ALTERNATE UNIVERSE ONE SHOTS

By writes_danica

5.6K 202 205

Consist of different pairs in their alternate universe. With some genres being romance or tragic. Some are al... More

On Past, Jealousy, and Alcohol
Deaths and Birthdays
The 7th of February
Queen Of My Heart
If Ever You're In My Arms Again
A Trip To Remember
She Used To Be Mine
A New Chapter
Traitor
Promise
Crashed
Haven
Someone Like You
Exchange of Hearts
Best Part
More Than Just The Two Of Us
Happily Ever After
To Love You More
Heartbeat
How Do I Say Goodbye
Rewrite The Stars
Midnight Rain Strangers
Perfect
Wish Granted
The Sound of Goodbye
Can't Help Falling In Love With You
From Here To Eternity

Stuck With You

160 9 33
By writes_danica

STUCK WITH YOU

AN ARVY AU

"Hey, Natalie." Pagkalabit ko sa kaibigan ko.

"What's the matter?" Tanong niya sa akin at nilingon ako.

"Need kong magcr." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Nasa akin ba yung bidet?" Pamimilosopo niyang sagot sa akin.

"Sira!" Tawa ko sa kanya at hinampas siya sa braso.

"Bilisan mo, parating na raw yung service bus." Matino niyang sagot sa akin.

Right, nasa retreat nga pala kami.

Ayokong pumunta rito in the first place pero required kaming umattend dahil mga graduating senior high students kami. Kaya wala akong choice at nandito ngayon sa cabin house na nasa liblib na lugar.

"Masama ata yung nakain ko. Ang sakit ng tiyan ko." Daing ko bago ako tumakbo.

"Make it fast, Ivy!" Pahabol na sigaw ni Natalie. "Nagmamadali na sila dahil may bagyo raw!"

"Oo na!" Sigaw ko naman.

Sino naman kasing tanga ang alam na may bagyo na nga, nagschedule pa rin ng retreat. 

Siyempre yung school namin.

Napaka layo pa nung cr ng cabin dahil kailangan ko pang umakyat ng 3rd floor para lang makapag cr ako. Mabuti nalang pagdating ko ay walang tao kaya naman dali dali nakong pumasok sa loob.

"Sa wakas, natapos din." Bulong ko nang matapos na ako mag banyo.

Kaagad akong naghugas ng kamay at nag ayos ng kaunti bago ako tuluyang lumabas ng banyo.

"Shit, yung gamit ko pa pala!" Sambit ko nang maalala ko yung mga gamit ko na nasa kwarto pa rin.

Kaagad naman akong tumakbo pababa at dumiretso sa kwarto para kunin ang bag ko roon pati na rin ang phone ko na nakasaksak pa rin at nagchacharge. Kaagad ko namang kinuha ang mga gamit ko at lumabas na rin agad ng kwarto.

"Natalie?" Pag tawag ko nang makababa na ako.

Pero walang sumagot sa akin.

"Natalie?" Pagtawag ko ulit. "Asan ka?"

Nang wala pa rin sumagot ay sinubukan ko siyang tawagan kaya lang walang signal kaya kinailangan ko pang lumabas ng cabin.

"At mukhang uulan pa nga." Bulong ko nang makita ko ang mga maiitim na ulap habang tinatawagan si Natalie.

"Hello, Ivy." Bungad ni Natalie sa akin nung sagutin niya ang tawag.

"Nasaan ka?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Nasa service na." Sagot niya sa akin.

Kaagad ko namang tinignan kung may malapit na bus dito sa cabin pero wala akong nakita.

Wait lang.

Hindi kaya naiwan na ako mag isa dito sa cabin.

"Nasaan ka Alcantara?" Pagtatanong ko ulit. "Wala akong makitang bus dito sa labas ng cabin."

"Shit!" Mura ni Natalie. "Naka alis na kami."

Nalintikan na.

"What the fuck! Mag isa lang ako rito. Sabihan mo na balikan ako rito." Dire-diretso kong sambit sa kanya.

"Sandali, sandali, magsasabi ako." Sagot naman niya sa akin.

Natahimik ang kabilang linya ng ilang saglit bago ulit nagsalita si Natalie.

"Hindi ka raw agad mababalikan, Ivy."

"Anong hindi?" Kaagad ko namang reklamo. "Tangina, mag isa lang ako rito."

"Bukas ka raw mababalikan." Imporma niya sa akin. "Masyado na kaming malayo at umuulan na."

"Hindi pa naman umuulan dito."

Pero saktong sakto nang pagkasabi ko nito ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman napatakbo kaagad ako papasok ulit ng cabin kaya nawalan ako ng signal at naputol ang tawag ko kay Natalie.

