Reincarnated as the King's Un...

By Oh_My_Gie

108K 3.9K 423

Nightmare Jinx Croix, ang ikaapat na anak ng hari. The least favored child of the emperor of the Center. Ang... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45

Chapter 5

3.6K 158 16
By Oh_My_Gie

CHAPTER 5

SINGTONADO, MGA BANDIDO, FIRST KISS

"NIGHTMARE!!!"

Sigaw nila maliban kay Coldy na napiling iling nalang. Bakit pa nga ba siya nag-alala. Oo, nag-alala siya. Alam niya kasing may pagka tanga si Nightmare kaya naisip niya baka kinakain na ngayon yun ng higanting kalahating ahas at kalahating tao. Pero dahil kakaiba at tanga si Nightmare, sa halip na matakot nagawa niya pang makipagbiruan at paglaruan ang buntot nito.

"Wow, ang haba ng buntot mo. Pwede ko bang hiramin ito? Saglit lang. Promise. Pagkatapos, ibabalik ko din sa'yo. Pwede ba? Pwede naman diba?"

Natampal nalang ni Coldy at Justine ang kanilang nuo. Tumatawa naman ng mahina si Prince Geo na talaga namang tuwang tuwa sa ipanapakitang ugali ng dalaga. Ngayon, pakiramdam niya, hindi na ang dating Nightmare ang kaharap nila, ibang iba kase talaga ito.

Nakangiti naman si Hope Less dahil nga sa natutuwa siyang makitang masaya ang kapatid niya. Si Bae Lhat naman ay napakamot nalang sa kaiyang ulo habang si Demon You ah hindi na alam ang gagawin, kung hahatakin ba niya ang kapatid niya o mananatili nalang siya sa kinatatayuan niya dahil sa totoo lang, kinakabahan siya. Malakas lang siya at mayabang dahil sa lakas ng kapangyarihan niya. Ngunit ngayon na wala ito sa kaniya, hindi niya ala kung anong gagawin niya.


"Ano ba ang iyong ginagawa, binibini? Tigilan mo ang kakahaplos sa aking buntot. Nais mo bang ako ay galitin? Pinasok niyo na nga ng walang pahintulot ang aking tahanan, ngayon ay nilalapastangan mo pa ang aking makintab na buntot. Isa kang pangahas."

Sa halip na matakot inirapan lang siya ni, Elijah. Nagawa pa nitong mameywang at taasan ng kilay ang pangit na halimaw. Naiinis siya, pasalamat nga ito at hinawakan ng mahiwagang kamay niya ang buntot nito, dapat matuwa ito dahil walang mago na nasa matinong pag-iisip na makikipag-usap sa halimaw at talagang hahaplusin pa ang buntot nitong marami ng napaslang. Eww, makasalanan.


"Isa akong pangahas? Duh, mago ako. Hindi mo ba alam yun? Sige, ipapaliwanag ko. Ang mago ay mga taong biniyayaan ng kapangyarihan. Kaya nilang gawin ang mga bagay bagay na akala ng mga ordinaryong tao na naninirahan sa Earth ay imposible. Kung baga, kayang gawin ng mga mago ang mga bagay na akala ng mga ordinaryong tao ay imposibleng gawin. Ganun, duh. Ganun ka na ba katagal dito para hindi mo malaman ang mga simpleng bagay bagay gaya nun. Labas labas din kase pag may time. Huwag ka ng umasayang gaganda ka at puputi ka sa katatago mo sa lungga mo."


Namamanghang tinitigan ni Cloud si Nightmare. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya pero isa lang ang nasisigurado niya.

"Interesting, I'm starting to like you, Nightmare. Be ready, once I announce that I like you, you'll be mine, no matter what it takes"


Akala niya walang may nakarinig, dun siya nagkakamali. Narinig ni Hope ang mga binuling niya. Nasaktan ang dalaga. Pinipigilan niya ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Nasa isip niya, mas maayos nadin siguro ang ganiyo, siguro, kapag nakatuluyan na ng kapatid niya ang minamahal niya na minamahal din nito ay baka magkaayos sila at maging malapit sa isa't isa.

Hindi lang si Hope ang nakarinig, maging si Coldy ay narinig din ang sinabi ni Cloud. Hindi niya namalayang mahigpit ma mahigpit na pala ang pagkakakuyom ng kamao niya. Masama din ang naging tingin niya sa likod ni Cloud. Napansin nito ang masamang tingin niya, hinarap ni Cloud si Coldy at nginisihan. Napatiim bagang nalang si Coldy at itinuon ang pansin sa babaeng baliw na hanggang ngayon ay walang kakaba-kabang nakikipag argumento sa halimaw.


"Ang sungit mo naman. Epekto ba yan ng walang nobyo? Hah! Ikaw hah, ang sungit sungit mo. Kaya ka tumatandang dalaga e. Hmp."

Natawa ng mahina si Prince Geo at Princess Felisha. Nagkatinginan pa silang dalawa at napa high five nalang sa isa't isa. Pigil na pigil din nilang hindi mapatawa ng malakas. Baka mapunta ang atensyon mg halimaw sa kanila, tiyak lagot sila. Lalo pa at mukhang mauubos ma talaga ang pasensya nito sa dalaga.


"Mag-ingat ka sa iyong mga sinasabi, binibini. Nauubos na ang pasensya ko sa'yo. Pasalamat ka busog ako, dahil kung hindi,baka napatay na kita at nakain ng buo."


Tinitigan ni Elijah ang kaniyang kuko saka kinutkot kutkot ito pagkatapos ay muling ninalingan ng tingin ang halimaw. Nag Cross arms siya saka nag flip hair pa.

"E di salamat."


Muntik ng matawa ng malakas sina Prince Geo at Princess Filisha. Mabuti na lamang talaga at naging maagap sila, bago pa kumawala ang malakas nilang pagtawa naitakip na nila sa kanilang mga bibig ang kanilang mga kamay.


Si Justine naman ay tahimik na nananalangin. Habang si Prince Finligh naman ay pigil ang tawa dahil nasa tabi niya si Justine, dinig na dinig niya ang mga pinagsasabi nito.


"Mahal na Diyosa, iligtas niyo po kame mula sa delubyong sa ngayon ay ginagawa ng baliw na babaeng 'to. Maawa ka sa amin mahal na diyosa. Bata pa po kame, gusto pa naming mabuhay at isa pa, virgin pa po ako."

"Pfttt!!!"

Natawa na talaga si Prince Finligh, yung tawang silang dalawa lang ang makakarinig. Nagtataka naman siyang tinitigan ni Justine, inosente niya itong tinitingnan.

"May nakakatawa ba?"

Bulong na tanong ni Justine kay Finligh na manghang manghang nakatingin sa kaniya habang may pinipigilang tawa.


Umiling iling si Finligh. "Virgin, eyy."

Dahil sa sinabi ni Finligh duon lang napagtanto ni justine kung ano ang ikinatawa ng prinsipe na nasa tabi niya. Nakagat niya ng mariin ang pang-ibabang labi niya. Namumula nadin ang pisngi niya. Nag-iwas siya ng tingin pero hindi nakatalas sa paningin ni Finligh ang pamumula ng kaniyang pisngi.


"Anak ng Diyosa nga naman oh. Narinig pala niya, akala ko pa naman sa isipan ko lang naipanalangin yun, naibigkas ko pala talaga. Pahamak kase ang Nightmare na 'to, gzz pagbalik ma pagbalik namin lalayuan ko na talaga ang impakta na' to. Lagi nalang akong napapahamak ng dahil sa kaniya. Yung tatay ko pa, mukhang may alam na at naghihinala na din sa akin. Pahamak talaga, kahit kailan!! "


Inis na inis si Justine pero yung inis niya bigla nalang napalitan ng kaba ng makuta niyang bigla nalang sumampa si Nightmare sa buntot ng halimaw. Hindi lang siya kundi lahat sila ay kinabahan ng sobra. Halos pigil na nila ang paghinga dahil sa kaba na nararamdaman nila.


"Tara na, sumunod kayo sa amin. Ihahatid daw niya tayo. Heheh"

Yung kaba nila napalitan ng pagkamangha, pagkalito at pagtampal sa kanilang mga nuo. Muntik ng mabuwal sa pagkakatayo ang dalawang kapatid na lalaki ni Nightmare samantalang yung iba ay napailing iling nalang habang si Coldy naman ay hindi na alam kung anong dapat niyang maging reaksyon...


"Crazy"

Yun na lamang ang kaiyang naituran. Sinundan nila ang halimaw sa kung saan man sila nito dadalhin. Tahimik na nakikinig lang sila sa walang sawang kakasalita na si Nightmare. Kung yung iba namamangha at naaaliw na nakikinig sa dalaga, si Coldy at Justine naman ay gusto ng maglaho nalang na parang bula. Ang sakit na ng tenga nila kakapakinig sa ingay ng bunganga ni Nightmare. Lalo pa ng kumanta na ito. Maganda naman yung kanta, sadyang panget lang talaga ang boses ng kumakanta.



"KUNG MANG-AAKIT! AKIT! KA NA NAMAN! PWEDE BANG SA AKIN? AKIN! LANG?"

Sumasakit na ang ulo ni Coldy habang ang kambal na si Felisha at Finligh kasama na si Geo ay tawa ng tawa, si Hope at ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki naman ay napangiwi nalang. Hindi sila pamilyar sa kanta pero naaawa sila sa kung sino man ang sumulat nito. Niyuyurakan kase ng boses ng kapatid nila ang kanta nito.


Biglang humarap sa kanila si Nightmare. Nakatitig ito kay Prince Coldy.

"NARINIG MO YUN PAPII? YUNG KANTA KO NARINIG MO BA? RINIG MO BA DYAN? GUSTO MO LAKASAN KO PA?"

"RINIG KA NAMIN DITO, OKAY NA YUN, HUWAG MO NG LAKASAN. MAS OKAY KUNG HINDI KA NA KUMANTA, MAG KWENTO KA NALANG ULIT"


Hindi pinansin ni Nightmare ang kaawa awang si Justine. Sa halip sinamaan niya muna ito ng tingin bago inirapan ng bonggang bongga.

"RINIG MO YUMG KINANTA KO PAPPII? IBIG SABIHIN NUN, KUNG MANG-AAKIT KA LANG DIN NAMAN, SA AKIN LANG HAH? PROMISE, HINDI AKO MAGPAPAKIPOT. GUSTO MO NGAYON PA E. HEHE, RELAX KA LANG DYAN SAKA MAKINIG KA LANG SA KANTA KO. I LIVE FOR YOU, PAPIIII.. WHOOOOHHH!! "


Naluluha na sa katatawa si Finligh , Felisha at Geo habang ang tatlong magkapatid ay parang gusto nalang na magpalamon sa lupa at si Coldy naman ay hinihilot hilot na ang kaniyang sintindo dahil sumasakit na talaga ito. Si Justine ay nahihilo na ewan, buti nalang andyan si Finligh at inaalalayan siya. Tanging si Cloud lang yata ang namamangha kay Nightmare at iniisip na maganda ang boses nito kahit ang totoo ay kulang nalabg umulan na at mabasag lahat ng babasagin sa pagka sintunado nito.



"DEAR FUTURE HUSBAMD HERES A FEW THING YOU NEED TO KNOW IF YOU WANNA BE MY ONE AND ONLY ALL MY LIFE.

TAKE ME ON A DATE COZ I DESERVE IT BABE AND DON'T FORGET THE FLOWERS EVERY ANNIVERSARY.

COZ IF YOU TREAT ME RIGHT I'LL BE THE PERFECT WIFE, YEAHHHH!!! WHOIHHH!! "

Hindi nila alam kung magpapasalamat sila dahil natapos na ang pagkanta nito o hihinto muna para magpahinga dahil pakiramdam nila naubos na ang lakas nila katatawa, kakapakinig at kung ano ano pa.

"Fbck it! What a crazy witch!" bulong ni Coldy.

___

"Hanggang dito nalang ako, binibini. Hindi na ako maaaring lumampas sa teritoryo ko. Paalala lang, ang susunod na papasukin niyong teritoryo ay hawak ng mga bandido, kaya mag iingat kayo."

Aalis na sana ang halimaw ng may makalimutan siyang sabihin.

"Isa pa palang paalala, maawa ka sa mga mago at hayop na nakapaligid sayo. Huwag ka na ulit kakanta, kung totoo man ang sinasabi mo na pangit ako, at least hindi pangit ang boses ko. Ingat kayo sa paglalakbay niyo binibini."


Mabilis na nakalayo ang halimaw bago pa man makapag bitae ng salita si Elijah.


"HAHAHAHHAHAHAHHA!!!"

Sabay na malakas na natawa si Geo, Finligh, Felisha at Justine. Si Justine ay napaupo pa sa lupa at napahawak sa kaniyang tiyan habang tinuturo turo pa si Elijah nangayon ay masama ang timpla at gustong habulin ang halimaw na yun at hiwahiwain tapos ipapakain niya ang karne nito sa buwaya.


"Tinatawa tawa niyo diyan? Makatawa kayo, ang ganda kaya ng boses ko. Pasalamat nga kayo kinantahan ko kayo e. Hmp, mga walang utang na loob."


Tinitigan siya ni Justine saka ito umiling iling. Tinanggap niya ang kamay ni Finligh upang tulungan siyang makatayo. Pinagpagan muna ni Justine ang kaniyang pang-upo.


"Mas magpapasalamat kame kung hindi ka munta at nanahimik ka nalang."


Hindi siya pinansin ni Elijah sa halip nakangusong naglakad na siya. Sinundan naman siya ng mga kasama niyang napapailing iling at natatawa nalang sa inaakto niya.

"NIGHTMARE!!"

Napasigaw na naman sila ng bigla nalang mahulog sa bitag ang dalaga. Si Coldy naman ay napamura nalamang. Lagi nalang talagamg napapahamak ang bruha. May peklat yata sa puwet.

Inis na tumulong si Coldy sa pAghahanap ng baging na maaaring magamit nila upang maiangat ang dalaga. Ngunit pagbalik nila sa butas napinagbagsakan ni Nightmare, wala na ito dito. Nagkatinginan silang lahat at sabay na napasigaw ng.

"SHITTTT!!!!"

_____

"Ano ba kaseng gagawin niyo sa akin? Hah! Aray ko, ano ba, dahan dahan lang naman.

Pag talaga itong makinig kong balat nag kasugat at nagka peklat lagot kayo sa akin.

Pasalamat kayo wala ako sa mood makipag patayan sa inyo. Hmp.

Yan, ganiyan dapat. Ako ang reyna niyo. Ihinulog ako ng langit upang inyong pagsilbihan kaya nararapat lang na ituring niyo akong panginoon niyo! "


Hindi alam ni Elijah kung matatawa ba siya o ano. Hindi niya alam kung anong gagawin sa kaniya, basta binuhat lang siya ng mga bandidong ito at dinala sa hindi niya alam kung saan.

Maingat na iniupo siya ng mga ito sa upuang gawa sa kawayan. Mayroong mga babaeng lumapit sa kaniya at siya ay pinaypayan. Dahil natural na bruha siya, prete siyang naupo na parang isa talaga siyang anghel na ihimulog pababa dito sa lupa upang magbigay ng himala.


"Binibini, ako si pinunong Ma'. Ang pinuno ng mga bandido, naniniwala kame na ikaw ay ipinadala ng diyosa upang gamutin ang aking anak, ang susunod na pinuno ng aming samahan. Tulungan mo kame, pangako, ibibigay namin lahat ng gusto mo. Kahit ano pa ito"


Napaisip naman si Elijah, ng may maisip na kalokohan, napangisi nalang siya saka tumango tango.

"Maaari mo bang ikuwento sa aki kung ano ang sinimulan ng pagkakasakit ng inyong anak?"

"Si Mo' ay amg aking nag-iisang anak. Sa hindi malamang dahilan bigla nalang siyang nanghina, madalas siyang nahihimatay sa tuwing lalabas siya at lagi ding nahihilo. Hindi na namin alam kung ano ang aming gagawin.

Araw araw nananalangin kame sa mga diyos at diyosa, upang bigyan nila ng kalunasan ang aking nag-iisang anak. Ngayon, ikaw ay aming nakita, naniniwala kame na ikaw ang tulong na isinugo ng diyosa upang gamutin ang aking anak. Tulungan mo kame, binibini. Sa iyong pagsagip sa kaniyang buhay, buong buhay ka naming pagsisilbihan at lahat ng iyong naisin aming ibibigay"


Sinabihan sila ni Elijah na samahan siyang puntahan ang anak nito. Nang makita niya ang anak nito, muntik na siyang matawa. Mukha na kase itong ewan. Hahaha. Ang itim ng ilalim ng mga mata, maraming nga tigyawat at talagang nangangayayat na.

"Kailangan ko ng ilang araw pa upang maghanda, masyado pang mahina ang katawan ko sa ngayon para isagawa ang ritwal. Nagugutom na din ako, kailangan ko ng maraming pagkain."

At duon na nagsimula ang pang-uuto niya sa mga bandidong napadpad kanina sa butas na kinahulugan niya. Gusto niyang matawa pero pinigilan niya, baka mabulilyaso ang plano niya at mapatay pa siya ng mga ito dahil sa kasinungalingan niya.


______

"Saan natin siya hahanapin? Bakit kase bigla nalang siyang nawala. Kanina nariyan pa siya ah. Hindi kaya kinuha siya ng halimaw."


Nahihintakutang sabi ni Felisha na ikinailing nalang ni Geo.

"Sinong halimaw naman ang kukuha sa kaniya? Hung halimaw na kauri mo ba? Hindi na ako maggataka kung saktan nila siya , e ikaw nga na pinuno nila e sadista ano pa kaya sila na kampon mo lang. Hahahha."

Masama ang tingin na hinabol siya ni Felisha. May dala dala ding kahoy na napulot lang sa kung saan niya sa kung saan na hinabol ni Felisha ang tumatakbong si Geo habang inaasar padin siya at nagsasabi pa ng mga walang kwentang bagay na mas dumagdag sa inis niya.

"Sa tingin niyo? Sino ang kumuha sa kaniya?" Angel

"Kuya, kailangan nating magmadali. Baka kung napano na siya. Alam mo namang hindi siya marunong makioag laban, hindi ba? Nag-aalala ako kuya."

Niyakap naman ni Bae Lhat ang kaniyang kapatid. Umiiyak na si Hope dahil labis siyang Nag-aalala sa kapatid niya. Paano nalang kung may nagyaring masama dito. Si Cloud naman ay nakakuyom ang kamao na pinipilit pakalmahin ang sarili dahil pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit. Hindi naman niya alam kung bakit nagkakaganun siya.

Tanging si Coldy at Justine lang ang matino sa kanila. Nagkatimginan ang dalawa ng may mapansin sila. Mga bakas.

Sinundan nila ito, napansin ng mga kasamahan nila ang paglalakad ng dalawa palayo sa kanila kaya sinundan nila ang mga ito. Duon lang nila napansin na sinusundan pala ng mga ito ang mga bakas.


"HINTO!"

Napahinto sila dahil sa sigaw na narinig nila. Nang harapin nila ang pinanggalingan ng boses ganuon nalang ang paglunok nila ng may mga nakatutok na sibat at palaso sa kanila. Isang maling galaw lang, siguradong patay sila. Kung minamalas ka nga naman. Ano ba namang kamalasan ito.

Hinuli at tinalian sila ng mga bandido at utinulak tulak papunta sa sa tingin nila ay kuta ng mga ito.

Nang makarating duon ay masama ang tingin sa kaila ng iba oang mga bandido habang ang mga babae naman ay mapang akit na nakatingin kina Coldy, Cloud, Justine, Geo at Finligh na kinilabutan ng husto.

Ipinasok sila sa kulungan na gawa sa kawayan. Nakabantay din ang dalawang bandidto sa pintuan ng kukungan, tahimik nanaupo sila sa lapag at nagkatinginan. Mag uusap sana sila sa kanilang isipan upang umisip ng paraan upang makatakas yun nga lang hindi nila napigilan ang kanilang sarili na makinig da pinag-uusapan ng dalawa.

"Nagamot na kaya ng binibini ang anak ng ating pinuno?"

"Hindi ko alam, bakit ako ang tinatanong mo e alam mo namang magkasama tayo mula pa kanina."

"Nagtatanong lang naman, kumalma ka nga, ang puso mo. Sige ka, pag ikaw namatay sa sakit sa puso di ko kasalanan ah."

"Ang ingay mo"

Binibini? Hindi kaya ang binibini ma tinutukoy ng mga ito ay si Nightmare. Nagkatinginan silang lahat at sabay sabay na napatango. Akmang isasagawa na nila ang planong nabuo sa kanilang isipan ng bigla nalang lumitaw ang isa pang bamdido.


"Pakawalan sila at igiya papunta sa kinaroroonan mg pinuno at ng binibino."

Kinalas ng dalawang bandido na nagbabangay sa kanila ang mga taling nakatali da kamay nila at saka sila dinala sa kinaroroonan ng pinuno ng mga ito.

Ganuon nalang ang pagkumot ng nuo nila ng makita nila ang nakangising mukha ni Nightmare habang prenteng nakaupo da trono nito, kumakain at ninanamnam ang hangin na nagmumula sa mga nagpapaypay sa kaniya.

Gustong sigawan at pagalitan ni Justine si Nightmare pero mas pinili nalang miyang huwag mag salita. Mamamatay lang siya ng maaga dahil sa babaeng ito.


"Patawad, binibini. Hindi ko naman alam na kasamahan mo pala ang mga ito. Nag-iingat lamang po kami."

Tanging tano lang ang ibinigay na sagot ni Elijah sa isang bandido saka nakangitimg hinarap ang kaniyang mga kasama. Mabilis na lumapit siya kay Coldy at niyakap ito.


"Pappiii ko, I miss you."

Mabilis na itinulak naman siya ni Coldy, sinamaan ng tingin ng mga bamdido si Coldy saka itinutok ng mga ito ang kanilang mga sibat at palaso kay Coldy.

"Pangahas ka, bakit mo itinulak ang binibini. Nais mo na bang mamatay sa aming mga kamay?"

Napalunok naman ang mga kasama ni Nightmare at Coldy habang si Nightmare naman ay nakangising nakatingin kay Coldy at tinaasan baba pa ng kilay ang binata na konti nalang ay bibigay na at titirisin na niya ng buhay ang dalaga.

Pilit ang ngiti at napililitamg niyakap siya ni Coldy. Sa higpit ng yakap nito para na siya nitong papatayin, kaya naman mabilis siyang itinulak ni Nightmare at sinamaan ng tingin. Nginisihan naman siya ni Coldy na sinagot niya din ng isang ngisi. Akala mo, hah.

"Pinunong Ma', magagagabi na, maaari mo bang ihatid ang aking mga kasamahan sa kanilang magiging silid?"

Tumango ang pinuno, paalis ma sana ang mga ito kaso mag dalita ulit siya.

"Ako na po ang bahala dito sa asawa ko. Tabi po kaming matutulog, hindi po ba't ang mag-asawa hindi dapat naghihiwalay, lalo na pag gabi?"

Inosenteng tanong niya na ikinaubo mi Geo At Finligh. Masama naman ang tingin ni Cloud kay Coldy na ikinangisi lang ng huli.

Nang makaalis na ang pinuno kasama ang mga kasamahan ni Nightmare, hinatak ng dalaga si Coldy papunta sa kaniyang silid at isinara ang pinto. Pinaalis din niya ang mga tagapagsilbi niya.

Gawa lang sa kawayan ang mga bahay, lahat ay gawa sa kawayan pero komportable namang tuluyan.

"Ano na naman ba ang binabalak mo?"

Inis at malamig na tanong ni Coldy. Sa halip na sagutin ang binata. Lumapit siya dito habang ito naman ay atras ng agras hanggang sa napahiga na ito sa kama niya. Pumatong siya sa nakahigang katawan ng binata.

Marahan din niyang hinaplos ang braso nito, tinitigan niya ng mapang-akit ang labi nito.

"T..Tumigil ka, sinasabi ko sa'yo. Konti nalang ang pagpapasensyang meron ako para sayo."

Sa halip na matakot natawa na lamang ang dalaga. Niyakap siya ng dalaga. Hindi naman nakapag salita si Coldy.


"Bakit ngayon ka lang, alam mo bang natakot ako kanina?"

Napailing iling nalang si Coldy. Halata naman kasing nagsisinungaling ito.

"Kaya pala kampanteng kampate kang nakikipag-usap sa kanila. Masayang masaya ka pa nga sa pinaggagawa mo sa kanila. Tsk. Crazy witch."

Nginusuan siya ni Elijah

"Bakit ba ayaw mong maniwala!?"

"Kase sinungaling ka"

"Ouch"

Nasasaktang hinawakan ni Elijah ang kaniyang dibdib saka umaktong maiiyak na na ikina iling nalang ni Coldy. Hinawi ni Coldy paalis sa ibabaw niya si Nightmare at tumayo na mula sa pagkakahiga.

"Wait"

Lalabas na sana si Coldy ng bigla siyang hatakin ni Nightmare. Dahil sa hindi niya inaasahan ang paghatak nito, nahatak siya nito papalapit dito at dahil sa bigat niya, natumba ulit sila sa kama yun nga lang, magkafikit ang mga labi nila. Mulat na mulat ang kanilang mga mata.

Dali daling tumayo si Coldy.

"Fbck, labas muna ako."

Hindi na hinintay nito ang sagot niya, umalis nalang ito bigla. Tulalang napahawak naman si Nightmare sa kaniyang labi. Di kalaunan at napangiti.


"Sayang, smack lang. Sana pala mas pinalalim ko pa. Di bale, may susunod pa naman e. Hehehe."



______

🥀



Continue Reading

You'll Also Like

68.3K 4.7K 78
(On-Going)
468 80 8
Mun Wol, a heartless assassin of Joseon Era (1392). Her presence signifies death. Feared by all, beneath her ominous mask lies a beauty coveted by ev...
20.5M 756K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
26K 1.1K 38
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...