiti nang sa wakas ang kanina ko pang hinihintay ay dumating na rin. Kasabay niya sa paglalakad si Gabriel at sinundan sina kuya Luis at Leon.

Hay naku, bakit ba napakakisig niya? Kahit lakad pa lang ay tila ba malulusaw na ako.

Kaagad kong napalo ang sarili at mabilis na iniwala ang ngisi sa aking mukha nang maalala kong narito pa ako sa harap ng maraming tao. Napatayo ako ng tuwid at tipid na ngiti na lang ang ibinigay sa mga papalapit na bisita.

“Magandang gabi, amigo, Florentina,” bati ni Don Carlos kina Ina.

“Magandang gabi rin, amigo. Mabuti’t kayo ay nakarating bago magsimula ang hapunan,” natatawang tugon ni Ama.

“Ako’y hihingi ng paumanhin dahil kami at matagal na nakarating. Mayroon akong inasikaso at hindi ko akalaing magtatagal pala iyon,” wika ni Don Carlos.

“Naku, hindi mo kailangan na humingi ng tawad. Ano ba, Carlos? Ang mahalaga’y narito na kayo,” saway pa ni Ama. 

“Oo nga naman. Tama si Agaton. Hindi niyo kailangan na magmadali basta’t makarating kayo iyon ang nais namin,” segunda ni Ina.

Nagtanguan silang lahat at bigla namang bumaling sa akin si Donya Victorina. Sobrang lapad ng ngiti niya sa akin kaya tinugunan ko rin siya ng ngiti.

“Maligayang kaarawan, hija!” masiglang bati niya.

“Oo nga pala. Maligayang kaarawan, Kristina,” lingon ni Don Carlos sa akin.

“Maraming salamat po, Don at Donya. Natutuwa po kaming nakarating kayo.”

Syempre, tuwang-tuwa talaga ako.

“Ipapaakyat ko na lamang mamaya ang aming handog para sa iyo,” nakangiting turan ni Donya Victorina na ikinalaki ng mga mata ko.

“Po? Hindi niyo naman kailangan na magbigay. Pero maraming salamat po at binigyan niyo pa po ako.”

“Wala iyon, hija. Mistulang anak ka na rin namin, kayo ng iyong mga kuya kaya bukal sa aming loob ang bigyan kayo ng mga regalo at pangangailangan,” wika ni Don Carlos.

Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ba ako dahil sa sinabi niyang anak kasi kasintahan ko si Joaquin o malulungkot dahil ipapakasal ako kay kuya Luis.

“Maraming salamat po talaga,” tanging nasambit ko at iniwasang makipagtitigan sa dalawang magkapatid.

“S’ya, halina kayo at maghahapunan na tayo,” imbita ni Ama at naglakad na sila ni Ina pauna kaya sumunod ang mag-asawa.

“Maligayang kaarawan, Binibining Martina,” bati naman ni kuya Luis kaya nginitian ko siya.

“Maraming salamat, kuya Luis,” tugon ko. “Saka Martina na nga lang, hindi ba?” Natawa naman siya ng kaunti.

“Oo nga, Kuya. Martina na nga kasi,” singit ni Gabriel mula sa tabi niya saka ngumisi sa akin. “Maligayang kaarawan, Martina.”

“Salamat! Nasaan na ang regalo ko?” biro ko sa kaniya.

Tumaas naman ang kilay niya dahil doon. “Regalo? Naghahanap ka pa, e narito naman na ako.”

“Ano naman ang gagawin ko sa ’yo? Wala ka namang silbi sa akin.”

“Oooiii!” sabay na asar ng mga kapatid niya at hindi ko namalayan na nasa tabi na pala namin sina Carolino.

Napatingin tuloy ang ilang bisita dahil sa sabay na ingay nila. Nanlaki naman ang ilong ni Gabriel nang marinig iyon. Tinawanan ko naman siya at mabilis na umiling.

“Biro lang,” tawa ko. “Huwag kang malungkot may mga binibini naman na naghihintay sa iyo rito. Baka dahil pa sa aking kaarawan ay magkaka-nobya ka na.”

“Naku, huwag na. Hindi iyan karapat-dapat magkaroon. Palikero eh,” umiiling na singit ni kuya Luis kaya natawa ako.

“Taya na nga’t kumain. Napakarami ninyong daldal,” natatawang usal ni Gabriel at nauna nang maglakad papunta sa mesa.

Sumunod naman sina Carolino at kuya Marco habang nagtatawan na naman sila. Naglakad na rin ako kasunod ni kuya Luis.

“Martina, sandali lamang.”

