ALTERNATE UNIVERSE ONE SHOTS

By writes_danica

5.5K 202 205

Consist of different pairs in their alternate universe. With some genres being romance or tragic. Some are al... More

On Past, Jealousy, and Alcohol
Deaths and Birthdays
The 7th of February
Queen Of My Heart
If Ever You're In My Arms Again
A Trip To Remember
She Used To Be Mine
A New Chapter
Traitor
Promise
Crashed
Haven
Someone Like You
Exchange of Hearts
Best Part
More Than Just The Two Of Us
Happily Ever After
To Love You More
Stuck With You
Heartbeat
How Do I Say Goodbye
Midnight Rain Strangers
Perfect
Wish Granted
The Sound of Goodbye
Can't Help Falling In Love With You
From Here To Eternity

Rewrite The Stars

77 2 20
By writes_danica

REWRITE THE STARS(How Do I Say Goodbye Part 2)
A MAMON AU

"Yes, Doc Gia, pwede ako ng Thursday."

"That's great, Aven! I'll see you then."

Binaba ko ang tawag at tumingin muli sa view dito sa veranda. Lumabas muna ako para matawagan ko si Doc Gia para sabihin na maguundergo ako ulit ng chemotherapy.

Dahil kahit alam kong bilang na ang mga araw, gusto ko kahit papaano may mapahaba pa ito sa abot ng aking makakaya. Para makasama ko pa sila ng matagal.

Para makasama ko pa ng matagal si Ezekiel.

"Andyan ka na naman sa labas." Sambit ni EJ sa likuran ko. "Pag ikaw talaga biglang nilagnat, sinsabi ko sayo."

"Ang OA mo masyado." Irap ko sa kanya at hindi siya nilingon. "Sakto lang kaya yung simoy ng hangin dito."

Sakto noon ay biglang bumugso ang malakas na hangin. Ang sarap sa pakiramdam ng pagdampi sa mukha ko ng malamig na simoy ng hangin.

"Hmmmm, ang sarap ng simoy ng hangin." Bulong ko habang inayos ang hinahangin ko na buhok.

"Ang ganda siguro ng sunrise dito." Bulong habang nakatingin pa rin sa view.

Dahil nga naghahanda kami ng almusal kanina ay hindi ko na naabutan ang sunrise dito sa veranda.

"Pero mas maganda ka pa rin." Narinig kong bulong ni EJ.

"May sinasabi ka ba, EJ?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Huh? Wala ah." Tanggi naman niya.

Alam kong tama ang narinig ko mula sa kanya kanina.

"May narinig na talaga ako mula sayo, eh." Pagpilit ko sa kanya.

"Ikaw ah, kung ano ano naririnig mo." Asar niya naman sa akin at dinaan ako sa tawa.

"Oh, heto." Sambit ni EJ at bigla nalang ako nilagyan ng jacket sa balikat ko.

"Hindi nga ako giniginaw." Sagot ko at sinubukan na tanggalin ang jacket.

"Wag ka nang makipagtalo." Biglang yakap niya sa akin mula sa likuran.

"Mahirap na ang magsakit, RM." Bulong niya sa tenga ko. "Unless gustong gusto mo na alagaan kita."

"Hindi mo naman need magkasakit para alagaan kita."

"Dahil lagi kitang aalagaan, Madeline."

Naginit bigla ang pisngi ko sa mga sinabi niya.

"Alam mo ikaw, apaka landi mo rin talaga." Irap ko sa kanya para itago ang pamumula ng mukha ko.

Alam na alam mo talaga kung paano ako kunin.

Kahit anong pigil ko, wala ring silbi dahil sa mga kilos mo.

"Ito na, ito na, isusuot ko na yung jacket, Jameson." Pagalis ko sa mga bisig niyang nakayakap sa akin para maisuot ko yung jacket.

Noong naisuot ko na ay humarap ako sa kanya.

"Ayan okay na po ba, boss?" Sarcastic kong tanong sa kanya.

"Perfect na perfect." Tawa niya at bigla nalang ginulo yung buhok ko.

"Yawa ka! Tigilan mo yang buhok ko!" Paghampas ko sa mga kamay niya.

"Ang arte ah, eh wig mo lang yan."

"Ang ingay mo, Ezekiel Jameson!" Hampas ko sa balikat niya.

"Pag may nakarinig sayo, sinasabi ko talaga, makakatikim ka sakin." Pagbabanta ko sa kanya.

"At ano naman ang gagawin mo sa akin?" Paghahamon niyang sagot sa akin.

"Pag ikaw bigla kong hinalikan sa kaingayan ng bibig mo, walang sisihin." Wala sa pagiisip kong sagot sa hamon niya.

Bigla naman niyang kinuha ang braso ko at hinala iyon dahilan para halos magdikit ang mga mukha namin.

"Kung matapang ka, sige gawin mo." Pangaasar niya sa akin habang nakatingin sa mata ko.

"Kung talagang matapang ka, Raven Madeline, gawin mo na ang isa na nasa bucket list mo."

Hinawakan niya muna ang baba ko bago siya nagsalita ulit.

"Halikan mo nga ako."

Sasagot na sana ako ng may biglang nagsalita.

"Putangina!" Tili ni Nathalie sa amin.

"Wag naman kayong gumawa ng kahalayan sa veranda!"

Kaagad ko namang tinulak si EJ palayo dahil sa gulat.

"Thalie!" Sigaw ko rin sa kanya. "Ano ba yang naiisip mo?!"

"Kung hindi pako dumating malamang naghalikan na kayo dito."

"Hindi ah." Sabay naming tanggi ni EJ sa kanya.

Kahit na iyon talaga ang ugat kung bakit halos magkadikit na ang mga mukha namin.

Ikaw naman kasi Raven, hindi mo pinagiisipan ang mga binibitawan mong salita. Ikaw pa naghamon na manghahalik, eh hindi ka pa nga nahahalikan ng kahit na sino. Pagsermon ko sa sarili ko.

"Sabay pa nga." Asar niya sa aming dalawa.

"Sige sabi niyo eh." Dagdag pa niya bago umalis.

"Halika pumasok na rin tayo." Aya ko kay EJ.

"Mabuti pa nga." Sagot naman niya at sabay kaming pumasok sa loob.

Pagpasok ko sa kwarto kung saan kaming natutulog na lima ay kaagad na bumungad sa akin ang mapangasar na ngiti nung apat.

May pakpak nga talaga ang balita.

"Ravkiel is sailing mga marse!" Hiyaw ni Nathalie habang may pinapakita na larawan.

Picture namin ni EJ habang nasa veranda at nakayakap si EJ sa akin. Likod lang ni EJ ang halos kita sa litrato.

Ibig sabihin ay ilang minuto ring nandun si Nathalie.

Bigla akong kinabahan dahil baka may iba pang narinig si Nathalie.

"Huy! Natameme ka bigla diyan Maddie." Tawa ni Nathalie kaya naman bumalik ako sa tamang wisyo.

"Raven Madeline niyo, pumapagibig na!" Pangaasar sa akin ni Amelia.

"May bumabalik na ba na feelings, ante?" Pagtatanong naman sa akin ni Chloe habang tumatawa.

"At tsaka ito pa, may nakita pa ako kanina." Saad ni Nathalie habang may hinahanap sa cellphone niya.

"Cooking showdown yarn?" Pangaasar niya ulit sa akin.

This time picture naman naming dalawa iyon habang nagluluto kami kanina sa kusina ng agahan namin. Parehas pa kaming tumatawa ni EJ sa picture.

Ang aga naman nitong nagising para magpaparazzi sa buhay ko.

"Mas mukhang landian sa kusina yan eh." Sagot naman ni Chloe.

"Kaibigan lang pala ah pero may ganyan sa kusina tapos yakapan sa veranda." Asar naman sa akin ni Amelia.

"Eh, best friends nga lang kami, Lia." Tanggol ko naman sa sarili ko.

"Kambing nalang maniniwala diyan sa sinasabi mo." Tawa niya sa akin.

"Korique ka diyan Madam Lia." Pag sangayon naman sa kanya ni Nathalie.

"Kanina ka pa nag aala paparazzi diyan ah." Saad ko kay Nathalie at naglabas ng cellphone.

Ako naman ang maglalabas ng pictures ngayon. Mabilis kong hinanap ang picture ni Nathalie sa phone ko at nang mahanap ko iyo nay kaagad kong ipinakita sa kanila.

"Akala mo ah, Thalie, ikaw lang marunong." Pangaasar ko naman sa kanya ngayon.

"Putangina mo sagad!" Mura niya sa akin nung nakita niya ang epic picture niya. "Bakit ganyan ka?"

"Dsurb mo yan sis." Tawa lang sa kanya ni Chloe habang nakatingin pa rin sa picture.

After namin mag lunch ay nagcheck out na rin kami para umuwi na. Tulad nung pag punta namin dito ay si EJ din ang namaneho. Dahil hindi naman masyadong traffic ay maaga din kaming nakabalik. Sila muna ang unang inihatid ni Ej bago ako hinatid sa bahay ko.

"Nagenjoy ka ba?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho.

Kakahatid lang namin kay Chloe at kami nalang dalawa ang magkasama.

"Sobra." Mabilis kong sagot sa kanya.

"Mabuti naman kung ganoon." Ngiti niya habang nagmamaneho.

Ayos ka lang ba diyan?" Tanong niya sa akin.

"Wala ka bang nararamdaman na kahit ano?" Dagdag niya pa.

"Para kang nanay, EJ." Asar ko sa kanya.

"Concern lang naman ako sayo."

"Pero para sagutin yang tanong ko, okay lang ako. Okay na okay ako."

Makalipas ang kalahating oras nakarating na rin kami sa bahay ko.

"Salamat sa paghatid." Pasalamat ko sa kanya bago ako lumabas ng sasakyan.

"Walang anuman, malakas ka sakin eh." Sagot naman niya na ikinatawa ko.

Pagpasok ko sa bahay ay inayos ko muna ang gamit ko bago ako pumanta sa kwarto at nagpahinga. Pagdating ng Linggo ay wala sa mga kaibigan ko ang nanggugulo sa akin, mukhang mga busy ang mga iyon kaya naman mas napahinga pa ako lalo. Pero kinabukasan ay bigla nalang nagmessage sa akin si EJ.

From: Ezekiel Jameson Corpuz
RM

Mabilis naman akong nagreply sa text niya sa akin.

To: Ezekiel Jameson Corpuz
Yes? Anong kailangan mo sakin? 

From: Ezekiel Jameson Corpuz
Tara

Naintriga naman ako bigla sa sinabi niya.

To: Ezekiel Jameson Corpuz
Anong kalokohan na naman naiisip mo? 
Saan ka na naman nagaaya?

From: Ezekiel Jameson Corpuz
Skydiving tayo.
Nakahanap nako ng lugar.

To: Ezekiel Jameson Corpuz
WEH?!?! 
Kelan?????

Sunod sunod kong reply dahil sa gulat at excitement.

From: Ezekiel Jameson Corpuz
Bukas
Para sa Wednesday eh makapagpahinga ka para sa chemo mo sa Thursday.
Ano, game? 

At saan naman niya nalaman yung schedule ko ng chemotherapy.

To: Ezekiel Jameson Corpuz
Paano mo nalaman na magchechemo ako? 

From: Ezekiel Jameson Corpuz
Well narinig lang naman kitang kausap si Doc Gia

Ah, noong nasa Tagaytay kami nito, yung muntik ko na siyang halikan dahil sa katangahan ko.

To: Ezekiel Jameson Corpuz
Ikaw lang nakarinig??? 

Siyempre, kailangan kong manigurqdo dahil maliban sa kanya ay wala na dapat pang makakaalam ng sakit ko.

From: Ezekiel Jameson Corpuz
Oo ako lang don't cha worry, 
So ano, game ka? 

To: Ezekiel Jameson Corpuz
Sige sige bukas. 
What time tayo aalis? 

Tatanggi pa ba ako? Siya na itong nagaaya eh. Siyempre sasama na ako.

