Liham ng Pamamaalam (Pahayaga...

By miss_reminisce

1.1K 197 59

"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasa... More

Disclaimer
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Rebelasyon
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 14

28 5 1
By miss_reminisce

Kabanata 14


Nag-aagaw dilim na nang mapagpasyahan kong dumulog sa opisina ni Don Alonzo. Nais kong lumiban ng kahit isang araw sapagkat nais kong makasama si Binibining Solana, tulad na rin nang nagawa kong pagsang-ayon sa kaniya.

May kaunting siwang ng liwanag sa silid-opisina ni Don Alonzo, batid ko'y naroon pa rin ito. Minsan ko lamang makita si Don Alonzo sa labas ng kanilang mansyon mas malaki pa ang porsyento ng pananatili nito sa kaniyang opisina.

Siya'y walang posisyon sa pamahalaan ngunit mayroon siyang mga lupain at mga negosyong pinagkakakitaan. 

Dalawang magkasunod na katok ang aking ginawa bago ko pinihit ang pinto. Hindi ko na kailangan pang abalahin si Don Alonzo na pagbuksan ako ng pinto kaya't ako na rin ang gumawa ng iyon para sa'kin.

May kadilim na ang silid ni Don Alonzo at tanging ang ilaw na lamang sa lampara sa kaniyang lamesa ang nagbibigay liwanag sa katahimikan ng dilim. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto, nakatalikod ang Don habang may hinahanap ito sa kaniyang kabinet.

"Ahh, Magandang Gabi ho Don Alonzo" kinakabahan kong sambit at napapakuyom ang aking kamay dala ng aking kaba. "Ano ang iyong kailangan?" kalmado ngunit maotoridad na tanong ni Don Alonzo.

Kumabog nang malakas ang aking dibdib at iniiwasan ang sarili na huwag pangunahan ng kaba.

"Ah, D-don Alonzo, Nais ko ho sanang l-lumiban bukas ng umaga. Mayroon lamang ho aking mahalagang pupuntahan," saad ko at napakagat sa aking labi. Kahit pa man pilit kong iwinawaksi sa aking isipan na huwag mautal ngunit hindi ko kaya.

Napatigil siya sa paghahalungkat at sandaling inilapag ang mga papel sa lamesa.
"K-kung hindi po pabor sa inyong kalooban na ako'y lumiban ayos lamang ho," patuloy ko dahil sa pananahimik niya.

Napatigil na siya sa kaniyang ginagawa at napatingin siya sa'kin bago naupo sa kaniyang silya at napatingin ulit sa'kin.

"Iyo lamang sisiguraduhin na nakauwi ka na rito bago magtakipsilim," saad niya dahilan para mapangiti ako nang malapad at napayuko. "Maraming Salamat po!" saad ko at muling yumuko. Napatango lamang siya sa'kin at napangiti nang tipid.

Hindi nawawala ang ngiti ko hanggang sa makalabas ako sa kaniyang opisina. Hindi ko akalin na pahihintulutan ako ni Don Alonzo na lumiban.

Mabilis akong nagtungo sa kusina upang magpaalam kay  Manang Lita. Nadatnan ko siya roon na abala sa pagluluto ng umagahan.

"Manang Lita may pupuntahan ho pala ako mamaya huwag ho kayong mag-alala nakapagpaalam na po ako kay Don Alonzo," wika ko. Napalingon siya sa'kin at napangiti "Saan ka ba magtutungo? At sino ang iyong kasama?" tanong niya.

"Hindi ko ho alam kung saan ngunit kasama ko po si Binibining Solana," tugon ko. Napatango siya "Mag-iingat na lang kayo, nga pala," hinto ni Manang Lita at lumapit sa'kin.

"Aking nakaligtaang sabihin sa iyo kahapon Eliana. May pinaparating liham para saiyo si Ginoong Samuel," nanlaki ang mata kong nakatitig kay Manang Lita.

Napakurap ako ng dalawang beses at hindi ko alam kung ano ang aking itutugon. "A-ano ho?" taka kong tanong dahil iyon nagpoproseso sa'kin.

Napangiti ulit siya, "May pinabibigay na liham sa iyo si Ginoong Samuel, mamaya ko na lang ibibigay sa'yo nang walang makakita," saad niya bago binalik ang atensyon sa pagluluto.

"May namamagitan ba sa inyong dalawa Eliana?" Napakunot ako ng aking noo nang sabihin iyon ni Manang Lita. Agad akong napalayo sa kaniya at umiling.

"Wala ho, wala" tanggi ko habang iwanawasiwas ang aking kamay. Napangiti si Manang Lita at itinuon muli ang kaniyang tingin sa kaniyang niluluto.

"Siguraduhin mo ang iyong nararamdaman Eliana," wika niya dahilan para mapaiwas ako ng aking tingin.





KASALUKUYAN na akong nasa Plaza De Mayor dito ang sinabing hintayan namin ni Binibining Solana. Puting baro at kulay kremang saya ang aking suot pinagdala na rin ako ni Manang Lita ng sariwang prutas at ang inihaw niya kaninang isda.

Ang kalahating buhok ko lamang ang nakatali at muli kong ginamit ang panali ng buhok na binigay ni Binibining Solana.

Ilang sandali pa'y napatayo ako nang
maaninag ko ang kulay asul na saya ni Binibining Solana. Napangiti siya nang malapad nang makita niya ako, agad aking naglakad papunta sa kaniya.

"Ang buong akala ko'y hindi mo papaunlakan ang aking imibitasyon," sambit niya habang hawak-hawak ang aking kamay. Hindi ko mapigilang mahawa sa kaniyang mga ngiti.

"Hindi ko ito maaaring palagpasin Binibining Solana," sambit ko na ikinatuwa niya. "Tayo'y humayo na Binibining Eliana," wika niya sabay kaming nagtungo sa kanilang kalesa.

May kalayuan pa lang kami nang maaninag ko ang pamilyar na likod ni Ginoong Samuel. Nakaputing kamiso siya na maikli ang manggas at itim na pantalon. Hindi nakaayos ang kaniyang buhok di tulad ng mga nakaraang araw na nakikita ko siya, ngunit sumisigaw pa rin ang kakisigan niya.

"Nga pala, Pasensiya na Binibining Eliana sapagkat nakaligtaang kong sabihin sa iyo na kasama ko ang aking Kuya Samuel" sambit niya at diretsyong nakatingin sa aking mata.

Napakurap ako at napangiti nang bahagya labag man sa aking kalooban na makasama ngayon si Ginoong Samuel ngunit wala na akong magagawa.

Napangiti ako nang tipid, "W-walang problema Binibini," wika ko at umiwas ng tingin. Napangiti siya nang malapad. "Marahil maganda na rin ito upang mas makilala niyo pa ang isa't isa ni kuya Samuel at nang maging magkaibigan na rin kayong tunay," saad niya at tumawa nang marahan.

"Kuya Samuel, narito na kami," saad ni Binibining Solana nang makarating kami malapit sa kanilang kalesa. Napatingin si Ginoong Samuel sa kapatid niya at panandaliang napatingin sa'kin bago tumango.

"Nagdala nga rin pala ako ng prutas at ng inihaw na isda,"  saad ko at napatingin kay Binibining Solana. Napangiti siya nang malapad at inabot sa'kin ang takuyan.

"Nag-abala ka pa Binibini maraming salamat ang totoo'y paborito ni Ginoong Samuel ang inihaw na isda," wika niya at tumingin sa kaniya si Binibining Solana.

Nang bumaling ako sa kaniya ay agad siyang umiwas ng tingin bago napatikhim. "Humayo na tayo," wika niya at naglakad palapit sa kalesa.





"NARITO na tayo!  Salamat naman at naging maaayos ang ating paglalakbay," nakangiting sambit ni Binibining Solana habang hawak-hawak ang takuyang naglalaman ng prutas at kakanin sa kaniyang kamay.

Buong biyahe ay halos kaming dalawa lang kami ni Binibining Solana ang nag-uusap, tahimik lang si Ginoong Samuel at saka lang siya nagsasalita kapag tinatanong siya ni Binibining Solana.

