Dumami ang traydor sa iyong paligid,
at nais kitang hagkan,
iparamdam na nasa tabi mo lamang ako
habang ika'y nalulungkot
at nagpapakatatag.
Kung kaya ko lang liparin
ang milya-milyang lupang namamagitan sa atin,
ginawa ko na sana.
Kaya't wala na lang akong ibang nasabi
kundi nandito lang ako
kung kailangan mo ng kausap.
![](https://img.wattpad.com/cover/275633123-288-k59720.jpg)
YOU ARE READING
Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at Juana
PoetryKatulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masaktan habang unti-unting hinuhulma ang hindi tiyak na hinaharap ng kanyang pag-ibig. Kasing gulo ng...