From: Ezekiel Jameson Corpuz
Susunduin nalang kita. 

To: Ezekiel Jameson Corpuz
Wag na magkita nalang tayo. 

From: Ezekiel Jameson Corpuz
I insist, sige na. 

Ang kulit kulit talaga ng lalaking ito.

To: Ezekiel Jameson Corpuz
Oo na nga lang. 
Pero wag kang mambubulabog sinasabi ko sayo.
Malilintikan ka sakin. 
Clear ba tayo dun, Corpuz? 

From: Ezekiel Jameson Corpuz
Noted po boss.

Naisipan ko naman na ayain ang mga kaibigan namin para naman may iba pa kaming kasama.

Raven Madeline Ortega:
Mga bading! 
Busy kayo?
Sky diving tayo bukas. 
Kasama ko na si EJ.
G ba kayo? 

Chloe Celestine Vasquez:
Busy ako tomorrow. 

Amelia Harper Salazar:
Same, packed ang sched ko tomorrow. 
Sorry sis, bawi ako next time. 

Nathalie Victoria Guerrero:
Biglaan naman yan. 
Busy din ako bukas. Sorry mare. 
Plus ayaw naming maki third wheel sa date niyo. 

Raven Madeline Ortega:
Okay lang guys. Next time nalang biglaan lang din kasing nag aya si EJ.

Hindi ko kaagad nabasa ang huling message ni Thalie kaya naman muntik pa akong mabulunan sa sarili kong laway ng mabasa iyon.

Raven Madeline Ortega:
Langya ka Thalie! Hindi yun date. 

Amelia Harper Salzar:
Edi ano? 

Raven Madeline Ortega:
Gala lang yun. 

Chloe Celestine Vasquez:
Tapos kayong dalawa lang. 

Nathalie Victoria Guerrero:
Hindi kami naniniwala. 

Amelia Harper Salazar:
RAVKIEL IS SAILING

Raven Madeline Ortega:
POTA😭

Raven Madeline Ortega:
Tinutulungan lang ako ni EJ tapusin bucket list ko. 
Mga malisyosang palaka

Chloe Celestine Vasquez:
Magaganda naman. 

Raven Madeline Ortega:
Anong maganda ka dyan😒

Amelia Harper Salazar:
Bucket list?
Tapusin?
Eh diba pag mamamatay ka na tsaka mo i-cocomplete yan para no regrets. 

That's the point Lia, mamamatay na rin naman ako kaya tatapusin ko na.

Nathalie Victoria Guerrero:
Kanya kanyang trip yan gaga.
Alam mo namang iba ang tornilyo sa utak niyang si Maddie. 

Akala ko pa naman susuportahan nako ni Thalie, hindi pala.

Raven Madeline Ortega:
Salamat ah, di ko alam kung matutuwa ako o hindi. 

Chloe Celestine Vasquez:
Patingin nga ng bucket list mo, Maddie

Raven Madeline Ortega: 

1. Go skydiving

2. Attend a lantern festival

3. Out of the country trip with the girls

4. First kiss

5. Try paragliding

6. Witness a shooting star

7. Week long road trip

8. Hiking and witness the sunrise

9. Try bungee jumping

10. ATV ride

Amelia Harper Salazar:
First kiss?
Si EJ na dapat yan. 

Chloe Celestine Vasquez:
Agree! 

Nathalie Victoria Guerrero:
First kiss? Weak naman. 
Dapat first sex na yan. 

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi ni Thalie.

Raven Madeline Ortega:
APAKA TARANTADO! 

Amelia Harper Salazar:
Lubusin mo na raw. 
Sama mo na virginity mo. 

Raven Madeline Ortega:
Yang mga bibig niyo talaga. 
Sarap pitikin. 

Chloe Celestine Vasquez:
Tignan mo nalang yung pangalan ng gc

Amelia Harper Salazar:
Nandun na ang sagot. 

Nathalie Victoria Guerrero:
No filter squad. 
Kasi nga the dirtier the better. 

Raven Madeline Ortega:
Putangina.
Lalo ka Thalie ang kalat. 🖕🖕🖕
Makapagayos na nga lang ng gamit

Chloe Celestine Vasquez:
YIEEEEE 

Nathalie Victoria Guerrero:
Nagreready na siya sa date oh. 

Amelia Harper Salazar:
Sama mo na yang first kiss mo sa sky diving

Chloe Celestine Vasquez:
Spill the deets after the date ah. 

Raven Madeline Ortega:
Hindi nga date, ang kulit.

Pagkababa ko ng cellphone ko ay kaagad naman akong naghanda ng mga gamit na gagamitin ko para bukas.

"Sana naman tigilan na nila pagintriga sa amin ni EJ." Bulong ko habang nagtutupi ng damit.

Dahil kung mas lalo nilang ipipilit ay mas lalo akong mapapaisip tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Dapat ay hindi na niya malaman na mahal ko siya dahil mahihirapan lang din naman siya sa huli.

"Oo na, mahal ko siya pero hindi talaga pwede." Bulong ko sa kawalan.

Bigla akong nagulat ng may kumakatok sa pintuan ko. Halos kakatapos ko lang magready ng mga ingredients para sa lulutuin ko para sa hapunan ko ng marinig ko iyon.Wala naman akong ineexpect na darating kaya nagtataka talaga ako kung sino iyon.

Bintawan ko ang hawak ko na chopping board at lumabas ng kusina ng naka apron pa para tignan kung sino iyong kumakatok.

"Sandali!" Sigaw ko sa kumakatok. "Ito na!"

Pag punta ko sa pintuan ay kaagad kong binuksan iyon at muntik pa akong makatok sa noo ni EJ.

"Hi, RM!" Bati niya sa akin sabay baba ng kamay.

"Anak ng tokwa, bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya.

"Oh teka, bago ka ma-highblood dyan." Pagtaas niya sa dalawang kamay niya. "Papasukin mo muna ako sa loob ng bahay mo."

"Ano pa bang gagawin ko diba?" Sarcastic kong sagot sa kanya. "Nandito ka na."

