Liham ng Pamamaalam (Pahayaga...

Par miss_reminisce

1.1K 197 59

"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasa... Plus

Disclaimer
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Rebelasyon
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 15

18 5 0
Par miss_reminisce

Kabanata 15




Malapit na magdapit-hapon nang makauwi ako sa Mansyon ng Villaflores. Nagawa pa akong ipahatid ni Binibining Solana kay Marcelo. Matapos ang kaganapan sa tabing-ilog ay hindi ko na nagagawa pang tapunan ng tingin si Ginoong Samuel, nararamdaman ko ang mga palihim niyang titig ngunit isinasawalang bahala ko na lamang iyon.

"Eliana, sumunod ka sa akin" aya sa akin ni Manang Lita at iniwan niya panandalian ang niluluto niyang almusal. Nagtungo siya sa likod ng mansion habang sumusunod ako.

Napatigil ako at napatulala kay Manag Lita nang may inabot siyang liham. Napakunot ang noo ko habang nakatingin doon, kulay krema ang papel at may tuyong talutot pa ng rosas ang naroon.

"Ito'y hinatid kani-kanina lamang ni Marcelo" panimula ni Manang Lita. Napasulyap ako sa kaniya at hindi pa rin mawala ang pagkunot ng aking noo.

"Ayon sa kaniya ito'y liham ni Ginoong Samuel para sa iyo, kung tutuusin ay ikalawang liham na ito para sa iyo," unti-unting nawala ang pagkunot ng aking noo at napalitan iyon ng pagtataka.

Iniiwasan niya lamang ako kanina ngunit ngayon ay may liham na ulit siya. Hindi ko rin siya maintindihan.

Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay at tinanggap ang liham. Patuloy lang akong nakatingin dito at hindi batid kung ano ang aking sasabihin.

"At nais din ni Binibining Solana na dumalo ka sa kaniyang kaarawan, bago magdapit-hapon ay sisimulan na ang pagdiriwang" sambit muli ni Manang Lita. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at tipid na ngumiti at tumango kay Manang Lita.

"Maraming Salamat po" sambit ko at binigyan siya nang matamis na ngiti.

Ngumiti siya pabalik at hinawakan ang aking balikat. "Aking nakikita na may kakaiba sa iyong mata, hindi ko batid kung ito ba'y kalungkutan o kasiyahan. Kung kasiyahan man ang laman ng iyan, ito'y marapat sa iyo at kung sakali mang kalungkutan ang bumabalot sa iyo hija, may mga paraan upang mahanap mo ang iyong kasiyahang nagkukubli kung saan-saan man," nanatili lamang akong nakatingin kay Manang Lita.

Hindi ko tuwirang masabi kung may nararamdaman na ba ako kay Ginoong Samuel, ngunit may parte sa aking puso na magaan ang aking pakiramdam kapag kasama ko siya at ang tibok ng puso ko ay hindi normal.

Ngunit nangangamba ako, natatakot akong mahulog sa kaniya dahil masasaktan ko si Binibining Miranda.








TATLONG magkakasunod na katok ang ginawa ko sa pinto ng silid ni Binibining Miranda.  Maya-maya pa ay binuksan na nito ang kaniyang pinto at mapupungay na kaniyang mga mata ang agad kong napansin. Napansin ko rin na namumugto ang kaniyang mga mata.

"Ayos lamang po ba ang kalagayan niyo Binibining Miranda?" nag-aalala kong sambit. Huminga siya nang malalim at niluwagan ang pagbukas ng kaniyang pinto hudyat na ako'y kaniyang inaalok na pumasok.

"Ayos lamang ang aking pakiramdam" tipid niyang sagot at umupo sa kaniyang katre. Kahit wala sa ayos ang kaniyang buhok ay kapansin-pansin pa rin ang kagandahang taglay niya.

Kinuha ko ang palong(comb) sa ibabaw ng kaniyang aparador at dahan-dahang sinuklay ang kaniyang buhok. Nagulat siya sa aking ginawa ngunit hinayaan lamang ako nito. Tahimik lamang siya habang dahan-dahan kong sinusuklay ang kaniyang maalon na buhok.

"Binibini, mamayang bago magdapit-hapon ay gaganapin ang kaarawan ni Binibining Solana" panimula ko. Naramdaman kong lumingon nang bahagyang ang kaniyang ulo.

"Ako'y kaniyang inimbitahan na dumalo sa kaniyang kaarawan at nais kong ikaw ay dumalo kasama ko Binibini," napatigil ako sa kaniyang pagsusuklay nang tumayo siya. Bahagya siyang ngumiti dahilan ng pagkasingkit ng kaniyang mata.

