I Met A Gangster Whose Name I...

By Momo_Ayren

123K 3.3K 489

Gangster! Gangster! Bwisit na Black sheep! Nagkita kami ng dahil sa isang kuting at na-develop ng dahil sa is... More

Prologue
Attention
Meetup 1
Meetup 2
Meetup 3
Meetup 4
Meetup 5
Meetup 6
Meetup 7
Meetup 8
Meetup 9
Meetup 10
Meetup 11
IMAGWNIN Specials (OVA)
Meetup 12
Meetup 13
Meetup 15
Meetup 16
Meetup 17
Meetup 18
Meetup 19
Meetup 20
Meetup 21
Meetup 22
Meetup 23
Meetup 24
Meetup 25
Meetup 26
Meetup 27
Meetup 28
Meetup 29
Meetup 30
IMAGWNIN Specials (OVA 2)
Meetup 31
Meetup 32
Meetup 33
Meetup 34
Meetup 35
Meetup 36
Meetup 37
Meetup 38
Meetup 39
Meetup 40
Meetup 41
Meetup 42
Meetup 43
Meetup 44
Epilogue
∞Sweet letter∞

Meetup 14

2.3K 78 6
By Momo_Ayren

Meetup 14: Yet the tears just won't come.

Property of Momo_Ayren

Date updated: June 6, 2015

(Nike's POV)

"Y-yung k-kapatid ko po?",tanong ko. Mas lalo pang lumungkot ang mukha ni Mang Berto. "May kapiraso po ng damit niya ang nakita namin di kalayuan sa lugar kung saan nahulog kayo miss Ele.",sabi ni Mang Berto at di na niya mapigilan ang pag-iyak. "Miss Ele, miss na miss na po namin kayo dito. Ang akala po namin patay na din po kayo p-pero...buhay pa pala kayo.",sabi niya habang umiiyak.

T-teka, bakit w-walang luha ang pumapatak mula sa mga mata ko? Diba dapat maiiyak ako dahil sa mga nangyari sa nakaraan? Nike, bakit nung namatay si mama eh iyak ako ng iyak tapos ngayong nalaman ko na patay na pala ang mga totoo kong magulang at kapatid eh...bakit walang luha? Nike, naging heartless ka na ba? O sadyang sikretong malupit lang yan ng puso mo?

Tinatapiktapik ko naman ang likod na mang Berto. Gusto kong umiyak pero walang luha ang lumalabas. Patay na ang totoo kong mga magulang. Patay na ang totoo kong kapatid. Patay na ang totoo kong pamilya. Nag-iisa nalang ako. Wala na akong mapupuntahan pang iba. Wala akong maalala sa nakaraan ko pero bakit...bakit walang luha ang lumalabas galing sa mga mata ko?

"Miss Ele, wag na po kayong umalis.",sabi ni Mang Berto habang umiiyak tapos hinawakan niya ng mahigpit ang mga braso ko. "Mang Berto...",yun nalang ang nasabi ko.

"Miss Ele, pakiusap. Miss na miss ka na namin. Kailangan ka namin dito miss.",sabi niya pa. Naaawa ako kay Mang Berto and at the same time naaawa din ako sa sarili ko.

Kung alam ko lang sana kung ano ba talagang nangyari.

———————

"What's that?",nandidiring tanong ni Athena doon sa bata na may hawak hawak na parang uod. "Ano po ang ibig sabihin ng sinasabi niyo?",tanong naman ng bata tapos kinain niya ng buhay ang uod.

HA?

Kadiri.

Mas lalo pang nandiri si Athena sa mga nakita niya. "Nagtatanong siya Elmer kung ano daw yung kinain mo.",sabi naman ni Poseidon tapos inakbayan si Athena. Sinipa naman ni Zeus si Poseidon at nag-ala karate kid si Zeus tapos ayun nag-aaway na yung dalawa. Dedma naman kami. Paminsan kailangang magsuntukan ang mga lalaki. Mga lalaki nga naman di ko maintindihan.

"Ahhh, pagkain po yun...gusto niyo po?",tanong ng bata kay Athena. Syempre na-shock kami. Nandidiri naman ang mukha ni Athena.

"They are showing us there hospitality, have some respect.",sabi ni Black sheep sa kanya. Infernes, bumabait na eh. Hinayhinay namang kinuha ni Athena ang uod sa bata tapos hinayhinay niya ding nilagay sa bibig niya at ninguya. Eh?

Kahit hindi ako yung pinakain...nandidiri ako.

