Rikion High

By seaecka

556 117 6

Rikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy... More

Rikion High
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 3

25 6 0
By seaecka

Chapter 3: A fight

Krystal's Point Of View

Ang sakit...

Ang sakit ng ulo ko...

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata nang may narinig akong mga lalaki na nag-uusap.

S-san ako?

Sobrang labo pa ng mga mata ko kaya napakurap-kurap muna ako. Nang luminaw na ito, isang madilim na kwarto ang bumungad sa 'kin.

Ang nagbibigay lang na liwanag sa kwarto ay nanggaling lang sa maliit na bintana na nasa gilid ko.

T-teka s-saan ako?

Bigla akong napapikit ng mga mata nang maalala ang nangyari kanina.

Pumasok nga pala ako rito pero teka-

Ito na ba 'yun? Ito na ba 'yung secret place? Kwarto lang?

Sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit hindi ako makagalaw. Napagtanto ko nalang na nakatali pala ako sa isang upuan.

Anak ng- b-bat ako nakatali?

Inilibot ko kaagad ang paningin ko para maghanap ng kung anong bagay pang putol sa lubid na nakatali sa 'kin pero mabilis nahagip ng aking mga mata ang limang lalaking sa 'di kalayuan.

S-sino 'y-yan?

At dahil nga medyo madilim dito sa loob, hindi ko masyadong nakikita ang kanilang mga mukha.

Nakita ko 'yung isang lalaki nakatayo sa gilid, pinupunasan ang salamin niya sa mga mata. 'Yung isa naman na medyo maliit ay umiinom ng parang alak, 'yung dalawa naman ay seryosong nag-uusap at 'yung isa naman na nasa gitna ay kumakain ng lollipop habang nakaupo at nakatingin

Sa akin?

"How's your sleep princess?" biglaang sabi nung lalaki na nasa gitna sa malalim na boses.

Kaagad nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng kaba bigla.

Bigla nalang siya tumayo sakanyang upuan at dahan-dahang lumapit sa akin. Sumunod rin kaagad 'yung apat sakanya.

Mas lalo pa akong kinabahan at sinubukan kong magpumiglas para matanggal 'yung lubid na nakatali sa kamay at paa ko ngunit sobrang higpit nang pagkatali nila sa 'kin, hindi ko matanggal.

BWISET-

Sinubukan ko rin sumigaw upang humingi ng tulong pero ngayon ko lang napagtanto na naka-tape pala ang bibig ko, hindi ako makasigaw.

A-ANO NA ANG GAGAWIN K-

Kaagad akong natigilan at mas lalo pang kinabahan nang maramdaman ang kanilang presensya sa aking harapan.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang naririnig ko na ito. Kinakabahan ako at natatakot sa mga mangyayari sa akin.

Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin at mas lalo pa akong kinabahan nang makita ang mukha nila.

Nakakatakot ang kanilang awra at ang lalakas ng kanilang presensya ngunit,

Ang gwagwapo nila.

Napalunok naman ako ng laway nang grabe sila makatitig sa akin.

Para akong binabalatan nang buhay.

Seryoso silang lima nakatingin sa akin kaya umiwas ako kaagad ng tingin at unti-unting binaba ang paningin sa nametag nila at-

Paktay...

Kulay blue.

Alam ko na kung sino 'tong mga to...

Isa ito sa tinatawag na The 21 Elite Students at isa sa mga kailangan kong iwasan pero ngayon-

Nasa harapan ko na sila.

Walang habas na kinuha bigla nung lalaki na nasa gitna 'yung tape na nasa bibig ko kaya agad akong napapikit sa sakit.

POT-

Sasamaan ko sana siya ng tingin pero natigilan ako nang makita kung gaano kalapit ang aming mukha.

T-TEKA! B-BAT ANG LAPIT NIYA?!

Sobrang lapit namin sa isa't isa na naamoy ko na ang kanyang amoy lollipop niyang hininga.

Medyo nakaramdam naman ako ng takot sa tingin niya sa akin kaya kaagad akong umiwas ng tingin at yumuko ngunit bumungad naman sa 'kin ang kanyang dibdib dahil nakabukas ang kanyang tatlong butones.

Napatingin nalang ako nametag niya at-

'F. Kent Giovanni' ang nakasulat sakanyang nametag.

Paktay.

'Y-yung kinakatakutan nilang estudyante, 'yung nag-iisang mayaman sa paaralan na 'to, ang rank one elite student, ang taong nasa harapan ko-

Ang nag-iisang Giovanni...

Mas lalo akong kinabahan na naririnig ko na ang pagtibok ng puso ko.

N-nasa harapan ko ang grupo ng Rank One Elite Student!

Ang 5SFYFOS!

Nagulat nalang ako nang bigla niyang inangat ang aking baba gamit ang kanyang isang daliri.

"Why did you enter here hmm?" malamig at matigas niyang tanong sa 'kin na nagpantindig sa aking balahibo.

"A-ano kasi... N-naliligaw ako," kabado kong sabi habang nakatingin sakanya.

"And you think I'll believe it?" seryoso niyang tanong.

Napalunok naman ako ng laway at hindi nakasagot pero bahagya siyang umupo para makatapat ako.

"What section are you?" sunod niyang tanong habang seryoso parin akong tinitignan.

Interview ba 'to?

"A-anu... P-pakawalan niyo na po ako, hinding-hindi ko sinad-"

"Answer my question,"

Anak ng-

"P-paano kung ayoko?" tanong ko naman sakanya.

Hindi naman niya ako sinagot pero bigla niyang binaba ang kanyang tingin sa aking dibdib at ngumisi.

ANAK NG-

HUWAG POOOOOOOOOOO!

"Gusto mong malaman?" nakangising tanong niya at tinignan ako sa mga mata.

Kaagad akong napailing at napalunok ng laway, "AYOKO!" sigaw ko.

"Then, what section are you?"

Hayss pwede naman kasi siyang tumingin sa nametag k-

Sandali akong natigilan nang mapansin na wala akong nakitang nametag sa uniporme ko.

