Sa Taong 1890

Oleh xxienc

85.9K 3.5K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... Lebih Banyak

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 38

991 46 13
Oleh xxienc

|Kabanata 38|

Enero 15, 1887

Hindi ko naman inaasahang magkakaroon ng pagkagusto ang lalaking iyon sa akin na ikinasuklam niya. Ginawa ko nga ang lahat nang sa ganoon ay matulungan siyang maibigan nito ngunit siya lang naman ang gumawa ng dahil upang mawalan ito ng interes sa kaniya.

Eres tan lamentable, Clarita

- Martina





Hilda?

Dueña Hilda?

Iyong babaeng lagi nilang sinasabi na kaibigan at kasundo pa ni Kristina?

Hindi nga?

Napatitig ako sa babaeng nakatayo sa aking harapan at nagpamaywang pang nakatingin sa akin. Buong hitsura niya talaga parang si Nanny McPhee, patpat nga lang ang kapalit ng tungkod.

Seryoso at banayad ang ekspresyon ng mukha niya. Malalim at tulsok ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Mukhang mas matanda siya ng kaunti kay Ina at magkapareho rin sila ng pigura ni Nanny McPhee. Palagi pang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay na parang ganoon nga talaga ito at hindi bumababa.

Kaya pala ay ayaw ni kuya Marco na itukso ko siya rito. Sigurado ba silang kasundo ito ni Kristina?

"Aba, ako lamang ba ay iyong tititigan at hindi mo man lang ako babatiin?" hindi makapaniwalang aniya.

Napakurap ako ng ilang beses at hinanap ang aking boses, "Uh, mag-magandang araw. A-at uhh, maligayang pagbabalik?" hindi ako sigurado kung iyon ba ang sasabihin ko.

Napasinghap ako sa sakit nang muling tumama ang patpat sa aking balat. Nang tumama ang patpat sa aking balat nagdulot ito ng sakit na tumusok na parang karayom ​​na nanatili sa loob ng ilang segundo. Aish, nakakadalawa na ito ha!

Sinipat niya naman ang mga paa kong nakapatong pa rin sa upuan kaya lihim na lang akong umirap at ibinaba iyon. Lumingon ako sa mga bata at natagpuan kong ni isa sa kanila ay wala na mesa pati na rin ang kanilang mga papel at pluma. Umalis na sila?

"Bakit mo kasama ang mga batang iyon?" intriga pa niya. "Ang aking buong akala ay hindi mo nais ang mga paslit? Y una cosa más, hindi ka rin nararapat na makisama sa mga tagasilbi at sa kanilang maruruming anak."

Kaagad na nahila paitaas ang kilay ko dahil sa narinig at dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Nakatingin siya sa akin na para bang tama ang kaniyang sinabi at ganoon nga naman dapat ang ginagawa ko.

Ang tabas rin ng dila nito ah.

Napatingin naman ako sa may imbakan at doon ko nakita ang mga bata na nakasilip sa may pinto nito. Marahil ay takot nga talaga sila kay Hilda na ito. Bumuga na lang ako ng hangin.

"Kaibigan ko sila, tsaka mababait naman sila eh," dahilan ko tsaka napatayo na.

Sinipat ko naman ang bandeha ng mga natirang pagkain sa mesa saka siya tinignan.

"Ah, pakidala naman po nito. Hindi po kasi ako makakabitbit dahil ito oh," sabay pakita sa kaniya ng kamay kong nakasabit sa salungbaba.

Nagdikit naman ang kaniyang mga kilay dahil sa narinig.

"¿Qué dijiste? Hindi ako isang tagasilbi, hija. Isa akong Dueña."

Nginitian ko na lang siya saka naglakad na paalis doon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiirita sa kaniya. Sigurado ba talagang magkasundo silang dalawa ni Kristina, eh ang panget nga ng ugali niya eh. Ang sakit pa ng hita kong pinalo niya, aish.

Papaakyat na ako ng mansiyon nang makasalubong ko si Primitivo na pababa ng kaniyang sinasakyan na karwahe. Kahit kailan ko siya makikita ay lagi siyang pormal at medyo reserve.

"Binibining Martina!" masiglang bati niya nang makita ako kaya agad ko siyang nginitian. Kaagad naman niyang inilagay sa kaniyang likod ang kaniyang mga kamay.

"Magandang araw, Ginoong Primitivo," kaway ko sa kaniya. "Sinong sadya mo? Halika sa taas."

"Ang totoo niyan ay...ikaw ang aking sadya rito," aniya na ikinatigil ko pagtapak sa hagdan saka siya nilingon.

"Akin kasing nabalitaan ang nangyari sa iyo at labis akong nag-alala," dagdag niya kaya naman bahagya akong napangiti.

"Ah, maraming salamat. Medyo maayos naman na ang pakiramdam ko at saka itong braso ko sumasakit lang kapag nahahawakan pero alam ko naman na pagaling na ito," tugon ko saka inimbita na siya papasok.

"Nasaan pala ang Donya, kung aking itatanong?" aniya nang makapasok na kami.

"Hinatid sina Tiya sa daungan." Nilingon ko naman ang napadaan na tagasilbi, "Pakidalhan naman ng meryenda ang Ginoo rito sa azotea."

Tumango ang tagasilbi bilang tugon at nawala na sa aming harapan. Nilingon ko naman siya ng nakangiti saka pinapasok sa azotea na siyang ikinatango niya.

"Kung ganoon, ang iyong mga kapatid lang ang iyong kasama ngayon?" aniya.

