Back

13 3 0
                                    

Gia's POV

Paglapit ng boat na sinasakyan nila Emmanuel ay naiiyak na ako. Akala ko talaga hindi na kami masasagip pa dito. May mga ilang kasama sila Emmanuel na may alam yata sa pagpapatakbo ng Yate kaya agad silang lumipat sa yate. Ako naman, gustong-gusto ko ng lumipat sa Boat nila Emman kasi alam kong magiging safe kami doon. I'm about to step ng maalala ko si Arman. Nilingon ko ito. I'm just checking him if kaya na ba niyang maglakad dahil pinulikat nga ito kanina.

Paglingon ko, nakasunod na pala ito sa akin. Binawi ko agad ang tingin ko tsaka ako nagmadaling lumapit kay Emman. Niyakap ko ito na para bang miss na miss ko.



"Akala ko magiging daing na kami dito eh." biro ko kay Emman.



"Ano ba kasing nangyari?? Kung hindi ka pa tumawag at biglang naputol yung call, hindi pa kita pupuntahan sa room mo at malalamang wala ka doon! Sakto at hinanap kita sa mga kasama mo, hinahanap din pala nila si Ano—- siya!" sabi ni Emman sabay turo kay Arman na nasa likod.




"It's all his fault!" inis na sabi ko.





"Oo na, kasalanan ko na. Okay na? Happy?? Bangungutin ka sana." inis na sagot ng lalaking Alien sa likod ko.





"Hindi ka namin matawagan Arman, iniwan mo yung phone mo sa kama! Paano ba kayo napunta dito???" tanong ni Sammy habang inaabutan ng life vest si Arman.





"Bakit kasi kayo nagtanan , sa gitna pa ng dagat. Tsk. Ano? Little Mermaid?!" pang-aasar nitong bakla kong pinsan.





"Anong tanan! Yuck!!!" kunyaring naduduwal na sabi ko tsaka ako lumapit kay Emman at pasimple siyang kinurot sa tagiliran.




"Gusto namin mapag-isa." biglang sagot ni Arman. Lahat kami napatingin sa sinabi nito.




"Hoy! Klaruhin mo yang sinasabi mo! Anong namin??! Ako yung gustong mapag-isa dito sa yate, malay ko bang aakyat ka din dito!!! Tsaka siguro pag-akyat mo tsaka natanggal yung rope ng yate!!! Kasalanan mo nga! Pahamak ka talaga kahit kailan!!"



"Teka nga, gaano ba ka-intense yung ginawa niyo dito sa loob ng yate at hindi niyo namamalayan na papalayo na kayo sa Isla?" tanong ni Emman. Napaisip ako. Ano ba tong mga to! Anong intense! Anong klaseng intense ibig niyang sabihin! Ay naku masasabunutan ko talaga to eh!



"Baka super intense nga!" gatong pa ni Simon. I heard Arman's laugh, pero saglit lang.




"Pucha naman, ayoko ng usapang intense intense na yan, wala akong masasagot sa inyo. Please lang, balik na tayo ng Isla. Pagod na pagod na ako." reklamo ko sa kanila sabay upo sa bench.





"Biro lang! Ito naman! Oh, isuot mo na tong life vest mo! Kailangan mo pang mabuhay ng matagal. Madaming intense moment ka pang iku-kwento sa akin!" sabi ni Emman kaya inirapan ko siya sabay kuha ng life vest.













Nang makarating kami ng Isla ay laking pasalamat ko. Safe kaming lahat. Ramdam ko na ang pagod talaga. Madaling araw na din kasi at gusto ng matulog ng buong katawan ko. Pagpasok namin ng hotel ay magkabilaang hagdan kami dumaan. Sa kanan na hagdan ay sila Sammy kasama si Arman. Kami naman ni Emman ang magkasama sa kaliwang hagdan. Bago ako humakbang ay nilingon ko pa muli si Arman. At sa pagkakataong ito, naabutan ko ang mga mata niyang nakatingin din sa amin. Kanina ko pa siya nahuhuling tumitingin sa amin. Sa akin? Ewan ko. Ang weird. Binalewala ko lang iyon .




Pagdating ko sa room ko ay hindi na pumasok si Emman.



"Sige na Gia, magpahinga ka na! Bukas na tayo mag-uusap."


WANDA For YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora