Liham ng Pamamaalam (Pahayaga...

Galing kay miss_reminisce

1.1K 197 59

"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasa... Higit pa

Disclaimer
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Rebelasyon
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 23

21 5 0
Galing kay miss_reminisce

Kabanata 23





Buong gabi'y hindi maiwasang mawaglit iyon sa akin isipan. Hindi ko maiwasan ang malalim na aking pag-iisip, maaaring hindi totoo kung ano man ang nakasulat doon
Maaaring nilipad lamang ng hangin ang kapirasong papel na iyon sa puntod ni Ina.

Napatihaya ako sa pagkakahiga. Sa piling nila Itay at Inay ay hindi ako pinakitaan na ako'y kakaiba ni hindi rin nila magagawang magtago ng lihim sa'kin. Pilit kong iwinawaksi sa aking isipan ang mga agam-agam na maaaring ang isa sa kanila'y hindi ko totoong mga magulang.

Ngunit mabilisan ko iyong iwinawaksi dahil wala sa bokabularyo namin ang magtanim ng lihim sa isa't isa.







NAPAMULAT ako ng aking mata nang makarinig ako ng katok, kahit wala pa sa gana ang aking katawan na tumayo at bumangon ay pinilit ko na lamang ang aking sarili.

Binuksan ko ang pinto ng aking silid at agad na bumungad sa akin si Manang Lita, malamlam ang mga mata niya. "Eliana, magbihis ka ng iyong damit," sambit niya.

"Bakit po Manang?" Nagtataka kong tanong. Pumasok siya sa aking silid at isinara ang pintuan. "Ikaw ay magpalit na ng iyong damit sapagkat nakatanggap muli ako ng liham kay Ginoong Samuel," saad niya.

Nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya at ako'y naguguluhan sa kaniyang mga sinasambit. "Nakasaad sa kaniyang liham na nais kang makilala ni Don Roman"

Halos mamilog ang aking mga mata nang marinig ko iyon, ang batid ko'y si Donya Esmeralda lamang ang nakakaalam ng aming relasyon. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin halos mawasak na ang aking dibdib sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Nais akong makilala ni Don Roman. At hindi malabong banggitin nito ang anumang pinag-usapan namin dati pa.

Ako'y hindi handa para sa  bagay  na ito at kahit kailanman ay hindi pumasok sa aking isipan na darating kami sa ganitong sitwasyon.

"S-sa tingin ko ho Manang Lita ako'y hindi makatutungo dahil a-ako'y hindi nakahingi ng pahintulot kay Don Alonzo na umalis ngayong araw," saad ko.

"Sila'y wala ngayon sa mansyon, sila'y lumuwas sa Bagumbayan  kaninang bukang liwayway," saad  niya. "Ihanda mo na ang iyong sarili sigurado akong ikaw ay kakausapin lamang ni Don Roman huwag kang mag-isip ng kung ano-ano." wika niya at hinawakan ang aking kamay.


"H-hindi ko pa ho kaya, natatakot po ako," mahina kong saad habang umiiling-iling sa kaniya. Nanginginig na rin ang mga kamay dahil sa takot.

Napahinga nang malalim si Manang Liga.
"Alam kong hindi ka magagawang iwanan ni Ginoong Samuel kung sakali mang may masamang mangyari. Tandaan mo ikaw ang pinili ni Samuel kaya't ipaglalaban ka niya," sambit niya.

Napatango ako, ngunit hindi pa rin nawawala ang aking pangamba. Ang kaba sa aking dibdib ay patuloy pa rin ang pagkabog wari'y isa itong uri ng tambol.






HINDI  ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa aking silid. Pinagmamasdan ko ang aking repleksiyon sa salamin, ternong kulay puti na baro't saya ang aking suot itinali ko rin ang kalahati ng aking buhok at nagpahid ng kaunting kolorete sa aking mukha.

Napahinga ako nang malalim, kailangan kong ihanda ang aking sarili sa anumang kaganapang maaaring mangyari mamaya. Batid kong may sapat na dahilan si Samuel kung bakit nalaman ni Don Roman ang tungkol sa aming relasyon.

