Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 22: Bumalik siya

453 21 4
By AyhenPey

Chapter 22

Nalipat ang shift ko sa gabi. Kapag wala na yung mga empleyado doon ako maglilinis ng floor na assign sa akin. Mabuti na lang may kasama ako. Kaso nga lang nasa ibang floor siya kaya mag-isa akong naglilinis ng malawak na floor na ito.

Hindi naman ako natatakot. Enjoy nga ako kasi nakaka dalawang linggo na akong ganito at ilang linggo na lang ang hihintayin ko, makakasahod na ako. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang taong iyon lalo na ngayon dito na rin siya nagtatrabaho.

Iniwan na niya ang pagiging photographer at balita ko tinanggap na niya ang trabahong matagal ng inaalok ng kaibigan niyang si Louie.

Nang matapos na ako nagpalit lang ako ng damit at naglakad na ako palabas ng building. Dahil wala akong dalang pera pauwi nagpunta ako sa madilim na lugar para magpalit anyo. Bago ko gawin yun may tumawag sa pangalan ko.

"Fyglia!" hinihingal siyang tumakbo palapit sa akin. Kinabahan ako. Muntikan na akong mahuli doon. "-anong ginagawa mo dito? Di ba uuwi ka na?"

Napakamot ako ng ulo. Ano ba ang magandang dahilan...

"Ah kasi—"

"Sabay ka na sa akin..." nakakahiya lalo. Dalawang linggo na din kaming di nagkikita simula nung party sa bahay nila. Hindi ko na rin siya nakausap mula noon.

"Nakakahiya Isaiah, huwag na."

"Mas lalo akong nagtatampo sa'yo Fyglia. Di ka na nga nagpakita sa akin after party tapos ngayon ayaw mo pang tanggapin request ko."

"Sige na nga." ngumiti naman siya kaagad at nilead ako sa sasakyan niya.

"Tell me ano bang ginawa mo kay Caloy nung party? Bigla na lang kayong nawala pagkatapos mong sugurin sya. Hahahhaa. Hindi ko na rin nakikita iyon. Huwag mong sabihin minassacre mo siya? Hahahaha."

"Grabe ka. Hindi ha."

"Pero alam mo halata yang si Caloy na may gusto sayo." bigla akong napatingin sa labas. Habang siya patuloy pa rin sa pagmamaneho. "-but I won't be affected. May the best man wins."

Ngayon naman napatingin na ako sa kanya. Hindi ako manhid. Pero ayaw ko na dumating sa puntong ganito. Tumingin siya sa akin at nginitian ako.

"Kain muna tayo."

"Gusto ko ng umuwi." matigas kong sinabi.

"I insist. Alam kong di ka pa kumakain."

"Ihinto mo na lang. Baba na ako."

"Fyglia" nagpanic ang boses niya. Napabuntong hininga ako. Ang rude ko talaga. Kapag may hindi ako nagustuhan na ginawa sa akin ng isang tao. Lumalabas ang tunay kong ugali.

"Okay, iuuwi na kita. Kung iyan ang gusto mo."

"Thank you." tahimik ang biyahe hanggang sa nakarating ako sa condo. Bago ako lumabas tinignan ko siya. Naguilty ako sa nasabi ko. Malungkot kasi ang mukha niya.

"Thank you ulit Isaiah."

"I'm sorry Fyglia kung may nasabi man akong hindi mo nagustuhan." nginitian ko na lang siya bago ako lumabas.

Pagkapasok ko sa unit namin napaupo na lang ako sa sahig. Hindi rin siya pwedeng magkagusto sa akin. Hindi man niya sinabi sa akin ng direkta. Alam ko at halata ko naman sa kanya.

"Anong nangyari sayo?" napatayo ako bigla. Nandito na pala siya.

"Wala. Pagod lang." tumango tango muna siya at tapos bigla niyang akong hinawakan sa balikat.

"Fyglia nakabalik ako sa Faylinn kanina!"

What? Wh-what?!!

"Ha? Ano ulit?" sinubukan kong kumalma.

"Nakabalik ako sa Faylinn! Basta may nagpapapicture sa akin noon after nung ramp namin tapos bigla ko na lang nakita ang sarili kong nasa Faylinn na. Mga 5 minutes akong nakatayo doon. Nakatingin sa kaharian, sa elf at gnomes na nagtutulak ng kahon kahon na ginto."

"Paano nangyari iyon?"

"Hindi ko rin alam. Tapos nung nag umpisa na akong maglakad napabalik ulit ako rito."

"Saan ka napunta?"