Agad akong napatigil nang marinig ang boses ni Joaquin mula sa akin likuran. Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa aking labi at lumingon sa kaniya.

“Bakit?”

“Maligayang kaarawan sa iyo,” nakangiting bati niya kaya umayos akong humarap sa kaniya.

Lumapad pa ang mga ngiti ko na natawa na ako ng kaunti. “Maraming salamat. Ang akala ko pa naman ay hindi ka darating.”

“Maaari ba iyon?” Marahan siyang tumawa. “At saka mayroon pala akong ibibigay para sa iyo.”

Matapos niyang sabihin ang huling salita ay inabot niya sa akin ang maliit na kahon. Kulay itim iyon at makintab. Kunot-noo ko siyang sinulyapan at nag-aalangan na tinanggap iyon.

“Bakit nag-abala ka pa? Hindi naman kailangan ito eh.”

“Hindi ito abala, Martina. Kaarawan mo ito at handog ko iyan para sa iyo.”

Nginitian ko na lang siya at binuksan ang kahon. Nakalagay sa loob ang isang paru-parong brotse na kulay itim at puti. Gawa iyon sa mga diyamante. Ang bandang kilid ng pakpak ay ang kulay itim pati na rin ang katawan nito. Ang pangloob na pakpak naman ay kulay puti.

Bakit ba ang mamahalin ng mga regalo nila? Parang mga pamana pa ng mga kanunununuan nila at ang gagara pa ng pagkakagawa.

“Nang makit ko iyan sa la joyería ay agad kong naalala na may suot kang ganiyan kaya binili ko iyan para sa ibigay sa iyo,” kwento niya.

Napatingin naman ako sa kaniya. Nakatitig siya sa akin nang may ngiti sa labi.

“Maraming salamat, Joaquin. Nagustuhan ko.” Ngumiti ako.

Sabay naman kaming napalingon kina Kuya na nakaupo na at handa nang kumain kaya bumaling kaagad ako sa kaniya.

“Halika na. Kakain na at baka magtaka rin silang magkausap pa tayo rito,” wika ko na ikinatingin niya sa akin.

“Siya, halika na.”

Naglakad na kami papalapit sa mesa kung saan naroon at magkasama ang aming pamilya pati na rin ang mga Letreval at kina Gobyernadorcillo.

May bakanteng upuan sa gitna ni kuya Lucio at ate Guada kaya kaagad na akong umupo roon. Napangiti naman si Ate nang makita niya ako.

“Salamat naman at ika’y narito na. Inihanda ko talaga ang upuang iyan para sa iyo,” aniya pa.

“Maraming salamat, Ate. Nagugutom na nga ako eh,” biro ko sa kaniya saka umayos na ng upo.

Napatingin naman ako sa harap ko at gayon na lang ang pagkatigil ko nang masilayan ko ang mga nakaupo sa harap ko. Si Agustin ang nakaupo sa mismong tapat ko habang ang nasa kanan niya ay si Primitivo at sa kaliwa ay si Joaquin.

Pechay! Seryoso ito? Sila talaga ang nakaupo sa tapat ko?! Goodness gracious!

Natagpuan kong nakangiti si Agustin sa akin kaya nginitian ko naman siya. Bumaling naman ako kay Joaquin sa tabi niya na nakatingin sa malayo. Sa ibang banda at hindi sa mesa namin.

Sino naman kaya ang hinahanap niya?

No prolonguemos esto, comamos!” (Huwag na natin itong patagalin. Tayo ay kumain na!)

Dahil sa boses ni Ama ay naputol ang mga iniisip ko. Bumuga na lang ako ng hangin at tahimik na kumuha ng pagkain nang magsimula na silang kumuha.

Nginitian ko naman si kuya Lucio nang nilagyan niya ng mga pagkain ang plato ko. Tinitigan ko na lang siya habang nakangiti. Ang bait niya talaga sa akin. Sobra.

“Maraming salamat, Kuya,” bulong ko matapos niyang lagyan ng adobo ang aking pinggan.

Mas malapad naman ang ngiti na kaniyang isinukli sa akin. “Walang anuman, Martina.”

Nagsimula na lang akong kumain habang tahimik na nakikinig sa mga pag-uusap ng mga matatanda. Kahit ano na nga lang mga pinag-uusapan nila. Mabuti na lang at hindi sa akin nakatuon ag atensiyon nila at baka usisahin pa nila ang buong buhay ko.