"Oo, narito si kuya Marco tsaka si Dueña Hilda rin. Upo ka," imbita ko nang nanatili siyang nakatayo sa may pinto.

Ngumiti naman siya ng malapad na ikinatitig ko, "Para sa iyo, Binibini."

Inikot naman niya paharap ang kaniyang kamay na kanina pa nasa likod at iniabot sa akin ang isang pumpon ng pulang mga carnations.

Napangiti ako nang makita ang mga makulay na bulaklak. Nag-abala pa siya. Tinanggap ko naman iyon saka siya tinignan. Parang nahihiya siya at kinakabahan sa ginagawa niya dahil mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagbigay ng kabadong ngiti. Hindi ko pa nakita siyang naging ganiyan.

"Ang gaganda naman ng mga ito, Ginoo. Salamat ha, upo ka na."

Kaagad naman siyang umupo sa upuan na nakatalikod sa pinto at umupo rin ako sa may bandang dulo na nakaharap sa harap ng mansiyon. Kasabay niyon ang pagdating ng tagasilbi na may dalang isang bandeha ng pagkain at inuming tubig.

"Maraming salamat, Binibini."

"Naku, walang anuman, Ginoo," tugon ko ng nakangiti.

"Aba, Ginoong Primitivo, ikaw ba iyan?"

Sabay naman kaming napalingon nang nagsalita si Dueña Hilda mula sa may pinto. Kahit pa man nakangiti ang Dueña ay naroon pa rin ang kaniyang kilay na nakataas.

"Ikaw nga! Nakakatuwa naman ito."

Kaagad naman na napatayo si Primitivo saka bahagyang nilapitan si Dueña Hilda.

"Magandang araw po, Dueña," pagbati niya.

"Magandang araw rin, Ginoo. Mabuti at ikaw ay napasyal dito," aniya matapos bawiin ang kamay na hinalikan ni Primitivo.

"Ah, opo. Dinalaw ko po ang Binibini dahil nabalitaan ko po ang nangyari sa kaniya."

Nakangiti naman na lumingon ang Dueña sa akin at maya-maya pa ay bumaba ang tingin niya roon sa bulaklak sa aking hita at hawak-hawak ko.

"Hmm, kung ganoon ay sa iyo galing iyon?" pagbaling niya uli kay Primitivo sabay tukoy sa bulaklak.

Napatango naman ang Ginoo, "Opo, mula po iyan sa akin."

"Kay ganda namang mga bulaklak," ngisi niya kay Primitivo. "Sige, maiwan ko na kayo rito ng kayo ay makapag-usap," aniya na nagmamadali pang umalis.

Bumalik naman sa upuan si Primitivo saka lumingon sa akin, "Nakakasiguro akong ikaw ay masaya't sa wakas ay bumalik na ang iyong Dueña."

Napaangat ang kilay ko dahil sa narinig. Hindi, Primitivo, hindk ako masaya.

"Ah, oo, oo naman. Kakarating niya lang kanina at masaya akong makita siyang muli," tugon ko saka nagpilit ng ngiti.

"Kumusta ka na pala, Ginoo," pag-iiba ko ng usapan.

Napangiti siya, "Maayos na maayos ako, Binibini. At masaya akong ika'y makita na nasa maayos na kalagayan."

"Maraming salamat, sa iyong pag-aalala sa aking kalusugan. Ngunit kanino mo pala nalaman ang tungkol dito?"

"Ah, nakasabay ko kanina ang magkapatid na Gabriel at Leon at hindi ko sinasadyang marinig ang kanilang usapan."

"Kaya pala. Kasama kasi namin si Gabriel nang mangyari ito sa akin," paliwanag ko.

Napatango siya bilang tugon. Sa ganoong pagkakataon rin ay dumating si Isay at tumigil sa may pinto.

"Senyorita, kung hindi nakakaabala. Papalitan ko na po ang patse sa iyong braso at balikat."

Tumango ako saka siya nginitian, "Sige. Halika."

Nakaupo at nakatingin lang si Primitivo nang inaayos ni Isay ang gamot sa pasa ko.

"Oras-oras kasi itong pinapapalitan ni kuya Lucas para madaling maghilom ang pasa tsaka mawala na ang sakit," baling ko sa kaniya.

"Ah, mabuti na lang talaga at mayroon kang kapatid na nag-aaral ng medisina. Hindi na mahihirapan kapag mayroong ganitong pangyayari," aniya.

"Oo nga eh. Nakakatuwa talaga. Ito rin, nilagay ang braso ko para hindi na mastadong magalaw," tukoy ko naman sa salungbaba.

Dahan-dahan naman siyang napatango dahil sa nalamang impormasyon. Matapos ng pagpalit ni Isay ay nagkwentuhan na uli kami tungkol sa mga bagay-bagay at kinumusta ko na rin ang kaniyang mga magulang.

"Magpapaalam na pala ako, Binibining Martina. Kailangan ko ng umuwi. Maraming salamat sa paggugol ng iyong oras sa akin. Pasensya ka na at ako pa ay nakaabala sa iyo," aniya ng nakangiti.

"Ay naku, Ginoo, hindi ka naman abala. Tsaka maraming salamat sa iyong pagdalaw."

"Walang anuman, Binibini," ngumiti siya.

"Dito ka na lang magtanghalian. Kakain na rin naman kami maya-maya dahil batid kong papauwi na sila."

Umiling siya ng hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi, "Maraming salamat, Binibini. Ngunit aking tatanggihan ang iyong alok, ipagpaumanhin."

Kaagad akong natawa, "Ay naku, huwag kang humingi ng paumanhin. Iyon ay ayos lang, at saka alam ko namang masyado kang abala sa mga ginagawa mo eh."

"Maraming salamat, Binibini."

"Walang anuman. Salamat din sa iyong mga bulaklak, Ginoong Primitivo. Mag-iingat ka," nakangiti kong usal.

Hinatid ko na siya sa may pinto ng mansiyon at tinanaw na sumakay sa kaniyang karwahe at umalis na. Papaakyat naman si Isay mula sa likod-bahay kaya nginitian ko siya at inabot ang mga bulaklak.

"Pakilagay naman ito sa aking silid, Isay."

"Sige, Senyorita," nakangising aniya saka tinaggap ito at naglakad paalis. Napakunot na lang noo ko sa kaniyang inasal.

Hindi na rin naman nagtagal ay dumating na sina Ina, Ama at Kuya kaya nagpunta na ako sa kainan matapos magtambay uli sa azotea.

Nakaupo na kaming lahat at ako ay katabi na ngayon ni Ina. Na-miss ko tuloy si Tiya. Umalis ba naman kasi kaagad kasama ang asawa niyang pogi. Ni hindi man lang nagtanghalian dito.

"Kumusta na ang iyong balikat, Kristina?"

Kaagad akong napaangat ng ulo nang marinig si Ama. Nilingon ko sina Ina at Kuya at bahagyang ngumiti.

"Ayos naman po, Ama. Gumagaling naman na," tugon ko na siyang ikinatango niya.

"Mabuti. Huwag gumawa ng masyadong maraming bagay. Magpahinga ka na lang sa iyong cuarto at ika'y magpagaling. ¿Entiende usted?"

Napaangat ang kilay ko dahil sa huli niyang sinabi pero napatango na lang ako. "Magpapahinga po ako, Ama."

Nilingon ko naman sina Ina at ang tatlo saka sila nginitian. Kaagad naman kaming napatingin sa may pinto nang nakarinig kami ng yabag ng takong ng sapatos na paparating. Pumasok si Dueña Hilda kaya nilingon ko sila.

Parehong gulat at saya ang nakita ko sa kanilang mga mukha. Natawa naman ako ng palihim nang masilayan ko ang reaksiyon ni kuya Marco. Nakataas ang kaniyang kaliwang kilay at ang kaliwang sulok ng kaniyang labi habang nakatitig sa bagong dating.

"Ginang Hilda, maligayang pagbabalik," ani Ama saka tipid na tango ang ibinigay sa kaniya.

"Kumusta, Ginang Hilda? Masaya kaming makita kang muli," si Ina.

"Naku, maraming salamat sa inyo. Ako ay nagagalak nga na makabalik dito," tugon ni Dueña Hilda saka umupo sa tabi ko.

Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong andito na naman siya. Magbabago ba ang lahat? Sana naman ay hindi niya mahalatang hindi ako si Kristina.

Ang sabi pa naman ay malapit sila at magkasundo ngunit paano ko naman kakasunduin iyan eh ang panget nga ng ugali niya. Nagawa niya pa akong paluin na kahit si Ina ay hindi nga iyon ginawa sa akin.

"Maligayang pagbabalik po, Dueña Hilda," halos na magkasabay na bati ng tatlo sa harap namin.

"Maraming salamat, mga Senyorito," tawa niya.

"Sigurado akong labis napakasaya ni Kristina na narito ka na," nakangiting usal ni Ina saka napahawak sa aking balikat.

Napatingin naman ako sa kanila na pawang mga nakangiti. Lalo ni si Dueña Hilda. Talaga bang kasundo talaga siya ni Kristina? Goodness.

Napatawa na lang ako ng pilit saka uminom ng tubig. Sana maging maayos lang ang lahat.

Maya-maya pa ay nagsimula na kaming kumain matapos na magdasal ni Ina. Mabuti naman at hindi na uli bumalik sa tahimik ang pagkain namin. Nag-uusap kasi sina Ama, kuya Lucio at Ina. Nagbubulungan naman minsan sina kuya Lucas at kuya Marco. Pero si Dueña Hilda ay tahimik at sopistikada pang kumakain sa tabi ko. Nakataas nga rin ang kaniyang kilay. Hindi ko na lang siya pinansin saka nagtuloy-tuloy lang sa pagkain.


"Kuya Lucio!" kaagad akong humabol sa kaniya nang pababa na siya ng hagdan.

Napalingon naman siya sa akin saka ako nginitian, "Bakit, Martina?"

"Ah, tatanungin ko lang kasi kung saan ka pupunta eh," ngisi ko.

"Pupunta ako sa manggahan kasama ang dalawa," saka niya nilingon ang karwahe sa baba na lulan sina kuya Lucas at kuya Marco na kumakaway pa sa akin.

"Talaga? Pwede ba akong sumama?" mas lumapad ang ngisi ko kaya lang napailing siya.

"Hindi. Ang bilin ni Ama sa iyo ay magpahinga ka lang dito sa bahay."

"Eh, nakababagot naman kasi dito. Tsaka, pangako, magpapakabait ako roon. Hindi ako magkukulit," nguso ko.

Isa pa, ayaw ko rin na makasama ang Dueña Hilda na iyon. Lagi na lang nakataas ang kilay at pinapalo pa ako. Tch.

"Martina, kailangan mong ipahinga muna ang braso at balikat mo. Rito ka lang."

"Kuya, pakiusap," ngisi ko saka napakapit na sa kaniya.

Napatitig naman siya sa akin kaya mas lalo pa akong ngumiti. Alam kong hindi naman niya matatanggihan si Kristina. Malakas kasi siya sa kuya niyang ito.

Ilang segundo matapos iyon ay napabuntong hininga na lang siya at kinamot ang kaniyang kilay.

"Siya, oo na. Sumama ka na."

Dahil sa kaniyang sinabi ay napatili ako at kaagad na napatakbo pababa ng hagdan.

"Marti-Martina, mag-ingat ka nga!" sigaw niya nang tumakbo ako papunta sa karwahe at muntik pa na madulas.

"Paumanhin!" sigaw ko at umakyat na ng karwahe at natagpuan ang dalawa na nakangisi at nakailing.

"Hindi ka talaga nagpapipigil," ani kuya Lucas na tila ba ay patanong.

Nakangisi akong nagkibit-balikat, "Martina kasi ang pangalan ko."

Ginulo naman ni kuya Lucas ang buhok ko na siyang ikinasimangot ko. Kasabay niyon ang pagdating ni kuya Lucio na halatang nagmamadali pa.

"Sa susunod talaga, Martina, ay hindi ka na namin isasama," tinaasan niya ako ng kilay.

"Pasensya na kasi, Kuya. Gusto ko lang kasing lumabas ng bahay eh," ngisi ko.

Umiling naman siya at sumakay na ng karwahe at umupo sa tabi ko. Maya-maya pa ay umusad na ito hanggang sa nakalabas na kami ng Casa Del Veriel.

"Huwag lang masyadong malikot doon, Martina, at baka higit pa sa pasa ang aabutin mo. Ayoko na naman na magalit si Ama," pagpapaalala ni kuya Lucio.

"Oo nga eh. Batid niyo bang halos lumuwa na iyong aking kaluluwa at puso ng makita ang kaniyang nasusuklam na itsura?" singit pa ni kuya Marco.

"Pasensya na talaga kayo at nangyari pa iyon."

"Martina, hindi inaasahan ang pangyayaring iyon kaya hindi mo dapat na sinisisi ang iyong sarili," kaagad na salungat ni kuya Lucas.

"Tama si Lucas, hindi mo nararapat na sisisihin ang iyong sarili. Maging maingit na lang sa susunod," si kuya Lucio.

"At saka, bakit mo pala sinangga ang palo ni Ama na para sa akin. Batid mo naman na masakit iyon ah," kunot-noong baling ni kuya Lucas.

Napangiwi naman ako saka napayuko, "Eh kasi, hindi naman nauukol na saktan niya kayo ng ganoon eh."

"Pero kahit na, Martina. Sa susunod ha, huwag mo ng ulitin ang ganoon. Hindi na bali kami pa ang masaktan huwag lamang ikaw."

Malungkot ang mga mata niya habang nakatitig sa akin pero seryoso ang mga ito. Binibigyan talaga nila ng importansya si Kristina.

"Maraming salamat talaga sa inyo. Hindi ko maisip kung ano na lang ang mangyayari sa akin kapag wala kayo." Napangiti ako ng may kalungkutan. Sigurado akong labis silang masasaktan kapag mawawala na ang kapatid nila.

"Ano, mag-iiyakan ba tayo rito?" biglang singit na naman ni kuya Marco kaya nagsitawanan na kaming apat.

Matapos ang sampung minuto ay narating namin ang dulo ng plantasyon ng manggahan. Nasa kanang bahagi ito ng daan papunta sa sentro ng bayan at ikalawang lupain ng Del Veriel. Kusunod naman nito ang maisan. At doon sa kabilang kanan ay ang tubohan. Sa kaliwa naman, katapat ng manggahan ay ang kakawan, at kasunod ang pinyahan. Sa kabila naman ay ang niyogan.

Sa may harap ng Casa Del Veriel at una sa mga taniman na ito ay iilang metro lang na taniman ng mga prutas gaya ng nangka saka mga rambutan. Ang dami nilang mga pananim, sobra.

Kaniya-kaniya na naman na nagsibaba sina kuya Lucas at kuya Lucio na nakaupo sa may pinto. Kaagad naman na sumunod si kuya Marco at panghuli akong sabay nilang inalalayan.

May mga trabahador na nakasilong sa ilalim ng isang mangga malapit sa gilid ng bakod na mga kahoy. Naroon pa ang mga malalaking basket na sinisidlan ng mga mangga. At may iba namang mga trabahador na nasa ibang mga puno ng mangga at kumukuha ng mga bunga.

May kataasan at kalakihan ang mga puno ng mga na hitik pa sa mga bunga. Kahit saang anggulo mo pa tignan ay paniguradong mga mga bungang nakasabit doon. Hindi ako pamilyar king anong klaseng mga mangga ito ngunit may mga kinukuha silang berde pa at may iba na dilaw na.

Naglakad na kami papasok doon sa maliit na tarangkahan na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy na gaya ng sa tic-tac-toe ang porma. Nakahanay ang pagtanim sa mga puno ng mangga at maiiksing damo lang ang naroon sa lupa. Ang ganda ritong mag-picnic tapos kumukuha lang ng bunga sa itaas.

Lumapit naman sina Kuya sa iilang mga nakatambay sa ilalim ng mangga kaya sumunod na ako. Mga apat na mga kalalakihan na nagtatrabaho sa manggahan.

"Magandang hapon mga Senyorito at Senyorita," halos sabay na bati ng mga ito.

