A Dream that never came (Sequ...

By Maria_CarCat

3.3M 129K 64.8K

I was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest. More

A Dream that never came
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 (Hunter's)
Chapter 38 (Hunter's)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 23

43.8K 1.8K 1.5K
By Maria_CarCat

Negative




Nakipaglaban ako ng tingin kay Hunter. Nagbabakasakaling may makitang pagsisisi sa kanyang mukha dahil sa sinabi niya.

Mas lalo akong nanlumo ng mapatunayan kong he's decision is firm. Halos manlabo ang aking paningin dahil sa luhang unti-unting namuo sa aking mga mata.

"B-bakit? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang lahat, sa isang iglap ay naging ganito siya sa akin...sa amin ng baby namin.

Hindi siya nagsalita, nanatili ang tingin niya sa akin, mas lalo kong nakita ang mga sugat at pasa sa mukha niya na para bang nakipag-away talaga siya.

Kanino?

"Let's do a paternity test," sabi pa niya kaya naman hindi ko na napigilan at may lumabas ng hikbi mula sa aking bibig.

Pagak ako natawa at kaagad na nag-iwas ng tingin sa kanya. Wala sa sarili akong napahawak sa sinapupunan ko. Itinatanggi ba niya ang anak namin?

"W-wala akong iba..." sabi ko at pumiyok pa.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Naghalo-halo na sila, hindi ko alam kung anong uunahin ko.

Napuno ng luha ang aking mga mata ng muli kong ibalik kay Hunter ang tingin ko.

Marahan akong tumango sa kanya. Iniwan na ako ng lahat, si Mommy...si Daddy, hindi ko kakayanin na pati si Hunter mawala sa akin...mawala sa amin.

"P-payag ako. Pero..." sandaling nahinto ang sasabihin ko dahil sa bigat ng dibdib ko, may kung anong malaking bagay ang bumara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong magsalita.

"P-pero...bakit mo ginagawa 'to, Hunter? Bakit mo ginagawa sa amin 'to?" tanong ko sa kanya.

Ramdam na ramdam ko ang pag guhit ng sakit sa dibdib ko. Hindi lang ako nasasaktan para sa sarili ko, nasasaktan din ako para sa baby ko.

Nakita ko ang bayolenteng pagbaba ng adams apple niya bago siya mariing napapikit at napabuntong hininga.

"Dahil gusto kong patunayan sa lahat na akin talaga 'yan, Ahtisia. Na anak natin 'yan," giit niya.

Hindi ako nakapagsalita, hindi ko talaga maintindihan.

"Anak natin 'to," giit ko.

Tumikhim siya. "Kung ganoon, wala dapat kaso kung gagawin nga natin 'yon," sabi niya sa akin kaya naman hindi na talaga ako nakapagsalita pa.

Nilabanan ko ang tingin niya sa akin. "Pag dumating ang araw...ayokong malaman 'to ng baby ko," sabi ko sa kanya.

Hindi niya deserve na pagdudahan siya, pero dahil kailangan ni Hunter ng ebidensya, ibibigay ko sa kanya 'yon.

Imbes na mag-stay sa kanya ay bumalik na lang ako pauwi sa amin. Lumilipad ang isip ko sa kung saan, na para bang sa isang iglap ay hindi ko na kilala si Hunter.

Siya ang pinaka-kailangan ko sa oras na 'to, pero pati siya ay unti-unting nawawala sa akin.

Imbes na magmukmok ay inipon ko ang lahat ng lakas ko para ipagpatuloy ang sumunod na araw, hindi ako pwedeng maging mahina lalo na't...ako na lang mag-isa, kami na lang ng baby ko.

"Takutin niyo...gawin niyo ang lahat," giit ni Mommy habang nasa hapagkainan kaming dalawa ng sumunod na araw.

Kahit walang gana ay pinilit kong kumain, kahit wala sa sarili ay pinilit kong umakto na parang normal lang ang lahat kahit hindi.

"Subukan ni Arnaldo na bumalik kay Cleo," galit na sabi niya ng ibaba niya ang tawag.

Padabog niyang binitawan ang phone niya kaya naman bahagya akong napa-iktad.

"Eat a lot, Ahtisia. Para naman magka-nutrisyon 'yang utak mo, pare-pareho kayong lahat...mga pabigat sa buhay ko," sabi niya sa akin.

"Ipagtimpla niyo ng tsaa si Ahtisia..." utos niya sa isa sa mga kasambahay.

Kung ano-anong pinapa-inom niya sa akin, hindi ko alam kung para saan 'yon. Pangpatalino daw, memory enhancer. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa utak ni Mommy.

Hinayaan ko siya, pero nang ilapag ng kasambahay sa tabi ko ang tsaa ay kaagad akong naduwal dahil sa amoy no'n. Mabilis akong tumayo para tumakbo sa may kusina dahil sa pagkaduwal.

Halos ma-iyak ako sa tuwing nangyayari 'yon, ang sakit kasi sa lalamunan at dibdib. Bigla akong kinabahan nab aka makahalata si Mommy, hindi pa ngayon ang oras na malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko.

Takot nga ako noon kahit sinabi ni Hunter na siya ang kakausap sa parents ko, mas takot ako ngayon na pati si Hunter ay nagdududa pa.

Dahan dahan ang lakad ko pabalik sa may dinning table, ang bi-bigat ng hakbang ko habang pabalik kay Mommy. Mas lalo akong nakaramdam ng takot nang makita kong prente pa din siyang naka-upo sa inuupuan niya at nag-umpisa ng kumain.

"Anong nangyari sa'yo?' tanong niya. Kalmado ang boses niya...mas nakakatakot 'yon.

"M-masama lang po ang pakiramdam ko...hindi ako nakatulog ng maayos," sagot ko sa kanya.

Mula sa pagkain ay kaagad na lumipat ang tingin niya sa akin, nagtaas siya ng kilay, bago sumingkit ang mga mata niya, mula sa aking mukha ay dahan dahang bumaba ang tingin niya sa katawan ko na para bang ini-examine niya ako.

"Umupo ka na at kumain," sabi niya sa akin.

Marahan akong umiling. "M-maaga po akong papasok ngayon dahil...may exam kami," sabi ko sa kanya.

Binitawan niya ang hawak na kubyertos, pinunasan niya ang labi gamit ang table napkin bago siya tumayo.

Nakangiti siyang lumapit sa akin, namahid ang buong katawan ko ng marahan niyang haplusin ang buhok ko pababa sa pisngi.

"Alam kong mabait kang bata...masunurin, alam kong hindi ka gagawa ng mga bagay na ayaw ko..." nakangiting sabi niya sa akin bago siya humalik sa pisngi ko.

Suot ang cardigan ko ay pumasok ako sa school, sa sobrang takot ko ay kahit hindi pa naman halata ang baby ko ay iniisip ko kaagad na pwedeng malaman ng lahat sa simpleng pagtingin nila sa akin.

"Wala ka nanamang tulog?" tanong ni Hugo sa akin nang maabutan niya akong nakadukdok sa armrest ng upuan ko.

Hindi ako sumagot, naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong pa niya sa akin.

Kahit nakayuko ay tumango ako.

Natahimik siya sandali nang mapansin niyang ni ang magsalita ay hindi ko magawa.

Kahit nakadukdok sa armrest ay aware pa din naman ako sa paligid ko, ramdam kong unti-unting dumadami ang tao sa loob ng classroom namin.

"Nakakahiya..." rinig kong usapan ng mga kaklase kong babae, halos araw-araw silang may baong chismis.

"Kalat nga, nalaman ni Mommy. Muntik na daw ma-hospital si Don Joaquin Escuel sa kahihiyan," sabi pa nila kaya naman na-ikuyom ko na ang kamao ko.

Ako nanaman ang pinagkwe-kwentuhan nila.

Nabalitaan kong galit na galit si Lolo kay Mommy dahil lumabas ang balita, mas lalo siyang nagalit dahil nalaman ni Daddy. Nakaramdam din ako ng galit sa kanila nang malaman kong magka-sabwat silang dalawa para lokohin si Daddy...para lokohin din ako.

Kahit sobrang bigat ng ulo ko ay nagawa kong umayos ng upo ng dumating ang professor namin.

"Salvador, Ahtisia Amelie..." tawag ng Professor ko.