ANAK NG- SAAN 'YUNG NAMETAG KO?! NAPAKAIMPORTANTE NUN!

DAPAT HINDI 'YUN MAWALA!

Kaagad nanlaki ang mga mata ko at nilibot kaagad ang paningin sa loob, "Saan na 'yung nametag ko?!" natataranta kong tanong habang hinahanap sa sahig pero wala akong nakita.

B-BAKA NASA LABAS!

Pwes, kailangan ko nang makaalis dito! Dapat ko 'yun mahanap!

Hindi ako makapasok dito sa paaralan pag wala 'yun! Napakaimportante nun!

"HEY!" nagulat nalang ako nang biglang hawakan nung Giovanni ang aking mukha at binigyan ako ng nakakamatay na tingin.

"I SAID, WHAT SECTION ARE YO-"

"Section Blue Diamond Krystalia Gabriel Bernilia Female!" dire-diretso kong sagot sakanya.

Kailangan ko nang makalabas dito!

"Section Blue Diamond?" tanong sa 'kin nung lalaki na naka-salamin na may nunal sa ilong na ang pangalan ay

'L. Mark Stephen' - ang nasa kanyang nametag.

"Oo," sagot ko kaagad.

Sandaling silang lima natigilan at nabitawan pa nga nung lalaki na ang pangalan ay 'W. Andrei' ang basong hinahawakan niya kanina na ang laman pala ay gatas.

"Wow... For the first time in the history, a new BDiamondent," nakangangang sabi nung Andrei at napakurap-kurap pa ng mga mata.

"What's your last name again?" tanong sa 'kin nung lalaki na medyo magulo ang buhok pero gwapo na ang pangalan ay

'L. Sam Justine'

"Bernilia," kaagad kong sagot.

Bat ang tagal nila akong palabasin?! hahanapin ko pa 'yung nametag ko oh!

Napahawak naman sa sariling baba 'yung lalaking sobrang linis tignan at may hikaw sa tenga na ang pangalan ay

'M. Alexander' 

"Hmm... I've never heard that last name in a company or sa mga business owners," sabi niya.

Aguy...

Mukhang alam ko na kung ano ang isusunod nilang tanong sa 'kin.

"What does your family do?"

Sabi na nga eh!

Hindi ako makasagot sa tanong ni Giovanni dahil bukod sa kailangan kong itago na free students kaming dalawa ni kuya, kailangan din daw itago namin ang anumang impormasyon tungkol sa aming pamilya.

"P-pwede naba akong umali-" malakas niya akong tinulak sa upuan dahilan tumama ang likod ko rito. Napasinghap ako kaagad sa sakit.

"Hoy!" sigaw niya sa aking mukha dahilan mapaiktin ako sa gulat.

Anak ng-

"Hoy ka rin!" sigaw ko rin sakanyang mukha.

"You don't know us do you?"

"Malamang! Bago pa ako rito!" pagpipilosopo ko sakanya dahil medyo naiinis na ako-

Aguy...

Mukhang hindi ko nalang sana ginawa.

Napalunok nalang ako ng laway nang dahan-dahan itong lumapit sa 'king tenga. Sinubukan kong umiwas ngunit kaagad niyang nahawakan ang leeg ko.

"Malalaman mo rin kung sino kami at pagsisihan mo sa buong buhay mo na pumasok ka sa lugar na 'to, classmate," bulong niya sa 'kin sa seryosong boses.

P-pagsisihan sa buong b-buhay?

Naramdaman ko siyang dahan-dahang lumapit sa 'king leeg saka inaamoy 'yun pero mga ilang saglit din naman ay humarap ito sa 'kin.

Seryoso niya akong tinignan sa mga mata, "Lemme tell you some story, a very important story that every student should know," sabi niya.

"A-anun-"

"Once upon a time, may isang tao na gumawa ng isang batas na kailangan sundin ng mga estudyante sa paaralan na tinatawag na Rikion High," pagsisimula niya habang nakatingin sa 'kin, "and that rule is bawal pumasok sa isang lugar na tinatawag na secret place. Of course unfair naman kung hindi sasabihin ng tao na 'yun ang itsura ng lugar dahil marami naman places dito na pwedeng magiging secret place kaya, the person described the place na kailangan nilang iwasan ang isang small white door fence. After that, may sinabi rin siya na to those students who will break the rule, will receive a heavy punishment from the person who made it. And that person," bigla siyang lumapit sa'king tenga sabay bulong,

"... is me, I made the rule," bulong niya sa 'king tenga pagkatapos ay humarap sa'kin na nakangisi, "The end."

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nung marinig 'yun.

P-P-PAKTAAAYYYYYYY!

S-SIYA PALA ANG GUMAWA?! H-HINDI KO ALAM!

"Now, It's time for your punishment rule breaker," dagdag pa niya pagkatapos ay tumayo at umupo sa kanyang upuan na nasa aking harapan.

HOY! HOY! HOY! ANO ANG GAGAWIN KO?!

ANO ANG GAGAWIN KOOOO?!

"First day, first punishment," nakangising sabi nung Justine saka hinubad ang blazer ng kanyang uniporme.

A-ANOOOO?!

"Yayy punishment time!" masiglang sabi naman nung Andrei at pumalakpak pa.

J-JUSMEH! ANO ANG GAGAWIN NILA SA 'KIN?!

Bigla namang tumingin si Giovanni sa aking mukha hanggang bumaba unti-unti ang mga mata niya sa aking dibdib at bumaba sa aking-

"H-HOY! T-TIGILAN NIYO 'YANG BINABALAK NIYO! T-TIGILAN NIYO 'YAN!" natatarantang sigaw ko.

Nakita ko silang ngumisi lang habang taas-baba akong tinitignan.

Sana hindi nalang talaga ako pumasok dito.

Sobrang lakas nang tibok ng puso ko ngayon, kinakabahan at pinagpawisan sa gagawin nila sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kundi maghintay nalang sa mga susunod na mangyayari.

Binalaan ako nung una pero hindi ako sumunod.

