Chapter 19 : Attitude
Jared's POV
I saw Kuya Nico came in the house. "Where have you been, Nico?" Grandma asked.
"Somewhere, Grandma." Sagot nito saka naglakad papaakyat sa second floor.
Napalingon naman kami sa Main Door dahil nakita namin si Hiro na patakbong lumapit sa'min.
"YOU'RE NOT GOING TO BELIEVE WHAT I'M SAYING!!!" Excited na sabi nito.
"Kalma apo, ano bang meron?" Tanong ni Grandma sa kaniya.
"GUMISING NA SI MIKA!! CAN YOU BELIEVE IT?!" Sabi nito.
Nagsigawan naman sila Chico at Kuya Law kasama yung iba pati na rin yung ibang katulong.
"Gising? Nagising lang ang malanding babaeng 'yon tapos ganiyan kayo ka saya?" Inis na tanong ni Kuya Nico.
"Eh ano bang pakealam mo?! Palibhasa kasi wala ka ng magandang nakita kay Ate Mika!" Inis na bato ni Hiro kay Kuya Nico ng salita.
"At marunong ka ng sumagot?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kuya Nico.
"Dahil lang sa babaeng 'yon nagkakaganyan kayong lahat? Nilason na talaga ng babaeng yun ang mga utak ninyo!" Inis na sabi nito.
"Palibhasa wala kang alam! Kaya ganiyan ka makapagsalita!" Sigaw ni Hiro.
"Anong wala? Eh alam na alam kong malandi ang babaeng yan at kaya umalis yan dahil sumama sa kalandian niyang mga lalaki!!" Inis na sigaw ni Kuya Nico at naglakad papasok sa kwarto nito. Narinig pa namin ang malakas na tunog ng pinto nito dahil sa pagkakalakas ng pagsara.
"AHHHHHH!!!!!" Sigaw ni Hiro dahil sa inis.
"Hayaan mo na 'yon." Sabi pa ni Kuya Law.
"Oo nga, may regla siguro." Sabi pa ni Chico.
"Tara mga apo! Puntahan natin si Mika at miss na miss ko na ang batang yun." Sabi pa ni Grandma.
"Tara!" Masayang sabi ni Hiro.
Sumakay na kami sa Limousine para kasya kaming lahat at may limang kotse namang nakasunod sa amin, mga bantay ang lahat ng yun.
"Dumaan muna tayo sa Dairy Queen at gusto kumain ng ice cream ni Ate Mika." Sabi pa ni Hiro at tumango naman ang lahat.
Bumili ito ng limang gallon ng ice cream para kasya sa lahat ng kakain.
TULAK-TULAK ko ang wheelchair ni Grandma habang papasok kaming lahat sa ospital. Kinakabahan ako at pati siguro silang lahat.
Dahan-dahang pinihit ni Hiro ang door knob at ng bumukas iyon ay tumambad sa amin si Mika at si Katelyn na kaibigan raw niya ito.
"GOD! MIKA!" Sabi pa ni Grandma. Inilapit ko naman ito sa gilid ng kama ni Mika para makapag-usap sila. .
"How are you, ija?" Tanong ni Grandma.
"Okay naman po ako, Lola Tere. Ikaw po ba? pasensya na Lola at hindi ko po kayo magawang bantayan sa mga panahon ito." Mahinang sabi ni Mika.
"Don't worry, okay naman ako hindi naman nila ako pinapabayaan." Sabi pa ni Grandma.
Nagkamustahan at nag kwentohan pa ang mga ito at kumain lang kami dito ng ice cream sa gilid. Panatag na kasi kaming gising na si Mika.
Mikaela's POV
TATLONG linggo na ang dumaan at pinayagan na ako ni Dr. Legaspi na makauwi. Okay na rin yung paa ko pero sabi nito ay wag raw muna akong masyadong magpapagod at hindi raw muna ako pwedeng lumakad ng malayo lalo na ang pagtakbo.
"WELCOME HOME ATE MIKA!!" Sigaw ni Erica. Niyakap ko ito ng mahigpit.
"Miss na miss na miss na kita Ate." Sabi ni Erica na ngayo'y lumuluha na.
"Miss na miss na rin kita, Erica." Sabi ko sa kaniya.
"Saan ka pala pumunta? Ano palang inutos ni Kuya Hiro sa'yo at sobrang tagal mo bumalik." Lumuluhang sabi nito.