"Present."

Nakarinig ako ng mahinang tawanan.

"Salvador daw..." mapanuyang sabi niya.

Bumaba ang tingin ko sa notebook ko. Naramdaman ko ang hawak ni Hugo sa braso ko para kuhanin ang atensyon ko.

"Hayaan mo sila. Mas maganda ka pa din..." sabi niya sa akin.

Napanguso ako at inirapan siya na ikinagulat niya.

"Sira ka," sabi ko at tipid na ngumiti.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Nasaan si Ahtisia? Hindi ikaw ang kaibigan ko," sabi niya sa akin kaya naman hindi nawala ang ngiti sa labi ko.

"Medrano, Hosea Inigo..." tawag sa kanya ng Professor namin.

"Present, Sir!" nakangiting sabi niya.

Kumunot ang noo ko, alam ko naman ang apleyido niya pero ngayon ko lang naalala ang surname ni Everette. Hindi naman impossible na may kapareha kang surname kahit hindi mo naman kaano-ano.

"Panghuli pa din ako sa class record?" naka ngusong sabi ni Hugo nang harapin niya ako.

Nagkaroon ng ilang minutong break kaya naman inaya ako ni Hugo na pumunta sa cafeteria para bumili ng pagkain, bago lumabas ng classroom ay tiningnan ko pa ang phone ko, walang kahit anong text mula kay Hunter. Hindi kagaya noong una niyang nalaman na buntis ako ay maya't maya ang tanong niya ng update sa amin ni Baby.

Ngayon, wala. Babalik lang siguro talaga ang dating siya kung mapatunayan nga ng test na siya ang Daddy ng baby ko.

Gusto kong matawa sa gusto niyang mangyari, hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na 'yon. Siya lang naman ang nakasama kong gawin ang bagay na 'yon.

"Uy, may meatballs...favorite mo," sabi ni Hugo sa akin.

Tiningnan ko ang tinuro niyang pagkain. Gusto ko 'yon, Oo. Pero hindi ngayon.

Hawak ang sandwich, ilang chocolate bars, at juice ay muli kaming naglakad pabalik sa room. Paakyat pa lang sana kami sa building nang mapahinto kami dahil sa pagdating ni Hunter.

Halos pagtinginan siya ng mga estudyante dahil sa ayos niya. Naka-suot ng kulay puting button down, black slacks, at may suot pang black ray-ban aviator para itago ang pasa sa mukha niya.

"Let's talk," he said. Ramdam ko pa din sa boses niya ang panlalamig.

Nilingon ko si Hugo, tinanguan niya ako. Kinuha niya ang hawak ko para dalhin sa room namin.

"Akin na..." sabi niya nang hinayaan ko siyang makuha ang sandwich at juice, pero hindi ang mga chocolate bars na hawak ko.

"A-ako na dito...baka kainin mo," marahang sabi ko kaya naman natawa siya.

Nang tuluyang maka-alis si Hugo ay sumama ako kay Hunter papunta sa parking lot kung nasaan ang Rover niya.

"Susunduin kita mamaya, kakausapin natin ang Doctor para sa test," sabi niya. Seryoso pa din ang boses.

Hindi ako nagsalita, nanatili ang tingin ko sa kanya. Para bang hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya.

"K-kung diyan ka masaya..." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin. Gumalaw siya sandali para may kuhanin sa backseat. Nakita ko ang paper bag na may lamang pagkain, inabot niya 'yon sa akin nang walang imik.

Niyakap ko ang paper bag at muli nanamang naging emosyonal.

"Bumalik na tayo sa dati..." sabi ko sa kanya.

Ramdam ko ang gap sa pagitan naming dalawa. "Kailangan kita ngayon...Hunter, kailangan ka namin," sumbong ko sa kanya.

"You can still message me kung may gusto ka o kailangan...there's still a possibility na anak ko nga 'yan," seryosong sabi niya. Nanatili ang tingin sa harapan.

"P-pag lumabas ang result, hindi ko alam kung mapapatawad pa kita. Magagalit talaga ako sa 'yo, galit ako sa 'yo...galit kami sa 'yo ni Baby," sabi ko sa kanya at umiyak pa.