"Ikaw ba'y nakatitiyak Eliana na ako'y iyong nais na dumalo sa kaaarawan ni Binibining Solana?" Napangiti ako at tumango.

"Maraming Salamat Eliana, kung gayo'y maaari rin ba nating isama si Rosa sa kaarawan ni Binibining Solana?" Pakiusap nya. Panandalian akong natahimik at nagnilay ng aking sasabihin.

Alam kong hindi kami ganoong magkalapit ni Rosa at sa tuwing magtatagpo ang landas namin ay nauuwi lamang iyon sa matinding tunggalian.

Ngunit maliit lamang na pabor ang hinihingi sa akin ni Binibining Miranda walang rason para ito'y aking tanggihan.

"M-maaari Binibini" sambit ko dahilan nang paglaki ng kaniyang ngiti. Hindi ko maiwasang hindi makaramdaman ng panibugho dahil kadalasa'y si Rosa na ang hinahanap niya ayokong tanungin siya ukol doon dahil batid ko sa sarili ko na hindi ko hawak ang kaniyang desisyon.






ALAS-SAIS ng hapon nang makarating kami sa mansion ng mga Delos Santos.  Kulay asul na saya at kulay puting baro ang suot ni Binibining Miranda. Pinatungnan niya ang kaniyang baro ng isang balabal na kumikinang, terno ang abaniko niya sa kulay ng kaniyang saya, naka-pamigkis din ang kalahati niyang buhok.



Habang si Rosa ay ternong puting baro't saya, habang nakatali ang kaniyang buhok kapansin-pansin din ang mapula niyang pisngi dahil sa kolorete.


Habang ako'y simpleng kulay itim na saya at barong kulay puti ang aking suot. Hindi ko nagawa pang kabitan ng palamuti ang aking buhok sapagkat  kapos na rin sa oras. Kaya't hinayaan kong iladlad ang aking buhok at hindi na naisipan pang maglagay ng kolorete.


Naunang bumaba si Rosa kaya't inalalayan niya si Binibining Miranda habang hinihintay nila akong bumaba. At agad na ring nagtungo na loob ng mansyon, bilang pa lamang ang mga panauhin ngunit handa na ang bawat pagkain, pinggan at kubyertos na gagamitin. Simple lamang ang kaayusan para sa kaarawan ni Binibining Solana, tanda ko na hindi nito ibig ang sobrang magara.

"Simple ngunit napakaganda ng buong paligid" puri ni Binibining Miranda nang makapasok kami. Napatango naman si Rosa at ngumiti. "Batid ko na hindi ibig ni Señora Solana nang magara" singgit ni Rosa habang pinagmamasdan din ang kapaligiran.

"Mabuti pa'y tayo'y maupo muna" sambit ko at tinanguan naman iyon ni Binibining Miranda. Napapansin ko na naging tipid na lamang sa pagsasalita si Binibining Miranda at malimit na lamang niya akong kausapin. Hindi ko batid ang kaniyang dahilan ngunit ako'y nasasaktan.

"Aking napapansin na tila puro mga kasibulan(youth) ang mga naririto?" tanong ni Binibining Miranda.

"Sa tingin ko'y mga kaibigan ito ni Binibining Solana," tugon ko. Napatingin sa akin si Binibining Miranda at ngumiti. "Kung gayo'y nararapat lamang pala na ating hindi sinama sina ama't Ina" sambit niya na ikinangiti ko at ikinatuwa ni Rosa.

"Ano na lamang ang sasabihin ni Señor Solana kay Eliana kung sakaling nagdala siya ng mga hindi nalalapit sa ating edad," sambit ni Rosa at bahagyang natawa napangiti rin si Binibining Miranda. Habang ako'y tipid lamang na ngumiti.

Sa estilo nang pananalita ni Rosa tila ba sinisimulan na naman niya ako ng mga maanghang niyang mga salita.

"Sa tingin ko'y walang sasabihing hindi maganda sa akin si Binibining Solana sapagkat ako ay kaniyang lubusang pinagkakatiwalaan" kalmado kong saad, nabigla ang mga mata ni Rosa at tahimik na napatingin sa akin si Binibining Miranda.

Sa tingin ko'y naglikha ng pagkagulat sa kanilang pagkatao ang nagawa kong tugon para kay Rosa. Umiwas ng tingin si Rosa at pinagmasdan ang buong paligid, habang nakapako pa rin ang tingin sa akin ni Binibining Miranda.

"Iyo na lamang pagpasensiyahan si Rosa" napatingin ako sa kaniya nang sinambit niya iyon, nagulat man ako dahil sa kaniyang ginawa ngunit sapat na iyon upang mapagaan ang aking loob. Napangiti ako at napatango.

"Binibining Miranda, naroon si Señor Samuel" tinig ni Rosa kaya't napabaling ang aming tingin sa kaniyang itinuturo. Pababa sa hagdan si Ginoong Samuel, simpleng barong tagalog lamang ang suot niya at maaliwalas ang kaniyang mukha. Kakaiba ang postura niya suot-suot ang barong tagalog.

Napaiwas ako ng tingin nang ibinaling ni Ginoong Samuel ang tingin niya sa aming pwesto. Bahagyang napatili si Rosa nang makita niyang naglalakad siya patungo sa aming pwesto.

Pinagmasdan ko si Binibining Miranda, hindi mawala ang ngiti niya sa kaniyang labi at patuloy pa rin ang kaniyang pagtitig kay Ginoong Samuel.

"Magandang gabi mga Binibinini, maaari ko bang makausap si Binibining Miranda?" naramdaman ko ang pagkirot sa aking puso nang marinig ko na tawagin niya ang pangalan ni Bininibining Miranda.

Hindi ko nagawang tignan ang mga sumunod na pangyayari, akin na lamang narinig ang pagsang-ayon ni Rosa at ang tunog ng kanilang mga paa paalis.

Marahil ay iniiwasan pa rin ako ni Ginoong Samuel, dahil kahapon ay hindi naging mabuti ang pag-uusap namin.

"Masayang makita na habang maaga pa lang ay nalalapit na ang kanilang loob sa isa't isa," wika ni Rosa na parang ipinapadaplis niya iyon sa hangin.

"Tiyak naman na magiging masagana ang kanilang pagsasama balang-araw, batid ko'y unti-unti na ring natutuhang mahalin ni Señor Samuel si Binibining Miranda," patuloy niya, walang imik ako habang nakatingin sa kaniya. Alam kong sa pasaring niya na iyon ay may ibig siyang ipahiwatig.

"Ako'y lubusang magiging masaya sa kanila sa oras na ipinagkasundo na silang dalawa," dagdag niya at napatingin sa'kin. Napakibit-balikat siya bago umiwas ng tingin.

"Hindi naman magiging mahirap iyon dahil kapwa maharlika ang kanilang mga pamilya at magkapanalig din sina Don Alonzo at Don Roman," saad niya at tumawa nang marahan.

Umiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya at pinili kong manahimik. Kahit pagbaliktarin ang mundo ay hindi pa rin maitatanggi ang katotohanang, ang mga mahaharlika ay bagay lamang sa mga mahaharlika.





HINDI ko alam kung gaano na ako katagal na nakaupo rito habang sina Binibining Miranda at Rosa ay wala sa'king tabi.

Simula kanina nang puntahan ni Ginoong Samuel si Binibining Miranda ay hindi pa siya bumabalik, kung kaya't pinagpasyahan ni Rosa na sundan siya ngunit maski siya ay hindi na rin siya nakabalik.

Ilang sandali pa'y nag-iba ang musika na pinapatugtog ng orkestra at napalitan iyon nang isang banayad na kanta. Agad na nagkaroon ng sayawan sa gitna at napansin kong sinasayaw ni Ginoong David si Binibining Solana.

Muli kong nilibot ang aking tingin, napahinga ako nang malalim nang makita si Ginoong Samuel na papalapit sa'kin. Agad akong napatayo at napalinga-linga sa paligid hanggang sa nasilayan ko ang pamilyar na likuran ni Marcelo.

Agad akong nagtungo sa kaniya at hindi nga ako nagkakamali na siya iyon. "Ginoong Marcelo sayaw tayo," saad ko dahilan para manlaki ang kaniyang mga mata at napakurap ng dalawang beses.

Napalingon ulit ako kay Ginoong Samuel at nakita kong napahinto siya, napaiwas ako ng tingin at napatingin kay Marcelo nang hinawakan niya ang aking kamay at nagtungo kami sa gitna.


Nakita ko mula sa dulo ng aking mga mata ang tingin sa'kin ni Ginoong Samuel hanggang sa unti-unti siyang nawala. "Masama iyang ginagawa mo Binibining Eliana," rinig kong wika ni Marcelo ngunit hindi ko siya pinansin dahil hinahanap ng aking mga mata si Ginoong Samuel.

Hanggang sa matagpuan ko siya, bigla na lang din parang may kumirot sa dibdib ko nang makita ko siyang kasayaw si Binibining Miranda. Nakalagay ang kamay ni Ginoong Samuel sa baywang ni Binibining Miranda habang nakatingin sila sa isa't isa.

