Sa Taong 1890

By xxienc

86.3K 3.6K 1K

Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang... More

Mula sa May-akda
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70

Kabanata 32

1K 49 24
By xxienc

|Kabanata 32|

Nobyembre 18, 1889

Kahit anong pagsubok ang mapagdaanan at sakit na mararamdaman, magpakatatag ka. Lumaban ka at huwag kang magpapatalo.

Martina







Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay saglit akong natigilan at unti-unting iginalaw ang aking ulo palingon sa kaniyang direksiyon.

Nasilayan ko ang kaniyang labing bahagyang nakataas ang sulok dahil sa isang matamis na ngiti. Pati na rin ang kaniyang mga matang mapupungay at tila ba'y kumikislap. Ang kaniyang buong mukha ay maaliwalas at makikita ang saya habang bakas rin ang kuryusidad at paghihintay sa aking sagot.

Tama ba ang narinig ko? Inaaya niya talaga ako ng sayaw? Eh hindi naman ako marunong sumayaw. Baka maapakan ko pa siya at marumihan ang kaniyang sapatos.

Ginalaw naman niya kaunti ang kaniyang kamay nang mapansin niya yatang nakatitig na lamang ako sa kaniya at hindi na kumibo.

Napakurap ako at napatingin sa kaniyang kamay na nakalutang sa ere sa pagitan naming dalawa. Mabilis naman akong napabalik ng tingin sa kaniya at nasilayan ko na naman ang isang ngiting tinitiyak akong magiging maayos lang ang lahat.

Inialis ko na lamang sa aking isipan ang mga negatibong mga pag-iisip at unti-unting itinaas ang aking kamay upang tanggapin ang kaniyang alok saka ko siya nginitian.

Isang tipid na tango ang kaniyang ibinigay at hindi pa rin nawala sa kaniyang mukha ang ngiti niya habang iginigiya niya ako papunta sa gitna katabi ang ibang mga pares ng mga mananayaw. Kasabay niyon ang pag-iba ng musika at naghiwalay na ang mga pares at nakalinya na ang mga binibini na katapat ang mga ginoong kanilang kapareho.

Kasama namin sa pagsasayaw, syempre si Clara na nasa pinakauna at iilang mga binibini na hindi ko kilala. Pangalawa kami sa pinakahuli. Narito rin sina kuya Marco, Carolino at ang magkakapatid na Varteliego maliban na lamang kay Leon. May ibang ginoo rin kaming kasama ngunit hindi ko na sila kilala.

Matapos kong pasadahan ng tingin ang mga mananayaw ay natigil at napatitig naman ako sa isang taong ilang metro lang ang layo sa akin. Kay Joaquin. Ang kaniyang katapat ay si Clara.

Mistulang akong nakuryente sa gulat nang matagpuan kong ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa aking direksiyon. Puno ng pagtataka at iniisip kong iyon ay ilusyon lamang kaya kaagad akong napaiwas ng tingin at itinuon iyon sa aking saya.

Bakit naman siya titingin sa iyo, eh nasa kaniyang harapan na nga ang kasintahan niya?

Sinubukan kong lumingon at tignan kung iyon nga ba ay totoo. Kung siya ba ay nakatingin nga sa akin. Ngunit ako ay nagkamali. Sapagkat nakatingin siya kay Clara na may kaunting ngiti sa kaniyang labi na siya rin namang sinusuklian ng babae.

Ayan kasi, Chestinell. Kung ano-ano na lamang kasi ang iniisip mo.

Bumalik nalang ang aking gawi kay Agustin na siya rin ang paglingon sa akin. Ramdam ko rin sa aking loob ang aking puso na hindi mapakali at mukhang sasabog na yata sa bilis ng tibok nito nang maalala ko kung nasa anong sitwasyon ako. 

Hindi ako magaling sumayaw. Hindi ko rin alam kung ano at paano ang sasayawin namin. Baka mapahiya pa ako dito. Dala ko pa naman ang mamahaling pangalan ni Kristina.

Sigurado akong alam niya lahat ng sayaw ng kapanuhang ito. Eh ako, hindi eh. Naku naman.

Napaipit tuloy ako sa aking labi nang nagsimula na ang tugtog at nagsipagyukod na ang bawat isa sa kanilang mga pares.

Binigyan ko ng pilit na ngiti dahil sa hiya si Agustin at kaagad na yumukod kahit na nahuli na ako.

Nagmistulang haleya ang aking mga binti at nanginig. Mukhang wala na itong mga buto dahil sa kabang aking naramdaman.

Umabante na ang bawat pares upang salubungin ang isa't-isa kung kaya naman ay nakigaya na rin ako. Upang mawala ang kahihiyan ay naroon pa rin ang aking mga ngiti.

Hindi bale na at matisod o magkamali basta't maganda at may poise pa rin ako.

Nagkalapit na kami ni Agustin na ilang sentemetro na lamang ang pagitan naming dalawa. Mukhang wala siyang kaalam-alam na hindi pala ako marunong sumayaw at sobra na ang aking kaba rito dahil nakangiti at patuloy lamang ito habang nakatingin sa akin.

Napailing na lamang ako saka ginagaya at sinusundan ko siya at minsa'y sumusulyap sa mga katabi nang sa gayon ay makasayaw man lamang ako ng medyo maayos.

Magkatabi at nakaharap kami sa kasalungat na direksiyon pagkuwa'y magkasabay naming itinaas ang kanang kamay at pinagtagpo ang bawat pulsuhan habang ang mga katawan ay sumasabay sa malumanay ngunit may kasiglahang ritmo ng musika.

Ganoon rin ang ginawa sa kabilang mga kamay at ang mga paa'y humahakbang paatras at paabante nang nagpalit na naman kami ng puwesto.

Dalawang beses ding inulit iyon at maya-maya pa ay magkaharap na kami sa isa't-isa. Kasabay niyon ang paghawak niya sa aking kaliwang palad at ang kaniyang kabilang kamay ay sa aking beywang. Inilagay ko rin naman ang aking kanang kamay sa kaniyang balikat.

Ilang sandali kaming mistulang lumulutang sa ere at dumuduyan. Nakangiti lamang kami sa isa't-isa at dinadama ang sayaw.

Aatras. Aabante. Bitaw ang isang kamay at lalayo. Ikot pabalik sa kaniya at haharap sa iisang direksiyon. Atras. Abante. Gilid. Ikot sa kinatatayuan. Bitaw. Balik sa kaniya. Hawak sa balikat. Atras. Abante. Gilid. Atras. Abante.

Inuulit-ulit na bulong at pagsaulo ng aking isipan sa bawat susunod na hakbang ng sayaw. Lihim na lamang akong napangiti nang animo'y natanggalan ng tinik ang aking dibdib nang kahit papaano ay medyo alam ko na ang sayaw.

"Hindi mo ba talaga ako hinihintay man lamang, Binibini?"

Kaagad na nagdugtong ang aking mga kilay nang marinig ko ang kaniyang tanong. Natawa rin ako't iniiling ang aking ulo.

Hindi pa talaga siya nakakalimot sa paksang iyan?

Nakangisi siya na parang nagbibiro ngunit seryoso ang kaniyang boses. Kaya't napailing nalang ako at tumitig sa kaniya.

"Alam mo, bilang kaibigan kasi minsan iniisip din natin ang kanilang kalagayan. Kaya, medyo nag-alala rin kaya ako sa iyo baka kung ano na ang nangyari sa iyo sa iyong lakad," tugon ko.

Kahit pa man ako ay hindi pa tapos sa pagsasalita ay mas lalo pa siyang napangiti dahil sa kaniyang narinig. Mukha itong engot.

"Iyan nga ang aking iniisip eh. Mabuti na lamang at may kaibigan akong katulad mo, Binibini," aniya sa pagitan ng patuloy naming pagsasayaw.

"Martina," pagtatama ko.

Isang kilay niya ang napaangat at bahagyang nawala ang kaniyang ngiti, indikasyong hindi niya naunawaan ang aking nais na sabihin.

"Ang sabi ko, Martina na lamang ang itawag mo sa akin. Magkaibigan na naman tayo, hindi ba?" pag-uulit ko.

Napanguso siya pakaliwa at napatingin sa malayo, "Ngunit, ang pagtawag ko sa iyon ng binibini ay isang paggalang. Iyong ang nararapat, Binibini," katwiran niya pa at mas diniinan pa ang salitang iyon at bumalik ang tingin sa akin.

Napairap ako. Minsan talaga hindi ko maintindihan itong lalaking ito. Minsan napakamaginoo at pormal, minsan naman ay parang si Kuya Marco kung makaasar at makatukso sa akin.

"O sya, sige. Kung ganoon, hindi na lamang tayo magkaibigan."

"Huwag, huwag. Oo na, Martina na lamang ang aking itatawag sa iyo," mabilisan niyang pagpigil kaya napahalakhak ako ng kaunti na siyang ikinagaya niya rin naman.

Ang kukulit ng mga tao rito sa 1890. Ang akala ko'y masyado talaga silang pormal, tahimik, at seryoso. Hindi naman pala, dahil minsan may sayad rin sila.

"Ipagpaumanhin, at aking uudlutin ang inyong masayang pagsasayaw."

Isang mababang boses ang aking narinig at wala pang isang segundo ay nagkahiwalay na kami ni Agustin sa pagsasayaw at napalitan siya.

Tila ba'y isang bomba ang sumabog sa aking kaloob-looban nang aking masilayan ang isang taong nasa aking harapan. Mistulang nawalan ng mga buto ang aking mga binti na tila nais na nitong bumigay. Ang aking mga kamay ay parang ibinababad sa isang timbang puno ng napakalamig na tubig at ang aking mga titig ay hindi ko magawang ialis mula sa kaniyang mukha.

Owmaygush! Si Joaquin. Bakit magkapares na kami ni Joaquin?! Anong nangyari?

Tila'y pamaypay ang aking mga pilukat ng mabilis akong napakurap sapagkat hindi ako makapaniwalang siya ay nasa mismong aking harapan.

Nagsasayaw kaming dalawa! Ano ito?! Paano nangyari ito?

Iyon ang reyalidad na aking nakikita. Mas lalo pang sumabog ang aking sistema nang mapagtanto kong nakahawak na rin pala siya sa aking nanginginig at nanlalamig na kamay at beywang. Sana man lang ay hindi niya mabatid ang nararamdaman ko ngayon.

Kahit pa ang paghinga ay nahihiya akong gawin kung kaya naman ay pinipigilan ko iyon ng todo. Tila pa nga ay nasemento na ang aking leeg nang subukan kong lingunin ang iba pang nagsasayaw at ayaw pa nitong gumalaw.

Nasilayan ko nga na magkaiba na rin ang naging pares nina kuya. Si Agustin ay may ibang pares na rin. Inilipat ko naman ang aking tingin sa gawi ni Clara.

Hindi ko maintindihan nguniti pinagsisihan kong ginawa ko iyon. Ganoon na lamang kasi katalas ng kaniyang titig sa akin na kung nakakamatay pa ang titig ay kanina pa ako nakahandusay sa makintab at makinis na sahig. Para ba naman kasing kutsilyo na napakatalas ang kaniyang mga tingin. Hindi kay Joaquin kung hindi sa akin.

Hoy, hello. Kasalanan ko bang magpapalit pala ng pares ang sayaw na ito? Kung ayaw mo naman palang may kasayaw na iba itong kasintahan mo edi sana nagsayaw nalang kayo ng espesyal, iyong kayong dalawa lang. Duhh.

Napaismid nalang ako at napayuko nalang doon sa may bandang kwelyo ni Joaquin. Nakakahiya, sobra.

Hindi ko alam kung bakit. Kahit pa noong nakaraang mga araw ay madalas na nagtatagpo ang mga landas namin ay nahihiya pa rin ako kapag nasa harap niya.

Owmaygush! Bakit nangyayari ito?!

Naalala ko pa kahapon doon sa bahay nina Primitivo ay nagpaalam kami sa isa't-isa na uuwi na. Ngunit bakit ngayon, hindi ko man lang siya matignan?

Waaaaaaah! Gusto ko nang sumigaw sa hiya!

Nanatili kaming tahimik sa harap ng isa't-isa na pawang ilang sentemetro na lamang ang pagitan. Pilit ko na lamang inaalis ang mga iniisip ko't itinuon na lamang sa pagsaulo ng nga susunod na hakbang.

Mukhang kabisadong-kabisado na niya nga talaga ang bawat sayaw, eh pati ito ay wala man lang mali na kaniyang nagawa kahit pa ang chaka kong sumayaw. Maging kasintahan mo ba naman kasi ang 'It Girl' ng taong 1890.

"Magandang gabi sa iyo, Binibini."

Isang normal na boses ng pagbati ang aking narinig. Tila'y isang kidlat na mabilis napaangat ang aking ulo nang marinig iyon.

Nasalubong ko ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Seryoso ngunit malambot ang ekspresyon nito.

"H-ha?" wala sa mundong usal ko. "Ah, magandang gabi rin sa iyo, Ginoo."

Isang tipid na ngiti ang aking natanggap mula sa kaniya. Matapos niyon ay wala na muling nagsalita.

Hindi ko talaga alam. Ang awkward ng hangin.

Lihim nalang akong naglabas ng bara mula sa aking dibdib at napatingin sa kaniya.

"Hindi man masyadong maliwanag ang paligid ngunit kapansin-pansin pa rin ang iyong namumukod tanging kagandahan, Binibini," biglang wika niya na halos pabulong na.

Tila may matinis na tunog ang aking narinig at nanatili sa aking tenga ng ilang segundo. Mistulang nabingi yata ako dahil doon. Ang aking tingin ay nakatutok sa kaniya at tila na blanko na ang aking utak.

Naramdaman ko rin ang biglaang pag-init ng aking pisngi at pagkalabog ng aking dibdib.

"Ah, maraming salamat," pilit kong tugon kahit pa halos ako ay mawalan na ng hininga.

Kumalma ka nga, Chestinell. Para kang timang eh.

"Ikaw nga rin, Ginoo. Bagay na bagay sa iyo ang iyong suot," dagdag ko at bumitaw at lumayo sa kaniya.

Hindi siya kumibo ngunit isang tipid na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi.

Umikot na ako pabalik at nakaharap na kami ngayon sa iisang direksiyon habang sumasayaw.

"Mabuti nalang at kayo ay nakarating," pag-iiba ko at lumingon sa aking kaliwa kung saan naroon ang kaniyang mukhang dalawang pulgada na lamang ang pagitan.

Randam ko na nga ang kaniyang paghinga na mula sa kaniyang matangos na ilong ay tumatama sa aking pisngi at tenga. Magkarugtong din ang kaniyang kilay na mas lalong nagpaseryoso ng kaniyang ekspresyon.

Napansin ko ang mabilis niyang pagtingin sa malayo doon sa kumpulan ng mga tao nang marinig iyon. Ako ay nag-angat ng kilay nang hindi ko mabatid kung ano ang ibig na ipahiwatig ng kaniyang ekspresyon. Tila ba ay may tinatago iyon.

Hala, Chestinell, bakit parang ang sinabi mo kanina ay parang hinihintay mo pa siyang dumating ha? Baliw.

"Alam mo bang naghintay sa iyo si Binibining Clara? Labis nga ang kaniyang tuwa nang ikaw ay kaniyang nakitang ipinapakilala na," mabilis kong paliwanag.

Dahil doon ay biglang naituon niya ang kaniyang gawi sa akin. Mas lalo pang naging seryoso ang kaniyang mukha. Wala ring ni isang salita ang lumabas mula sa kaniyang bibig.

"Nagtaka kasi ako kung bakit tila'y malungkot siya eh kaniya pa namang kaarawan kaya medyo pinagmasdan ko siya," patuloy ko kasabay ng pag-ikot ko sa kinatatayuan ko.

Bumalik ako sa pagkahawak sa kaniyang makinis na kamay at tumuloy uli sa pagsasayaw. Napansin ko ang malalim niyang paghinga bago tumingin ng diretso sa akin.

"Binibini—"

"Martina? Ang aking akala'y ikaw ay hindi mahilig sa pagsasayaw sa ganitong mga okasyong mayroong maraming panauhing nakatingin?"

Hindi na natapos ni Joaquin ang kaniyang ibig na sabihin nang biglang pumalit si Kuya Marco. Tinanaw ko na lamang siyang pumares sa isang binibini.

Bumaling na lamang ang aking tingin kay kuya at bahagyang ngumisi.

"Mayroon lamang nag-aya sa akin, kaya binigyan ko na lamang ng pagkakataon," paliwanag ko.

Nang marinig iyon ay nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay at naitaas ang kilawang sulok ng labi.

"Ang aking inaakala'y binabantayan ka ni kuya? Bakit mayroong naglakas-loob?" aniya at napailing. "Basta't kaniyang kasama talaga si ate Guada, hindi na niya pinapansin ang ibang mga bagay sa kaniyang paligid."

"Tama na, Kuya. Si Agustin lang naman ang nag-aya sa akin. Tsaka kaibigan ko rin naman iyong tao na ang sama naman tignan kung tatanggihan ko," katwiran ko naman.

Nanlaki naman ang kaniyang ilong at napaismid na ikinatawa ko.

"Siya nga pala. Sino na ang nanalo sa iyong paramihan?"

"At talagang sinusubukan mo pang ibahin ang usapan ha?" usal niya pa sabay bitaw namin sa isa't-isa at lumayo.

"Ngunit, sa aking pagbibilang siyempre ako ang mayroong pinakamarami. Magpapatalo ba ako?" pagmamalaki niya. "Wala sa dugo ng mga Del Veriel ang magpapatalo, Martina."

Napailing ako sabay ikot pabalik sa kaniya at natawa ng kaunti.

"Aba, nagyabang pa, eh pansin ko nga na ang mga iyon ay napilitan lamang na makipagsayaw sa iyo."

"¡Madre mia, por favor! Walang napipilitan sa pagsasayaw kung ako, si Marco Del Veriel, ang kanilang kapareho."

Walang duda, dahil ito kay Gabriel. Pati na ang kuya ko nagiging mahangin na dahil sa kaniya.

"Oo na, oo na. Nagyabang pa eh," pagsang-ayon ko na lamang.

Ilang sandali pa naming sinabayan ang musika nang biglang nag-iba na si kuya ng direksiyon.

"Oh? T-teka, saan na tayo pupunta? Kuya?" pagpigil ko sa kaniya nang papunta na kami sa may bandang gilid.

"Ihahatid na kita rito sa gilid. Batid kong ayaw mo nang makipagsayaw," tugon niya habang unti-unti na kaming lumalayo sa iba.

"H-hindi na. Ayos lamang ako, Kuya. Hindi rin naman na ako sasayaw pagkatapos nito."

Napataas ang kaniyang kaliwang kilay at tipid na tumingin sa paligid bago sa akin.

"Ikaw nakatitiyak riyan? Magsabi ka lamang ng totoo." Lumapit siya ng kaunti sa may tenga ko, "At saka, hayaan mo si Ama. Kung ano man ang kaniyang sinabi sa iyo na hindi mo nais, huwag mo na lamang ipasok sa iyong isipan at puso."

Unti-unting suminag ang aking mukha at isang malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya, "Salamat, Kuya."

"Huwag ka nga magpasalamat. Iisipin kong tayo'y hindi magkapatid kapag iyong sinabi iyan."

"Kuya, hindi naman sa ganoon. Talagang nagpapasalamat lamang talaga akong mayroon akong mga kapatid na kagaya ninyo," wika ko.

Bakas sa kaniyang mukha ang hindi pagtiwala sa aking sinasabi nang siya ay napailing at tumingin sa malayo at natawa.

"Nakapagtataka. Ikaw ay marunong nga talagang magpasalamat at magbigay ng kahalagahan? Ang aking akala'y wala kang damdamin?" pang-aasar niya.

Napalukot ang mukha ko dahil doon. Apaka ano talaga nito. Saka ako ngumuso nang matawa siya lalo dahil sa pag-iba ko ng itsura.

"Kuya naman!"

Itinaas ko naman ang aking palad upang hampasin siya nang sa ganoong pagkakataon ay mabilis rin siyang bumitaw sa akin dahil magpapalit na ng pares kaya kamuntikan ko nang mamudmod sa sahig nang hindi ko siya maabutan.

Laking pasasalamat ko nang may brasong umalalay at sumalo sa akin. Mabilis akong napatayo at umayos ng posisyon dahil may mga nagtinginan na ring mga panauhin sa aking gawi.

Itinuon ko ang aking gawi sa taong aking kapares na nakahawak na sa aking bewang at kamay.

Si kuya Luis.

Nawala ang aking mga ngiti at isang blankong tingin lamang ang ibinigay ko sa kaniya. Ngunit kasalungat ang kaniyang ibinigay sa akin. Isang matamis na ngiti ngunit may kaunting kuryusidad at pagkalito.

Ang mga ngiting iyan, posible bang may kinalaman sa pagkamatay ko sa araw ng aking kasal? Hindi. Hindi iyon maaari. Mabait naman si kuya Luis kaya't hindi niya iyon magagawa.

"Binibining Martina, ayos ka lamang ba?" alala niyang tanong nang napansing nakatulala na ako sa kawalan.

Hindi ko alam, kuya Luis. Ang lalaking ipapakasal sa akin ay narito mismo sa aking harapan. At ang lalaking posibleng minamahal ni Kristina.

Wala sa isipan kong gawin ngunit nagtagpuan ko na lamang ang aking sariling nakatingin na sa gawi ni Ama. Mistulang may tambol sa loob ng aking katawan nang ang aking puso hindi mapakali. Dahil sa sandaling iyon nasilayan ng aking mga mata na nakatingin din sa aking gawi ang malamig at pagsingkit na pares na mga mata ni Ama.

Nakatitig ito sa akin kung kaya't pinilit kong mabatid ang kaniyang iniisip ngunit hindi ko magawa. Masyado niya iyong tinatakpan ng kaniyang seryoso at striktong aura.

Ama, ito ba ang iyong nais na gawin sa sarili mong anak? Ang tanggalin ang kasiyahan ang mga tao at bibigyan naman ng kahirapan at pagdurusa ang iba? Para sa iyong sariling interes?

"Binibini?" pagtawag ulit ni kuya Luis sa akin na naging dahilan ng mabilis kong pag-iwas ng tingin kay Ama at lumingon sa kaniya.

"O-oo, oo ayos lamang ako. Salamat," bahagyang nakangiting tugon sa kaniya.

"Marahil ay marami na ang nakapagsabi sa iyo, Binibini, ngunit napakaganda mo ngayong gabi," aniya na ikinaangat ko ng tingin.

Natawa naman ako ng kaunti.

"Ah, oo sabi nga nila. Ngunit, salamat sa iyong papuri. Ikaw nga rin, Ginoo, bagay na bagay sa iyong ang iyong suot."

Pareho lamang kaming biktima rito. Mas mabuting maging magkaibigan kami at nagkakaintindihan upang maging madali lang ang lahat.

"Salamat. Ngunit mas makisig pa rin ang iyong mga kapatid, hindi ba?"

