Taming Wild Roses [Chasing Li...

By bubblymishie

3.6M 71.3K 39K

Elizabeth Roseann Davis is a wild flower in the garden. She's an arrogant impulsive rebel most of the time. S... More

Author's Note
0
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
Author's Note
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
Announcement
46
47
48
49
50
51
52
53
55
56
Author's Note
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
Author's Note
74
75
76
77
78
Wakas
Wakas (Part 2)
Wakas (Part 3)
Author's Note

54

26.9K 602 545
By bubblymishie

"Sorry nalasing ako kagabi. Gumapang ba ako?" sabay tawa ni Tris habang ng kakape kami.

"Gaga, ang bigat mo kaya! Binuhat kita hanggang sa kwarto. Buti hindi ka nagsuka."

"Grabeng sakit ng ulo ko. Ugh!" daing niya.

"May class ka later diba?" tanong ko.

"Oo nga pala." aniya at biglang tumayo. "Mag aayos pa ako ng papers. Gotta go Roshan." nagmamadali niyang saad.

"Okay, goodluck!" I kissed her cheeks.

"Goodluck din sa gagawin mo. Love you babes."

She hurriedly went out. Hindi pa niya naubos ang kape at tinapay niya.

I sighed and cleaned the table. Mamaya ay susunduin ko na si Neytiri.

Nang pumatak ang ala tres ng tanghali ay nagtungo na ako sa condo ni Kai. Hindi ko na rin kailangan pang mag paalam sa lobby, Kai gave me a pass already.

"Hi baby!" pagbati ko.

"Mommy's here Neytiri." ani ni Kai habang bitbit ang anak.

"I miss you so much." saad ko at kinuha ang bata.

"Neytiri and dada miss you too." sinamaan ko naman ng tingin si Kai. I felt awkward.

This is the second time I will see him after I've admitted that I like him. Nung una, wala pa ako sa ulirat dahil sa pagtatalo namin ni Aiden. I just dropped Neytiri here and went to find an apartment.

Ngayon pa lang talaga kami magkikita na maaliwalas ang utak ko. And now, I feel awkward.

Nang inabot niya sa akin ang anak, naramdaman kong nagtama ang aming kamay. Ayan na naman ang sparks na sinasabi nila!

Agad kong binawi ang kamay at hinawakan si Neytiri. "Uhm...can I get her things too?" tanong ko, hindi tumitingin sa kanya. Namamawis ako at kinakabahan.

"You wanna rest here first? Do you want a drink?" alok niya.

"Hindi na..uhm...uwi na kami. Thank you." I said, awkwardly.

"You okay? Para kang natatae." he laughed.

"What?" now, I have the courage to look at him, ngunit agad ding binawi ng magtama ang aming mata.

"Hmm. I'll get you a glass of water first." aniya, pipigilan ko na sana siya ngunit nagtungo na siya sa kusina.

Umupo muna ako sa napakalaki niyang sofa. I looked at the painting I painted. I smiled.

What? Why are you smiling Roshan? Stop that.

"Here." sabay lapag niya ng baso sa mesa. He sat on the other sofa, in front of me.

"Thank you." I said and sip on the glass, hawak ko pa rin ang anak.

"How are you?" he asked.

"Fine."

"Hmm?" iniangat niya ang kanyang kilay.

What the hell? Bakit ang gwapo niya? Kailan pa?

Ano ba naman ito!

Get your shit together Roshan.

"You should ask me for help when you move out." aniya at uminom rin sa basong inuman ko.

What? Indirect kiss iyon? But most importantly, how did he know? Pinapasundan ba ako nito?

"How did you know? Are you illegally stalking me?" I spatted.

He smirked. "Is there legal stalking?" iniangat niyang muli ang kilay niya.

Ano ba naman ito, ang gwapo. No, erase Roshan.

"Then you're stalking me?" I raised my eyebrows too.

"Elios told me."

"What-"

Did Tris tell Elois? Then he told Kai?