"Miss Ele, kumain po kayo! Paborito niyo po ito diba?",tanong ng bata. H-huh? Ako? Paborito yan? "Ahhh...eh...",

"Ihhh...oooo...uuuu?",sabi naman ng bata. "Miss Ele natatandaan ko parin po yung mga tinuro niyo sa akin. Gusto niyo po bang turuan pa ako ngayon?",dagdag pa ng bata. Eh?

Hinayhinay ko namang kinuha ang uod pero inagaw ito ni Black sheep sa akin at kinain niya. HA?

"Masarap siya.",sabi ni Black sheep habang ningunguya ang uod. EH?

"Yes, it is so delicious. I never knew na kinakain pala ang mga uod.",sabi ni Athena habang nguya ng nguya ng mga uod sa bibig niya. "Pa-try nga.",sabi ni Artemis tapos kumain na din siya ng uod. Ganun din si Apollo. "Mmmm...masarap nga.",sabi ni Artemis tapos ang kanina lang na nag-aaway na Zeus at Poseidon eh naki-kain na din. "Masharap siya.",sabi ni Zeus. Tumango tango naman si Poseidon. Ngumiti naman ng malapad ang bata at umalis na. Pagka-alis at pagka-alis ng bata eh niluwa naman nila agad ang uod. "Wahhhh~~ penge tubig!",sabi ni Zeus. "Kadiri, parang sip-on.",sabi ni Artemis.

"Daliii...tubig~",sabi ni Apollo tapos nagpagulong gulog na sa sahig si Zeus habang hawak hawak ang leeg niya. "Jusko, mamatay nako. despedida mis amigos (Farewell my friends)",sabi niya.

Sinasabi ko na nga ba, PINIPILIT LANG NILA ANG MGA SARILI NILA. "Nike, tubig please~",sabi ni Apollo habang nakadapa na sa sahig. "Mamamatay na ako.",dagdag niya pa. Dali dali naman akong kumuha ng tubig dun sa bahay at pina-inom sa kanila. Kung sinabi nalang sana nila ang totoo eh hindi nila mararanasan yung ganun.

"Nike, ang swerte mo...may taga-kain ka.",sabi ni Zeus sa akin. Ngumiti nalang ako dun tapos nagpasalamat kay Black sheep. Nag-blush naman yung mokong.

"Guys, I need to eat true food.",sabi ni Athena. "Sinong magluluto?",tanong ni Poseidon. "Ako nalang.",nag volunteer ako tapos ayun nagluto na ako. Ito pala ang dahilan kung bakit nag grocery kami ni Black sheep at yung mga damit eh para sa mga susuotin namin. Di naman nila ako kailangang bilhan ng damit eh. Kung sinabi lang sana nila naka-impake na siguro ako ng gamit. Nung naluto na eh pinauna ko nalang muna silang kumain. Busog pa naman ako eh.

"Uhh..guys, thank you nga pala.",sabi ko. Nagtinginan naman sila kasama ang mga naka-question mark na mukha. "Bakit ka nagt-thank you?",tanong ni Artemis. "Eh...kasi, kung hindi niyo ako dinala rito...baka...alam niyo na.",sabi ko ng nahihiya. Tumawa naman sila.

"Diba Nike, I said you na we will NEVER let you down?",sabi ni Athena. "Eh kasi...",

"Ano ka ba naman Nike, maliit na bagay. Ok lang wag ka na magpasalamat.",sabi naman ni Artemis. Ngumiti nalang ako tapos nakisabay na ng kain.

Pagkatapos naming kumain ayun tinulungan ako ni Artemis na maghugas ng mga pinggan total medyo alam daw niya kung paano. Gusto sanang tumulong ni Athena pero pinigilan siya ni Black sheep. Mauubos lang daw ni Athena yung plato. Nasaan si Athena? Andun sa gilid depress na depress. Pagkatapos namin ng lahat eh lumabas na muna kami ng bahay. Habang naglalakad eh nakita namin si Mang Berto na pinapakain ang mga alaga niyang manok. Nilapitan naman namin. Ayun tinulungan nalang namin siya. Ang dami kasi eh atsaka nahihirapan na maglakad si Manong kaya ayun pinaupo nalang muna namin.

Habang nagpapakain eh napansin namin si Zeus na sinusuri ng maayos ang isang manok tapos ang tahimik niya. Naka-focus talaga siya.

"Zeus, bakit nakatunganga ka lang jan?",tanong ni Artemis.

