Fara's POV
Kanina pa sunod nang sunod si bakla sa dalawang tao na nakatalikod sa'min, na ang bilis maglakad. Bilang bestfriend niya sinuportahan ko siya kaya sumunod din ako sa kanya
"Sino ba kasi 'yan" bulong ko sa kanya habang pilit sinisiksik ang sarili ko sa karton
"Wag ka ngang gumalaw, baka mapansin nila tayo" palibhasa mas malaki ang karton niya, tig-isa kami ng karton na malalaki and we wear it, may maliit na butas para makahinga kami at makita namin yung sinusundan namin. Humihinto kami sa paglalakad kapag may tao baka sabihin pa nilang baliw kami. Nasa loob kami ng karton. Mga pakulo talaga ni bakla pwede naman na tumago kami sa mga poste o kahoy, pero ito ang pinili niya
"Bruha, pumasok sila sa coffee shop, lika" hinila naman niya at si ako naman nagpadala lang sa kanya. Ang mga nadadaanan naming mga tao napapatingin sa'min and they all have this weird expression kapag tinitignan kami. Nang nasa harap na kami ng pintuan tinignan lang kami ng guard na parang nakakita ng baliw. Hindi niya kami pinapasok
"Kuya, may sinusundan po kami" pagmamakaawa ni bakla, luluhod na sana siya nang tumigil siya at sabay kaming napatawa. Kaya pala, may pagkaengot din naman pala kami, hindi pa namin tinanggal ang karton. Napatingin kami kay kuyang guard na naguguluhan sa'min, kaya nagmamadali naming tinanggal ang karton saka itinabi sa pinakamalapit na basurahan. Sa sobrang laki ng karton 'di nagkasya. Bumalik naman kami kay guard
"Kuya papasukin niyo na po kami" sabay na sambit namin ni bakla at umikot-ikot sa harap ni kuyang guard na parang sinasabing 'wala na po ang karton, please' napatawa nalang si kuyang guard at pinapasok na kami. Humanap agad kami ng pwesto na malapit sa sinusundan namin lucky us, kunti lang ang tao.
"Jadyle, thank you ha, thanks for this" palapit nang palapit ang mga yabag ng paa. Lilingonin ko sana nang hawakan ni bakla ang kamay ko. Maya-maya pa'y dumaan na sila.
Tinignan ko si bakla "Kaya pala, sina Carla at Jadyle lang pala ang sinusundan natin kala ko pa naman kong sino" Tinaasan niya naman ako ng kilay
"Duh, kesa naman sa magmukmok lang tayo dun sa plaza. Ok na din 'to at least may pinagkakaabalahan tayo" Hindi ko talaga siya maintindihan minsan katulad ngayon. Dumating naman yung waiter na pinaghingan ni bakla ng tubig, at nilagay sa mesa pagkatapos ay umalis na. Hindi man lang siya umorder haha
"Bakla ang kuripot mo, kahit isang tinapay lang hindi mo 'ko malibre" malungkot kong sabi sa kanya
"Nako, wala akong dalang pera, kaya nga diba nag tubig lang tayo. Buti pwede dito mag standby" napatawa naman ako sa kanya. Ang kawawa niyang tignan lalo na yung sinabi niyang wala siyang dalang pera
"So, is this a date?" Napatingin naman kami ni bakla sa lamesang nasa harapan namin. Magkaharap sina Carla at Jadyle, kami naman ni bakla magkatabi kaya kitang-kita namin si Jadyle na nakaharap sa'min si Carla naman nakatalikod. Tinatakpan namin ang ilong at bibig namin ng menu kaya mata lang nakikita sa'min.
"C'mon sumagot ka naman" sabi ni Carla na ngayon ay nakahawak na sa kamay ni Jadyle na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Wala man lang siyang emosyon na pinapakita.
Napabagsak nalang ang balikat ni Carla nang mapagtanto niyang hindi siya sasagutin ni Jadyle
"Fine, I'm sorry. I'm so sorry sa mga nagawa ko dati. Pinagsisihan ko na yun, pl-" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nagsalita si Jadyle
"Shut up" maawtoridad niyang sabi kaya naman napasandal si Carla sa upuan
"This isn't a date, you force me to come with you" Napabuntong hininga naman siya sa sinabi niya
"But-" pagproprotesta ni Carla pero hindi din niya naituloy
"Fine. I force you. Ginawa ko lang naman kasi 'to kasi gusto kita" napaka desperada talaga niya. Inilapag ko muna ang menu tsaka ininom ang tubig na nasa lamesa
"Are you that desperate, you pathetic bitch?" Napasamid ako sa sinabi ni Jadyle, nagmamadali namang hinagod ni bakla ang likod ko at tinakpan kami gamit ang menu
"May pagkaengot ka talaga bakla, tignan mo, muntikan na tayo, buti na lang nakuha ko agad ang menu" bulong niya sakin. Inilagay ko muna ang baso sa lamesa
"Sorry, nabigla lang ako" bulong ko din sa kanya
"Mga chismosa" rinig naming sabi ni Carla
"Are you that desperate na makuha mo 'ko?" Napaayos naman kami ng upo ni bakla tsaka tinakpan na naman ang ilong at bibig namin gamit ang menu
"Yes, I'm that desperate" sagot agad ni Carla
"Then, it's a yes" nakangising sagot ni Jadyle at tumayo na. Si Carla naman parang bato, hindi nakakilos nananatili lang siyang nakaupo. Nirerewind siguro ang nangyari
"Boring naman, kala ko pa kung ano ang pag-uusapan nang dalawa" napalingon naman ako kay bakla na nasa likuran ko, bagal maglakad. Pagkalabas ni Jadyle lumabas na din kami
Napahinto ako "Boring? Bakla, ganun lang yun? Ganun ganun lang?!" Napahinto naman siya sa paglalakad, nasa tabi ko na siya
"Anong ganun ganun lang? Expected na yun, siguro naka move-on na" walang ganang sabi niya
Nagsimula na naman kaming maglakad "In just a short period of time, nakaya niyang mag move-on? Grabe, imposible naman siguro yun bakla"
"Nothing is imposible" sabay kaming napalingon ni bakla sa likod namin.