"Kung swineswerte ka nga naman." Sarcastic kong bulong sa sarili ko habang pinupunasan ang sarili ko na medyo nabasa ng ulan.

Mabuti nalang at mukhang fully furnished itong cabin at mukhang kumpleto sa mga gamit. Ibinaba ko muna ang bag ko sa upuan sa sala bago naglakad patungo ng kusina para tignan kung may mga stock ng pagkain.

"I guess hindi na masama mag stay pa ng isang araw dito." Sambit ko nang makita na may mga stock pa naman ng pagkain na pwedeng lutuin dito sa cabin.

Ngayon ko lang din naisipan na libutin itong cabin tutal malaki naman ito. Sa pagkakatanda ko ay nasa twenty na students kaming nagstay dito at nineteen lang ang naka alis, thanks to Natalie.

Naakyat na ako sa second floor nang biglang namatay ang mga ilaw at may nabangga pa ako.

Wait, mag isa lang ako.

At imposible naman na poste iyon o pintuan dahil nasa gitna ako ng hallway.

Lastly, mukhang katawan yung nabangga ko.

Tangina!

May isa pang tao.

May kasama pala ako.

Napaatras naman ako dahil hindi ko alam kung makakapagkatiwalan ko yung nabangga ko at kung in the first place eh tao nga ba talaga yung nabangga ko. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at binuksan ang flashlight para makita ko kung sino o ano yung nabangga ko.

Wala pa naman akong balak mamatay ngayon.

Itinutok ko sa harapan ko ang flashlight at biglang bumalik ang mga ilaw.

"Nakakasilaw anuba." Reklamo nang nabangga ko.

Ang pamilyar ng boses niya sa akin, kaya naman kaagad kong binaba ang phone ko.

"Aguas!"

"Ardiente!"

Sabay pa naming sigaw sa isa't isa.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sakin.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko, bakit ka andito, Ardiente?" Balik tanong ko sa kanya.

Binabawi ko na yung sinasabi ko kanina, hindi ko na gugustuhin na magstay pa rito kung siya rin naman ang makakasama ko.

"Dahil sa retreat malamang." Sarcastic niyang sagot sa akin.

Inirapan ko lang siya at doon ko napansin na naka pantulog pa ito na suot at hindi pa naka ayos.

"Don't tell me kagigising mo lang, Ardiente." Gulat kong sambit sa kanya.

"And so? What's your problem with that?" Confused niyang tanong sa akin.

"Kanina pa naka alis yung bus na maghahatid sa mga students." Pag imporma ko sa kanya.

"What?! You're joking right?" Gulat niyang sagot sa akin.

"Mukha ba akong nakikipagbiruan sayo." Seryoso kong sagot sa kanya.

"What the fuck."

Bumaba nalang ulit ako papunta nang sala at sumunod naman siya sa akin. Mukhang nawala na ang antok sa sistema niya. Umupo lang ako sa couch at dahil matatagalan pa kami rito, nilabas ko nalang ulit ang phone ko at nagbasa ng mga nakasave ko na mga lessons.

Isa pa, ayoko rin kausapin itong kasama ko ngayon.

"Aguas, stranded ka na nga rito, pag-aaral pa rin inaatupag mo."

"Kasya naman ikaw yung atupagin ko, Ardiente." Mataray kong sagot sa kanya.

"As if papatulan kita, Aguas."

"Kung ano man yang iniisip mo, please lang manahimik ka na. Hindi talaga kita papatulan kahit kailan, Ardiente." Irap ko sa kanya.

"At pwede ba, nakakahilo kang tignan kanina ka pa lakad ng lakad." Dagdag ko.

"I'm looking for a signal." Sagot naman niya at naglakad pa rin.

"Sa labas may signal." Turo ko sa pintuan at kitang kita naman sa bintana na ang lakas pa rin ng ulan. "Kahit na tumawag ka pa, hindi ka kaagad makukuha rito."

Pero hindi nakinig ang loko at lumabas pa rin talaga siya ng cabin house bitbit ang cellphone niya.

"Suit yourself, sinabihan na kita." Bulong ko nalang at nagbasa na ulit.

Mga limang minuto rin ang lumipas bago siya bumalik at mukha siyang basang sisiw sa itsura niya. Basang basa na siya ng ulan kaya naman hindi ko maiwasang matawa sa itsura niya.

"Something funny?" Masama niyang tingin sa akin.

"Wala naman." Pang-aasar ko sa kanya. "Mukha ka lang namang basang sisiw."

"Very funny." Sarcastic niyang sagot kaya natawa ako lalo.

"Oh ano, sabi ko naman kasi sayo. Mukhang bukas pa tayo mababalikan dito." Proud kong saad sa kanya.

