Rikion High

By seaecka

561 117 6

Rikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy... More

Rikion High
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 22

16 4 0
By seaecka

Warning: This chapter contains very harsh and offensive words. Read at your own risk.

Chapter 22: Groupmate

Krystal's Point Of View

Bigla nalang nawala si Noel sa paningin ko kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa room.

Mukhang nagmamadali siya ah...

Habang tahimik lang naglalakad rito sa hallway, napapansin ko naman na tingin ng tingin ang mga estudyante sa akin.

Loh. Tingin tingin niyo diyan?

May dumi ba sa mukha ko o ano?

Hindi ko nalang sila masyadong pinansin at pinagpagtuloy lang ang paglalakad.

Baka naman kasi nagagandahan sila sa 'kin hehehe.

Hashtag self-love is goods and amazings.

Nang nasa tapat na 'ko ng room namin, huminga muna ako ng malalim at hinanda amg sarili. Hinawakan ko na ang busol ng pinto pagkatapos ay binuksan ito at-

PAKTAY...

Bigla nalang nanigas ang aking buong katawan at hindi nalang nakagalaw sa aking kinatatayuan nang makita kong puro mga babae lang ang nasa loob ng room.

Ang 5QS, ITE5 at si,

Abby...

K-kompleto silang lahat mga babae.

Kaagad akong binalot ng matinding takot at kaba. Wala akong nakikitang ni-isang lalaking kaklase namin sa loob, kahit na si Levi wala siya rito.

Kundi kami lang...

K-kami lang mga babae...

Tahimik at seryoso lang silang lahat nakaupo sakanilang mga sariling silya. Kahit na walang nagsasalita sakanila, nararamdaman ko pa rin ang kanilang nakakapanindig balahibong awra.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko dito sa loob...

Parang magkakamuscles ako bigla.

Pero ilang saglit lang, mas lalo pa akong hindi nanigas nang sabay silang lahat napatingin sa akin.

P A K T A Y!

Kaagad akong napalunok ako ng laway at mas lalo pang kinakabahan sa mga titig nila. Parang mga apoy ang kanilang mga mata na sinusunog ang buong katawan ko, lalong lalo't na kay Jenny, Irene, at Abby na grabe makatingin sa akin na para bang binabasa pati kaluluwa ko.

T-T-TULONG!

Sa sobrang takot ko, kaagad akong napayuko at tumalikod sakanila. Hinding-hindi ko sila kayang tignan sa mga mata lalong lalo't na 'yung tatlo.

J-JUSMEH! MAY NARARAMDAMAN AKONG SAMTING!

PARANG BUBOGBOGIN NILA AKONG LAHAT!

Aalis nalang sana ako rito sa room ngunit naalala ko naman na tingin nga pala ng tingin ang mga estudyante sa akin sa labas.

Kagaya lang dito sa loob.

Kung makatitig, parang alam lahat mga kasalanan ko.

Napapikit nalang ako ng mga mata at huminga ng malalim.

Mukhang wala akong choice ah...

Basta itikom ko lang talaga ang bunganga ko, malalagpasan ko 'tong pagsubok ko sa buhay!

Wala akong nagawa kundi humarap sakanilang lahat at dahan-dahan na naglakad papunta sa aking silya pero sa'di inaasahan--  bigla nalang nagtagpo ang mga mata namin ni Abby.

Si Abby...

Kahit na masakit ang mga sinabi niya sa 'kin kahapon, pilit pa rin akong ngumiti sakanya pero--

hindi niya ako pinansin.

Kaagad nawala ang ngiti sa aking labi at nakaramdam nalang ng kirot sa aking dibdib.

Ang sakit...

Nagpatuloy ako sa paglalakad at napaupo agad sa aking upuan. Kinuha ko nalang ang papel ko sa aking bag saka at nagsulat ng kung ano-ano dito para lang may magawa.

Owkard kasi ang katahimikan nila eh...

SAAN BA KASI 'YUNG MGA TIMANG NA LALAKING KAKLASE NAMIN?!

Pati rin si Levi wala dito eh maaga naman 'yun!

May samting...

Makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin dumadating ang mga lalaking kaklase namin. Malapit nang maubos ang papel ko sa kakasulat ng ano-ano kaya wala na akong magagawa.

Saan kaya nagpunta si Noel? Sabay naman kaming pumunta sa school ah pero bigla nalang siyang nawala.

May teleportation pawers ata siya...

Tsaka ngayon ko lang din napansin na wala rin pala 'yung mga tagapag-ayos ng buhok nila Irene at mga masahista nila Jenny.

Mukhang day-off nila ah.

Tahimik lang talaga kaming lahat sa loob at walang ni isa sakanila ang nagsasalita kaya-

PARA NA AKONG MABIBINGI SA KATAHIMIKAN!

Pero mas mabuti ngang tahimik sila kesa sa magbabangayan silang lahat.

Parang sasabog ata tenga ko pag magbabangayan sila, lalong lalo't na nandito sila Jenny at Abby.

Ano kaya hitsura nila pag mag-aaway silang dalawa 'no? Para kasi silang kambal eh, parehas ng ugali, parehas ng kinikilos, at parehas ding mga matataray.

Pero sana naman na walang gulo ang mangyayari ngayon. Titiisin ko ang lahat ket para na akong mabibingi sa katahimikan basta wag lang sila mag-aaway.