"Si Kuya Hiro sisihin mo at sobrang daming pinagawa sakin." Natatawang sabi ko. Masama naman itong lumingon kay Hiro at pinandilatan ng mata. Umiwas naman si Hiro ng tingin at sumipol-sipol.
"Nakakainis ka talaga, Kuya Hiro!" Sabi pa ni Erica kaya tumawa ako.
"Halika na sa loob, Ija." Sabi pa ni Lola Teressa.
"Opo, Lola. Magluluto ako sa kusina ng ulam na matagal niyo ng hinahanap." Natatawang sabi ko. Lumiwanag naman lahat ng mukha nila kaya natawa ako.
"Hmmmmm.."
"Mabubusog na naman ako...."
"Yung abs ko nito biglang mawawala..."
"Hmmm....matagal ko ng hinihintay to."
"Eto ang gusto ko...."
Sunod-sunod na komento ng lahat kaya pumasok na ako sa kusina at nagsimulang magluto ng special cut na ribs na matagal na nilang hinihiling na lutuin ko.
Dalawang oras rin ang ginugol ko sa kusina dahil sobrang tigal ng karne kaya natagalan.
Ang ibang katulong na ang nagayos ng mga pagkain at deniliver na sa hapag at naghugas naman ako ng kamay at hinanda ang mga sangkap na gagawin kong cake mamaya.
Bumalik na ako sa hapag para masabayan sila sa pagkain. "Hmmm ang sarap talaga Ate Mika." Sabi pa ni Hiro ng pagkalabas ko ng kusina.
"Oo nga Mika, hindi ko mapigilang hindi sumubo." Sabi pa ni Hans na subo ng subo.
"Dahan-dahan lang at baka mabilaokan ka niyan." Natatawang sabi ko.
"Ay nagsimula ng kumain?" Nakasimangot na sabi ni Sir Nicholas.
"Kumain na po kayo, Sir at baka maubosan kayo ng ulam nitong halimaw mong mga anak." Natatawang sabi ko. Lumapit naman ito sa ina na abalang kumakain bago lumapit sa upuan nito at nagsimulang kumain.
"Hmmm....ang sarap, sinong nag luto?" Tanong ni Sir Nicholas.
"A-ah..ako....po." nahihiya kong sabi.
"Si Mika." Sabi ni Jared at Chico.
"Mika." Hans and Prince.
"Si Ate Mika." Si Hiro at Erica.
"It's Mika." Si Law.
Tumango-tango naman si Sir Nicholas. "Masarap ija." Sabi nito at magkakasunod na sumubo.
Umupo naman ako sa hapag at sumabay sa kanilang kumain.
Pumatak ang gabi at nagsipag akyatan na sila sa kanilang kaniya-kaniyang silid at tapos ko narinig hinatid si Lola Teressa sa kaniyang silid at nakatulog na rin ito.
Umupo muna ako sa sofa rito sa living room at nagpahinga saglit dahil kanina pa ako palakad-lakad at baka sumakit bigla ang paa ko. Uminom na rin ako ng gamot at ipinikit ko ang aking mata ng marinig kong mag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.
(Kamusta ang araw mo?) Agad na tanong ni Joshua ng sagotin ko ang tawag.
"Sobrang saya!" Natatawang sabi ko.
(Good to know!)
"Oo nga pala salamat doon sa mga binigay mo sa akin sa ospital ah!" Sabi ko sa kaniya.
(Ano ka ba wala lang yun!) Parang nahihiyang sabi pa nito.
"Asus marunong ka palang mahiya, Darna?" Natatawang sabi ko at naalala ko ang pag-irap nito sa isipan ko kaya natawa na talaga ako.
(Sige pagtawanan mo'ko, Mika! Humanda ka talaga sakin!)
Tumawa naman ako ng malakas.
(Oo nga pala, i have to go, kinamusta lang kita. May meeting pa ako sa Canada mamaya.)
"Canada? Gabi na ah?"
(Yeah, kaya mag eeroplano pa ako papunta ron)
"Ay ganon ba? matulog ka don sa eroplano para may lakas ka sa meeting ninyo." Sabi ko.
(Oo naman!)
"Osge na at baka nakakaabala na ako." Sabi ko.
(Hindi naman! Sige na bye!)
"Bye bye, Joshua!" Sabi ko at binaba na nito ang tawag.
Tumayo na ako at pumasok sa kusina para magsimulang magbake ng cake at cookies.
Author's note:
Sino ang ship niyo? Si Hiro at Mika or si Joshua or Mika?