The Sweet Revenge (COMPLETED)

By iamxeilliex

7.2K 434 5

Zyxhiaxy Eleanor is a 24-year-old woman who lives a miserable life under her mother's rage. She grew up recei... More

About the Story
Prologue
Chapter 1 : Her Plans
Chapter 2 : Business Proposal
Chapter 3 : The Kiss
Chapter 4 : Reunion
Chapter 5 : Zenith
Chapter 6 : Jealous
Chapter 7 : Shares
Chapter 8 : Trauma
Chapter 9 : Engineer Drylto
Chapter 10 : Drunk
Chapter 11 : Run and Hide
Chapter 13 : Danger
Chapter 14 : Confession
Chapter 15 : World War III
Chapter 16 : Man Behind the Mask
Chapter 17 : Birthday
Chapter 18 : Trust
Chapter 19 : Missing Money
Chapter 20 : Stop Pursuing the Plan
Chapter 21 : Revelations
Chapter 22 : Flashback 1
Chapter 23 : Flashback 2
Chapter 24 : Flashback 3
Chapter 25 : Flashback 4
Chapter 26 : Flashback 5
Chapter 27 : Apologies
Chapter 28 : I'm Your Daddy
Chapter 29 : Mag-ina
Chapter 30 : Pasta
Chapter 31 : Pregnant
Chapter 32 : Betrayal
Chapter 33 : Forgiveness
Chapter 34 : Real Dad
Chapter 35 : Bedridden
Chapter 36 : The Sweet Revenge
Chapter 37 : Styx Syruis
Chapter 38 : Sweet Goodbyes
Chapter 39 : Zella
Chapter 40 : Wedding Day
Epilogue
TSR

Chapter 12 : Still in Love

117 9 0
By iamxeilliex

People will say that every person deserves a second chance. It was easy to say but that would never easy for me to do. Lumaki ako nang ako lang mag-isa sa buhay, kahit na sabihing nandiyan si Mama ay hindi niya pinaramdam sa 'kin na anak niya 'ko.

Kung ang pagpapatawad ay madali bakit maraming taong hanggang ngayon ay hindi makaahon? Kung gano'n kadali 'yon sana malaya na ang puso ng nakakarami. Gano'n ba kahirap para sa iba na intindihin na hindi lahat ng tao ay may kakayahang magpatawad?

Aaminin ko na minsan na rin akong nagkasala at humingi ng kapatawaran sa isang tao, minsan nga sobrang hirap para sa 'kin na gawin 'yon but now, wala nang puwang sa puso ko ang kapatawaran.

My stoneheart couldn't afford forgiveness. I want to see them cry in pain, I want to see them wrecked and miserable. I want to see them kneeling while their hands are clasped. I want to see them carrying the pain that I inflicted.

"Zy, I hope hindi mo sisirain ang nabuo nating plano. Hindi madaling makapunta sa kung nasaan ka ngayon. Sa tingin mo ba magagawa mo ulit 'to kapag pumalpak ka? Oras na malaman niya na may pinaplano ka ay hindi mo na makukuha ang tiwala niya."

Seryoso ang mga mata ni Duex habang nakatingin sa 'kin. Ilang beses akong lumunok bago tumango. Kahit nahihirapan ay alam ko kung anong dapat na gawin ko. Masyado lang akong nawili ngayon kaya hindi ko napansing nagiging makatotohanan na ang lahat.

Ano naman kung mag-date kami? Hindi ba maganda 'yon. Kahit naiinis ay hindi ko 'yon pinakita sa kanya. May sarili akong plano bukod sa pinaplano naming dalawa. Kahit naman isagawa ko 'yon ay sa isa lang mauuwi ang lahat, ang pagbagsak ni Styx Syruis.

"What do you think of me? Stupid? Sa tingin mo ay hahayaan kong masira lahat ng nagawa na natin?"

He sighed before putting his utensils down. Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner ngayong gabi. Balak kong puntahan si Styx pagkatapos. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Duex ang ginawa kong gulo sa opisina kanina. Hindi rin ako sigurado kung nagsumbong ang babaeng 'yon kay Styx pero wala muna akong pakialam.

