Liham ng Pamamaalam (Pahayaga...

By miss_reminisce

1.1K 197 59

"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasa... More

Disclaimer
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Rebelasyon
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 17

22 5 0
By miss_reminisce

Kabanata 17





"Kailangan nating mag-usap Eliana," wika niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Wala naman ho tayong dapat pag-usapan kaya aalis na lang ho ako," wika ko at akmang aalis ulit nang pigilan niya ako.

"Marcelo sa tabing-ilog," saad niya kay Marcelo na agad niyang sinunod. "Ginoong Samuel batid niyo ho bang kapangahasan ang ginagawa niyo?" saad ko habang nakatingin sa harapan.

Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko na tila ba gusto niya ng kumawala sa dibdib ko. Mas lalo akong hindi makatingin kay Ginoong Samuel dahil halos katabi ko siya at ang kaniyang kamay ay patuloy pa ring nakahawak sa aking palapulsuhan.

"Batid ko,  ngunit ito ang nakikita kong paraan upang makausap ka nang masinsinan," wika niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Hindi ho kita maintindihan," halos napapaos kong saad  sa kaniya. Napatingin siya sa'kin bago ulit iniwas ang kaniyang tingin. "Mamaya ay iyo rin akong maintindihan," bulong niya sapat lamang upang marinig ko.

Kahit parang dinadaga ang aking dibdib ay sa huli pinili kong manahimik at hindi na siya kinausap. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, may halong pananabik at kaba akong nararamdaman dahil sa kaniyang mga sinasabi.

Napatingin ako sa kamay niyang patuloy pa ring nakahawak sa aking palapulsuhan. Kahit na pilit ko iyong inaalis sa kaniya kanina ay ayaw niya itong bitawan.

Makalipas ang ilang minuto at nakarating na rin kami sa tabing-ilog ang pinuntahan namin dati kasama si Binibini Solana.

"Ginoong Samuel, bakit ho ba tayo narito?" tanong ko sa kaniya. Ngunit hindi siya tumugon kundi patuloy lamang siya sa paglalakad habang hawak-hawak ang kamay ko palapit sa ilog.

Kanina pa ako naguguluhan sa kaniya gayong hindi naman niya sinasabi sa'kin kung ano ba ang ginagawa namin dito.

Napahinto siya nang malapit na kami sa ilog. Binatawan niya na ang aking kamay habang diretso pa rin ang tingin niya sa harapan. Nahihiwagaan ako kung bakit ganito sa'kin si Ginoong Samuel, tila mas nais ko pang iniiwasan niya ako kaysa ganito.

"Ginoong Samuel ano ho ba ang nais niyo—"

"Eliana hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," wika niya at tumingin sa'kin, naglakad siya papunta sa harapan ko at halos dalawang hakbang na lang ang layo niya sa'kin.

"Marahil ay hindi ko na hihintayin pa na mabasa mo ang liham ko. Napag-isip-isip ko na mas makabubuti kung sabihin ko na lamang sa iyo ito nang personal," wika niya at mas tumitig sa mga mata ko.

Nakatitig na lamang din ako sa kaniya at hindi ko na mapigilan pa ang sobrang lakas ng pintig ng puso ko. "Kung iyong naalala ang minsang binanggit ko sa iyo na mayroon na akong napupusuan," patuloy niya at humakbang ulit ng isang beses sa'kin.

Hindi ko na malaman ang aking gagawin lalo na nang mas lumapit siya sa'kin. Basang-basa ko ang mga kakaibang titig niya, at ang dibdib ko na hindi ko na kayang pigilan pa.

"Ang totoo'y ikaw ang aking napupusuan, Eliana," wika niya dahilan para mas matulala ako sa kaniya.

"Naiibigan kita Eliana," patuloy niya habang nakatitig sa mga mata ko. Sa panahon na iyon ay unti-unting bumagal ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko panandaliang tumigil lahat ng nasa paligid ko.