Nginitian naman sila nina Kuya habang tahimik lang akong nakatingin sa paligid.

"Hihingin ko ang tala ng aanihin nating mga mangga ngayon," si Kuya Lucio.

"Sige po, Senyorito. Iilang mga kahoy na lang din naman ang kukuhanan dahil ang iba ay hindi pa kahinugan."

"Nasalin at nausisa na rin po namin ang mga ito para sa pag-aangkat mamaya."

"Mabuti, mabuti," tumango si Kuya Lucio saka sila napatingin sa buong paligid.

May nakita naman akong bungang nakasabit saktong nasa ibabaw lang ng kaunti sa ulo ko ay nakangisi ko iyong pinitas.

"Kuya, pwede ko ba itong kainin?" nakangising usal ko hawak-hawak ang may kalakihang berdeng manga.

Napalingon naman silang lahat sa akin at napatitig sa hawak ko.

"Saan galing iyan?" kunot-noong usisa ni kuya Lucas kaya itinuro ko ang itaas ng ulo ko.

"Ito po, Senyorita, may kortapluma ako rito," nakangiting abot naman ng isang lalaki ng ang kutsilyo na pwedeng itiklop at itago sa hawakan nito.

"Ikaw talaga, Martina, kain ka ng kain," nakangising asar ni kuya Marco kaya pinanlakihan ko na lang siya ng ilong. Natawa naman si kuya Lucas saka ginulo ang buhok ko.

"Oo, sya ako na."

Kinuha naman ni kuya Lucio ang kutsilyo at ang mangga sa akin saka niya ito binalatan sa gilid. Ang dalawa naman ay kumuha ng malaking basket sa gilid ng puno saka naglakad na papunta sa mga puno ng mangga.

Nakangiti naman akong nakatingin at naghihintay kay kuya Lucio na matapos ang ginagawa niya. Nangasim na ang ilalim ng tenga ko kanina pa nang matanaw ko ang puno at nag-uumapaw na mga mangga. Ang lalaki pa ng mga ito. Goodness, ang saya talaga tumira rito dahil ang daming pagkain.

"Ito na, Martina," sabay abot ni kuya ng mangga at ibinalik na niya ang kutsilyo. "Malinis ba iyang kamay mo?" usisa niya pa

Natawa naman ako sa kaniya, "Oo naman, Kuya, noh."

Tumango siya bilang tugon. "Halika na. Nasaan na ang dalawa?"

"Naroon po, kumukuha yata ng mga bunga, Senyorito," sagot niyong lalaking may-ari ng kutsilyo.

"Ganoon ba? Siya, halika Martina," aya niya saka naglakad na papunta kina Kuya na nagtatawanan pang namimitas ng mangga.

Bumaling naman ako sa apat, "Kuya, may bagoong kayo rito?"

Nagkatinginan naman sila at sabay na umiling, "Ah, wa-wala po, Senyorita." Napasimangot naman ako.

"Martina?" tawag uli ni kuya Lucio kaya nakangisi ko siyang tinanguan.

"Oo sandali lang!" Bumaling naman uli ako sa apat, "Kuya, pakibalot naman ako ng mga apat o lima, oo. Tsaka huwag iyong masyadong hinog na ha? Iyong katamataman lang, iyong berde pa tsaka mga malalaki rin, oo. Salamat."

Mabilis naman silang napatango at natawa ng kaunti, " Opo, Senyorita, wala hong problema."

Agad na akong napatakbo papunta kina Kuya dala-dala ang mangga ko. Napangisi naman sina kuya Lucas at kuya Lucio na nakatingin sa akin kaya nginisihan ko na rin.

"Halika rito, Martina. Sumakay ka rito," turo ni kuya Lucas sa malaking basket na hawak nilang dalawa ni kuya Lucio, "dahil bibitbitin ka na lang namin."

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at pinagtaasan sila ng mga kilay. Si kuya Marco naman ay nasa tapat ko na nakapameywang at nakangisi sa akin. Napalingon naman ako sa ibang mga trabahador na nakatingin sa amin.

"Oy, huwag ha, baka masira iyan. Mabigat pa naman ako."

Umiling si kuya Lucio, "Hindi iyan. Halika." Hinawakan naman niya ang braso ko saka dinala sa may harap ng basket. "Upo ka. Ilabas mo lang ang iyong mga paa."

"Ito ha, kapag nalaglag ako sa sa ilalim, lagot talaga kayo."

Natatawa naman silang inalalayan ako papaupo sa basket na nakapatong ang likod ng mga tuhod ko sa gilid ng basket. Hanggang baba lang ng balikat ko ang basket kaya mukha akong batang hindi na kasya sa duyan. Ang hirap pa naman na tumayo pabalik.

"Ayan na. Tignan nga natin kung mabubuhat ba," natatawang usal ni kuya Marco.

Hinawakan naman ni kuya Lucas ang hawakan sa kaliwa at si kuya Lucio sa kanan saka dahan-dahan na inangat.

"Aray, aray, aray, sandali, iyong likod ko," pagpigil ni kuya Lucas saka napahawak sa kaniyang likod. Nagtawanan naman ang dalawa na ikinasimangot ko.

"Hindi naman ako mabigat ah?" reklamo ko. "Tatayo na nga lang ako."

Sinubukan kong tumayo pero hindi kaya ng powers ko dahil may hawak pa akong manga sa kaliwang kamay at masakit ang braso ko sa kanan. Dagdag pa ang posisiyon kong hindi ko na maintindihan.

