Liham ng Pamamaalam (Pahayaga...

By miss_reminisce

1.1K 197 59

"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasa... More

Disclaimer
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Rebelasyon
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 16

19 5 0
By miss_reminisce

Kabanata 16






Matapos ng kaganapan kagabi ay ilang sandali lang ay iniwan kong mag-isa roon si Ginoong Samuel. Nagtataka ako sa mga huling salitang binanggit niya habang ang kaniyang mga mata ay nakatingin sa'kin.

Ayokong umasa at pangunahan ang kaniyang nararamdaman ngunit hindi ko mapigilang isipin iyon. Napahinga ako nang malalim bago ulit pinagpatuloy ang pagdadamo sa hardin ng Villaflores.

Mataas na rin ang sikat ng araw dahilan para mas gumaganda ang tubo ng mga halaman.
"Sana'y maging masagana pa ang iyong mga talutot," bulong ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang isang mirasol. Umupo ako at hinawakan ang talutot nito na bahagyang basa dahil sa hamog kanina.

"Eliana!" Nagulat ako at napatayo agad nang marinig ko ang aking pangalan. Agad na hinanap ng aking mga mata kung saan nanggagaling ang tinig na iyon.

Napangiti  ako nang makita si Binibining Miranda. Papalapit siya sa akin at halatang masaya siya, kapansin-pansin ang napakatamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Magandang Umaga Binibini" masaya kong bati, ngumiti siya bago tumugon. "Magandang umaga rin Eliana, nais kitang tanungin kung bakit ikaw ay umuwi ng maaga kagabi?" Tanong niya.

"Naging masama ho kase ang aking pakiramdam," tugon ko. Napatango-tango siya at ibinaling ang tingin sa mga halaman. "Kung gayo'y hindi mo nagawang maranasan ang mga masasayang pagdiriwang at kasiglahan kagabi," sambit niya. Bahagyang napakunot ang aking noo ngunit nawala rin ito.

"Nang mga gabing iyon ay nagsagawa ng kasiglahan upang maging masaya ang gabi. Sinayaw ako ni Ginoong Samuel at nagawa niya ring halikan ang aking kanang kamay.  Ang gabing iyon Eliana ay aking hindi makalilimutan," patuloy niyang sambit.

Napatango ako at napaiwas ng tingin. Maraming naganap sa mga panahong nawala ako sa pagdiriwang at maaaring kayang si Binibining Miranda ang kaniyang napupusuan?

"Ako'y masaya para sa iyo Binibini" tanging nasambit ko habang pilit na inilalabas ang mga ngiti sa aking labi. May kung anong tumutusok sa dibdib ko na ang hirap ipaliwanag.

"Maraming Salamat Eliana. Ramdam ko ang iyong suporta" wika niya at tinapunan ako ng napakasayang ngiti. Umiwas ulit ako ng tingin at napayuko, hindi ko na mapigilan ang kakaibang nararamdaman ko, tila hindi ko na nakakayanan ang sakit.

"Aking lubusan na iniibig si Ginoong Samuel" saad muli niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "At batid kong nahuhulog na rin siya sa'kin," patuloy niya bago napatingin sa'kin.

"Maraming salamat din Eliana sapagkat ikaw ang naging tulay ko para sa kaniya. Sa liham na ipinapaabot ko," wika niya at ngumiti nang matamis sa'kin bago umiwas ng tingin.

"Kagabi tinanong ko siya kung ano ang relasyon naming dalawa. Hindi siya makasagot ngunit ang batid ko na higit pa sa pagiging magkaibigan." wika niya at bumaling ulit sa'kin.

Habang ako ay patuloy lang nakatingin sa kaniya. Naalala ko ang mga tagpo namin kagabi ni Ginoong Samuel, maaari bang ang mga ngiti at titig na ibinibigay niya sa'kin ay normal lang para sa kaniya.

"Ngunit batid mong hindi ako natatahimik hanggat hindi ako nakakakuha ng sagot sa kaniya. Kaya't nagkaroon kami ng usapan, kung magtutungo siya ngayon sa'ming mansion higit pa sa pagkakaibigan ang nais niya," wika niya at napaiwas ng tingin sa'kin.