Pilit kong pinoproseso sa isipan ko ang mga binanggit niya sa'kin, hindi ako makapaniwala na naiibigan ako ni Ginoong Samuel.

Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ito nang mahigpit. "Hindi ko hinihiling na tugunin mo ang aking sinambit sapagkat hindi iyon tanong upang tumugon ka at hintayin ko ang iyong tugon," wika niya at muli akong napatingin sa kaniya.

Ang mga mata niya kakaiba ang tingin niya sa'kin. Dinala niya ang mga kamay ko sa kaniyang dibdib at naramdaman ko mula doon ang kakaibang pintig ng kaniyang puso.

"Batid mo bang ganito pumintig ang aking puso sa tuwing nakakasama kita, hindi ito normal para sa'kin. At tanging ikaw lamang ang nakagagawa ng bagay na ito Eliana, tanging ikaw lamang," wika niya habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

Sa sandaling ito ay naumid ako at hindi ko batid kung ano ang aking dapat sabihin. Paano ko magagawang sabihin sa kaniya na naiibigan ko rin siya katulad ng kaniyang nararamdaman.

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya hanggang sa iminulat niya ang kaniyang mga mata. Napangiti siya nang matamis sa'kin habang ako ay unti-unti na ring napapangiti sa kaniya bago ako napaiwas at inalis ang aking kamay sa kaniyang dibdib.

"Ngayon ay nakita ko na rin sa iyo ang ngiting nais kong maibigay mo sa'kin," wika niya dahilan para mapatingin ulit ako sa kaniya.

"G-ginoong Samu—"

"Maaari bang Samuel na lang ang itawag mo sa'kin Eliana? Dahil sa tuwing binabanggit mo iyan sa'kin mas lalo ko lang nararamdaman ang estadong pumapagitna sa'ting dalawa gayong dapat ay hindi," pakiusap niya habang patuloy lang na nakatingin sa'kin.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at napayuko. Habang mas tumatagal mas nalulusaw ako sa mga titig niya. Tila ngayon pa lang nais ko nang umalis sa kaniyang harapan.

Ilang sandali'y halos makaramdam ako ng kuryente sa buo kong katawan nang hawakan niya ang baba ko at iniharap ako sa kaniya. Nakikita ko nang muli ang mga mata niyang nang-aakit.

Unti-unti niyang ibinaba ang kaniyang ulo sa'kin at ilang sandali lang ay naramdaman kong lumapat ang kaniyang malambot na labi sa'kin. Sandaling hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan, tila lahat ng masasakit na pangyayari kanina ay naglaho dahil sa halik na ginawa niya sa'kin.

Hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata dahil sa gulat na nararamdaman ko. Hanggang sa makalipas ang ilang segundo ay humiwalay siya sa'kin at napaiwas ng tingin.

Napansin ko ring namumula ang kaniyang taynga at pisngi.

"Ginoong—"

"P-paumanhin, i-ihahatid na kita pauwi," wika niya at mabilis na tumingin sa'kin bago siya naglakad paalis. Napatingin ako sa kaniya habang patuloy na bumabalik sa isipan ko ang   ginawa niyang paghalik sa'kin.

Iyon ang una kong halik sa tanan ng aking buhay.

Napalunok ako bago sumunod sa kaniyang paglalakad at nakita kong naghihintay na siya sa kalesa. Nang magtama ang tingin namin ay agad siyang umiwas.

Nang makarating na ako sa tapat niya ay inilahad niya ang kaniyang kamay upang alalayan ako sa pagtaas sa kalesa. Agad ko naman itong tinanggap at naupo sa kalesa bago siya sumunod sa'kin at naupo sa tabi ko.

"I-idadaan muna natin si Elia—Binibining Eliana sa mansion ng Villaflores," wika ni Ginoong Samuel kay Marcelo bago nagsimulang umalis.