"Biro lang, biro lang. Halika ka na, Kuya, kumuha na tayo ng mangga," pigil ni kuya Lucas kaya sabay na nilang inangat uli saka naglakad na.

Mukha na tuloy akong pilay. Umiling na lang ako saka kinain na ang mangga na kanina ko pa gustong sunggaban.

Masaya ko lang na kinakain ang mangga ko habang ang dalawa ay buhat-buhat ako at si kuya Marco naman ay ilang hakbang ang layo sa amin na abala sa paghahanap ng manggang pipitasin. Ang kinukuha niya lang kasi ang iyong naaabot lang tapos bumabalik sa amin na nakasunod sa kaniya para ipasok iyon sa tabi ko.

"Mga alipin, bilisan niyo naman ang paglalakad. Kay bagal-bagal ah," kunyaring reklamo ko saka pinagkrus ang mga sakong kong nakabitin sa ere.

Magkasabay naman na napatingin ang dalawa sa akin at hindi sumangot. Ang hindi ko alam ay itatakbo pala ako ng dalawa ng mabilis kaya natataranta na ako't natatawang pinipigilan sila. Dalawang kamay ang inihawak nila sa hawakan at buong pwersa na nakakapit doon at mabilis na tumatakbo pasunod kay kuya Marco.

"Kuyaaa! Hoy, sandali lang, hoy tigil! Kuyaaa! Halaaa, sandali 'yong mangga ko, sandali, nahulooog!" todo sigaw na ako dagdag pa ang pagkahulog ng mangga na hindi pa nauubos.

"Ay, pasensya na po, Senyorita. Ang sabi niyo kasi ay bilisan namin," natatawang tugon ni kuya Lucio na sige pa rin ang pagtakbo nila na halos tumilapon na ang mga mangga sa tabi ko.

"Hoooy, maawa kayo sa akin. Sandaliiii!" natatawa kong pigil sa kanila na halos hindi na ako makahinga.

Nagtawanan naman ang dalawa saka tumigil sa tabi ni kuya Marco saka nagpamaywang at hinabol ang mga hininga. Barumbado talaga ang mga 'to.

"Mabuti na lamang at hindi tumilapon iyang si Martina. Nakakatuwa ang iyong itsura Martina, ika'y mukhang biik na iihawin," kaagad na salubong ni kuya Marco saka inilagay ay tatlong mangga sa basket.

Nagtawanan naman silang tatlo roon na nakatingin sa kalagayan ko. Hindi ko alam ang lakas pala nilang man-trip sa akin.

"Mas inuna pa nga iyong mangga niyang nahulog," dagdag pa ni kuya Lucas na mas lalo pa nilang pinagtawanan.

Natawa na rin ako habang pinagmamasdan ang tatlo. Nakakahawa iyong tawa nila. At masay rin akong makita silang masaya at magkakasama. Mabuti at silang tatlo ay hindi mga magkakapatid na malabo ang relasyon sa isa't isa. Masaya akong makita silang magkasundo.

"S'ya, halika na kapwa alipin, buhatin na nating ang Senyorita," panimula na naman ni kuya Lucio kaya naman binuhat na nila uli ang basket na lulan ako. Nauna na uli ang nakatawang si kuya Marco at namitas ng mangga.

"Iyan, iyan, Marco, iyang malaki. Oo iyan, bilis!" utos pa ni kuya Lucas sa kaniya.

Nang mapitas ni Kuya iyon ay humakbang siya ng iilan saka inihagis niya ito papunta sa basket para ipasok-papunta sa akin.

"Kuyaaaa!" kaagad kong sigaw at isinangga ang kaliwang braso ko.

Ngunit sa halip ay nagsitawanan lang ang tatlo at sunod-sunod na inihagis ni kuya Marco ang mga mangga habang papalapit kami sa kaniya.

"Damihan mo pa, kapwa alipin, nang matauhan itong Senyorita," utos pa ni kuya Lucas saka sila nagtawanan lalo. Mabuti na lang at hindi ako natamaan at sa gilid lang pumasok. Mga pasaway talaga.

Maya-maya pa ay nagsitakbuhan na naman sila kaya napahawak na lang ako sa basket at tawa ng tawa. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga trabahador tapos may pinagtawanan pa kami.

"Kuyaaaaa, maawa na kayo. Tigil na, nahihilo na ako. Kuya, tigil na, sandali. Hoooooy!"

Tawang-tawa kaming apat habang nakakapit na ako sa basket at hilong-hilo na sa mga pinagagagawa nila. Mas lalo pa silang natawa nang matamaan ako sa noo ng mangga na sinadya naman ni kuya Marco na ihagis sa mukha ko. Inilapag na nila ang basket at napaupo na sa damuhan sa katatawa.

"Saya niyo noh, oo," nasimangot kong usal at natawa na lang kalaunan nang marinig ang nakakatawang tawa nila. Lalo na kay kuya Marco na tali ba nawawalan na ng hininga kapag tumatawa. Iyong parang tunog naghihingalo na siya.

Sinubukan ko na lang na tumayo dahil kanina pa sila tawa ng tawa. Kaya lang mas lalo pa silang natawa nang tumagilid ang basket at napagulong na ko sa lupa. Naghalakhakan sila at tawang-tawa sa itsura kong nakasalampak na sa damuhan. Ni hindi man lang nila ako tinulungan, hayss.

"Tama na, tama na. Napakasakit na ng aking tiyan sa kakatawa," pigil ni kuya Lucas at napatayo na. Hindi naman tumigil ang dalawa at nakatawa pa ring tumayo.