"I saw your eyes. Hindi gano'n ang mata ng mga naghihiganti, Zy!" bigla ay tumaas ang boses niya. Padabog kong pinatong sa lamesa ang hawak ko at saka pinunasan ang gilid ng labi ko bago siya samaan ng tingin.

"Anong mata ba dapat? Hindi ba sabi mo kuhanin ko ang loob niya? Duex, ikaw ang magulo, eh."

"You still love him, don't you?" I gulped before avoiding his gaze. Alam kong magtatanong siya tungkol dito. Kahit na hindi niya itanong ay alam kong alam niya na ang sagot doon.

"Sa tingin mo ba makakaya ko pang mahalin ang taong sumira sa 'kin? Gano'n ba ako ka-estupida para sa 'yo, Duex?!" Naghuhuramentado ang puso ko habang mabigat ang paghinga na nakatingin sa malamig niyang mata.

"Calm down, I'm just asking you. Bakit naging defensive ka bigla?"

I hissed. "I am not. Tumigil ka na, Duex, dahil hindi na 'ko natutuwa," pagbabanta ko at nakakuyom ang kamay na kanina pa nanginginig. Natuon naman doon ang paningin niya at bahagyang nakangisi.

"Hindi rin ako natutuwa sa mga nangyayari, Zy. Nakikita mo ba ang sarili mo? Kulang na lang ay paalisin mo 'ko kanina sa bahay mo para masolo ka ng gagong 'yon!" Bahagya uminit ang ulo ko nang marinig ang itinawag niya kay Styx. "And I thought you'll stick with our plans? Bakit pinagtatanggol mo siya ngayon?"

Tila natauhan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko magawang tignan ang mata niya sa sandaling ito. Kahit na ano pang idahilan ko ay alam kong nahuli na niya 'ko. Of course, I still love that man. Pero walang magbabago. Hindi pa rin nababawasan ang galit ko. Wala nang puwang sa puso ko ang pagpapatawad.

"I s-still love him, Duex," mahinang bulong ko na alam kong umabot sa tenga niya. I smiled bitterly before looking at him with my teary eyes.

"Pero hindi ako gano'n kagago para ipaglaban ang putanginang pagmamahal na 'to at itapon lahat ng pinaghirapan natin. Tama na 'yung isang beses na niloko niya 'ko at pinamukha sa 'kin na kaya niyang maging masaya habang wala ako. T-Tatlong taon akong nawala but he didn't tried finding me. Kung sana, sinubukan niya ay hindi ganito kalaki ang galit ko ngayon." Nanginginig ang labi ko habang patuloy na nanlalabo ang mata dahil sa luhang naipon sa mata ko.

"He didn't also know na may anak kami. W-Wala siyang pakialam sa 'kin."

His face softened. Tumayo siya sa kinauupuan at mabilis na pumunta sa direksyon ko para yumakap. Sa unang pagkakataon na nagkita kami ni Styx ay tumulo ang luha ko. Kahit anong pilit ko at paghinga ng malalim ay hindi ko na napigilan pa 'yon. Patuloy ito sa pag-alpas na para bang wala ng bukas.

Ito ang kinakatakot ko dahil alam kong sa oras na magsayang ako ng isang patak ng luha ay magtutuloy-tuloy na 'yon.

"I hate him," mahina ngunit madiing kong saad. Pinagmasdan lang ni Duex ang mukha ko habang walang emosyong pinapakita. Ayaw kong makita ang awa sa mata niya kaya nagpapasalamat ako roon. Humiwalay ako sa kanya para punasan ang luha ko gamit ang palad pero hindi sapat dahil may inilalabas pa rin ang mata ko.

"Tangina, Duex, ayaw ko umiyak." Sinubukan kong tumingala habang kagat ang labi ko pero nauwi lang 'yon sa hagulgol. Pakiramdam ko ay wasak na wasak ako. Ang puso ko ay dinadakot at at pinipiga na sa sobrang sakit ay wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at humagulgol.