"Oh pumasok ka na bago ko pa mahampas yung pinto sa mukha mo." Pabiro kong banta habang gumilid para makapasok siya.

"Ito naman napaka brutal masyado." Nagaalinglangan niyang tawa sa akin. "Sige ka mawawalan ka mg gwapong best friend."

"Alam mo ikaw, nagbubuhat ka na naman ng bangko mo para ilayo yung usapan." Saad ko bang sinasara ang pinto.

"Ay akala ko gagana na."

Talaga naman, ang sarap talagang bigwasan nito minsan ni Ezekiel sa totoo lang.

"Alam mo bibigwasan na talaga kita." Inambahan ko siya ng kamao ko at kaagad naman siyang nagtakip ng mukha.

"Ano ba, kanina hahampasin moko ng pinto ngayon naman bibigwasan mo ako." Maktol niya sa akin.

"Hindi na ako mahal ni Raven." Pag pout niya pa sa akin.

Anong hindi?

Mahal kita kaya nga ayaw kitang saktan ng dahil sa sakit ko.

"Diba sabi ko, wag kang mambubulabog?" Pamewang ko kay EJ

Paano ba naman kasi 6pm palang andito na sa bahay. 

"Hindi naman pambubulabog toh ah, maaga pa naman." Ngisi niya sa akin sabay baba ng duffel bag na dala dala niya. 

"Exactly!" Sagot ko sa kanya. "Ang aga mo masyado para bukas, EJ."

"Ayaw mo nun." Pagkakamot niya sa batok niya. "Mas maaga tayong makakaalis."

"Sabihin mo, gusto mo lang matulog dito." Irap ko sa kanya.

"Hindi kaya." Iling niya sa akin. 

"Edi ano?"

"Kasi..." 

Biglang hindi siya mapakali kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. 

"Kasi ano?"

"Nakapagbook nako ng hotel malapit sa Skydiving area." Iwas niya ng tingin sa akin. 

"Pwede na tayong umalis mamaya."

"Sus, yan lang pala edi sana tumawag ka para ready na ako." Sagot ko lang sa kanya. 

Ready naman na ang gamit ko, konting ayos lang naman sa sarili ko ay pwede na kaming umalis kung nagsabi lang siya ng maaga na mapapaaga ang alis namin.

"Di ka galit?" Gulat niyang tanong. 

"Hindi pero sana nagsabi ka agad."

"Kumain ka na?" Tanong niya sa akin sabay lakad papunta ng kitchen. 

"Hindi pa." Nonchalant kong sagot. 

"At bakit hindi?" Tanong niya sa akin sabay lingon. "Magkakasakit ka niyan."

"Magluluto palang kasi ako maya maya. Bigla ka naman kasing sumulpot." Irap ko sa kanaya, 

"Upo ka diyan, ako na magluluto." Sagot niya sabay halungkat ng ingredients sa kusina ko. 

"Hindi na. Ako na." 

"Wag nang makulit, Raven."

Alam kong seryoso na tong kumag na ito dahil tinawag na niya ako sa first name ko. 

"Hoy, Ezekiel, hindi ako baldado. Jusko, kaya kong magluto."

"Alam ko." 

Patuloy lang siyang kumukuha ng mga kitchnware na akala mo sa kanya yung kusina. 

Ang sarap batuhin ng bato tong gago na toh sa totoo lang.

"Kaya naman umalis ka na sa kusina ko ako na magluluto."

"Hindi, sige na umupo ka na roon. Ako na magluluto. Di ka pwedeng mapagod masyado."

Ayoko na nga makipagtalo dito nakakapagod lang. Suko nako. 

"Okay fine. Ang kulit kulit mo talaga." Irap ko sa kanya at umupo nalang at pinanood siya. 

Pinagmasdan ko lang siyang ituloy yung niluluto ko habang nakapalumbaba sa counter top ko. Talagang nagsuot pa talaga siya ng hairnet at apron.

"Boi, bakit ka pa naka ganyan." Pangaasar ko sa kanya.

"Para iwas contamination, duh." Sagot niya sa akin. "Parang hindi ka naman nag grade 2, RM."

"Inamo, EJ." Irap ko sa kanya.

"Pikon." Pangaasar niya sa akin sabay tawa habang nagluluto.

"Eh bakit ka nga kasi naka ganyan?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Para nga hindi macontaminate yung pagkain mo, kulet mo ah." Tawa niya sa akin na sagot.

"Siyempre, mas madali kang nang magkasakit ngayon." Seryoso niyang dagdag.

"Lah, concern na concern ka ah, kaya tayo iniissue nila Thalie eh." Tawa ko nalang para iiwas na yung topic.

"Concerned talaga ako, baka bigla ka nalang mawala ng walang pasabi." Narinig ko pang bulong niya na kinadurog ng puso ko.

"Ano yang binubulong bulong mo, Jameson?" Pagtatanong ko sa kanya, pagkukunwari na hindi ko siya narinig.

"Wala sabi ko, ang daldal daldal mo masyado. Parang wala ka namang sakit." Sagot niya sa akin.

Maya maya lang din ay natapos na siyang magluto. Akmang tatayo na sana ako para kumuha ng mga kurbyertos nang magsalita siya.

"Wag ka nang tumayo. Ako na."

Ang gwapo naman nitong chef ko. 

"Doon ka na sa dining area dumiretso." Dagdag pa niya.

"Eh paano kung ayaw ko?" Paghahamon ko sa kanya.

"Kaya naman kitang buhatin doon na parang sako. Madali akong kausap." Sagot niya sa akin at hinarap ako sabay ngisi.

"I'd like to see you try, Ezekiel Jameson." Ngisi ko rin sa kanya at tumayo.

Dumiretso ako kung saan nakalagay ang mga kurbyertos ko nang biglang may bumuhat sa akin.

"Pakyu ka EJ!" Sigaw ko. "Ibaba mo ako, ngayon din!"

"Sabi ko sayo kaya kitang buhatin na parang sako." Tawa niya sa akin.

"Kulet mo masyado ah, Raven Madeline." Dagdag pa niya at naglakad na papuntang dining habang buhat buhat ako.

"Ibaba mo ako sabi."

