The Third Eye Society Club

By MissAlbularyo11

172 21 30

Nakakakita ng mga multo at elemento si Samantha. At para sa kanya ay isa nang normal na pangyayari iyon sa ka... More

Copyright
About the Story
Case #1: The Curious Case of Lucas Santiago
Chapter 1-1: The Guy Who was Never Dead
Chapter 1-2: The Guy Who was Never Dead
Chapter 1-3: The Guy Who was Never Dead
Chapter 2-1: A Professional Consultation

Chapter 2-2: A Professional Consultation

11 0 0
By MissAlbularyo11

Kumakain kaming lahat ng agahan nang biglang sabihin ni papa sa akin na kailangan kong magbihis dahil may pupuntahan  kami ngayon. Siguro lutang pa ako dahil kagigising ko kaya wala sa sarili ko siyang tinanong kung saan kami pupunta.

Walang emosyon na ngumiti si papa sa akin. At alam kong kapag  gano'n ang mukha niya, may  sasabihin siya na hindi ko magugustuhan. "Ah, bibisitahin  ko ang manugang ko, anak.  Tanggap ko na si Lucas sa  pamilya natin."

Natigil ako sa pag-nguya ko sa  kinakain ko. "Po?" at nang  mapagtanto ko ang sinasabi niya,  agad na tumaas ang boses ko.  "Hindi ko po siya boyfriend!"

"Samantha," suway ni mama sa akin. "H'wag kang sumisigaw sa hapag-kainan."

Natahimik na lang ako at saglit na sinulyapan si Lucas. Nakangiti lang siya kay papa.

Hindi ko na lang din pinuna pa ang nakakainis niyang mukha at nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.

Nang matapos kaming kumain sinabihan ako ni mama na mag-ayos, at siya na lang ang maghuhugas ng mga pinggan. 

Sinunod ko na lang siya, at nang makapag-ayos ako ay nagpaalam na kami kina mama. Sasama din sa amin si tito Atanacio dahil malaki ang tulong niya sa trabaho ni papa.

Di pa ako sigurado sa line of work ni tito Atanacio. Di rin ako nagtatanong dahil hindi naman siya pala-kuwento.

Sa sasakyan ay magkatabi kami ni Lucas sa likod, sina tito at papa naman sa harap. 

Posible naman sa mga kaluluwa na sumakay sa mga sasakyan. Karamihan nga sa mga ito ang siyang dahilan kung bakit maraming mga sasakyan sa mga tulay at ibang daan ang naaaksidente.

"Lucas," tawag ni papa sa katabi ko. "Saan mo nakilala ang anak ko?"

Ngumiti naman si Lucas. "Sa library po, tito."

"Kailan mo nakilala ang anak ko?"

"Po?" Nagitla si Lucas at dahan-dahan siyang tumugon. "Last month po, tito."

Pumalatak si tito Atanacio, samantalang napasinghal naman si papa.

"Talaga?" sabi naman ni papa. "Alam kong hindi mo naman lalapitan basta-basta ang anak ko kung hindi mo siya kilala, hindi ba?"

Pagkasabing 'yon ni papa ay biglang lumamig sa sasakyan. 

"Sinong nag-open ng aircon? Pwede pakibabaan? Full blast talaga dito sa pwesto namin?" tanong ko naman kasi sobrang lamig na.

"Tanungin mo 'yang boyfriend mo kung bakit biglang lumamig dito, Samantha," sabi naman ni tito kaya napatingin ako kay Lucas na mukhang kinakabahan.

Umirap ako kaya papa. "Hindi ko nga po siya boyfriend, Pa." Pagkatapos ay bumaling ako kay Lucas. "Anong problema mo?"

"Ah, wala lang, Samantha," sabi naman nito na halos di makatingin sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at tiniis ko na lang ang lamig sa sasakyan. Sa kalagitnaan ng byahe ay bumalik din lang sa normal at nawala na ang lamig kaya nanahimik na lang din ako nang tuluyan.

Hindi nagdalawang-isip si Tita Mila na magbukas ng pinto sa amin ni papa nang matunton namin ang kuwarto kung saan naka-admit ang katawan ni Lucas. Mukhang tuwang-tuwa pa siya na makita ako. "Samantha! Dumalaw ka ulit." Napatingin naman siya kay papa at saglit na nagtaka.

"Ah, magandang umaga, balae, ako ang tatay ni Samantha," sabi ni papa kaya bigla ko siyang nahampas sa braso niya.

"Papa!"

Tumawa naman si Tita Mila at nakipagkamayan siya kay papa bago niya kami pinatuloy sa kuwarto.

Kunot-noo naman si papa nang pumasok kami. Hindi ko siya masisisi kasi mukhang mas lumakas yung negative energy sa kuwarto ni Lucas.

"Hanggang dito lang kami, Roberto," biglaang sabi ni tito Atanacio. "Ayaw kaming papasukin ng nilalang, mukhang inaangkin niya ang buong kuwarto."

Palihim naman na tumango si papa at nagtungo na kami sa bed ni Lucas. Maingay ang tunog ng mga aparato sa paligid niya. Medyo madilim sa kuwarto, at ang bigat ng pakiramdam ko sa paligid.

Umupo si papa sa may silya sa paanan ng katawan ni Lucas. Pinaupo naman niya ako sa tabi ng katawan ni Lucas, habang si Tita Mila naman ay nasa kabilang tabi. "Hindi ko aakalain na dadalaw din ang papa mo, Samantha," sabi ni Tita Martha.

"Ah, nalaman ko kasi ang nangyari kay Lucas, balae," ani papa kay Tita Mila habang mahinang natatawa. "Noong nakaraang linggo pa dapat ang punta ko rito, ngunit may mga naging trabaho ako sa karatig na probinsiya kaya di ako makabisita," dagdag niya na nagsisinungaling.

Sumimangot ako kasi ayan na naman siya sa pagba-balae niya. Nakakairita kaya!

"Papa, nakakahiya kay Tita Mila, tinatawag mo siya na balae mo," sabi ko sa kanya pero itinawa lang iyon ni tita Martha.

"Walang problema, anak," sabi ni tita Mila. "Nakakatuwa kayong dalawa. Kung maari sana ay pakibantayan n'yo muna si Lucas, tatawag lang ako sa isang fast food chain para magpa-deliver ng meryenda natin."

Nang tumango kami ni papa ay tumayo na si tita Mila at diretso na siyang lumabas.

Nang mawala na siya sa kuwarto, agad na sumeryoso ang mukha ni Papa. Tumayo siya at ibinaba niya ang kumot ni Lucas at ipinatong niya ang kamay niya sa tiyan nito.

Pumikit siya nang ilang saglit, at nang magdilat siya ng mga mata ay bakas sa mukha niya ang pagkabahala.

"Malapit na niyang makuha ang katawan ni Lucas," sabi ni papa sa akin. 

"Pero maibabalik mo po ba siya sa katawan niya, papa?" tanong ko.

Ngunit nanlumo ako nang umiling siya. "Si Lucas ay isang anak ng araw. Bilib ako na kinaya niyang magtagal nang ganito."

Napataas ang mga kilay ko. Hindi nga naman maipagkakaila na isa siyang anak ng araw. Dahil sa kabila ng kagagawan ng black lady, hindi pa rin nito tuluyang nakukuha ang katawan ni Lucas.

Kilala ang mga anak ng araw bilang simbolo ng liwanag. Bibihira lang sa kanila ang nakakakita ng kaluluwa, pero ang enerhiya nila ang nakaka-attract ng mga nilalang.

Tinatawag silang anak ng araw dahil nagliliyab sa liwanag ang enerhiya na likas sa kaluluwa at katawan nila. Malakas ang konstitusyon nila, at kalimitan ang kanilang enerhiya ang nagbibigay lakas sa mga ritwal.

Sabihin na natin na gift ito sa mundo ng mahika. Ngunit kaakibat nito, kadalasan biktima sila ng mga kampon ng kasamaan, mula sa mga multo, aswang, hanggang sa mga mangkukulam na gumagamit ng itim na mahika.

Siguro yung black lady, balak niyang mabuhay muli upang maghasik ng lagim. At para mabuhay siya nang matagal, kailangan niya ng malakas na katawan. At nasaktong na-admit sa kuwartong minumulto niya si Lucas na isang anak ng araw.