Baka darating na naman sa puntong ipipilit nilang magpapakasal na ako. Ayaw na ayaw kong marinig ang tungkol sa paksang iyan. Kinakabahan ako na para bang hindi maganda ang magiging kahihinatnan ko kapag nangyari iyan.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino ang dahilan ng kamatayan ni Kristina. Ngunit, ang alam ko lamang ay narito sa mesang ito mismo ang taong ipapakasal sa kaniya. At saka, narito sa mansiyon na ito ang taong napakalaki ang galit sa kaniya. Si Clara. Hindi ko alam kung may kinalaman ba siya sa kahihinatnan ni Kristina o wala.

Natapos na ang kainan at mabuti na lamang at ako ay hindi nila kinulit pa. Isa-isa na rin na nagpunta ang mga panauhin sa kani-kanilang mga kakilala sa ibang parte ng palapag. Kanina pa hindi tumatahimik ang buong paligid dahil sa mga tawanan at mga pag-uusap nila.

Sunod-sunod na rin ang mga pagtatanghal ng iba’t-ibang mga tao na hindi ko alam ay inanyayahan pala nila. Silang lahat ay pawang kumakanta o kung hindi naman ay ipinamalas ang pagtugtog ng instrumento.

Naroon naman sina Ama at Ina sa harap para pangunahan ang pagtitipon at pagpapakilala sa mga tumutugtog. Mag-isa lamang ako rito sa may harap dahil pinatayo ako ni Dueña rito dahil kaarawan ko raw. Hindi ko naman kung nasaan sina Kuya na alam ko namang magkakasama silang magkakaibigan. Kanina ko pa rin nga hinahanap si Agustin pero hindi ko na naaninag pa.

“Hindi ko naman inaasahan ang ganitong pangyayari,” nakangiting wika ni Ama habang nakatingin sa amin lahat. “Mayroon palang inihandang pagtatanghal ang butihing Ginoong si Primitivo para sa kaarawan ng aking anak.”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya habang tumatawa siya. Kasabay niyon ang paglapit ni Primitivo kay Ama dala ang isang byulin. Hala siya. Bakit siya may pa-eksenang ganiyan?

Ngumiti si Ama sa kaniya kaya ginantihan niya ito ng mas malapad. Lumingon naman si Ama sa mga tao at napakunot ang noo.

“Aba’t kayo ba ay nawalan na ng mga kamay? Palakpakan naman diyan.”

Nagpalakpakan naman ang mga tao kaya nakisali na rin ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit ba kasi nariyan si Primitivo at may patanghal-tanghal pang nalalaman?

Tinapik naman siya ni Ama sa kaliwang balikat saka naglakad sila ni Ina paalis habang pumapalakpak. Nakangiti naman na tumingin sa aming lahat si Primitivo at nakita ko kung paano inisa-isa niya ang bawat panauhin sa pagtingin na tila ba’y mayroong hinahanap.

Huminto ang kaniyang mga tingin nang magtama ang aming mga mata. Mas lalo pang lumapad ang kaniyang mga ngiti dahil doon. Nginitian ko na lang siya pabalik.

“Para sa iyo ito, Binibining Martina. Sana ay iyong magustuhan,” aniya pa kaya napatingin ang mga panauhin sa akin at dahan-dahan na niyang inayos ang byulin upang magsimulang magtugtog.

Wala pang dalawang segundo nang kaniyang patugtugin ang byulin ng malumanay ngunit may kaunting kabilisan. Tumutugtog lamang siya at tila’y sumasayaw sa ritmo ng kaniyang musika. Tila nga’y walang buto ang kaniyang kamay dahil sa napakabanayad niyang pagtugtog.

Hindi ko akalaing may ganitong talento si Primitivo. At hindi ko inaasahang sa kaarawan ko pa malalaman dahil ipinamalas niya iyon para sa akin sa harap ng maraming tao. Naguguluhan tuloy ako kung matutuwa ba ako o makokonsensya. Ang bait niya sa akin kaso nga lang talaga ay hindi ako ang taong kayang suklian ang pagmamahal na ibinigay niya sa akin.

Napalingon ako sa ibang mga tao sa buong silid lalo na sa mga binibining seryoso at nakangiting pinagmamasdan si Primitivo na tumutugtog. Sana naman ay isa sa kanila ang babaeng para sa kaniya. Iyong babaeng magmamahal sa kaniya ng tunay.

Dati tinanong ko sa sarili ko kung bakit walang nagkagusto sa akin o nagawa man lang manligaw. Eh, hindi ko naman akalaing sa ganitong panahon magyayari pala iyon. At tatlo pa ang umamin sa akin ng kanilang nararamdaman. Iyan ang ayaw ko. Nakaka-guilty. Sobra. Hindi ko kayang isipin na may nasasaktan dahil lang minahal nila ako.