Hindi ko na din ma-control ang emotion ko. I'm confident and hundred percent sure na anak niya ang baby ko.

"Hindi ka talaga namin papansinin...hindi talaga," giit ko at kaagad na lumabas sa sasakyan niya yakap pa din ang pagkain na dala niya para sa amin.

Sinundo niya ako hapon ng araw na 'yon para pumunta sa hospital. Tahimik lang ako sa byahe, parehong walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa.

"We can't perform the paternity test yet...we need to wait hanggang mag-14 weeks ang baby," the Doctor said.

Tahimik lang akong nakikinig, wala nga akong interest sa mga sinasabi niya. Gusto ko na lang matapos ang lahat ng 'to para matahimik na ako at ang baby ko. Para matahimik na din si Hunter...para bumalik na kami sa dati.

Tsaka lang nakuha ng Doctor ang pansin nang sabihin niya sa akin ang procedure, pinapakinggan ko pa lang ay parang natatakot na ako.

Nagkatinginan kami ni Hunter. Gusto ko sabihin sa kanyang wag na lang, pakiramdam ko ay masakit 'yon.

" Risks include a small chance of harming the baby and . Other side effects may include , leaking of amniotic fluid, and vaginal bleeding..." sabi pa niya sa amin.

"Bago natin gawin ang test ay kailangan healthy ang mother so that pwede ko siyang bigyan ng Doctor's consent."

Hindi na-alis ang hawak ko sa sinapupunan ko habang naglalakad kami sa hallway ng hospital. Nilingon ko si Hunter at nakitang halos nakatulala din siya habang naglalakad.

"Natatakot ako..." sumbong ko.

Hindi ako natatakot para sa result, natatakot ako para sa procedure na gagawin.

"P-pag iisipan ko muna ulit," sabi niya sa akin.

Ilanga raw na hindi nagparamdam si Hunter sa akin pagkatapos no'n. Wala ba ding pagbabago sa bahay, araw-araw pa ding hinihintay ni Mommy na bumalik si Daddy.

"Anong valid reason para maging exempted ka sa klase ko, Ms. Salvador?" tanong ng Professor ko para sa PE class namin.

Sinadya ko talaga siya sa faculty room at hinintay na maka-usap siya nang masinsinan. Kita ko ang reflection ko sa salamin, halos hindi na ako makalabas ng bahay na walang suot na cardigan, or oversized na jacket.

"I-I'm pregnant..." mahinang sabi ko.

Kita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi niya daw expected ang nalaman.

"Ikaw ang pinakatahimik sa klase ko...hindi ko inakala," namamanghang sabi niya.

Alam ko kung saan nanaman 'to papunta. Na sasabihin nanaman ng mga tao na ang mga tahimik na kagaya ko ay nasa loob pala ang kulo. Sobrang basura ng pag-iisip ng mga taong ganon mag-isip.

Pinagbigyan niya ako na hindi na umattend sa klase niya, sinabi din niya sa akin na mananatiling sikreto ang sinabi ko sa kanya lalo't hindi naman ako bukas sa iba tungkol sa pagbubuntis ko.

Dumiretso ako sa female comfort room para sana maghilamos, sobrang bigat nanaman ng pakiramdam ko, gusto kong masuka pero gusto ko ding pigilan dahil ayoko ng pakiramdam na 'yon.

"So, ilang yatch at private plane na ang meron ka?" Tanong ni Isabella, kasama nanaman niya ang mga ka-grupo niya.

Parang bulang naglaho ang mga issue niya. Ang sabi ay inayos daw kaagad 'yon ng admin nang kausapin ng Daddy ni Sovannah.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," sabi ko at dumiretso sa may sink.

Nanatili siyang nakatingin sa akin.

"What's your surname nga pala? Balita ko kasi hindi ka anak ni Arnaldo Salvador..." nakangising sabi niya sa akin.

Hindi ko pa din siya pinansin.

"Ahtisia putok sa buho..." sabi pa ng isa bago sila nagtawanan.

"That sounds so baduy!" natatawang sabi ni Isabela.

Hinarap ko sila. "Hindi ko alam kung college students ba talaga kayo...para kasing highschool," sabi ko sa kanila kaya naman napatigil sila.