"Putangina, hindi ko naman deserve 'to, 'di ba?" Nanatili siyang nakikinig habang yakap ako. "S-Si Mama. Kasalanan ko ba na iisang lalaki ang minahal namin?! Hindi ba pwedeng hayaan naman niya 'ko maging masaya? U-Umasa pa rin ako kahit kaunti na magiging masaya siya kasi buhay 'yung a-anak niya p-pero hindi. Hindi s-siya naging masaya, Duex," parang batang sumbong ko at hinila ang laylayan ng suot niya habang umiiyak.

"S-Sabi niya dapat hindi na raw ako nagpakita. M-Masaya sila na w-wala ako."

It's my greatest insecurity. Seeing them happy and better without me.

I wanted to scream but I couldn't because the sob that escaping from my mouth forbidden me. Kahit ilang beses akong umiyak ay alam kong walang magagawa 'yon para maalis ang sakit na naitanim sa puso ko. Mas lalo lang lumalala at lumalalim.

"Zy." He cupped my cheeks before wiping the tears that streaming down my cheeks. I bit my lower lip to stifle a sob. Para akong isang bata na nakatingin lang sa kanya at nag-aantay ng sasabihin.

"Do you still want to continue our plan? Kung hindi mo na kaya, hindi ko na ipipilit pa. I can't stand seeing you hurting like this. Ayaw kong makita na iniiyakan mo pa ang mga taong 'yon. We can live abroad. Doon, kasama natin si Zenith."

I gulped before lowering my gaze. Sa sobrang pagtutuon ko na ang atensyon kay Styx ay nakalimutan ko na ang anak ko. Sinubukan kong pigilan pero muli na naman akong umiyak. Patuloy naman si Duex sa paghaplos sa likod ko para patahanin ako.

"A-Ayaw ko. P-Pagtapos ko kuhanin ang lahat kay Styx, doon. Doon tayo aalis."

After our dinner I went to Styx' house. Kahit na anong gawin ko ay halata pa rin ang maga ng mata ko. Nawalan ako ng ganang harapin siya pero nagpatuloy pa rin ako dahil hindi magandang patagalin pa ang lahat.

Tumigil ako sa harapan ng isang malaking bahay. I don't have time to appreciate his modern house and clicked the doorbell. Ilang minuto lang ay iniluwa no'n si Styx na halatang handa nang matulog. He was wearing white sando and boxer shorts only.

"Xhia?" gulat na usal niya na parang hindi niya 'ko inaasahang bibisita sa kanya sa kalagitnaan ng gabi.

I smiled faintly. "Hi?" awkward na bati ko. Napakamot ako sa batok habang pinagmamasdan siyang mabilis na buksan ang gate.

"A-Anong ginagawa mo dito? Ayos ka lang ba?" Bakas ang pag-aalala sa mata niya nang makalapit. I sighed before wrapping my arms around his waist. Para naman siyang matutulos sa kinatatayuan nang makita ang ginawa ko. Para akong nakahiga sa malambot na kama kahit na matigas ang katawan niya. His warmth somehow gave comfort.

Hinaplos niya ang likod ko at pinatakan ng halik ang ulo ko. "Pasok ka muna. Kumain ka na ba?" Inakay niya 'ko papasok pero hindi ko parin tinatanggal ang braso kong nakapalibot sa kanya. Kahit nahihiya ay gusto ko ang ginagawa ko. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso niya pero hindi ko 'yon pinansin.

Pagod ako at gusto ko lang muna magpahinga. Siguro bukas ko na ulit iisipin ang lahat. Sa ngayon gusto ko lang siyang makita at makausap.

Pumunta siya sa kusina para kunan ako ng tubig. I roamed my eyes around his house, his furnitures seemed luxurious. Marami ring paintings na naka-display and most of it is abstract. Kahit na gusto kong busugin ang mata ko sa paligid ay hindi ko maiwasang mahiya para sa sarili ko. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Styx no'ng basta na lang siya pumunta sa bahay ko kahapon?

"Do you want to stay here?" he asked after I drank the remaining water. Kagat ang labing tumango ako at iniwas ang paningin.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin pero hindi ako nagpatinag. He caressed my cheeks before kissing my temple. Muling nangilid ang luha ko at pakiramdam ko ay ano mang oras ay muli na naman akong iiyak.