Napahinga ako nang malalim at hindi na rin ako nakakatugon sa mga sinasabi ni Binibining Miranda. Naguguluhan ako sa hindi malamang dahilan, naguguluhan ako sa nararamdaman ni Ginoong Samuel.

Ilang sandali pa'y napatingin ako sa kanilang tarangkahan nang bigla itong bumukas at pumasok ang isang kalesa. Patakbong nagtungo roon si Binibining Miranda habang may ngiti sa kaniyang labi.

Nangilid ang luha ko nang makita kong bumaba roon si Ginoong Samuel at may iniabot na kumpol na rosas kay Binibining Miranda.

Nasilayan ko ring ikinawit ni Binibining Miranda ang kaniyang kamay sa braso ni Ginoong Samuel bago sila nagtungo sa loob ng mansion.

Sa panahon ngayon ay tila unti-unting lumiliwanag sa aking isipan na ang mga nangyari kagabi ay wala lamang. Kaibigan niya lamang ako at malabong mapusuan.








"SALAMAT po!"

Napangiti ako sa batang lalaking nagbebenta ng sampaguita. "Walang anuman mag-iingat ka sa iyong pag-uwi," wika ko at napangiti ulit siya bago naglakad paalis.

Siya rin ang batang pinagbilhan noon ni Ginoong Samuel ng sampaguita, at tuwing linggo ay nakikita ko rin siyang naglalako. Ngunit ngayon lamang ako nakabili sa kaniya dahil ngayon lamang ulit ako nakahawak ng salapi.

Binili ko na ang huling tatlong sampaguita mayroon siya dahil para makauwi na rin rito nang maaga.

Akmang maglalakad na ako paalis nang makita ko si Ginoong Samuel kasama si Ginoong David na papalabas ng kumbento. Bahagyang nakakunot ang noo ni Ginoong Samuel habang kinakausap siya ni Ginoong David.

Hindi ko man batid ang kanilang usapan ngunit napapansin ko na parang hindi ayos si Ginoong Samuel at seryoso ang mukha niya. Halos mabitawan ko ang dala kong sampaguita nang mapatingin siya sa'kin.

Agad kong pinulot ang sampaguita at pasimple ulit na sumulyap sa kaniya ngunit patuloy pa rin siyang nakatingin sa'kin. Umiwas na ako ng tingin at naglakad palayo.


"Binibining Eliana," saad niya dahilan para mapahinto ako. Narinig kong patakbo siyang nagtungo sa'kin at saka lang siya huminto nang nasa likuran ko na siya.

"May bagay lamang akong tatanungin sa iyo," wika niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Nang bumaling ako sa kaniya ay agad kong nakita ang kakaiba niyang ngiti.

Nahihiwagaan ako sa mga tingin niya gayong kahapon lamang ay hindi siya ganito.

"Nabasa mo na ba ang aking liham?" tanong niya habang nakangiti sa'kin. Napaiwas ako ng tingin at napailing.

Napatango-tango siya. "K-kailan mo ba balak na basahin iyon?" tanong niya. Napatingin ulit ako sa kaniya at napakunot ng noo.

"Ano ho bang nakalagay sa liham at nais niyong basahin ko na ito?" tanong ko. Napaiwas siya ng tingin at napalunok napansin kong tila namula rin ang kaniyang taynga.

"Mas magandang basahin mo na lamang iyon Binibini kaysa sabihin ko sa iyo," wika niya at napatingin  na sa'kin at ngumiti ulit. Nakatingin lang ako sa kaniya habang tinititigan ang kaniyang mga mata. Hindi ko mawari kung bakit iba ang pakikibagay niya tuwing kaharap niya ako at kaharap niya si Binibining Miranda.

Napaiwas ako ng tingin. "Paumanhin ho Ginoo wala lang ho talaga akong sapat na oras para basahin iyon," wika ko.

"Walang problema sa'kin iyon Binibini, hindi rin naman kita minamadali," wika niya para tumingin ako sa kaniya at binigyan niya ulit ako ng isang ngiti.

Akmang sasagot na ako nang mapatigil kami dahil sa sigaw ni Don Roman.

"Samuel ano ba 'yan? Mas mahalaga pa ba iyan kaysa sa lakad natin?" kalmado ngunit bakas ang nayayamot na tinig ni Don Roman.