"Sa gubat kung saan ako unang lumabas. Hindi ko talaga alam paano nangyari iyon nagising na lang diwa ko nung nag ring ang phone ko at nung sinagot ko minumura ako nung manager ko kasi bigla akong nawala."

"Hindi ka lasing noon ha?"

"Hindi! Ramp namin iyon. Hindi ako pwedeng uminom ng kahit anong liquor kapag may ramp. Baka mabalian ako sa paglalakad dahil gegewang gewang ako at kamusta ang heels na suot ko! Maniwala ka sa akin Fyglia! Hindi ako nagsisinungaling! Gising na gising ako noon!"

"Pero paano kaya nangyari iyon?" nagkibit balikat lang siya. Sa akin never pang nangyari iyon. Dahil doon nakatulog ako ng iyon lang ang laman ng isip.

Kinabukasan,

Ginawa ko ang gawain ko tuwing umaga. Ipaghanda si Krissy ng pagkain, gisingin siya, maglinis at icheck ang mga social media niya. Habang tumatagal natututo na din akong gumamit ng computer.

Bakit kaya di ako magresearch dito?

Hindi naman kami nakapag-usap ni Krissy ng matagal. Nagmamadali kasi siya kaya pagkaalis niya ginawa ko ang pagreresearch.

May mga nabasa akong blogs na encounter nila sa mga Diwata. Yung nabasa ko,

'He just appeared in front of our house. When I asked him kung sino siya he told me his name was Alfred and I need to go with him. Dahil pogi siya at naghahanap din ako ng lalaking handang tumanggap sa pagkatao ko. Sumama ako sa kanya. Sabi niya pupunta daw kami sa Faylinn. Okay na lang nasabi ko. Nung nakarating kami doon my jaw dropped. What is this place?!

Nung tumingin ako sa kanya nginitian niya ako. More likely a smirk. Kinabahan ako! Hinawakan niya ako sa balikat ang told me

"I'm a Fairy and I'll give you my sweet nectar" tapos pinasok niya ako doon. At sinimulan akong sunggaban'

Anong blog ito? Anong mission iyon? Bakit ganito? Impossible! Mas lalong nanlaki ang mata ko sa mga sunod kong nabasa.

'He got me naked and so he does and make me feel the wonderland. Faylinn Hotel was really a great place. Mga 'teh punta na rin kayo! xx'

Pinatay ko ang laptop ni Krissy. Akala ko naman totoo yung nakalagay. Confession lang pala or more likely, hayss nakakainis!

Nabored akong hintayin ang shift ko kaya naisipan kong pumunta na lang doon ng maaga kahit 2 hours pa mula ngayon ang shift ko. Naupo na lang ako dito sa lounge. Ito yung lugar kung saan nagrerelax ang mga nagtatrabaho dito. Yung iba nakaupo, naglalaptop at umiinom ng kape habang ako nakatunganga.

Napatingin ako sa bandang kanan ko dahil ang ingay ng halakhak ng mga tao doon.

Nung nakita ko kung sino iyon bigla akong napatayo. Doon na lang ako sa locker room. Pero bago pa ako makalakad.

"Aalis ka na?" umupo sa harap ko si Louie at binigyan ako ng kape.

"Oo."

"Di ba 6 pa ang shift mo? Ang aga pa ah. Inom ka muna." napaupo kaagad ako. Nakakahiya kung aalis agad ako. Ininom ko ng dahan dahan ang kapeng binigay niya.

"Salamat pala." napatingin na naman ako barkada nila na nasa kanan dahil ang iingay at nagmumurahan pa sila Miguel at Patrick. Pinagtitinginan na din sila ng ibang taong nandidito.

"Wala eh. Maiingay talaga kami. Dalhin mo kahit saan hindi kayang patahimikin ang tropa namin." nangiti na lang ako tapos binaling ko ang tingin ko sa kanya.

"Salamat talaga Louie sa lahat lahat."

"May bayad yan. Haha."

"Ano?"

"Basta tska ko na lang sisingilin. Saan na ba kayo napunta ni Caloy nung party? Bigla na lang kayong nawala?" napakamot na lang ako ng ulo. Bakit laging iyan ang tinatanong sa akin?

"She passed out. Kaya inuwi ko na siya sa kanila." umupo siya sa tabi ko kaya yung kapeng iniinom ko hindi ko na masipsip. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Kinakabahan ako. Tinignan ko si Louie at nakangisi lang siya.

