Liham ng Pamamaalam (Pahayaga...

By miss_reminisce

1.1K 197 59

"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasa... More

Disclaimer
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Rebelasyon
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 30

22 5 0
By miss_reminisce

Kabanata 30

"Eliana ikaw ay gumising at tayo'y kakain na" malambing na saad sa akin ni Manang Lita at marahang tinatapik ang aking pisngi. Bumungad ang matamis na ngiti niya sa akin. Dahan-dahan akong bumangon at ngumiti sa kaniya "Magandaang umaga ho," bati ko. "Magandang umaga rin tumayo kana riyan at tayo'y kakain na," wika muli niya.

Ito na ang simula ng panibagong umaga ko dito sa Bulakan at sana'y patuloy na maging matiwasay ang pananatili ko rito. Malalim na ang gabi nang makarating ako sa Bulakan nagpapasalamat ako kay Manang Lita dahil nagawa niya akong hintayin sa daungan kahit pa inabot na siya ng kurpyo.

May kalakihan ang bahay na tinutuluyan ni Manang Lita, maaayos at maaliwas ang loob ng kaniyang bahay. Ayon kay Manang Lita, ang silid na aking tinulugan ay dating imbakan ng mga gamit. Ngunit nang malaman niya na ako'y mamalagi sa kaniyang piling ay agad nito itong nilinis.

"Maupo ka na Eliana, pagsaluhan natin ang daing na bangus na binili ko sa bayan kahapon," saad niya at naunang umupo at sinalinan ng kanin ang aking plato. Napangiti ako, nakikita ko ang galak sa mukha ni Manang Lita nang ako'y kaniyang masilayan.

Nagpapasalamat ako dahil hindi niya nagawang tanungin ang aking rason kung bakit ko napiling mamalagi sa kaniya. Mag-isa lamang ito sa kaniyang tahanan, labinlimang taon nang yumao ang kaniyang asawa at hindi sila nabiyaaan ng supling.

Si Manang Linda na kaniyang kapatid ay matagal nang residente sa San Ignacio dahil doon ito nanirahan simula nang ikasal sila ng kaniyang asawa.

"Siya nga pala Eliana, kanina lamang ay nakatanggap muli ako ng liham kay Ginoong  Lazaro kinumusta niya ang iyong kalagayan," saad niya habang kumakain. Napangiti ako, hindi ko malilimutan ang dapit hapon na hindi ako nagawang lisanin ni Kuya  Lazaro.

Nagawa niya akong handugan ng salapi na maaaring makatulong sa amin ni Manang Lita. Sinaad din niya na kung may pagkakataon ay ako ay magpadala ng liham sa kaniya.

"Mamaya ho'y tutugunin ko ang kaniyang liham," saad ko at sinimulan na ang pagkain. "Sana'y maging maayos ang pamamalagi mo rito sa Bulakan, pinahayag na sa akin ni Ginoong Lazaro ang nangyari sa iyo....at hirap akong paniwalaang ang mga bagay na iyon" napatigil ito at tumitig sa aking mga mata

"Hindi ko iwasang magtampo sa aking sarili dahil sa kaw ay aking naiwanan sa mga panahong ikaw ay nahihirapan," sinseridad na wika niya habang nakatingin sa aking mga mata.

Napangiti ako "Ayos lamang ho iyon Manang Lita, narito po ako upang tuluyan ko nang kalimutan ang nangyari sa akin, handa na ho akong ibaon sa limot ang lahat," saad ko at ngumiti nang matamis sa kaniya. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil nang marahan na para bang kaniyang sinasabi na narito lang siya sa'king tabi.


NAGING masagana at maayos ang aking naging unang araw rito sa Bulakan. Isinasama ako ni Manang Lita sa pamilihan at kung minsa'y tinuturan niya ako magburda.