"Ihahatid kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka. Sa ngayon, 'wag mo muna isipin ang mga nangyari, bukas tutulungan kita kung kailangan mo 'ko." Tila may humaplos sa puso ko nang marinig 'yon.

Inalalayan niya 'ko paakyat sa hagdan para makapunta sa kwartong tinutukoy niya. Hindi ko na nahimay ang mga sinabi niya hanggang sa nakarating kami sa isang malaking pinto. Pinagbuksan niya 'ko na para bang hindi ko kayang gawin 'yon at inalalayan ako papasok.

I froze when I roamed my eyes around. There's a large picture frame that displayed on the wall. Nakalagay doon ang picture ko na alam kong matagal na nakunan. I looked at Styx curiously but he just looked away and scratched his nape.

"S-Styx . . ."

"I'm sorry, natakot ka ba? Do you find me creepy?" he asked as he blushed.

I bit my lower lip before nodding. "Matagal na rin 'yan dito." Inalalayan niya kong umupo sa malaking kama. Amoy ko ang mabangong halimuyak ng kwarto. Kapansin pansin din ang disenyo nito ay hindi nalalayo sa itsura ng kwarto namin dati ni Styx.

"I'll get you some clothes, you can use the bathroom to clean yourself." Pinagmasdan ko ang likod niyang papalayo sa 'kin. I sighed before entering the bathroom. Maging ang loob no'n ay katulad ng sa kwarto namin dati ni Styx.

Before my mind insisted on recalling all our memories I undressed myself and opened the shower. Nanatili akong nakapikit habang pinapakiramdaman ang pagbagsak ng tubig sa katawan.

Mapait akong napangiti bago nagpatuloy sa pagligo. Halos isang oras din ang tinagal ko roon bago lumabas ng nakaroba. Nadatnan kong nakaupo sa kama si Styx na tila ba naghihintay. He smiled at me and showed a pair of white pajama. Tinanggap ko naman 'yon at saka muling bumalik sa banyo para suotin. Sa huli ay hinayaan kong nakabagsak ang buhok ko at piniling huwag nang gumamit ng blower para magpatuyo.

Lumabas ako ng banyo pagkatapos ng ilang minuto, gano'n pa rin ang itsura ni Styx at nag-aabang sa 'kin.

"Have you eaten?"

I nodded before sitting beside him. It was awkward because I don't know how to act around him right now. Gusto ko na lang magpahinga at kalimutan sa ngayon ang mga nangyari, kahit panandalian lang.

Napapiksi ako ng hawakan ni Styx ang kamay ko at hatakin dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. I gulped when he tucked some of my hair behind my ear. He was looking at me seriously as if his life was depend on it.

"How are you feeling right now?" Mabilis na namasa ang mata ko sa tanong niya. Kahit hindi ko sabihin ay alam kong nahahalata niyang may problema ako. He circled his arms around my waist and embrace me tightly. I could feel the fast beat of his heart but I chose to ignore it.

"A-Ayos lang ako. Pasensya na kung naabala ko ang gabi mo. Don't worry, I'll immediately leave tomorrow." I played with my hands without looking at him. He sighed before kissing my temple, agad nag-init ang mukha ko.

"Hindi ka istorbo. You know you can lean on me if something is bothering you. You can also stay here whenever you want, nandito lang ako kapag kailangan mo 'ko," seryosong saad niya. Ilang beses akong napalunok dahil sa lapit namin idagdag pa ang mga sinabi niya.

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para hawakan ang maamo niyang mukha. He smiled a bit when I touched his cheeks softly. I caressed it gently before planting a light kiss. Kagat ko ang labi habang pinagmamasdan kong mamula ang mukha niya sa ginawa ko.

"Thank you," maliit ang boses na saad ko.

He groaned and buried his face on my neck. Napaigtad ako sa ginawa niya at ang mga braso ko ay kusang pumulupot sa batok niya. I gulped when he rained kisses there. He wasn't usually like this, I'll just think that this is his way of comforting me. Kahit na hindi komportable dahil sa lapit namin ay hindi ko siya tinulak ay hinayaan na gawin ang gusto niya.