Hindi ko alam ngunit napapansin ko na ang tahimik ni Ginoong Samuel at hindi niya rin ako binabalingan ng tingin.

"Tayo nang humayo," sambit niya at akmang hahawakan na ang aking kamay nang mapatigil siya.

"Aking nakaligtaan kasama pala natin ngayon ang apo ni Mang Senyo si Marcelo ang ating kutsero kanina lamang. Akin lamang siyang tatawagin," paalam niya at naglakad pabalik sa kinalalagyan ng kalesang aming sinakyan kani-kanina lamang.

Naiwan kaming dalawa ni Ginoong Samuel, hindi ako lumingon sa kaniya at inabala ko ang sarili ko sa pagmamasid sa kapaligiran.  Bilang lamang ang mga naglakihang puno ngunit sariwa ang mga ito sa dahon, malinis at nasa tamang hanay at pantay ang mga damo.

Sa bandang dulo ay makikita ang malawak na ilog at mga nakahanay na balsa. Napakalamig sa mata habang pinagmamasdan ang buong kapaligiran, kulay berde lamang ang nakikita at huni ng mga ibon ang maririnig.

Napatingin ako sa kaniya nang tumikhim siya, nginitian ko si Ginoong Samuel nang tipid ngunit umiwas siya at nagtungo sa ilalim ng puno may kalayuan sa'kin.

Batid ko na kahit hindi sabihin ni Ginoong Samuel ay iniiwasan niya ako. Marahil ay nagagawa niya ito dahil sa nangyaring pag-uusap namin kahapon.

Napatingin ako sa harapan nang marinig ang tinig nila Binibining Solana. Kasama niya na ngayon ang sinasabi niyang Marcelo, tila pamilyar siya para sa'kin ngunit hindi lang batid kung saan ko siya nakita.

Bahagya pa siyang napapahimas sa kaniyang batok marahil ay hindi niya inaasahang isasama siya ni Binibining Solana sa'min.

"Binibining Eliana siya nga pala si Marcelo bago naming kutsero at apo ni Mang Senyo," pakilala sa kaniya ni Binibining Solana. Napangiti ako at napatango kay Marcelo, habang siya ay napangiti rin at napatango.

"Tila pamilyar ka Binibini, nagkakilala na ba tayo?" nanlaki ako sa sinabi niya. Napailing ako at napangiti nang tipid. "Hindi ko batid Ginoo," saad ko. Napatango-tango siya at yumuko nang bahagya. "Marcelo ho aking ngalan Binibini, ikinagagalak kitang makilala," saad niya.

Napangiti ako "Ikinagagalak din kitang makilala Ginoo," wika ko at umiwas na rin ng tingin.

"Humayo na tayo doon malapit sa ilog," wika ni Binibining Solana at itinuro ang ilog. Napatango ako, "Ahh, Binibini ako na ang maghahawak ng takuyan para sa iyo," saad ni Marcelo at sinusubukang kunin sa'kin ang takuyan.

Napailing ako "Hindi na ako na lamang ang bahala rito at isa pa may hawak ka na ring takuyan," saad ko ngunit umiling siya at pilit pa ring inaabot sa'kin ang takuyan.

Ilang sandali pa'y nagulat kami nang biglang kinuha ni Ginoong Samuel ang dala kong takuyan at tumingin sa'min. "Ako na ang magbubuhat dito," wika niya at nauna na siyang maglakad paalis sa'min.

Nagkatinginan kaming tatlo, gulat ang ekspresyon ni Marcelo samantalang napapangiti si Binibining Solana.

"Sabi ko kase sa iyo Binibining Eliana na ibigay mo na lang sa'kin ang takuyan, mukhang sumama tuloy timpla ni Señor Samuel," pabirong saad ni Marcelo at ngumiti nang kaunti.

"Hayaan niyo na si kuya ganiyan lang talaga siya ngunit hindi naman siya galit, tayo nang humayo," saad ni Binibining Solana at pasimpleng tumingin sa'kin at ngumiti.





"GINOONG Marcelo kumusta kayo ni Mang Senyo?" tanong ni Binibining Solana kay Marcelo. Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon sa nilatag na kumot malapit sa ilog.
Nakahain na rin ang aming mga pagkain.