Sana...

Naubos na 'yung papel ko at hindi parin sila dumadating. Kaya naman ay napag-isipan kong silipin muna si Abby sa tabi ko upang alamin sana kung ano ang ginagawa niya pero sandali akong natigilan nang makita siyang nakatingin sa likod.

L-likod? S-sino tinitignan niya?

Kaagad kong sinundan ang tingin niya at nakita kong nakatingin pala siya kay Jenny na nakatingin din,

Sakanya?

Teka- ngayong ko lang napansin na nagpapatayan na pala ng tingin ang dalawa.

Naku naku naku... parang may dadarating na delubyo ah...

'Yang tinginan nila Jenny at Abby? Mukhang alam ko na kung saan mapupunta 'yan...

"To be honest, I hate the way you look at me Jenny."

AYAN NA!

AYAN NA MGA KAIBIGAN!

NAGSISIMULA NA SILA!

Sa tono palang ng boses ni Abby, alam kong naiinis na ito!

"Hating me doesn't make you pretty, Abbitch." mataray na sabat naman ni Jenny.

HALA HALA HALA!

NAGBABANGGAN NA ANG MGA DALAWANG DRAGON!

Nakita ko namang palihim ngumisi si Irene at ang mga kasama niya nang sabihin ni 'yun Jenny.

Napansin ko rin na nag-iba ang mga mata ni Abby pero ningisian lang siya ni Jenny na parang inaasar.

"Then you should try to eat your own face so you can also have a pretty attitude." mataray din na sagot ni Abby kay Jenny na nagpaiba sa mga mata nito.

AGUY!

Para akong nanonood ng pelikula ngayon ah, popcorn nalang ang kulang.

POPCORN WHERE IS YOU?

"I'm sorry?!"

"Apology accepted." nakangising sagot ni Abby.

TSK TSK TSK!

APOLOGY ACCEPTED DAW!

Nakita kong mas lalong nainis si Jenny sa sinabi ni Abby na parang bang bubuga na talaga ito ng apoy.

"Atleast I have a pretty face," inis na sabi ni Jenny.

"Atleast I don't look like a slut," inis ding sabi ni Abby.

Susugurin na sana ng mga badi-badi ni Jenny si Abby nang sinabi niya 'yun pero bigla niyang tinaas ang kanyang kanang kamay dahilan para natigilan sila.

Ngumisi si Jenny, "Slut? Are you describing Irene? Or should i say Whorene?" nakangising sabi nito.

Kaagad rin nag-iba ang mga mata ni Irene nang binanggit ni Jenny ang kanyang pangalan.

TSK TSK TSK! 'DI PWEDE 'YUN! INSULTO YUN!

SUMAGOT KA RIN IRENE!

"Atleast naging sa akin si Lian."

AGUY ANG SAKIT NO-

Lian? 'Yan ba 'yung sinabi nila Levi na ang naging dahilan sa brokenfrienship nila Jenny noon?

Bigla nalang nag-iba ang mukha ni Jenny pagkatapos sabihin ni Irene 'yun. Ang kanyang mataray na mukha ay napalitan ng lungkot ngunit mabilis din itong nawala.

"Well, cheap items attract more buyers." mataray na sabat ni Jenny.

"Cheap item? Let's just say he have some taste. Accept that fact kasi na mas maganda ako at ikaw hindi." sabat din ni Irene at inirapan si Jenny.

Nandilim kaagad ang mga mata nito at may sasabihin sana kaso naunahan siya ni Abby.

"Hey Irene, wanna be my friend? I mean, depending on your status I can let you be my friend." sabi nito pero inirapan lang siya ni Irene.

'Friend'

"No thanks. You're ugly." limang salita na nagpaiba sa mukha ni Abby.

"Hindi kami tumatanggap ng katulong," singit naman ni Cris pagkatapos ay nagtawanan silang mga kaibigan pero hindi nagpatalo si Abby at sinagot din ito.

Kilala ko si Abby, Hindi siya ganung klaseng tao na magpapatalo.

"Katulong? Ano nga ulit rank mo?" napahawak si Abby sa kanyang baba na tila ba nag-iisip siya, "ay oo nga pala, hindi ka nga pala kabilang sa rankings dahil 13th richest ka lang- no, 14th rather kasi nga pala dumating ako. Oh me?" tanong niya saka biglang tumingin sa akin.

"Ako nga pala ang pang-anim na pinaka 'MAYAMAN' sa loob ng campus." dagdag niya.

Sinadya niya talagang lakasan ang salitang 'mayaman' habang tinitignan ako.

Pinaparinggan niya ako...

"Yabang mo naman? You're JUST a rank 6 and I, Jenny The Rank 4 or should i say, ang pang-apat na pinaka 'MAYAMAN' sa loob ng campus," panggagaya rin ni Jenny sa tono ng boses ni Abby.

Sa totoo lang, para akong sinasampal ng kahirapan ngayon.

Nahiya ako bigla.

Pero 'shush' lang tayo dito at itikom lang ang bunganga natin, baka madamay pa ako.

Delikads na.

"Who asked? Sooner and later, malalagpasan din kita."