"Ah, highschool..."

Lumapit ang isa sa akin at hinawakan ako sa braso. Nagpumiglas ako sa kanya hanggang si Isabela na ang lumapit sa akin.

"W-wag..." sabi ko at kaagad na iniharang ang magkabila kong kamay sa tiyan ko.

Natigilan sila. "What the..." hindi natuloy ang pagmumura niya ng may namuong konklusyon sa utak niya.

Iniwan din kaagad nila ako kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Pagod kong bumalik sa classroom namin. Nakita kong abala si Hugo sa phone niya at hindi man lang napansin ang pagdating ko.

Nang makita niya ang tuluyan kong paglapit ay kaagad niyang itinago ang phone niya.

"Yuck, totoo nga...parang Lolo ko na 'to," sabi ng mga kaklase ko at nandidiring tumingin sa akin.

Kung dati ay kalat ang balita na nakikipag-date ako sa mga matatandang mayaman, ngayon litrato na mismo ang kumalat. Ilan doon ay ang pagsakay ko sa private plane, sa yate...mga out of the country vacation, private resort, at mga mamahaling hotel.

"Nakakadiri talaga siya."

"Kung ako boyfriend niyan...makikipaghiwalay na ako."

Iyon na ang huling araw na pumasok ako sa school, kahit anong pilit ni Mommy ay hindi na talaga ako pumasok pa. Nakumpiram ko ding nakarating ang mga litratong 'yon kay Hunter, Isa marahil sa dahilan kung bakit nagdududa si Hunter sa akin.

Para linisin ang pangalan ko, para alisin ang mga pagdududa, ako na mismo ang nagyaya kay Hunter na ituloy ang paternity test. Para alisin ang bigat sa dibdib ko, para isalba ang hiya ko para sa sarili ko.

Hindi naging madali para sa akin ang test procedure, kinakabahan ako para sa baby ko at sa akin na din.

"Pakiramdam ko, nakakahalata na si Mommy na may iba sa akin...mas natatakot ako dahil hindi siya nagsasalita," sabi ko kay Hunter.

"Hindi ka na ba mag-aaral? Hindi ka na papasok?" seryosong tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Ayoko ng bumalik doon..." sabi ko.

Nalungkot si Hugo ng sabihin ko sa kanya na hindi na ako papasok. Kahit sabihin pa niya sa akin na kasama ko siya doon, na hindi niya ako iiwanan ay hindi pa din ako nakumbinsi. Sawang sawa na ako.

"Pag labas ng result...haharapin ko ang Mommy mo," sabi niya sa akin kaya naman nabuhayan ako ng loob.

"Kukunin mo na ako sa amin?" sabi ko. Hindi ko ma-itago ang excitement sa boses ko.

Marahan siyang tumango. Hindi ko napigilan ang sarili ko at kaagad na yumakap sa kanya.

"Ayoko na talagang umuwi sa amin...ayoko na talaga," sumbong ko sa kanya.

Kinapitan ko ang sinabi ni Hunter, pakiramdam ko ay makakalaya na ako sa matagal na pagkakakulong. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong kaba para sa result, una ko kaagad inisip kung anong plano niya sa amin pagkatapos ng lahat ng 'to.

"Kung malaman nina Mommy...siguradong sa bahay nila tayo papatirahin. Gustong gusto na nila ng Apo," kwento niya sa akin.

Natahimik si Hunter pagkatapos ng pag-uusap namin. Para bang may malalim siyang iniisip.

"I-I'm...sorry for all of this," he said.

Binasag niya ang katahimikan. "Sobrang gago ko para gawin 'to. Pero gusto kong ipamukha sa lahat...gusto kong isampal sa kanila na ako naman talaga..." giit niya.

"Hunter, ikaw naman talaga...alam kong dahil 'to sa mga litratong nakita mo," sabi ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Para bang nasa kamay niya ang buhay ko...ang kalayaan ko kay Mommy.

"B-basta...basta, kuhanin mo na ako sa amin. Sasama na talaga ako sa 'yo, sasama na talaga ako..." sabi ko sa kanya.

Hindi na ako makapaghintay sa araw ng labas ng result. Kahit ano tuloy sabihin ni Mommy sa akin ay wala na akong pakialam.