"Bawat isa naman ay may kaniya-kaniyang kakisigang taglay. May mga aspeto naman kasing wala siya na mayroon ka at wala sa iyo ngunit mayroon siya," natatawang tugon ko.

"Tama ka riyan, tama, Binibini," tumango siya. "Kakaiba ang iyong mga pananaw sa mga bagay-bagay. Buong akala ko ay masama ang iyong ugali, ngunit nagkamali pala ako ng paghusga," dagdag niya na ikinarugtong ng dalawa kong kilay.

"Sobra naman. Hindi naman masama ang ugali ko," depensa ko.

Ang sama nga talaga ng tingin nila kay Kristina. Kahit pa sino sa kanila ang tatanungin.

Natawa siya, "Ipagpaumanhin mo, Binibini. Ngunit, hindi rin naman ganoon kabuo ang aking tingin na ganoon ang iyong ugali. Kailangan lamang talagang maintindihan ang iyong panig. At saka, kahit pa hindi ganoong kaganda ang ugali ng isang tao mayroon naman siyang mga katangian iyong tiyak na magugustuhan."

Napatango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Kasabay rin niyon ang pagkahulog ng aking tingin kay Clara.

Hindi si Joaquin ang kaniyang kapareho kaya bakas sa kaniyang mukha ang pagkainis at bugnot kahit pa tinatakpan niya iyon ng ngiti na halatang peke naman.

"Ilang taon na pala ang Binibining Clara?"

Nanatili kay Clara ang mga tingin ko habang sinasambit ang mga salitang iyon. Lihim rin akong natawa sa sarili ko.

Ako lang yata ang dumalo sa pagdiriwang na hindi man lang alam ang edad ng may kaarawan.

Napasunod din naman ang gawi ni kuya Luis. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya kunot-noong nilingon ko ito.

"Sa aking pagkakaalam ay dalawampu't dalawa na ang Binibini," tugon niya kasabay ng pagtingin niya sa akin.

"Ikaw, Ginoong Luis. Ilang taon ka na?"

Nanibago tuloy ako sa pagtawag sa kaniya ng Ginoo. Parang ang awkward naman na pakinggan. Kasi naman sila kahit na sinabihan ko ng Martina na lamang ang itawag sa akin, itong si kuya Luis ay nakabinibini pa rin.

Panandalian niya naman akong tinaasan ng kaliwang kilay na may kaunting ngiti sa sulok ng labi.

"Ako'y dalawampu at apat," aniya. "Magkasunod lamang kami ng iyong kapatid na si Lucio na dalawampu at lima.

Dalawampu't apat na pala talaga siya. Mabuti namang pumili ng minamahal si Kristina. Guwapo na nga itong si kuya Luis, mabait tsaka maunawain pa.

Hindi naman siguro imposibleng hindi siya magugustuhan nito kung kaya't bakit naman siya tutol na ipagkaisang dibdib sa taong mahal niya?

"Mabuti naman, Binibini at ikaw ay nakipagsayaw na," wika niya nagpabalik sa diwa ko.

Ngumiti ako, "Ah, niyaya kasi ako ni Ginoong Agustin. Ayaw ko naman na tanggihan siya."

Napahilig ang kaniyang ulo at kasabay niyon ang pagdugtong ng dalawang kilay.

"Ang aking akala'y matalas ang pagbabantay ng mga mata ni Lucas?"

Isang kaunting tawa ang aking nailabas nang marinig iyon, "Ay naku, umalis din naman siya dahil kasama niya si Ate Guada."

"Talaga?" Natatawang usal niya. "Sa amin din naman kasi ay kapag kaniyang kasama ang Binibini tila ba'y wala na kami sa kaniyang tabi."

Nagtawanan kami dahil sa kwento niya. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga kapag may kasintahan ka. Pero marahil nga.

At saka medyo napanatag na rin ang loob ko. Mabait nga talaga si kuya Luis.

Ilang sandali rin kaming nanatiling magkapares ni kuya Luis bago nag-iba ang kapareho hanggang sa bumalik ang orihinal na kasayaw.

"Hindi ko naman aakalaing mag-iiba pala ng kapareho, hayun at ilang lamang kitang niasayaw," nakangiti ngunit dismayadong komento ni Agustin nang nagkapares uli kami.

Napangisi ako, "Hmm, sa aking palagay naman ay nasiyahan ka sa iyong mga naging kapares."

"Hindi naman sila ang aking inayang sumayaw kung kaya't bakit naman ako masisisyahan?" aniya at bumitaw na kami sa isa't isa at napalinya saka yumukod ang bawat magpares, nangangahulugang tapos na ang sayaw.

Isang malalim at mahabang pagbuga ng hangin ang aking ginawa. Mabuti naman at tapos na.

Nagpalakpakan ang mga panauhin na nakapalibot. Iginiya naman ako ni Agustin paalis doon at bumalik na ako sa aming mesa na nakasunod siya.

Nadatnan namin doon sina Tiya, kuya Lucio at kuya Lucas kasama si ate Guada. Parehong nakaangat paitaas ang mga kilay nina kuya nang makita ako ngunit nakangiti lamang si ate Guada at Tiya.

Binati naman ni Agustin si Tiya at si ate Guada pati na rin sina kuya na napasingkit ang mga mata sa kaniya.

"Kumusta ang pagsasayaw, pamangkin. Nasiyahan ka ba?" nakangising usisa pa ni Tiya kasabay niyon ang pag-upo ko sa inupuan ko kanina.

"Ayos lamang po, Tiya," ngumiti ako.

Ngumiti rin naman si Tiya saka tinanguan kaming lahat, "Sya, ako'y babalik na roon. Alalahanin niyo ang bawat isa."

"Opo, Tiya."

Magkasabay naming sinagot si Tiya at napangiti muna siya bago naglakad paalis. Uupo na sana si Agustin sa tabi ko nang pigilan siya ni kuya Lucas.

"Oi, psst, huwag. Huwag ka riyan umupo at baka mapalo kita," saway niya sabay turo pa rito.

