Hiding His Son ✓|Jackson Seri...

By YourAuthorJaz

66.4K 1.2K 137

COMPLETED STORY Andriette and Jake's marriage life took a wild turn when Andriette visited her husband at his... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
Author's Note/New Story

Chapter 20

1.5K 30 9
By YourAuthorJaz

Andriette's POV

"Hindi ito ang anak ko," malamig kong sabi habang pinagmamasdan ang bangkay na nasa harapan ko.

Naguguluhan naman akong tinignan ng mga pulis pero hindi ko sila pinansin at muling sinuri ang bangkay.

It's not him.

"Ma'am, na-test na po namin ang DNA ng bangkay. Nagmatch po siya sa inyo ni Mr. Jackson."

"No, this is not my son!" matalim kong tinignan ang mga pulis habang tinuturo ang bangkay.

"Ma'am---"

"Kilala ko ang anak ko! Hindi siya ito!" patuloy kong pagtutol at tinignan ang asawa ko. "Jake, hindi siya ito. Hindi ito ang anak natin!"

"What makes you say that?" he asked.

Alam kong 50/50 ngayon ang nararamdaman ni Jake. May part sa kanya na hindi rin naniniwala na ito ang anak namin.

I can feel it.

"Birthmark," with just one word, he understood what I meant.

Lumapit siya dun sa bangkay at sinuri ang braso nito.

It's clean, there's no sign of birthmark.

My son has a very unique birthmark on his right arm. It's a small heart-shaped like birthmark.

Itong batang nakahilata ngayon sa harap namin, kamukha ni Gabby pero wala siyang birthmark.

"See? It's not him!" patuloy kong protesta habang si Jake naman ay unti-unting tinignan ang mga pulis.

"This is not our son. I don't care what the DNA says. This is not our baby!" he finally took my side.

"Pero, sir---"

"No! This is not my son!" tumaas na ang kanyang boses at mas nakakatakot na ang itsura ng kanyang mukha. "Sa oras na malaman kong niloloko niyo kami, humanda kayo sa akin," pagbabanta ni Jake at nakita ko naman ang paglunok ng mga ito.

...

One month, three months, seven months, one year...

Still nothing.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng nursery na para bang may natutulog pa rin sa loob.

I slowly trailed the crib with my finger while looking around the place. I smiled when I saw his favorite toy. I picked it up and hugged it until tears streamed down my cheeks.

Anak...

Naalala ko na sa tuwing umiiyak siya, walang ibang magpapatigil sa kanya kundi ang laruan niya o 'di kaya mga kanta o lullaby.

Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto mula sa likod ko pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa at pinagpatuloy ang pag-iyak.

"Baby," he whispered and went behind me. "Shhh," he mumbled and starts kissing my shoulder.

Hindi ako nagsalita at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa laruan ni Gabriel.

"Tahan na, mababawi na natin siya." Natigil ako sa pag-iyak at mabagal siyang nilingon hanggang sa nagtama ang aming mga mata.

He smiled at me and wiped away my tears.

"May lead na kami. Alam na namin kung nasaan ang anak natin." Nakangiti niyang sabi.

Muling nagpatakan ang mga luha mula sa mata ko at mabilis siyang niyakap habang may kumakawalang mga hikbi mula sa aking labi.

"S-sasama ako," pagprisinta ko nang humiwalay ako sa kanya.

"Pero---" bago pa man din siya umangal ay inunahan ko na agad siya.

"Please. Gusto ko na makita ang baby natin, gusto ko na siyang mayakap, gusto ko na siyang makarga, mahalikan, gusto ko na siyang makasama. Please, Jake. Isama mo ako," pagmamakaawa ko habang mahigpit na nakakapit sa damit ni Jake.

Kulang na lang ay lumuhod na rin ako pero agad niya akong pinigilan nang akmang gagawin ko na sana iyon.

"Okay, shhh, don't cry. Change your clothes, hihintayin kita sa baba," utos niya at agad din naman akong tumango.

Hinalikan niya muna ako sa noo at sa labi bago lumabas ng nursery.

Ako naman ay bumalik sa kwarto namin at kumuha ng damit mula sa cabinet at nagmamadali itong sinuot.

Makaraan ang ilang minuto ay tumakbo na ako pababa ng hagdan at sinalubong naman ako ni Jake tsaka hinila palabas ng bahay.

Naghihintay na dun ang ibang mga tauhan na kinuha niya para tumulong sa paghahanap sa anak namin.