Makaka-alis na din ako dito. Hindi lalaki ang baby ko na kasama namin si Mommy.

"Ipapadala na lang kita sa ibang bansa. Sasabihin ko na lang na doon ka nag-aaral kesa malaman ng lahat na may anak akong piniling maging tambay," sabi ni Mommy sa akin.

Pumasok 'yon sa kanang tenga at lumabas sa kaliwa.

Makaka-alis ka din dito, Ahtisia

Unti-unti ko na ding inayos ang gamit ko. Gustong gusto ko na talagang umalis, hindi ko na talaga kayang tiisin si Mommy. Kakalimutan ko ang lahat...maka-alis lang dito.

"Handa na ang mga gamit ko," nakangiting sabi ko kay Hunter habang nasa byahe kami papunta sa hospital para kuhanin ang result.

Tipis siyang tumango sa akin.

Naghalo-halo na ang nararamdaman ko, excitement, kaba, takot. Lahat 'yon ay naramdaman ko ng sabay-sabay. Hindi ko inakala na pwedeng mang-yari 'yon.

Ilang minutong hawak ni Hunter ang envelope ng test result. Kita kong malalim ang iniisip niya, pero ang isip ko ay nasa pag-alis na sa amin.

Mahal ko si Mommy, pero pagod na akong maging sunod-sunuran sa kanya.

Napatitig si Hunter sa papel kung nasaan ang result, pinanuod ko ang reaction niya. Kahit hindi ko na tingnan 'yon...alam ko na ang result.

"Ano..." sambit ko.

Nakita ko ang pagtikhim niya, halos malukot ang papel, nangilid ang luha sa mga mata niya dahil sa...galit?

Padabog niyang inabot sa akin ang papel kaya naman nagulat ako. Mabilis kong binasa 'yon at nagulat din ako sa nakita.

Probability of Paternity: 0%

"S-sandali..." tawag ko kay Hunter.

"Tangina," mura niya sa kawalan.

Ang pag-asa na nakikita ko ay paranag biglang naglaho, para bang biglang isinara ang pinto ng langit para sa akin.

"Nagkakamali lang sila...teka," sabi ko at tangkang babalik sa loob nang hawakan ni Hunter ang magkabilang balikat ko.

"Wag. na. wag ka nang magpapakita sa akin," madiing sabi niya sa akin.

Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya, tumulo ang luha don pero hindi natinag ang galit niya.

"Hunter...mali 'to. Anak natin 'to!" laban ko sa kanya.

"Anak mo sa kung sinong matandang lalaking sinasamahan mo!" asik niya sa akin kaya naman sa bigla ko ay kaagad na lumipad ang palad ko sa pisngi niya.

"Hindi 'yan totoo!" laban ko.

Bumuhos ang luha sa aking mga mata.

"Ayoko ng makita 'yang pagmumukha mo," pinal na sabi niya sa akin bago niya ako iniwan at tinalikuran.

Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako pinakinggan. Sinubukan ko siyang puntahan sa condo niya pero wala siya doon, hindi ko alam kung nasaan.

Halos mawala ako sa tamang pag-iisip nang umuwi ako sa amin. Basang basa ang mukha ko dahil sa luha.

"Ahtisia..." tawag ni Daddy sa akin.

Nagulat ako nang maabutan kong nasa bahay siya.

Kaagad akong tumakbo para yakapin siya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ilang beses niya akong tinanong kung anong problema, hindi ako nakapagsalita, nanatili akong umiiyak sa bisig niya.

"Anong meron dito?" tanong ni Mommy.

"Anong ginawa mo kay Ahtisia?" galit na tanong ni Daddy kay Mommy.

Pagak na tumawa si Mommy. "Wala pa akong ginagawa, Arnaldo. Magsisimula pa lang ako..." sabi niya.

Pilit niya akong hinila palayo kay Daddy para paharapin sa kanya.

"Balak mo akong layasan? At talagang inakala mong hindi ko makikita ang mga maleta mo!" galit na asik niya.

Hindi ko siya sinagot, iyak lang ako ng iyak.

"Hindi ka sasagot!?" galit na tanong niya. Tangkang itataas ang kamay para sana saktan ako ng pigilan ko siya.