"Humble yourself abbitch, bago ka pa lang dito. Wala ka pang alam tungkol sa amin, not even just little bit. We're the originals and you're not, so be scared." seryosong sabi ni Jenny habang nakataas ang isang kilay.

Ngumisi naman si Abby saka seryoso rin siyang tinignan, "Oo nga, bago palang ako eito, pero kayo dapat ang matakot Jenny. New ones are the scary ones." sagot din ni Abby habang nakataaas ang isang kilay.

NAKS TARAY NUN AH!

'New ones are the scary ones' daw wews.

"Tsk, jinjja(really)? What does your family do? Gold digging?" mataray na tanong naman ni Jenny.

"Tsk, gold digging? My mother is literally The Ceo and The Chairwoman of this wealthy company called 'Witzy Company.'" sagot ni Abby at tinaasan siya ulit ng kilay.

"Tsk what a shitty name well, How about your father?" nang tanungin 'yun ni Jenny, nag-iba kaagad ang mukha ni Abby at umiwas ng tingin.

Paktay...

Wala na nga pala ama ni Abby. Matagal nang patay at isa sa mga pinakaayaw niyang pag-usapan ay ang kanyang namamahingang ama.

Mukhang napansin naman ni Jenny ang biglaang pagtahimik nito kaya ngumisi siya.

"Oh?" nakangisi tanong niya, "fatherless? I mean, I can tell." dagdag niya at nagtawanan silang lahat.

Kaagad nag-iba ang mga mata ni Abby at bigla nalang siyang tumayo saka itinulak nang padabog ang upuan niya.

G-GALIT NA SIYA...

"Don't you ever mention my father from your filthy mouth!"

"Oh? Why upset? I'm just asking though," nakangiting tugon ni Jenny saka tumayo at nag-crossarm sa harapan niya.

'Yung ngiting nang-aasar.

"Abbitch is upset you girls!"

"I'm scared! Mom pick me up HAHAHA!"

"She's even uglier when she's upset HAHAHA!"

Pang-aasar lalo ng mga badi-badi ni Jenny sakanya.

"Tsk, guys stooopp. Huwag natin galitin ang isang fatherless child-"

"Stop stalking you insolent bruha! BRUHA KA NA NGA! INSOLENT PA! NASAYO NA ANG LAHAT!" galit na sigaw ni Abby nang banggitin nanaman ulit ni Jenny ang kanyang ama.

Awtomatiko nagsalubong ang kilay ni Jenny nang sabihin 'yun ni Abby saka galit siyang tinignan.

"Bruha?! Are you saying that I'm a witch?!"

"Yes! An Insolent witch!"

"EXCUSE ME?!"

"EDI DUMAAN KA!"

Nagsimula nang lumalaki ang kanilang mga boses dahilan para nagsimula na rin akong mataranta.

M-MUKHANG PAPUNTANG P-PISIKILAN NA 'TO AH!

A-ANO ANG GAGAWIN KO?! T-TATAWAGIN KO BA SI MA'AM?! AAWATIN KO BA SILA?!

TAS BAT PARANG RELAKS NA RELAKS LANG SILA IRENE HA?!

PARANG NANONOOD LANG NG SINE AT NAKITA KO PA NGANG BINEBIDYOHAN PA NILA HANNAH SILA ABBY AT JENNY NA NAGSASAGUTAN!

PAANO KUNG MAGSASABUNUTAN NA 'TONG DALAWA NA 'TO?! DIBA MADADAMAY NANAMAN KAMING LAHAT?! MAGLILINIS NANAMAN KAMI NG BASEMENT?!

Napansin ko namang nakatingin si Irene sa 'kin at ilang saglit lang, bigla niyang kinuha ang papel at ballpen niya sa kanyang mesa saka ay may sinulat dito.

AT MAY GANA PA TALAGA SIYANG MAGSULAT EH NAGSISIGAWAN NA 'TONG DALAWA OH!

Pagkatapos niyang magsulat, itinaas niya 'yung papel sa harapan ko.

'If you call the headmistress, I'll kill you♡' - ang nakasulat.

Napalunok ako ng laway bigla sa nabasa at nakaramdam ng kaba.

S-SERYOSO?! MAY PA HEART PA SA DULO?! SWEET NA BA 'YAN?!

MAGPAPATAYAN NA 'TONG DALAWA NA 'TO OH!

Mas lalo pang lumalaki ang kanilang mga boses na para bang magsasabong na silang dalawa wala sa oras.

P-PANO KUNG MAY PUNISHMENT NANAMAN?!

AT 'YUNG PUNISHMENT NA 'YUN AY PAPAALISIN NA KAMI NG SCHOOL?!

P-PANO NA AKO?!

Paano na kami ni kuya na gusto lang mag-aral?

"IF I'M AN INSOLENT WITCH, THEN YOU'RE RIGHT!"

"WHAT?!"

"ABRACADABRA ATLEAST I HAVE AN AMA BITCH!" malakas na sigaw ni Jenny at pagkatapos nun, nagulat nalang ako nang mabilis hinila ni Abby ang kanyang buhok at-

POT-

"RAMBOLANNNNN NAAAAAA!!!" sigaw ni Raviane at sinuntok si Cris sa tiyan.

AT AYON, NAGKARAMBOLAN NA SILANG LAHAT.

PATI NA ANG ITE5.