Buong byahe ay halos tahimik lang kami. Si Ginoong Samuel ay nakatingin lang sa binatana ng kalesa. Habang ako'y paminsan-minsan na tumitingin sa kaniya.
Marahil ay nagulat lang din siya sa ginawa niyang paghalik sa'kin.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang bumaling siya ng tingin sa'kin bago ulit umiwas ng tingin. Nang bumaling ulit ako sa kaniya ay nakita kong palihim siyang napangiti.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto na rin ang kalesa sa tapat ng mansion ng Villaflores. Akmang bababa si Ginoong Samuel nang pigilan ko siya.

"H-huwag na ho kayong mag-abala. Mauuna na ho ako....S-Samuel,"









MALALIM na ang gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Pilit na gumugulo sa isipan ko ang pag-amin at paghalik na ginawa ni Samuel sa'kin.

Napatihaya ako ng higa habang nakatitig sa kawalan. Habang inaamin niya ang nararamdaman niya sa'kin naumid ako at hindi man lang nakabuo ng salitang maisasambit ko sa kaniya.

Marahan kong hinawakan ang labi ko kung saan dito lumapat ang labi ni Samuel. Ang una kong halik ay siya.

Napablikwas ako sa aking katre at sinindihan ang lampara sa'kin tabi. Inilabas ko mula sa lagayan ng aking damit ang dalawang liham na binigay niya sa'kin. Batid kong hindi dapat ako mahulog ngunit paano ko pa maiiwasang hindi tuluyang mahulog sa kaniya kung umamin na siya sa'kin.

Sa sandaling ito ay nakaramdam ako ng takot at pangamba. Takot dahil sa binitawang salita ni Don Roman at pangamba sa maaaring mararamdaman ni  Binibining Miranda.

Napahinga ako nang malalim bago naupo sa silya habang ipinatong sa lamesa ang dalawang liham na binigay niya sa'kin. Patawad Binibining Miranda kung umabot ako sa ganito, hindi ko intensyon na magkagusto rin kay Samuel.

Kinuha ko ang unang liham at pikit matang binuksan ito, kahit kumakabog nang malakas ang aking dibdib ay iwinaksi ko muna ito kahit panandalian lamang.

Pagbukas ko ng kaniyang liham ay bumungad kaagad sa akin ang kaniyang pantay-pantay na sulat-kamay.

Eliana,

Ito ang unang liham na maisusulat ko sa iyo, matagal ko ng nais gawin ito ngunit ngayon lamang ako naglakas ng loob na gawin ito. Sa katunayan hindi ang pagkikita natin sa aming tahanan ang una nating pagkikita.

Ako ang siyang nagligtas sa iyo sa panahong muntik ng mapakahamak ang iyong buhay. Kaya't noong ipinakilala ka sa'kin  ni Solana ay pamilyar ka na sa'kin dahil tinandaan ko ang iyong maamong mukha.

Matagal ko na ring gustong ipagtapat sa iyo na ako ang siyang nagligtas sa iyo ngunit napangunahan ulit ako ng kaba. Hindi ko ba alam, marahil kapag nakakausap at nakikita kita lahat ng nais kong sabihin sa iyo ay nawawala. Kaya't magsisilbi ang liham na ito na sabihin sa iyo ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa iyo ng harapan.

Batid mo rin bang hindi mawala sa isipan ko ang nangyari noong nakulong tayo sa opisina ni ama, gayun na rin ang aksidenteng nangyari sa'tin. Kapag naalala ko iyon ay may nararamdaman akong kakaiba. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko kung nagugustuhan na ba kita, ngunit napapagtanto ko na may mga panahon din na inilalayo mo sa'kin ang sarili mo.

Alam ko na noon pa man na bago mo sabihin ang pader na humahadlang sa'ting dalawa ay iyon na ang nasa isipan ko. Malaking pader nga ang humahadlang sa'ting dalawa, ngunit mawawalang silbi ang pader na iyon para iparating ko ang nais kong pakikipag-ugnayan sa iyo.

Nais ko ring sabihin na, kakaiba ka sa mga Binibinining aking nakilala. Hindi na rin ako nagtataka sa kung bakit naging matalik kang kaibigan ni Solana. Dahil may kakaiba kang puso may kakaiba kang paninindigan.