Kasalanan ko nanaman 'to lahat.

"H-huwag..." sabi ko at napapikit nalang ng mga mata.

Katahimikan...

"Undercoin," biglaang wika ni Giovanni dahilang natigilan ako.

U-undercoin?

Napamulat ako kaagad ng mga mata at taka siyang tinignan, "A-ano?"

"Your punishment is, undercoin,"

"A-ano 'yan?" takang tanong ko naman.

Undercoin? Ilalim ng barya?

"Undercoin is a term that means slave here in Rikion High. You will follow everything we'll say and will obey our commands," tugon ni Justine at ngumisi.

Susundin ang mga sasabihin nila?

'Y-yun lang?

"Sige ba!!" nakangiting saad ko at napatango-tango. Ngumisi naman silang lima at nagtinginan sa isa't isa.

Kala ko anu ang gagawin nila sa akin pero susundin ko lang naman pala ang mga sasabihin nila, bery ez-

"... till we graduate."

Tsk, till we graduate lang? Napaka ez nama-

"ANO?!" agad akong napasigaw at napatingin kaagad sakanila.

TEKA- HANGGANG GRAGRADUATE KAMI?! SUSUNDIN KO MGA UTOS NILA HANGGANG GRAGRADUATE KAMI?! NAGJOJOKE BA SIYA?!

"Oo. Magiging undercoin ka namin hanggang graduation. Pero, hindi ka magiging under namin pag-aalis ka sa paaralan na 'to," sabi nung Stephen sa seryosong boses.

ANAK NG-

SERYOSO BA SILA?!

Pagkakataon ko na nga 'to para makapag-aral!

"M-may iba pa bang parusa?! 'Yung hindi undercoin?!" tanong ko naman. Bigla naman silang lumapit sa 'kin habang nakacrossarm.

"Well, can you burn a house?"

ANO?!

"Slap the headmistress?"

HA?!

"Or kill a person?"

POT-

"You broke a rule, so this is the outcome of what you did. Now, choose wisely miss germs," sabi ni Alexander habang pinagtaasan ako ng kilay.

T-tama si Alexander... Ito ang kinalabasan ng ginawa ko.

Ang harapin ang parusa.

Kaya panindigan ko 'to.

"S-s-sige! U-undercoin n-nalang," alanganing sagot ko saka yumuko.

Hindi naman siguro mga mahihirap ang uutusin nila 'no?

Kakayanin ko naman siguro 'no?

"Really?" tanong ni Giovanni. Tumango naman ako bilang sagot at kaagad naman siyang ngumisi.

"Then suck this," bigla niyang kinuha ang kanyang lollipop mula sakanyang bibig saka tinapat ito sa akin.

Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at tinignan siya na hindi makapaniwala pero ningisian niya lang ako.

B-bwiset.

Bwiset ka Giovanni.

Napalunok muna ako ng laway saka dahan-dahan sinubo ang lollipop niya na mula pa sa bibig niya.

"Ooooohhhhh damnnn,"

"Sinubo talaga pare,"

Kaagad naghiyawan ang mga kasama niya nang ginawa ko 'yun. Mas lalo pang lumaki ang ngisi ni Giovanni sa ginawa ko pero seryoso ko lang siya tinignan.

G-gusto ko nang makaalis dito.

"Paalisin mo na ako. Ginawa ko na ang utos mo," sabi ko sakanya habang sinusubo parin ang lollipop.

Kahit na para akong aso sa ginagawa ko, mas importante pa rin 'yung nametag ko.

Nakita ko namang sinenyasan ni Giovanni si Andrei na tanggalin ang lubid na nakatali sa 'kin kaya ginawa niya ito.

Nang matanggal na niya ang lubid, kaagad na akong tumayo at inis na tinapon ang lollipop sa kanyang harapan.

Naghalo ang laway namin sa lollipop na 'yun.

Bwiset.

Sinamaan ko siya ng tingin at aalis na sana sakanyang harapan pero bigla siyang humarang sa aking daan.

"A-ano?"

"I have to mark you first to be our official undercoin," seryosong sabi niya sa 'kin na pinagtaka ko.

"Ha-"

Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo sa sunod niyang ginawa.

Lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay biglang dinilaan ang leeg ko.

Nagsitayuan kaagad ang aking mga balahibo nang maramdaman ang kanyang basa na dila dumapo sa aking balat.

Kaagad ko siyang tinulak sa dibdib at lumayo habang natatarantang tinatakpan ang sariling leeg, ngunit seryoso lang ito nakatingin sa 'kin na para bang wala lang sakanya ang kanyang ginawa.

Gusto ko siyang paulanan ng mga maraming tanong kung ano ang pumasok sa kanyang utak at ginawa 'yun pero walang ni-isang salita man ang lumabas sa aking bibig dahil sa sobrang pagkagulat sa nangyari.

Wala akong masabi.

"I just marked you. From now on, you are now officially our undercoin," malamig niyang sambit sa 'kin habang tinitignan ako sa mga mata.

Narinig ko namang pumalakpak si Andrei na parang bata nang sabihin niya 'yun.

"Yeyy new undercoin!" masaya niyang sambit habang pumapalakpak. Nakita kong ngumisi naman 'yung dalawa na sila-

Dalawa? Teka- saan 'yung isa-

Mag bigla nalag pumiring sa mga mata ko mula sa aking likuran at binuhat ako na parang sako.

"HOY ANO 'YANG-" kaagad tinakpan ng kung sino ang aking bibig kaya hindi ako makasigaw.

Sobrang bilis ng mga pangyayari, narinig ko nalang ang pagbukas ng isang pinto pagkatapos ay binalibag ako sa lupa.

POT-

Tumama ng malakas ang aking mukha sa lupa at naramdaman kong humapdi ito kaagad. Napagtanto kong nasa labas na pala ako ng secret place, nakaupo sa lupa sa gilid ng puno na nakita ko kanina.