Natawa naman kami ni Ate Guada ngunit nanatiling seryoso ang tingin ni kuya at si Agustin naman ay bahagyang nakasimangot.

"Anong nangyayari rito?"

Sabay-sabay kaming napalingon nang makarinig ng isang boses. Si kuya Lucio ay parating saka tumigil sa may upuan na inupuan niya kanina, ang uupuan na sana ni Agustin.

"Kuya, riyan ka. Bumalik ka sa inuupuan mo," utos ni kuya Lucas sa kaniya. "Kahit pa tayo ay  magkaibigan at magkaklase, hindi ka makakatabi aming kapatid sa pag-upo. Ano pa't iyo na siyang naayang sumayaw, huwag na sumubra," baling niya naman kay Agustin.

"Hindi naman talaga ako uupo riyan eh," depensa naman niya saka umupo sa upuan na kasunid ng kay kuya Lucio.

Lihim na lamang akong natawa sa inaasal nila.

"Makinig, Agustin, makinig," natatawang sambit ni kuya Lucio sa kaniya.

Umupo na si kuya Lucio at kasabay niyon ay ang pagdating ng iba pa at nagsipag-upo na, pabalik sa kanilang inuupuan kanina.

"Akalain mo iyon, nakasayaw mo pa si Binibining Ergenia."

Si Gabriel na naman ang nagpasimuno sa kanilang mga paksang kahit kailan ma'y hindi matatapos.

Napailing naman na natatawa si Carolino. May gusto si Carolino sa Ergenia na iyon? Sino naman si Ergenia?

"Oo nga, hindi ba't siya iyong nakipaghilahan ng buhok kay Martina dahil akala niya'y may relasyon kayong dalawa?" sang-ayon pa ni kuya Marco na nagkasabay sila ng tawanan dahil doon.

Kaagad na nagdugtong ang mga kilay ko nang marinig ko ang pangalan ko. Mas lalo pang kumunot ang aking noo nang sabay-sabay silang lahat na natatawang lumingon sa akin.

"Oo siya iyon. Kahit ilang taon na ang lumipas hinding-hindi ko makakalimutan iyon," bulalas ni Agustin. Alam niya rin?

"Aba'y ako rin," sang-ayon ni Leon. "Akalain ninyong nagkalagnat ng medyo malala ang Binibini dahil ginantihan niya rin ng sabunot at nagkakalmot pa sa mukha," natatawang kwento niya na siya ring ikinatawa lalo nilang lahat.

Ako, hindi ako natawa. Nagulat ako. Grabe, ganoon ka warfreak si Kristina. Sa bagay, hindi na ako magtataka pa. Sinaktan siya ng una eh, edi gumanti siya.

Akalain mo, nasabunutan at nakaaway niya, nagkalagnat pagkatapos.

"Kasalanan din naman ni Binibining Ergenia iyon, masyadong mapanghusga," sagot ni Joaquin.

"Tama ka, kaya nga," sang-ayon ni Carolino saka pa ngumisi sa akin. "Malaki nga ang aking pasasalamat na ginawa iyon ni Martina, dahil hindi na muling naang-abala pa iyon."

Nagsipagtawanan na uli na naman sila. Mas maingay pa nga ang aming mesa kumpara sa iba at sa orkestra.

"Pero, hmm. Nakasayaw mo naman siya uli," biglang tukso ni ate Guada sa kapatid, kaya naman nagsipag-yiiee naman silang lahat. Hindi naman nawala sa mukha ko ang ngisi nang pagmasdan ang nakakatawa nilang pagtutulungan biro kay Carolino.

Ayon tuloy at namula sa inis, tawa at hiya si Carolino. Iba nga talaga ang G8, may kaniya-kaniyang mga humahanga at nagkakagusto.

"Hindi ko lubos na ninais iyon," depensa si Carolino. "Akin ngang naisip na iwan siya sa gitna ngunit huwag na lamang. Baka mapahiya pa siya sa harap ng maraming tao," paliwanag niya.

Napangisi naman ako lalo sa sinabi niya, "Oy, may pag-aalala ka naman pala tungkol sa kanyang kapakanan," ngisi ko.

Napangisi rin sila lalo dahil sa sinabi ko at umingay pa ang mesa namin dahil sa magkasabay nilang 'yiee' kay Carolino na nagpipigil tawa na sa hiya at tuwa.

"Hoy, kayo ha!" saway ni Carolino sa bawat isa sa amin. "Makakaganti rin ako sa inyo, balang araw," saka niya kami tinuturo pa.

At sa nakasanayan hindi pa nagtapos doon ang kwentuhan at tuksuhan nila sa isa't-isa. Hindi rin nagtagal at inilagay na ang mga kakailanganin sa pagkain sa bawat harap namin. May mga tagasilbi na nakapormal ng suot at naglalagay ng iba't-ibang putahe sa bawat plato. At kung nais daw na kumain pa ay tulungan na lamang ang sarili papunta sa malaking mesa na kung saan naroon ang maraming pagkain.

Nakikitawa at nakikitukso na rin ako sa kanila habang kumakain. Ngunit minsan ay tahimik lamang kami ni ate Guada. Napagtanto kong ang dadaldal pala talaga ng mga lalaki kesa sa babae sa kapanahunang ito.

Mas nakakatawa pa dahil makailang ulit pang bumabalik-balik sila sa mesa upang kumuha ng mga pagkain. Malakas din kumain.

Halos dalawampung minuto na kaming kumakain. Kasi naman, sa bawat pagkuha nila ng pagkain, dinadamihan nila para ihati sa lahat ng nasa mesa namin. Nangunguna sa kabulastugan ang walang iba kung hindi si Carolino, Gabriel at kuya Marco. Ito talagang tatlong ito ang mga pasaway sa grupo.

"Maaari ko bang makausap ang Binibining Kristina?"