"I won't get stuck here kung hindi paglalandi ang inatupag ni Diego." Reklamo naman niya.

"Teka, may kalandian si Diego?" Gulat kong tanong sa kanya. "Woah, akala ko single siya ah."

"Selos ka naman, Aguas."

"Lah?" Natatawa kong sagot sa kanya. "Ako? Magseselos? Tangina."

"Baka naman ikaw nagseselos." Pang-aasar ko kaya mas lalong dumilim ang mukha niya. 

"As if I'll get jealous." Sagot niya sa akin. "I bet you didn't know there's something going on between him and Natalie."

"Eh?" Gulat kong saad. "Joke time ka rin ano, Ardiente."

May something kila Natalie at Diego. Hindi ako naniniwala.

"Do I look like I'm joking." Sagot niya at may hinanap sa cellphone niya. 

"Eh kaibigan ko yang kapatid mo." Depensa ko naman agad sa kanya. "Plus kaibigan ko si Natalie, magsasabi sa akin yun kung nagkataon na sila nga ni Diego."

"Apparently, she won't tell you yet." Smug niyang pahayag sabay pakita ng isang picture.

"The fuck." Kaagad kong nasabi nung makita ang picture.

Well mukhang hindi nga nagsisinungaling itong si Ardiente ngayon.

"Well good for them." Saad ko naman at tinulak pabalik sa kanya ang phone niya.

"That's it? You're not jealous?"

"Ang kulit mo rin talaga." Tumayo ako mula sa upuan at pinitik siya sa noo.

"Aray ko." Reklamo niya.

"Sabi nang hindi ako nagseselos."

"I thought you like Diego."

Tinawanan ko naman siya ng malakas dahil hindi ko kinaya ang sinabi niya.

"Hindi ko gusto si Diego. Bakit mo naman naisip yan?"

Dahil ikaw yung gusto ko. 

Kaso mukhang iba naman ang gusto mo.

"Tsaka sa asta mo, mas mukhang ikaw ang nagseselos kasya sa akin." Dagdag ko naman sa kanya.

"I'm not jealous." Kaagad niyang sagot.

"Alam mo mabuti pa, magpalit ka na ng damit mo. Nabasa ka ng ulan. Baka lagnatin ka bigla." Pitik ko ulit sa noo niya. "Maging alagain pa kita."

"I can take care of myself, FYI." Sagot niya bago siya umakyat sa hagdanan.

"Edi mas mabuti kung ganun." Pasigaw ko namang sagot para marinig niya.

Pero kinagabihan iba ang nangyari.

Hindi pa rin tumitila ang ulan at simula nang umakyat si Ardiente ay hindi pa rin ito bumababa. Nakapagluto na rin ako ng kakainin naming hapunan dahil alam ko naman na hindi marunong magluto iyon. Baka masunog lang ang kusina at buong cabin house kung siya ang magluluto.

"Ardiente! Kakain na!" Sigaw ko para tawagin siya.

Pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Kaya naman tinawag ko siya ulit.

"Lalamig na yung pagkain!" Dagdag ko pa.

Pero nung wala pa rin akong sagot na natanggap sa kanya ay hinayaan ko nalang siya at kumain nako ng hapunan mag isa. After kong maghapunan ay hinugasan ko na agad ang mga pinagkainan ko at nagdesisyon na akyatin siya.

Para tignan kung buhay pa ba siya.

Hinanap ko ang kwarto niya at nang mahanap ko iyon ay hindi na ako kumatok at dumiretso na kaagad na pumasok. Tumambad sa akin si Ardiente na balot na balot ng kumot kahit na walang nakabukas na electric fan maski ang aircon at nangingninig pa.

"Sinabi ko na nga ba." Iling ko nalang at nilapitan siya.

"Shit! Ang init mo masyado." Sambit ko nang idapo ko ang likod ng kamay ko sa noo niya para tignan kung nilalagnat siya.

"Stay." Saad niya at tinignan ako sa mata.

"Hindi pwede, inaapoy ka ng lagnat. Kailangan ko kumuha ng gamit." Sagot ko naman at aalis na sana ng hawakan niya ang pulsuhan ko.

"Please, Ivy, stay." Pakiusap niya sa akin.

Masyado ring mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulusuhan ko para sa isang tao na may sakit ah.

Kaya wala nalang din akong nagawa kung hindi ang manatili sa tabi niya.

"Fine, I'll stay you big baby." Pangaasar ko sa kanya sabay salampak sa sahig para bantayan siya.

"I'm not a big baby." Nanghihina niya na reklamo.

"Yes you are." Pangaasar ko lalo dahil hindi niya pa rin binibitawan ang pulusuhan ko. "Ayaw mo nga akong bitawan oh" 

"I like your hands." Nakapikit niyang bulong at hinawakan ang kamay ko.

