The Serial Killer's Diary [BO...

By joowee

64.1K 2.6K 315

*Highest Rank. HORROR #1 [9.9.2020](COMPLETED) Isang maling akala ang magdudulot kay James para gawin ang isa... More

Teaser
Introduction
Chapter 1: The beginning
Chapter 2: The observation
Chapter 3: The Bullies
Chapter 4: The new patient
Chapter 5: The background
Chapter 6: James Franco
Chapter 7: The investigation (Part 1 of 2)
Chapter 8: The investigation (Part 2 of 2)
Chapter 9: The Bullied
Chapter 10: The revenge
Chapter 11: Unexpected visitor
Chapter 12: Me and Him
Chapter 13: The bloody bath
Chapter 14: Pay Back
Chapter 15: The suspect
Chapter 16: The loser queen
Chapter 17: The appointment
Chapter 18: It all starts here
Chapter 19: Throwback memories
Chapter 20: She doesn't care
Chapter 21: Red Tears
Chapter 22: Poor James
Chapter 23: The Start of revelation (PRE-FINALE 1 of 2 )
Chapter 25: The Deadly Revelation ( FINALE )
Author's Message

Chapter 24: The Confrontation( PRE-FINALE 2 of 2)

1.8K 77 7
By joowee

Pagdating ni Alison sa kanilang bahay, pabagsak niyang inihagis ang kanyang bag sa kanyang kama at agad nagtungo ito sa kusina. Balak pa naman niya kanina na i-treat si Frances ng snack pagkatapos ng kanilang pagsusulit kaso nagmamadali naman umuwi ito.. Pinagtiyagaan na lang niya kainin ang ginawa niyang sandwich dahil kakain naman siya mamayang hapunan. Abala kasi ang nanay niya na naghahanda ng hapunan. Pagkatapos makapagmeryenda, agad bumalik si Alison at nagbihis siya ng pambahay. Napansin niya agad ang mga magulo niyang gamit niya sa bag. Umupo siya sa gilid at umagaw sa kanyang atensyon ang napulot na Death Note ni Frances.

"Hindi ko pala akalain na fan din pala si Frances ng Death Note." natatawang sambit ni Alison sa kanyang sarili.

Dala ng kuryosidad, binuklat niya ang Death Note at binasa ang nilalaman nito.


Monday, 8:30pm

Sira agad ang first day ng affiliation namin. Nabully na naman ako ng tres malditas. Bakit ganun ? Anu ba ang ginawa ko sa kanila, bakit nila ako binubully? Mabuti na lang ipinagtanggol ako ni Alison.


"Mukhang diary pala ito, hmmm, baka nandito yung crush niya, mabasa ko nga." agad naisip ni Alison sa pag-aakalang nandun yung hinahanap niya.



Tuesday 9:15pm

Hindi ko maintindihan kung bakit gustong alamin ni Alison ang dahilan ng ikinabaliw ni James. Ang cute ng pasyente namin kaso sayang baliw naman siya, hahaha. Pero bakit ganun, kung sino yung gusto ko ayaw din sa akin. Nakakalungkot naman. Simula pa lang ng nakilala ko si Eugene, parang gusto ko na siya pero bakit si Alison lagi ang kanyang pinapansin.


"Crush niya si Eugene?" maang tanong ni Alison sa kanyang sarili habang nakaupo ito sa gilid ng kanyang kama. Wala sa loob niya, ipinagpatuloy niya pa rin ang kanyang nabasa.


Wednesday 8:15pm

Hindi na ako sumama sa kanilang usapan nina Alison at Eugene. Wala naman kuwenta ang kanilang ginagawa. Nag-aaksaya lang sila ng oras. Baliw si James. Yun na yun. Pero ang masakit sa akin, bakit ang saya nila magkasama?! Masayang-masaya si Alison na nakikipagharotan kay Eugene sa foodcourt!! Ang landi mo Alison!!


"Ibig sabihin, nandoon si Frances ng araw na nag-usap kami ni Eugene sa foodcourt? Bakit? Ako malandi??!!" napakunot-noo pa si Alison sa nabasa niya sa diary ni Frances.


Thursday 10:00pm

Ang sakit pala kapag wala si Alison na laging tumatanggol sa akin kina Doreen, Marisol at Clarissa. Sumusobra na sila!! Hindi ko naman kasalanan na mapatid ako at matalsikan ng kape ang damit ni Doreen. Bakit nila ako pinagtritripan?!! Ano ang ginawa ko sa kanila?!! Sinaktan nila ako! Daig ko pa ang isang hayop kung saktan nila!!


