The Third Eye Society Club

By MissAlbularyo11

172 21 30

Nakakakita ng mga multo at elemento si Samantha. At para sa kanya ay isa nang normal na pangyayari iyon sa ka... More

Copyright
About the Story
Case #1: The Curious Case of Lucas Santiago
Chapter 1-1: The Guy Who was Never Dead
Chapter 1-3: The Guy Who was Never Dead
Chapter 2-1: A Professional Consultation
Chapter 2-2: A Professional Consultation

Chapter 1-2: The Guy Who was Never Dead

11 3 4
By MissAlbularyo11

Matagal akong napatitig sa kanya, ini-internalize pa rin ang kanyang sinabi.

Hindi pa siya patay?

"I-I saw myself...sa isang hospital bed. Pero hindi ko maalala kung paanong nandito ako sa school. Kapag bumabalik ako sa ospital, hindi ako makapasok sa room ko. Hindi ko man lang malapitan ang katawan ko, pati si mama at si papa, di ko sila mahawakan. At lagi na lang akong naibabalik dito!"

Bigla siyang umiyak sa harapan ko. "I only have three weeks bago i-approve ni mama ang euthanasia ko. Gusto ko pang mabuhay, Samantha, pero hindi ako makagising!"

Ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking umiiyak sa harapan ko. At hindi ko maiwasang maawa sa kanya.

Ang paghikbi niya lang ang naririnig ko. At malamang ay ako lang ang nakakarinig sa iyak niyang 'yon.

Halos hindi ako makapagsalita.

First time kong makakilala ng kaluluwa na buhay pa ang katawan. Pero kahit nga na hindi pa siya patay...

"Hindi ko pa rin alam kung paano ka tutulungan," aniko sa kanya.

Malakas siyang bumuntong-hininga at tumigil siya sa pag-iyak niya. Ngumiti siya nang malungkot sa akin. "Ngayon alam ko nang nakikita mo ako, Samantha."

Nagitla ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Ang kulit mo kasi, at ang daldal mo pa."

Bumunghalit siya ng tawa at pinahid niya ang kanyang mga mata. "But can I at least ask you for a favor? Just this one last time? Pangako hindi na kita guguluhin pagkatapos."

"Ano bang gusto mong mangyari?" tanong ko.

"Pwede ba kitang saniban?"

Nilingon ko siya at sumama ang tingin ko sa kanya. "Say what now, kuyang multo?"

"I'm Lucas, by the way," untag niya muna bago nagpatuloy ulit sa pagsalita, "nakita ko sa mga palabas na pwedeng saniban ng isang multo ang tao na may third eye kasi malakas ang powers nila."

"At ang punto mo?"

"Baka makapasok na ako sa kuwarto ko kapag sumanib ako sa katawan mo."

Umiling ako sa kanya. "Hindi mo pwedeng gawin 'yon. Baka ikapahamak nating dalawa."

Mahigpit na ipinagbabawal ni papa ang pagpapasanib, masama kasi 'yon at minsan ay baka humantong sa kamatayan.

"May alam ka bang paraan para makapasok ako kasama ka?"

"Sapat na siguro na nakadikit ka sa akin," tugon ko. "Pero bakit di ka makapasok sa kuwarto mo?"

Natigilan siya sa tanong ko at nakita ko ang bakas ng kaba at takot sa kanyang mukha.

Hindi naging maganda ang pakiramdam ko sa tinuran niya. May nangyari ba sa kanya doon sa ospital?

Kung tutuusin ay pareha namang nakakatakot ang mga multo sa ospital at sa school. Atsaka baka may nakabangga siyang vengeful na multo kaya siya na-kick out sa kuwarto niya.

"Hindi ko masabi eh," sambit niya. "Atsaka antagal na simula nung nasa ospital ako kaya di ko na maalala kung ano yung nasa kuwarto ko."

Nag-aya ako na maglakad, at nag-uusap pa rin kami kahit nung nasa clinic na kami ni Lucas.

Nakaupo lang ako sa isa sa mga kama sa clinic at naka-cover ang mga kurtina sa bawat side ko para di ako maka-istorbo ng iba pang natutulog sa clinic. Nakikinig ako sa mga kuwento ni Lucas tungkol sa sarili niya.

"So Grade 11 ka pa lang? Akala ko graduating ka na," gulat ngunit pabulong kong sabi nang pormal siyang magpakilala sa akin. Bawal kasi ang maingay dito sa clinic kasi may kasama kaming natutulog sa may kabila.

Siya pala si Lucas Santiago, Grade 11, 16 turning 17 years old. And self-proclaimed na gwapo.

Siguro dahil sa hindi siya nakakatakot o dahil outgoing ang personality niya, naging kumportable akong kausapin siya kahit multo siya.

"At sikat kaya ako, nakakagulat na hindi mo ako kilala," confident niyang sabi sa akin.

Doon ko naalala ang usap-usapan tungkol sa isang sikat na athlete ng school na naaksidente last month. Siya pala 'yon.

"Sa mukha mo ba naman na duguan, sa tingin mo makikilala kita?"

"Search mo ako sa social media, tiyak maga-gwapuhan ka sa akin. Ako ang Vice Captain ng Volleyball team."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Inilabas ko ang aking phone at hinanap ko sa social media ang pangalan niya.

Sumilip siya mula sa tabi ko at tinuro niya ang picture ng isang lalaki na nakasuot ng maroon na varsity t-shirt at itim na volleyball shorts. "Iyan, Samantha, ako 'yan. Ang gwapo ko noh?"

Tumango ako nang pindutin ko ang profile niya at maayos kong nakita ang mukha niya. "Oo nga, gwapo ka nga," pagsang-ayon ko.

Malumanay ang kanyang pagtawa. "O, baka makagusto ka bigla sa akin ha."

Sumama ang tingin ko sa kanya. "As if!"

Oo gwapo siya, titignan ko pa nga sana yung iba niyang mga litrato eh, pero masiyado siyang mahangin. Nakakawalan ng ganang magka-crush sa kanya.

"Pero kapag bigla kang magkagusto ka sa akin, Samantha, sabihin mo lang ha." Hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi. "Kasi kapag nagising ako, liligawan kita kung gusto mo."

Maniniwala na sana ako sa kanya, subalit naalala kong mahangin pala siya. Kaya peke akong ngumiti sa kanya. "Nakakatawa yung joke mo, kuya Lucas."

Tumawa siya nang malakas. "Mukhang joke ba yung sinabi ko?"

Napailing na lang ako sa kanya. "Atsaka malabo na maalala mo pa ako kapag nagising ka," sabi ko sa kanya. "Makakalimutan mo ang lahat ng tungkol sa akin oras na makabalik ka sa katawan mo."

Nagkibit-balikat lang siya sa akin, sunod niyang ikinuwento ang tungkol sa mga paborito niyang pagkain, kung saan siya namamasyal after school, kung ano ang favorite flavor niya ng ice cream.

At ako naman ay nakinig lang sa kanya hanggang sa tumunog ang school bell, hudyat na tapos na ang morning classes namin.

"Okay lang ba na bumisita ako ngayong lunch sa ospital?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, 15 ka naman na hindi ba?"

Tumango ako sa kanya. "Kung gano'n, tara na para matapos na natin 'to."

HUMINGA muna ako nang malalim at pinagmasdan ang pinto sa harapan ko. Private room, beige na pinto, at higit sa lahat: Room 1311.

Nilingon ko si Lucas na ngayon ay katabi ko.

"Dito ba 'yon?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya habang diretso na nakatitig sa pinto ng kuwarto. "Hahawakan ba kita, Samantha?"

"Yung damit ko ang hahawakan mo, kuya Lucas."

Biglang nabaling ang tingin niya sa akin. "Maka-kuya ka riyan, para akong others ah. Tawagin mo na lang akong Lucas."

Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako marahan na kumatok sa pinto. Bumukas naman ito pagkatapos ng tatlong katok.

Bumungad sa akin ang isang ginang na mas matanda lang siguro ng ilang taon sa nanay ko. Medyo magulo ang kanyang buhok at mukhang puyat siya at pagod.

"Mama!"

