Stare

11 1 0
                                    

Gia's POV

"Tumugtog ka. Kakanta ako."




Nagulat ako sa sinabi nito. Pinagmasdan ko siya habang kinukuha ang gitara na nasa kama niya tsaka ito lumapit sa akin at ibinigay iyon.




Napalunok ako ng laway at nakaramdam ng kaunting kaba. He want me to play the guitar? And he will sing? Seryoso ba siya?





"Ka-kanta ka?" pagklaro ko sa sinabi niya. Napatingin ito sa akin tsaka tumango. Napababa ako ng tingin sa strings ng guitar. Bakit parang bigla na lang akong nabobo sa paggitara? Bakit parang hindi ko na alam kung paano simulan? Nakakaba naman ito.



"Pe-pero.."




"Chocolate iyon." sagot nito tsaka ako napaisip sa nasabi ko. Pepero . Ay gago talaga.


"Ah joke yun!" umirap ako tsaka ko muling kinapa ang gitara.



Huminga ako ng malalim tsaka ko sinimulan ang pagtugtog——







"I need you" is all that I can say—
But deep inside of me
You'll know I want you more each day
But time won't let me have the chance
So I've got to see you even at a glance.."

Huminto ako ng pagtugtog at pagkanta. Oo kinanta ko. Alam kaya niya yung song? Napatingin ako sa kanya at di ko alam na nakatingin pala siya sa mukha ko. Bakit? Mukha ba akong tanga.



"Hoy! Alam mo yung song? Or palitan ko?" tanong ko dito. He smiled tsaka siya mas lumapit sa akin.



"Are you a fan of Ric Segreto?" nakangiting tanong nito tsaka ako umiling.



"I'm a fan of Ms. OQ!" sabi ko dito tsaka siya napatango. Sino bang di nakakakilala kay miss OQ, The best singer-songwriter! I love OPM ! My Ghaaaaad.




"Alam ko yung kanta. I didn't expect na iyon ang tutugtugin mo! I'm expecting Taylor Swift song or Ariana Grande.." nakangiting sabi nito. I rolled my eyes tsaka ko muling pinagpatuloy ang pagtugtog.. At sa pagkakataong ito, siya na ang kumanta...


"I love you, can't you hear me?
Oh, can't you please see through me?
Oh babe, I need your love so badly
It's no lie so please believe me
In my heart you'll see the real me
You just gotta give me a chance.." natameme ako at di na sumabay. Ang magical talaga ng boses nito , isabay pa ang mga titig niya sa akin na akala mo ay ako talaga ang kinakantahan. Syempre hindi iyon para sa akin. Sino ba ako.




Matapos ang linyang iyon ay tumigil na ako. Nabitin siya alam ko kasi feel na feel na niya ang pagkanta pero tinigil ko na ang pagtugtog.




"Why?"



"Hindi tayo pwedeng tumapos ng isang kanta! Mahal ang talent fee ko Arman!" sabi ko na lamang tsaka ko ibinalik ang gitara sa kama nito. Pero mas mahal talaga ang talent fee niya. Binaliktad ko lang ang sitwasyon.



"Wow? Talaga ba?"




"Madilim na sa labas. Pwede na siguro ako umuwi.." sabi ko dito sabay ayos ng kurtina nito.



WANDA For YouWhere stories live. Discover now