"Mabuti naman ang aming kalagayan Señora" tugon niya habang hawak-hawak sa kaniyang kamay ang isang saging.

Simula kanina pa ay hindi ko na nagagawang tapunan ng tingin si Ginoong Samuel at ganon din naman siya. Kaya mas lalong lumalaki ang hinala ko na iniiwasan niya ako.

Ilang sandali pa'y kapwa kami napabaling ng tingin kay Marcelo nang magsalita siya. "Naiwan ko sa ating kalesa ang ating inuming  buko na binigay sa'kin ni Tatang Senyo" wika niya.

Magkatapat sila ni Binibining Solana at katabi naman nito si Ginoong Samuel. "Saglit ito'y akin lamang babalikan," nagmamadaling wika ni Marcelo.

"Samahan na kita," napatingin ako sa winika ni Binibining Solana at akmang tatayo na rin siya ngunit hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Ako na lamang ang sasama sa kaniya Binibini," wika ko habang nakatingin sa kanya.

Hindi ko kayang maiwan muli kasama si Ginoong Samuel, kahit pa iniiwasan niya ako,
Napangiti si Binibining Solana  at napatango  "Sigurado ka ba Binibini?" tanong niya ulit.

Napangiti ako at napatango bago napatayo, sandali akong bumaling kay Ginoong Samuel ngunit hindi siya nakatingin sa'kin ngunit nakakunot ang kaniyang noo.

Umiwas ako ng tingin at sumabay sa paglalakad ni Marcelo. May kalayuan rin kung saan pinarada ang kalesa sapagkat doon lamang sa bahaging iyon ang maraming damo.

Tahimik lamang kaming naglalakad ni Marcelo at kapwa tuwid lamang ang aming mga tingin.  "Tayo'y nagkita na Binibini, hindi ba?" napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. 

Hindi ko mapigilang mapakunot ng noo "Tayo ba'y nagkita na Ginoo?" Balik kong tanong sa kaniya. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. "Ang buong akala ko'y ako lang makakalimutin ngunit pati rin pala ikaw Binibini," saad niya at ngumiti nang malapad.

Binalik ko ang tingin sa daan. "Inaamin ko na pamilyar ka Ginoo,  ngunit ako'y hindi tiyak na nakasisiguro kung saan," sambit ko. Marahang umihip ang hangin dahilan ng pagsayaw ng hibla ng aking buhok at paglagas ng mga dahong acasia.

"Ako ang Ginoong iyong nakilala sa pamilihan" napatigil ako at napakunot noo. Napatigil din siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Si Mang Senyo lamang ang aming nakilala ni..." napailing ako at muling binuka ang aking bibig.

"Si Mang Senyo lang ang aking nakilala sa pamilihan," wika ko at nagsimula muli sa paglalakad. Patakbo itong lumapit sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Ang katotohana'y ikaw ay may kasalanan sa'kin Binibini," kunot noo akong napalingon sa kaniya at hindi na nito mapigilan ang malawak na pagngiti, dahilan upang sumilay ang pantay-pantay niyang ngipin.

"Paano ako nagkaroon ng kasalanan sa iyo Ginoo? " saad ko at patuloy pa rin sa paglalakad. Napahinga siya nang malalim bago tumugon "Iyong nabangga ang aking likuran sanhi ng pagkatapon ng tinitimpla kong katas ng sintunis sa lapag at sa'king damit,"  muli akong napatigil habang siya'y patuloy pa rin ang paglalakad paroon sa kalesang malapit na.

Siya'y akin ng naalala, siya ang Ginoo sa pamilihan noong nagtungo kami ni Manang Lita, dahil sa aking pagmamadali noon sa paglalakad ay nabangga ko siya. 

Bumalik na siya sa aking kinaroroonan at bitbit ang apat na buko, lumapit ako rito at kinuha sa kaniya ang dalawa sanhi ng  pagkagulat niya.

Marahan lang ang mga hakbang namin pabalik at tulad nang naunang nangyari ay katahimikan muli ang bumabalot sa amin. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kaniya, hindi ako basta na lamang magpadalos-dalos dahil bawat galaw ko ay mahalaga.

