Theo

14 1 0
                                    

Gia's POV

AT DAHIL BACK TO WORK na talaga ako—- kami—— inagahan ko na ang paggising. Kailangan ay mas maaga akong makarating ng CCP. Naeexcite ako dahil makikita ko doon ang ilan sa kakilala ko na part ng produksyon.

Nagpasya na akong mag-angkas ngayon.


"Magandang umaga po Ma'am—- helmet niyo po." magiliw na bati ni kuyang Rider sa akin. Napangiti ako tsaka ko inabot ang helmet.


"Good morning din sayo Kuya! At sana makarating tayo ng maaga sa CCP."


"Noted po Ma'am!"













Pagliko ni Kuyang Rider from Vito Cruz papuntang CCP ay humuling sulyap ako sa relo ko. Ayos, medyo maaga pa.


"Sayang!" rinig kong sabi ni Kuyang Rider dahil naabutan kami ng stoplight! Super lapit na namin sa CCP oh.


"Ayos lang kuya! Maaga pa naman!"



Sabay kaming napalingon ni Kuyang Rider ng bumusina ang kotse sa gilid namin.



The f*ck?? Arman?


Ang aga hah!





Binaba nito ang bintana niya tsaka ngumiti. Inirapan ko ito tsaka ako muling tumingin sa harapan.




Pag green ng light ay humarurot ito at syempre, mas nauna siyang umandar—- kami kasi, swabeng andar lang kasi super lapit naman na.




"Ma'am? Sino po yun?" tanong ni Kuyang Rider sa akin.



"Sino?"



"Yung driver ng kotse. Kilala niyo po ba? Sa Vito Cruz pa lang nasa likod na natin yan eh."



"Hah? Totoo ba?"



"Opo. Boyfriend niyo siguro yun ma'am ano? Ayieee!"



"Eeew . Hindi nu! Kriminal yun eh. Takas sa presinto." natawa si Kuya sa sinabi ko.



Syempre—— dahil naghahanap pa ng parking si Arman ay nauna na akong pumasok ng CCP. Pinakita ko lang yung ID pass ko tsaka ako nag log ng name sa guard. Maglalakad na sana ako papasok sa loob ng marinig ko ang pagtawag ni Arman sa pangalaan ko.





"Gia!"




Inirapan ko lamang ito tsaka ako diretsong naglakad papasok. Napangiti ako ng makita ko si Jill——- isa sa production staff ng Musical na ito.



"Hey! Giiiiiii!!!" napatakbo akong niyakap si Jill at para kaming batang matagal na nagkalayo dahil sa labis na tuwa.





"Good Morning Jill!!! Ano na?? Mukhang dadalas ang pagkikita natin ah?" nakangiting sabi ko dito.



"Aba dapat lang! Hey! Arman! Congrats! See! You got the role!!!" napalingon ako sa paparating na si Arman.



"Wala pa nga! Call back pa lang!!" nakangiting sagot ng lalaki sa likod ko.



"Wow, pa-humble pa." bulong ko pero alam kong rinig iyon ni Arman at Jill.



"Gia! You should be proud of this Man! Ang daming gustong kumuha na big production diyan! Siya lang yung busy!" natatawang sabi ni Jill.



"Hoy, sakto lang!" nahihiyang sagot nito.

Nang magpaalam si Jill sa amin upang mauna ng pumasok sa loob ay hinarap ko si Arman na kasalukuyan paring nakatayo sa likuran ko.




WANDA For YouWhere stories live. Discover now