"I see..." nagdatingan naman ang barkada nila sa lugar namin. Si Isaiah, Miguel at Patrick. Si Patrick kumuha pa ng upuan sa kabila dahil limahan lang ang upuan dito. Si Miguel umupo sa tabi ni Louie kaya kaharap ko siya, si Isaiah nasa tabi ko. 

"Basketball tayo!" yaya ni Patrick

"Sige! Saan?"

"Kila Louie!" sagot ni Miguel

"Wait. Tignan ko sched ko." naglabas siya ng phone habang yung barkada niya ay abalang hinihintay ang sagot niya. Ininom ko na ulit yung kape ko. Nawala na din ang init.

"May dinner date kami ni Fyglia eh"

Ha? Ano daw? Ako? Ngumiti siya sa akin. Tapos naramdaman ko ang tingin ng barkada niya sa akin.

"Wala tayong ganyang usapan." depensa ko. Grabe kasi silang tumingin!

"Joke lang. Joke lang guys. Yang mga tingin niyo. Parang papatayin ako lalo na yung dalawa dyan. Come on, tara na sa amin. " at iyon nag tayuan na sila.

"Alis na kami Fyglia. Bye." sabi ni Patrick. Kaya kumaway na lang ako sa kanya. Tinulak pa siya ni Miguel kaya pinagsasapak niya ito.

Phew...

Isang oras pa... Kanina pa ako dito nakatungo. Yung kape ko naubos ko na din. Hindi ko kasi kapangyarihan ang pagpapabilis ng oras eh. Hayss... Wala akong magawa. Kinuha ko sa bag ko yung maliit na bote. At sinipsip ang likidong nasa loob noon.

Nung wala kasi akong magawa nagpiga ako ng maraming bulaklak para hindi na ako maghahanap pa kung saan saan kapag kailangan.

Hindi ko naman kailangan ngayon ito. Pero gusto ko kasi lagi akong malakas. Bigla na lang akong napaayos ng upo dahil may humigit sa bibig ko nung sinisipsip ko.

"Ano ito?" teka bakit bumalik siya?

"Akala ko umalis na kayo" giit ko

"Ayoko silang kasama eh. Ano ito?" akmang didilaan niya pero pagkataas ko ng kamay ko lumipad ang bote mabilis sa akin.

"Fyglia!!!" sigaw niya sa akin. Napatingin ako sa paligid. Iilan na lang ang tao dito. Hindi naman nila siguro nakita iyon. Nainis ako nung hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kanya.

"Di ba sabi ko sa'yo wag ka ng iinom niyan?"

"Nag request ka lang. Wag kang feeling." umalis na ako at nagmadaling pumasok sa elevator. Panay ang pindot ko sa pindutan na sumarado na ng mabilis pero nakapasok pa rin siya. Hayss.

Tapos kami lang ang sakay.

Nang makarating na ako sa floor ko mabilis akong lumakad sa locker room pero napatigil ako dahil nakasunod pa din siya.

"Bakit nandito ka pa?" nagkibit balikat lang siya at umupo sa malapit na bench. Pumasok na lang ako sa locker room at nagpalit ng damit. Pagkalabas ko kinuha ko na din yung mop sa gilid. Doon lang kasi namin ito iniiwan.

Pumasok muli ako sa elevator. Napairap na lang ako nung pumasok din siya. Ano bang trip nito? Bahala nga siya sa buhay niya. Gagawin ko ang trabaho ko.

Nang makarating na ako sa floor na lilinisin ko. Grabe ang kalat! May isa pang nagcocomputer doon. Mamaya na lang ako maglilinis kapag aalis na siya.

"Nandito ka na pala! Aalis na ako. Ayokong mag overtime." tapos mabilis siyang nagligpit ng gamit at sumakay sa elevator. Yung kasama ko naman nasa likod ko lang.

Nagsimula na akong magpulot ng mga kalat sa sahig na kadalasan naman mga papel lang. Napatingin na lang ako sa kanya dahil nagpupulot din siya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko

"Tinutulungan kita."

"Trabaho ko ito. Huwag mo akong tulungan." lumapit ako sa kanya at pilit siyang pinapatayo.

"Tinutulungan na nga kita, ayaw mo pa. Bahala ka sa buhay mo hindi mo ko mapipigil." bigla niyang kinuha sa kamay ko yung mop at nilampaso niya ang sahig.

"Caloy! Lagot ako kapag nakita kang naglilinis! Ibalik mo sa akin yan!" pero lumayo lang siya sa akin. Tsk. Nag-ayos na lang ako ng mga lamesa. Pero nung natapos ko ng gawin iyon di pa rin siya tapos.

"Ang hirap pala nitong trabaho mo."