Are Tris and Elios still together? Or they got back? What the hell? Tris didn't mention that to me. Ang babaitang iyon!

"Who told him?" I asked kahit alam ko na ang sagot.

Nagkibit balikat siya at tumayo para kunin ang gamit ni Neytiri. "Let's go. I'll drive you home."

"No." pigil ko.

"It's better if..."

"We'll go home on our own." saad ko at akmang kukunin ang gamit ng anak.

"I can drive you..."

"I said hindi na. And, ayoko ring may makakalam ng bahay namin. Ako na ang maghahatid at kukuha kay Neytiri dito. Intindes?"

"Mahihirapan ka sa pag commute." dahilan niya.

"Sanay na po ako Mister. Wag kang mag alala." ani ko at kinuha ang gamit ng anak. "Bye." paalam ko.

Mabilis lang ang naging biyahe namin. I miss Neytiri so much.

"Welcome to our new place baby."

"Pagpasensyahan mo na kung maliit ha? Mag tatrabaho ng mabuti si mommy para makabili ng malaking bahay, tas para may sarili ka ng kwarto." I kissed her cheeks, she giggled and laughed.

Natulog muna kami at nagpahinga.

Mag gagabi na ng magising ako. I cooked for our dinner.

"Huwag ka diyan, anak." ani ko ng makita siyag naglalakad papunta sa balcony.

And yes, she knows how to walk straight. Nakakapagsalita na rin siya paunti unti, hindi lang madaldal kaya minsan ay tahimik lang. Pero tuwing tinuturuan ko naman ay madali siyang sumagot.

My baby is growing up so fast. Sa susunod ay dalawang taon na rin ito, ang bilis ng panahon.

Kinuha ko ang anak at dinala sa kusina. "Kain na." saad ko at sinubuan siya.

When I'm about to feed her, her medicine, hindi ko ito mahanap sa bag niya. "Where the hell?"

Kung saang sulok ko na hinanap pero wala pa rin. Don't tell me, naiwan kina Kai?

I hurriedly went to the phone to contact him.

"Yes?" he said huskily.

Ano ba naman ito? Pati boses ang gwapo. Ugh! Kasalanan mo ito lahat Kai, hindi naman ako ganito dati.

"Yes, Roshan?" paguulit niya.

Nabalik ako sa katinuan ng tawagin niya ang aking pangalan.

I cleared my throat. "Nasan yung vitamins ni Neytiri? Hindi ko mahanap sa bag. Papainumin ko na siya." saad ko.

"I put all her things inside the bag. Wala ba diyan?"

"Tatawag ba ako sayo kung wala?" I said sarcastically then rolled my eyes.

He laughed. "I can almost feel that you're rolling your eyes at me." what? "Wait, I'll check it here." aniya at narinig kong naglakad siya palabas.

"Oh shoot, it's here." saad niya.

"Ugh!" inihilamos ko ang kamay sa mukha. "What now? Anong iinumin ng anak ko?"

"Anak natin." he corrected. "I'll bring it to you now, send me your address." he chuckled.

"Seriously? Did you plan this out?" kung kelan ayoko sabihin ang address namin, ngayon pa?

"I honestly forgot it. But you know, tadhana na siguro ang naglalapit sa atin. Send it to me and I'll go there with the vitamins." he laughed.

"I didn't know you're this corny, Kai the kalaykay!" I said.

"No, what? What did you just call me?" he said, panicking.

"Nevermind, bukas kukunin ko diyan. She can skip-"

"She can't. What if she got sick? What if something happened if she forgot to take the vitamins? No way, Roshan."

Halos matawa ako sa reaction niya. I almost forgot he's an over acting and over protective father.

"Hindi naman, bukas na lang.."

"I'll bring it now. I can't sacrifice my daughter's health."

"Ang kulit mo naman."

"I care about her health, don't you?"

"What? Of course I care too, anong tingin mo sa akin? A bad mom?"