Tinulungan na ako ni kuya Lucas at saka niya inayos ang basket.

"Ayan tuloy, nagkalat na iyong mangga. Papagalitan na tayo ni Ama niyan," nakanguso kong usal saka pinulot ang iyon at ipinasok na sa basket.

"Hindi iyan. At saka ibibigay na lang natin ito sa mga nagtatrabaho ngayon," tugon ni kuya Lucio at tumatawa pa rin na nakikipulot.

"Paumanhin, Martina. Masakit ba iyong natapon sa iyo?" natatawang pag-iiba ni kuya Marco.

Napahawak tuloy ako sa noo ko at sinubukang makaramdam ng bukol at sakit dito. Mabuti na lang at wala dahil baka doble na ang pasakit sa akin.

"Wala naman. Pero ang sakit kaya, parang nayanig pa yata ang utak ko eh," natatawa kong himas sa noo ko kaya pati sila ay natawa na rin.

"May utak ka pala?" gulat na tanong ni kuya Marco sa akin kaya nasapak ko. Dahil sa sinabi niya ay mas lalong nagsitawanan ang dalawa.

"Ang sakit mong magsalita ah, grabe," simangot ko saka natawa na rin.

"Biro lamang," natatawang aniya saka nagpulot na ng mga mangga.

"Hayan at tumigil na tayo na kabardagulan," umiiling na usal ni kuya Lucio.


Hindi naman nagtagal ay naipasok na ang lahat ng mangga kaya pinagpag ko na ang sarili ko at sumunod sa kanila na pabalik sa may tarangkahan dala ang basket.

"Heto Enricio, hatiin ninyo lahat itong mga mangga. At saka, dalhin ninyo na lang sa mansiyon ang tala. Pagpahingahin niyo na rin sila maya-maya," rinig kong sabi ni kuya Lucio.

Napatango naman ang apat na lalaki at itinabi ang dala naming mga mangga. "Maraming salamat po, mga Senyorito, Senyorita."

"Mauuna na kami sa inyo," paalam ni kuya kaya tumango na uli ang apat saka ngumiti.

"Sige po, mga Senyorito, Senyorita. Mag-iingat po kayo," sagot niyong lalaking si Enricio.

Tipid naman silang tinanguan nina kuya at naglakad na palabas at naiwan akong nakangiti sa apat. Ibinigay naman ng mas bata sa kanila ang isang supot na gawa sa abaca na may lamang mga mangga. Kaagad ko naman iyong tinggap.

"Maraming salamat ah."

"Hindi niyo na po kailangan pa na magpasalamat, Senyorita," sagot nila.

Tumango na uli ako saka kaagad na sumunod kina kuya ng nakangisi. Sumakay na ako at umupo sa tabi ni kuya Lucio. Magkarugtong ang mga kilay nilang nakatingin sa dala kong supot.

"Ano iyan?" kurysong tanong ni kuya Lucas.

"Ehehe, mangga."

Nanlaki ang mga mata ni kuya Marco, "Mangga na naman?"

"Eh, natapon ang mangga ko kanina eh," simangot ko.

Natawa na lang sila at umiling. Hindi rin nagtagal ay lumiko na at bumalik ang karwahe na sinasakyan namin sa mansiyon.




Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng yugyog sa aking braso. Napadilat ako at natagpuan ko si Ina na nakatayo at bahagyang nakayuko sa aking kanan. Naroon ang kaniyang matatamis na ngiti habang nakatingin sa akin.

"Pasensya ka na, anak, at ika'y ginising ko pa. Maghahapunan na tayo maya-maya. Baka nais mo munang pumanhik sa itaas at nang ikaw ay makapagpalit?" aniya.

Napatingin naman ako sa paligid at medyo madilim na nga ang azotea at sa labas kaya nilingon ko si Ina saka tumango.

"Sige po. Babalik po ako kaagad."

Ngumiti siya sa akin kaya gumanti ako saka tumayo at nagpunta na sa itaas. Nadatnan ko si Isay sa kwarto na nag-aayos sa higaan ko. Napangiti naman siya nang makita ako saka naglakad papunta sa bihisan na sinundan ko naman.

Nakalatag na pala roon ang susuotin kong damit kay iniwan na niya ako saka ako nagmamadaling nagbihis. Wala pang limang minuto ay bumalik na ako roon saka dumiretso sa tukador para magsuklay.

Napadahan-dahan ang paglalakad ko nang mapansin kong tatlo na ang plorera na nakapatong sa mesang pang-aral at magkakatapat ito sa isa't isa sa gitna. Mas lalo pa akong napatitig sa isang klase ng bulaklak saka napangiti. Iyon ay ang aking paborito.

"Isay, saan galing iyang dalawang bulaklak?" usisa ko nang ang makilala ko lang ay ang kay Primitivo na bigay.

Kinuha ko na ang suklay saka siya nilingon. Napangiti naman siya habang nakatitig sa mga bulaklak.

"Ah, iyang mga rosas na pula ay mula kay Ginoong Joaquin, ipinadala niya kasama ang isang liham. Nariyan po sa iyong likod," turo niya sa sobreng nakapatong sa mesa ng tukador sa aking likuran.

"At iyan naman pong mga pulang tulip ay galing kay Ginoong Agustino. Nagpunta siya rito kanina ng ilang mga minuto kaya lamang ay ika'y tulog kung kaya't inihabilin niya na lang sa akin at hindi ka na niya ginising."