Napahinga si Ginoong Samuel bago napatango sa kaniyang ama. "Susunod na ho ako," wika niya bago muling humarap sa'kin at ngumiti nang tipid bago umalis.

Hindi ko batid kung bakit nanatili lang akong nakatayo roon hanggang sa makaalis ang unang kalesa. Napakagat ako sa'king labi nang makita kong tinitigan ako ni Don Roman at napatingin sa hawak kong sampaguita.

Napahawak siya sa kaniyang baba bago siya sumakay sa kanilang kalesa. Sa mga panahon na iyon ay pakiramdam ko may kung anong kaba akong naramdaman, kaba na tila ba aking ikapapahamak.








"ELIANA mabuti nandito ka na," mataray na saad sa'kin ni Rosa at agad na may inabot sa'kin na liham.

Napakunot ang noo ko. Napangisi siya. "Hindi iyan para sa iyo, ang sabi ni Binibining Miranda ay ibigay mo ulit ito kay Ginoong Samuel at sabihin mo na ito na tugon niya sa liham na binigay niya kahapon," paliwanag niya habang nakatingin sa'kin.

Napatingin ako sa liham, tugon niya sa liham na binigay ni Ginoong Samuel kahapon. Ibig sabihin ba ay nagpapalitan pa rin sila ng sulat?

"Eliana kunin mo na, nagkataon na wala lamang ngayon si Binibining Miranda at hindi naman maaaring ako ang magbigay sa kaniya dahil di hamak na mas kilala kang soltera ni Señor Samuel kumpara sa'kin," saad niya ulit bago inilapit sa'kin ang liham.

Napangiti ako nang tipid bago tinanggap ang liham. "Kukunin din pala pinatagal pa," bulong niya bago tuluyang umalis habang hawak-hawak ang takuyan.

Napatingin ako sa liham, hindi ko alam na nagpapatuloy ang bigayan nila ng liham sa isa't isa. Ngunit hindi ko malaman kung bakit ganon pa rin ang pakikitungo sa'kin  ni Ginoong Samuel gayong nagiging mabuti na ang ugnayan nila sa isa't isa.







ALAS-TRES ng hapon nang mapagpasiyahan kong magtungo sa mga Delos Santos. Nagtungo na ako roon kanina ngunit ang sabi ng kanilang soltera ay wala si Ginoong Samuel kahit si Binibining Solana sa kanilang mansion.

Buong maghapon ay iniisip ko kung gaano kalabo ang binibigay na paramdam sa'min ni Ginoong Samuel. Ibig sabihin ba non talagang kaibigan lang ang tingin niya sa'kin at si Binibining Miranda ang napupusuan niya?

Ngunit anong ibig sabihin ng mga liham niya? at ang kaniyang mga ngiti? ang mga tingin niya sa'kin? Wala lang ba iyon? Napailing ako at napahinga nang malalim, mali na iniisip ko na nagugustuhan ako ni Ginoong Samuel.

Ilang sandali pa'y narito na ako sa harap ng mansion ng Delos Santos sarado ang tarangkahan nila ngunit may tao sa labas ng kanilang mansion.

"Binibini," tawag ko sa isang dalagita habang may hawak-hawak siyang takuyan. Agad naman siyang napatingin sa'kin at patakbong nagtungo sa kanilang tarangkahan.

Napangiti ako sa kaniya sapagkat namumukaan ko siya. Siya ang solterang sumundo noon kay Binibining Solana nang pinapatawag siya ng kaniyang ama.

"Ano ho iyon Binibini?" tanong niya. Napangiti ako, "Nariyan ba si Binibining Solana?" tanong ko. Napangiti siya at napatango, "Narito ho, pumasok ho kayo at tatawagin ko ho siya," saad niya.

Napailing ako, "Huwag na hihintayin ko na lamang siya rito," wika ko napatango siya bago bumalik sa loob ng mansion.

Ilang sandali lang din ay nakita kong lumabas na si Binibining Solana at agad siyang napangiti nang makita ako.

"Binibining Eliana napadalaw ka," saad niya at binuksan ang kanilang tarangkahan at pinapasok ako. "Binibining Solana mayroon lamang sulat na ipinaparating si Binibining Miranda kay Ginoong Samuel," saad ko at ngumiti nang tipid.