"Can I sleep here?" he asked before sucking my sensitive skin. I bit my lower lip as I tried to fight the urge of moaning.

"No," muntik nang lumabas 'yon bilang ungol.

He looked at me with sleepy eyes and pouted. "Please? I want to cuddle with you," puno ng pakiusap niyang saad.

Parang may humaplos sa puso ko nang makita kung gaano siya ka-determinadong makatabi ako ngayong gabi. I slowly nodded before avoiding his gaze. Ayaw kong makita niya na gusto ko rin ang ideyang 'yon.

Narinig ko ang mahina niyang pag 'yes'. He nuzzled on my neck again and hugged my tightly. Dahan-dahan ang pag-angat ng kamay ko sa buhok niya, marahan kong hinaplos 'yon habang pinakatitigan siya.

"T-Tama na 'yan, matulog na tayo." Bahagya ko siyang tinulak papalayo sa 'kin. Hindi naman na siya nagreklamo at hinayaan akong tumayo para humiga na sa kama. He watched me intently as I tried to act normal. Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko na para bang kakawala 'yon ano mang oras.

Humiga ako sa kama at mabilis naman niya 'kong tinabihan. He pulled me closer to him and wrapped his arms around my waist. I gasped when I accidentally inhaled his manly scent. Sobrang lapit ng katawan naming dalawa.

Hinaplos-haplos niya ang buhok ko habang pinapatakan ng halik ang aking ulo. Sinasabi ng utak ko na itulak siya pero hindi ko 'yon magawa. Kahit paulit-ulit kontrahin ng utak ko ang ginagawa niya ay nanaig ang kagustuhan ng puso ko.

"Styx . . ." I called him after a while.

"Hmm?" he hummed while his arms were still hugging my body.

"Good night," I said with a small smile plastered on my lips.

He kissed my temple before burying his face on my neck. Natakot ako bigla na baka marinig niya kung paano magkarambola ang puso ko ngunit sa halip na itulak siya ay niyakap ko rin siya pabalik.

"Good night, love."

Halos isang oras bago ko na sigurong tulog na nga talaga siya. Tinititigan ko lang ang maamo niyang mukha habang dilat na dilat ang mata ko at hindi dinadalaw ng antok. Kahit nahihirapan ay sinubukan kong kumawala sa yakap niya, hindi naging madali dahil nakapulupot ang braso niya sa 'kin na para bang ano mang oras ay mawawala ako.

Pigil ang hininga habang inaangat ko ang braso niya na nakapatong sa katawan ko. Nang makaalis ay inilagay ko ang unan sa tabi niya para 'yon ang kanyang yakapin.

Pumasok ako sa banyo at hindi nagsayang ng oras para sagutin ang tawag na kanina pa naghihintay sa 'kin.

"What took you so long?"

I sighed before leaning my back against the door.

"Alam mong magkasama kaming dalawa ngayon 'di ba? Hindi ba makapaghintay ang sasabihin mo kaya ngayon ka pa tumawag?"

He chuckled. "Calm down, tigresss. Ano? Pumayag ba siyang mag-stay ka riyan?"

I nodded before biting my lower lip to stop myself from smiling. "Yes. Hindi naman niya 'ko matitiis."

"I doubt that." Bakas ang pang-iinsulto sa tawa niya.

"Kung wala kang ibang magandang sasabihin ibaba ko na 'to."

"Teka, wala bang good night diyaan?"

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Fuck off, Engineer Drylto."

"Damn. That's hot."

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 270 14
"You're way too young, Sandro. Besides, she's married, back off." saway ng kanyang ama. "But Paps! That's the problem! I tried, but I couldn't." sai...
71.6K 1.4K 21
" sign this fuckin' papers woman" cold na sabi sakin ni Cyan my husband or should i say asawa ko sa papel [COMPLETED]
477K 30K 40
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
3.9K 105 18
"No one's gonna fight for your dreams except you." That is always on her mind. Alora Jewel Fontana wants to be in the fashion industry but her parent...