Kaagad ko naman hinanap ang gunggong na bumalibag sa 'kin at nakita ko sila Stephen at Andrei sa tapat ng puting door fence. Nakatingin sila sa 'kin na may ngisi sa mukha.

"HOY!!​ MGA WALANG HIYA KAY-"

Bigla nalang hinagis ni Stephen ang bag ko sa aking mukha kaya tumama 'yung notebook ko sa aking ilong.

SUMUSOBRA NA TALAGA SILA AH!

Binigyan ko sila ng masamang tingin pero binigyan lang nila ako ng pang-aasar na ngiti ni Stephen pagkatapos ay bumalik na sa loob.

Wala akong nagawa kundi napa inhale-exhale nalang sa galit. Baka mapasugod pa 'ko don, delikads na.

Ayoko nang mauulit ang mga nangyari kanina!

Tumayo na 'ko kaagad saka pinagpag ang sarili. Napatingin naman ako sa tuhod at braso ko at-

Nagkasugat na nga.

Aishh bahala na!!

Hahanapin ko pa 'yung nametag ko.

Binalewala ko nalang yung mga sugat at nagsimula nang hanapin ang aking nametag.

Sinumulan kong hanapin sa lupa, sa mga bato, at sa mga hindi nagamit na silid-aralan ngunit wala akong nakitang ni isang nametag.

Hindi ako susuko.

Binalikan ko ang daan kung san ako nanggaling kanina habang ang tingin at atensyon ay nasa lupa.

Nilakihan ko talaga ang aking mga mata at nakatutok lang talaga sa lupa habang naglalakad at ilang saglit lang, may nabangga akong tao.

Kaagad kong inangat ang ulo ko para sana humingi ng tawad pero sandali akong natigilan nang bumungad sa 'kin ang limang estudyante na lalaki sa aking harapan, seryosong nakatingin sa 'kin.

May estudyante pala rito? Diba wala kanina?

Bahagya akong napaatras nang mapagtantong sobrang lapit ko pala sa lalaking nasa gitna na aksidente kong nabangga.

Parang anghel ang kanyang mukha. Apaka inosente ng mukha niya pero malakas ang dating.

Hindi ko namamalayan na kanina na pala ako nakatitig sakanyang mukha kaya naman ay agad akong umiwas ng tingin.

"P-pasensya na po, hindi po kita nakita," paghingi ko ng umanhin.

Wala naman siyang sinabi at may bigla nalang siyang kinuha sakanya bulsa at saka tinaas ito. Kaagad nanlaki ang aking mga mata nang makita ang aking kumikinang na nametag.

"Are you looking for this?" tanong niya sa mala-anghel na boses.

Kaagad naman akong tumango bilang sagot at tinignan ang nametag niya para sana magpasalamat.

'F. Markian Noel' - nametag niya at kulay blue pa.

Paktay...

Ako na ata ang pinakamalas na tao sa balat ng lupa.

Y-yung isa rin sa 'T21ES', y-yung pangalawang kinakatakutan na estudyante raw dito, 'yung kailangan ko rin daw iwasan, yung nasa harapan ko,

Ang nag-iisang Noel at ang kanyang groupo na tinatawag na FKs.

Kaagad naman akong umiwas ng tingin at napayuko.

Bat 'yung Rank Two pa talaga?!

P-pero mukha naman siyang mabait dahil medyo magaan pakiramdam ko sakanya kahit na malakas ang dating niya.

Hindi kagaya nung Giovanni na bigla nalang akong dinilaan sa leeg-

HINDI!!

Burahin at kalimutan natin ang nangyari kanina! Magpanggap nalang tayo na hindi 'yun ginawa ng lalaking may saltik sa utak.

Tama kalimutan na natin...

"A-akin po yan," kinakabahang sabi ko sakanya sabay lahad ng aking palad.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ko na hahanapin ang aking nametag.

Mabuti nalang talaga na siya ang nakapulot, mukhang mabait naman siya.

Mga ilang segundo na akong nakayuko dito pero wala pa rin akong naramdamang nametag sa aking palad, pansin ko rin na biglang tumahimik ang paligid kaya nag-angat ako ng tingin.

"Yung nametag ko p-" nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa pulsahan at hinatak papalapit sakanya dahilan nasubsob ako sa dibdib niya.

Nabigla ako sa kanyang ginawa at nataranta kaya malakas ko siyang tinulak ngunit hindi man lang siya naatinag o gumalaw..

Aguy.

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa beywang sabay lapit sa aking tenga.

"Hmm... nice try," bulong niya sa 'kin sa magaspang na boses dahilan nagsitayuan lahat balahibo ko.

N-n-nice t-try?

Bigla ko nalang naalala 'yung pagdila ni Giovanni sa aking leeg kanina at naisipan,

Baka gagawin din ni Noel...

Sa sobrang taranta na mauulit nanaman 'yun, may kung ano nalang ang dumaloy sa dugo ko at malakas siyang sinipa sa betlog.

Kaagad siyang bumagsak sa sahig at mabilis niyang nabitawan ang nametag ko kaya dali-dali ko itong pinulot at tumakbo na kaagad patungong saan basta mapalayo lang doon.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nakaramdam ako ng pagod. Tumigil ako sa pagtakbo at naghabol muna ng hininga habang nakahawak sa tuhod.

Hindi ko naman namamalayan na nasa tapat na pala ako ng malaking digital clock.

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas doon pero isa lang naman ang nararamdaman ko ngayon..

Ginhawa.

Nakaramdam ako ng ginhawa dahil nakatakas na ako don.

Sa totoo lang, malas ang first day of school ko ngayon. First day of school palang pero nakatanggap na ako ng parusa sa Rank One at nasipa ko pa ang betlog ng Rank Two.

Ganto na ba talaga ako ka malas?!

Huminga nalang ako ng malalim pagkatapos ay napag-isipang pumunta muna sa cr para manghilamos at maipakalma ang sarili.

Nang nakarating na dito, kaagad akong nanghilamos ng tubig.

Ihanda mo nalang sarili mo Krystal.

Lalong lalo't na kaklase mo 'yung dalawang grupo tas may dalawa pang grupo ang hindi mo pa nakita.