"Nakaka-depress kasi eh. Ano bang mas nauna? Itlog ng manok o manok?",tanong niya. "Syempre, manok.",sabi ni Poseidon. "Eh asan ba nanggaling ang manok? Eh di sa itlog.",sabi naman ni Apollo. "Eh asan din ba galing ang itlog? Eh di sa manok.",sabi naman ni Black sheep. Oo nga noh? Ano nga bang mas nauna? Ayun nag-aaway na yung apat habang kaming tatlo nila Artemis eh nagpapakain parin ng manok. Bahala sila jan. Wala ako sa mood para awatin sila. Dinedma ko lang sila hanggang sa biglang sumakit ang ulo ko. Kagaya to kahapon. Ang sakit grabe. Napahawak nalang ako sa ulo ko at nagsisigaw na sa sakit.

"AHHH!"Sigaw ko sa sakit tapos may bigla nalang lumabas sa isip ko.

"Ate Ele, Wag mo'ko kalimutan ah?",

Sino ka ba?

Tapos nun hinay hinay naman na nawala ang sakit ng ulo ko.

"Nike, okay ka lang ba?",tanong ni Apollo.

"Gag*, alam mo na nga na nagsisisigaw si Nike sa nararamdaman niyang sakit ng ulo niya tapos tatanungin mo pa kung okay lang siya. Syempre di siya okay!",sabi ni Zeus.

"Nike, okay ka na?",tanong naman ni Black sheep. Tumango naman ako.

"May naaalala ka na naman?",tanong ni Artemis. Tumango uli ako.

"Ano?",tanong ni Black sheep. "Isang babae na naman. Sinabi niyang, huwag ko daw siya kalimutan.",sabi ko. Tinulungan naman nila ako sa pagtayo ng maayos tapos binigyan nila ako ng tubig.

———————-

Andito kami sa isang patag na lugar. Ang ganda ng view. Feeling ko nakapunta na talaga ako dito. Sabi naman ni Mang Berto ito daw ang paborito naming magkakapatid na playground. Ang patag kasi tapos parang...park lang siya. Bagay mag picnic dito.

"ZEUS! ASTA LAVISTA!",sigaw ni Apollo tapos kumaripas ng takbo. Tawang tawa naman si Artemis. Kanina pa silang anim na naghahabulan. Andito lang ako sa ibabaw isang puno. Wala akong balak na sumali. Di ko pa trip.

Naaalala ko lang. Bakit, sobrang sakit nung nalaman ko na patay na si Mama tapos nung nalaman ko na patay na ang totoo kong pamilya bakit wala man lang pumapatak na luha? Nag-iisa nalang ako. Wala na akong pamilya. Wala na akong mapupuntahan. Wala na.

Lord, ano bang ginawa mo sa akin at di ko man lang kayang iyakan ang totoo kong pamilya na ngayo'y alam kong patay na? Ang kapatid ko na di ko alam kung buhay pa ba o nawawala lang? Bakit di ko sila kayang iyakan? Nag-iisa nalang ako.

Baka naman Lord ginawa mo'kong heartless?

Napabuntong hininga nalang ako. Mama, Kuya, miss na miss ko na kayo. Si Kuya Hermes nga pala nasa probinsya. Pinaalam niya sa mga kamag-anak namin o sabihin na nating mga kamag-anak nila ang nangyari kay mama. Hindi ko na alam kung ano pang layunin ko sa buhay. Gusto ko lang naman eh makita ni mama na gumaduate ako, gusto kong makita niya akong ikakasal, gusto kong makita niya ang mga apo niya at higit sa lahat gusto kong makita niya akong masaya sa huling pagkakataon.

Mama! Bakit kailangan mo pa akong puntahan? Sino ba kasi ang babaeng yun at napagkamalan mong nanay ko siya? At bakit ako hinahanap ng babaeng yun?

"Nike, may sapa daw sa di kalayuan. Gusto mong pumunta doon?",tanong ni Artemis. "Ahhh...sige.",sabi ko. Pumunta naman kami doon. Ahhh, nasabi ko bang nagdala ako ng libro? Ahe, wala kasi akong trip at ayun. Habang naglalakad eh may napansin ako sa mga puno na nadadaanan namin. Ang lalaki nila tapos ang lalapad. Parang pang pelikula lang ang scene dito.

"Waa~ Ang ganda~",manghang sabi ni Athena nung nakarating na kami doon sa sapa. Napanganga naman kaming lahat. Ang ganda nga niya. Pramis.

"Gusto ko nang maiyak. Penge tissue.",sabi ni Zeus at nag-acting na parang iiyak.

"Yak, kadiri ka.",sabi ni Artemis kay Zeus. "Ang gandang scene Artemis babes noh para magpicnic.",sabi ni Apollo. Dumadamoves na naman eh. "Eww,yuck. PDA. Kadiri.",sabi naman ni Zeus. Napansin ko naman na parang bumigat ang balikat ko. Tumingin ako sa kaliwa ko. Inakbayan pala ako ni Black sheep.

