Reincarnated as the King's Un...

By Oh_My_Gie

113K 4.1K 427

Nightmare Jinx Croix, ang ikaapat na anak ng hari. The least favored child of the emperor of the Center. Ang... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45

Chapter 24

1.5K 59 5
By Oh_My_Gie

CHAPTER 24

"STOP!! LET MY HUSBAND GO!"


Hindi nakinig si Elijah. Mas lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakasakal sa asawa ng diyosa. Mas malakas ang kapangyarihang taglay ng asawa ng diyosa kumpara kay Elijah, ngunit wala itong silbi kapag si Elijah na kontrolado ng kaniyang kapangyarihan ang kaharap niya.



Sinubukang tulungan ng diyosa ang kaniyang asawa. Isang maling desisyon, dahil duon sa kaniya nabaling ang atensyon ng dalaga. Marahas na binitawan nito ang namumutla ng asawa ng diyosa.



Unti unti siyang naglakad papalapit sa diyosa na nag iisip ng paraan kung paano niya mapapatulog si Elijah. Kailangan nitong mawalan ng malay, dahil kung hindi, mapupuruhan sila.



Masyadong malakas ang kapangyarihan na tinataglay ni Elijah, kahit siya na diyosa, walang laban sa dalaga kapag inilabas na nito ang natatagong apoy nito.





"N..Not my w-wife!" galit na medyo utal na sabi ng asawa ng diyosa. Pinilit ng lalaki na makatayo pero bigla nalang may pumalibot na apoy sa kaniya. Puting apoy.




Nanlaki ang mga mata ng diyosa. "HUWAG KANG LALABAS DIYAN! DELEKADO ANG APOY NA IYAN!" sigaw ng diyosa, nagbalak kasing makalabas sa pumapalibot sa kaniyang apoy ang kaniyang asawa.



Hindi pa man ito nakakaalis dito, tiyak tustado na ito.



Nag-aalala ang mga mata ng diyosa na nakatingin sa asawa niya. Paliit ng paliut ang sakop na espasyo ng kinatatayuan ng asawa niya. Unti unting kinakain ng puting apot ang bawat espasyo sa loob.





"NIGHT, MAKINIG KA. HINDI KAMI KAAWAY, KAKAMPI KAMI. TUMIGIL KA NA. MAPAPATAY MO ANG ASAWA KO!"




Hindi nakinig si Elijah. Sa isang iglap lang ay nasa harapan na siya ng diyosa. Hahawakan niya na sana ito sa leeg pero may isang hangal na tumulak dito kung kayat ang tumulak sa diyosa ang siyang nasakal niya.



Napasalampak ang diyosa sa sahig, nang dumako ang tingin niya kay Night, halos lumuwa ang mga mata niya ng makitang hawak hawak ni Elijah ang kaniyang kanang kamay.





Kaagad siyang tumayo. Sinubukang lumapit kay Elijah pero siya ay nabigo. Tulad ng kaniyang asawa ay pinalibutan din siya ng puting apoy.






"Pft, nakakatawa kayo. Ang hihina ninyo. Hanggang dito na lang ba ang kaya ninyo? Nakakaawa naman kayo. Mga mahihinang nilalang. Dapat lang na burahin ko kayo sa mundong 'to!"





Mas lalong lumakas ang puting apoy na pumalibit kina Life at sa asawa niya. Habang ang kanang kamay ng diyosa ay malapit ng malagutan ng hininga.




Ipinikit na lamang ng diyosa ang kaiyang mga mata. Nagagalit siya sa kaniyang sarili. Diyosa na siya, siya na ang pumalit sa trono ng kaniyang ina pero heto siya , walang magawa. Bakit kasi napaka hina niya?



Kung hindi ba namatay ang kaiyang ate, may pag-asa bang ililipat ng kaniyang ina ang titolo nito sa kaniya gayung isa lang siyang mahinang mago na may busilak na puso?



"Ina, patawad. Palagi nalang kitang binibigo."




Nag-aalalang tinitigan ng asawa ng diyosa ang kaniyang asawa. Alam niya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Alam niya. Kilalang kilala na niya ito.



"N...Night ma-maawa ka, b..bitawan m--mo na ako. L..Labanan m-mo, ka-kayanin mo. P..Para sa-samin!" utal utal na sabi ng kanang kamay ng diyosa habang ang kamay ay nakahawak sa kamay din ni Elijah na sumasakal sa kaniya. Pilit na niluluwagan ang pagkakasakal nito sa kaniya. Pakiramdam niya mamamatay na siya.





