*Kath’s POV*
Whew! Kapagod! Kakatapos lang ng practice namin para sa JS. So sad ibang year ang partners namin kaya hindi ko makakapartner si Daniel L Pero okay lang yun. Si Allen naman yung partner ko eh ^__^ crush ko yun eh, Shhh lang kayo ah!
“Aww wawa naman baby ko, pawis na pawis” sabi ni Daniel tas pinunasan niya yung pawis ko.
“Sino partner mo?” tanong ko sakanya
Bigla naman siyang napabusangot at ibinato yung panyo na pinangpunas niya ng pawis ko.
“si Gene!!” walang gana niyang sagot.
Napangiti naman ako dun. I so love him! Kase imbis na entertainin niya yung mga haliparot eh hinahate niya na lang <3 Bestfriend kasi ni Alliah si Gene, so what do you expect! Malamang pareho ang dalot ng dugo nung dalawang yun!
Hinawakan ko yung kamay niya, “Hayaan mo na yun! Kapag nilandi ka, tawagin mo ako! Sasapakin ko yun!” banta ko.
Ngumiti siya saakin at inaya na akong umuwi, pagabi na rin kasi eh. Tas bukas na yung JS. So dapat makapag beauty rest na xD
“…..sunduin kita bukas ah!” sabi niya bago ako makababa ng kotse niya.
Umiling ako, “Di na! hahatid naman ako nila Daddy eh”
Nagpout siya tas yung facial expression niya parang pinagsakluban ng langit at lupa.
“Drama neto! Sige na bye bye! Salamat! See you tomorrow! Wag masyado magpagwapo ha!” bilin ko sakanya tas tumawa kaming dalawa.
Inantay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok ng bahay.
*Daniel’s POV*
Pagkadating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Yaya.
“Oh anak. Bukas nap ala yung prom mo. Sino partner mo? Yung girlfriend mo ba?” tas binigyan ako ni yaya ng ngiting mapang-asar.
Umuling ako, “Hindi nga eh! bwisit!”
“Sayang naman” halatang nanghihinayang din si Yaya, “Di mo pa napapakilala saakin yung girlfriend mo nay un ah!”
Oo nga no! di pa siya kilala ni Yaya!
“Ikaw kase eh! kapag nandito siya parati kang wala! Sige, after ng prom, dadalhin ko siya dito”
“Oh sige sige! Ipagluluto ko pa kayo!”
Niyakap ko si yaya, “Salamat, yaya! Sige po, akyat na ako. Kailangan gwaping ako bukas!” sabi ko sabay kindat.
“Susme kang bata ka! Kahit wag ka na maligo gwapo ka pa din!”
“Bolera!” sagot ko kay yaya tas tumawa kaming dalawa.
After non, umakyat na rin ako para matulog.
*Kinabukasan*
*Kath’s POV*
Maaga akong nagising ngayon. Magpapamanicure and pedicure pa kase ako, tas yung hair and make up ko pa! ang hirap talagang maging babae -_-
“Kath, Here’s your gown!!” sigaw nila mommy habang papasok ng pinto.
Pagkakita ko sa gown ko, napanganga ako! Ang ganda!
“Mom, you made this?!” tanong ko
“Of course! Para sainyo, kaya kong gumawa ng ganyan!” proud na sagot ni mommy
Tapos non naggroup hug kami kasama yung mga sisters ko.
“Sige na. umupo ka na lang jan. I’ll be your make up artist” sabi ni ate k-La
“And I’ll be your hair stylist” sabi naman ni ate Shereen.
Tapos ayun na nga, sinimulan na nila akong ayusan. Habang inaayusan nila ako, nakatingin lang ako dun sa gown ko. Ang gandaaaa talaga <3
Color blue siya na long tail.
(Multimedia)
…After 3 hours.
All set! Ready na kami! Ayus na yung hair and make up ko.
Excited na akoooo! Sino kaya yung magiging first and last dance ko? ^_^
On the way na kami sa venue. At para akong artista na may mga kasamang paparazzi! Sila ate kasi eh! picture ng picture.