Sandali akong natigilan nang marinig ang pagtunog ng bell, tanda na magsisimula na ang klase.

Paktay.

Hindi nalang kaya ako pumasok- char.

Pinunasan ko muna mukha ko bago lumabas na sa cr. Kaagad na akong naglakad papunta sa silid-aralan ko at habang papunta room, pansin kong todo lingon sa 'kin ang mga estudyante.

Sabi kasi nila Kurtt na sa loob ng limang taon, first time daw na may bagong estudyante na lumipat sa pinakamataas na section na ang, Section Blue Diamond.

Swerte lang naman kasi ako na nabilang ako sa section na 'to pero MALAS AKO NA KAKLASE ANG T21ES.

Tumigil na ako sa paglalakad nang nasa tapat na ako ng aking room. Naramdaman ko nanaman ang mabigat na awra ket nasa labas pa lang ako.

Eh ano nalang kaya pag nasa loob na 'ko?

Baka magkakamuscles ako bigla sa sobrang bigat.

Hindi ko alam kung kompleto naba ang lahat sa loob dahil, tinted naman ang mga bintana pati na rin 'yung sliding-door kaya hindi ko makita.

Baka nga nagsisimula na.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na binuksan ang pinto at-

Kompleto nga silang lahat.

Bigla nalang nanginig ang kamay ko sa sobrang kaba. Tahimik lang silang lahat nakaupo sa kanilang mga upuan ngunit ramdam na ramdam ko talaga ang kanilang mga malalakas na awra at presensya.

"Oh so you're already here. Come in," kaagad akong napatingin sa nagsalita na nasa harapan. Isang babaeng maganda na mga nasa 30s pa.

Mukhang ito ata 'yung guro namin.

Pinapapunta naman niya ako sa harapan kaya lumapit ako.

"Hi new student. I'm Zenaida Werthan, the homeroom teacher," bungad niya sa 'kin habang nakangiti. Ngumiti lang ako sakanya at tumingin sa harapan.

Aguy.

Nakatingin pala silang lahat sa 'kin.

'Yung mga tingin nila..

Parang hinuhusgahan buong pagkatao ko.

Napalunok nalang ako ng laway at pinagpawisan bigla.

Mukhang mahihirapan tayo dito ah.

Nakaupo naman sa harapan 'yung lalaking nakasalamin na nakita ko kanina, ito 'yung rank-three.

Pero teka lang... May napansin akong kakaiba sa seating arrangement nila.

Ang lalayo ng distansya ng mga upuan nilang apat na grupo.

Mag-isa lang sa harapan nakaupo 'yung rank-three, nagmumukha tuloy siyang loner. Sa likuran naman niya ay may limang babae na grabe 'yung sama ng tingin sa 'kin-

Teka... Ito 'yung limang babae na nakita ko sa gate kanina!! Sila '​yung todo-sama ng tingin sa'kin!

Naalala ko tuloy si Abby sakanilang lima, lalong lalo na 'yung babae na nasa gitna na may lahing koreana..

Grabe ang sama ng tingin sa 'kin.

Sa likuran naman ng mga babaeng todo-sama ang tingin sa 'kin ay ang grupo nila Noel o FKs.

Naka pokerface lang silang lahat lalong lalo't na si Noel na nasa gitna kaya kaagad akong umiwas ng tingin.

Sorry na sa betlog mo.

Sa likuran naman ng FKs ay ang limang magagandang na babae naseryoso ang mga mukha, tinaasan ako ng kilay nung nasa gitna kaya kaagad din akong umiwas ng tingin.

Mukhang wala akong makakaibigan dito ah..

At syempre sa likuran ng mga babae ay ang grupo nila Giovanni o 5SFYFOS na nakaupo sa huli. Seryoso din silang lima nakatingin sa 'kin.

Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.

Mukhang mahihirapan akong pakisamahan mga kaklase ko dito ah.

Nangangamoy magiging loner sa classroom.

"Class, this is your new classmate," wika ni ma'am kaya napatingin ako sakanya.

Sinenyasan naman niya akong magpakilala sa buong klase kaya tumingin ako ulit sa harapan.

Huminga muna ako ng malalim, "Ako si Krystalia Gabriel Bernilia, pwede niyo akong tawaging Krystal," pagpakilala ko.

Wala naman silang naging reaksyon. 'Yung iba nga ay humihikab nga na parang walang pake, 'yung iba naman ay tinitignan ang kanilang mga kuko, at yung iba naman ay seryosong nakatingin sa 'kin.

"Okay nice to meet you Krystal. So class, do you have any questions to your new classmate? Anyone? Class president?" tanong ni ma'am Zenaida. Tumayo naman 'yung lalaki na nakita ko kanina mag-isa sa room o 'yung rank-three.

'Q, Terence Levi'  pala ang kanyang pangalan.

"I don't have any questions to the new student but if she has any questions, she can ask me," dire-diretso niyang sabi pagkatapos ay umupo.

H-ha? Ano raw? 'ask me' lang 'yung naintindihan ko...

Bigla namang tumayo 'yung nasa grupo ni Giovanni na si Andrei habang nakataas ang kaliwang kamay, "AKO! AKO! MAY ITATANONG AKO!" sigaw niya.

"GOSH! PWEDE BA HUWAG KANG SUMIGAW?!" bigla rin sumigaw yung nasa groupo ni Noel at tumayo na ang pangalan ay,

'W. Adrian'

Sinamaan naman siya ng tingin ni Andrei na parang galit, "EH IKAW?! BAT KA SUMISIGAW?!"

"EH IKAW?! BAT KA RIN SUMISIGAW?!" sigaw din nung Adrian pagkatapos ay nagbabangayan na ang dalawa.

Alam kong magkaaway ang kanilang mga groupo pero mag-aaway ba talaga sila ngayon? Sa harapan talaga ni ma'am?

"Silence Mr. Andrei Wilson and Adrian Wilson!" galit na sigaw ni ma'am pero-

Hindi nakinig ang dalawa at patuloy pa rin sa pagsisigawan sa isa't isa.