"TANGINA MO TOMBOY!" sigaw din ni Cris at sinuntok si Raviane sa mukha kaya napatakip ako ng bibig bigla.

A-ANO ANG GAGAWIN KO?!

NAGSASABUNUTAN SINA JENNY, ABBY, AT PATI NA SI IRENE!

SILANG LAHAT NAGSASABUNUTAN! PAANO KO 'TO AAWATIN?!

DALAWA LANG ANG KAMAY KO!

Nagsimula na 'kong tumatakbo papunta sa pinto upang tawagin sana si ma'am Karina ngunit humarang naman dito ang nagsasabunutang Christina at Shelly kaya 'di ako makadaan.

POT-

Kaya naman ay lumipat ako sa kabilang pinto para dun sana lumabas pero humarang din sina Niña at Maureen na naghahampasan ng mga libro sa isa't isa.

ANAK NG-

SAN NA 'KO LALABAS NETO?! DALAWA LANG ANG PINTO!

Bigla namang pumasok sa isip ko na sa bintana nalang lumabas kaso nung lumapit ako dito, bigla ring humarang sa daan ang nagsasakalang Pia at Hannah.

TANGIN-

Wala na... babye school na...

PERO HINDI AKO SUSUKO!

Mag-isip ka Krystal! Mag-isip ka! Gamitin mo ang malaki mong utak!

Paano ko sila papatigilin?! Ano ang gagawin ko!?

Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng room at nag-isip talaga kung ano ang gagawin ko upang patigilin silang lahat.

"YOU UGLY ASS NEW BITCH!"

"STUPID WHORE!"

"INSOLENT BRUHA!"

"ANG PAPANGIT NIYO ITE5!"

"MGA ANIMAL KAYONG 5QS!"

Sandali akong natigilan nang marinig ang sinabi ni Hannah.

'Animal...'

TAMA ANIMAL!

MAY-NAISIP NA AKO!

Dali-dali akong lumapit sa cabinet ni ma'am na nasa likuran kung saan nakatago ang isang pekeng ahas nila Ajay.

Bigla ko nalang naalala ang pekeng ahas na tinago nila Ajay dito nang binanggit ni Hannah ang salitang animal.

Noong mga nakaraang araw kasi, narinig kong nag-uusap sila Ajay at Jared tungkol sa isang pekeng ahas na nakatago sa likod ng cabinet para daw pampatakot ng mga babae sa cr.

Chismosa rin kasi ako minsan eh kaya ayon nalaman ko.

Kaagad ko nang pinasok ang kanang kamay ko sa likuran nito saka hinanap na ang pekeng ahas. Kahit na medyo masikip, kinapa-kapa ko talaga ang likuran nito at-

NAHAWAKAN KO NA ANG BUNTOT NETO!

Nang mahawakan ko na ang pekeng ahas, kaagad ko na itong hinablot saka tinignan ng maigi. Isa pala itong kulay itim na pekeng ahas na kulay pula ang mga mata.

Ang kyot.

Naalala ko tuloy si Misis Prokpraks...

Napatingin ako sa mga nag-aaway kong mga kaklase pagkatapos ay tumingin ulit sa hinahawakan kong pekeng ahas.

Alam kong takot sila sa ahas, nakita ko ang  reaksyon nila nung nakita nila si Misis Prokpraks.

S-sana gagana 'tong naisip kong kalokohan...

Pinikit ko muna ang aking mga mata saka huminga muna ng malalim. Tinignan ko sila ulit pagkatapos ay malakas itong hinagis sa buhok ni Jenny at-

TSK!

Hindi nila ito napansin dahil busy sila sa pagsasampalan sa isa't isa.

Mukhang ito na ata ang oras na ipakita ko sakanila ang aking mala-artista talent...

Wala akong nagawa kundi huminga ulit ng malalim at-

"AAAAHHHHHH! AHAS! MAY AHAS SA BUHOK ​NI JENNY! HILPPP!!" malakas na sigaw ko at nagkunwaring nahimatay sa sahig.

Binuksan ko kaunti ang mga mata ko at nakita ko silang lahat nagsitakbuhan at nagsigawan papunta sa kanilang mga mesa.

HEHEHE MGA UTO-UTO.

"AAAAHHHHH SNAKEEEE!"

"HELLLPPPP! THERE'S A SNAKEEE! A FUCKING SNAKEEE!"

"CALL 911!"

"WHAT'S THE NUMBER?!"

"BOBO!"

Sigaw nilang lahat.

Dahan-dahan naman akong tumayo at nagtago sa sulok.

AT SA WAKAS! TUMIGIL DIN SILANG LAHAT!

GUMANA ANG PLANO K-

"OH MY MONEY! NANDITO ANG KAKAMBAL NI WHORENE!"

"WHAT DID YOU JUST SAY BRUHA?!"

"ANG PANGET NAMAN NG AHAS NA 'YAN!"

"OO KAGAYA MO!"

"WHAT?! ARE YOU DESCRIBING YOURSELF?!"

P-POT-

Kahit nakatuntong na silang lahat sakanilang mga mesa, nagsisigawan pa rin sila sa isa't isa.

Jusmeh...

Pero mabuti nang magsisigawan lang sila kesa sa magpipisikalan. Iwas gasgas at iwas sugat.

Masakit nga lang sa lalamunan pero oks na ganyan.