"Ayoko nga."

Wala rin akong nagawa at kinarga niya ako hanggang sa dining area. Ibinaba nalang niya ako noong nasa harapan na niya ang lamesa.

"Umupo ka na dyan." Saad niya. "Unless, gusto mong buhatin na naman kita."

Tinaas ko muna ang middle finger ko sa kanya bago ako nakasimangot na umupo sa upuan ko.

"Cute mo mabwiset." Pangaasar niya pa sa akin at paggulo sa buhok bago bumalik sa kusina.

"Tangina mo talaga." Sigaw ko sa kanya.

"I feel the love. Love you too." Tawa niyang sagot sa akin.

Natahimik naman ako sa sinabi niya.

Biro lang yun diba?

Biro lang yun, tumatawa lang siya eh.

Wag kang papaapekto, Raven.

Tsaka kung ano man yun panigurado as friends lang yung love you too na yan.

Platonic relationship ika nga nila.

"Hoy! Ang lalim na nang iniisip mo."

"Hayop ka! Ginulat mo ako." Sigaw ko naman sa kanya.

"Tanga, ang lalim lang kasi nyang iniisip mo." Sagot naman niya sa akin habang naglalagay ng mga kurbyertos sa lamesa.

"Ah talaga, nasisid mo ba gaano kalalim." Sarkastikong sagot sa kanya.

"Huy, siguro iniisip mo yung sinabi ko kanina 'no?" Pang aasar niya pa sa akin.

As if aamin ako na iniisip ko talaga yun.

"Lah ang kapal naman ng mukha mo para sabihin yan." Sagot sabay tapon ng butil ng kanin sa kanya.

"Nagsasayang ng pagkain oh. Parang bata." Tawa niya sa akin.

"Aminin mo na kasi inooverthink mo yung I love you too ko." Pangaasar niya lalo sa akin.

"Asa ka." Irap ko sa kanya.

"Hindi nga kasi yun ang iniisip ko." Pagsisinungaling ko.

"Defensive masyado ah." Tawa niya sa akin lalo. "As friends lang yun huy."

Mapait lang ako ngumiti sa kanya nung sabihin niya yun.

"Tama lang 'no. May standards kaya ako." Asar ko nalang sa kanya uli.

Sabi ko nga, as friends lang yung meaning nun. Kaya mas lalong hindi niya malaman ang nararamdaman ko sa kanya dahil baka maobliga lang siyang ibalik iyon.

"Alam mo, kumain nalang tayo 'no." Aya ko sa kanya at nagsimula nang kumain.

Natahimik na ang paligid at tanging mga kurbyertos nalang ang naririnig mula sa amin. Parehas na nalulunod sa sariling mga isipin. Nang matapos kumain ay hindi na ako nakipagtalo kay EJ kung sino ang maghuhugas ng mga pinagkainan.

"After nito, alis na tayo." Tanging sambit niya lang sa akin.

"Sige, baba ko lang gamit ko." Sagot sa kanya.

Dumiretso naman ako sa kwarto ko at kinuha ang nakaready ko nang duffel bag, nandoon na lahat nang kakailanganin ko. Mula sa mga damit hanggang sa emergency na gamot ay may dala ako.

"EJ, susi ng kotse mo asan?" Sigaw ko sa kanya pagbaba ko ulit ng sala.

"Patapos na ako rito, hintayin mo nalang ako." Sigaw niya pabalik sa akin.

Sinunod ko nalang ang sinabi niya at umupo muna ako sa sofa ko habang hihintay siya. Maya maya lang din naman ay lumabas na siya ng kusina.

"Anong nakakaiyak sa paghuhugas ng pinggan?" Asar kong tanong sa kanya nang mapansin na mapula ang mga mata niya.

"Tanga, napuwing lang ako." Sagot naman niya kaagad sa akin.

"Ano madam, aalis pa ba tayo?" Asar niya sa akin. "Tayo na huy."

"Anong tayo na?" Wala sa sarili kong sagot.

"Tangek, sabaw ka na ata." Halakhak niya sa akin. "Tumayo ka na diyan sa kinauupuan mo at aalis na tayo."

"Ahhhhh." Tanging sagot ko nalang dahil sa hiya.

Lupa lamunin mo na ako, ngayon din ora mismo.

Tumayo na ako mula sa sofa at sinuot ang backpack ko. Nauna nang naglakad si EJ at sumunod naman kaagad ako sa kanya. Pagkalabas ng bahay ay nilock ko muna ang pinto habang siya ay dumiretso sa sasakyan niya para istart iyon.

"Ito na teka lang." Sigaw ko nang bumusina na siya akin. "Atat mo naman."

Nang masigurado kong nakalock na ang bahay ay naglakad na ako naglakad papunta sa sasakyan niya. Binuksan ko ang passenger seat para roon maupo.

"Bakit ka dyan?" Patatanong niya sa akin.

"Wala lang." Sagot ko sa kanya.

"Dito ka sa harap, RM."

"Ginawa mo pa akong driver ah."

"Ayoko nga." Asar ko sa kanya.

"Gwapo gwapo ko tapos gagawin mo lang akong driver."

"Yuck, saan banda?" Ngisi ko sa kanya.

"Malabo na siguro mata mo." Ganti niya lang sa akin.

"Oo na ito na, sa harap na ako uupo." Tawa ko sa kanya. "Tampo ka naman agad."

Iniwan ko ang bag ko at bumaba ng sasakyan para lumipat sa shotgun seat.

"Ayan, happy ka na?" Asar kong tanong sa after kong makasakay sa shotgun seat at maka pagseatbelt.

"Oo naman."

Umalis na kami at tanging tugtog lang mula sa radyo ng sasakyan ang naririnig. Dahil maaga pa kaming umalis ay inabutan pa kami ng rush hour kaya naman traffic pa.

"Tulog ka muna."

"Hindi pa ako inaantok." Sagot ko naman sa kanya.

"Bawal kang mapuyat."

"Ang aga pa kaya." Tawa ko sabay tingin sa relo ko. "Tignan mo nga 8:17 pm palang."

"Hay nako." Buntong hininga niya sa akin. "Tigas talaga ng bungo."