Pagsakay namin sa loob ng kotse at agad niya rin itong pinaandar palabas ng gate habang ang mga tauhan niya ay nakasunod sa amin sa likod.

Maya-maya pa ay nakarinig na rin ako ng mga siren at nang tumingin ako sa side mirror ay dun ko lang napansin na may nakasunod din sa amin na mga pulis.

Mabilis na ang pagpapatakbo ni Jake pero tila ang bagal ng andar namin at parang mas mabilis pa ang pagtibok ng puso ko.

Kinakabahan ako. Baka kapag nakita kami ng kidnapper ni Gabby ay bigla niyang saktan ang anak ko.

So many thoughts flooded my brain and I didn't even realized that we're already here. Sort of...

"Ate, kuya," sila Freya agad ang sumalubong sa amin nang makababa kami ng sasakyan.

"Any news?" tanong ni Jake nang makalapit na rin siya sa pwesto namin.

"Yes, nalaman na ni Alena na nandito tayo. She refused to give Gabby back and turn herself in," kwento niya ngunit halos mabingi ako nang muli kong marinig ang pangalan ng babaeng 'yon.

"S-si Alena? S-si Alena ang dumukot sa anak ko?" nanginginig kong tanong.

"Oo, Dri. Nakatakas siya mula sa bilangguan. It turns out, napaikot niya ang ibang pulis kaya natulungan siyang makatakas dun," si Trev na ang sumagot.

"All this time, n-nasa kanya lang 'yung a-anak ko," tears began streaming down my face as I held my chest.

My heart is beating rapidly.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Jake sa akin at mas lalo akong inilapit sa kanya dahilan para sumubsob ang ulo ko sa dibdib niya.

I could hear his heart beating so fast.

"We'll get our son back, okay? Makukuha natin siya," pag-alo niya at tanging tango lang ang ginawa ko.

Agad akong napatili nang makarinig ako ng mga putukan na nagmumula sa loob ng bahay.

"Jake, 'yung anak natin!" naaalarma kong sabi nang lumabas si Alena dala ang anak ko.

"Stay here," mariin niyang utos at mabilis na lumapit kila Alena ngunit agad siyang tinutukan ng baril ni Alena.

"One more move and he's dead," banta niya at itinutok sa ulo ng anak ko ang baril.

Lalapit sana ako pero mabilis akong pinigilan ng mga kapatid ni Jake.

"Alena, put the gun down. We can talk about this," kalmadong sabi ni Jake.

"Talk about what? Everything is ruined, Jake! You ruined my dream wedding! You ruined my life!" she yelled. "Akala mo ba hindi ko malalaman ang plano mo nung kasal natin?" she laughed like a psycho. "You ruined my life, Jake. Wala akong ibang ginawa kundi mahalin ka at ibigay sayo ang lahat tapos iyon ang gagawin mo sa akin?" punong-puno ng hinanakit ang boses niya.

"It's your fault in the first place, iniwan mo si kuya. Tatanga-tanga ka kasi," bulong ni Freya.

"Tumigil ka nga, nagd-drama oh, basag trip ka," angal ni Trev sa kapatid niya.

"Look, I know what I did is wrong but you don't have to involve my son here! He's a goddamn child, Alena! He's still a baby nung kinuha mo siya sa amin!" Sigaw ni Jake pero tumawa lang si Alena.

"Don't worry, babe. I took care of him for over a year. Kapag pinatay ko siya, parang pinatay ko na rin ang lalaking mahal ko. He has your eyes, your nose, your hair. How could a kill a child who looks exactly the man I loved?" 

"Look, ano bang gusto mong gawin ko para ibalik mo sa amin ang anak ko?"

"Oh that's easy, Jake." Ngumiti na parang may binabalak si Alena.

Mula sa ngiti niya ay alam ko na agad kung anong gusto niya.

She then turned her gaze on me which was quite confusing.

"Kill her."

To be continued

Continue Reading

You'll Also Like

826K 11.7K 34
Akala ko hanggang kapatid nalang ang magiging tingin namin sa isa't isa. Nagkamali ako dahil maling hinala ang gumambala sa utak ko. - Kilalanin si...
121K 2.3K 39
Cassandra Leigh Falcon ang pinakakilala na nerd sa Himalayan High University kaya siya naging kilala dahil naging jowa siya ni Ashton Lucas Monteverd...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
25.1K 472 19
[Completed, 2022] Les Tendres Series #1 || Tender Love Series "When you don't have money, how far away are you willing to go just to earn it?" An unl...