"Isang kapangahasan ang ginawa mo sa'kin kanina," napatingin ako kay Marcelo nang magsalita siya at tumawa nang marahan.

Napaismid ako sa kaniya at humiwalay sa kaniya at naglakad pabalik sa upuan. Naramdaman kong sumunod siya sa'kin at naupo malapit sa tabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit nag-iinit ang dalawang sulok ng  mata ko.

"Matapos mo akong ayain na sumayaw ay lilisanin mo ako roon Binibini," wika ni Marcelo at napangiti nang malapad sa'kin.

"Dapat panagutan mo ako, gumawa ka na nga ng kapangahasan sa'kin tapos hindi mo pa ako pinanagutan sa pagsasayaw natin," patuloy niya.

Hindi na malinaw sa'kin kung ano ang sinasabi ni Marcelo sapagkat nakatingin na lamang ako Ginoong Samuel at Binibining Miranda sa gitna. Hindi ko batid kung bakit ko ito nararamdaman gayong ako naman ang unang umiwas sa kaniya.

Napahinto sa pagtawa si Marcelo dahil nakita niyang iba ang ekspresyon ko. Napatingin siya sa tinitignan ko at dahang-dahang napatango.

"Marahil ang Binibining kasayaw ni Ginoong Samuel ay si Binibining Miranda hindi ba? Tama ba ako?" napatingin ako kay Marcelo nang tanungin niya iyon.

Ngayon ko lamang napagtanto na kanina pa ako nakatingin kay Ginoong Samuel at Binibining Miranda. "Tama ka," tipid kong saad at nag-iba ng direksyon.

"Ayos ka lamang ba Binibining Eliana?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya at mapatango. "Oo naman, nakararamdam nga lang ako nang kaunting antok." tugon ko.

Napatango-tango siya at napangiti sa'kin ng tipid. "Nais mo ba ng kape upang hindi ka antukin?" tanong niya habang nakangiti. Napangiti ako nang tipid bago napatango.

"Hintayin mo na lamang ako rito," wika niya bago tumayo at naglakad paalis. Nang ibinaling ko ulit ang tingin ko sa gitna ay wala na roon sina Binibining Miranda at Ginoong Samuel.

Nakita kong nakaupo na sila ngayon ni Binibining Miranda sa upuan habang may sinasabi si Binibining Midanda. Nang ibinaling ko ang tingin ko kay Ginoong Samuel ay agad na nagtama ang tingin namin na para bang kanina pa niya ako pinagmamasdan.

Napaiwas ulit ako ng tingin at tumayo sa'king inuupuan. Mabilis akong naglakad paalis, mas makabubuti siguro kung sa ibang lugar na lang ako maghihintay nang makalaya rin ako sa mga titig ni Ginoong Samuel.

Hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko ng tinig ni Ginoong Samuel. "Binibining Eliana," wika niya ngunit patuloy lamang ako sa paglalakad paalis.

"Binibining Eliana sandali," wika muli niya at naramdaman kong tumakbo siya palapit sa'kin. Naramdaman kong hinigit niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kaniya.

Agad na nagtama ang mata namin sa isa't isa hindi ko rin alam kung bakit nangingilid ang mga luha ko gayong wala namang sapat na dahilan para ako'y maiyak nang ganito.

"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong niya habang patuloy na nakatingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin at tinanggal ko rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Hindi ba't iniiwasan niyo rin naman ho ako," wika ko at muling tumalikod sa kaniya. "Ibig sabihin ba non ay ginagantihan mo ako? Binibining Eliana?" saad niya at naramdaman kong malapit na siya sa likod ko.

Napailing ako at napatingin ulit sa kaniya. "Ang batid ko'y nagkasundo na tayong dalawa na hindi na m-maglalapit ang landas nating dalawa," mahinahong saad ko.

Napahinga siya nang malalim. "Hindi ba malinaw sa iyo ang sinabi ko na hindi ko nais? at hindi ko tatanggapin ang hinihiling mo?" wika niya at umiwas ng tingin sa'kin.

"Kahapon hindi mo alam kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko na hindi ka kausapin. Hindi ko batid, marahil ay halo-halo na ang nararamdaman ko," wika niya at tumingin ulit sa'kin.

Pinili kong hindi tumugon sa kaniya bagkus nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya. Maaari kaya na magkagusto rin sa'kin si Ginoong Samuel katulad ng nararamdaman ko sa kaniya?