Magsasalita sana si Elijah ng sumakit ang ulo niya. Parang pinitik ang utak niya. Nabitawan niya ang kanang kamay ng diyosa. Mahigpit na napasabunot siya sa kaniyang buhok.



Mas lalong nadagdagan ang sakit ng may boses na mag salita sa kaniyang isipan.




"Ang kapangyarihan mo ay dapat kontrolado mo, hindi yung ikaw ang kinokontrol ng kapangyarihan mo. Yan ang napapala ng matigas ang ulo. Pinipilit gawin ang mga bagay na hindi naman dapat. Tsk. Ipikit mo ang mga mata mo. Hanapin mo ang ugat ng kapangyarihan mo, paamuhin mo. Masyadong mana sayo ang kapangyarihan mo, matigas ang ulo at makulit."




Nangunot ang noo ni Elijah. Hindi niya alam kung sino ang walang hiyang nagmamay ari sa boses na nagsasalita sa kaniyang isipan.




Pero tulad ng sinabi nito, ipinikit niya ang mga mata niya. Huminga siya ng malalim saka sinubukang hanapin ang pinapahanap ng nag mamay ari ng boses na nagsalita kanina sa kaniyang isipan.





"Got it!" sabi ni Elijah sa kaniyang isipan. Nakita niya ang isang puting apoy na hulmadong bilog.



Sinubukan niya itong kunin, pero wala. Masyadong mabilis ang pagkilos nito. Dahil sa inis, umikaw ag kaiyang mga mata. Kulay abo. Napangisi nalag si Elijah ng kusa na itong lumaput sa kaniya. Kailangan pa talagang takutin bago sumoko.





Nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Nakita niya ang kanang kamay ng diyosa na nakahandusay sa sahig. Wala ng malay. Ang diyosa na hirap ng huminga, napapalibutan padin ng puting apoy niya. Ang asawa ng diyosa na nawalan din ng malay.



Napailing iling si Elijah habang kinakamot ang kaniyang kilay.




"Patay ako sa mag-asawang 'to. Gzzz, wala naman akong kasalanan. Hindi ko kasalanan na hindi ko kaagad na kontrol. Duh!"





Sa isang pitik lang ng daliri niya, nawala ang apoy na pumapalibot sa mag-asawa. Masama ang tingin sa kaniya ng diyosa. Pinilit din nitong makatayo para malapitan ang asawa.




"Uy wala akong kasalanan diyan ah. Inosente ako. Sige, haha, una na ako!"




Bago pa man siya masigawan ng diyosa. Umalis na siya. Ayaw naman niya na mamisahan ng wala sa oras.



"NIGHTTTTTTTTTTT!!!!!"


Galit na galit na sigaw ng diyosa.




_____

"HUH! Ang kapal ng mukha mo para pumasok ng walang pahintulot sa silid ko at akusahan ako sa bagay na wala naman akong alam!" galit na singhal ng kaiyang kapatid sa kaniya.





Tumaas ang gilid ng labi ni Elijah. Dito siya dumaretso sa palasyo matapos niyang makaalis sa lugar ng diyosa. Dito niya naisipang magtago, baka kasi sundan siya ng diyosa.





Walang paapaalam na naupo si Elijah sa gilid ng kama ni Bae Lhat. Kaagad naman siyang pinaalis ng hudyo.





"Huwag kang umupo sa kama ko! Ano ba? Galing ka sa labas tapos uupo ka diyan? Ang dumi ng kasuotan mo!"




"Ang arte, hindi naman madumi ang suot ko ah." inis na sabi ni Elijah sa kaniyang isipan matapos niyang hagurin ng tingin ang kaniyang suot.






"Pwede ba? Ang arte mo. Daig mo pa babae kung mag inarte ka. Tsk. Ibalik mo nalang kasi ang katulong ko sakin. Nang matapos na tayo dito at makalabas na ako dito sa silid mo."




Inis na sinipa ni Bae Lhat ang upuan na nasa gilid ng kama niya. "SABING WALA NGA SIYA DITO! ANO BANG HINDI MO MAINTINDIHAN DUN! HINDI AKO HANAPAN NG BASURANG NAWAWALA KAYA UMALIS KA NA!"






"ang defensive masyado, kaya napaghahalataan e."