Tuwing huwebes hanggang sabado ay namamasukan siya bilang tagaluto sa mga opisyal dito sa sa Bulakan. Kapag may malaking handaan ay palaging pinapaunlak si Manang Lita upang magluto dahil sa kinagigiliwan nila ang mga putaheng kaniyang niluluto.

Pumasok ngayon sa trabaho si Manang Lita kaya't ako lamang ang naiwan. Nakatanggap muli ako ng liham kay Kuya Lazaro ngunit pinagpasiyahan ko na mamaya ko na lamang ito babasahin. Lumabas ako sa loob ng bahay upang linisin at lagyan ng pananim ang bakuran ni Manang Lita.

"Maganda Umaga nariyan ho ba si--" napatigil siya sa pagsasalita nang lumingon ako sa kaniya. Matangkad at kayumanggi ang balat niya, matangos din ang kaniyang ilong at makakapal ang kaniyang kilay. Ngumiti siya nang matamis dahilan upang lumabas ang kaniyang maliit na biloy.

"Magandang araw Binibini," bati niya habang yumuko ng kaunti. Napangiti ako nang bahagya at tumango sa kaniya. "Magandang araw rin ano ho ang inyong sadya?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Iniwas niya ang kaniyang tingin at ngumiti. "Ah.  Ako'y hihingi lamang nang pahintulot kay Manang Lita kung maaaring ako'y makahingi ng dahon ng malunggay," saad niya habang hindi nakatingin sa akin.

"Kasalukuyang wala ho ngayon si Manang Lita Ginoo, ngunit maaari na kayo'y manguha na" saad ko at ngumiti ng tipid. Nabaling siya ng tingin sa akin at ngumiti muli. Ibinalik ko ang atensiyon ko sa paglilinis ng aming bakuran habang siya'y tahimik na kumukuha ng  dahon ng malunggay.

Ilang sandali pa'y nakakuha na siya ng dahon ng malungay at tumayo malapit sa akin. Taka akong napatingin sa kaniya at pilit pinapabasa sa kaniyang mga mata kung bakit siya huminto sa aking harapan. Nagitla ako nang inilahad niya sa aking harapan ang isang bulaklak ng kalabasa. Nagtataka akong napatingin sa kaniya.

"Ah. M-may bulaklak na kase ang inyong kalabasa kaya't pinitas ko na baka, ito'y malanta sayang naman," saad niya habang hindi nakatingin sa akin. Napatango-tango ako at kinuha sa kaniya ang bulaklak ng kalabasa. Ngumiti ako nang bahagya habang bakas pa rin ang pagtataka sa aking mukha.

Aking batid na hindi naman basta-basta nalalanta ang bulakak ng kalabasa. "Ah. Ako nga pala si Marcelo, ako'y tawagin mo na lamang sa aking palayaw na Celo," napatingin ako sa kaniya habang ito'y nakangiti sa akin.

Mahirap man aminin ngunit hindi ko maiwasang makita sa kaniya si Marcelo. Muli na namang sumagi sa aking isipan si Marcelo at kung paano siya mawalan ng buhay. "Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan Binibini?" napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang aking mapagtantong kanina pa ako nakatitig rito.

"E-Eliana, Eliana ang aking ngalan" saad ko at ngumiti nang bahagya. Tumango-tango siya at ngumiti "Ikaw ay aking ikinagagalak na makilala, Binibini," magiliw na saad niya at ngumiti nang matamis.





"AKING, napapansin na napapadalas ang pagpunta rito ni Celo, Eliana," saad ni Manang Lita, habang abala ako sa pagbuburda habang siya'y nagluluto. Akin ngang napapansin iyon sa mga sumunod na araw, halos araw-araw siyang humihingi ng dahon ng malunggay o di kaya'y sitaw, talong at okra.

Hindi ko naman ito nagagawang hindian dahil hindi ko naman kailangang ipagdamot ang pananim na mayroon si  Manang Lita.

Huminga ako nang malalim "Paghingi lamang po ng gulay ang kaniyang sadya," saad ko at itinuon muli ang aking atensiyon sa aking binuburda. "Si Celo ay mabait at palakaibigan na Ginoo, Eliana siguro'y ibig ka nitong maging kaibigan," saad  niya.

Napatingin na lamang ako sa kaniya at tumango-tango. Malaki ang aking hinala na pagkakaibigan lamang ang kaniyang pakay sa akin. At dapat wala naman akong ikatakot at ikabahala sa kaniya, ang tanging aking problema lamang ay madalas kong makita sa kaniya si Marcelo hindi dahil sa parehas sila ng pangalan kundi dahil may pagkakawangis ang kanilang ugali.

"Eliana maaari mo ba itong ibigay kay Aling Beth" pakiusap ni Manang Lita at agad kong inabot sa kaniya ang isang maliit na bilaong naglalaman ng bunga ng okra, sitaw at kalabasa. "Kakailanganin niya raw ito sa gagawin niyang ulam mamaya. Kapag ito'y naghandog ng bayad ay huwag mo na lamang tanggapin," saad  niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa tahanan ni Aling Beth. Si Aling Beth ang aking unang nakilalang matalik na kaibigan ni Manang Lita, sa halos isang linggo ko na rito ay unti-unti na rin akong nasasanay.

At aaminin ko sa aking sarili na kung minsa'y may pagkakataon na bumabagabag sa akin ang mga alaalang aking nabuo sa San Ignacio. Hindi ko mapigilang mangulila sa kanila lalo na kay Samuel.

Ngunit kailangan ko na itong ibaon sa limot, ito ang aking dahilan kung bakit ako nagtungo rito sa Bulakan. Kaya't hindi ko sasayangin ang mga pagkakataong ito.

"Binibining Eliana," napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa aking pangalan. Lumingon ako rito at patakbong lumalapit sa akin si Marcelo, nakasingkit ang mata nito dahil sa tirik ng sikat ng araw.

"Ikaw ay saan tutungo?" tanong niya. "Ihahatid ko lamang ito kay Aling Beth," saad ko at ipinakita sa kaniya ang bilaong aking dala. Ngumiti ito, nagitla ako nang kuhanin nito ang bilaong aking hawak. 

"Ako'y papauwi na rin sa aming tahanan kaya't ikaw ay akin nang sasamahan," saad niya at ngumiti nang matamis. Nais ko pa sanang tumanggi sa kaniya ngunit kitang-kita sa kaniyang mukha na tututol siya.

Tahimik lamang kaming naglalakad ni Celo, napansin ko rin na lumipat siya sa aking bandang kaliwa. Mabagal lang aming paglakakad at tila ba hindi namin alintana ang tirik ng araw. Napapansin ko na lumilingon-lingon sa akin si Celo wari'y may gusto siyang sabihin. Ngunit nanatili lamang akong nakatingin sa harap.

Napatikhim ako "Saan ang iyong tirahan?" Pagbasag ko sa katahimikan habang nakatingin lamang ako sa harapan. Napalingon ito sa akin bago tumugon. "Kung saan ang ating pupuntahan," wika niya.

Napatingin at napakunot ako ng aking noo. Tumawa siya at ibinalik ang tingin sa daan. "Wari'y hindi nabanggit sa iyo ni Aling Lita na aking inay si Aling Beth na iyong tinatawag," nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya.

Mas lalong lumakas ang tawa niya  dahil sa aking ekspresiyon at hindi alintana na halos maagaw na niya ang taong dumaraan. "Pasensiya na Binibini, ako'y hindi lubusang makapaniwala na hindi mo batid ang bagay na iyon," saad nito.

"Ngunit bakit ikaw ay aking hindi nadatnan noong nakaraang araw nang magtungo kami kina Aling Beth," taka kong tanong sa kaniya.

Napatingin siya sa akin at sumilay ang ngiti niya sa kaniyang labi. "Bakit ako'y iyong hinahanap Binibini?" tanong  niya habang nakasilay ang nalolokong tingin. Umiwas ako ng tingin at napabuntong hininga.

"Bakit ikaw ay aking hahanapin?" balik tanong ko sa kaniya. Nawala ang ngiti niya at umaktong nasaktan ang kaniyang mukha at hinawakan pa ang kaniyang dibdib.

"Pinapasakit mo ang aking damdamin Binibini," saad niya habang pinapapalungkot ang kaniyang mukha. Taka ko lamang siyang tinignan at ngumiti nang kaunti. Hindi ko maiwasang aminin na masayang kausap si Celo dahil sa hindi nawawala ang mga biro at kabutihan niya.

"Batid mo ba sa iyong sarili na ikaw ay tunay na marilag sa tuwing ikaw ay ngumingiti," seryosong sambit niya sa akin. Hindi ko namalayan na napatigil na kami sa paglalakad at nanatili akong nakatingin sa kaniya.

Pilit kong hinahanap sa kaniya ang pamilyar na pakiramdam na aking naranasan sa tuwing aking kasama si Samuel.

Napaiwas ako ng tingin. "Bilisan na natin ang paglakad," saad ko at naunang maglakad. Agad naman siyang tumakbo at sumabay muli sa'kin.

Tahimik na muli kami habang naglalakad hanggang sa makarating kami sa tahanan ni  Aling Beth. Tulad ng bilin ni Manang Lita ay hindi ko tinanggap ang salapi na inaabot sa akin ni Aling Beth.

"Oh, maupo ka muna hija ibig mo ba ng maiinom...Celio kumuha ka nang maiinom" saad niya sa kaniyang anak. Agad na napabaling sa kaniya si Celo na may pagkayamot na ekspresiyon. Napakamot sa kaniyang batok si Celo. "Inay,  Hindi ba't ang sabi ko ay hindi ko ibig ang Celio," nayamot niyang saad.

Napangiti na lamang ako at sumingit sa kanilang pag-uusap "Ah. Huwag na ho kayong mag-abala, ako po'y hindi na magtatagal," saad ko at ngumiti at yumuko sa kanila. "Sigurado kaba hija?" tanong niya ag agad akong tumango at ngumiti.

Napatingin ako kay Celo at ngumiti ng bahagya. "O, Celio ipasok mo na ito sa loob" utos  sa kaniya ng kaniyang ina. "Ah, Inay ihahatid ko si Eliana sa kanilang tahanan," saad nita at agad naglakad palabas ng kanilang bahay. Napatingin ako sa kaniya at ako'y kaniyang sinenyasan na ako'y sumunod sa kaniya.

Yumuko muna ako kay Aling Beth at lumabas sa kanilang tahanan. "Hindi maganda ang iyong ginawa Celo, hindi mo sinunod ang bilin saiyo ng iyong ina" saad ko nang makarating ako sa kaniyang tapat.

Tumawa siya nang bahagya.  "Pasensiya na Binibini, ang bagay na iyon ay hindi ko na uulitin pa," saad niya at sinimulan maglakad. Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod din sa kaniya.

Tulad kanina ay matiwasay kaming naglalakad, nakasuksok ang kamay niya sa kaniyang pang-ibaba. "Bakit iyong hindi ibig na ikaw ay tawaging Celio?" Tanong ko, hindi ko batid kung bakit ko naitanong ang bagay na iyon ngunit nais ko lang may pag-usapan habang kami'y naglalakad.

Naramdaman ko ang kaniyang pagtikhim. "Hindi naman sa aking hindi iyon ibig....kundi ako'y may naalala lamang sa tuwing naririnig ko iyon," saad niya. Napalingon ako sa kaniya at bumakas ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.

Hindi ko batid ngunit namuo ang kuryosidad sa akin. "Ano ba ang iyong naalala?" tanong ko habang nakapako ang tingin ko sa kaniya. Tumingin siya panandalian sa'kin bago tumugon. "Ang aking itay," saad niya. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang ito'y nagsasalita.

"Celio ang tawag nila kay itay, hindi na rin maiwasan na Celio rin ang itawag nila sa akin dahil kami'y magkawangis...ngunit hindi ko iyon ibig marinig mula sa  kanila..dahil sa tuwing naririnig ko  'yon ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kasarinlan.." paliwanag niya.

Umiwas ako ng tingin at pinako ang tingin ko sa harapan. "Sinisi ko ang aking sarili sa pagkamatay ni itay, kung sana ay nakinig na lamang ako sa kaniya ay hindi siya mapapahamak ng dahil sa akin," patuloy niya.

Nag-aalangan akong tumingin sa kaniya hindi ko akalain na sa kabila ng mga ngiti niya sa kaniyang labi ay ang kalungkutang bumabalot sa kaniya.  Halos magkawangis ang aming pinagdadaanan, sinisisi ko rin ang aking sarili sa pagkawala ni Marcelo.

Kundi nito ako piniling iligtas ay hindi ito mapapahamak. Napatikhim ako "Tulad ng iyong nararanasan ay ganon din ang aking naranasan," sambit ko. Nakita kong tumingin sita sa akin.

Ngumiti ako nang mapait. "Sa totoo lang iyong kapangalan ang aking naging kaibigan. Marcelo rin ang kaniyang ngalan, tulad mo'y siya'y palangiti at madalas din magbiro....ngunit ngayon siya'y namayapa na...at sinisisi ko rin ang aking sarili sa kaniyang pagkawala," saad ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang huminto ito, taka akong tumingin sa kaniya walang bakas na ekspresiyon ang kaniyang mukha. Ito lamang ay nakatingin sa'kin. Nararamdaman ko na may nais siyang sabihin ngunit hindi niya masambit. "Ang totoo ay.." wika niya.

Hindi ko alam ngunit muli kong naramdaman ang pagdagundong ng aking dibdib dahil sa kaba. "Ang totoo'y ako at ang Marcelong iyong tinutukoy.......ay iisa," kalmadong saad  niya.

Nakatingin ito sa aking mga mata at nakatingin din ang nangungusap kong mga mata sa kaniya. Hindi ko batid ang aking nararamdaman ngunit mas nangingibabaw sa akin ngayon ang kasiyahan ng aking puso.

Ngumiti ako nang matamis sa kaniya. Maya-maya pa'y sumilay ang malapad na ngiti nito sa kaniyang labi. "Ikaw nga ay tunay na marilag kapag ikaw ay nakangiti," saad niya.

Nawala ang aking ngiti at napalitan iyon ng paghihinala. Tumawa sita dahilan upang makita ko ang pantay-pantay niyang ngipin at ang kaniyang biloy.

"Pasensiya Binibini, iyo nang kaligtaan ang aking sinambit dahil ako'y nagbibiro lamang," saad niya, sinamaan ko siya ng tingin at siningkitan ng mata.

Patuloy lamang siya sa kaniyang pagtawa. Halos lumuwa ang aking puso dahil sa saya at pananabik na maaaring sila'y iisa ni Marcelo ngunit nagawa niya lamang akong biruin.

Akmang ako'y aalis at tatalikod na  nang  hawakan niya ang aking palapulsuhan at pinaharap ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata at sandaling umihip ang malamig na simoy ng hangin.

"Pasensiya na," saad niya. Napaiwas ako ng tingin at napalayo sa kaniya. Agad kong inilibot ang aking tingin sa ibang direksiyon at agad na napako ang aking tingin sa isang lalaking nakatayo malapit sa amin. Nakasalakot siya at nakasuot ng puting kamiso na mahaba ang manggas at  itim na pang-ibaba.

Pinagmasdan ko ang kaniyang pamilyar na mukha. At lumalakas ang kabog ng aking dibdib, tila ba pamilyar ang aking nararamdaman ngayon.

"S-samuel?" saad ko, siya ang unang pumasok sa aking isipan. Ang mga mapupungay at nagtatanong niyang mga mata ay ang nagpapalapit sa akin upang siya'y aking makilala. Ibinaba niya ang kaniyang suot na salakot at tumalikod paalis.

"Samuel,"






MAGDAMAG akong nasa aking silid, halo-halong emosyon ang aking nararamdaman. Hindi ko matanong sa aking sarili kung si Samuel nga ba ang aking nakita o kung ako'y namamalikmata lamang.

Imposibleng magtungo dito sa Samuel dahil hindi niya batid na ako'y nagtungo sa Bulakan. At hindi rin niya alam kung saan namamalagi si Manang Lita.

Ano ba ang pakay niya rito? Halos dalawang linggo na akong nandito hindi ba dapat kapiling niya na ngayon si Binibining Miranda? dahil kasal na siya sa kaniya. Napahinga ako nang malalim. Sana'y panaginip na lamang ang lahat ng ito.

Napatigil ako sa aking pagninilay nang makarinig ako ng katok sa pinto sa harapan. Baka nariyan na si Manang Lita. Agad akong nagtungo sa pinto, malapit na magdapit hapon kaya't sigurado ako na makakauwi na rin si Manang Lita ngayon.

Binuksan ko ang pinto at bumati sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Napalinga-linga ako sa paligid at nadatnang walang tao doon, labis akong naghihinala may kumatok gayong wala namang tao rito. Akmang isasarado ko na muli ang pinto nang makita ko ang isang takuyan na naglalaman ng mirasol.

Agad ko itong kinuha at tinignan nang mabuti, luminga muli ako sa paligid at walang tao rito. Sinarado ko ang pinto at umupo ako sa upuang kahoy habang takang pinagmasdan ang mirasol. Wala akong ideya kung sino ang nagbigay nito, ngunit hindi ko mapigilan na ako'y kabahan nang lubusan.

Hinawakan ko nang banayad ang mga mirasol sumagi ang mga daliri ko sa isang matigas na bagay. Hinalungkat ko ito at halos manubig ang aking mata dahil sa aking nakita. Ang paynetang aking nais.

Pinahid ko ang nagbabadya kong luha at pinagmasdang mabuti ang payneta. Ito ang bagay na aking nais noon, hindi ko nagawang mapasaakin ang bagay na ito. Ang hirap tanggapin sa aking sarili na batid ni Samuel na ibig ko ang bagay na ito ngunit pinili niya pa rin itong ibinigay sa iba.

Ibinababa ko ang payneta sa ibabaw ng mirasol na napahawak ako sa aking ulo. Hindi ko mawari kung ano aking dapat maramdaman. Bakit tila ako'y kanilang ginagambalang muli, hindi pa ba malinaw para sa kanila na pinuputol ko na ang koneksiyong mayroon ako sa kanila. Ngunit bakit ganito? Bakit muli akong ginagambala ng bangungot ng aking nakaraan?

Tumayo ako dahilan upang mahulog ang takuyang naglalaman ng mirasol. Tuluyan nang nawala sa aking isipan na nasa aking hita ang takuyan. Nahulog at nagkalat sa lapag ang mga mirasol, agad akong umupo upang ito'y pulutin, agad akong napahinto at  naagaw ng aking atensiyon ang isang liham.

Nanginginig ang aking kamay na kinuha iyon, lumakas muli ang kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ang kulay kremang pluma. Dahan-dahan  ko itong binuklat at binasa ko kung ano ang nilalaman. Hindi ko pa naman  nakakalahati ang aking nababasa nang mabitawan ko na ito at halos nakatulala ako habang nakatingin sa kawalan.

Eliana,

Patawarin mo ako, dahil ako'y naging taksil saiyo.
Aking sinasadya na tuluyan kang lunurin sa apoy.
Patawarin mo ako, patawarin mo ako.




Nabibigla,
Eliana

   

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 89.5K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.4M 292K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...