Napakunot ang noo niya. "Sulat ni Binibining Miranda kay kuya?" taka niyang tanong. Napatango ako "Oho Binibini"

Napatango-tango siya bago hinawakan ang aking kamay at naglakad kami patungo sa kanilang asotea. "Binibining Solana hindi rin naman ho ako magtatagal," saad ko sa kaniya ngunit hindi siya natinag at mahigpit niya pa ring hinawakan ang aking kamay at pinaupo ako sa kanilang asotea.

"Dumito ka muna Binibini nang panandalian dahil wala rin akong kasama rito ako lang mag-isa ang narito," wika niya at may binulong sa kaniyang soltera.

Napangiti ako nang tipid bago binigay sa kaniya ang liham ni Binibining Miranda. Napatingin siya sa'kin at napakibit-balikat. "Napapansin ko na palaging ikaw ang nagbibigay ng liham kay Ginoong Samuel para kay Binibining Miranda gayong hindi rin naman iyan binabasa ni Kuya," wika niya dahilan para manlaki ang aking mga mata.

Napabuntong hininga siya. "Huwag ka nang magulat Binibining Eliana dahil totoo naman ang sinasabi ko. Naiipon lamang ang sulat na iyan sa aparador ni Kuya Samuel," wika niya.

"Ngunit ang nabanggit sa'kin ay tugon daw ito sa liham na ibinigay ni Ginoong Samuel kahapon," wika ko. Napasingkit ang mata niya bago pinagmasdan ang liham bago napatingin sa'kin at napakibit-balikat.

"Marahil ang iba nga ay tinutugon ni Kuya," wika niya at napatingin sa'kin. Ilang sandali pa'y dumating na rin ang tinatawag niyang Anna at tinulungan siyang ibinaba ang mga inumin at tinapay.

"Ngunit batid kong malabong mangyari iyon," patuloy niya at inilapit ang tinapay at inumin sa aking harapan.

"Dahil ikaw naman ang napupusuan ni—"

Napahinto siya at agad na napainom sa katas ng buko at umiwas ng tingin sa'kin bago ulit ngumiti nang malapad. "Kalimutan mo na ang aking sinambit kani-kanina lamang," wika niya at uminom ulit ng buko.

Napatango at napangiti na lamang ako sa kaniya kahit may bakas ng pagtatanong ang aking mga mata. Ilang sandali pa'y kapwa kami napatingin sa kanilang tarangkahan nang pumasok ang isang kalesa.

Agad akong sinakop ng kaba nang makitang lumabas doon si Don Roman na tila masama ang kaniyang timpla. Naalala ko ang mga kaganapan kanina sa labas ng kumbento.

"Binibining Solana—"

"Huwag kang mag-alala Binibini Eliana ako ang bahala sa iyo," wika niya at ngumiti nang tipid sa'kin. Ilang sandali pa'y narinig ko na ang mga mabibigat na yapak niya paakyat sa kanilang asotea at agad siyang sinalubong ni Binibining Solana.

"Ama!" wika niya at humagkan sa kaniya nakita kong napangiti nang tipid si Don Roman bago napako ang tingin niya sa'kin. Agad akong napatayo at yumuko sa kaniya. "M-magandang hapon po," wika ko habang nakayuko.

"Ah ama, siya nga ho pala si Binibining Eliana ang matalik akong kaibigan," wika ni Binibining Solana at ngumiti sa kaniyang ama. Nakita kong napalingon si Don Roman kay Binibining Solana bago ibinalik ang tingin sa'kin.

"Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigang tagapagsilbi Sola—"

"Ama! Huwag naman ho kayong ganiyan," pigil sa kaniya ni Binibining Solana. Napahinga na lamang ako nang malalim at ngumiti nang tipid kay Solana. Nakita kong napatingin sa'kin si Don Roman bago bumalik ang tingin niya kay Binibining Solana akmang aalis na siya nang mapansin niya ang liham na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Para kanina ito," saad ng Don at sabay kuha ng liham. Balak din sanang kuhanin iyon ni Binibining Solana ngunit napapikit siya nang mariin nang makuha na iyon ni Don Roman.