Tumayo si Elijah. Nag cross arm habang ang mga mata ay sinuauri ang pader ng silid ng kaniyang nakatatandang kapatid. Kampante namang nakaabang lang ang kapatid niya sa kung ano mang sunod niyang gagawin. Hindi siya nababahala dahil alam niya sa sarili niya na hindi mapapansin ng tanga niyang nakabaatang kapatid na si Nightmare, ang sekreto ng silid niya.




Yun ang akala niya. Tumawa ng mahina si Elijah. Napayuko pa siya, pag angat ng tingin niya sinalubong niya ang tingin ng nakatatandang kapatid niya. Puno ng pagtataka ang mga mata nito.





"Sige, kung 'yun ang sabi mo. Paniniwalaan ko. Pero pwede bang humingi ng pabor?"




"At ano naman yun?"




Lumapit siya sa kinauupuan ng kapatid. Yumuko siya at bumulong sa tenga nito.





"Pakisabi sa kumuha at nagtago sa katulong ko na nagngangalang Crystal na kapag hindi niya binalik ngayong araw ang katulong ko, lalabas ang tinatago niyang sekreto."




Matapos sabihin yun, inilayo niya ang mukha niya dito. Ipinakita niya ang malapad niyang ngiti sa nakatatanda niyang kapatid na nagngingitngit sa galit. Nakakuyom din ang kamao nito.





"Hindi mo ako utusan. Umalis ka na."




Binuksan ni Elijah ang pinto ng silid ng kaniyang kapatid pero bago siya lumabas, may ihinagis siyang USB sa kapatid niya na kaagad naman nitong nasalo.





Kumaway siya sa kapatid. "Bye." saka nakangising nilisan ang silid nito. Nang makaalis siya, siya namang pag kilos ni Belight.



Kinuha niya ang laptop niya saka niya isinalampak ang USB dito, tiningnan kung ano ang nilalaman nito.





"SH*T!"




Hindi niya napigilang mapamura. Lahat ng litrato niya habang sinusundan ang isang nakatalikod na babae, video na binobosohan niya ito at iba pa.



Sa dulo ng video clip may nakasulat na.... PAG NATAPOS ANG ARAW NA ITO AT WALA PA RIN SA TABI KO ANG KATULONG KO, ASAHAN MONG LALABAS ANG MGA YAN SA BUONG SOCIAL MEDIA SITES. SMILE :-D





Galit na hinampas ni Belight ang study table niya. Nagkadayhulog hulog pa nga ang mga gamit niya.



"Night!! Ikaw!"






____

PATINGIN tingin sa orasan. Buryong buryo na si Elijah. Anong oras ba nito balak pakawalan si Crystal? Naiinip na siya. Kanina pa kaya siya nakaupo dito sa gilid ng kama niya.





Ayaw naman niyang lumabas, paglumabas siya, baka makasalubong niya si Ulap,narinig niya kasi sa mga katulong na nagtitsismisan na andito daw ito. Binibisita si Hope Less.



*TOK*TOK*TOK*




Pagkatapos ng tatlong katok pumasok ang kaninapa niya hinihintay. Nakangiti siyang tumayo saka lumapit dito. Hinila niya ito saka niyakap ng mahigpit. Matapos yakapin sinuri niya ang kabuoan nito. Duon niya napansin ang maliit na sugat sa gilid ng labi nito.




Nahihiyang nag iwas naman ng tingin ang dalaga. Pero wala naman na yung halaga, nakita na niya e.





Napapalakpak si Elijah. "Hahaha, baliw na baliw talaga sayo ang isang 'yun. Sa bagay, hindi ko din naman siya masisisi." ani Elijah habang ang nga mata ay titig na titig sa maamong mukha ni Crystal. Hinawakan niya ang panga nito, inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Tumaas ang gilid ng labi nya ng mapansin ang pamumula ng tenga nito. Lumapit pa siya lalo saka bumulong."Sa sobrang ganda mo, nabaliw na sayo ang kapatid ko. Kung wala lang ang papi ko, baka pati ako nabaliw na din sayo." lumayo siya ng kaunti pero bago yun, dinampian niya muna ng marahang halik ang pisngi ni Crystal.





Nang ilayo na niya ang mukha niya dito, natawa siya ng mahina ng tulala lang si Crystal habang ang isang kamay ay nakahawak sa pisngi nitong hinalikan niya.