Napansin ni Alison na ilan sa mga sulat ni Frances ay parang malabo o nabura ng isang bagay. Ang hindi alam ni Alison, habang sinusulat niya ang mga hinanakit niya ay umiiyak si Frances habang nagsusulat siya sa kanyang Death Note



Friday 9:30PM

Hindi ko pa rin kayang ikubli yung mga bakas na natamo ko sa mga demonyo kong kaklase na sina Doreen kay Alison. Nakita niya ang ilan kong mga pasa at sugat ko sa bibig. Nagsisisi na rin ako na sinabi ko ang nangyari sa akin noong absent siya. Sinugod niya ang mga tres malditas. Natatakot akong kung sa akin ibaling ang galit nila sa ginawa ni Alison sa pagsugod sa kanila.



Monday 8:00PM

OMG!! OMG Talaga!! Hindi ko akalain na kakambal ni Eugene ang pinatay ni James. Nakakalungkot isipin na makasakit ng tao si Eugene dahil sa bugso ng kanyang galit. Pero naiintindihan ko pa rin siya. Pero bakit lagi nakadikit si Alison kay Eugene sa oras ng kanyang kalungkutan. Dapat ako ang kumakausap sa kanya at hindi puro si Alison!


"Hindi ko akalain na may tinatagong galit sa akin si Frances dahil lang kay Eugene." mahinang wika ni Alison sa kanyang sarili.



Tuesday 9:25PM


Hindi ko talaga ito inaasahan! Si Alison ang binalingan nina Doreen pagkatapos kasi sugurin ito noong nakaraang araw. Naligo si Alison ng dugo!! Pinaligo ng mga puta si Alison!! Natatakot ako sa susunod nila gagawin kapag nag-iisa ako.Sobra na sila!! Lagi na lang kami ang pinagtritripan ng mga buwisit na grupo ni Doreen!! Ayoko na!! Sumusobra na kayo!! Ipapatikim ko rin sa inyo ang mga kababuyan na ipinatikim ninyo sa akin! Masyado na ninyo inapakan ang aking pagkatao! Ngayon, ipapatikim ko ang lasa ng lupa dahil dadalhin ko kayo sa hukay!!!



Wednesday 10:30pm


Nakiayon sa akin ang panahon! Buti na lang nawalan ng kuryente ang Mental Hospital! Pinag-aralan ko mabuti kung saang kuwarto ko dinala sina Marisol at Clarissa. Pasalamat ka Doreen at hindi kita nakita. Instant 3 sana ang ginawa kong pagpatay sa inyo. Pero huwag kang mag-alala, isusunod kita kina Marisol at Clarissa. Dahil ang mga kaibigan mo ay parang hayop ko sila pinatay!!


Halos kinilabutan si Alison sa kanyang nabasa. Hindi inaasahan sa kanyang mababasa na ganito pala ang pagkatao ng matalik niyang kaibigan na si Frances.


Sunday 1:15am

Nagdesisyon akong sumama kina Alison at Eugene para alamin at tuklasin ang walang kakwenta-kuwentang bagay na kanilang ginagawa. Gusto ko lang makita kung nilalandi ni Alison si Eugene. Buti na lang ako tumabi kay Eugene dahil alam ko lalandiin lang ni Alison si Eugene habang nakikipag-usap sila sa mga dating officemates ni James. Pero ng pauwi kami, si Alison pa rin ang pumuna sa kalungkutan ni Eugene. Siya ang nasa tabi ni Eugene habang umiiyak sa park. Dapat ako yun?!! Hindi ko napigilan ang sarili ko at pasimple akong nagpaalam. Hindi man lang ako pinigilan ni Alison para sabay kami umuwi. Siya pa ang unang nag-oo na umalis ako. Siguro gusto niya lang masolo si Eugene! You are bitch Alison! Malandi ka!! Buti na lang nakita ko si Doreen at sinundan ko siya sa isang bar. Umayon talaga ang plano ko na panagutan nila ang lahat ng kababuyan na ginawa nila sa akin! Pinaiyak ko siya dahil lagi niya ako pinaiiyak at sinasaktan! Pinaiyak ko siya ng dugo!! Hindi ko akalain na magagawa ko siyang tanggalan ng isang mata!! Kasalanan din nila kung bakit ako naging masama!! Sila ang nagtulak sa akin kung bakit ko ito ginagawa. Pagod na akong masaktan! Ayoko ako laging talo! Pinatay ko siya!! Nararapat lang iyon dahil masama siya!! Masama silang lahat!! Pero hindi ko pinagsisihan ang mga ginawa ko kina Marisol, Clarissa at Doreen. Sa labanan naming apat, ako ang nagwagi. Ako ang buhay! Samantala sila patay na!! Pero hindi ko pa rin nararamdaman na masaya ako, dahil talo pa rin ako ni Alison. Alam kong gusto ni Eugene si Alison. Pero gagawa akong paraan na sa labanan namin ni Alison, ako ang magwawagi. Wala akong pakialam kung buhay ni Alison ang nakasalalay dito. Kaya ko ng pumatay dahil ayaw ko na nasasaktan!!


Halos hindi makapaniwala si Alison sa nabasa niya mula sa Death Note na pag-aari ni Frances. Hindi niya akalain na kayang pumatay ng tao si Frances at nagawa niya nga iyon. Siya ang suspect sa pagkamatay nina Marisol, Clarissa at Doreen. At dahil din dito, nalaman niya rin na may tinatagong galit si Frances sa kanya. Ng gabing iyong, balisa at nakatulala sa kisame si Alison habang nakahiga ito sa kanyang kama. Hindi niya malaman ang gagawin niya sa itinuring niyang kaibigan na si Frances. Isusuplong ba niya ito sa pulis o itago ang nalalaman niya?

"Sh*t!! Bahala na!" wika ni Alison sa kanyang sarili at ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Hindi na niya nakuhang makisalo sa hapunan dahil parang nawalan na siya ng gana dahil sa kanyang natuklasan.


=========================

"Hi Alison." bati ni Frances kay Alison. Naunang dumating si Alison sa kuwarto ni James at nag-aayos ito ng gamit.

Hindi pinansin ni Alison si Frances at ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Nagtaka si Frances dahil kapag binabati niya si Frances ay agad itong lalapit at ibebeso-beso nito sa pisngi.

"Maaga ka ngayon ha. Pasensya na talaga kahapon ha kung hindi kita nasamahan na gumala sa mall, kasi alam mo naman na nagmamadali ako eh." sambit ni Frances.

Hindi pa rin pinapansin ni Alison si Frances. Napakunot-noo si Frances dahil wala naman siyang ginagawang masama na ikinagalit ni Alison kahapon. Nagmamadali naman siya umuwi dahil sinumpong ng hika ang kanyang nanay.

"Galit ka ba sa akin Alison dahil hindi kita nasamahan kahapon?" tanong ni Frances at hinawakan niya nito ang balikat ni Alison.

Mabilis na tinanggal ni Alison ang kamay ni Frances sa kanyang balikat. Hindi makapaniwala si Frances sa inasal ni Alison.

"Ano ba ang problema mo?" inis na tanong ni Frances. Hindi na niya napigilan ang sarili na mainis kay Alison dahil kanina pa siya hindi pinapansin ni Alison. Nagmumukha na siyang tanga na kumakausap kay Alison na hindi naman siya kinikibo.

"Problema ko? Tinatanong mo ang problema ko?" may galit sa tono si Alison at maya-maya pa, may kinuha ito sa kanyang bag.

Nagtaka bigla si Frances sa tono ni Alison. Ramdam niya na may galit ito.

"IPALIWANAG MO SA AKIN ANG MGA NAKASULAT DITO!!" galit na wika ni Alison at sabay ipinakita ang DEATH NOTE na pag-aari ni Frances.

Halos kilabutan at manlamig si Frances sa kanyang nakita. Hindi niya mawari kung paano napunta kay Alison ang diary niya kung saan doon niya sinusulat ang lahat ng kanyang hinanakit. Ang galit na nadama niya noon sa mga tres malditas at ang pagkitil niya sa mga buhay nito. At ang tinatagong galit at hinanakit kay Alison.


===================

AUTHOR'S NOTE: Last Chapter to go then FINALE na!! Huwag po kayong magsawang suportahan ang pagwawakas ng Death Note: The Killer's Diary 2! ^__^

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
7.2K 484 27
Sampung taong gulang ang batang si Angela nang bawian ito ng buhay dahil sa isang aksidente. Isang araw bago ang unang anibersaryo ng kaniyang kamata...
113K 3.4K 25
(COMPLETED) Alamin, tuklasin at buksan ang mga pahina ng DEATH NOTE. Mag-ingat lang baka ang pangalan mo ay nakasulat na pala. Matatakasan mo ba si...
206K 3.9K 66
Seven and Nine. These are both lucky numbers. But names cannot be an assurance that life will work effortlessly great to each one of them. Seven has...