Kasalanan kong ako'y naging mausisa.
Hindi ko na dapat binuksan
ang iyong naiwang pitaka.
At ano lamang ang nakita ko?
Litrato at liham
ng iyong mga dating natatangi.
May kumikirot sa aking dibdib,
ngunit ano nga bang karapatan ko?
Hindi mo naman ako kasintahan.
Sabi nila'y nakamamatay
ang pagiging pagkamausisa.
Nagsisisi akong hindi ako naniwala.
Gusto ko na lamang
bumalik ang oras
upang hindi ko ito nararamdaman.
Pakiramdam ko'y kulang pa rin ako
kahit hindi ko naman kailangang patunayan
na ako'y sapat na para sa iyo.