"Then send me your address." he almost pleaded.

"Ugh fine. Here."

Nakakainis, he got me there.

Pero ano naman kung sabihin ko ang lugar namin? Mas maganda nga iyon para puntahan niya dito si Neytiri.

Pero kasi....

Ugh, nevermind.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na siya. I heard a knock on the door.

"Ang bilis mo." saad ko. "Pinaharurot mo ba ang sasakyan mo?"

"I want my daughter to take her vitamins on time." aniya, hingal na hingal sabay bigay ng gamot.

"Pumasok ka muna, uminom ka ng tubig." saad ko.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig at inabot sa kanya. After, I went to our daughter para painumin ng vitamins niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakatulog na ito. Lumabas ako ng kwarto.

"She's asleep?"

"Yup. Pwede ka ng umuwi." ani ko. "Thank you."

"I'm still tired tho, I ran three floors." saad niya at humilata sa sofa.

"Okay. Pag di ka na pagod, umuwi ka na. Kakain lang ako. Diyan ka lang."

"You haven't eaten yet?"

"Obvious ba? Kaya nga sabi ko 'kakain ako'. Where's your common sense Kai?" kahit kailan talaga ay mahirap kausapin ang isang ito.

"I haven't either. Can I join you?" he smiled.

I rolled my eyes. "Basta ikaw maghuhugas ng pinggan ah? Oh, wait. Do you even know how?" he's rich, fucking million dollar man, kaya baka hindi ito sanay sa gawaing bahay.

"Don't underestimate me baby. I know a lot of things." tumayo siya at sinundan ko.

"I cooked buttered shrimp, kumakain ka ba niyan?" sabay taas ng kilay.

He gulped. "Of course, my favorite." aniya at nilantakan ang pagkain sa mesa.

"Uuwi ka na pagkatapos nito ah."

"Yup. This is good. You're a great cook huh?" he looked at me and smiled.

I rolled my eyes. "Kumain ka na lang, nambola ka pa."

"Roger."

I also continued eating my food. Ang isang ito maarte pa at naka kutsara at tinidor, ang hirap kayang kumain ng hipon pag naka ganyan.

Itinaas ko ang aking tuhod at ipinatong sa upuan. Hinawi ko ang aking buhok at sumubo muli gamit ang aking kamay.

Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin.

"What?" lumunok muna ako bago magsalita.

He's just smiling but not saying anything.

"Ano?" kunot noo kong tanong.

"I love seeing this version of you."

I rolled my eyes once again, pero hindi naitago ang pamumula ng mukha.

"I love all versions of you, but this is my favorite. The simple mother Roshan."

"Tumigil ka nga."

"Kinilig ka noh?" pang aasar niya.

"Sinabi mo lang ba yun para kiligin ako?" taas kilay kong tanong.

"I said that because I wanted to. But bonus na kung kinilig ka. So, kinilig ka nga? You blushed."

Hinawakan ko ang mukha sa gulat. "What? No."

"Hmm, okay." he said and continued eating.

"As if." I rolled my eyes.

"I said okay Roshan." he chuckled.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Napaangat na lamang ang tingin ko sa kanya ng tumigil ito at ibinaba ang kubyertos.

"Tapos ka- what the hell?" sigaw ko ng makita siyang namumula at madaming pantal. "Kai? What happened?"

"It's fine, just rashes. Continue eating." aniya at nag kamot.

"Are you fucking allergic to shrimps?" sigaw ko, nag aalala sa kalagayan niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang noo.

He held my hand. "I'm fine, I just ate like 8 pieces. I'm not gonna die."

"But...but." nerbyoso kong sabi.

He held my waist at pinaupo ako sa kanya. "Ano ba tsansing ka!"

"Hmm."

"Okay ka lang ba talaga? Baka hindi ka makahinga niyan?"

"Yeah, I am finding hard to breathe." sabay hawak sa puso niya. Nanlaki ang aking mata, umalis ako sa pagkakaupo sa kanya.