Di na nagsawa sa maganda kong mukha! Chos! xD
After 30 mins drive, nakarating na rin kami sa Resorts worlds manila. Dun kase yung venue ng prom.
Pagkababa ko ng car, syempe todo alalay ang mga PA este sisters ko. Pati si daddy xD
Habang naglalakad ako sa red carpet, Oo may red carpet dito! Tarush! Ang daming nagpapapicture at nag pipicture saakin. Akala mo may dumating na artista xD
Pagkapasok ko, sinalubong kaagad ako ni Allen. Ehe ang gentleman ^_^
“Hoy ikaw! Alagaan mo ‘tong baby sis namin ah!” bilin nila ate kay Allen.
“Oo naman po” sagot ni Allen sakanila. Tapos pumila na kami para sa entourage.
Haggang sa pagpila naming sa entourage, ang dami pa rin nagpapapicture saakin. Tas si Allen yung nagiging photographer. Wawa xD
Ultimo nga si Kieffer Ravena nagpapicture saakin eh XDD
After a hundred shots, natigil na rin yung mga fans ko.
“Taray mo Kath! Para kang Hollywood star ah!” puri saakin ni Allen
“Thank you!! Baka gusto mo magpapicture, sabihin mo lang” dalii na uyy papicture ka na sakin XD Taglandi
“Sige na nga” tas nagpose kami. Isang formal at isang wacky.
“Ehem!” natigil kaming dalawa nung may umepal. Paglingon naming sa likod, nakita kong nakapamewang si Daniel :O
“hoy pare!” lumapit siya kay Allen, grabe ang sama ng tingn niya, “Ingatan mo yang GIRLFRIEND KO ha! pag may nangyari jan, maghanap ka na ng kabaong mo!”
Pansin kong napalunok si Allen.
“Daniel!” saway ko kay Dj. Tumingin naman siya saakin….. poker face. Tas naglakad na siya palayo.
Haaallaaaa! Galit yun for sure! No I mean, selos yun for sure >…<
Hanggang sa matapos yung entourage hindi pa din nagababago yung tiger look ni Daniel. Nakakatakot siya. Nahihiya ako kay Allen, kase wala naman siya ginawang masama tas ganun yung tingin sakanya ni Daniel
Aiissshh! Nevermind! Eenjoyin ko na muna ‘tong event na to!
So ayun na nga, nagcotillion na kami. Nung nakita ni Daniel na si Allen pa din yung partner ko. Bigla siyang tumayo at hindi ko alam kung saan siya nagputa -____-
After ng dance, todo alalay pa din saakin ang partner ko. At hindi ko na talaga nakikita si Daniel </3 Kasi naman ehhhhhhh :’(
After ng cotillion nagdinner na kami. Tas awarding na. Whooo!
“The best in attire goes to….Ms. Kathryn Chandria Bernardo and Mr. Daniel John Padilla” nagpalakpakan lang ng mga tao.
Nagpunta na ako sa front para kunin yung sash and trophy ko, pero si Daniel…. Wala pa din siya!
“Once again, may we call on Mr. Daniel Padilla” sabi ulit nung emcee
Pero wala pa din!Daniel naman ehhhhhhhh :’(
“Okay, let’s proceed to the Couple of the night. Our couple of the night title goes to Ms. Kathryn Bernardo and Mr. Allen Ariolla!!”
Waaaahhh!!! Ano ba!!! lalong magagalit si Daniel :’( ayoko naaaa!!
Ayoko sanang tumayo pero hinila ako ni Allen :’(
After naming awardan bumalik ako agad sa seat namin.
Marami pang award ang binibigay pero hindi na ako nakikinig. Hinahanap ko si Daniel, pasulput-sulpot kase yun eh! tas biglang may disappearing action! -____-
“Our prom princess is Ms. Kathryn Bernardo!!” nabalik ako sa realidad nung narinig ko yung pangalan ko. Wala sa sarili akong nagpunta sa harapan para kunin yung crown and trophy ko.