Ilang saglit lang, bigla namang bumukas ng sabay ang dalawang pinto at pumasok sa loob ang lahat ng mga lalaking kaklase namin.

Lahat sila, pati si Levi, Noel, at Giovanni.

Uy himala 'di na absent ang timang.

Sandali silang lahat natigilan at kaagad nanlalaki ang mga mata nang makita nilang nakatuntong sa mesa ang lahat ng mga babae.

"WHAT THE-"

"WHAT ARE YOU GUYS DOING?!" kunot noong tanong ni Levi habang nanlalaki ang mga mata.

"May snake! There's an ahas sa ground! Help me!" maarteng sabi ni Abby at napansin kong nakatingin pala siya kay Giovanni.

"'May snake! There's an ahas sa ground, help me!' mo mukha mo." panggagaya ni Shelly sa tono ng boses ni Abby saka inirapan ito. Mabuti nalang talaga na hindi ito narinig ni Abby.

Kaagad namang naalerto ang lahat sakanyang sinabi maliban nga lang kay Noel at Giovanni na relaks na relaks lang sa gilid.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaksyon nila Jenny dahil nauto sila o matatakot dahil magagalit sila pag malaman nilang inuto ko sila.

"W-WHERE?!" tarantang tanong ni Levi kay Abby at kumuha ng walis. Sabay naman nilang lahat tinuro 'yung pekeng ahas na napadpad na pala sa gilid ng desk ni ma'am habang takot na takot talaga ang mukha.

T-T-TEKA-

Sabay-sabay silang lahat lumapit sa ahas na tinuturo nila Abby habang may dala-dalang walis at dust-pan.

"Oh that snake?" tanong ni Jared saka tinuro ang pekeng ahas.

"YES DUH! KUNIN MO 'YAN!" sigaw ni Jenny habang nakatuntong sa kanyang mesa.

H-HUWAG!

Parang may sariling buhay ang mga paa ko at kaagad nagdive sa sahig para sana kunin ang pekeng ahas kaso naunahan ako ni Jared.

Paktay...

Kaagad silang lahat napatingin sa 'kin na may pagtataka sa mukha pero napalunok lang ako ng laway saka dahan-dahang tumayo sa sahig.

"D-delikado kasi... baka m-m-makagat k-kayo..." pagpapalusot ko pero ningitian lang ako ni Jared.

"This?" nakangiting tanong niya at pinakita sa lahat ang pekeng ahas, "this is a fake snake na tinago namin- wait, pano niyo 'to nakita? tinago namin 'to ah,"

TENENENENN...

"WHAT?! FAKE SNAKE?!" sigaw nilang lahat.

Kita-kits sa langit mga kapatid.

"Oo, a fake snake. Tinago 'to namin eh tsaka, we made sure na walang makakaalam. Pano niyo 'to nakita?" takang tanong ni Ajay habang nakaharap sakanila.

Oras na para magtago.

Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa pinto para sana tumakas dito kaso natigilan ako kaagad nang biglang humarang sa akin ang isang malaking katawan ng kung sino.

Awtomatikong kumunot ang noo ko at inis tinignan 'tong timang na humaharang sa harapan ko pero kaagad akong binalot ng matinding kaba nang makita ang nakangising mukha ni,

Giovanni.

Nakatingin siya sa 'kin na may malaking ngisi sa mukha na para bang alam niya na ako ang pasimuno sa nangyari.

P-P-PAKTAY.

Napalunok ako ng laway saka tinignan siya na may pagmamakawa sa mga mata.

'H-huwag mong sabihin please.. Wag mong sasabihin...' sabi ko sa pamamagitan ng aking mga mata pero-

KININDATAN AKO NI TIMANG!

NAK NG-

Sinubukan kong tumakas sakanyang harapan pero mabilis niyang nahawakan ang aking braso saka seryoso akong tinignan sa mga mata.

"You're not going anywhere darling 'til we find out who's the mastermind of this chaos." nakangising sabi niya habang nakatingin sa akin.

H-H-HUWAG POOOOO!

"And that's an order from The Rank 1 Elite Student." dagdag pa niya.

PAKTAY NA...

"Are you saying we screamed and scared for nothing?! NATAKOT KAMI SA ISANG PEKENG AHAS?!" galit na tanong ni Jenny at tumango naman sila Ajay.

"Ano ba 'yan bad trip naman oh!"

"Nasa exciting part na tayo ng away eh!"

"Sino ba kasi 'yung sumigaw na 'Ackk ahas! May ahas!' inang 'yon!"

"Uy si Irene 'yon."

"WHAT?! AKO NANAMAN?!"

"Well, who saw the snake first?" napatingin silang lahat kay Giovanni nang magsalita ito.

Nakatingin siya sa akin na may malaking ngisi sa mukha habang hinahawakan ako sa braso.

A-ALAM NIYANG AKO ANG MAY PAKANA NITO!

Sabay naman silang lahat napahawak sakanilang mga baba na para bang nag-iisip sila pero ilang saglit lang-

Sabay-sabay silang lahat tumingin sa akin.

PAKTAY.

"Krystal...." kaagad akong kinabahan nang banggitin ni Jenny ang aking pangalan,  "y-you've just deceived the Rank Four Elite Student..."

P-P-P-PAKTAY!