Teka- Wilson? Parehas sila ng apelyido?Magpinsan?

Sisigaw na sana ulit si ma'am Zenaida pero bigla nalang tumayo si Giovanni kaya napatingin kaming lahat sakanya.

Katahimikan...

Tumahimik bigla ang dalawa at umupo kaagad sakanilang upuan.

Alam kong kakaiba ang kanilang mga awra at presensya pero iba talaga 'yung kay Giovanni.

Ibang-iba sakanilang lahat...

"I have a question to our new classmate, ma'am," seryoso nitong sabi. Nanlaki naman ang mga mata ko at kinabahan bigla.

M-may itatanong siya sa 'kin?

"Okay, go on," sabi ni ma'am. Nakita kong dahan-dahan tumingin si Giovanni sa 'kin at ngumisi nalang bigla.

"What's your cup size?"

Ha? Cup size?

Nagtawanan kaagad ang buong klase nang sabihin 'yun ni Giovanni, samantalang si ma'am ay napabuntong hininga nalang na parang pagod na.

Teka ano nga ulit tanong niya? Cup size? Ano yan? Sukat ng baso ko?

Napakamot nalang ako ng ulo dahil hindi ko naintindihan ang tanong niya.

Bat naman niya tinatanong sukat ng baso ko? 'Yung glass ba na baso o 'yung plastic na baso?

"May ibang tanong ka pa ba?" tanong ko naman sakanya.

"Oo. Kelan ka aalis?" kaagad niyang sagot sa 'kin sa seryosong boses at nag 'ooohhhh' naman silang lahat.

"Bakit? Iiyak ka ba?" sagot ko rin sakanya at nag 'oooh damn' nanaman sila muli. Nakita ko rin na palihim ngumisi si Noel.

Tsk! Baka nakalimutan niya 'yung ginawa niya sa akin kanina! Hinding hindi ko 'yun papalagpasin!

"Ako iiyak? You don't even deserve my tears," sagot pa niya. Nag'ooohh' nanaman sila ulit kaya sasagot ulit sana ako kaso pinaupo na ako kaagad ni ma'am dahil nagiinitan na kaming dalawa.

Pinapaupo na rin niya sa Giovanni kaya sa huli, umupo na kaming dalawa. Pagkatapos ng pag-iinitan namin ay nagsimula na kaagad ang klase.

Nakikinig naman ako sa pagtuturo ni ma'am hanggang sa lumipat ang tingin ko kay Levi na nakaupo tabi ko.

Seryoso lang naman ito nagsusulat sa kanyang notebook ngunit 'di ko maiiwasan mamangha sa kanyang mukha.

Apaka tangos ng ilong niya, sobrang kinis at puti ng balat, tsaka may maliit din na nunal sa ilong. Kahit nagsasalamin ito, apaka igop niya mga teh.

Sa totoo lang, mga igop at adnanagam ang T21ES pero nakakatakot nga lang.

"Stop staring at me," bigla akong natauhan nang marinig ang boses ni Levi. Nagpagtanto ko nalang na kanina napala akong nakatitig sakanya, "if you have any questions, just ask. Not stare," sabi pa niya habang nagsusulat at hindi ako tinitignan.

Loh.

"A-ay pasensya na," paghingi ko naman ng paumanhin at nakinig na ulit kay ma'am.

Ang unang subject pala namin ay ang paborito kong subject, math.

Habang nakikinig kay ma'am, may kung ano nalang akong naramdaman na parang may nakatingin sa 'kin.

Tumingin ako kay Levi kung siya ba ang nakatingin sa akin pero hindi naman siya kaya lumingon ako sa likod at nanlaki kaagad ang mga mata ko nang makita si Giovanni na nakatitig sa 'kin.

Tingin-tingin niya?!

Pinanliitan ko siya ng mga mata at babalik na sana sa pakikinig kay ma'am nang bigla nalang itong ngumisi.

Ngisi-ngisi niya diyan?!

Nagulat ako nang bigla nalang niya nilabas ang kanyang dila at sinenyasan ako ng gawaing malaswa.

ANAK NG-

My berjen eyes.

Kaagad nandilim ang paningin ko sa nakita pero ningisian lang niya ako. Umiwas nalang ako ng tingin at binalik nalang ang aking atensyon kay ma'am habang pilit kinakalimutan ang nangyari.

Para akong nagka-highblood bigla sa ginawa niya ha.

May sakit ba siya utak?

°°°°°°°

Makalipas ang ilang oras ay tumunog na ang bell, ibig sabihin recess na. Tumayo na 'ko kaagad upang bumili ng pagkain pero-

Saan pala ' yung canteen dito?

Hindi ko nga pala alam kung saan 'yung canteen dito kaya naman ay tumingin ako kay Levi na nagliligpit pa ng mga gamit.

Hehe sakto.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya at nahihiyang kinalabit siya.

"What?" malamig niyang tanong sa 'kin habang hindi ako tinitignan.

"S-saan pala 'yung canteen dito?" kinakabahan tanong ko naman.

Natigilan siya kaagad sa 'king sinabi at dahan-dahan lumingon sa 'kin.

"Canteen?" takang tanong niya at tumango naman ako bilang pag'oo.

"You mean dining hall?"

A-ay dining hall?

"A-ay oo... dining hall pala hehe," nahihiya kong sabi at napakamot ng ulo.

Dining hall pala 'yan dito.

"Just follow me. Pupunta rin naman akong dining hall," sabi ni Levi pagkatapos ay tumayo at nauna na maglakad.

Sumunod naman ako kaagad sakanya ngunit bago paman ako makalabas sa pinto, binangga ako nung babae na todo-sama ang tingin sa 'kin kanina, 'yung Koreana.

Natumba ako at tumama ang likod ko sa gilid ng glass na upuan kaya napapikit ako sa sakit.