Pilit lahat ng ngiti ko sa picture. Si Daniel kase eh! hindi siya maalis sa isipan ko!
“Okay, mukhang bad vibes si Ate Kath ah. Don’t worry. Our prom prince is Mr. Daniel Padilla!” tas nagpalakpakan sila. Sawakas pumunta din si Daniel dito sa harapan. Sa limang award niya, ito lang ang tinaggap -____-
Nagpapicture na kami. Pero hindi pa din niya ako pinapansin. Bumalik na kaagad siya sa upuan niya. Ano ba!!! nafufrustrate akooooo!
After ng awarding ceremony, Free dance na!! ang pinakahihintay ng lahat! Kase you’ll get a chance to dance with whoever you want. Una, party party muna yung sayawan. Then after 15mins. Naging slow na, kaya I decided na bumalik na sa seat ko at umasang isasayaw ako ni Daniel </3 Gusto ko siya ung first dance ko!
Nagulat ako nung umupo din sa tabi ko si Allen.
“Oh? Bat andito ka? Makipagsayaw ka na dun! Ikaw lang ang lalaking nakaupo oh!” Lahat kasi ng boys may kasayaw na
“Di na. sasamahan na lang kita!” sabi niya
Napabuntong hininga na lang ako at hinanap ulit si Daniel. Nakita ko siya….. kasayaw si Alliah </3
“Hoy! Bawal magdrama dito! Ienjoy mo na tong event na to! kung si Daniel nga iba yung sinayaw eh, gantihan mo dapat! Dali!” sabi ni Allen, “Siguro walang gustong makipagsayaw sayo no?! kase takot sila kay Daniel! Sige na. ako na ang maglalakas loob! Can I have this dance?” tanong niya saakin sabay offer ng kamay
(Plaaayyy --à)
Tama nga yung sinabi niya, I should enjoy this event. I took his hand and walks towards the dance floor.
“Oh, bat ang sad mo pa din?” tanong ni Allen habang sumasayaw kami, “Smile na uy! Kasayaw mo na nga yung pinakagwapong nilalang sa school eh!”
Binigyan ko siya ng WTF-look
“De joke lang. sabi ko nga si Daniel yung pinakagwapong nilalang sa school” tas nag peace sign siya.
I sighed, “Let’s just forget about him, for a while. Please?” sabi ko. Nagnod naman siya at nagpatuloy na kami sa pagsasayaw.
Nung mejo napagod na kami, nagdecide kami na umupo na muna. Pero hindi pa nga ako nakakaupo, may nag-ask ulit na sumayaw. Nakakahiya namang tumanggi diba?
Marami ngang nag-ask sakin magdance. Pero yung kanina ko pa iniintay na lumapit saakin…. Ayun, may ibang kasayaw. Tas parang ang saya-saya pa niya </3
Lord, sorry na po kung ano mang nagawa ko kay Daniel. Please lang po, sana tigilan na niya yung ginagawa niya. Ang sakit sakit po kase eh </3
After almost one hour of dancing with different guys, I had a chance to take a rest. Tinaggal ko muna yung high heels ko, kase ang sakit sakit na talaga ng paa ko. Habang nakaupo ako at nakatanaw sa Daniel sa may ibang kasayaw, I felt so alone. Parang lahat ng nasa hall na yun, Masaya. Ako lang ang hindi. Even Allen na paupu-upo lang kanina.
Ang sakit pala. Akala ko perfect na yung relationship namin. Akala ko, hindi ako makakaramdam ng ganito mula sakanya. Pero I was wrong, I’m so stupid to force myself to believe that ‘Perfect relationship’ does exist! Ughhh! >….<
______________________________________________________________________
Tagal kong hindi nakapag-UD. sabog po kase yung utak ko, sorry Vm.
Alam ko na iniisip niyo!
"Hoy Author! angtagal mo na nga kaming pinaghintay, tapos ganito pa yung UD mo! may tampuhan! pwe!"
Ahihihi xD
VOTE.COMMENT.RECOMMEND
- Jenn <3