Noong nasa expressway na kami ay maluwag na ang kalsada kaya naman naisipan kong picturan iyon at isesend sa mga kaibigan ko.

Chloe Celestine Vasquez:
Ay ang aga naman ng date nila.

Amelia Harper Salazar:
Aba akala ko ba bukas pa ang date niyo.

Raven Madeline Ortega:
Hindi nga date ang kulit niyo naman.

Nathalie Victoria Guerrero:
Saan punta niyo sis, motel?
BWAHAHAHAHA

Raven Madeline Ortega:
Apaka gago talaga Thalie

Chloe Celestine Vasquez:
Sana all may ka late night drive.

Nathalie Victoria Guerrero:
Pwede ring ka late night momol
Tabi niyo lang yang kotse niyo sa gilid eh BWAHAHAHAHAHA

Raven Madeline Ortega:
TANGINA MO TALAGA THALIE
Yang bibig mo sarap pektusan

Chloe Celestine Vasquez:
Thalie, kulang ka siguro sa dilig ano, ante
HAHAHAHAHAHAHA

Amelia Harper Salazar:
Mads, update mo kami pag naghalikan kayo sa langit ah
HAHAHAHAHAHAHA
Enjoy ka dyan sa date niyo

Raven Madeline Ortega:
Boang
Nurse, gising na ulit sila
Itigil niyo yang pagiging delulu niyo

"Tawang tawa ka riyan, ah." Sambit bigla ni EJ sa tabi ko.

"Paano mga delulu na naman kasi sila Thalie tungkol sa akin." Hagikhik kong sagot sa kanya.

"Hindi ka na rin naman talo sa akin." Tawa niya sa akin.

"Uy, uy, uy," Pangaasar ko sa kanya. "Baka naman crush mo na ako kaya ka ganyan."

"Siraulo, hindi. Stating facts lang."

"Mas mukhang opinion yang facts mo." Pambabara ko sa kanya.

Habqng nasa biyahe ay nakatulog nalang ako bigla. Nagising nalang ako nung ginigising na ako ni EJ. Ala una na ng madaling araw nang makarating kami sa tutuluyan naming hotel. Nagcheck in kaagad kami at dumiretso na agad sa tutuluyang kwarto. Dahil naputol ang tulog ay dumiretso agad ako ng higa sa kama at natulog na ulit.

Pero bago ako tuluyang makatulog ulit ay may narinig ako.

"Pangako magiging masaya ka sa anim na buwan na meron pa ako na kasama ka."

Pag gising ko ay 7 am na. Bumangon na kaagad ako sa kama at dumiretso sa banyo para mag ayos ng sarili. Nagdecide ako na maligo na agad para mas mapadali ang pag alis namin mamaya

"RM?"

"Mads?"

"Maddie?"

"Raven?"

"Parang baby naman na nawawalan ng nanay amp." Bulong ko sa sarili ko.

"Nasa banyo!" Sigaw ko mula sa banyo.

Baka mamaya bigla na siyang tumawag mg security kung hindi pa ako sumagot.

"Ah sige, sige, ligo well, RM." Sagot niya sa akin.

Nang matapos akong maligo ay sa banyo na rin ako nagbihis. Nagsuot lang ng na tracksuit na may white shirt na nakatuck in. May tuwalya lang sa ulo ng lumabs ng banyo dahil basa pa ito.

"Mukha kang tanga dyan." Tawa ni EJ sa akin ng makita ako.

Nakabihis na siya, naka tracksuit din ito pero kulay itim. Ang aga naman yatang bumangon nito. Nauna pang makapagready kesa sa akin.

"Excuse you?" Pagtataas ng kilay ko sa kanya.

"Ante, naka wig ka nalang diba, bat ka pa nagbabasa ng ulo mo?"

"Wag kang basag trip, Corpuz." Irap ko sa kanya. "Aga aga ah, wag mokong pikunin."

"Oo na, sige na." Tawa niya sa akin.

"Oh, ayan magbreakfast ka muna." Sambit niya sabay turo sa lamesa.

"Nagorder nako ng room service para sa breakfast natin."

"Saan pagkain mo rito?" Pagtatanong habang umuupo sa upuan para kumain.

"Tapos na ako, tagal mo sa banyo eh."

"Ay wow ah, kasalanan ko pa yun ah." Tawa ko sa kanya.

"Sige na kumain ka na ng maka alis na tayo."

"Oo na boss, kakain na ho." Sagot ko nagsimula nang magsubo ng pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko bago ako nagsipilyo at nagayos ng buhok.

"Luh, nagstyle pa ng wig." Pangaasar sa akin ni EJ.

"Wag kang makalapit lapit dito, papasuin talaga kita nitong plantsa ng buhok." Panduduro ko ng plantsa sa kanya.

Saktong 8:30 ay parehas na kaming ready kaya naman. Ang bitbit lang namin ay isang sling bag at isang go pro na camera.

"Fit check!" Sambit bago ako nagpicture sa full size mirror sa lobby ng hotel.

"Wait sama ako." Sabi naman ni EJ at umakbay sa akin.

"Okay!" Sambit ko naman sabay pose bago pindutin ang camera.

"Cheese!" Sabi naman ni EJ kaya nagpose na naman ako.

"Tara na nga." Sambit ko at naglakad na.

"Cute." Narinig kong bulong ni EJ habang naglalakad kami palabas ng hotel.

After ng 30 minutes na biyahe ay dumating na rin sa skydiving site. Naghintay lang kami na dumating ang instructor at nung dumating siya ay kaagad na rin kaming sumakay sa chopper.

Habang pataas kami ng pataas ay nagbigay lang ng orientation kung ano ang mga dapat gawin namin pag tumalon na kami.

Nung nasa tamang taas na kami ay nagsimula na magsuot ng parachute.

"Oh, bakit ikaw kasama ko rito?" Tanong ko EJ na nasa likuran ko na.

"May license ako to skydive." Simple niyang sagot at inistrap ako sa harap niya.

"Ready na yung camera mo?" Tanong niya sa akin.