"Huwag ho kayong mag-alala ama, sulat lang ho iyan sa'kin ni Binibining Eliana," saad niya at ngumiti nang tipid sa kaniyang ama. Tila ba sanay na sanay na siya sa ganitong gawain dahil hindi ko man lang siya nakikitaan ng kahit anong kaba habang ako ay halos malunod na sa sobrang kaba.

Mas lalo akong kinabahan nang napangisi si Don Roman bago napatingin kay Solana at sa'kin. Kapwa kami nagulat ni Binibining Solana nang bigla niya itong pinunit.

"Ama bakit niyo ho ginawa iyan?" saad ni Binibining Solana at inagaw sa kaniya ang papel na punit na. Napatingin ako kay Don Roman at halos mapalunok ako dahil sa kakaiba niyang titig sa'kin.

"Solana pumanhik ka na sa iyong silid," wika niya habang nakatingin sa'kin. Agad na napailing si Binibining Solana. "Ama ayoko ho, mananatili lamang ako rito—"

"Isa Solana!" mariing saad ni Don Roman habang napatingin sa kaniya.

Nakita kong nangilid ang luha ni Solana habang nakatingin siya sa kaniyang ama, hanggang sa paghingi ng paumanhin ang matang itinitig niya sa'kin bago siya patakbong umalis.

Napahinga ako nang malalim nang mapatingin sa'kin si Don Roman. "Sabihin mo ang kailangan mo. Salapi? o Kayaman? ibibigay ko iyan sa iyo layuan mo lang si Solana at si Samuel. At maaaring itigil mo na rin ang pakikipag-ugnayan mo sa kanila dahil nasisira ang aming reputasyon dahil sa iyo. At kung ipagpapatuloy mo pa ito, hindi mo alam  ang mga maaari kong magawa," mariing saad niya bago siya umalis at iniwan akong mag-isa sa kanilang asotea.

Unti-unti ko na lang naramdaman ang nangingilid kong luha bago ako patakbong umalis sa kanilang mansion. Kahit ilang  ulit kong pinupunasan ang aking luha ay kusa pa rin itong bumabagsak.

Napakasakit sa dibdib na marinig iyon, lalo na ang mga katagang tila salapi lamang ang habol ko sa kanila. Bakit ba hindi nila makita ang mabuti kong pakikitungo sa kanila, bakit ba patuloy na masama ang tingin nila sa tuwing magkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng mayayaman at mahihirap?


Hanggang sa mapatigil ako nang huminto ang kalesang nasa tapat ko agad na nagtama ang tingin namin ni Marcelo ngunit iniwas ko ulit ang tingin ko nang maaninag ko si Ginoong Samuel na pababa. Agad kong pinunasan ang aking luha at naglakad ulit palayo.


"Binibining Eliana," sigaw niya ngunit hindi ko siya pinansin.

"Binibining Eliana," patuloy ulit niya ngunit hindi ko muli siya pinansin. Hanggang sa naramdaman ko na naman ang kamay niyang humigit sa'kin.

Napaharap ako sa kaniya at hindi nakaligtas mula sa kaniyang mga mata ang luhang pumatak sa'king mga mata. Agad ko rin iyong pinunasan at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Anong nangyari sabihin mo sa akin," kalmadong saad niya habang nakatingin sa'kin ang maamo niyang mukha.

Umiling ako at ngumiti nang tipid. "Wala ito Ginoong Samuel, mauuna na ho ako," wika ko bago tumalikod. Ngunit napatigil ulit ako bago humarap sa kaniya "Nga pala Ginoong Samuel,  paumanhin kong hindi ko na mababasa ang iyong liham dahil sa palagay ko'y malabo na iyong mangyari. Huwag niyo na rin ho sana akong sundan dahil ayos lang ho talaga ako,"  wika ko at nagsimulang maglakad ulit.

Ngunit nagulat muli ako nang higitin niya ako sa'king kamay at isinakay sa kanilang kalesa. Agad siyang umupo sa tabi ko at tinitigan ako sa'king mga mata.

"Ginoong Samuel—"

"Kailangan nating mag-usap Eliana,"





Nagtataka,
Eliana

Continue Reading

You'll Also Like

722K 29.2K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
610K 34.9K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
11K 1.1K 56
What if you changed the man who was so cold -hearted? | TAGLISH | "A lot has changed in him and he has also learned a lot from her since he met her."...