Natahimik ang aming grupo at sabay-sabay kaming napalingon nang marinig ang isang boses. Aming nasilayan si Clara na bahagyang nakangiti nang nakatingin sa buong grupo namin.

Awtumatikong nahila ang aking kaliwang kilay pataas nang marinig iyon. Bakit? Ano ang kailangan niya?

Kasabay ng pag-iisip ko sa mga katanungang iyon ay siya ring paglingon nila sa aking gawi. Mabilis akong nagkibit-balikat bilang tugon.

Nilingon ko uli si Clara at nakitang nakatingin na siya sa akin. Bahagya siyang nakangiti ngunit sa kabila niyon ay makikita ang matalas na tingin niya sa akin.

"Bakit? Dito na lamang tayo mag-usap," tugon ko.

"Maaari bang hindi rito?"

Nang marinig ko iyon ay napairap ako. Ano na naman ba ang problema niya?

Napabuntong-hininga na lamang ako at wala sa sariling tumayo. Ilang sandali siyang tumitig sa akin at tumalikod na paalis na at wala sa kagustuhan akong sumunod sa kaniya.

Ano na naman ba ang problema niya at ayaw pa niyang doon kami mag-usap?

Ilang metro na ang layo namin mula kina kuya at bagot na bagot akong sumusunod sa kaniya habang siya ay binabati naman ng kaniyang mga bisitang nakakasalubong namin.

Ngunit walang ni isang segundo nang bigla siyang humarap sa akin at marahas na hinila ang aking siko. Napangiwi ako nang maramdamang may kaunting kuko ang bumaon sa aking braso.

Iniwaksi ko ang kaniyang kamay ngunit mas lalo pa niyang diniinan ang kaniyang pagkahawak sa akin at nanatili ang kaniyang mga pekeng ngiti na ipinapakita sa mga panauhing napapatingin sa amin.

"Binibining Clara." Inis na inis ko siyang tinawag ngunit binigyan niya lamang ako ng matalim na tingin.

Kung hindi lang sana masisira ang pangalan at apelyedong aking dinadala ay sigurado akong kanina pa namimilipit sa sakit ang babaeng ito habang nakahiga sa sahig.

"Pwede bang tanggalin mo ang iyong kamay sa braso ko? Sumama ako sa iyo ng mahinahon," daing ko.

Hindi siya nakinig sa akin at sa halip ay halos kaladkarin na niya ako papababa at papunta sa unang palapag ng kanilang mansiyon. Nang makarating kami roon at marahas niyang binitawan ang braso ko na halos matanggal na dahil doon.

Napakislot ako at kaagad na ininspeksiyon ang bakat ng kaniyang kuko sa aking balat. Malalim nga iyon at namumula pa.

Kaagad na nagdugtong ang aking mga kilay at napakagat ako sa aking ibabang labi at hinarap siya ng may matutulis na tingin.

Hindi rin ako nagtaka pa dahil ganoon din ang tingin na kaniyang binibigay sa akin. Mas lalo kong pinansingkitan siya ng tingin.

Sinong nagbigay sa kaniya ng karapatang saktan ako? Si Kristina. Ni si Ina nga na mismong nagluwal sa babaeng binibigyan ko ng katauhan at buhay ay hindi man lang ako nagawang pagtaasan ng kamay o kahit kurot man lang.

"Ano ba ang problema mo?!" halos pasigaw ko ng sabi.

Walang tao rito sa baba at malakas rin ang tugtog ng orkestra at mga boses ng mga panauhin sa itaas kung kaya naman ay walang nakarinig sa akin.

"Ikaw ang nararapat kong tanungin sa bagay na iyan, Binibini," nanlilisik na mga matang aniya. "Ano na namang ang iyong nais at binabalak? Sisirain mo na naman ang aking buhay?!"

Napaangat ang aking kaliwang kilay nang marinig ang kaniyang sinabi. Kasabay rin niyon ang pag-ikot ng aking isipan at binabalikan ang lahat ng bagay na ginawa ko kani-kanina lamang upang alalahanin ang kung ano mang ikinagagalit niya. Ngunit wala, wala akong ginawang masama sa kaniya.

"Ano ba ang sinasabi mo? Wala akong ginagawang masama sa iyo. Ano na naman ba ang ikinagagalit mo?"

Naaasar na talaga ako sa babaeng ito. Akala mo kung sino. Kung pag-uusapan ang edad mas matanda siya sa akin, na halata naman sa mukha niyang mukhang gurang. Pero kung ang estado ng buhay ang pag-uusapan mas angat ako. Pareho mang mayaman ang pamilya namin, si Ama ay ang Teniente Mayor ng aming bayan kaya nararapat nga na gumalang siya sa akin.

Pasalamat siya at hindi kami bati ni Ama kung hindi baka isang sabi ko lamang ay maipapatapon na sila sa ibang lugar at matatanggal ang lahat ng ari-arian nila. Batid naman ng lahat na masama ang ugali ni Kristina at kaya niyang gawin iyon ngunit alam ko namang nagtitimpi lamang siya sa babaeng ito.

Napabuga naman ng hangin sabay ismid ang babaeng nasa aking harapan. Kasabay niyon ang pag-ikot ng kaniyang mga mata at napatingin sa kawalan at napabalik ang gawi sa akin.

"Aba, hindi na nakakapagtataka. Iyon namang palaging tinatakpan ang iyong mga nakakasukang gawain at ikaw ay nagmamaang-maangan pa," naroon pa rin ang kaniyang matutulis na tingin.

Pagkakataon ko naman na mapairap. Tinatanong ko nga kung ano dahil hindi ko alam eh.

"Sinasayang mo lamang ang mamahalin kong oras," walang gana kong usal at naglakad na paalis, pabalik sa itaas.

"Ako'y huwag na huwag mong lalayasan, kinakausap pa kita," matigas na aniya nang malagpasan ko siya at kasabay rin niyon ang paghigit niya uli sa aking braso at itinulak ako pabalik sa kung saan ako nakatayo kanina.