"Oooppss sorry..." narinig kong paghingi niya ng paumanhin. Inangat ko ang aking ulo para tignan ang kanyang nametag,

'P. Jenny Rein'

Isa rin ito sa nabanggit nila Kurtt na kailangan kong iwasan, si Jenny. Ito 'yung Rank Four Elite Student.

Kaagad akong tumayo at pinagpag ang sarili, "o-okay lang-"

"... not sorry," nakangising sabi niya at kaagad nagtawanan ang kanyang groupo na ang 5QS. Isa-isa kong tinignan ang kanilang mga nametag,

'W. Raviane' 'yung babaeng astig ang datingan at naka wolfcut pa ang buhok.

'K. Pia' 'yung babae na sobrang taas ang kilay at maikli ang buhok na may bangs. Ito 'yung mukhang hapon.

'C. Niña Cey' 'yung babae na naka-crossarm sa harapan ko at mahaba ang buhok.

'R. Christina Coleen' yung matangkad sakanila na fashionista ang datingan at sobrang taray tignan.

Medyo nakaramdam ako ng galit sa pagtawa nila sa 'kin kaya sinamaan ko sila ng tingin ngunit naalala ko bigla 'yung laging bilin sa'kin ni papa,

"Huwag makipag-away sa kapwa."

Tumigil ako kaagad pero huli na ang lahat.

"Did you just glare at m-" bigla nalang siya binangga nung isa pang babae na mukhang Koreana at nung tumaas din ng kilay sa 'kin kanina.

"Oops sorry, not sorry," sabi nung,

'K. Irene Mae'

Ito 'yung rank five...

Nagulat ako nang natumba si Jenny sa sahig, kaagad siya tinulungan ng kanyang mga badi-badi pero tinulak niyang ang mga 'to.

"Of course, the one and only whore," sabi ni Jenny kay Irene. May pa sasabihin sana si Irene kay Jenny pero bigla nalang ako hinawakan sa pulsuhan ni Levi at malakas na hinatak palayo don kaya 'di ko nanarinig ang kanyang sinabi.

"Krystal, avoid the two of them," seryosong sabi niya sa 'kin habang hawak-hawak ako sa pulsuhan, nagmumukha tuloy akong bata kinaladkad ng ina.

Andami ko namang problema sa first day of school ko, paano ako magbabagong buhay neto?!

"Are you okay?"  biglang tumigil sa paglalakad si Levi at seryoso akong tinitignan na para bang nag-aalala.

Unti-unti naman bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na nakahawak pa sa 'king pulsahan.

Mukhang napansin naman 'yun ni Levi at dali-dali akong binitawan, "M-malapit na tayo sa dining hall," bumalik ang kanyang seryosong boses at nauna na maglakad.

Okay lang naman ako, pero medyo stress lang sa mga nangyari.

Huminga nalang ako ng malalim at pinakalma ang sarili bago sumunod sakanya patungong dining hall.

Nang nakarating nakami dito, napatigil ako sa paglalakad at kaagad nilibot ang tingin.

A-ANG LAKI!

First time sa buong buhay ko ang makakita ng gantong kalaki na kainan!

"Ang laki..." namamangha kong sabi sa aking sarili habang nililibot ang tingin sa loob hanggang sa napansin ko si Levi na taka akong tinitignan.

Teka- baka magdududa siya bat ako namamangha!

"Is this your first time seeing-" hindi ko siya pinatapos at kaagad siyang hinila sa bakanteng upuan at pinaupo don.

Nagulat siya sa 'king ginawa at may sasabihin sana pero may lumapit na mga tao sa 'ming lamesa at binigyan kami ng menu?

ANO 'TO?! RESTAURANT?!

"Good day Miss and Mr. Rank-three, order whatever you like and just press the numbers on the table, we'll serve the food right away," sabi nung lumapit sa amin pagkatapos ay umalis na kaagad.

Tinuruan naman ako ni Levi pano mag-order dito. Halimbawa, 'yung gusto kong pagkain ay number 1 sa menu, pipindutin ko rin 'yung number1 sa mesa at iseserve na kaagad ng mga waiters ang pagkain dito.

Angas 'no?

Napalibot naman ako ng tingin sa loob habang hinihintay ang aking inorder na burger, fries at tubig.

Hindi pa kase ako nakakain ng burger sa buong buhay ko kaya excited na 'ko.

Ilang saglit lang ay dumating na kaagad 'yung mga waiter at binigay nila sa 'min ang aming inorder.' Yung inorder pala ni Levi ay caviar at oysters daw ang pangalan.

Ewan ko kung ano 'yan, ngayon pa 'ko nakarinig ng ganyan na pagkain.

Para sa mga mayaman lang ata ang pagkain na 'yan.

Nang makita ko na ang napakalaking burger na nilagay nila sa mesa ay kaagad ko na itong kinuha at tinignan ng maigi.

MAKAKATIKIM NA RIN AKO NG BURGER!

Kakagatin ko na sana ito nang biglang may tumabi sa 'kin at kinagat ito.

ANAK NG-

Kaagad akong lumingon sa gunggong na gumawa non pero nung tignan ko kung sino 'yun, para akong aatakihin sa puso sa sobrang gulat.

"Ginagawa mo rito?!" inis kong tanong sa mokong na si Giovanni na bumungad sa 'king tabi. Bigla niyang hinablot sa aking kamay ang aking burger saka kinain ito.

Sa tabi naman niya ay ang kanyang mga badi-badi na kinakain din ang fries ko.

Pot-

Gusto ko lang naman kumain ng burger...

"Duh are you dumb? I'm also a student here, ikaw lang ba pwedeng pumasok dito?" tugon nito at inirapan ako habang unti-unting inuubos ang burger ko hanggang sa wala na.

Ubos na...

"Hoy bat mo inubos burger ko ha?!" inis kong tanong sakanya.

"Are you seriously that dumb? Syempre gutom ako!"

"Eh bat hindi ka omorder?!"

"Why would i order kung may pagkain naman?"

"Sa 'kin yon!"

"Pake ko? Have you forgotten that you're an undercoin? You serve for me right? Or should mark you again?" sunod-sunod niyang tanong sa 'kin.