Kinaway ko sa kanya ang kamay ko na hawak ang camera para ipakita sa kanya na ready na ito.

"Okay." Sagot naman niya. "In 3, tatalon na tayo."

"1...2..."

"3!" Sabay naming sigaw at tumalon.

Sumigaw lang ako habang pabagsak kami at tinawanan niya lang ako.

"Ikaw may gusto nito ah."

"Ano?! Hindi kita marinig!"

Maya maya lang ay binuksan na niya ang parachute at bumagal na ang pagbaba namin sa lupa.

"Wow, ang ganda." Mangha kong sambit kaya natawa na naman ulit si EJ.

"Parang kanina, sigaw ka ng sigaw ah."

"Eh siyempre, ikaw kasama ko baka mameet ko kaagad si Lord." Biro ko sa kanya.

"Wala kang tiwala sakin ah. Bastos." Sagot niya sakin at tinawanan siya.

Matapos naming mag skydive ay nagikot lang kami sa Zambales. Pero noong magdidilim na ay nagdrive na si EJ pauwi dahil maaga pa ako bukas.

"Pstt!" Tawag sakin ni EJ habang nagdadrive.

"Gising ka pa?" Tanong niya sakin.

"Zzzzzz" Pabalang kong sagot sa kanya.

"Ang tino ng sagot ah." Irap niya sa akin. 

"Obvious naman kasing gising pako." Irap ko rin sa kanya.

"Anong kailangan mo ba?" Tanong ko sa kanya.

"Anong oras chemo mo bukas?"

"Same time lang din." Sagot ko sa kanya.

"Uunahan na kita." Sambit ko naman bago pa siya magsalita. "Hindi ko need ng kasama roon."

"RM naman oh."

"Sige na sama mo na ako." Pangungulit niya sa akin.

"Mabobore ka lang dun." Sagot ko sa kanya.

"Sanay na ako dyan."

"Parang others naman ako sayo ah." Sinamahan pa niya ng tawa.

"Ang kulit kulit ko talaga, EJ." Buntong hininga ko. "Sige na nga."

"Sumama ka na."

"Walang sisihan pag nabore ka ah." Inunahan ko na siya.

"Thank you, RM." Ngisi niya sa akin. "Papayag ka rin naman pala." 

"Makulit ka kasi masyado." Tawa ko naman sa kanya.

"Di mo kasi ako matitiis."

"Ang hangin bigla dito sa kotse ah." Pangaasar na may kasamang tawa sa kanya.

"Totoo naman kasi sinasabi ko."

"Dami mong alam, gago." Hampas ko sa balikat niya.

"Pikon na naman amp." Iling niya sa akin. "Sige na matulog ka na."

"Maaga ka pa bukas." Dagdag pa niya na bilin.

"Wag mo nakong susundin bukas." Sambit ko sa kanya. "Sa ospital nalang tayo magkita."

"Noted." Mabilis niyang sagot.

Katulad nga ng nakapagkasunduan ay kinabukasan ay sa ospital na kami nagkita.

"Inamo, iba na naman wig mo." Sabi ni EJ nung makitang brunette na ang wig ko.

"Bored na ako sa blonde eh." Simpleng sagot ko sa kanya.

Same pa rin naman ang nangyari sa chemotherapy ko ngayon wala namang nagbago. Hinatiran din ako ng pagkain ni EJ habang on going ang chemo ko.

"May lantern event akong pupuntahan next month, sama ka?" Tanong ni EJ habang pauwi kami. 

Ang mokong sobrang kulit at pinilit na ihatid talaga ako sa bahay. Kaya ayun wala na rin akong nagawa at pumayag na rin. 

"Saan?" Tanong ko naman agad sa kanya.

"Taiwan." Kaagad naman niyang sagot sa akin. 

Kaagad naman akong may naisip sa sinabi niya. 

"What if isama ko yung girls doon at-" 

"Para sabay na rin sa isa mo pang bucket list." Pagputol pa niya sa sasabihin ko. 

Mukhang alam na alam talaga niya ang bucket list ko. 

"Kabisado mo ata bucket list ko eh." Pangaasar ko sa kanya. 

"Won't deny it." Tawa niya sa akin. 

"Sige nga, anong nasa bucket list ko?" Pag hahamon ko sa kanya. 

"First kiss." Pagaasar niyang sagot sa akin. 

"Sa lahat talaga ng nasa listahan ayan pa naalala mo ah" Pag irap ko sa kanya. 

"Siyempre naman." Tawa niya lang din sa akin. 

"Well meron mga extreme activities, paragliding, bungee jumping, atv riding, hiking para sa sunrise." Pagseseryoso niya. "Shooting star tapos week long roadtrip."

Talaga namang kinabisado niya yung bucket list ko. 

"Alam na alam nga." Tawa ko lang ulit sa kanya. 

"So ano? Taiwan next month?" Tanong niya sa akin. 

"Yes, sir." Sagot ko naman kaagad sa kanya. "Well sana available ang girls para naman dalawa na ang ma tick off sa bucket list."

"Hitting two birds with one stone."

"Mismo, bro."

"Well sana na nga available sila."

"Sabihin mo na ng maaga. Para makabook na ako ng tickets at accomodation natin."

"Ako na magbabayad nung trip, huy." Kontra ko kaagad sa sinabi niya. 

"50-50? Either that or ako magbabayad. Mamili ka lang dun, RM." Seryoso niyang offer sa akin. 

"Okay fine, 50-50 tayo." Agree ko naman sa offer niya. 

Paano kasi pag hindi baka kung saan pa kami umabot nito. 

"Sabihan mo nalang ako pag sasama sila Thalie."

"Yup, kaagad kitang inonotify." Ngiti kong sagot. 

Pagdating sa bahay ay kaagd din siyang umalis dahil nakapag dinner naman na kami. Naligo lang ako para wala sa katawan ko ang dumi at para makapagpalit. After kong makapagsuot ng pantulog ay kaagad akong nakatulog pagkahiga ko sa kama ko. 

Raven Madeline Ortega:
Tara! 
Taiwan tayo. 
Libre namin. 

Chloe Celestine Vasquez:
Hoy kelan yan?!