"Ngayon Binibining Eliana tatanungin muli kita, nais mo bang tuluyan na nating wakasan ang nais kong makipagkaibigan sa iyo?" seryosong tanong niya dahilan para matulala ako sa kaniya nang lalo at hindi makasagot.

Napaiwas ako ng tingin at napayuko ng aking ulo. Hindi ko alam ang maaaring isagot sa tanong niya.

Ilang sandali pa'y napatingin ako sa kalangitan nang may biglang pumatak na hibla ng ulan. Hanggang sa sunod-sunod na itong nagsihulog.

Napatingin ako sa kaniya. "Ginoong Samuel bumalik na ho kayo sa loob!" wika ko at tumakbo patungo sa malaking puno upang doon sumilong. Napakunot ang noo ko nang hindi siya umaalis sa pwesto niya.

"Ginoong Samuel ano ho bang ginagawa niyo?" wika ko, ngunit nakatingin lang siya sa'kin at hindi siya natitinag. Kaya't lumapit ako sa kaniya at hindi inalintana na maaari na rin akong mabasa.

"Ginoong Samuel—"

"Sagutin mo ang aking katanungan kanina lamang," kalmadong saad niya habang nakatingin sa'kin. Napakunot ang noo ko, "Ginoong Samuel, nahihibang na ho ba kayo—"

"Binibining Eliana, Oo o hindi lamang," putol niya ulit sa'kin. Lalo ng lumalakas ang ulan at naririnig ko na rin ang ilang sigawan sa loob upang sumilong.

Napapikit ako bago tumugon. "H-hindi.."

Pagkasabi ko non ay nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay at sumilong sa malaking puno na pinagsilungan ko kanina. Hindi ako makatingin sa kaniya hanggang sa kumalas ako sa pagkakahawak niya sa'kin.

Ngayon lang nagproseso sa isipan ko ang tinugon ko kanina. Totoong nais ko siyang maging kaibigan ngunit nahihirapan lamang ako dahil may nararamdaman na ako sa kaniya.

Napatingin ako sa kaniya nang maramdaman kong nakatingin siya. Agad na nagtama ang mga mata namin at mas lalong kumabog ang dibdib ko nang ngumiti siya nang matamis sa'kin.

Napaiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang hibla ng ulan na pumapatak. "Malinaw para sa'kin ang iyong tinugon Binibini, kung kaya't inaasahan ko na hindi na magbabago ang isipan mo," wika niya.

Hindi ako tumugon sa kaniya at nanatili lang akong nakatingin sa harapan. Habang mas tumatagal ay hindi na nagiging normal ang tibok ng puso ko.

"Kahit naman ho magbago ang isipan ko ay hindi niyo rin naman ho iyon tatanggapin," wika ko at itinaas ang aking palad upang saluhin ang bawat hibla ng ulan.

"Sa katunayan ay hindi ko po balak na magkaroon ng ugnayan sa inyo dahil iba po ang sitwasyon para sa atin, mas mabigat ho ito kumpara sa pagkakaibigan namin ni Binibining Solana. Ngunit kahit anong gawin kong pagtanggi ay wala lamang sa inyo iyon," paliwanag ko at ibinababa na ang aking palad.

"At isa pa ho, kaya mas binabanggit ko sa inyo si Binibining Miranda dahil pakiramdam ko mas nararapat kayo sa isa't isa at hindi naman ho siya madaling maging kaibigan—"

"Bakit iyong palaging inaalala ang kapankanan ng iba kumpara sa iyong sarili? Bakit palagi mong dinidiktahan ang aking nararamdaman," putol niya sa'kin habang nakatingin sa'kin.

Napahinga ako nang malalim bago tumugon. "Dahil nararamdaman ko hong magiging mabuti ang ugnayan niyong dalawa," wika ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

"At isa pa ho hindi naman po sigurong malabong mapalapit kayo sa kaniya," wika ko at habang sinasabi ko iyon ay may kung anong tumutusok sa dibdib ko.

Marahil ay naguguluhan na rin ngayon si Ginoong Samuel dahil sa mga pinagsasabi ko sa kaniya. Paumanhin ngunit isa ito sa mga nakikita kong paraan upang unti-unti kong makaligtaan ang nararamdaman ko sa kaniya sa lalo't madaling panahon.

"Hindi ko batid kung mangyayari iyan dahil ang totoo,"  wika niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa'kin.

"Mayroon na akong napupusuan... Eliana,"






Nabibigla,
Eliana





Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

2.2K 233 31
Stars in my Dark Nights is Historical fiction set in the Spanish colonial Philippines. The story is all about the love triangle between Isabella, her...
610K 34.9K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
199K 11.9K 44
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
721K 29.1K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...