Hiding His Son ✓|Jackson Seri...

Door YourAuthorJaz

66.4K 1.2K 137

COMPLETED STORY Andriette and Jake's marriage life took a wild turn when Andriette visited her husband at his... Meer

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
Author's Note/New Story

Chapter 5

2.5K 44 3
Door YourAuthorJaz

Andriette's POV

"This will be our home, ate. For the meantime, habang wala pa si kuya," malumanay na sabi ni Freya habang hila-hila niya ang maleta ko papasok sa kanyang bahay.

Nang magkaroon ng trabaho si Freya, ang unang binili niya ay ang bahay na ito at agad ding bumukod sa pamilya nang magkaroon siya ng malaki-laking ipon.

May second floor ang bahay at malawak din ang lugar tapos ang mga kagamitan ay halatang bagong bili lang.

"Ikaw lang mag-isa dito?" tanong ko at nilingon siya.

"Yup. Tara na sa kwarto mo, naayos ko na 'yon." Nakangiti niyang sabi at nagsimulang maglakad patungo sa hagdan dala ang maleta ko.

"Hindi ba malungkot 'yon?" tanong ko habang nakasunod sa kanya.

"Well, lagi naman kasi akong nasa trabaho tapos pag-uwi ko dito sa bahay, natutulog din naman ako. Basically, umuuwi lang ako dito para matulog," she chuckled and continued climbing up the stairs.

Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa nakarating na kami sa kwartong sinasabi niya.

"Magpahinga ka muna dito, maghahanda lang ako ng hapunan natin. Tawagin mo ako kapag may kailangan ha," bilin niya nang ilagay niya sa tabi ng kama ang maleta ko.

"Salamat, Freya." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti din naman siya at hinawakan ang kamay ko.

"No problem, ate. Masaya akong nandito ka," sagot niya habang may ngiti sa kanyang labi.

Niyakap ko muna siya ng ilang saglit bago siya umalis at iwan ako dito sa kwarto.

Naupo muna ako sa gilid ng kama at sinimulang ayusin ang mga gamit ko. Habang nag-aayos ako ng mga gamit ay bumungad sa akin ang litrato namin ni Jake na nakaipit sa isa sa mga damit ko.

I picked it up and caressed his image. Then, my hand went down to my belly and start caressing it softly.

"Anak, tayo muna sa ngayon ha," bulong ko. "May inaasikaso lang ang daddy mo pero babalik din siya sa atin. Babalik din siya," I whispered the last three words.

Sana nga ay babalik pa siya.

...

"Okay ba?" umaasang tanong ni Freya nang tikman ko ang luto niya.

Ngumiti ako at sunod-sunod na tumango.

"Weh? 'Di nga?" tila hindi makapaniwalang tanong niya na ikinatawa ko naman.

"Oo nga!" pagpupumilit ko. "Masarap. Kailan ka pa natutong magluto?" tanong ko.

Ang alam ko kasi ay madalas siyang nagpapadeliver ng pagkain kapag nandito siya eh.

"Siguro mga last week lang," sagot niya at tinikman na rin ang sarili niyang luto. "Hala, ang sarap nga. Himala!" she commented with full of amusement.

Natawa na lang din ako sa naging reaksyon niya tsaka pinagpatuloy ang kinakain ko habang nakikipagkwentuhan sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay.

"Siya nga pala, nakapagpabook na ako ng flight natin papuntang US two weeks from now. Nakakuha na rin ako ng condominium dun kaya dun muna tayo titira at---"

"Teka, US?" nagtataka kong tanong at halos nakakunot na ang aking noo habang nakatingin sa kanya.

"Oh, I forgot to tell you," giit niya. "Sa US muna tayo mahihirahan, ate, para masiguro kong ligtas kayo ng pamangkin ko mula kay impaktang Alena na 'yon," paliwanag niya.

"P-paano si Jake?" tanong ko na labis niyang ikinatigil.

"Ate, gusto mo bang malaman ni kuya ang tungkol sa anak niyo?" tanong niya at may halong pag-aalala sa kanyang boses.

Gusto ko nga ba? Karapatan ni Jake na malaman ang tungkol sa anak namin. At tsaka, matagal na naming pinapangarap na magkaroon ng supling. Pero, baka kapag sinabi ko sa kanya ay malaman din ni Alena. Sigurado akong hindi ako tatantanan nun hangga't hindi ako nawawala sa landas niya.

"Ate?" muling pagtawag sa akin ni Freya at sa pagkakataong ito ay hinawakan na niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

"No, ayoko," pagtutol ko. "Baka mapahamak ang anak ko kapag nalaman ni Alena na dinadala ko ang anak namin ni Jake," natatakot kong sabi.

Kulang na lang ay mabaliw na ako nung inakala kong ipinagpalit ako ni Jake. Pero ngayon, baka matuluyan ako kapag may nangyaring masama sa anak ko.

"Pero paano si Jake? Iiwan natin siya dito kasama ang babaeng 'yon?" tanong ko ulit.

"Kaya ni kuya ang sarili niya. Plus, magagawa niya ng maayos ang plano niya knowing na ligtas ka," pagkukumbinsi nito sa akin. "Kapag naayos na ni kuya ang problema, ikaw ang unang makakaalam, ate. Makakabalik din kayo sa piling niya. Sa ngayon, kailangan niyo munang maging ligtas at lumayo sa kapahamakan," dagdag pa niya habang maingat na hinihigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Sige," pagsang-ayon ko na ikinangiti niya naman.

"Promise, aalagaan ko kayo ng pamangkin ko hanggang sa bumalik si kuya. Mahirap na, baka sakalin ako ni kuya kapag may nangyaring masama sa inyo," ang kaninang medyo malungkot na nararamdaman ay naibsan dahil sa sinabi ni Freya.

Iba din talaga ang babaeng ito.

...

"Hi, duwende. Ang tagal niyong makarating ha!" reklamo ni Trev nang salubungin niya kami sa labas ng airport.

Pangalawang kapatid siya ni Jake.

"Hindi ako 'yung nagpapalipad ng eroplano," sarkastikong sabi ni Freya.

Mahina namang natawa si Trev tsaka ako nilingon.

"Hi, Andriette! Long time no see!" pagbati niya sa akin at niyakap pa ako.

"Hi, Trev. How's life?" tanong ko at kumawala sa bisig niya.

"Still single. Ewan ko ba, sa gwapo kong ito, wala pa rin akong mahanap na babaeng para sa akin," pagmamayabang niya at parehas naman kaming napalingon kay Freya nang pekeng umubo ito.

"Ate, tara na sa kotse. Medyo mahangin, baka mahamugan ka," pag-aaya niya at hinila na ang braso ko papunta sa sasakyan na nasa harap lang namin.

"Kapal nito. Kung hindi kita kapatid, matagal na kitang binalik sa bahay ng duwende," pang-aasar ni Trev at pinagbuksan kami ng pinto.

"Kuya, would you stop calling me 'duwende'?! Hindi ako pandak!" pagtatanggi ni Freya pero tinawanan lang siya ng kapatid niya.

Halos pantay lang ang tangkad namin ni Freya pero ang tatangkad kasi ng mga kapatid niya kaya nagmumukha siyang maliit kapag kasama niya ang mga ito.

Naging maingay ang buong biyahe namin papunta dun sa condo na tutuluyan namin ni Freya.

Panay ang asaran ng dalawa na tila ba mga bata pa rin sila habang ako naman ay panay lang ang tawa dahil sa mga ito.

"Oo nga pala, kamusta na si Kuya Jake?" pag-iiba ng usapan ni Trev at tignan ako mula dun sa rear-view-mirror. "Aray!" daing nito nang sapakin siya ni Frey sa braso.

Hindi ko naman mapigilang matawa habang si Freya ay halos patayin na si Trev gamit ang tingin.

"Tarantado 'to, nagmamaneho ako, oy!" bulyaw ni Trev at nakipagpalitan ng masamang tingin kay Freya.

"Wag mo kasing mabanggit-banggit ang pangalan niya. Pinapahirapan mo si ate eh!" suway nito sa kanya.

"Okay lang, Freya," pag-awat ko dito nang akmang hahampasin na ulit niya si Trev.

"Freya, kapag tayo naaksidente, isasama kita sa baba!" banta ni Trev at inayos na ang pagmamaneho.

"Baka maghilaan pa tayo pababa!" paghahamon ni Freya.

"Andriette, pigilan mo nga itong hipag mo! Ihahagis ko 'to sa bintana!" nanggigigil niyang sabi.

Wala akong ibang magawa kundi pigilan si Freya habang panay pa rin ang tawa.

Madalas silang ganyan kapag magkasama sila. Parang mga aso't pusa na laging nag-aaway. Tanging si Jake lang ang nakakapagpapigil sa dalawang ito.

To be continued

_________________

A: Hey, y'all! Ito na, the wait is over! Itutuloy ko na ang story na ito. I can't promise to update daily but I'll try my best.

Anyway, please try to forget the first plot of this story kasi mag-iiba ang ihip ng hangin sa version na ito.

Thank you for reading and stay safe always!

~YourAuthorJaz

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
313K 9.7K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
351K 6.4K 48
Issabella Aria Vegas- Archer a wife of Axel Josh Vergara Archer. Isa lang ang gusto ni aria ang mahalin siya ng taong mahal niya. Akala niya ng ikasa...