Rikion High

seaecka द्वारा

556 117 6

Rikion High, A school that is known as the richest and expensive school in the entire world. Some people envy... अधिक

Rikion High
Author's Note
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 1

43 7 2
seaecka द्वारा

"Doon nagsimula ang lahat sa Rikion High,"

Chapter 1: Café

Krystal's Point Of View

Accckkkk! Late na 'ko! Magagalit talaga 'yon!

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo papunta sa isang café na sinasabi ni Abby kung saan kami magkikita.

Nagtitinda kasi ako kaninang umaga ng ginanggang kaya ngayon ko palang tanghali nakita ang kanyang text na magkikita raw kami. Sobrang late ko na talaga.

Habang tumatakbo, nakita ko na ang café sa malayo at kaagad na tumakbo patungo rito. Pagkabukas ko palang ng pinto ay tumamba na sa 'kin ang mga tao na masayang nag-uusap sakanilang mga kasama.

Teka- saan si Abby?

Inilibot ko kaagad ang aking paningin sa loob at nahagip ng aking mga mata ang mala-anghel na mukha ni Abby nakaupo sa upuan sa bandang bintana, kumakain ng cake mag-isa.

Si Abby, Abby Eventslyn Witz ay nagiisa kong matalik na kaibigan sa loob ng siyam na taon. Mayaman, maganda, parang nasa kanya na ang lahat, ngunit ang wala lang naman sa kanya ay ang katangian na,

Kabaitan.

Nagmamadali akong lumapit sakanya habang nakangiti pero taas ng kilay lang ang natanggap ko sakanya.

Loh taray ah. Ilang buwan kaming hindi nagkikita at tataasan lang niya ako ng kilay? Waw.

"Pasensya pala na natagalan ako nagtitinda kase ako kanina eh pero hoy kumusta na? Napatext ka ah? Kala ko nasa Australia ka," nakangiting bungad ko sakanya at umupo na kaagad sa kanyang harapan.

"Kita mo naman siguro na nasa Pilipinas na 'ko diba?" pagpipilosopo nito at inirapan ako

Aba- galit ata 'to.

"Pasensya na talaga na natagalan ako-"

"Anyway, I texted you hours ago para mag-usap tayo at ngayon ka palang dumating? Galing ka bang Mount Everest?" mataray niyang tanong sa akin at inirapan nanaman ako muli.

Nakasanayan ko na pala 'tong ugali niya ngunit kahit ganyan siya, mahal ko parin siya bilang kaibigan.

"Nagtitinda kase ak-"

"Shh... I know, sa baho mo palang," pagputol niya sa akin.

H-ha? Teka mabaho ba ako-

"Anyway, nandito lang naman ako for one reason," walang gana niyang sambit sabay higop ng kape sa mesa.

Nandito lang 'for a one reason'? Eh ano naman?

May kung ano nalang ang pumasok sa aking isip.

T-teka.. Babatiin niya ba ako?! 'Yan ba ang dahilan niya kung bat siya nandito?!

Tsaka pansin ko rin na kumakain siya ng cake!

Na-excite naman ako tuloy dahil first time niya akong babatiin sa kaarawan ko.

"So have you decided what school you're going to yet?"

'Yun l-lang? Hindi niya ako babatiin?

Naghihintay naman ako sa kanyang susunod na sasabihin habang nakangiti pero kunot ng noo lang ang kanyang ginawa.

"Are you deaf? Hindi mo ba ako narinig? And why are you even smiling? You look like a freak," dire-diretso niyang sabi.

H-hindi nga niya ako babatiin. Nakalimutan nanaman niya siguro.

Ngumiti nalang ako ng mapait kahit medyo nasaktan.

"A-ahm ewan. Hindi na siguro ako mag-aral at mag titinda nalang ata. Alam mo naman siguro na banned na 'ko sa dating paaralan namin ni kuya diba? Tsaka kunti lang kita namin at wala pang nahanap na trabaho si papa, wala kaming pambayad," tugon ko at irap ulit ang natanggap ko galing sakanya.

Kanina ka pa ah.

"Ano pala problema mo? Kanina mo pa ako iniirapan ah," mahinahong tanong ko sakanya.

"First of all, I hate that banana smell of yours and second of all, Your outfit is disturbing me," tugon niya kaagad at nagtakip ng ilong

Ay waw.

Agad naman akong napatingin sa sarili ngunit wala naman akong nakitang problema ah. Naka pedal shorts lang naman ako tsaka lumang puting t-shirt na may kunting dumi pero okay lang naman.

"Problema sa suot ko? Wala naman akong nakitang problema," nakangusong sabi ko at pilit tinatanggal 'yung dumi sa damit pero hindi matanggal.

Lalabhan ko nalang 'to mamaya.

"Pwes ako at kaming lahat ay may nakikitang problema. Try look around," mataray niyang sabi. Nilibot ko naman ang paningin ko at napansin ngang pinagtitignan ako ng mga tao rito tsaka pinagbubulungan.

Loh. Pake nila sa suot ko? Okay lang naman ah. May kunting dumi nga lang pero hindi naman halata.

"ANYWAY- back to the topic, wala akong pake kung san ka mag-aaral pero ako nag-iisip pa kung san mag e-enroll. Whether in Australia or here in the Philippines at Rikion High. Mom's gusto is dito sa Philippines but I'm thinking sa Australia nalang kase may hubby-boyfie is there but Rikion High is great naman,"

Teka- sinabi ba niyang Rikion High?

"Hmm? Rikion High?"

Parang narinig ko na 'yan ah, 'yan ata 'yung paaralan na pinakayaman sa buong mundo?

Kumunot kaagad ang noo ni Abby sabay tignan ako na parang hindi makapaniwala, "Seriously? Hindi mo alam ang Rikion High? Duh, that's the most expensive school in the world!" tugon ni Abby.

Tama nga ako, 'yan nga 'yung pinakamayaman na paaralan sa buong mundo.

"And I heard, Mr. President's unsmiling grandson is studying there," dagdag pa niya.

Nakaramdam naman ako ng hiya at kunting kirot sa aking dibdib.

Parang wala lang ni Abby ang mag-aral sa mga ganyan na paaralan. Pumunta lang siya dito para tanungin ako tungkol diyan, hindi para babatiin.

"What do you think Krystal? Where should I study? Australia or dito?" tanong niya sa akin.

Ako?​ Saan kaya ako mag-aral- ay hindi. Kailan kaya ako makapag-aral?

Kung hindi ko sana ginawa 'yon dati sa dating paaralan namin ni Kuya, hindi sana kami mapaalis at ma-banned sa ibang paaralan 'no?

Kasalanan ko 'to lahat.

"Krystal?" bigla akong natauhan nang sambitin ni Abby ang aking pangalan.

"P-piliin mo 'yung gusto mo galing sa iyong puso. Tsaka kung saan ka man, mag-aral ka ng mabuti at mag-ingat ka palagi," sinserong sabi ko sakanya at ngumiti ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay at inirapan nanaman ulit.

Bigla nalang siya tumayo pagkatapos kaya napatayo rin ako bigla.

"Hmmkay. Thanks for that answer I guess... Dun nalang ako mag aral sa Australia because i like it there since my boyfriend's there," dire-diretso niyang sabi at aalis na sana pero hinawakan ko kaagad ang kanyang braso.

Dahan dahan naman siyang lumingon sa 'kin na may pandidiring mukha.

"What?" tanong niya sa pandidiring boses.

'Y-yun lang? Wala ka bang sasabihin? 'Y-yung kaarawan ko! Nakalimutan mo nanaman ba?

"WHAT?!" tanong niya ulit sa naiiritang boses.

Nakalimutan niya nga o sadyang hindi niya lang talaga alam.

Tsaka, hindi naman siya bumabati sa 'kin tuwing kaarawan ko, hindi na 'ko magugulat.

"W-wala, mag-ingat ka nalang sa byahe b-bestfriend," alanganing sabi ko at binitawan ang kanyang kamay.

Taka niya naman akong tinignan, "Uh okay? Thanks I guess, Krystal," ang mga huling sinabi niya bago akong naiwan mag-isa sa café.

Hays...

Walang sino pa man ang bumati sa akin. Sakit.

Aalis na rin sana ako sa café nang biglang akong hinarangan ng babaeng barista.

"Hoy miss, hindi ka pa nagbayad," mataray niyang sabi sa 'kin at taas-baba akong tinignan.

Taray neto ah.

"Ako po? Wala po akong inorder," tugon sa magalang na boses pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Meron kaya, cake ang inorder ng kasama mo tsaka isang latte. Hindi la siya nagbayad,"

"'Yung kasama ko po ang nag-order hindi ako. Siya dapat yung sinisingil mo ng bayad, hindi ako," sagot ko rin sakanya pero sinamaan nanaman niya ako ng tingin.

"And so? Bayaran mo nalang ang binili niya, total kaibigan mo naman 'yun diba?" sagot niya rin sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Pansin ko naman na pinagtitignan na kami ng mga tao rito, mukhang nakakaabala na kami.

"Eh paano po 'yan? Wala po akong dalang pera," mahinahong sabi ko pero ramdam kong kumukulo na dugo ko.

"Edi mag-hugas ka nalang. Kung hindi kanaman pala magdadala ng pera sana hindi ka nalang pumunta rito, Ay- kitang kita naman pala sa pananamit mo, mukhang wala ka ngang pera,"

Anak ng-

"Pakiulit nga 'yung sinabi mo?" seryoso kong tanong.

Kahit na isa siyang barista, hinding-hindi ko palalampasin ang pang-iinsulto niya sa akin.

"Sabi ko kung mahirap ka lang, wag ka nalang pumunta di-"

Nagulat nalang ako nang biglang may sumampal ng pera sa kanyang mukha.

Bahagya akong napalayo sakanya at kaagad napatakip ng bibig sa gulat.

S-SINO-

"I hate employees like you, you're fired," malamig at matigas na sambit ng kung sino.

Kaagad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yun at bumungad sa 'kin ang isang napakatangkad na lalaki sa aking likuran. Ang sumampal sakanya ng pera.

Hindi ko naman masyadong nakikita ang kanyang mukha dahil naka-mask ito, naka-shades, naka-sumbrero at naka-jacket pa ngunit naamoy ko ang kanyang pabango.

Amoy mamahaling pabango...

Nakatingin ito sa babaeng barista kaya sinundan ko rin ang tingin niya, kitang-kita ko sa mukha ng babae ang labis na pagkagulat at takot.

"S-s-s-sir! A-aalis kasi siyang w-walang bayad! S-sinabihan ko lang n-naman-"

"Shut up and get out of my café," sabi ng lalaki sa seryosong boses kaya napalunok ako ng laway.

Teka- siya ba ang may-ari dito?!

Kita ko naman sa mukha ng barista ang pagdadalawang isip at kaba.

"P-pero s-s-sir-"

"Now," maypagkadiin sabi ng lalaki.

Walang nagawa ang babae kundi umalis nalang sa aking harapan pero bago pa siyang tuluyang nakaalis, sinamaan niya ako ng tingin.

Napatingin naman ako sa mga tao rito at pansin kong kinukunan nila ng litrato ang lalaki habang nakangiti na parang kinikilig.

Artista ba siya?

Bahagya akong tumingala sa lalaki dahil sa sobrang tangkad neto. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang pinapakita ng kanyang mukha pero malakas ang kanyang dating.

"Salamat po sir ha pero bat-"

"Don't thank me," pagputol niya sa aking sasabihin.

Aba- bastos neto ah! Hindi pa nga ako tapos magsalita!

"Hoy sir basto-"

"Get out, now."

Ay waw.

Hindi ko nalang siya sinagot at sinunod nalang ang kanyang sinabi at umalis na sa café ng tahimik.

Tsk. Birthday na birthday ko pero ito ang natatanggap kong gift.

Ganto na ba ako kamalas?!

Habang mag-isang naglalakad papauwi ng bahay sa gilid ng daan, agaw atensyon naman sa aking mga mata ang isang babaeng nakaupo sa isang basurahan habang hawak hawak ang kanyang tiyan na parang may,

Pinipigilan?

Kahit nagtataka kung bat sa basurahan siya nakaupo, hindi ko nalang sana siya papansinin at lalagpasan nalang sana kaso napansin kong pinagpawisan ito at namumutla ang labi. Kaagad akong lumapit sakanya.

Hindi naman sa mangingialam pero mukhang kailangan niya ata ng tulong.

"Ma'am? Okay lang po ba kayo?" tanong ko sakanya.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin at nung nagtagpo ang aming mga mata, biglang umihip ang malamig na hangin.

Ang ganda naman niya.. Mga nasa 30's pa siya..

"S-sinaksak a-ako sa t-tiyan.. T-tulong," biglaang sabi niya sa namamaos na boses.

Ha? Sinaksak?

Parang isang malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan nung marinig ko ang salitang 'sinaksak'.

S-SINAKSAK?! SO D-DUMUDUGO?! TEKA! T-TAKOT AKO SA DUGO!

Natataranta akong tumalikod at umiwas ng tingin sakanyang tiyan.

"MA'AM! HIHINGI LANG PO AKO NG TULONG!" sigaw​ ko sa natatarantang boses at kaagad kinapa ang aking bulsa para kunin ang aking selpon.

"TULONG!! MAY TAONG SINAKSAK DITO!!" malakas kong sigaw​ at patuloy parin sa pagkapa ang aking bulsa.

SAAN BA 'YUNG SELPON K- ay iniwan ko nga pala sa bahay hehe.

Mabuti na lang talaga dahil may lumapit sa amin na mga guwardya at kaagad binuhat ang babae. Mukhang body guards niya ata dahil kinakausap niya ito at mukhang malapit din sila.

Ipapasok na sana siya sa sasakyan ng mga guwardya nang bigla itong nagsalita, "T-teka babae! A-ano ang p-pangalan mo?" tanong niya habang nakatingin sa 'kin.

May gana pa talaga siyang tanungin ang pangalan ko? Dito at ngayon talaga?

Hindi ko sana siya sasagutin kaso namumutla na ang kanyang balat habang hinihintay ang aking sagot.

"K-krystalia po! Krystalia Gabriel," kaagad kong sagot para maipasok na siya sa sasakyan.

Nakita ko naman siyang ngumiti sa 'kin bago siya tuluyan pinasok sa sasakyan at sinugod na sa hospital.

°°°°°°°

Pagkatapos ng lahat ng mga pangyayari ay umuwi na ako kaagad sa bahay. Pagkabukas ko palang sa pinto ay sumalubong sa 'kin ang ama kong nakangiti habang dala-dala ang isang mamón na may nakasinding maliit na kandila sa itaas.

"Happy birthday to youuuu~" kanta pa niya.

Parang bigla namang gumaan ang pakiramdam ko sa nakita at napatakip ng bibig sa sobrang saya.

"Woww..." nakangiting sabi ko.

Salamat sa pagbati pa..

Ngunit kaagad naman bumigat ang aking pakiramdam nang makita ang walang emosyong mukha ng Kuya ko sa likod ni papa habang nakahawak din ng isang mamón na may kandilang nakasindi pa, halata naman sa mukha niyang napilitan lang.

Si Kuya Kenneth o kuya robot, ang nakakatanda kong kapatid na walang emosyon. Dalawa lang kaming anak ni papa pero hindi kami nag-uusap.

Oo, hindi kami close ni kuya robot.

Kaya tinatawag ko siya ng kuya robot dahil parang wala siyang emosyon, hindi ko pa siyang nakitang ngumiti, hindi ko siya nakitang malungkot basta ewan- parang siyang pinanganak na robot.

"Maligayang kaarawan Krystal anak ko, pasensya na kung ito lang ang-"

"Hindi huwag po! Okay lang po sa 'kin kung ano pa 'yan! Okay na nga ako kung wala ng mamón pero maraming salamat po talaga pa," tumingin ako kay Kuya robot, "T-tsaka kuya.."

"Walang anuman anak, oh hipan mo na ang kandila," nakangiting saad niya sa 'kin kaya hinipan ko na ang kandila.

Hehe ang kyot...

Bumalik naman kaagad si kuya robot sa mesa upang magtuhog ng mga saging na ititinda namin. Hindi siya nagsalita at tahimik lang nagtutuhog diyan.

Pati rin siya hindi ako binabati sa kaarawan ko. Napilitan lang siya kanina dahil kay papa. Hmp!

"Tsaka nga pala Krystal, may aasikasuhin ako sa probinsya kaya pupunta ako roon bukas. Maiiwan ko kayo ng kuya mo dito sa bahay. Alam niyo naman ang tama at mali dahil malalaki na kayo, laging tandaan 'huwag mag-away'." sabi sa 'min ni papa. Lumingon naman ako kay kuya na seryoso sa pagtutuhog ng saging.

Hays... Mabibingi nanaman ako sa katahimikan dito bukas.

"P-pa, may tanong pala ako," pag-iba ko ng usapan. Kaagad naman siyang lumingon sa 'kin saka ngumiti.

"Ano 'yun anak?" malambing niyang tanong.

"K-kailan po kami makapag-aral ni Kuya?" tanong ko.

Natigilan naman sa pagtutuhog ng saging si kuya at ang masayang ngiti ni papa ay napalitan ng mapait na ngiti. Lumapit siya kaagad sa 'kin at tinignan ako.

"A-ano... Gagawan ko 'yan ng paraan ha. Gagawan ng paraan 'yan ni papa," sabi niya sa 'kin at niyakap ako nang makita niya ang aking malungkot na mukha. Ginantihan ko rin siya ng yakap habang pinipigilan na maluha.

"P-pasensya na talaga pa, pasensya na t-talaga. K-kasalan ko ang laha-"

"Diba sinabi ko na sa 'yo na huwag mong sisihin ang iyong sarili? Nagawa mo nga lang 'yon dahil kailangan mo 'yun gawin. Wala kang kasalanan anak," malumanay ang boses ni papa.

"P-pero-"

"Shh... Wala kang kasalanan,"

Napabaling naman ako ng tingin kay kuya at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa 'kin. Ilang saglit lang ay tumayo ito kaagad at lumabas ng bahay.

"Kenneth," tawag ni papa sakanya pero hindi siya nakinig at tuluyan ng umalis ng bahay.

Alam kong galit si kuya sa 'kin at wala akong problema doon dahil may karapatan naman siyang magalit. Kasalanan ko kase ang lahat eh, ako lang sana dapat napaalis pero nadamay si kuya dahil sa aking kasalanang nagawa. Ako dapat ang gagawa ng paraan hindi si papa.

Kasalanan ko talaga ang lahat...

Lahat lahat.

°°°°°°°

- Kinabukasan -

Tahimik lang kaming dalawa ni kuya robot sa lamesa nagtutuhog ng saging. Umalis na kasi si papa sa probinsya kaninang umaga at kami nalang dalawa natira.

Sabi ko na eh.. Mabibingi ako sa katahimikan.

Hindi naman kasi nagsasalita 'tong robot na 'to. Kung sisimulan ko naman ay hindi ako papansinin.

Wala ring kaming tv at hindi na gumagana radio namin kaya walang ingay.

Boring naman...

Ilang saglit lang ay may kumatok sa pintuan na bumasag sa aming katahimikan. Nagtataka naman ako kung sino 'yun.

Kanina pang umalis si papa ah, sino kaya 'to?

Wala namang naging reaksyon si kuya robot sa kumakatok kaya ako nalang ang tumayo at bumukas sa pinto.

Isa lang naman ang ibig sabihin sa reaksyon niya eh, hindi siya ang magbubukas ng pinto.

Lumapit na ako rito at binuksan ito. Nagulat naman ako sa bumungad sa 'kin. Isang lalaki na matangkad at malaki ang katawan na naka-uniporme na pang-guwardya.

Teka... Diba ito 'yung guwardya kahapon?!

"Magandang umaga ho sa 'yo miss Krystalia. Nandito po ako para kunin ka dahil pinapatawag po kayo ni madam Karina,"

"Ha?"

Sino 'yan? Sino 'yang Karina na 'yan? Teka- bat niya alam pangalan ko?!

"Sumunod nalang po kayo sa 'kin miss," seryosong sabi niya sa 'kin at naglakad na paalis. Napakamot nalang ako ng ulo dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Susunod ba ako sakanya? Eh paano kung kidnapper 'to tas mamaya missing na 'ko-

"Huwag po kayong mag-alala miss, personal body guard po ako ni madam Karina at wala po akong balak na kidnappin ka. Sumunod nalang po kayo sa 'kin, naghihintay na po siya,"

Anak ng- nababasa ba niya isip ko?!

Ayoko sanang sumunod sakanya pero may kung ano nalang ang tumutulak sa akin na sundin siya.

Kung makidnap, edi makidnap. Kasalanan ko naman kung bat ako sumunod.

"K-kuya! Babalik po ako!" sigaw ko kay kuya na nasa loob para ipaalam sakanya na aalis ako at kaagad na sumunod sa lalaki.

Pinasakay niya ako kaagad sa kanyang sasakyan at tahimik lang nag maneho papuntang saan.

Makalipas ang ilang minuto, hininto na niya ang kanyang sasakyan at nung tinignan ko ang labas-

Nasa tapat pala kami ng isang mamahaling restaurant.

Kakain ba kami? Sakto naman dahil gutom ako hehe.

Pinapapasok niya ako sa restaurant at sa totoo lang-

Pers taym kong pumasok sa mga ganitong kamahal na restaurant. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na dinala niya ako rito o matatakot dahil hindi ko siya kilala.

Habang ginagala ang paningin sa loob, napapansin ko na wala pang tao rito hanggang nahagip ng mga mata ko ang isang babae na nakaupo sa 'di kalayuan.