"Sige na magpahinga ka na, hindi ako aalis."

"Promise?" Tanong niya sa akin

"Big baby nga." Tawa ko sa kanya. "Promise, hindi ako aalis."

Buti nalang cute ka pag may sakit.

Hindi kita matiis.

Nung napansin kong nakatulog na siya ay inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito at dahan dahan na lumabas ng kwarto. Bumaba kaagad ako para maghanap ng palanggana at bimpo. Nilagyan ko na rin agad nang tubig ang palanggana nung may nakita ako.

Naghanap na rin ako ng gamot kung sakaling may nakastock pa rito.

Nung wala akong nakitang mga gamot ang bitbit ko nalang na medicine kit ang kinuha at kumuha roon ng paracetamol para sa lagnat niya.

Nang mahanap ko na ang lahat ng kailangan ko ay dahan dahan akong umakyat ulit sa kwarto niya. Mabuti nalang at inabutan ko pa itong tulog pagbalik ko sa kwarto.

Inalis ko muna ang mga nakapatong na mga kumot sa kanya at pawis na pawis na rin siya dahil doon. Hindi ko naman siya mapalitan ng damit dahil hindi ko alam kung asan ang mga gamit niya. Kaya naman ang pagpupunas nalang ng katawan niya ang ginawa ko para mapababa ko ang lagnat niya.

Isang oras ko rin siyang paulit ulit na pinunasan at naglagay pa ako ng bimpo sa noo niya para mas mabilis na bumaba ang lagnat niya.

"Pasalamat ka gusto kita kaya inaalagaan kita." Bulong ko habang pinupunasan siya.

"Gusto rin kita."

Kaagad nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses niya at dumilat pa ang mga mata niya.

Tangina!

Bakit nagising pa ito kung kelan nagsasalit ako magisa rito.

Nakakahiya, ang sarap magpalamon sa lupa.

"Buti naman gising ka na." Pagiiba ko ng topic.

Sana hindi totoo yung narinig ko mula sa kanya kanina. Guni guni ko lang yun na may narinig ako.

"Kukuha lang muna ako ng pagkain mo sa baba para makainom ka na ng gamot tapos magpalit ka na rin ng damit mo dahil pawis na pawis ka na."

"Gusto kita, Ivy. Matagal na." Paguulit niya sa sinabi niya kanina.

Narinig nga niya talaga ako kanina.

Ayoko na. Nakakahiya na ito masyado.

"Nagdedeliryo ka lang, Ardiente." Irap ko sabay tayo mula sa gilid nang kama para maka alis na sa kwarto at maikuha siya ng pagkain. "May sakit ka lang kaya ka ganyan."

"I'm serious. So damn serious about this. I like you secretly so long already."

Hindi ko siya pinansin at lumabas na ako ng kwarto. Pagbaba ko sa kusina ay ininit ko nalang yung niluto kong hapunan namin. Buti nalang at soup ang nailuto ko para mainitan ang sikmura niya.

"Tangina, Ivy. Bakit ka pa kasi nagsalita." Bulong ko habang hinihintay na mainit yung pagkain.

Nang mainit na ay naglagay lang ako sa mangkok. Kumuha na rin ako ng isang baso ng tubig para sa kanya. Ipinatong ko ang lahat ng mga iyon sa isang tray at umakyat na ulit.

"Kumain ka muna, Arnaldo. Para makainom ka na ng gamot." Bungad ko sa kanya pagkadating ko sa kwarto.

Mukhang nakapagpalit na ito ng damit dahil ibang t shirt na ang suot nito ngayon.

Inilapag ko sa table sa gilid ng kama ang tray at kinuha roon ang mangkok para masubuan ko siya. Hindi naman siya nagreklamo at tinatanggap lang ang bawat subo na ibinibigay ko sa kanya.

"That's enough, busog na ako, Ivy." Pag iling miya noong susubuan ko sana siya ulit.

"Okay sige, nakalahati mo na rin naman." Sagot naman at ipinatong sa table ang mangkok.

Kinuha ko naman ang baso at iniabot iyon sa kanya. Tinanggap naman niya agad ito at walang reklamong ininom ang gamot.

"Magpahinga ka na. Magpalakas ka dahil uuwi na rin naman tayo bukas." Saad ko habang kinuha ang tray para ibaba ulit sa kusina.

"Samahan mo ako tonight, please." Pakiusap niya sa akin.

Alam ko namang ipipilit niya pa rin pag umayaw ako kaya naman tumango nalang ako sa kanya.

"Ibaba ko lang itong mga kurbyertos sa baba." Sagot ko.

Nang mailalagqy ko sa lababo ang mga gamit ay umakyat na rin kaagad ako pabalik sa kwarto niya.