Kapag nabasa mo man ang liham ko na ito ay hihintayin ko ang iyong tugon.


Samuel.

Napahinga ako nang malalim bago isinara ang unang liham. Ibig sabihin ay tama ang hinala ko noon na siya ang nagligtas sa'kin.

Napakagat ako ng aking labi bago muling tinupi ang kaniyang liham. Habang binabasa ko ang kaniyang liham ay hindi na magkandaugaga ang puso ko sa pagtibok, tila kusa na silang tumitibok sa tuwing nababanggit at nakikita si Samuel.

Napahinga ulit ako nang malalim at wala sa wisyo kong binuklat ang sobre, kahit patuloy pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang liham at bumungad doon muli ang aking pangalan.


Eliana,

Bakit ako'y iyong iniiwasan? Mayroon ba akong nagawang mali sa iyo? At hindi ko rin maintindihan sa kung bakit paulit-ulit mong tinatanggihan ang aking alok na pakikipagkaibigan sa'yo. Mabuti ang aking intensyon bilang iyong kaibigan.

At naguguluhan din ako sa kung bakit patuloy mong binabanggit sa'kin si Binibining Miranda. Hindi ko malaman kung dinidiktahan mo ba ang aking damdamin o paraan mo lamang iyon para lumayo ako sa iyo? Sa punting iyon ay nakaramdam ako ng lungkot na marahil kaya ka lumalayo sa'kin ay upang tuluyan nang masira ang ugnayan nating dalawa.

Kung alam mo lamang kung gaano ko pinipigilan ang aking sarili na hindi ka kausapin. At naguguluhan din ako sa sarili ko kung bakit naninubugho ako sa inyo ni Marcelo. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit ko nararamdaman ang paninibugho, ngunit nasagot lamang ang mga tanong na iyan simula nang muli kitang makausap sa kaarawan ni Solana.

Sa tuwing nakakausap kita ay hindi ko naipaliwanag ang aking saya. At doon ko mas nauunawaan ang sarili ko na napupusuan na kita. Sumugal ako kahit hindi ko alam kung naiibigan mo rin ba ako, sumugal ako Eliana dahil ito ang sinasabing sundin ng puso ko.

May mga pangarap ako sa buhay at pakiramdam ko may espasyo ng nakalaan para sa iyo.

Samuel,




Napakagat ako sa aking labi bago itiniklop ang huling liham niya. Ang pag-amin nga nito sa kaniyang nararamdaman ang dahilan kung bakit nais niyang basahin ko na ang liham.

Inaamin ko sa aking sarili na may nararamdaman akong saya ngunit sa kabila nito ay aking pangangamba sa mararamdaman ni Binibining Miranda at sa sinabi sa'kin ni Don Roman.








"ELIANA, dalhin mo na ito sa hapag" utos sa akin ni Manang Lita. Dali-dali kong kinuha ang isang bandehadong kanin at nilagay iyon sa hapag. Naabutan kong tahimik na nag-uusap sina Donya Flora at Don Alonzo, wala pa sa hapag sina Ginoong Lazaro at Binibining Miranda.

"Eliana, maaari mo bang tawagin sina Lazaro at Miranda. Masamang paghintayin ang pagkain,"  utos sa akin ni Donya Flora. Tumango ako at nagtungo sa ikalawang palapag. Napahinga ako nang malalim bago kumatok sa silid ni Ginoong Lazaro.

"Magandang umaga ho Ginoong Lazaro, nakahanda na po ang umagahan," sambit ko habang nakasara ang kaniyang pinto. Hindi ko na hinintay ang tugon ni Ginoong Lazaro at nagtungo na ako sa silid ni Binibining Miranda.

Akmang kakatukin ko pa lamang ang pinto nang lumabas na ito napaatras ako at bahagyang yumuko. "Magandang Umaga Binibining Miranda, nakahanda na ho ang umagahan," tumigil siya sa aking harapan at ngumiti.