Makailan beses akong tumitingin sa kaniya binubuka ang aking labi ngunit walang lumalabas na tinig.

"Dahil sa iyong ginagawa Binibini, hindi ko mapigilan mapangiti," kunot noo ko muli siyang tinignan at nakasilay ang ngiti niya sa kawalan. Ibinaling ko ang tingin sa harapan, nasisilayan ko nang muli sina Ginoong Samuel at Binibining Solana.

Napahinga ako nang malalim at napaharap sa kaniya. Napatigil siya sa paglalakad at tumingin din sa akin, nakataas pa ang dalawang kilay niya wari'y hinihintay ang aking sasabihin.

"P-patawad Ginoo," bumaba ang nakataas niyang kilay at napataas ang dalawang sulok ng labi niya.

Nagkibit balikat siya at nagpatuloy sa paglalakad. Napabuntong hininga ako bago siya sinabayan sa paglalakad. "Ako'y lubusang humihingi ng paumanhin Ginoo," sambit kong muli.

Napatikhim siya at nilingon ako habang  patuloy kami sa paglalakad. Ngumiti siya, "Ako'y mabuting tao Binibini, kaya't akin nang tinatanggap ang iyong lubusang paghingi ng paumanhin," sambit ko dahilan ng aking munting pagngiti.

"Kuya Samuel, nasisira na ang dahon ng saging dahil sa pagkakahigpit ng iyong hawak!" Sabay kaming napalingon ni Marcelo kay Binibining Solana nang magsalita siya.

Pinagmasdan ko si Ginoong Samuel na ngayon ay naglalakad  na patungo sa ilog. Napatingin sa'min si Binibining Solana  at napakibit balikat ito na tila ba hindi niya batid kung bakit ganoon ang inasta ng kaniyang kapatid.







"MAAARI  ba nating subukang sumakay sa balsa?" Magiliw na tanong ni Solana. Katatapos lang namin kumain at napagpasiyahan naming pagmasdan ang malawak na ilog. Malinaw ang tubig at malamig din ito.

"Nais mo ba Señorita Solana?" Tanong ni Marcelo. Napatingin sa kaniya si Binibining Solana at napatango. Napakunot ako ng aking noo nang tumingin sa akin si Marcelo.

"Paano ba iyan Señorita ibig din ni Binibining Eliana na magbalsa kasama ako" nanlaki ang aking matang bumaling sa kaniya. Napaiwas ng tingin si Ginoong Samuel at napatango-tango si Binibining Solana at ngumiti.

"Ngunit hindi kaya ang tatlo sa isang balsa" patuloy ni Marcelo. Nagtinginan kaming tatlo habang nakakunot pa rin ang aking noo, wala akong natatandaan na sinambit kay Marcelo na ibig kong sumakay sa balsa.

"Ganito na lamang ang ating gawin, mauuna na muna kami ni Señorita Solana na magbalsa at kapag tapos na kami kayong dalawa naman ni Señor, Binibining Eliana," suhestiyon niya para bigla akong kabahan.

Paano ko ba sasabihin na ayoko talagang magbalsa.

Napangiti si Binibining Solana, "Mas mabuti nga iyan, humayo na tayo Ginoo," saad ni Binibining Solana at nagsimula na silang maglakad palapit sa balsa.

Naiwan kaming ulit dito ni Ginoong Samuel, napatingin ako sa kaniya at prente lang siyang nakaupo at nakatingin sa ilog. Kumuha ako ng suman at binalatan iyon bago ko ibinigay sa kaniya.

Napatingin siya sa'kin at sa kakaning nilalahad ko, napabalik ulit ang tingin niya sa'kin dahilan para mapangiti ako nang tipid.
Tinanggap niya ang suman na inaalok ko at kumagat doon.

Hindi ko batid kung bakit nakatitig lamang ako sa kaniya habang kinakain niya ang suman. Ilang sandali pa'y umiwas ako ng tingin dahil sa kakaibang pintig ng puso ko.