"Mukhang ikaw ang dapat na magpabalik ng kaluluwa niya sa katawan niya, Samantha."

"Po? Bakit po ako?"

"Ayaw mo ba?" tanong niya.

Mabilis akong sumagot. "Gusto ko po, pero di ko po alam kung paano."

Ngumiti si papa sa akin. "Siyempre tuturuan kita kung ano ang dapat mong gawin, Samantha," sabi niya. "Pero dapat hindi ka matakot."

"Ibig-sabihin po nito pwede na akong mag-aral maging Baylan, papa?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya at inayos na niya ang kumot sa katawan ni Lucas. "Malakas yung black lady, kailangan mong mag-ingat dahil sa kakayahan mo nakasalalay ang buhay ng boyfriend mo."

Inangilan ko siya. "Hindi ko po siya boyfriend!"

"Kung gano'n bakit ka nag-desisyon na tulungan si Lucas."

Saglit akong natahimik, hanggang sa nagkibit-balikat ako. "Kahit na makulit siya at madaldal, kumportable pa rin ako sa kanya." Sumulyap ako sa katawan ni Lucas. "Atsaka sabi niya sa akin mahilig din siyang magbasa ng libro. Marami kaming mapagku-kuwentuhan kapag naibalik na siya sa katawan niya..." Doon ay napalitan ng lungkot ang excitement ko. "Kung sakaling maalala niya pa ako kapag nagising na siya."

Natawa lang si papa sa tinuran ko. Naiintindihan niya kasi ang sitwasyon ko.

Kumalat sa school na may kakayahan akong makikita ng multo, at kahit i-deny ko iyon, nilayuan pa rin ako ng mga tao. Kasi ang weird daw, at napaka-creepy.

Kaya nagbasa na lang ako ng libro at laging sa libary na ako tumatambay tuwing recess.

Dahil sa ganitong routine ko, mas lalo akong nawalan ng pag-asa na magkaroon pa ng kaibigan.

May isang point na kinonsidera ko na rin ang makipag-kaibigan sa mga multo. Kaso natakot ako.

Hanggang sa nakilala ko si Lucas. Siyempre ang hilig niyang magbasa ng libro ang siyang dahilan kaya magpapasya ako na tulungan siya. Ngayon lang kasi ako magkakaroon ng kaibigan at kapareha ko pa ng hilig.

"Tama na pag-daydream mo sa kasintahan mo, uy!"

Naibalik ako sa kasaukuyan nang bigla akong kalabitin ni papa sa braso. Nang tignan ko siya ay nagpatuloy lang siya sa pang-aasar niya sa akin. Tumataas-taas pa ang kanyang mga kilay.

"Ikaw Samantha ha, masiyado ka pang bata para pagpantasyahan si Lucas. Atsaka hintayin mo munang makabalik ang kaluluwa niya sa kanyang katawan bago ka mag-isip ng kababalaghan na gagawin mo sa kanya," pangaral niya na siyang tinugunan ko ng mlakas na pag-angil.

Pagagalitan ko na sana siya, ngunit natigilan ako, nagitla, at nabalot ng takot ang aking katawan.

Napako naman din si papa sa kinatatayuan niya at seryoso siyang napatitig sa akin.

Gusto kong sumigaw ngunit pinandilatan ako ni papa kaya muli ko na lang ibinaling ang aking tingin kay Lucas.

"Sana magising na po siya, nami-miss ko na siya," sambit ko na medyo kinabahan.

Paanong hindi ako kakabahan at matatakot, eh nagpakita yung black lady at nakatayo siya ngayon sa likod ni papa.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 144 48
She can see ghost, she can see shadow, what she fears the most she still see that shadow sitting in her bed, watching her sleep. COMPLETED Date Start...
45.4K 1.5K 31
🔥Highest Ranked Achieved #31 in Paranormal 🔥THE MEGA WATT AWARDS 2017 Best in PARANORMAL WINNER. ( 50% MYSTERY&THRILLER, 25% PARANORMAL, 15%HORROR...
40.3K 3.6K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...