Nung narinig ko ang salitang 'mark' ay kaagad akong napaatras at napatakip sa leeg.

Isang ngisi naman ang nakita ko sakanyang labi nung ginawa ko 'yun, "I guess not," wika niya.

Sisipain ko talaga betlog mo pag gagawin mo ulit 'yon!

Napabaling naman ako ng tingin ni Andrei at kaagad nandilim ang paningin sa nakita.

Iniinom niya 'yung tubig ko...

Nakita ko siyang lumapit kay Levi pagkatapos ubusin tubig ko, "penge class press ha," sabi nito at titikman sana 'yung pagkain ni Levi pero isang nakakamatay na tingin lang ni Levi, para na itong aso napagalitan ng amo at ngumuso habang bumalik sa kanyang upuan.

PERO TEKA- GINAGAWA NILA DITO?!

Sandali akong natigilan nang biglang binato ni Giovanni sa mukha ko ang wrapper ng burger, "Hoy itapon mo 'yan," utos niya sa akin na parang inaasar ako.

Kalma Krystal... Kalma...

Kahit na gusto ko siyang sapakin, tumayo nalang ako at sinunod ang kanyang utos para wala nang gulo.

'Umiwas kaysa pumatol'

Tahimik akong lumapit sa basurahan at tinapon 'yung wrapper doon. Aalis nalang sana ako sa dining hall nang biglang may humawak sa braso ko.

SINO NANAMAN 'TO OH?!

Kunot noo kong tinignan kung sino man 'yung humawak sa aking braso at bumungad maman sa 'kin ang inosenteng mukha ni Noel na siyang pumipigil sa 'kin.

Paktay...

"Let's talk," seryosong wika niya sa 'kin. Napalunok nalang ako ng laway dahil alam kong galit ito.

Sinipa banaman 'yung betlog.

Nagpumiglas ako sa pagkahawak niya sa 'king braso pero mas lalo lang niya hinigpitan ang pagkahawak kaya nakaramdam ako ng sakit.

"Ano ba ha?! Bitiwan mo nga ako!" inis kong sabi sakanya pero tinignan lang niya ako.

Sisipain ko sana siya ulit sa betlog nang biglang may ding humawak sa aking kabilang braso. Napatingin ako kaagad kung sino 'yun.

"G-Giovanni?!"

Bumungad sa 'kin ang seryosong mukha ni Giovanni na siyang humahawak sa aking kabilang braso.

T-TEKA-

DIBA MAGKAAWAY SILANG DALAWA?!

Kaagad kong tinignan si Noel upang tignan ang kanyang reaksyon. Seryoso siyang nakatingin kay Giovanni samantalang si Giovanni naman ay seryoso ring nakatingin kay Noel habang nakahawak silang dalawa sa aking magkabilang braso.

Ang lalakas ng presensya, awra at tensyon ng dalawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"What are you doing?" kalmadong tanong ni Noel pero alam kong seryoso ito.

"What are YOU doing?" seryosong tanong din ni Giovanni na maypagkadiin.

"I need to talk to her,"

"You can't. She's now an undercoin," seryosong sabi ni Giovanni.

Nag-iba naman ang mukha ni Noel nang marinig niya 'yun. Bigla niya akong hinila ng malakas pero hinila din ako ni Giovanni.

Parang silang naglalaro ng butungay lubid(tug of war) at ako 'yung lubid.

Patuloy parin sila sa paghihila sa 'kin at nakaramdam na 'ko ng sakit sa ginagawa nila kaya malakas akong nagpumiglas dahilan upang ako'y nabitawan nila.

"Ano ba ha?!" sigaw ko sakanilang dalawa ngunit hindi parin nila inaalis ang tingin sa isa't isa. Nagmumukha tuloy silang mga manok na magsasabong sa kanilang mga hitsura.

Kaagad naman akong nakaramdam ng kaba nang biglang lumapit ang mga badi-badi ni Noel sa kanyang likuran.

'P. Jared'  'yung gwapong lalaki na malaki ang katawan at moreno.

'S. Ajay'  'yung lalaking matangkad at may nunal sa labi.

'W. Adrian'  ito 'yung lalaking nakipagbangayan kay Andrei kanina.

'S. Paul' 'yung lalaking mukhang hapon din at seryoso ang hitsura.

Parang may nararamdaman akong kakaiba ah.

Mas lalo pa akong kinabahan nang lumapit din ang mga badi-badi ni Giovanni sa likuran niya na sila Justine, Alexander, Stephen at Andrei.

Seryoso ang mga tingin nila sa isa't isa, na para bang mag-aaway.

Pero mas lalo pa akong kinabahan nang bigla ring lumapit ang grupo ni Jenny na 5QS at ang grupo ni Irene na ang ITE5. Isa-isa kong tinignan ang mga nametag ng groupo ni Irene,

'F. Anne Maureen'  'yung babaeng maikli ang buhok at may nunal sa baba.

'W. Shelly'  'yung babaeng medyo maliit at kulay berde ang mga mata.

'G. Cris Lyn'  'yung babaeng mataas ang buhok at maputi.

'B. Hannah Shane'  'yung babaeng makulot ang buhok at kalma tignan.

Hindi na talaga 'to tama. Napagitnaan ako ng pinakakinakatatakutang apat na groupo ng Rikion High.

Napansin ko naman na nandito rin si Levi, seryoso ang kanyang mukha habang nakacrossarm sa gilid.

Paktay...

Kompleto ang The 21 Elite Students at napagitnaan pa ako.

Ano na ang gagawin ko?

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang pinapalibutan din kami ng mga estudyante sa dining hall at pinagtitignan.

"EVERYONE! THE 21 ELITE STUDENTS WILL HAVING A FIGHT!!"

To be continued...

- Remember, we have choices to make and each choices has a consequence or a result. Choose wisely. -

Continue Reading

You'll Also Like

947K 83.7K 38
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
505K 14.6K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
983K 22.3K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
1.1M 59.9K 38
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...