"B-buntis po ako, Mommy..." sabi ko sa kanya.

Halos mamuti ang mukha ni Mommy dahil sa narinig.

"Anong sabi mo?" tanong niya.

"Buntis po ako...ayaw niya sa baby ko, ayaw niya sa amin," sumbong ko sa kawalan.

Hindi ko alam kung saan ako tatakbo, hindi ko alam kung kanino ako magsusumbong.

"Punyeta ka!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

Halos mabingi ako sa lakas ng sampal niya. Kaagad akong nasalo ni Daddy ng ma-out of balance ko.

Galit na galit si Mommy, halos mag-wala siya dahil sa nalaman. Ilang vase ang ibinato niya dahil sa galit. Niyakap ako ni Daddy para hindi ako masaktan ni Mommy. Hinayaan ko siya, ininda ko ang lahat ng masasakit na salitang ibinato niya sa akin.

Hindi kinaya ni Mommy ang ibinalita ko sa kanya, halos mamula siya sa galit. Minabuti ni Daddy na dalhin na lang ako sa kwarto ko.

"Wag ka na munang lumabas...wag ka na munang magpakita sa Mommy mo," sabi niya sa akin.

Hindi ako naka-imik.

"Asaan ang ama ng bata?" tanong niya sa akin.

Mas lalo akong na-iyak, hindi ko din alam kung nasaan si Hunter.

Marahan akong umiling bilang sagot kay Daddy, wala na akong lakas na magpaliwanag.

Hindi ako kinausap ni Mommy, hindi din naman kasi ako lumabas ng kwarto ko. Lumipas ang mga araw, gustong gusto kong kausapin ulit si Hunter pero hindi ko naman alam kung hahayaan niya akong lapitan siya.

"Hindi mo bababain?" tanong ni Hugo sa akin.

Nagpasama ako sa kanya sa testing center kung saan gaganapin ang board exam. Ngayong araw ang umpisa ng board exam ni Hunter.

"B-baka...baka mawala siya sa focus pag nagpakita pa ako," sabi ko.

Nanatili ang tingin ko entrance ng university kung saan siya mag-e-exam.

Gusto kong ipakita sa kanya na sinusuportahan namin siya, gusto kong malaman niya na sobrang proud kami sa kanya. Halos ma-iyak muli ako ng mula sa malayo ay makita ko ang pagbaba ni Hunter sa kanyang sasakyan.

Diretso ang pasok niya sa exam venue, gusto kong tumakbo at yakapin siya. Gusto kong magpaliwanag, gusto kong humingi ng second chance. Baka may mali sa result, baka may mali lang.

"Dadalhin ko si Ahtisia sa Sta. Maria..." rinig kong sabi ni Daddy.

"Kahit saan mo dalhin...wala akong pakialam. Basta wag lang makita na buntis 'yang punyentang batang 'yan," galit na sabi ni Mommy.

Halos araw-araw din akong naghihintay ng result sa exam nila Hunter. Kinakabahan ako para sa kanya kahit alam ko namang kayang kaya niya.

"May result na," sabi ni Hugo sa akin nang tawagan niya ako.

Na-iyak ako sa tuwa ng makita ko ang pangalan niya, napahawak ako sa baby ko.

"Ang galing ni Daddy..." sabi ko at pumiyok pa.

Kaagad na kumalat sa social media ang pagiging Top notcher ni Hunter.

"Engineer Hundson Terron Jimenez..." basa ko sa inilabas na post ng university namin.

Sunod sunod na tumulo ang luha mula sa aking mga mata, nanatili ang tingin ko sa litrato niya.

"Sabi mo, papakasalan mo ako pag Engineer ka na? Ang daya mo..." sumbat ko sa kawalan.

"Ang daya daya mo..." umiiyak na pag-uulit ko.



(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 197K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
6.3M 116K 44
COMPLETED ✔️ PUBLISHED UNDER PHR LIB BARE Pomee Fuentez may be married to her first and only love, Chase Dri Grecco, but the ring on her finger mean...
728K 20.1K 69
Alliana Cadice Cortez, a simple lady has secret romance with his childhood bestfriend. Her life was filled with sacrifice but what will happen to her...