PAPAAAAAAA TULONGGGGGGGGGG!

°°°°°°°

- Hours later -

"My students I've been talking for like hours na and bat parang hindi kayo nakikinig?" wika ni ma'am Zenaida sa kalagitnaan ng leksyon niya.

Muntikan ko na talagang makita si Lord kung hindi lang talaga dumating si ma'am kanina.

MA'AM HULOG KA NG LANGIT!

LABIS ANG PASASALAMAT KO SAYO!

Nalaman kasi nilang lahat na ako 'yung humagis ng pekeng ahas kanina. Apaka swerte ko lang talaga na sakto ring dumating si ma'am kaya 'di nila ako nabugbog kanina.

Muntikan na talaga 'yon...

Phew...

Bigla namang napabuntong hininga si ma'am saka umupo sa kanyang silya.

"Sige nga, bat kayong lahat nakatingin kay Miss Bernilia? Si Miss Bernilia ba ang nagtuturo sa inyo?" sarkastikong tanong ni ma'am sakanila.

S-s-sila kasing lahat kanina pang nakatingin sa 'kin...

At m-m-masasama pa nga ang tingin...

"I'm so upset right now." rinig kong sabi ni Irene.

AGUY.

"I'm so gonna beat you up later." rinig ko ring sabi ni Jenny.

PAKTAY.

"I'll sue you for lying..." boses ni Maureen.

H-HUWAG-

"Sarap mong hampasin ng silya." boses din ni Pia.

H-HOY!

"Tsaka kanina ko pang napansin ha, what happened pala sa mga buhok ninyo mga girls? Except kay Krystal." tanong ni ma'am sakanila.

Palihim namang tumawa ang mga lalaki nang tanungin 'yun ni ma'am tsaka napailing-iling pa nga.

Galing kasi sila sa pagsasabunutan ma'am kaya ganyan mga buhok nila,

Buhaghag.

"Wala kase silang suklay ma'am." wika naman ni Justine at nagtawanan silang lahat.

"Kape pa mga girls!"

"Ma'am organic walis po 'yan!"

"Walang tulog be like HAHAHA-"

"URUSAI!(SHUT UP)" sigaw ni Pia pero hindi sila tumigil sa kakatawa.

Narinig kong napabuntong hininga nalang si ma'am pagkatapos ay tumingin kay Jenny na parang hinihintay itong sumagot ngunit inirapan lang siya nito.

"Someone lied to us, and that someone deserves a punishment." mahinang sabi ni Shelly pero rinig na rinig ko 'yon.

LOH!

H-HUWAG PO!

"Wala palang sasagot ha, edi sige. Huwag kayong sumagot. Hindi ko na itutuloy ang leksyon natin, hindi rin naman kayo nakikinig sa lessons ko." sabi ni ma'am.

Nabalot kami ng ilang segundong katahimikan sa sinabi ni ma'am at pagkatapos ay naghiyawan silang lahat.

"UWIAAAANNNN NAAAAAA!"

"MA'AM NAPAKAGANDA MO PO!"

"'YAN GUSTO NAMIN MA'AM!"

"WOOOOOOOO-"

"Pero sa tingin niyo papauwiin ko kayong lahat after i wasted my saliva for hours at walang sino man ang nakinig?" natahimik sila kaagad nang sabihin 'yun ni ma'am.

Loh. Nakinig kaya ako ma'am.

"M-ma'am?"

"W-wala namang ganyanan ma'am hihi."

"Nakinig kaya ako ma'am, the chemical symbol of water is virgo."

"Bobo zodiac sign 'yan! Octopus kaya ang sagot."

"Mga gago san mga utak niyo?! The chemical symbol of water is octopus?! Chlorine kaya!"

"Gosh when will this end..." narinig kong sabi ni Levi pagkatapos ay napahawak sa kanyang ulo.

Mukhang stress na stress na talaga siya sa mga kaklase niyang nagbabangayan kung ano ang sagot ng chemical symbol of water.

H₂O KAYA!

Sandaling namang napatahimik ang lahat nang makita namin si ma'am may kinuha na isang malaking glass bowl sa ilalim ng kanyang mesa na puno ng mga papel.

"Before I dismiss, may project muna akong ipapagawa,"

Project?

"AYYYY MA'AMMMM!"

"SI MA'AM NAMAN IHHHH!"

"WALANG GANYANAN MA'AM!"

Sinamaan sila ng tingin ni ma'am kaya tumahimik sila kaagad.

"This is a glass bowl full of papers with numbers on it. Each paper has the same two numbers. 1, 2, 3, and so on to 11. Inshort, there will be 11 groups with two members in it," sabi niya.

D-DALAWA LANG?!​

Napatingin kaming​ lahat kay Levi nang bigla niyang itaas ang kanyang kanang kamay.

"But ma'am 23 kaming lahat, kung dalawang miyembro lang dapat sa bawat grupo, may isa na walang kasama?" tanong niya kaya sabay kaming lahat napatango-tango.

Oo nga, may isa na walang ka-groupo.

"Oh I forgot to mention, may isa palang grupo na tatlo ang miyembro. That group would be lucky dahil tatlo sila." tugon ni ma'am kaya napa 'ahh' kaming lahat.