TEKA- SIYA 'YUNG BABAENG SINAKSAK SA BASURAHAN KAHAPON AH!

Naka-uniporme ito na parang pang-guro at sa totoo lang-

Ngayon ko lang nakita ng buo ang kanyang mukha, makinis ang kanyang balat at maputi, maikli naman ang kanyang buhok at medyo strikta ang mukha pero maganda siya.

Nung nagtagpo ang mga mata namin, kaagad siyang ngumiti ng matamis at kumaway sa 'kin.

Siya ba 'yung sinasabi ng lalaki na ma'am Karina?

Naglakad na 'yung lalaki palapit sa kanya kaya sumunod na rin ako. Hindi ko alam pero grabe siya makatitig sa'kin, na para bang sinusuri buong pagkatao ko.

"Have a seat, please," bungad niya sa 'kin habang nakangiti nung nasa tapat nako sakanya. Napalunok naman ako ng laway at sinunod kaagad ang kanyang utos.

Aguy, mukhang rereglahin ilong ko dito.

Ang kahinaan ko nga pala ay ang wikang-ingles. Nakakaintindi naman ako ngunit hindi ako masyadong marunong magsalita.

"Would you like to eat, dear?" nakangiting tanong niya sa 'kin.

A-ANAK NG-

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa kanyang sinabi.

T-tnawag akong usa...

Sakit naman. Hindi naman ako mukhang hayop ah...

"H-hindi na po, salamat," nahihiyang tugon ko.

Hindi na po ako kakain, sakit ng sinabi mo po.

"Hindi ko na 'to papatagalin pa," biglaang sabi niya kaya taka ko naman siyang tinignan.

"Po?"

"I am Karina Erlin Laurier. The headmistress of Rikion High. And I would like to invite you and your brother to be my student at my school as a token of appreciation for helping me yesterday,"

Ha?

Sinabi niya?

"Ha? Ano nga ulit po 'yun?"

"Yes, The headmistress of Rikion High is inviting you and your brother to be my student at my scho-"

"HAAAAAAAAAAA?!"

HA?! HA?! HA?!

Isa pala siyang headmistress?!

'Y-yung babaeng nakita ko sa basurahan kahapon- 'yung babaeng sinaksak- 'yung babaeng tinulungan ko pala ay ang may-ari ng pinakamayaman na paaralan sa buong mundo?!

T-TAMA BA 'TONG MGA NARIRINIG KO?! O PANAGINIP BA 'TO?!

Nakita ko siyang ngumiti lang sa 'kin saka tumango.

"Be my stude-"

"P-pero mayaman ang paaralan na 'yan! Wala kaming pambaya-"

"Everything is free, it's on me,"

"ANO?!" napatayo ako sa aking upuan sa sobrang gulat. Ngumiti lang naman siya sa 'kin at pinaupo ako.

"H-hindi ba 'to prank ma'am? Baka mamaya trending na 'ko sa social medi-"

"No. This is not a prank and I am not joking. You saved my life yesterday. Well, speaking of yesterday, what actually happened was some guy stole my purse and stabbed me. But he's now in jail," sinserong sabi ni ma'am kaya naramdaman kong hindi nga siya nagbibiro.

"Now, you Krystalia Gabriel my dear, the person who saved me is now officially a student at Rikion High. Including your older brother,"

P-PAANO NIYA NALAM-

"Don't ask pala how I knew," dagdag pa niya at kinindatan ako.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw, tumakbo sa kalsada, tumalon basta ewan!

MASAYA AKO!

AT SA WAKAS! MAKAKAPAG-ARAL NA KAMI NI KUY-

"But there's only one condition that you two MUST follow," natigilan ako sa kanyang sinabi at napalunok ng laway sa sobrang seryoso ng kanyang boses.

"A-ano po 'yun?" kinakabahan kong tanong.

Kaagad nagseryoso ang kanyang mukha at hinawakan ako sa kamay.

"No one must know that you two are free students,"

To be continued...

- Remember, be kind and helpful to one another, malay mo isa na palang nagmamay-ari ng pinakamayan na paaralan sa buong mundo ang tinulungan mo. -

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

My baby girl sugarmy187 द्वारा

किशोर उपन्यास

505K 14.6K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
Academic lovers winterxeve द्वारा

किशोर उपन्यास

189K 4.1K 47
Crest view academy. This was no ordinary high school; it was known for its academic excellence and fierce rivalries. Amongst the students, two indivi...
3.6M 85K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...