"Magandang hapon po, ako po si Samantha," bati ko sa kanya. "Bibisita po sana ako kay Lucas."

Pero sa hindi malamang dahilan ay biglang lumiwanag ang kanyang mukha nang makita ako.

"Ikaw ba ang girlfriend ng anak ko?" Magsasalita sana ako, pero hindi niya ako pinayagan na makapag-deny. "Halika hija, pumasok ka. Hindi pa rin gumigising si Lucas, pero mukhang may pag-asa na dahil dumating ka." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mukhang nasa Junior high ka pa lang, Samantha. Grade 11 na si Lucas at 17 years old na siya sa nalalapit na birthday niya."

Birthday?

"Three weeks from now is my birthday," sabi ni Lucas mula sa likod ko. "It's November 1."

Pista ng patay? Pinigilan kong matawa.

"Ah gano'n po ba, Mrs. Santiago?"

"Just call me, tita Mila, hija," tugon ng ginang sa akin na nakangiti pa rin.

Nahihiya man pero sumakay na lang ako sa trip ng nanay ni Lucas. "Ah, tita Mila."

"Good! Halika rito, anak."

Pumasok ako sa kuwartong 'yon nang hindi man lang alam kung ano ang kaakibat no'n. Bigla na lang akong nahilo, at halos maduwal ako sa sobrang bigat na nararamdaman ko.

Bakit ang lakas ng negative energy sa kuwartong ito? Nakakatakot!

Kailangan matapos na agad ang trabaho ko rito, kailangan ko ng umalis at baka magpakita yung vengeful na multong nag-angkin sa kuwartong ito.

Agad kong inayos ang sarili ko nang lingunin ako ni tita Mila. Pilit akong ngumiti at sumunod sa kanya.

Malawak nga ang private room ni Lucas. May flat screen na tv, may mini ref at dining table. Air conditioned ang mga private room at mayayaman lang ang nakakapag-stay dito.

Sa gitna ng kuwarto, napapalibutan ng iba't ibang aparato ang hospital bed kung saan mahimbing na natutulog ang isang lalaki na mukhang kasing edad ko, o kaya ay mas matanda sa akin ng isang taon. May tubo ang bibig niya, pero maamo pa rin ang kanyang maputlang mukha. Hindi mo aakalain na nakahiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan.

Iginiya ako ni tita Mila sa isang silya na nasa tabi mismo ng hospital bed ni Lucas.

Minabuti ko munang tignan ang ang katawan ni Lucas bago ako umupo. Hinawakan ko ang kamay niya, malamig ito. Marahan ko pinisil ang kanyang kamay para maikalma ko ang aking sarili.

Saglit na nagpaalam si tita Mila na iihi, kaya nang makaalis siya ay bumaling ako kaagad kay Lucas. "May girlfriend ka ba? Baka huntingin ako ha."

Umiling siya sa akin. "Maniwala ka sa akin, wala akong ka-close na babae. Mahilig lang talagang mag-assume si mama, sakyan mo na lang, Samantha."

"Iyon na nga ang ginagawa ko eh," sabi ko. Pagkatapos ay hininaan ko ang boses ko. "Bago ka naitapon sa school, may nakabangga ka bang multo? Or na-offend na multo? O kaya ay may kaaway ka ba?"

Hindi ko maikakaila ang kaba na pumorma sa kanyang maamong mukha. "B-Bakit mo natanong, Samantha?"

"Kasi ang bigat ng negative energy sa kuwartong ito," sambit ko. "Either vengeful ghost or kinukulam ka para mamatay ka. Tapos dumagdag pa yung stress ni tita Mila sa aksidente mo, kaya sobrang concentrated yung negativity. Ang bigat ng pakiramdam ko rito sa kuwarto mo, Lucas."

Sasagot na sana si Lucas, pero bumukas ang pinto ng banyo at lumabas na si tita Mila.

Continue Reading

You'll Also Like

27.3M 697K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
132K 10K 74
A Paranormal-Love Story *** Sa mundong lahat ay posible. Harapin ang takot. Tuklasin ang natatagong lihim. Sa mga katanungan na hahanapan ng kasag...
4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...