"When I call your name, I want you to stand up and get one paper sa loob ng bowl pagkatapos ay palihim mong basahin ang iyong nakuhang numero," sabi ni ma'am at tinaas ang bowl, "isa-isa akong tatawag ng mga numero at pag matawag ko ang numerong nakuha mo, tatayo ka kaagad at tignan ang paligid kung sino rin ang tumayo.

"Kung sino ang kasabay mong tumayo, meaning you two have the same number and she or he will be automatically your groupmate." pagpaliwanag niya.

"This is a group project na kailangan ninyong gawin. Pag hindi kayo gagawa, automatic bagsak ang groupo niyo." dagdag ni ma'am kaya naman ay nagsigawan silang lahat na parang hindi sang-ayon sa sinabi niya pero inirapan lang ito ni ma'am.

Loh.

"What's the project po pala ma'am?" tanong naman ni Christina.

"Simple lang naman..." biglang ngumisi si ma'am, "make a powerpoint presentation about friendship."

Kaagad silang lahat naghiyawan ulit pagkatapos niyang sabihin 'yun. May tumuntong pa nga sa kanilang mesa at may tinataas pa nga ang kanilang nga upuan.

J-JUSKO.

"Strictly required mag-video while making the presentation for proof. You have to pass the proof tomorrow morning sa aking office, if no proof, you cannot present sa harap. And lastly, If late kayo bukas, automatic bagsak ang grupo niyo. Understood?" nakangiting sabi ni ma'am.

'Yung ngiti ni ma'am,

parang nang-aasar...

P-pero paano kung p-parehas kami ng numero nila Jenny o ni Irene?!

O PAANO KUNG SILANG DALAWA ANG KA-GROUPO KO?!

NAKU! DELIKADS 'TO!

Isa-isa na kaming tinawag ni Ma'am at pinakuha ng papel sa bowl sa harapan. Nung tinawag na ni ma'am ang pangalan ko, agad akong pumunta sa harapan at nanginginig na kumuha ng isa sa mga papel.

SANA HINDI KAMI PAREHAS NG NUMERO NI JENNY O NI IRENE O NI ABBY!

SANA HINDI KAMI PAREHAS!

Nang makakuha na ako ng papel, bumalik na ako sa aking upuan upang dun sana basahin ang numerong nakuha ko pero agad akong natigilan nang binanggaan ako ni Jenny.

"I hope ikaw ang magiging ka-groupmate ko." nakangising sabi niya sa 'kin saka nilagpasan ako para kumuha rin ng numero.

I HOPE HINDI IKAW ANG MAGIGING KA-GROUPMATE KO!

Hindi ko nalang siya pinansin at umupo na sa aking upuan habang palihim na nagdadasal na sana hindi kami parehas ng numero.

Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan na binuksan ang papel at,

NUMBER 7.

ITO ANG MAHIWAGANG NUMERO KO.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong binuksan na rin nila ang kanilang mga papel. May iba na masaya, may iba naman na parang galit sa nakuha.

Tinignan ko ulit ang numerong nakuha ko at palihim na nanalangin na sana wala sakanila Jenny o Irene ang magiging ka-grupo ko.

SANA SI LEVI NALANG!

"I will start calling numbers na at kung matawag ko ang numero mo, I want you to stand up and remember your groupmate okay?"

"Yes ma'am." sagot naming lahat.

KABADO MGA BENTE!

PARANG SASABOG PUSO KO SA SOBRANG KABA.

"Okay, Group one? Please stand up," tawag ni ma'am sa group one at sabay naman tumayo si Cris at si Adrian.

"AYIEEEEEEEEEE!!"

"CRISAD LAYAG!"

"CRISAD!"

"CRISAD!"

Awtomatiko naghiyawan ang buong kaklase at kaagad tinukso sila Cris at Adrian nang sabay silang tumayo. Napansin naman namin na namumula ang kanilang mukha kaya mas lalo pa silang naghiyawan sa reaksyon na pinapakita nila.

Umupo rin sila pagkatapos saka tinakpan ang kanilang namumulang nga mukha.

Wews.

Ngumiti naman si ma'am at pinagpatuloy ang pagtatawag sa numero.

"Group two? Please stand up," tawag ni ma'am sa group two at sabay namang tumayo si Raviane at Alexander.

"AYIEEEEEEEEEEE!! RALEX!"

"RALEX!"

"'YUNG BOYISH AT GIRLISH MAGKASAMA OH!"

"YIEEEE HAHAHA!"

Panunukso nilang lahat pero inirapan lang ito ni Alexander at akmang susuntukin pa nga ni Raviane 'yung tumutukso sakanya.

LOH.

"Bat sa lahat-lahat ikaw pa ang kasama ko! EW!" maarteng saad ni Alexander at nandidiring tinitignan si Raviane.

"Ew mo mukha mo, ano suntukan?!" sigaw naman ni Raviane at pinakita sakanya ang kamao niya.

"Sorry but no, hindi ako makikipagsuntukan sa isang germs."

AT NAGSASAGUTAN NA PO SILANG DALAWA MGA KAIBIGAN.

Parang nanonood lang naman kami debate ngayon, palipat-lipat ng tingin sakanilang dalawa.

"Sinabi mo bakla?!" galit na sigaw ni Raviane.

"Yes you heard I said tomboy!" galit na sigaw din ni Alexander.