"Tabihan mo ako."

"Apaka baby talaga." Pang-aasar niya.

"Sige na, may sakit yung tao oh."

At nang guilty pa nga.

"Oo na po big baby tatabihan na." Irap ko sa kanya.

At magkatabi kaming natulog nung gabi na iyon.

Kibukasan naman ay magaling na si Arnaldo mula sa lagnat nito. Pero pinainom ko ulit ng gamot after naming magalmusal para makasigurado na rin.

Nakahanda kaming dalawa dahil anumang oras ay dadating na rin ang susundo sa amin.

"Ivy." Tawag niya sa akin.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"About last night, I'm serious about it." Saad niya at hinawakan ang kamay ko.

"I like you and I want to court you."

"Goodluck getting my father's approval for that." Smug kong sagot sa kanya.

Maya maya lang ay dumating na rin ang magsusundo sa amin. Sa wakas at makakauwi na rin ako.

Ilang linggo na rin ang lumipas simula noong retreat at gaya nga nang sinabi ni Arnaldo ay niligawan niya ako. Dalawang araw after naming makauwi ay bigla nalang siyang sumulpot sa bahay at literal na nagpaalam kay Dad tungkol sa panliligaw niya sa akin.

Isa lang ang naging sagot ni Dad sa kanya.

"Sa oras na paiyakin mo ang anak ko, ako mismo ang bubugbog sayo at wala akong pake kahit anak ka pa nang kung sino man."

Sobrang tuwang tuwa si Arnaldo noong nakuha niya ang approval ni Dad. Kaya naman madalas akong makatanggap ng mga regalo mula sa kanya pero hindi niya nilalagyan dahil ko na malaman sa ngayon ng school ang namamagitan sa aming dalawa.

Ang alam lang nila pa rin sa ngayon ay laging kaming magkaaway sa klase dahil sa academics. Nagpapagalingan kung sino ang mas magaling.

Dismissal na kaya naman isinuot ko na ang bag ko at ready na akong umalis nang biglaang pumasok si Arnaldo sa room namin.

Ano na naman ang saltik nito ngayon.

Akala ko ba buong araw siyang excused dahil sa mga extracurriculars niya.

"Anong kailangan mo, Ardiente?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Come with me." Walang anumang pasabi ni Arnaldo sabay hila sa kamay ko.

Nasisiraan na ba ito ng bait?!

Sa mismong classroom namin pa niya ako hinatak talaga.

Maiissue lang kami lalo nito.

"Yieeeee!" Kantyaw ng klase namin.

"Ardiente! Saan mo ba ako daldalhin!" Pagrereklamo ko habang hatak hatak ako.

Nasa hallway pa kami kay need ko pang magpanggap na galit ako sa kanya.

"Arnaldo ano ba?!" Sambit ko nung wala na kami sa building. "Anong problema mo?!"

Hindi niya pa rin ako sinagot at hinatak lang ako hanggang sa makarating kami sa likod ng building.

"Tangina naman, Arnaldo kanina pa kita tinatanong ayaw mong sumagot." Inis kong saad sa kanya nung tumigil na siya sa paglalakad.

"Magsabi ka ng totoo, Ivy." Pagsisimula niya at halatang halata ang inis niya.

"Ano bang problema huh, Arnaldo?" Taka kong tanong sa kanya.

Wala akong maalala na may ginawa akong mali.

"Totoo bang may nambastos sayo kanina?" Diretso niyang tanong sa akin.

Punyeta! Paano niya nalaman yun?!

Ang dilim ng mukha nung tinanong niya iyon.

"Anong sinasabi mo d'yan?" Pagsisinungaling ko sa kanya. "Saan mo naman narinig yan?"

"Don't lie to me, Ivy." Malamig niyang sagot sa akin. "I want names."

"Arnaldo, wala lang yun." Sagot ko naman sa kanyaat sinubukan hawak ang kamay niya.

Alam kong may gagawin siya pag nagsalita ako. Kaya ko naman na ang sarili ko kaya hindi na niya kailangan malaman pa.

"I said I want names, now!" Pagpipigil niya sa galit na saad. "No one disrespects my lady and gets away with it."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko naman aakalain na may ganitong side si Arnaldo.

"Stop smiling, Aguas. Where's the names." Naiinip niyang saad at nag cross arms.

Napabuntong hininga nalang talaga ako dahil alam kong ipipilit niya na ibigay ko talaga ang mga pangalan ng mga nambastos sa akin kanina.

"Bracamonte and Amaro."

"Mga gago na yan." Saad sabay pagyakap sa akin.

"Tell me Ivy, sinaktan ka ba nila? I swear mawawalan talaga sila ng kamay sa oras na idapo nila sayo ang mga kamay nila ng may masamang intensyon."