Ang tanging nagawa ko lamang ay titigan siya habang nakikinig sa kaniya. Hinintay ko pa naman na kumanta siya o ano pero ni isang salita ay hindi man lang lumabas mula sa kaniyang bibig. Hindi ko tuloy nabatid kung ano ang mga salitang nagtatago sa likod ng magandang tugtog na iyon.

Sabay na nagpalakpakan ang lahat ng mga panauhin nang tapusin ni Primitivo ang kaniyang pagtatanghal sa isang tipid na yukod. Muli siyang tumingin sa akin kaya mabilis ko siyang nginitian at itinaas ang hintuturo ko saka pumalakpak uli.

“Hindi ko akalaing siya ay tutugtog ngayong gabi.”

Mabilis akong napalingon nang may nagsalita sa bandang likuran ko. Ikinagulat kong nakatayo pala roon si Joaquin at tipid na pumalakpak at bahagyang nakataas ang kilay kay Primitivo. Napakatipid dahil ang bandang baba lamang ang kaniyang tinatapik sa kanang mga daliri.

Umiling na lang ako at humarap sa kaniya. “Hindi ko nga alam na mayroon pala siyang kakayahang tumugtog ng ganiyan.”

Nakita ko naman na natawa siya ng kaunti. “Talaga ba?” Tumaas pa ang kaniyang kilay.

“Anong ‘talaga ba’? Anong ibig mong sabihin?”

Umiiling naman siyang naglakad papalayo roon kaya mabilis akong sumabay sa kaniya. Hindi siya sumagot at sa halip ay nakangisi pa rin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

“Ano nga? Hindi kita maintindihan.”

Huminto kami sa may bintana saka siya humarap sa akin nang nakangiti. Shemay, nanlambot tuloy ang mga tuhod ko.

“Hindi mo na ba naaalalang minsan mo ng ibinalibag ang kaniyang byulin dati?”

Dahil naman sa kaniyang sinabi ay nanlaki ang mga mata ko. Kung hindi ko nga lang napigilan ang sarili ko ay baka lumuwa na iyon.

Talaga?! Ginawa iyon ni Kristina kay Primitivo? Napakabayolente nga naman niya talaga.

“Ha? Kailan iyon? Hindi ko na maalala,” kunyari ko.

“Kaarawan mo rin iyon. Ikalabing-walo,” aniya kaya dahan-dahan akong napatango at tumingin sa labas.

Bakit naman kaya niya ginawa iyon? Napaka-maldita nga naman ni Kristina. Siya na nga hinandugan ng kanta ay nambalibag pa siya. Hayy.

“Sandali nga lamang. Bakit ba siya ang ating pinag-uusapan? Narito naman ako o. Huwag ka nang mag-usisa pa tungkol sa kaniya.”

Mabilis na nagdugtong ang mga kilay ko nang marinig ang kaniyang sunod-sunod na reklamo. Nakita ko pa nga kung paano siya umirap at tumingin sa labas ng bintana. Natawa ako sa ginawa niya at umiling.

“Ang oa mo,” ismid ko.

“‘Oa’? An–anong ibig sabihin niyon?” mabilis niyang lingon sa akin.

“Wala,” iling ko saka bumuga ng hangin. Nakatitig lamang ako sa madilim na kalangitan ngunit naroon pa rin ang nagkikislapang mga bituin.

“Pero alam mo ba? Ang akala ko ay hindi ka darating ngayon.”

Tumingin ako sa kaniya at natagpuang nakatutok sa akin ang kaniyang dalawang pares ng kayumangging mga mata. Hindi siya kumurap at nanatili ang kaniyang seryosong tingin sa akin.

Tumitig ako pabalik sa kaniya. Ilang pulgada na lang namamagitan sa amin. Doon, nakita ko na naman sa malapitan ang kaniyang maamo at napakakisig na mukha.

“Isa ito sa pinakamasaya at mahalagang araw sa iyong buhay. At darating ako upang saksihan iyon. At lalong-lalo na, maging parte niyon.”






Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

132K 9.1K 102
Si Zaya Denise Olegarco ay isang spoiled brat at may napakasamang ugali. Napakaikli ng kanyang pasensya kaya kahit sa maliit na bagay ay nakikitaan n...
84.4K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...
1.2M 18.5K 51
HIGHEST RANK ACHIEVE - #1 in Bloody Category (1 week) #2 in Brutal Category - HELL IS EMPTY. ALL THE DEVIL IS HERE - Humanda ka na Isusunod ka na ni...
6.5K 1.2K 18
Penful Aqua got accident because she wanted to escape those people who hurt her, and after that incident she met this guy named Ausvein Aphie who hav...