Ilang sandali pa'y lumabas na ako sa aking silid at nagulat dahil sa katahimikan ng mansyon. Naalala ko ang sinambit ni Mang Lita kanina na nagtungo sila sa Bagumbayan kaninang bukang liwayway at hindi ko nagawang tanungin kung ano ang kanilang dahilan ng pag-alis.

Nagtungo ako sa kusina upang magpaalam kay Manang Lita. Nadatnan kong nag-uusap silang dalawa ni Manang Linda akmang papalapit na ako sa kanila nang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

"Iyo rin bang naulinigan ang pag-aaway nila Donya Flora at Don Alonzo kaninang hating gabi?" tanong iyon ni Manang Linda. "Akin nga iyong narinig, ngunit huwag na lamang nating pagtuunan ng pansin ang kanilang pagtatalo," tinig ni Manang Lita.

Nakaraang isang araw nang marinig ko ang kanilang pagtatalo at kaninang hatinggabi lamang ay muli na namang nagtalo sina Don Alonzo at Donya Flora?

"Narinig ko rin sa kanilang usapan na nagawang sugatan ni Binibining Miranda ang kaniyang sarili, siguro'y iyon ang kanilang dahilan kung bakit sila nagtungo sa bagumbayan," napatakip ako sa aking bibig nang marinig ko ang sinambit ni Manang Lita.

Nagawang sugatan ni Binibining Miranda ang kaniyang sarili? Sa anong dahilan kung bakit niya ito nagawa?

"Eliana ikaw ay kumain na rito, pasensiya na at nauna na kaming kumain kanina," napatingin ako kay Manang Linda nang tawagin niya ang aking pangalan.

Walang bakas ng pagkagulat sa kaniyang mata at hindi ko batid kong nahuli ba niya ako na nakikinig sa kanilang usapan. "Ikaw ba'y may lakad?" tanong niya dahil napansin niya  ang magara kong postura.


"Siya'y tutungo sa kumbento" tugon ni Manang  Lita at nginitian ako. "Linda maaari mo bang kuhanin ang mga damit sa silid ni Ginoong Lazaro sapagkat bilin ito kanina ni Donya Flora," utos niya kay Manang Linda at agad namang itong tumalima.

Sinenyasan ako ni Manang Lita na lumabas at agad ko naman itong sinunod. Pagkalabas namin ay may nakaabang ng kalesa sa labas at nagulat ako nang makita si Marcelo na nakaupo roon. Nang maanigan kami nito na papalapit na sa kaniyang kinaroroonan ay agad siyang bumaba sa kalesa.

"Kayo ay tumungo na sa mansyon ng Delos Santos," wika ni Manang Lita. Napatingin ako rito at nginitian nang matamis si Manang Lita lumapit ako rito at marahan itong hinagkan.

Wala akong kahit na anong sinambit sa kaniya nais ko lang kumuha nang lakas ng loob mula sa kaniya. Ilang sandali lang ay humiwalay na rin ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit nanunubig ang mata ko marahil ay dahil sa kaba at takot.




HABANG binabaybay na namin ang  daan patungo sa mansion nila Samuel ay hindi ko mapigilan ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Hinihiniling ko na lamang na sana ay bagalan ni Marcelo ang pagpapalakad sa kalesa sapagkat ako'y hindi pa handa.

Ngayon ko lamang naramdaman ang kabang halos kumitil na sa aking buhay. Batid kong may katigasan ang puso ni Don Roman at kahit hindi ko pa man siya muling nakikita ay alam ko nang hindi niya ako tanggap.


Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko namamawis ang aking palad nang masilayan ko na ang magara nilang tarangkahan. Huminga ako nang malalim at napapikit nang marahan.

Iminulat ko na ang aking mata nang mapagtantong tumigil na ang kalesa hudyat na nasa loob na kami ng mansyon. Napahinga muli ako nang malalim bago pinagpagsiyahang bumaba sa kalesa. Nasilayan kong bumababa na rin si Marcelo at nginitian ako nito.