"Speaking of PDA. EHEM EHEM.",sabi ni Zeus. Tinanggal ko yung kamay ni Black sheep sa balikat ko. Nag pout naman yung pa-kyut na Black sheep. "YAK!Kadiri! Di ka bagay niyan Nikko!",sigaw ni Zeus. Tawang tawa naman sila habang ako napangiti lang. "Manahimik ka nga!",sigaw ni Black sheep. Sa mga ganitong oras parang ang saya ko siguro kung di ko nararanasan ang mga problema ko ngayon. Bakit ba 'to ginagawa ng diyos sa akin? Bakit...kailangang mag-isa lang ako? Hayy. Buhay nga naman. Nabigla nalang ako ng bigla akong hinila ni Black sheep sa kung saan at nakarating kami sa isang kakaibang puno.

"Umupo ka.",sabi niya.

"Asan?",tanong ko.

"Dun sa may ugat ng puno.",sabi niya. Sinunod ko naman siya tapos eh umupo din siya sa tabi ko. "Anong problema?",tanong niya. Di ako nakasagot. "Tungkol ba yan sa totoong parents mo? Nike, Sorry.",sabi niya. Nagulat ako. "Huh? Para saan?",tanong ko sa kanya. "Sorry para sa mga nangyayari sayo ngayon atsaka sorry din sa mga nagawa ko sayo noon. Alam ko masama parin ang tingin mo sakin. Di mo man ako mapatawad, ok lang basta...nakakausap pa din kita.",sabi niya. Napangiti ako.

"Di mo naman kailangan mag sorry. Alam mo, lahat ng iyon nakalimutan ko na atsaka sa nangyayari sa akin ngayon? Problema ko 'to. Kailangan ko tong harapin. Alam ko, mawawala rin yung--",di ko na natuloy ang sasabihin ng niyakap ako ni Black sheep. Nabigla ako syempre. "I'm glad at napatawad mo na ako but tell me. Nawi-wirduhan ako ngayon sa'yo. Tell me, ano bang bumabagabag diyan sa isip mo?",tanong niya. "Alam mo Black sheep, di ko maintindihan eh. Bakit...bakit hindi ako umiiyak? Tingnan mo nga yung sitwasyon ko ngayon. Mag-isa nalang ako. Patay na ang totoo kong pamilya. Nag-iisa nalang ako pero...bakit hindi tumutulo ang mga luha ko? Gusto kong umiyak pero walang nahuhulog na patak ng luha galing sa mga mata ko. Bakit?",tanong ko. Nabigla nalang ako ng bigla niyang nilapit ang noo niya sa noo ko at napapikit siya. "Alam ko ang dahilan kung bakit hindi ka naiiyak, kung bakit walang luha ang pumapatak sa mga mata mo.",sabi niya. "Kasi...alam ng puso mo na andito ako, si  Athena, Artemis, Zeus, Apollo at Poseidon pati narin si Kuya Hermes. Nike, di ka nag-iisa kasi andito pa kami. Hinding hindi ka namin iiwan kasi mahalaga ka sa amin at gagawin namin lahat para mapanatili ang mga ngiti mo araw araw.",dagdag pa ni Black sheep.

Nabigla na naman ako ng biglang may likido na nahuhulog mula sa mga mata ko. Naiyak na tuloy ako. Tama si Black sheep. Di ako nag-iisa. Sila Athena. Sila ang pamilya at instant knight and shining armor ko. "Nikko,thank you. Thank you at pina-realize mo sa akin yan.",sabi ko. Natawa naman siya tapos pinunasan niya ang mga luha ko. "Wag kang maiyak. Naiiyak na din ako.",sabi niya. Natawa na naman ako. "Baliw!",sigaw ko sa kanya tapos niyakap ko siya.

Tama si Black sheep. Di ako nag-iisa. Kasi andito pa ang mga kaibigan ko at sila ang po-protektahan ko kasi ang mga kaibigan ko nalang ang gagabay sa akin sa kung anong daan ang tatahakin ko.

---------
Pasenya at matagal nag UD.

VOTE.

COMMENT.

SHARE.

-Ayrenxx

Continue Reading

You'll Also Like

53.1K 851 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
63K 4.3K 38
Kapag tumibok nga raw ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kahit alam mong bawal, ipagpapatuloy mo lang. Handa mong ipaglaban ang pagm...
216K 5.8K 70
[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PUSO nila?❞ [‼] WARNING: Kung kayo po'y...
2.9K 479 54
What happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will...