"Hindi nila ako sinaktan, wag kang magalala." Sagot ko naman at niyakap siya pabalik.

"Sige na, wag nang mainit ang ulo. Okay lang ako." Pagsuyo ko naman sa kanya.

Kahit na ang gwapo gwapo niya pag galit, kailangan ko siyang pakalmahin dahil mamaya kung ano pa ang gawin nito.

Nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa biglang may nagsalita.

"Ehem, Ivy."

Shit!

Boses ni Natalie iyon.

Napabitaw naman ako kay Arnaldo at naitulak pa siya dahilan para tumama ang likod niya sa pader. Napangiwi nalang siya at alanganin akong ngumiti sa kanya.

"Mukhang may kailangan kang ipaliwanag sa akin." Ngisi niya sa akin. "Bakit magkayakap ang mortal na magkaaway ng school na ito."

"Nalintikan na." Bulong ko sa sarili ko.

"I'll go now." Tanging saad ni Arnaldo at naglakad na patungo sa kabilang direksyon.

Nilapitan ako ni Natalie at ang una niyang ginawa sa akin ay ang sabunutan ako.

"Aray ko, Alcantara!" Reklamo ko sa kanya pagkatapos niyang bitawan ang buhok ko.

"Ikaw ah may tinatago ka rin palang kalandian ah." Tawa niya sa akin habang inayos ko ang buhok ko.

"Oh, anong nangyari sa hindi papatulan?" Pang aasar ni Natalie sakin.

"Manahimik ka Natalie." Irap ko sa kanya.

"So ano toh, acad rivals in public tapos lovers in private." Tawa niya sa akin.

"Arvy layag!" Dagdag niya sabay siko sa akin. "Kailan pa?!"

"Inamo Natalie, ang bantot." Sagot ko sa kanya at hinampas siya.

"Gaga, hindi ako nagisip niyan." Depensa naman niya.

"Edi sino, aber?" Pagtataray kong tanong sa kanya.

"Yung buong klase ho natin madam." Sagot naman niya at pinaningkitan ako ng mata. "Teka, nilalayo mo ako sa tanong ko ah."

"Anong tanong na naman." Pagmamaang maangan ko.

"Kung kelan naging kayo?" Tawa niya sa akin.

"Gaga ka, hindi pa nga kami." Irap ko sa kanya.

"Hindi pa kayo pero may meet up sa likod ng building, anong ginagagawa niyo dun?" Irap niya sa akin.

"Don't tell me, nagmomomol kayo doon." Tawa niya sa akin.

"Pota ka." Sagot ko at hinampas siya ng malakas.

"Defensive ka teh? So, ano nga? Make out ginawa niyo roon?" Mas lumakas pa ang tawa niya.

"Natalie, isa pang banggit mo nyan, baka di kita matansya at mahampas kita." Pag angat ko ng hawak ko na folder.

"Ivy Aguas niyo apaka brutal. Nagkalovelife lang."

"Inamo, hindi pa nga kami."

"Hindi pa? So, may balak lagyan ng label?"

Inangyan, ang tanga mo Ivy.

"Ang kulit mo rin talaga ano?"

"Hindi ka pa nasanay."

"Oo na, nililigawan ako ni Arnaldo."

"Aamin ka rin pala, andami mo pang sinabi."

"Alam mo ikaw Natalie, dami mo ring satsat eh."

May naalala ako bigla na sinabi sa akin ni Arnaldo noong nakaraan.

Ikaw naman ngayon, Natalie.

"Alam mo bang may narinig ako tungkol sayo." Ngisi ko sa kanya.

Napalunok naman siya kaya mas lalo lang ako napangisi sa kanya.

"Ano yun?" Kabado niyang sagot.

"Oh, bakit ka kabado diyan?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Yang itsura may naisip ka namang kabalastugan." Sagot ni Natalie sa akin.

"May something ba kayo ni Diego?" Naka ngisi kong tanong sa kanya.

"Hoy!" Sigaw niya at hinampas ako sa balikat. "Gaga saan mo narinig yan?"

"Sagutin mo muna ako Alcantara." Taas kilay kong saad.

"Ah, eh." Kabadong tawa ni Natalie sa akin.

"No label?" Pagaalinlangan niyang sagot.

"Di ka sure?" Natatawa kong asar sa kanya.

"Basta, naguusap kami. Yun na yun."

"Talking stage yarn?"

"Saan mo kasi narinig yan, Aguas." Pangungulit niya. "Hindi ko naman alam chismosa ka rin pala."

"Sabihin na natin may ibon na bumulong sa akin ng tsaa." Ngisi ko sa kanya.