Amelia Harper Salazar:
Totoo ba ito?! 
Manlilibre ka ng abroad!!! 

Nathalie Victoria Guerrero:
Pakshet!
Sino ka at anong ginawa mo kay Maddie?! 

Raven Madeline Ortega:
Ang bibilis ng reply ah. 
Basta libre talaga. 
Mas mabilis pa kayo sa alas kwatro. 

Amelia Harper Salazar:
Sabi na eh. 
Sinasapian ka na naman ng kabaliwan. 

Raven Madeline Ortega:
Hoy! 
Totoo nga, libre nga namin.

Chloe Celestine Vasquez:
Anong meron?

Raven Madeline Ortega:
Lantern festival. 
Samahan niyo ako. 

Nathalie Victoria Guerrero:
Namin?
May kasama pa? 

Raven Madeline Ortega:
Libre namin ni EJ. 

Amelia Harper Salazar:
WAHHHHHHHH
Lumalayag na ang barko. 

Raven Madeline Ortega:
Shuta! Ang issue niyo. 
Dahil lang sa bucket list ito. 

Chloe Celestine Vasquez:
Yun nga lang ba?

Amelia Harper Salazar:
(2) 

Nathalie Victoria Guerrero:
(3) 

Raven Madeline Ortega:
Yun nga lang yun. 
Para dalawa agad magagawa ko. 
Lantern festival at Trip abroad nating apat. 
So? 
Game ba? 

Chloe Celestine Vasquez:
Kelan ba? 

Raven Madeline Ortega:
Next month. 

Amelia Harper Salazar:
G na G me. 
Basta libre. 

Chloe Celestine Vasquez:
Agree! 

Nathalie Victoria Guerrero:
Yes na yes ako dyan madam. 
Libre na eh

Raven Madeline Ortega:
Akala mo naman mga walang pera amp. 

Amelia Harper Salazar:
Mas masaya kasi pag libre. 

Chloe Celestine Vasquez:
Yes sir HAHAHAHAHA

Raven Madeline Ortega:
Buraot niyo talaga. 

Chloe Celestine Vasquez:
Won't deny it HAHAHAHA

Amelia Harper Salazar:
Lahat naman tayo buraot. 

Raven Madeline Ortega:
Basta next month ah.
Taiwan tayong lima. 

Chloe Celestine Vasquez:
Yes yes. 
Aayusin ko na sched ko. 

Nathalie Victoria Guerrero:
(2) 

Amelia Harper Salazar:
(3) 

Raven Madeline Ortega:
Thanks so much girls. 

Gaya nga ng napagkasunduan naman ay noong sumunod na buwan ay nasa Taiwan na nga kaming anim para sa lantern festival.

"Hoy, Maddie! Hindi ka mapakali diyan." Sita sa akin ni Lia.

"Excited na excited si Maddie oh." Tawa naman ni Celest.

"Lantern festival na ihhhh." Sagot ko naman.

"Lah pacute amp." Tawa naman ni Thalie.

"Bwiset kayo." Irap ko sa kanila.

"Ano? Ready na ba lahat?" Biglang sulpot ni EJ.

"Oo." Sagot naman ni Celest.

"Lalo na si Maddie, hindi na mapakali oh."

"Tara na nga." Tawa ni EJ kaya sumimangot ako.

"Eh excited ako eh, bat ba." Irap ko bago maglakad.

Pagdating namin sa location ay marami na ring nagseset up ng mga lanterns nila. Dahil gabi ay mas kita mo ang mga ilaw nito. Kanya kanya na kaming kuha ng lantern at nagkanya kanya na kami habang nagsusulat sa isang strip ng papel ng hiling namin.

To pass away peacefully

Ayun ang inilagay ko sa akin pero sinugurado kong hindi nila mababasa iyon.

Noong matapos na kaming lahat ay hinintay nalang namin ang hudyat na pakawalan ito sa langit.

"Go!" Rinig naming anunsiyo kaya naman pinakawalan na namin ang mga lanterns.

"Okay gets ko na kung bakit excited na excited si Maddie rito." Sambit ni Lia.

Kinakabahan naman akong tumingin sa kanya.

"Dahil ang gandang tignan nitong mga lantern sa langit."

Phew! Muntik na yun ah.

"Legit, ang ganda nilang tignan sa langit." Sang ayon ni Celest. "Parang mga bituin sa langit."

"Anong hiniling mo?" Bulong ni EJ sa akin.

"Ikaw muna." Sagot ko sa kanya.

"Gumaling ka sa sakit mo." Ngiti niya sa akin.

Hindi na dapat niya ginawa iyon. Dapat hindi na niya sinayang yung hiling niya sa akin.

"Oh ikaw naman." Saad niya sa akin.

"Hindi mo dapat sinayang yung wish mo sa ganyan." Saway ko sa kanya.

"Wala kang magagawa, wish ko yun eh." Ngisi niya sa akin.

"So, ano na nga wish mo." Pangungulit niya sa akin.

"Magkaroon pa ng maraming time kasama sila." Pagsisinungaling ko.

"Hindi ako kasama?" Malungkot niyang tanong na pabiro.

"Oo, pagod nako sayo, lagi nalang kitang kasama halos." Pagbibiro bago ako tumingin ulit sa langit para pagmasdan ang mga lumilipad na lanterns.

Tama nga si Celest, para silang mga bituin sa kalangitan. Mas makinang pa kasya sa mga bituin pag nagstastargazing ako.

If I could only rewrite the stars, I would have done it already. I would write in there that, I and Ezekiel would have our happily ever after.

END

Continue Reading

You'll Also Like

72.9K 3.5K 164
Mo Chen traveled to the Collapse World and obtained a character strategy simulator. In simulation after simulation, he conquered the conquerable char...
80.2K 1.3K 37
This is an unofficial fan-made English translation of We are...คือเรารักกัน (We are... we are in love). Please do not re-translate to any other langu...
427K 26.8K 39
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
318K 9.6K 78
(Fixed/Fan-TL) Top idol group Stardust, whose members disappear like dust. The group that used to have seven members ends with four members... "Is...