"Batid ko na ang inyong relasyon ni Senyor Samuel kaya't huwag ka nang magtaka. Ihanda mo na lamang ang iyong sarili Binibining Eliana," wika niya, napangiti ako sa kaniya.

Kahit papano ay napagaan nito ang aking loob dahil sa mga sinambit ni Marcelo.
Ngunit hindi ko pa rin maitatanggi sa aking pakiramdam ang matindi kong kaba.

"Eliana!" agad akong napalingon sa baritonong tinig ni Samuel. Nakasuot siya ng barong tagalog at kahit maaliwalas ang kaniyang mukha ay napansin kong may kakaiba sa kaniyang mga mata.

Lumapit siya sa'kin at bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit niyakap ko rin siya pabalik.

Sandaling nagtagal ang yakap namin sa isa't isa bago siya humiwalay sa'kin at agad kong napansin ang sugat sa gilid ng kaniyang labi.

"Napano ito," wika ko at akmang hahawakan ang sugat sa kaniyang labi nang pigilan niya ang aking kamay at hinawakan iyon nang mahigpit.

Umiwas siya ng tingin sa'kin. "W-wala ito Eliana," mababang saad niya at tumingin ulit sa'kin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang lumbay at namumugto ng kaniyang mga mata 

"Eliana," wika niya at pinisil ang aking mga kamay. " Ipangako mo sa'kin na ano man ang marinig mo mula sa'king ama ay huwag mo itong paniniwalaan. Sa'kin ka lang maniwala at ang pag-ibig ko sa iyo," wika niya at ramdam ko ang panunubig ng kaniyang mga mata.

Akamang tutugon ako nang bigla kaming nakarinig ng tinig.

"Señor Samuel pinapatawag na po kayo ng inyong ama!"

Hinawakan nang mahigpit ni Samuel ang kamay ko at nagsimulang maglakad papasok sa kanilang mansion. Kahit nais kong sabihin kay Samuel na huwag niya na itong ituloy ay hindi ko magawa.

Nanatiling mahigpit ang hawak niya sa'kin hanggang sa makapasok kami sa loob. Agad kong nakita ang mga kakaibang titig ng kanilang soltera sa'ming dalawa ni Samuel at sa'ming kamay.

Napatigil kami nang makarating kami sa hapag nila. Naroon si Donya Flora at Binibining Solana na nakaupo sa hapag, nginitian ako nang tipid ni Binibining Solana ngunit agad niya ring iniwas ang kaniyang tingin.

"Ama—"

"Maupo kayo Samuel masamang tinitigan lamang ang pagkain," kalmadong saad ni Don Roman ngunit bakas na roon ang seryoso niyang tinig.

"Ama patawad ngunit sa tingin ko'y hindi na—"

"Sa ikalawang pagkakataon ba Samuel ay isasawalang-bahala mo na naman ang aking utos?!" halos mapayuko dahil sa bahagyang pagtaas ng boses ni Don Roman.

Ramdam ko sa panahong ito ang galit na namumutawi sa kaniya. Binalingan kami ng tingin ni Donya Flora at simpleng tumango kay Samuel na para bang sinasabi niya na sumundo kami sa kaniyang ama.

Napahinga nang malalim si Samuel bago siya umupo sa upuan malapit kay Don Roman at pinaupo niya ako sa kaniyang tabi.

Hindi rin makatingin sa'kin si Binibining Solana nang harapan dahil batid niya ang ganitong kabigat na sitwasyon.

"Ako'y hindi na magpapaligoy-ligoy pa," halos mapakagat ako sa aking labi dahil sa seryosong tinig muli ni Don Roman. 

"Ano ang iyong ngalan?" napakagat ako sa aking labi at tumingin sa Don.  "Ama hindi mo na siya kailangang tanungin pa," wika ni Samuel at tumitig sa kaniya ama.