"Ibalik mo na kasi sa akin yan."

"Kaya mo naman kunin sa akin ito nang walang hirap ah..." napatingin ako sa itaas. Oo nga kaya ko. Kaso may CCTV. Kaya ko din linisin ito ng mabilisan pero may CCTV. Hayss.

"Alam mo namang may CCTV. Kaya ibalik mo na, alam mo namang mahirap eh." lumapit na ako sa kanya at pilit inabot yung mop.

"Ako na maglilinis. Umupo ka na lang dyan sa tabi."

"Caloy naman..."

"Sige in one condition... papayag kang ako na lang." kumabog ang dibdib ko at uminit ang pisngi ko. Kaya napaupo ako sa sofa na nasa gilid lang katabi ang bookshelf.

"Told you just sit there." tapos ngumiti siya sa akin bago maglinis ulit.

Wait! Did he just smiled on me? Napatungo ako. This can't be. Bakit ako naapektuhan dahil doon? Come on! Umalis ka sa isipan ko. Umalis ka! Bakit ka kasi ngumiti? Bakit?! Kaya pinukpok ko ang ulo ko. Nakakainis! Hindi kaya ng kapangyarihan kong iblack out muna ang utak ko. Nakakainis talaga!

"Fyglia! Sinasaktan mo sarili mo!" hinawakan niya ng magkabila ang braso ko.

"Nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya

"I know but don't hurt yourself!" sigaw niya pabalik. Dahil doon napahigpit ang kapit niya sa braso ko. Ah, nagiging moody ka na naman.

"Ano ba gusto mo Caloy?! Bakit mo ako tinutulungan? Di ba kamuntikan na nga kitang patayin? Bakit tinutulungan mo pa ako?! Can you just leave me alone?! Hindi ko kailangan ng tulong mo! I don't need you!" pagkatapos na pagkatapos noon binitawan niya ang braso ko. Napatingin ako sa mukha niya and he looks hurt.

"Okay" at tinalikuran ako.

Pagkaalis niya, natulala ako. Anong nagawa ko? Ah, naging rude na naman ako! No wonder hindi rin ako pinansin ni Isaiah kanina. Now, si Caloy. But ayos na rin ito. Pero naguiguilty ako! Yung facial expression niya kasi kanina! Did he really gets hurt?

Hayss, tinapos ko ang trabaho ng may mabigat na dinidibdib. Panay ang sabi ko sa sarili ko na 'Siya ang unang naging ganyan sa'yo, okay lang 'yan'

Pero lokohin ko man ang lahat hindi okay sa akin ang nasabi ko.

Nagpalit ako ng damit sa locker room at bumaba. Dahil wala ulit akong pera nagpunta ako sa madilim na lugar para magpalit anyo.

"Fyglia!" siya ulit!

"Isaiah..."

"What are you doing? Bakit lagi kang pumupunta sa madilim na lugar kapag umuuwi ka? Before bigla ka na lang nawala in a blink of an eye."this time kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nakita niya?!

"May daan ba diyan? Shortcut?" napabuntong hininga ako. Oooh, akala ko talaga nakita niyang lumiit ako.

"Namamalikmata ka lang."

"I guess so. Baka epekto ito ng kape. Hatid na kita?" all this time? Ihahatid pa rin niya ako? Bakit?

"Di ba kagabi..." pero di niya ako tinapos

"It doesn't matter to me. Halika na hatid na kita kailangan ko rin puntahan si Caloy. He looks very sad." pumayag akong sumakay sa sasakyan niya.

"Bakit?" patay malisya kong tanong

"I don't know. Sabi niya lang sa amin kanina, uuwi muna siya sa kanila at pagluluto ng hapunan ang kapatid niya tapos pagkabalik niya parang pinagsakluban ng langit at lupa."

Mas lalo akong naguilty sa nasabi ko. Pero ano daw? Uuwi sa kanila? Nagsinungaling pa siya?!

"Fyglia sa atin atin lang ito. Ngayon din kasing araw na ito, ito yung araw na feeling ni Caloy Death Anniversary ng magulang niya."

"Death Anniversary?"

"Yup. Ito kasi yung day kung kailan umalis ang mama niya tapos yung papa niya umalis din sa kanila. Then his both parents never come back up until now. I think his father ay nasa Bulacan with his new family. And please don't tell this to Caloy at Lyn. Sensitive sila sa topic na ito."

Lumalim ang hininga ko. Ang mission ko...

"Okay ka lang?" tanong niya

"Yup" pero ang totoo sasabog na ata ang dibdib ko.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
188K 5.6K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...