Living With SB19

By Angel_Jangmi

26.9K 851 182

Who would've thought that I'd be stuck in this house? Who would've thought that I'd be living with SB19 becau... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
13
14
15
16
17
18
19

12

828 28 4
By Angel_Jangmi

Naghahalungkat ako sa damitan ngayon kung ano bang pwede kong maisuot mamaya sa pagsu-swimming namin. Hindi ako makapili! 


What if mag-bikini nalang ako? Charot, HAHAHAHAHA! Hindi pang bikini ang katawan ko, jusko kaya 'wag nalang!


Itong white na denim shorts nalang siguro? Parang ang iksi pala masyado. O itong isa nalang kaya? Or ito ba? Sige itong sky blue na shorts nalang. Kumuha na rin ako ng sando. 


Patango tango lang ako dito sa kwarto na parang baliw dahil kinakausap ang sarili. Naligo na ako pagkatapos magdecide kung anong isusuot. Magtatanghali na rin nang maisipan ko nang bumaba. Naririnig ko ang ingay nila sa may pool area kaya doon ako dumiretso.


Nag-aayos na pala sila doon. Si Ken at Sejun ang nag-aayos 'nung malaking payong, naglagay kasi sila sa gilid ng pool para daw doon pwedeng tumambay at maglagay ng ibang snacks. Si Josh nasa may kubo, naglalaro lang habang katabi si Justin na nakikinood sa ginagawa niya.


Kay Stell ako lumapit, naglalagay siya ng mga pagkain sa plato. Tinulungan ko siya doon.


"Grabe, sobrang init!" Pagrereklamo ni Sejun habang nagpapaypay gamit ang kamay niya. 


Lumapit siya sa pwesto namin ni Stell at kumuha ng maiinom. Naglagay siya ng juice sa isang baso at tuloy tuloy na ininom 'yon.


"Tara nang maligo!" Sabi ni Josh at saka tumalon na pool. Sumunod naman agad si Justin.


"Tara na dito, guys!" Aya nila. 


Naghubad bigla ng damit si Ken kaya napaiwas ako kaagad. Sa harap ko pa talaga naghubad! Tumalon na din siya sa pool at sumunod si Sejun na nakapang swimming attire.


"Tara na din doon, Athina." Nginitian ako ni Stell. Nakasuot din siya ng pang swimming attire.


"Sige una ka na, maya maya ako."


Tumango lang siya at sumunod na sa kanila. Umupo ako doon sa upuan na nasa ilalim ng malaking payong, nakatingin lang ako sa abs--- este sa kanila. Sa kanila ako ang nakatingin.


Ang saya nilang panoorin, para pa rin talaga akong nananaginip. 


Napansin kong naglalangoy palapit sa pwesto ko si Justin tapos nakangiti. Alam niyo 'yung ngiting may masamang balak. Kumunot naman ang noo ko dahil kita ko 'yung iba na natatawa.


Anong trip ng mga 'to?


'Nung nasa bandang gilid na ng pool si Justin ay biglang sinabuyan niya ako ng tubig.


"Justin!" Sigaw ko. Basa na ako! Tawa naman nang tawa 'yung iba. May masama naman pala talagang gagawin, haynako!


"Punta ka na rin kasi dito, hahaha!" Patawa tawa pa si Justin.


"Mamaya nga ako!"


"Hindi ka siguro marunong lumangoy 'no?" May pang-aasar sa tono ni Sejun.


Omg! Nalaman niya!


"M-marunong ako, ah! Marunong!" Tanggi ko. Kahit ang totoo ay hindi talaga ako marunong maglangoy.


Sa tuwing nagsu-swimming kami dati ay nasa gilid lang ako palagi kasi nga hindi marunong lumangoy. Tamang buhos lang ng tubig sa gilid, gano'n.


"Weh?" Hindi pa rin naniniwala si Sejun. "Tuturuan ka daw ni Stell, oh!"


Nang-aasar na naman ang isang 'to. Hindi ko alam pero feeling ko alam niya na 'yung pagtingin ko kay Stell. Hindi naman ako obvious, ah!


Umahon bigla si Ken sa pool at lumapit sa'kin. 'Yung abs niya nasa harapan ko, oh my god!


Inilahad niya 'yung kamay niya sa harapan ko. "Tara." Sabi niya.


"Huh?" Nakatingin lang ako sa kamay niya. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.


"Tutulungan kitang maglangoy, hawak ka lang sa'kin."