"Batid ko hong iniiwasan niyo ako at marahil ay nayayamot din ho kayo sa'kin dahil ilang beses kong tinatanggihan ang alok niyo," saad ko habang nakatingin kina Marcelo at Binibining Solana habang nagbabalsa.

"Ngunit kung ganon ho ang nararamdaman niyo wala pong problema sa'kin iyon, dahil batid niyo pong ito rin ang nais ko." patuloy ko.

Napalingon ako sa kaniya at nagtama ang aming mga mata. Sa puntong ito ay naramdaman ko na inaakit na naman ako ng mga mata ni Ginoong Samuel nang hindi ako tuluyang umiwas ng tingin.

Napaiwas siya ng tingin at piniling pagmasdan sina Binibining Solana at Marcelo. Napatikhim siya, "Bakit....bakit kilala mo ang aming kutsero?" bahagyang nanlaki ang aking mga mata dahil sa tanong niya.

"Hindi ko naman ho siya talaga kilala, kundi aksidente lamang ang aming pagkakakilala," tugon ko at umiwas ng tingin ulit.

"Sana'y aksidente mo na lang din akong nakilala nang magkaroon tayo kaagad ng ugnayan sa isa't isa. Higit na ang iyong mga kakaibang ngiti na kaya mong ibigay sa kaniya," wika niya at pinagmasdan ako sa aking mga mata.

Hindi ko rin batid kung bakit ganon ang lumalabas sa kaniya. Dahil sa sinabi niya ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Napaiwas siya ng tingin. "Iyong ngiti na iyon ay hindi ko pa nakikita sa iyo habang nag-uusap tayong dalawa,"







DAHAN-dahan akong umupo sa balsa habang sinisimulan na ni Marcelo ang pagpapalakad nito.

Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko, may halong kaba akong nararamdaman na baka tumaob ang aming balsa at kabog na ang dahilan ay si Ginoong Samuel.

"Bakit mo nagawang tanggihan si Señor Samuel,  Binibining Eliana. Tiyak  ako na siya'y nagtatampo na dahil sa iyo" sinamaan ko ng tingin si Marcelo at ngumiti lamang ito.

Nang kami na ang magbabalsa ay sinabi kong si Marcelo ang magsasama sa'kin. Hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang sinabi niya kanina at naging palaisipan iyon sa'kin.

"Kasalanan mo rin naman Ginoo, dahil iyong pinangunahan," wika ko habang nakasakay sa balsa. Ang lamig ng tubig sa ilog at may kalinawan din ito.

"Paumanhin Binibini, hindi ko naman alam na ganon ang magiging reaksyon ni Señor Samuel." saad niya habang patuloy sa pagbabalsa.

"Pakiramdam ko naninibugho si Señor Samuel dahil sa'kin," wika niya at tumawa nang marahan. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.

Agad akong kumuha ng tubig at ibinato iyon sa kaniya dahilan para mabasa siya nang kaunti. Nakangisi pa rin siya at tila hindi siya natinag sa ginawa ko.

"Huwag mo ng uulitin iyon Binibini dahil mas lalong sumasama ang timpla ni Señor sa'kin. Kapag nangyari talaga ito, baka ito na ang huling araw ko," saad ulit niya habang nakangiti ng mapang-asar.

Ayokong paniwalaan ang sinabi ni Marcelo na si Ginoong Samuel ay naninibugho dahil wala namang matibay na rason para maramdaman niya iyon.

Nang mapatingin ako kay Marcelo ay patuloy lang siyang nakatayo at nagsasagwal. Nagtaka ako nang bigla siyang ngumuso na parang may tinuturong bagay.

Napalingon ako sa itinuturo niya at kumabog ulit ang dibdib ko nang makita si Ginoong Samuel na masama ang tingin sa'min. May bakas ng pagtatanong ang mga tingin niya nang tumingin siya sa'kin.

"Nasilayan mo na? Naninubugho siya dahil sa'kin, siguro may pagtingin na siya sa iyo Binibining Eliana?" saad niya dahilan para mapatigil ako at matulala.




Nagtataka,
Eliana

Continue Reading

You'll Also Like

14.6M 749K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
756K 19.3K 6
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
31.9M 814K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...