"Magandang umaga rin, mayroon lamang akong ipapasuyo sa iyo Eliana ito ba'y bukal  sa iyong kalooban?" sambit niya habang hinihintay ang aking tugon.

Napatango ako at napangiti "Wala hong problema Binibini ano ho ba iyon?" ngiti kong tugon. Kahit may mga bagay na dapat akong tanungin kay Binibining Miranda ay hindi ko nagawang tanungin nang agaran.

"Maaari mo bang ihanda ang aking pampaligo sapagkat kami'y may pupuntuhan ngayon ni Ginoong Samuel" napatingin ako sa kaniya habang matamis ang kaniyang ngiti.

Sandali akong hindi nakapagsalita bago napatango. "W-wala hong problema Binibini," wika ko. Napatango at napangiti siya bago umalis, pinagmasdan ko siya habang umaalis siya. Pilit sumasagi sa'king isipan ang lakad  nila ni Samuel.

Nagtungo ako sa silid ni Binibining Miranda at nagpakawala ng isang malaking buntong hininga. Sandali kong nilibot ang tingin sa kaniyang silid at napako ang aking mga
mata sa  mga nagkalat na liham sa kaniyang lamesa.

Kumabog nang malakas ang aking dibdib at dahil sa namumuong kuryosidad sa mga iyon ay binuklat ko ang isang liham. Halos mabitawan ko ang liham at uminit muli ang sulok ng aking dalawang mata dahil sa aking nakita.

Ang liham na iyon ay sulat kamay ni Samuel.

Nagtungo ako sa kaniyang palikuran at naramdaman ko na lang na nagtutubig ang aking mga mata. Lubusan akong naguguluhan sa pinapakita at pinaparamdam ni Samuel.

Pakiramdam ko'y pinaglalaruan niya lamang ako.  Hindi ko na alam kung ano ang aking dapat paniwalaan. Halos kababasa ko lamang ng kaniyang liham kagabi at sariwa pa rin sa'kin ang mga salitang isinulat niya roon. Ngunit ano ang mga bagay na nasaksihan ko ngayon?








"ELIANA para sa'yo," napatingin ako kay Manang Lita at sa sulat na binibigay niya. "Binigay iyan sa pamilihan kanina ni Marcelo, pinapabigay raw ito ni Ginoong Samuel sa iyo," wika niya.

Tinanggap ko iyon at pinagmasdan lamang na parang wala akong balak na basahin ito. Hindi ko alam kung babasahin ko ito gayong ngayon pa lang ay madami nang gumugulo sa isipan ko.

"Ano ba ang ugnayang mayroon kayo, Eliana?" napatingin ako kay Manang Lita nang magtanong siya habang seryosong nakatingin sa'kin.

Napaiwas ako ng tingin. "Hindi naman ho malapit ang loob namin sa isa't isa," wika ko kahit pa ang totoo ay nagawa nang umamin sa'kin ni Samuel ng kaniyang nararamdaman.

"Maaari bang sabihin mo sa'kin ang totoo Eliana? Hindi ako naniniwala na hindi ganoon kalapit ang loob niyo sa isa't isa gayong madalas ang pagbibigay niya sa iyo ng liham," saad niya at lumapit sa'kin.

"Hindi naman ako magagalit o di kaya ay hadlangan ka sa nararamdaman mo kung mayroong malalim na namamagitan sa inyo ni Ginoong Samuel. Ngunit hindi ko lang maiwasan na mangamba para sa kalagayan mo," saad niya at hinawakan ang aking magkabilaang balikat.

"Batid kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Eliana," patuloy niya habang patuloy na nakatingin sa'kin. Hanggang sa muling pumasok sa isipan ko ang mga katagang sinambit sa'kin ni Don Roman.






Nangangamba,
Eliana

Continue Reading

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
31.9M 814K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
87.9K 1.6K 41
Yllentell April Greid life change as she started to wish at Magical Feathers . It's a magical dust that led her life into Unknown place called QYLENT...