Marahas ko naman itinakwil ang kamay niya, "Ano na naman ba kasi ang problema mo?!"

"Huwag na huwag mong aagawin sa akin si Joaquin!"

Ramdam ko ang galit niya sa bawat pagbitaw niya ng mga salita. Marahil na nga yata ay nasusugutan at nagdurugo na ako dahil sa mga matutulis niyang tingin, kung iyon pa ay kutsilyo.

"Wala akong inaagaw sa iyo!"

Para iyon lang? Ang kasintahan niya? Bakit ko naman aagawin? Nababaliw na ang babaeng ito.

"Huwag kang magsinungaling! Nakita kita, kung paano ang iyong mga mata'y tumititig sa kaniya. Pigilan mo ang iyong sarili at kahit pa sampung metro ay huwag na huwag mong ilapit ang iyong presensya sa kaniya," nanggagalaiting sabi niya.

Eh, nawawalan na yata ito ng bait eh. Bakit ko naman aagawin ang lalaking may kasintahan na? Anong akala niya sa akin?

"Kung kasintahan mo, kasintahan mo! Ako ay walang pakialam sa iyo at sa inyo!"

Hindi ko na mapigilan ang pagkairita at galit ko. Kung nagagalit siya dahil nagkasayaw kami ni Joaquin edi sana hindi na lamang sila sumali.

"Hindi ko aagawin ang pagmamay-ari mo, kahit isaksak mo pa sa baga mo! At kung gusto mo, lagyan mo ng Titulo ng Pagmamay-ari at itali mo sa katawan niya nang sa ganoon ay mapanatag man lamang ang loob mo na walang aagaw sa kaniya!"

Masyadong siyang pahalatang patay na patay sa kasintahan niya. Bakit? Natatakot ba siyang magkagusto sa iba ang kasintahan niya?

Hindi naman siya nakasagot ngunit nanatili ang kaniyang nanlilisik na mga mata ngunit nakakatawang awra.

Napailing na lamang ako at natatawang iniwan siya roon na nakalukot ang mukha sa inis. Hindi ko na siya nilingon pa uli at hinayaan na siya roon. Napabuga na lamang ako ng hangin at umiling.

Bumalik na ako sa grupo namin at nadatnan sila roong kumakain pa rin at nag-uusap. Tumabi na kay kuya.

Nilingon naman niya ako nang nakatitig na lamang ako sa pagkaing nasa aking harapan. Wala na akong ganang kumain, lahat ng rason ay dahil sa babaeng iyon.

"Ayos ka lamang ba, Martina?" usisa ni Kuya.

Tumango ako at binigyan siya ng isang ngiti. Napabitaw siya sa kaniyang hawak na tinidor at bumuntong-hininga. Halatang hindi siya naniniwala sa tugon ko dahil napailing siya.

"Ikaw ay hindi maayos, Martina," seryosong usal niya at humarap sa aking ng kaunti ang kaniyang katawan. "Sabihin mo sa aking ang totoo."

Isang ngiti ang lumitaw sa aking mukha. Bakit ba ang mga tao sa paligid ko sa kapanahunang ito ay napakamaalaga at maalalahanin?

Hindi ko naman maaaring sabihin sa kaniya ang nangyari kanina. Ayaw ko na gumawa ng gulo, ayaw ko ng lumaki pa ang paksang iyon.

"Maayos lamang ako, kuya. Wala na akong ganang kumain at saka inaantok na rin ako," palusot ko na lamang.

Napalingon naman si Agustin sa amin nang napansin niyang may sarili na kaming mundo ni Kuya, kung kaya naman ay nginitian ko na rin siya.

Dahan-dahan na tumango si Kuya bilang pagtanggap sa sagot ko at nilingon ang iba na abala sa bawat ginagawa nila.

"Nais mo na ba na umuwi? Ako ay sasama na lamang sa iyo," aniya saka bumaling uli sa akin.

Mas lalo naman akong napangiti sa sinabi niya at mabilis akong napailing. Bakit ba ang bait-bait nina Kuya? Sana, sa hinaharap may kuya akong kagaya nila eh.

"Hindi na, Kuya. Ayos lamang, kaya ko pa naman," tanggi ko sa alok niya. "Sumabay na lamang tayo sa kanila, baka may kung ano pang mangyari."

Tumango siya, "Sya, sige. Ngunit, sabihan mo kaagad ako kapag mayroon kang nais o ibig mo nang umuwi."

"Opo, Kuya," ngumiti ako.

Ngunit nawala ang ngiti ko nang mahulog ang tingin ko sa taong nahing dahilan ng sagutan namin ng Clara na iyon. Kay Joaquin.

Nakangiti siya habang kausap sina Carolino, tumatawa tungkol sa isang paksang hindi ko alam.

Ginoo, pakitali naman ng kasintahan mo nang sa gayon ay hindi siya makasakit ng iba. Masyadong na kasing napaghahalataan na siya'y patay na patay sa iyo. Sabihan mo naman siyang siya lang ang gusto mo. Bakit pa dinadamay niyo ako sa relasyon niyo?

Bumuntong-hininga na lamang ako at umiwa na ng tingin. Pinagmasdan na lamang ang kadiliman sa labas ng bintana habang hinihintay na matapos na ang kaganapang ito, nang sa ganoo'y makakauwi na ako at makatulog. Ang sakit na ng katawan ko. Ayaw ko na ring magtagal pa rito sa sinasakupan ng babaeng iyon.



Sa Taong 1890

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 18.5K 51
HIGHEST RANK ACHIEVE - #1 in Bloody Category (1 week) #2 in Brutal Category - HELL IS EMPTY. ALL THE DEVIL IS HERE - Humanda ka na Isusunod ka na ni...
7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
58.8K 1.5K 27
(Old story) Si Ava Maria Kristina Block ay gusto maging Secret Agent kagaya ng kanyang mga magulang kaya naging scholar siya sa Secret Academy, isang...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...