Napatingin naman ako kay Andrei nang mapansin kong kumakain pala ito ng popcorn habang binibedyohan ang dalawa.

J-JUSKO.

"TOMBOY?! EH KUNG SASABUNUTAN KITA?!"

"BAKLA?! EH KUNG BUBUNTISIN KITA?!"

Awtomatikong naghiyawan ulit ang buong klase nang sabihin 'yun ni Alexander.

"YUN OH!"

"ALEXANDER TITIRA NG TRES, SABOG ANG MATRES."

"MAY MAGBIBINATANG PERA NA!"

"WOOOOOOO IDOL KO 'YAANNN!" pagcheer pa ni Andrei kay Alexander, "PAKITA MO KAY RAVIANE ANG ALEXANDER VERSION 2.0 SA KAMA!" dagdag pa niya.

Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi niya. Lumapit panga si Raviane sakanya saka sinuntok ito sa tiyan.

"MA'AM! HELP!" sigaw niya kaya nagtawanan kami ulit.

Natigil din ito kaagad nang sawayin sila ni ma'am at pinaupo ang dalawang nagsasagutan.

"Group three? Please stand up," pagpatuloy ni Ma'am at sabay tumayo si Pia at Paul.

Nagtinginan muna sila sa isa't isa bago nagsalita ng ibang lengwahe.

"Nantekotta?!(what the fuck?!)" - Pia.

"E e, watashi wa anata no zubon o unchi shinaide kudasai shitte imasu. (Yeah I know don't shit your pants.)" - Paul.

"Naze anata wa watashi no gurūpumeitona no ka henjin?! (Why are you my groupmate you weirdo?!)"  - Pia.

"Watashi wa anata ni akinētā no yō ni miemasu ka? (Do I look like an akinator to you?)" - Paul.

Ha? Pinagsasabi nila?

Natigil din ang pag-uusap nila nang pinaupo rin silang dalawa ni ma'am.

Mukhang nag-aaway ata sila.

"Group four? Please stand up," tawag ni ma'am sa group four at agad kaming lahat nilamon ng katahimikan nang sabay tumayo si Jared at Stephen.

A-ang d-dalawang 'fighter of the group' kuno at 'y-yung dalawang magkaaway na mahilig sa away ay,

M-magkagrupo.

Wala silang sinabi sa isa't isa at nagtinginan lang kaya pinaupo na ito agad ni ma'am.

MAY NAAMOY AKONG AWAY AH!

"Group five? Please stand up," tawag ni ma'am sa group five at sabay naman tumayo si Maureen at Niña.

'Y-YUNG M-MGA MATATALINO SA ROOM NAMIN MAGKASAMA!

KAKATAPOS LANG DIN NILA MAG-AWAY KANINA!

Nag-irapan lang silang dalawa sa isa't isa at magsasalita na sana si Niña kaso pinaupo na sila kaagad ni ma'am at pinagpatuloy ang pagtatawag ng mga groupo.

Sa totoo lang...

PARANG MAMAMATAY NA AKO SA KABA!

HINDI PA NATAWAG SILA JENNY, IRENE, O ABBY KAYA MAY POSIBILIDAD PA NA SILA MAGIGING KA-GRUPO KO SILA! HUHUHU!

"Group six? Please stand up," tawag ni ma'am sa group six at sabay tumayo si Shelly at Hannah.

Kaagad sila nagsigawan at nagyakapan nang sabay sila tumayo dahil magkaibigan naman ang dalawa. Parehas lang na miyembro ng ITE5 pagkatapos ay umupo na rin sila.

Itoooo naaaaa!

ITOOOOO NAAAAA!!!

NUM​ERO KO NA ANG ITATAWAG!

NUMERO 7!

"Magiging ka-groupmate kita Krystal, get ready." rinig kong sabi ni Jenny kaya napalunok ako ng laway bigla at mas lalo pang kinabahan.

SANA HINDI SILA! SANA HINDI SILA!

"Group seven? Please stand up,"

ITO NAAAAA!! ITOO NAAAAA!!

Pikit mata akong tumayo sa aking upuan habang nanginginig aking mga kamay sa sobrang kaba.

ITOOOOOO NAAAAAAAA!

Bigla nalang tumahik ang paligid kaya mas lalo pa akong kinabahan.

B-BAT SILA TUMAHIMIK?! B-BAT PARANG MAY SAMTING?!

ANO MERON?!

S-SINO ANG KA-GROUPO KO?!

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata upang tignan kung sino ang ka-grupo ko at-

A-ANAK NG-

Nakita ko na ang ka-groupo ko.

Nakita ko na kung sino ang nakatayo.

Sana hindi ko nalang binuksan ang mga mata ko.

Sana nagpanggap nalang ako na nahimatay.

Nakita ko na,

Nakita ko na siya.

Ang ka-groupmate ko.

ANG KAGROUPMATE KO-

"This will be exciting... " nakangising sabi ni,

Giovanni.

To be continued...

- Remember, fighting with someone either gives you a lesson or a consequence. -

Continue Reading

You'll Also Like

728K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
56.5K 2.4K 21
"Show me somethin' different once, I come from where there's no love." COPYRIGHT 23. #1 ATLANTA 05/01/2024 🏆
41K 2.8K 24
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
1.1M 60.6K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...