Napalunok ako, si Ken ba 'to? Bakit ang bait niya na sa'kin bigla. Anong nakain nito?


"Hindi na, a-ayos lang." Sagot ko.


Hindi siya nagsalita at kinuha nalang bigla ang kamay ko. Nagulat naman ako kaya napatayo ako bigla at napatingin sa abs--- sa kaniya! Ano ba 'yan, nadidistract ako sa abs!


Nakahawak pa rin siya sa kamay ko, ang lambot ng kamay niya. Napansin kong nakatingin si Stell sa kamay namin kaya aalisin ko na sana pero hinigpitan ni Ken ang hawak.


"Bibitaw lang ako kapag sumama ka na sa'kin sa pool," bulong niya. He made sure na ako lang ang nakarinig no'n.


"Fine," sagot ko nalang. 


Magkahawak pa rin ang kamay namin hanggang makababa na ako sa pool, nasa gilid lang ako. Lumapit 'yung tatlo, maliban kay Stell, sa pwesto namin at sinabuyan kami ng tubig.


"Susunod ka rin naman pala, e! Gusto mo lang pala susunduin ka, dapat sinabi mo kaagad. Diba Stell?" Makahulugang tiningnan ni Sejun si Stell.


"Oo nga," mahinahon niyang sabi.


Nagseselos ba siya? HAHAHAHA Assuming lang pala yata ako!


"Turuan nalang nating maglangoy si Athina!" Masiglang suggest ni Justin.


"Ako na ang bahala," pagprisinta ni Ken.


Napatingin nalang ako sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nitong nakatingin din sa'kin. I don't know why but I think I felt something. Hindi ko lang alam kung ano 'yon. Basta may something, e.


"Hawak ka sa balikat ko." Sabi niya, sinunod ko lang 'yung sinabi niya at humawak sa balikat niya.


Kita ko sa peripheral view ko na umahon sa pool si Stell. Gustuhin ko mang sumunod sa kaniya ay alam kong hindi ako papayagan ni Ken dahil nga tuturuan niya daw akong maglangoy. Sina Justin naman ay nagkukulitan doon sa may gitnang parte ng pool. Gusto ko rin makipagkwentuhan sa kanila kaya lang malalim na sa parte na 'yon at baka malunod pa ako kapag sumunod sa kanila.


Halos kalhating oras din akong tinuruan ni Ken at medyo gets ko naman na 'yung turo niya pero hindi ko pa kayang pumunta sa malalim kaya nakahawak pa rin ako sa balikat niya. Hindi naman siya bothered at hinahayaan lang akong nakahawak sa balikat niya.


Napansin kong hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Stell, nasaan na kaya 'yon. Nagpaalam muna ako sa kanila na aahon muna. Nagbalot ako ng towel sa katawan bago pumasok sa loob ng bahay pero wala doon si Stell.


Nakita ko si Stell sa may garden, nagdidilig ng halaman. "Stell," tawag ko sa kaniya.


"Oh, Athina."


"Bakit hindi ka pa bumabalik doon?" Tanong ko.


"Bakit miss mo ba 'ko?" He chuckled. "Joke, hahaha."


'Yung pagtawa niya talaga ang nagdadala sa'kin palagi, e. Grabe heavenly voice. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon, hindi naman ganito ang pakiramdam ko dati. Lalapit palang si Stell dati ay kinikilig na ako o kaya naman tinitingnan ko palang siya ay kinikilig na ako, pero bakit ganito?


Nalilito na rin ako!

__________


💙💙💙💙💙

Continue Reading

You'll Also Like

224K 4.7K 47
"You brush past me in the hallway And you don't think I can see ya, do ya? I've been watchin' you for ages And I spend my time tryin' not to feel it"...
107K 2.3K 12
Heathers' Girlfriend Scenarios Includes Characters Such As: -Veronica Sawyer -Martha Dunnstock -Heather Chandler -Heather Duke -Heather McNamara (Cov...
30.2K 788 9
Peeta Mellark has returned to District 12 after spending a month in the capital. Katniss Everdeen has spent a month alone after returning from the Ca...
7.5K 1.6K 8
White rose ~ Young love with a pure heart ~ In every life he comes to find his love ~ πšƒπšŠπšŽπš”πš˜πš˜πš” πšπšŠπš—πšπš’πšŒ ! πšƒπ™Ύπ™Ώ-πš”πš˜πš˜πš” π™±πš˜πšπšπš˜πš–-οΏ½...