"Hrabi, hanggang ngayon napaka poganda ko padin talaga."




Naiiling na kumuha ng kapirasong papel si Elijah. Kinuha din niya ang panulat niya. Isinulat niya sa maliit na kaperasong papel ang eksaktong lokasyon at oras.






Iniabot niya ito kay Crystal. Nagtataka naman nitong tinanggap ang papel."Para saan ito, princess?"




Nginatngat ni Elijah ang takip ng ballpen bago niya sinagot ang tanong ni Crytal.



"Wala lang yan. May kikitain ka lang diyan na isang kakilala."




Nagtaka naman si Crytal. "Maaari ko bang malaman kung sino, Princess?"




Tumawa si Elijah. Akala mo naman talaga may nakakatawa. "Kilala mo na siya, sige na, lumabas ka na at maghanda. Siguraduhin mong walang may makakapansin sa pag alis mo. Okie?"





Kaagad na tumango si Crystal. Akmang yuyuko pa ito ng pigil niya. "Ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi mo kailangang yumuko sa harapan ko?" naiinis talaga siya sa tuwing niyuyukuan siya. Hindi naman siya santo, sadyang sobrang ganda niya lang talaga kaya napagkakamalan ng santo.






Kaagad naman na humingi ng paumanhin si Crytal. Pinaalis na niya ang dalaga. Siya naman ay nagbihis na. Naghahandang makipagkita sa ama niya.



Sakto namang paglabas niya sa silid niya, nakasalubong niya ang kuya Angel niya.





Kaagad siyang ngumiti. Lumapit din siya dito saka kumapit sa braso nito. "Kumusta, kuya? Lalo kang gumagwapo ah." gusto niyang masuka ng pinuri niya ang kuya niyang hambog na feel na feel nama ang pagpuri niya.





"Ganiyan talaga, nasa lahi na natin ang pagiging gwapo at maganda. Ano nga palang kailangan mo?"






Napanguso naman siya. Nag papacute na naman sa kuya niya. "Kapag ba lumapit ako sayo at pinuri ka may kailangan na agad?"




Pinitik ng kuya niya ang noo niya. "Kapag sayo nanggaling yung papuri, tiyak na may hihingin ka. Ano yun? Sabihin mo na at nagmamadali ako."





Grabi na talaga ang mga magong nakapakigid sa kaniya. Tingin sa kaniya lagi ay mukhang pera saka lumalapit lang kapag may kailangan.



Nag pout si Elijah. Pinagdikit niya ang nga daliri niya saka iniswaysway pa ang katawan."Wala naman talaga akong kailangan e." parang batang aniya sa kuya niyang napapailing iling nalamang. "Gusto ko lang namang tanungin ka kung kailan mo ipapakilala sa amin ang mag ina mo." inosenteng tanong niya na nagpagimbal sa buong pagkatao ng kuya niya.




"A..Ano bang si.sinasabi mo? Na..nabagok na ba yang ulo mo?"



Kunwari ay nagtataka niyang tinitigan ang kuya niya. "Ehh? May mali ba sa sinabi ko? Diba may mag-in------




Tinakpan ng kuya niya ang kaniyang bibig. Bago pa niya maituloy ang sunod niyang sasabihin. Sa isang iglap, walang kurap kurap. Nasa harap na sila ng fountain malayo sa mga katulong ng palasyo. Kung titingnan mula sa malayuan para lang silang normal na nag uusap pero ang totoo, pinapatay na siya ng nakatatandang kapatid niya ng masamang tingin.





"Anong kabaliwan ang pinagsasabi mo, Night? Gusto mo na ba talagang mamatay sa sarili kong mga kamay? Ang hilig hilig mong gumawa ng gulo. Tumigil ka na. Hindi ka na nakakatuwa."




Inosente niyang tiningnan ang nakatatanda niyang kapatid.




"Grabi naman, mag ina mo itinatanggi mo? Ang sakit nun sa part ng anak mong, apat na taong gulang na. Tama ba? Kuya?"




Kung nakaamatay lang ang tingin, patay na si Elijah. Yun nga lang, hindi e. Kahit pa ganun, matagal siyang mamamatay, masamang damo siya na may magandang mukha e.





Marahas na hinawakan siya ng kuya niya sa braso."Tumigil ka na. Tigilan mo na ako. Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol diyaan, pero isa lang ang masasabi ko. Huwag kang makealam sa mga bagay na wala ka namang alam!" saka nito oabalang na binitawa ang braso niyang namumula dahil sa higpit ng pagkakakapit nito dito.