Kaagad na nagdugtong ang mga kilay ko dahil sa narinig. Binigyan ako ni Joaquin ng sulat at bulaklak? Pati si Agustin ay nagpunta rin dito?

Nilingon ko naman ang sulat saka mabilis iyon na binuksan at binasa.

Magandang araw, Binibini.

Kumusta na ang iyong pakiramdam? Sana ay maayos na at magaling na. Ika'y matapang, Binibini, at iyan ay simpleng pasa lamang para sa iyo. Kagaya lamang iyan ng kagat ng langgam para sa iyo. Huwag kang mabahala, mawawala rin iyan. Magpagaling ka, Binibini.

Joaquin Varteliego


Hindi ko akalain na nakangiti na pala ako habang nakatingin at nagbabasa sa sulat. Pinahid ko ang daliri ko sa tinta sa sulat. Hindi ko akalaing magkakaroon ng magandang sulat-kamay ang isang tulad niya.

"Kung hindi niya naman mamasamain, Senyorita, ay maaari ba akong magtanong?"

Kaagad akong napalingon nang magsalita si Isay. Inihilig ko naman ang aking ulo saka siya tinanguan.

"Ang mga Ginoo bang iyan ay nanliligaw sa inyo?" aniya. "Ang akala ko ay mayroon na kayong iniibig?" taas kilay pa na paalala niya sa pinag-usapan namin dati.

Pinagdugtungan ko siya ng mga kilay saka natawa. "Anong nanliligaw ka riyan? Magkaibigan lang kami ng mga Ginoong ito," paliwanag ko.

Natatawa naman siyang nagtaas ng kilay, "Ngunit, mayroon ka bang nagugustuhan sa kanila? Iyong mahalaga sa iyong puso?"

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Napailing ako.

"Sil-silang tatlo. Mahalaga silang tatlo sa puso ko dahil mga kaibigan ko sila."

"Pft, hindi iyon ang nais kong sabihin Senyorita," mas natawa pa siya. "Tagasilbi lang po ako pero napapansin ko ang lahat," napangisi naman siya sabay taas-baba ng mabilis ng kaniyang mga kilay.

Inilagay ko naman sa mesa ang sulat saka natatawang nagpamaywang. "Ano ba kasi ang ibig mong sabihin?"

Natatawa siyang umiling saka niyakap ang poste ng higaan. "Alam niyo, Senyorita, iyong mga tingin na kanilang binibigay sa iyo ay iba."

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong ibig niyang sabihin?

"Dahil?" nakataas ang dalawa kong kilay.

"Hindi naman po nakakapagtaka na mayroon ngang nabibighani sa iyong kagandahan, Senyorita. Hindi ko lang akalaing ang tatlong magkakaibigan pa na iyon ay ang magkakagusto sa iyo."

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig, "Hoy! Ikaw ah, hindi naman. Magkaibigan lang talaga kami."

"Hmm? Hindi po ako naniniwala riyan, Senyorita," mas lalo tuloy siyang ngumisi.

"Ikaw ha, binibigyan mo naman ng ibang dahilan ang pagiging mabait nila sa akin."

"Sige, kung iyan ang nais ninyo, Senyorita," pagsuko niya. "Pero batid niyo po ba? Mayroon din naman akong napapansin sa inyo eh," kindat at ngisi niya pa.

Napasimangot naman ako at ngumuso, "Ano? Ikaw ha, puro ka kalokohan."

"Bakit, Senyorita? Kalokohan ba ang nakangiti ng mag-isa na nakatingin sa grupo ng mga ginoo mula sa malayo?" lumapad ang ngisi niya.

Dahil sa narinig ay napatakbo ako papalapit sa kaniya, "Isaaaay! Ano ba ang sinasabi moo?!"

Natatawa naman siyang napatakbo sa kaliwang banda ng silid kaya hinabol ko siya. Anak ng, ginagawa ko talaga iyon?

"Kita niyo po? Kayo Senyorita ha. Sino ang titignan ninyo?" pang-aasar niya pa.

"Wala kaya akong tinitignan," depensa ko. Eh sa wala naman talaga.

"Nakuuu, nahuli ko na kayo eh," natatawang aniya na tumakbo na naman papunta sa mesa dahil hinabol ko.

"Hindi naman kasi talaga. Kaibigan lang ang tingin nila sa akin at ako sa kanila," paglilinaw ko.

"Hmm. Pero Senyorita, habang maaga pa ay kailangan niyong usisahin at tanungin ang sarili ninyo tungkol diyan, para pagdating ng panahon ay wala pong magkakasakitan ng damdamin," biglang pagseryoso niya.


Napatitig ako sa kaniya at napataas ang kilay ko dahil sa narinig. Si Isay pa ba ang kausap ko? Bakit parang ibang tao na?

Tsaka isa pa, kaibigan lang naman talaga ang tingin ko sa kanila eh.


At hindi ko maaaring unahin ang bugso ng damdamin ko kaysa sa aking misyon. Hindi ko pa nga nalalaman kung sino ang papatay sa akin.


Hindi rin ako maaaring magkagusto sa mga taong narito sa kapanahunang ito dahil masasaktan lang sila-lalo na ako.



Hindi pwede iyon.






Sa Taong 1890

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

32.3K 241 47
These poems and declamation pieces will be written in either tagalog or english. These are originally made so take out with full credits. Remember: P...
253K 5.3K 70
(This story is half love story and half thriller) Solve the mystery of Class M-13........ A section that is known as the BEST SECTION, Respectful, He...
7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
45.6K 5.1K 81
Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or...