Napangisi si Don Roman habang hinihiwa ang karne sa kaniyang plato. "Bakit? Dahil siya ay isang soltera?" saad niya at mapangkutyang tumawa .

Nakita ko na napahinto sa pagkain si Binibining Solana habang mahigpit lamang ang hawak sa aking kamay ni Samuel.

Napatingin ang Don kay Samuel na tahimik lamang at nakapako ang tingin sa kaniyang pinggan. "Hindi ko lubos akalain na napakababa na pala ang iyong pagkagusto sa isang binibini, Samuel," nakita ko ang pagtaas baba ng tatagukan ni Samuel at mas lalong hinigpitan niya ang kapit sa aking kamay.


"At hindi ko akalain na kahit pinagsabihan na kita noon na layuan mo ang aking mga anak lalong-lalo na si Samuel at Solana ay hindi mo pa rin ginawa. Talagang nais mo akong kalabanin nang ganito," wika niya at seryosong tumitig sa'kin.

Napaiwas ako at nanubig ang aking mga mata pakiramdam ko ay ilang sandali lamang ay may mawawala sa'king buhay na aking lubos na pagsisihan.

Inangat ni Samuel ang kaniyang tingin at tumingin ito sa kaniyang ama. "Aking iniibig si Eliana ama,"  mariin niyang sambit sa kaniyang ama.

"At ako ang kusang lumalapit sa kaniya ama. Hindi ko kailanman tinignan ang kaniyang estado sa buhay upang maibigan ko siya," seryosong saad ni Samuel habang nakatingin sa kaniyang ama.


Napainom si Don Roman bago tumugon. "Iyong iniibig ang babaeng iyan?!" madiin na saad niya at itinuro niya ang kaniyang daliri sa akin. "Iyo nang aminin sa akin kung anong klaseng panghalina ang iyong ginawa upang mahalin ka ng aking anak," napapikit ako nang mariin.

"Hindi niya nagawang lasunin ang aking isipan ama. Mahal namin ang isa't isa ni Eliana," madiing sambit ni Samuel. Nakita ko ang mga nagsusumamong tingin ni Donya Esmeralda kay Samuel at sa kaniyang asawa.

"Ikaw ay makinig sa akin Samuel salapi lamang ang habol ng babaeng iyan sa iyo! kailanman ay hindi ko magagawang tanggapin dito sa aking pamamahay ang isang dukhang walang pinag-aralan na katulad mo!"

Tuluyan na akong napayuko at hindi na napigilan pa ang pagtulo ng aking luha. Parang tinutusok ang aking damdamin dahil sa masasakit na salitang sinasampal sa'kin ni Don Roman. Oo siya'y tama ako'y isang mababang uri na nilalang, ako'y isang dukha at walang pinag-aralan.

"Kung babastuhin niyo lamang ama ang aking sinisinta ay sana'y hindi ko na lamang sinunod ang iyong mga payo," napatingin ako kay Samuel dahil sa madiin niyang pagsambit sa kaniyang ama.

Halos umapoy sa galit ang kaniyang mga mata at matatalim na titig ang binibigay niya sa kaniyang ama. Kumapit lamang ako nang mahigpit sa kaniyang kamay na ngayon ay nanginginig na dahil sa galit.


Tumikhim ang Don. "Ikaw ay nawawala na sa katinuan Samuel! tuluyan ka nang nilason ng pagmamahal mong lubusan dahil sa solterang iyan!" Halos mapatalon ako sa gulat nang hampasin ng Don ang lamesa dahilan upang mahulog at mabasag ang basong nasa kaniyang tabi.


"Kayo'y tumigil na! hindi ba kayo nahihiya at sa hapag kainan pa talaga ang napili niyong lugar upang ipamalas ang inyong mga poot," wika ni Donya Esmeralda. Tinitigan ako ng Donya nang may pag-aalala ngumiti ako ng tipid upang ipakitang ayos lamang ako.

