WANDA For You

Da HEYNEENAMOR

463 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." Altro

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
GF
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

Hot II

12 3 0
Da HEYNEENAMOR

Gia's POV




Kumuha ako ng isang glass ng champagne at naglakad ako pabalik sa spot ko kanina pa. It's been 1 hour na akong mag-isa sa isang sulok habang salit-salitan ang pagmamatyag ko kay Arman sa table nila ng mga friends niya at sa mga nagsasayawan sa gitna. Kaunti lang ang kinain ko kanina kasi nawalan ako ng gana. Sanay naman akong kumain ng mag-isa eh. Pero I felt lonely lang. Ewan ko ba. Kaya nagpasya na lang akong kumuha ng maiinom. Yung hindi ako malalasing. Dapat alerto ako hanggang matapos ang party dahil binabantayan ko ang alaga kong nakikipag-inuman sa mga former Choir Members niya. Nasa isang round table sila at kanina pa sila nagtatawanan at nag jajamming . Mapapansin mo talagang namiss nila ang isa't-isa. Puro sila lalaki dahil galing nga sa all boys choir noon si Arman, doon sila nagkakilala ni Arturo. Iyon ang pagkakaalam ko.

Hinayaan ko na lang si Arman na mag enjoy kasama ang mga kaibigan niya. Alam kong problemado parin ito dahil sa kapatid niya kaya mas okay na yung ganito—- mag enjoy muna siya at saglit na kalimutan ang problema.

Chineck ko ang battery level ng phone ko—- 20% na lang ako. Kanina pa kasi ako panay scroll sa phone ko kasi wala akong makausap dito.

Naglakad ako at lumipat ng spot para mas lalo kong makita si Arman. Hindi pa naman siguro siya lasing diba? Tiningnan ko ito na naka side view sa akin. Nakaupo ito at nakasandal ang likod sa upuan na tila ba chill na chill sa pagkakaupo. Nakatanggal na ang suit nito at tanging puting polo na lang ang suot. Tila naka tanggal pa ang apat na botones ng polo nito na tila naiinitan siya.

Baka naman lasing na siya?


I'm about to walk nang may lumapit sa akin na lalaki. Pamilyar ito. Alam kong galing siya sa table ng mga special guest sa kasal. Pamilyar siya kasi kanina ko pa to napapansin na tumitingin sa akin pero winawalang bahala ko lamang. Ang creepy lang pero di ko pinapahalata.







"Hi Miss! Good evening!" nakangiting bati nito. Okay, I want to be kind for tonight kasi wala ako sa Manila at hindi ko ito party. I smiled at bumati din ako ng good Evening.



"Are you related sa bride? Or sa groom? Ngayon lang kasi kita nakita dito.." pagnagsasalita siya, para siyang boss ng isang kumpanya. Sa hula ko ay nasa Mid 40's na ang edad nito. At base sa relo na suot niya ay mukhang mayaman ito.



"The groom! Friend ng kasama ko!" I answered politely. Pero deep inside ay gusto ng umalis sa harap ng lalaki at bumalik na sa room.




"Oh. Friend ni Arturo ang kasama mo. Okay. Hmmm, nasaan ang kasama mo? Pansin ko kasi ay kanina ka pa mag-isa dito? Bakit hindi ka muna mag join sa table namin doon——-"
















"Let's go back sa room?" napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Arman. Isinabit niya sa balikat ko ang suit niya kaya napahawak ako doon.




"Oh, you're with the wedding singer!" biglang sabi ng lalaki sa harap ko.


"Excuse as Sir, we have to go—-"




"Ikaw ang kasama niya? Seriously? Eh halos isang oras tong mag-isa na nakatayo dito——" mukhang galit ang lalaki sa harapan ko. Nakakatakot. Nakakaramdam na ako ng tensyon kaya bago pa man sumagot si Arman ay hinawakan ko na ang kamay niya tsaka ko siya hinila paalis sa lalaking iyon. Parang susugurin na kasi ni Arman ang lalaki.












Nang makalayo kami sa venue binitawan ko na si Arman.






"Bakit kasi kung sino-sino ang kinakausap mo doon??" teka? pinapagalitan ba niya ako?




"Siya ang unang kumausap sa akin! Nakakahiya naman kung hindi ako sumagot diba? Lalo na't sabit lang ako sa guest list dito!"




"Sana iniwasan mo na lang Gia."




"Paano ko iiwasan hah? Eh nilapitan nga ako! Tsaka ikaw tong nang-iwan sa akin doon!"



"Eh mas lalong hindi ka pwede sa table ng choir members ko!"



"Kasi nakakahiya ako?"




"My God Gia! We're not friends! Bakit kita isasama sa table namin. Tsaka kung di mo kaya ang mag-isa sana naman umakyat ka na lang sa room diba??"


"Teka nga, sinong nagsabi sayo na di ko kaya ang mag-isa?"



"Hindi mo kilala yung lalaking lumapit sayo! Sana lumayo ka na lang! Tsaka bakit kasi ganyan pa ang suot mo!"



"Bakit? Anong masama sa suot ko?"



"Muntik ka ng bastusin!"




"I can wear whatever dress I want to wear! Hindi ko kailangan ng validation mo o ng kahit na sino!"


"Ah, so gusto mong binabastos ka ???"




"Ofcourse not! Sinong matinong babae ang gustos mabastos??? Tsaka hindi ko kailangan ng tulong mo! Kasi kaya ko ang sarili ko! Kaya kong protektahan ang sarili ko! Eto yung mahirap sa Pilipinas eh, ang kikitid ng mga utak ng mga lalaki. Kapag nagsuot ng maiksi, bastusin agad. Wala naman sa babae ang problema eh. Nasa utak niyong mga lalaki!"



"At bakit naman nageneralize ang kalalakihan? Ikaw na ngang pinrotektahan parang ikaw pa ang galit!"


"Okay! Fine! Thank you! Pero hindi ko ito utang na loob sayo!" inis na sabi ko dito.





"Pang-ilan mo na yan?" kalmadong tanong ni Arman sabay turo sa hawak kong glass ng champagne.



"Champagne to. Hindi ako malalasing dito." inis na sabi ko. Nagulat ako ng hablutin ni Arman ang hawak kong glass tsaka niya inamoy iyon.


"Sangria to. Pang ilang glass mo na to?"



"Akin na yung glass! Arman!" inaagaw ko sa kamay niya yung glass ng mapansin kong mainit ang mga kamay ni Arman. Nahinto ako sa pag-agaw tsaka ako napatingin sa mukha niyang namumula.



"What?" nagtatakang tanong nito ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.



"Bakit ang init mo—- Arman? Ang init ng noo mo!" sabi ko dito tsaka ko ulit hinawakan ang leeg niya. Ang init niya!



"Hey! Lumayo ka nga! Doon ka!"



"Arman nilalagnat ka!! Ang init-init mo oh!!"



"Wala to!"



"Anong wala to??? Tara umakyat na tayo sa room!"



"Babalik ako doon——" hinatak ko si Arman paakyat ng room. Akala ko ay papalag pa ito pero sumunod naman na siya.









Pagpasok namin sa room ay pinaupo ko muna siya sa sofa tsaka ako nagtanggal ng heels at hinanap ang tsinelas sa loob.





Pag-upo ni Arman sa sofa ay agad siyang napasandal doon na tila ba gusto na niyang matulog.



"Arman, kanina ka pa ba nilalagnat? Bakit hindi ka nagsasabi??" pinapagalitan ko siya. Nakatayo ako sa harap niya habang nakapamewang. Napakamot ako sa ulo ko ng hindi niya ako sinagot. Lumuhod ako para tanggalan siya ng sapatos at medyas.




"He—ey, what are you doing!" reklamo nito pero hindi ako nagpatinag. Tinanggal ko talaga ang shoes at medyas niya.




"Tumayo ka diyan! Lumipat ka sa kama! Arman!" hinatak ko siya pero hindi naman na niya ako pinahirapan. I heard him "Tsk" tsaka siya tumayo at naglakad papasok ng isa pang room kung nasaan ang mga kama namin. Pinahiga ko siya sa kama niya.



"Umayos ka ng higa! Usog ka doon sa taas" utos ko dito dahil nakababa parin ang mga paa nito sa sahig. Panay "tsk" lang ang naririnig ko. Nakapikit lang ito at tila gusto ng matulog. Mabilis akong naghanap ng mangkok tsaka ko nilagyan ng lukewarm water. Naghanap din ako ng bimpo na pwedeng ipampunas kay Arman. Tumakbo ako papasok ng CR ng maalala ko ang medicine kit akong nakita doon.

Kinuha ko ang thermometer at kumuha din ako ng gamot para sa lagnat. Hinanap ko din ang bag nito upang kuhaan siya ng damit na pamalit.




Sure akong kumain na ng dinner si Arman kaya okay na sa kanya ang uminom ng gamot. Pagbalik ko kay Arman ay sinimulan ko ng tanggalan siya ng damit. I unbuttoned his white polo ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.





"Hey! Don't do that!" halos paos na sabi nito. I rolled my eyes tsaka ko pinagpatuloy ang pagtanggal ng suot niya.



"Gia! Malamig.."





"Saglit lang to! Eh kung buhusan kaya kita ng yelo diyan! Wag ka ng maarte!" sinimulan ko nang punasan ng lukewarm ang katawan nito. Simula sa leeg pababa sa dibdib hanggang sa pababa sa abs niya—- nagulat ako ng hawakan ni Arman ang kamay ko. Ang init-init ng kamay nito..




"Stop it! Please!" hindi ko siya pinakinggan. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Hanggang sa tumayo na ako tsaka ko hinagis sa kanya yung pamalit na t-shirt niya.




"Magdamit ka! Bilis!" utos ko dito at sununod naman ito. Sinuot niya ang black t-shirt na kinuha ko mula sa bag niya. Ngayong ay tinulungan ko siyang umupo para makainom na siya ng gamot.




"Uminom ka ng limang tableta . Dali." utos ko dito and I saw him smile. Natawa ito sa sinabi ko. Syempre biro ko lang iyon.

Kinuha niya ang isang tableta na binigay ko tsaka niya iyon ininom kasabay ng bottled water. Inutusan ko siyang humiga ng maayos para maiayos ko ang kumot niya.


37.9 ang resulta ng temperature niya kaya kinakabahan ako. Sanay naman na akong mag-alaga ng may lagnat eh. Pero mas nakakakaba yung ngayon. Gustuhin ko man siyang pabayaan, hindi pwede. Baka ano pang mangyari dito.


Hourly kong minomonitor ang temperature niya. Kasi kung hindi pa bumaba ang lagnat niya ay baka isugod ko na siya sa hospital. Nakakakaba din pala ang mag-isa na mag-alaga ng may sakit. Lalo na at wala kami sa Manila at nasa Cebu kami.



1am , Bumaba na ng 37.2  ang temperature niya kaya doon na lang ako nakatulog. Matapos kong ilista sa notes ko ang last temperature update niya ay doon na ako humiga at natulog.














Arman's POV

Nagising ako ng makaramdam ako ng uhaw. Bumangon ako at sandali kong hinawakan ang bimpo sa noo ko. Bimpo? Napatingin ako sa side table at nagkalat doon ang isang bottled water na bawas na at mga gamot. Pinilit kong tumayo. Napatingin ako sa isa pang kama at doon ko nakita si Gia na natutulog. Hindi ito nagpalit ng damit at suot-suot pa nga niya ang suit ko na ipinasuot ko sa kanya kagabi.

Napatingin ako muli sa side table kung nasaan ang isang thermometer at mga ilang banig ng gamot.



Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Tuluyan na ngang nawala ang lagnat ko. Ibang-iba sa bigat ng ulo ko kahapon na akala ko mamamatay na ako. Nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo at magbihis. 6am pa lamang naman pero nagpasya na akong bumalik ng Manila ng mag-isa.















Gia's POV



Nagising ako ng may tumatamang liwanag sa mukha ko. Yung window, nakabukas pala—- oo nga pala, bunuksan ko ito kagabi para makapasok ang sariwang hangin. Okay kasi iyon sa may sakit—— wait lang, nasaan si Arman?



Tumayo ako at kinatok ang pinto ng CR.





"Arman? Nandiyan ka ba?? Arman?" walang sumasagot sa loob ng banyo. At dahil wala siya dito at sinilip ko muna ang orasan. 9am na pala. Nagpasya akong maligo at magbihis na ng damit. Baka pwede na kaming makabalik ng Manila ngayon.

Matapos kong magbihis ay sinusubukan kong tawagan ang number ni Arman pero walang sumasagot. Agad kong hinanap ang bag niya sa gilid ng kama—— wala na ito doon.

Bigla naman akong kinabahan. Saan siya pumunta? Kamusta na ba siya? May lagnat parin ba? Oh baka okay na?


At dahil hindi ako mapakali—- kung anu-ano na kasi ang naisip ko. What if sinugod siya sa hospital diba ng hindi ko alam? Or baka naman umuwi na ng Manila—— no, imposible. Magkasama kaming pumunta dito eh, syempre sabay kaming uuwi.


At para matapos na ang pag-iisip ko ay tumawag ako sa receptionist upang magtanong..




























2pm na ng makarating ako ng Manila ng mag-isa. Oo , mag-isa. Kasi yung magaling kong Alaga, nauna na palang umalis ng hotel at bumalik ng Manila. Magaling. Kahit kailan talaga——- bakit hindi pa ako masanay diba? Yung ikaw na nag-aalala kung okay na ba siya, kung wala ng lagnat, o kung napaano na—- tapos siya, iiwan ka lang. Ang galing. Ang galing-galing.

How can I trust someone like him? D*mn! Gia, kaunting pasensya pa. Malapit ka na din namang umalis. Kaunting pasensya lang. Atleast diba, mas nakikilala ko siya. Tao na hindi talaga pwedeng pagkatiwalaan.













👽

Continua a leggere

Ti piacerà anche

5.3K 502 35
Sa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ...
82.6K 2K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
26.8K 985 51
A Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a termi...
133K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2