Morning

40 2 0
                                    

Gia's POV

Kahit kulang sa tulog ay maaga akong gumising dahil kailangan kong maghanda sa isang kasal na biglaan kong dadaluhan kasama ang alaga kong ubod ng kaitiman ang budhi (Oa) Hays.

Humarap ako sa salamin para i-check ang outfut kong pinahiram ni Emman. It's an all white backless dress. Masyadong sexy ito pero alam kong bagay na bagay sa hubog ng katawan ko. I only wearing a nipple tape for my boobs dahil kapag bra ang suot ko ay kitang-kita ito dahil sa nipis ng side tela na design nito sa harapan. Hinawakan ko ang cross necklace ko. Ngayon ko lang ito naisuot matapos iregalo sa akin ni Mama noon. Ewan ko ba. Gold kasi. Takot akong manakaw or mawala ito kaya lagi ko lang tinatago. Nakapaa akong naglakad patungo sa bag ko para kunin ang flat sandals ko na kulay puti din. Pang beach wedding . Sakto. Dinukot ko sa bulsa ng bag ko ang bagong bili kong mauve lipstick. Inayos ko na din ang kilay ko at kaunting blush on na lamang. I used curler para maging parang natural curl ang hair ko today. Hah? Gandang ganda ako sa sarili ko today. Ewan ko ba. Gusto ko lang maging maganda today.



I'm about to get my phone ng magring ito.



I rolled my eyes at napabuntong hininga ng magregistered sa screen ng phone ko ang pangalan ni Arman. He's calling. Aba, gising na ang wedding singer.


"Oh ano??!" bungad na sabi ko dito. I heard him "tsked" dahil sa pamamaraan ko ng pagsagot.




"Ano ? Hindi ka pa ba lalabas diyan? Nandito na ako sa labas ng room mo." sabi nito. Mukhang inip na itong naghihintay kaya binuksan ko na ang pinto ng room ko. I saw him, nakatalikod sa view ko, still holding his phone habang nasa tenga niya. Hindi ko pa kasi ineend ang call. Pagkabukas ko ng pinto ay parang nag slowmo ang paligid. Unti-unti itong humarap sa akin at unti-unting niya ding ibinaba ang phone niya. Magkasalubong ang kilay nitong humarap sa akin. Napatingin ako sa suot niyang all white na pang beach wedding outfit—— he really unbuttoned the first 5 buttons of his white top—- as what Emman recommended to him. Wait lang— bakit parang uminit ang paligid bigla. Self—- need ko na yata magpacheck up—— nakakatakot na ito. Umayos ako ng tindig ng tumikhim ito tsaka ako muling tumingin sa mukha niya. He is wearing his shades na akala mo pinapasok ng sikat ang araw itong hotel. Sus.




"Bakit ganyan ang suot mo? " rinig kong tanong nito. Napatingin ako sa damit ko. All white naman ako. Ang sexy ko nga eh. Ano na namang nirereklamo nito.




"Bakit? May mali ba sa suot ko?"




"Tara na! Bilisan mo na. Hindi ka na nga invited sa kasal, pa-VIP ka pa." rinig kong sabi nito sabay lakad. Ang sarap talagang sabunutan nito eh!!! Ang aga-aga , sinisira na naman ang araw ko. Nagmadali na lamang akong sumunod sa kanya..











Pagbaba namin sa venue ay sinalubong kami ng isang babaeng may lapel. I thinks she's Miss Dale—- ang isa sa wedding organizer na sinabi sa akin ni Direk Pat na i-meet namin para ma-assist si Arman for his performance.




"Hi! Good Morning! I'm Dale, and you're Gia Guevarra right?" nakangiting tanong nito. I smiled to her at kinamayan siya.



"Hi! Yes! I'm Gia and this is Arman——-"




"Hi Dale!" nakangiting sabi ni Arman dito.




"Hi! I'm glad napagbigyan ni Direk Pat ang request ko. You know, emergency happened kaya nung sinabi ni Direk Pat na gagawan niya ng paraan, I recommended him talaga! The professional Arman Herrera."



"Hehe. Yeah. Knowing Arman, giving naman yan. Kakagaling nga lang namin from other event. Sakto din ang schedule kaya nakapunta kami." sabi ko dito pero labas sa ilong ang una kong sinabi "Giving" LOL



WANDA For YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora