Ibibigay ko sa iyo ang lahat
ngayong araw ng iyong kapanganakan
dahil gusto kong iparamdam sa iyo
na masaya akong iniluwal ka sa mundo
at binigyan ako ng pagkakataon
upang makilala ka.
Salamat sa masayang pagod.
At kahit ikaw lamang ang nariyan sa inyong tinutuluyan,
nawa'y hindi mo naramdaman na ika'y nag-iisa.
Hindi pa yata kita mahal.
Ngunit may kapayapaan sa t'wing ika'y masaya.
Tingin ko, sapat na iyon sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at Juana
PoetryKatulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masaktan habang unti-unting hinuhulma ang di-tiyak na hinaharap ng kanyang pag-ibig. Kasinggulo ng kanyan...