" Aalis ka na agad? Tingin mo ba hahayaan kitang makaalis ng hindi ko nakukuha ang gusto ko? "




May mapaglarong ngiti sa kaniyang labi na muling humuka ag bibig ni Elijah. Napatigil sa paglalakad paalis ang kuya niya



"Juliana Morris, ang babaeng pinakamamahal mo. Sa loob ng maraming taon nagawa niyong itago ang relasyon niyo, kahit sarili nating ama walang kaalam alam tungkol dito. Nabuntis siya at nanganak sa murang edad. Naging magulang kayo sa murang edad niyo. Pero dahil ikaw si Angel Jin Croix, ang susunod na emperador, kinailangan mong itago ang tungkol sa anak mo.



Hindi ka ba nakokonsensya? Sa tuwing dadalalaw ka sa anak mo at tinatanong ka niyang kung bakit hindi mo sila sinasama pauwi sa bahay na tinitirahan mo? Hmm. Kuya? Nga pala, ang ganda ng pangalan ng anak mo, Ashton Jim Croix ay, teka, Morris pala ang gamit niyang apelyido pero kahit na ganun, hindi magsisinungaling ang pagmumukha niya. Mukha niya lang sapat na para masabing isa siyang Croix, masyado mo kasing ginalingan. Yan tuloy, carbon copy mo."




Mabilis ang hakbang na lumapit sa kaniya ang kuya niya."Anong kailangan mo? Hah! Bakit mo sinasabi ang mga 'to sakin?"




Kunwari nag isip si Elijah. Kahit pa hindi naman na niya kailangan pang isipin dahil una palang alam na niya kung anong ginagawa niya.



Tinitigan niya ang kapatid niya, mata sa mata. Wala nadin ang mapaglarong ngiti sa labi niya."Kunin mo ang mag ina mo!"



Tumawa si Angel. Yung tawa na paran bang nagbitaw ng isang sobrang nakakatawang biro ang kaharap niya. "Sa tingin mo ba gagawin ko yun? Hah! Nababaliw ka na ba? Hindi ko hahayaan na mamuhay ang anak ko ng gaya sakin. Mabubuhay siya ng naaayon sa gusto niya."




Ibinalik ni Elijah ang pagtawang ibinigay ng kapatid niya sa kaniya. "At sa tingin mo mabubuhay siya ng maayos? Hah! Tinatago mo siya, sa tingin mo, ano ang mararamdaman niya sa oras na malaman niya na ang butihin niyang ama ay itinatago siya na para bang isa siyang malaking pagkakamali na nangyari sa buhay niya? Hah! Sumagot ka! "




Hindi nakapag salita ang kuya niya. Kaya naman lumapit siya dito saka bumulong.





" Kunin mo ang mag ina mo. Ilayo mo sila, itago mo malayo sa pamilya natin. Huwag mong hintayin na ako ang magtago sa kanila, sa oras na mangyari yun. Hindi mo na sila makikita."




Tiningnan siya ng masama ng kapatid niya. "Sino ka ba sa akala mo para balaan ako? Baka nakakalimutan mo, mas matanda padin ako sayo. Matuto kang rumespeto."




Tumaas ang sulok ng labi ni Elijah. "Matagal ng nawala ang respeto ko sayo. Nang nabahag yang buntot mo  kasabay nun ang pagkawala ng respeto ko sayo." napabuntong hininga si Elijah. "Siguraduhin mong walang ibang may makaalam sa pagdadalhan mo sa kanila bukod sayo. Kung ayaw mong maagang magluksa para sa bangkay ng mag ina mo."




Tinalikuran niya ang kapatid niya na nabalit ng pagtataka. Naguguluhan sa kung bakit niya yun ginagawa.




Hindi naman niya dapat gagawin kung hindi niya lang nalaman ang balak gawin ng demonyong yun sa mag ina ng kapatid niya. Nalaman nito ang tungkol sa bata, balak nitong ipakuha ang mag ina ng kuya niya at gamitin ito laban kay Angel. Gusto nilang hawakan sa leeg ang kuya niya.



Para mapadali ang paglalabas nila kay Yu at para nadin mas mapadali nila ang pagpapatalsik sa emperador.




Masyadong bibo ag batang si Ashton na nakita na ni Elijah sa personal. Natutuwa siya sa batang yun, hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa pamangkin niya.





