Siya ang nagsabing mahilig kang tumingin sa kalangitan.
Kaya't nang nakita kong nagkulay rosas ito, kinuha ko kaagad ang aking pinsel at papel at ipininta ang napakagandang tanawin, kasama ang mga nakapaligid na bahay.
Nais ko sanang ipakita ito sa karamihan at ipagmalaki ang aking obra maestra, ngunit aking napagtanto na puno ang iyong silid ng mga ganitong litrato.
Ibig sabihin, kung ito'y aking ipapakita, malalaman ng karamihan na ako'y nasa iyong piling. Kaya't pinunit ko ang mga bahay na nasa ilalim ng rosas na kalangitan.
Ngunit nang aking tingnan muli ang aking ipininta, tila ito'y nawalan ng kahulugan. Nakatitig na lamang ako sa isang papel na may pinaghalo-halong kulay na rosas, asul, kahel, at lila.
Dito ko natanggap na habambuhay kitang ililihim hangga't wala akong lakas na loob na harapin ang mga taong manghuhusga ng aking kapasiyahan.
YOU ARE READING
Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at Juana
PoetryKatulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masaktan habang unti-unting hinuhulma ang hindi tiyak na hinaharap ng kanyang pag-ibig. Kasing gulo ng...