"Pa ibon ibon ka pang nalalaman malamang sa kuya ni Diego mo nalaman." Irap niya sa akin.

"Ano toh perks pag nililigawan ng isang Ardiente? May kasamang chismis ng angkan nila?" Sunod sunod niyang tanong sa akin kaya naman tinawanan ko ulit siya.

"Alam mo, halika na at umuwi na tayo."

Naglakad na kami pabalik sa harapan ng building namin kung saan nakarinig pa ako ng mga asar mula sa mga kaklase ko na nakakita ng panghihila ni Arnaldo sa akin.

"Nako mukhang may namiss ako ah." Pang aasar ni Natalie sa akin habang naglalakad kami.

"Alam mo, manahimik ka nalang bago ko pa ibuking na kalandian mo kapatid niya." Ganti ko sa kanya.

"Ay sis, foul. Walang ganyanan." Sagot naman niya.

At ayun na nga kinabukasan nabalitaan ko nalang na pinapatawag sa office sila Bracamonte at Amaro. Pero ang mas malala ay may mga pasa sa mukha ang mga iyon nung pumasok sa campus.

"Hay nako sinasabi ko na nga ba." Bulong ko habang nagsusulat.

"Ikaw ba may gawa nun?" Pagtatanong ni Natalie sa akin na katabi ko.

"Nang alin?" Bored kong sagot.

"Yung nangyari kila Bracamonte tsaka Amaro."

"Wala akong kinalaman doon." Bored ko ulit na sagot bago ituloy ang pagsusulat.

"Mukhang alam ko na kung sino." Mahina niyang tawa.

Ilang linggo na ang nakalipas at gabi na ng senior promenade namin. Siyempre kami ni Arnaldo ang magkadate. Pero walang nakakaalam na kahit na sino. Maski sila Natalie at Diego.

Ang alam nang lahat ay nireject ko ang lahat nang nag-aya sa akin para maging kadate sa promenade.

Pero ang hindi nila alam bago pa ako maaya nang kung sino man ay naaya na ako ni Arnaldo.

Siyempre pumayag ako na maging ka date siya sa promenade.

"What a lovely sight!" Bungad ni Arnaldo noong sunduin niya ako sa bahay namin.

"Bolero ka pa rin, Ardiente." Tawa ko sa kanya.

"I am not!" Dramatic niyang pagtanggi sa sinabi ko. "Ang ganda ng date ko tonight."

"I know right." Mayabang kong sagot sa kanya kaya naman parehas kaming natawa.

"Ehem," Rinig kong ubo ni Dad sa likuran namin.

"Good evening po Mr. and Mrs. Aguas." Bati ni Arnaldo.

"Good evening to you too, Arnaldo." Sagot naman ni Dad sa kanya.

Kaya naman hinarap ko siya at kasama niya pala si Mom na may malaking ngiti sa akin.

Mukhang kinikilig pa si Mom sa amin, tsk.

"Mom, stop smiling like that." Pabiro kong irap kay Mom.

"Why?" Pangaasar na tanong ni Mom sa akin.

"Nagmumukha kang teenager na kilig na kilig sa crush niya." Sagot ko naman sa kanya.

Natawa lang naman si Dad sa sinabi ko at ganun din si Mommy.

"Buti kinakaya mo ang kamalditahan ng unica hija namin, Arnaldo." Saad naman ni Dad para asarin lang ako lalo.

"Ardiente, umayos ka ng sagot mo." Pabulong kong banta kay Arnaldo.

"Of course kakayanin, Sir. I love your daughter after all." Naka ngiti na sagot ni Arnaldo.

Kahit kailan talaga apaka bolero nito, hayst.

"Ano, maayos na sagot na ba yun, Aguas?" Pangaasar niyang bulong sa tenga ko.

"Hindi pa ba kayo aalis?" Tanong sa amin ni Mom. "Anong oras na rin naman."

"Mom, wag mo namang ipahalata na gusto mo na kaming paalisin para masolo mo si Dad." Pangaasar ko sa kanila ni Dad.

"Sige na, umalis na nga kayo." Pagtataboy sa amin ni Dad.

"Arnaldo, iuwi mo ng maayos si Ivy o malilintikan ka saking bata ka." Pagbabanta pa niya kay Arnaldo kaya natawa naman ako.

"Yes, sir!" Masiglang sagot naman ni Arnaldo at nagawa pang magsalute.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan nila at inalalayan akong pumasok bago niya isinara ang pinto para pumunta sa kabilang pinto para doon buksan at sumakay. Ibinaba ko rin muna ang bintana sa side ko para makakaway kami ni Arnaldo kila Mom at Dad habang paalis na ang sinasakyan namin. Kumaway namin sila pabalik sa amin bago ko ulit itaas ang bintana.