"Let's go to the hospital, baka mapano ka pa. I'll drive, marunong naman ako." I said, panicking.

He laughed. "Anong nakakatawa Kai Zaccarius?"

Hinila niya muli ako at hinawakan sa mukha. "I can't breathe properly cause you're near me. My heart is pounding real bad. Anong gagawin mo huh?"

Iniwaksi ko ang kanyang pagka kahawak. "Ewan ko sayo." ani ko at naramdaman ang pag iinit ng pisngi.

"Umuwi ka na Kai. Drink anti allergy meds, ako na bahala dito."

"I said I'm fine and we have a deal right? I'm gonna wash the dishes."

"Hindi, ako na."

"No, I insist." tumayo siya at nagsimulang ilagay ang mga plato sa lababo.

"Kai..."

"Don't worry, it's just rashes." he patted my head.

Tinanggal niya ang relo at kinuha ang aking kamay. "Wear this, baka mabasa."

I can feel the electricity flowing again, para bang may connection ito sa kanyang katawan. I am looking at him while he's putting his watch on my wrist.

I looked at it, fucking Rolex.

"I'll wash the dishes Roshan, go to our daughter." he said smiling.

"She's asleep." ani ko at pinagmasdan siya sa paglalagay ng sabon.

He's wearing a black shirt and shorts, he's standing straight as he passionately wash the dishes. Kahit sa tindig ay masasabi mong malakas talaga ang dating.

His body hugged his shirt, bumabakat ang hugis ng katawan. He has muscles but not too muscular. Tamang tama lang din sa tangkad niya.

"Baka matunaw ako niyan." pagbibiro niya.

"Kapal mo." sabay irap ko.

"You always roll your eyes at me, is that your way of saying I love you?"

"Can you just continue that? Dami mong dada."

"Kinikilig ka lang eh." dahil sa sinabi niya ay pinalo ko ang balikat niya, inangat niya ang kamay at tumalsik sa akin ang ilang bula.

"Oh no, ikaw kasi." he quickly washed his hands and dried them. He then cupped my face.

"Pumasok sa mata mo?" he said soothingly.

Inangat ko ang aking mukha at nagtama na naman ang aming mata. My heart beats loud.

"You know what? I'll just go to Neytiri. After you finish that, go home and lock the doors. Okay?"

Hindi ko na siya hinintay na makasagot. I ran to our room.

I held my chest.

It's beating rapidly.

Ano ba naman ito!

Tangina, kinikilig ka ba talaga Roshan?

Ugh! Damn!

Humiga na lang ako sa kama. I kissed my daughter.

Nagwawala ako ng parang baliw kapag naaalala ang tinginan namin kanina.

Ugh! Tigil tigilan mo na yan Roshan. You don't have time for that, marami ka pang pinoproblema.

Pagkatapos ng ilang minuto ay narinig ko ng nagpaalam si Kai. He said he'll text me when he gets home.

Ako namang si gaga ay hindi makapaghintay.

Tutulog na kaya siya pag uwi? O mag uusap muna kami? Paano ba papahabain ang usapan?

Ugh!

Agad akong napabalikawas ng tumunog ang cellphone.

Kinakabahan ako.

I took a deep breath and checked my phone.

Laking gulat ko ng si Kelly ang nag text.

Kelly:
I'm free tomorrow, let's meet? 

Continue Reading

You'll Also Like

193K 1.8K 12
She was a sinner he was meant to drive away, but when their hearts begin to beat for each other, they realized one thing. There's more to unfold than...
180K 3.1K 29
Started: May 2, 2022 Ended: May 10, 2022 Old title: The Gloomy Sunset And The Wolf -UNEDITED
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.8K 235 26
Matagal nang may pagtingin si Jude sa kapitbahay nilang si Stephanie ngunit wala siyang lakas ng loob na aminin ito. Bukod sa isa sa pinakamayaman sa...