Napatingin ako kay Binibining Solana may bakas din na ng pagsusumamo at pag-aalala ang kaniyang mga mata. Simula kanina'y hindi na  niya nagawang makakain dahil sa naging tensyon sa pagitan ng kaniyang ama at ng kaniyang kapatid.

Hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang hawak sa aking kamay ni Samuel, hindi niya ito binibitawan kanina pa. Sumenyas ang Donya sa dalawang soltera upang ipaligpit ang nabasag na baso sa lapag ngunit sumenyas ang Don na huwag itong pulutin.

Napatikhim muli siya at tinitigan ako sa aking mga mata. "Ikaw ay soltera hindi ba? bakit hindi ikaw ang dumampot ng kalat sa lapag" napahigpit muli ang hawak ni Samuel sa aking kamay.

"Ama itigil mo na ito!  Si Eliana'y isa nating panauhin," saad ni Solana. "Tumahimik ka Solana! Ikaw ay pumanhik sa iyong silid kung hindi mo nais ang iyong mga nasasaksihan," napatingin ako kay Solana na may pag-aalala nakita kong hinawakan ng Donya ang kamay ng kaniyang anak.

Ibinalik muli ni Don Roman ang tingin  niya sa akin, walang habas kong kinalas ang mahigpit na pagkakahawak sa aking kamay ni Samuel at mabilisang nagtungo sa lugar kung saan nabasag ang baso.

Dinampot ko iyon ng dahan-dahan, sa paglapat ng tuhod ko sa sahig ay para bang pinapamungkahi nito ng tunay na antas ko sa buhay.

Nabitawan ko ang mga pinupulot kong basag na parte ng baso nang higitin ni Samuel ang kamay ko patayo sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mga mata ko at basang-basa ko ang galit at pangamba niya.

Hindi ko napigilan ang panunubig ng aking mga mata, hinawakan niya ang kamay ko at humarap sa kaniyang ama.

"Pasensiya na ama, ngunit hindi ko kayang isuko ang pagmamahal ko kay Eliana at kahit anong masasakit na salita ang ipabatid niyo sa akin ay wala na akong pakialam," madiing sambit ni Samuel bago niya ako hinila palabas sa kanilang mansyon.

Narinig kong tinawag niya si Marcelo at sabay kaming pumaroon sa kalesa, nang makasakay si Marcelo ay agad niyang iyong pinalakad. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking luha dahil sa mga masasakit na salitang sinabi sa akin ni Don Roman.

Agad na isinubsob ni Samuel ang mukha ko sa kaniyang dibdib at hinagkan ako nang mahigpit. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang aking buhok at hinihimas ang aking likod.

Panay ang buntong hininga niya at paghingi ng tawad dahil sa nangyari. Malinaw na para sa akin na hindi pabor sa akin si Don Roman para sa kaniyang anak. Batid ko sa aking sarili na ako'y isang soltera ngunit hindi niya ito kailangan na ipamuka sa akin kung gaano ako kababa.

Buong akala ko'y sa panahon na makakasama ko si Samuel ay walang hanggang kasiyahan na ang aking matatamasa ngunit ang lahat ng iyon ay panandalian lamang.

Pakiramdam ko ay nakakulong pa rin ang aking kaligayahan sa isang hawla. Wala akong karapatan na hanapin ang susi para ito'y aking mabuksan.

Siguro'y tama nga ang sinambit ni Don Roman ako'y isang soltera na hindi nababagay para sa kanila. Ang kanilang kapangyarihan ay napakalaki kumpara sa akin na umaasa lamang ng katiting.

Mahal kita Samuel ngunit hindi ako lubusang makatitiyak kung hanggang dulo ang aking pagmamahal sa iyo. Dahil sa tuwing masusumpungan ko ang aking kaligayahan ang siya namang muli kong pagkalugmok sa
kalungkutan.





Naghihinagpis,
Eliana

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

199K 11.9K 44
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
2.2K 233 31
Stars in my Dark Nights is Historical fiction set in the Spanish colonial Philippines. The story is all about the love triangle between Isabella, her...