Kaya nga niya pinadala si Crystal para kitain ang isang mahalaga at malapit na kaibigan.




Hindi na lamang tinuloy ni Elijah ang pagpunta sa kaniyang ama. Habang pabalik sa kaniyang silid, nakasalubong niya ang emperatris. Napangisi siya ng may mapansing kumikinang na bagay na nasa loob ng nakakuyom nitong kamao, ibinuka niya ang mga palad niya at sinalo ang kwintas na palihim na inilaglag nito ng magkaharap silang dalawa.





"Magandang tanghali ina, kumusta ang paglilibot libot mo sa palasyo?"



Sa halip na sumagot, nilampasan siya ng kaniyang ina. Nakangising muling naglakad si Elijah pabalik sa silid niya. Nang nasa loob na siya, ini-lock niya ang pinto. Pinakatitigan ang hawak niya.





"Pano ba yan, nasa akin ka na. Hindi man lang ako pinagpawisan."



_____


"NAGTATAMPO ka padin ba hanggang ngayon?" tanong ni Justine kay Fin. Nasa kusina sila ng bahay niya, ipinagluluto niya ng pancake si Fin. Gusto daw kasi nitong kumain ng pancake.





Napanguso nalang si Justine. "Ano ba yan, ang haba naman ng pagtatampo mo." inis na reklamo niya.



Inirapan naman siya ni Fin. "Ikaw nga diyan e, pagnagagalit namamalo, araw araw, umaumaga pa yan. May narinig ka ba sakin?"




Iningusan na lamang siya ni Justine bilang tugon. Nang matapos na siya, inihain niya na ito at ibinigay kay Fin. "Ayan na kamahalan, kumain ka na po."



Natatawang hinila naman siya ni Fin, napaupo tuloy siya sa pagitan ng mga hita nito.



"Sige na, hindi na ako magtatampo, basta ba..."




Bitin na tiningnan siya ni Justine. "Basta ba ano?"




Hindi sumagot si Fin. Inip naman siyang tiningnan ni Justine. Saka lang nakuha ng huli ng mapansin niya na nakanguso siya Fin. Pabirong hinampas naman niya ito sa braso. "Ikaw talaga."




Nakangiti naman siyang tiningnan ni Fin, nagtaas baba pa ang kilay nito. "Sige na, isa lang."




Hindi naniniwalang tiningnan siya ni Justine. Napaka sinungaling pa naman ng hudyo. Scam ang isa lang niya. Palagi naman e.





"Scam yan, lagi mong sinasabi yan e." parang batang aniya. Tinawana lang siya ni Fin, mas hinapit pa nito ang katawan niya sa katawan nito.




"Pinaniniwalaan mo naman e." pangangatwiran naman ni Fin. "Sige na, isa lang. Isa lang talaga."




Umakto oang nag iisip si Justine kung paoayag ba siya o hindi, pero dahil namiss din niya ang labi nito, ayan, hindi na nagpatumpik tumpik pa. Naghalikan na nga.




Sa kakalapaan nila ng labi ng isa't isa. Hindi man labg nila napansin ang mag-asawang pumasok sa kusina. Nawala ang ngiti ng dalawa, nakabukas ang nga bunganga nila, malalaki ang mga mata. Ang lalaki ay naglakihan ang butas ng ilong habang ang ginang ay nabitawan ang hawak na pasalubong.







"OH MY GOD!!!"







_____
🥀







Continue Reading

You'll Also Like

25.7K 1.7K 52
I did everything. Para sayo.. kariya.. pero.. eto ang igaganti mo? Kung may susunod na buhay.. sisiguraduhin ko...pababayaran mo ang lahat. Isinusu...
9.8K 292 28
Apple is an ordinary student who was suddenly reincarnated into an unknown story because of that weird handsome guy who looks like a Broccoli. _____...
Joseon's Queen By Patricia

Historical Fiction

47.5K 2.2K 40
"Nasaan ako?" "Lady Yerin!" "Sinong Yerin? Ang pangalan ko ay Yejin. Song. Ye. Jin!" "Hindi siya makaalala." "Lady Yejin!" "Bumalik na ba ako?" "Gust...
74.1K 2.7K 27
"F*ck!! I can't believe that she easily decieve us!!"sinuntok nito ang lamesa at akma na sanang tatakas ng may kung anong makislap na bagay ang papar...