"J-Jadyle" nauutal na sambit namin ni bakla
"C'mon guys, para naman kayong nakakita ng multo, lalo ka na Fara" sabi niya na nakapamulsa
"Uy, Jadyle, musta?" Awkward na tanong ni bakla. Ako naman nakatingin lang sa kanya na nakatingin kay bakla
"Eto okay lang, kayo? Tagal na din nating di nagkausap" ngumiti siya sa'min at halatang
peke
"Okay lang naman" sagot ni bakla. Naging tahimik na naman
"Ikaw Fara, are you okay? I mean you two" Nagulat naman ako sa tanong niya, Hindi ko inaasahan 'to
"O..Oo okay lang naman kami" sabi ko nang nakayuko ayaw kong makipagtitigan sa kanya
"Jadyle I'm sorry" pabulong kong sabi nang wala nang nagsalita
"It's alright. Past is past, past is in the past we shouldn't talk about it. Napatawad na kita" napatingin naman ako sa kanya, cool lang siya parang wala na nga yun sa kanya. Napangiti naman ako sa kanya
"Thank you" masayang sambit ko sa kanya. Tumango lang siya at umalis na
"Hoy, anong nangyare dun? Biglang bumait, tapos susulpot sulpot lang" nagtatakang tanong sakin ni bakla
Tinignan ko siya "Ano ka ba, okay na yun at least napatawad na niya ako" tumango-tango naman siya tsaka ngumiti. Naglakad na rin kami pauwi sa bahay dahil wala kaming dalang pera.
"San kayo galing Jessa?" Tanong ni nanay Rosa kay bakla na ngiting-ngiti ngayon dahil tinawag siyang Jessa
"Nay, Jess nga ho pangalan niyan, hindi Jessa" malumanay na sabi ko kay Nay Rosa tsaka ko kinagat ang apple
"Fara, Fara-faraan lang yan, di ba Nay Rosa?" Humalakhak siya, ang corny niya. Napatigil naman siya nang napansin niyang walang tumatawa kaya binato ko sa kanya ang hawak hawak kong apple. Nasalo naman niya at kinagat
"Daya niyo, hindi man lang kayo tumawa" nakasimangot niyang sabi tsaka kumagat ulit sa apple
"Dyan lang po sa may plaza nay, at dumiretso na din po kami sa coffee shop" sagot ko sa tanong ni nanay Rosa. Nagdradrama na naman kasi si bakla
"Hala sige, bahala na kayo dito at ako'y pupunta na sa palengke" tumayo na si Nay Rosa, bago pa siya tuluyang makalabas nilingon niya kami
"Fara anak, bilin nga pala ng mommy mo na dun ka muna daw sa mansiyon niyo. Maghintay ka lang dito dahil may susundo sayo" sabi ni nay Rosa tsaka tuluyan nang umalis
"Bakla, sama ako ha, maaga pa naman alas diyes pa" sabi niya na ang laki laki ng ngiti
"Oo na, Oo na" sagot ko sa kanya atsaka napatingin ako sa suot ko, naka sweater ako at short na pula okay na siguro 'to. After a few minutes may narinig na kami ni bakla ng kotseng huminto sa harap nang bahay. Dali-dali namang binuksan ni bakla ang pintuan, tumayo na din ako at sumunod sa kanya.
Napahinto kami pareho ni bakla nang makita kung kaninong kotse ang nasa harapan namin.
Ngumiti siya at saka ako hinalikan sa pisngi "Hi babe" masayang bati niya
Ngumiti din ako sa kanya "H-hi, why are you here?" Kumunot naman ang noo niya
"Why? Are you not happy that i'm here?" Mabilis naman akong umiling-iling
"No, hindi naman sa ganun nabigla lang ako" I said matter-of-fact
Ngumiti na naman siya. Hindi ba siya nangangawit o napapagod sa kakangiti? Hinawakan niya ang kamay ko "Gusto sana kitang ayain mag-date, I'm sure you're free today" mas lalo pang lumawak ang ngiti niya. Napatingin naman ako kay bakla, at laking gulat ko nang may paparating na namang kotse at huminto sa harap ni bakla.Patay.
Napatingin naman din si Tyler sa kotseng nasa harap ni bakla at humarap kay bakla
"Jess, You own this?" Tanong ni Tyler kay bakla habang tinuturo ang kotse. Tinignan naman ako ni bakla na namumutla ngayon, tinaasan ko siya ng kilay
"Yup" sagot niya kasabay 'nun ay ang pagpasok niya sa kotse
"So shall we?" Nakangiting sambit niya habang inaalok ang kamay niya sa'kin
"Tyle sorry ha, may pupuntahan kasi kami ni bakla. Siguro sa Monday na lang" Inilagay naman niya ang kanyang kamay sa bulsa atsaka bumuntong hininga. I feel sorry for him.
Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi "It's okay, basta sa Monday ha" nakangiti niyang sabi. Ngumiti din naman ako sakanya at tumango. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse at tuluyan nang nagpaalam.