Pinagmaneho na kami ng driver ni Arnaldo hanggang sa makarating kami sa hotel kung saan gaganapin ang promenade.

Pagkarating namin sa hotel ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto at inilahad ang kamay sa akin para alalayan akong lumabas ng sasakyan niya. Magkahawak kamay kaming pumasok sa lobby ng hotel hanggang sa makarating kami sa ballroom kung saan mismo gaganapin ang promenade.

"Looks like a lot of hearts would be broken tonight." Bulong ni Arnaldo kaya naman tinawanan ko siya.

"Kahit kailan ang hangin mo talaga." Pambabara ko naman sa kanya.

"I'm not just speaking for myself." Depensa naman kaagad niya.

"You thought I didn't know that majority of the men from this batch asked your hand to this prom?" Pangaasar niya sa akin.

"Of course you knew." Pangiirap ko sa kanya.

"Well too bad for them, you only have eyes for me."

"I could say the same to you and the ladies wanting you to be their date." Sagot ko rin sa kanya.

"Jealous, Agaus?" Pangaasar niya sa akin.

"In your wildest dreams." Irap ko sa kanya kaya tinawanan ako.

"Let's just go inside." Pag hatak ko sa kamay niya para pumasok na kami sa loob.

Pag pasok nain sa loob ay napuno ng bulungan ang buong ballroom dahil sa gulat na kami ang magkasama sa promenade. Proud lang kaming ngumiti habang naglalakad kami sa red carpet na nakalatag.

"Sila ang magkadate?!"

"Akala namin mag isa na aattend si Ivy."

"Totoo ba ito?!"

"Hindi ba magkaaway na yang dalawa na yan eversince first year?"

Iyon ang ilan sa mga narinig namin na bulungan nila habang naglalakad kami. Nakarating na rin kami sa table namin kung nasaan sila Natalie at Diego.

"Kaya naman pala ayaw magsabi. Gusto mag suprise effect." Pangaasar sa akin ni Natalie at hinampas ako sa balikat.

"Kung nagulat na sila sa amin kanina, mukhang mas nawindang pa sila sa inyo." Tawa naman ni Diego sabay inom ng juice.

"Mukhang may King and Queen of the night na." Dagdag pa ni Natalie kaya naman ako naman ang humampas sa kanya.

At nagkatotoo nga ang sinabi niya.

Dahil kami ang naging King and Queen of the night ay required kami na magkaroon ng solo na slow dance sa dance area.

"May I have this last dance my lady?" Tanong ni Arnaldo sabay lahat ng kamay sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya bago ako sumagot.

"Yes, you may." Sabay tanggap sa nakalahad niyang kamay sa akin.

Kinuha ko na rin ang chance na ito para masabi ko na sa kanya ang gusto kong sabihin sa kanya tutal tamang oras na rin naman. Nagsimulang tumugtog ang musika kasabay sa pagsayaw naming dalawa. Kitang kita ng peripheral vision ko na kinikilig ng husto sa amin si Natalie.

"May sasabibin ako."

"What is it?" Tanong niya sa akin.

"Sinasagot na kita, Ardiente." Ngiti ko sa kanya.

"Oh, akala ko ba hindi moko papatulan kahit kailan?" Nakakaasar na ngiti niya sa akin.

"Gusto mo bawiin ko?" Panghahamon ko sa kanya.

"Kalma lang, Aguas." Tawa niya sa akin. "Wala naman akong sinabing ganun."

"Parang ganun ang gusto mong iparating Ardiente." Pangaasar ko bigla sa kanya.

"Hindi nga sabi." Pout niya sa akin. "Nagbibiro lang ako eh."

"Cute."

"Heh! Hindi ako cute, Aguas. Gwapo ako hindi cute." Pagkunot ng noo niya sa akin.

"Arte mo masyado, Ardiente." Tawa ko sa kanya.

"Mahal mo naman."

"Di mo sure." Pangaasar ko pa lalo sa kanya.

Kung may papasalamatan ako, iyon ay nastuck kami parehas noong retreat. Dahil kung hindo ay wala pa rin kamo dito ngayon.

"I love you, Aguas." Ngiti niya kasabay nang pagikot niya sa akin.

"I love you too, Ardiente." Sagot ko naman ning nagkatinginan kami sa mata.

END

Continue Reading

You'll Also Like

Cecilia By Anastasia

General Fiction

30.8K 733 27
Cecilia's father, a well-known and successful lawyer, was tired of her problems. Tired of the issues she had been causing for the family and it's nam...
498K 10.7K 51
Two girls are exchanged at birth and are given to the wrong mothers and after 13 years the truth comes out Rosabella Rossi is different from her sist...
301K 21.9K 26
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
490K 17.3K 195
(Fan TL) Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of...